Tripped – Kabanata 24

April 28, 2016 By In Tripped 27 Comments

Kabanata 24
Monster

Hindi pumapasok sa utak ko ang nakalagay sa ni print na kontrata ni Riguel. This isn’t what I expected at all. Akala ko ay nakalagay doon kung hanggang saan lang kami bilang mag-asawa pero wala.

It was only stated that our marraige shall last from six months or so. That Riguel will sign the documents if I file a divorce in the U.S… and I will stay with him while we are married.

“Paano ang mga kondisyon sa halikan at asta, Riguel?”

Kanina pa siya nakatitig sa akin habang tinitingnan ko ang mga papeles.

“Hindi ba ay kapag kasal, alam na natin ang mangyayari? We can kiss, cuddle, you act as my wife, you cook for me, you take care of me.”
“Wow! Kahit walang tao, gagawin ko iyon?”

Nagdilim ang tingin niya sa akin.

“Hindi ba ay dapat sa harap lang noong Judge ang mga ito?”
“So are you saying na hindi ka rito titira dahil lang wala sa harap ng judge? If he digs further, Lilienne, mabibisto ako kaya sana ay mag cooperate ka na lang. Gusto mo ang mansyon, hindi ba?”

Tinikom ko ang bibig ko. He’s holding it against me and I have no power over it. Ang totoo, wala akong pera. Magtatrabaho pa ako para magkaroon at ni ‘di ako sigurado kung kaya kong ipunin ang halagang iyon sa loob ng anim na buwan. Ito na lang talaga ang tanging paraan ko.

For now, I’d like to concentrate on the mansion. Sa susunod na ang plantation. Dahil mas mahal iyon.

“You should out it here…” sabi ko sabay lapag sa terms na binigay niya.
“A friend of mine is going to read that. You expect me that I’d like him to know that you’re allowed to kiss me? Na kahit ang pagiging asawa mo ay kailangan pang idaan sa kontrata, Lilienne?”
“You know what? I’d like to ask you, Riguel. Do we tell the people that we’re only marrying each other for this reason or not? Kasi naguguluhan ako. Isesecret ba natin ang mga rason natin o sasabihin sa lahat?”

Nagtaas siya ng kilay sa akin. I swallowed hard at his look. Ang hirap ng ganito. Hindi ko yata ito matatagalan!

“Kung malaman ni Judge na nagsisinungaling tayo, hindi mo mababawi ang mansyong ito. Deal. Tell everyone that I’m marrying you for that,” sarkastiko niyang sinabi.

Tumigil ako ng saglit. Kailangan kong maalala kung bakit nga ba ako magpapakasal sa kanya. Kailangan kong maalala ang aking pamilya. That I’m doing this for them. Kasi kung iisipin ko lamang ang mansyon ay umuurong na ako. Money is worth nothing compared to what he is asking me. Kung hindi lang ito tungkol sa aking pamilya ay kanina pa ako umalis dito.

“Fine!”

Umangat ang gilid ng kanyang labi. Ayaw ko na siyang tingnan. Nilapitan ko ang kanyang lamesa at nilapag ko roon ang terms na walang kwenta.

“I can kiss you,” aniya.

I forced myself to relax at his statements.

“Well, when there is a need to. You should act as my wife so when the people around us are asked, they can tell what’s natural. We will live in the same house wherever I go. You are going to stay in my room. Sleep in my room.”

Habang iniisa-isa niya iyon ay para akong nangingilabot. Hataw na hataw ang puso ko sa kaba at hindi maipaliwanag na nararamdaman. Nanatili naman ang mukha kong galit. I hate that it looks so normal to him.

“It will be done on the Mayor’s office tomorrow morning. Are you here alone?”

Natigilan ako sa tanong niya. Walang nakakaalam na patay na ang pamilya ko. Simula nang dumating ako rito, si Roselle lamang ang nasabihan ko. I’m sure Nana Sela didn’t know. I’m sure Manong Luis, too.

Ayaw kong sabihin kay Riguel. Ayaw kong kaawaan niya ako. Hindi ko naman alam paano sasabihin kay Nana at kay Manong Luis. Siguro ay darating din ang panahon na masasabi ko iyon sa kanila.

“Yes. Mag-isa akong umuwi. So… it’s a civil wedding?”

Ngumuso siya at nanatili ang mga mata sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya dahil ang tagal niyang sumagot. It’s a simple question and I already know the answer. I just want him to say it.

Obvious ba, Lili? Kaya nga sa Mayor’s Office ang ganap, ‘di ba?

“If you want a church wedding, we need at least a week, right? You have to plan for your dress, your entourage, and-”
“Right! Kaya dapat civil na lang at baka gumastos ka pa. Fine!”

Natahimik siya. Humalukipkip ako roon at hinintay siyang magsalita pero wala. Nanatili siyang nakatingin sa akin na tila ba malalim ang iniisip.

“Are you sure you won’t invite your family?” he asked.
“No. I can do this alone. Nasa Amerika na sila at wala na silang pakealam sa nangyayari rito sa Pinas.” Which, I’m talking about my other relatives not my parents and Yeshua.
“Are you going to call them to inform them about this?”
“After everything. They don’t have to know. Paniguradong pagbalik ko ng U.S. ay divorce na ang inaasikaso ko roon kaya ‘di na importante ito…”

He scowled at me. Bumaba rin agad ang mga mata niya sa dokumento.

“I’m going to the municipal hall right now to meet my lawyer. I want to see his copy of Deed of Sale…”

Tumayo siya at inayos ang manggas ng kanyang long sleeves.

“Mabuti at pupunta rin ako ngayon doon para kausapin si Mayor tungkol bukas. We’re skipping some important rules before a civil wedding. I need to explain it to him. Plus, we’re going to sign the contract there.”

Ano ang ibig niyang sabihin? Na magsasabay kaming pumunta sa munisipyo? Mag tatricycle na lang ako huy!

“Whatever. I’m going now,” sabi ko at tinalikuran siya.

Bumagabag sa aking pag-iisip ang tungkol sa pagkakausap ko kay Nana Sela at Manong Luis. Kaya lang ay pakiramdam ko ‘di pa ako handa kung sakaling tanungin nila ako tungkol sa aking mga magulang at kay Yeshua.

Also, I need to inform Suki. Kahit si Suki na lang. I don’t need to inform my relatives since this is all just for show.

Lumabas ako sa Study ni Riguel. Sumunod naman siya sa akin. Walang imik akong naglakad pababa ng magarbong hagdanan namin.

Nilingon ko ang frame ng aking pamilya. I forgot to ask him about the frame. Why did he preserve it there? I don’t want to overthink. Siguro ay wala lang talaga siyang mailagay. Given that he’s single.

Kumusta naman kaya ang kanyang Lola at Lolo?

Tumayo si Manong Luis sa sofa nang nakita kaming pababa. Tila ba ay may inaasahan siya sa amin. Si Nana Sela ay expressionless na naka upo sa sofa. Pumungay ang mga mata ko sa kanya. I wish I was strong enough to explain to her what happened.

“Magkakaroon ng simpleng handaan bukas dito. Paki sabi po sa mga kasambahay, Nana Sela. Magpapakasal po kami ni Lilienne.”

Humalukipkip ako. Ayaw kong tingnan sa mga mata si Manong Luis. Napawi ang ngiti ni Manong Luis nang nilingon ako. Parehong expresyon naman ang ibinaling ni Nana Sela sa akin.

“Agad-agad, Riguel?” tanong ni Nana Sela.
“Ikaw na, Manong Luis, ang pumunta sa bahay namin para sabihin kay Lolo at Lola. Hindi na nila kailangang pumarito mamaya. Bukas na lang kami magkita-kita sa munisipyo at dito na rin para sa simpleng handaan.”
“Sige, Riguel…” ani Manong Luis at sumulyap ulit sa akin. “Sino ang iimbitahan mo, Lili?”
Umiling ako. “Wala…”
“Lilienne, kahit ang mga kaklase mo noon ay hindi mo iimbitahan? Si Suki? Ang iba mong mga kaibigan?” si Nana Sela.

This is a fucking pain in the ass. Do I need to invite them? It’s just a freaking civil wedding with this jerk.

“Susubukan ko po si Suki. Gusto ko po ng simpleng event. Ayaw kong maraming tao.”
“Oo nga naman, Lilienne. How about your other friends? I’m sure you have new friends?” si Riguel.

Pagod ko siyang tiningnan. His playful smile annoyed me.

“No. Suki will do… Aalis na po muna ako at pupunta ng munisipyo,” paalam ko.
“Dito ka na maghapunan, Lilienne. Dito ka ba uuwi mamaya? Riguel…” ani Nana Sela.
“Dito siya uuwi mamaya, Nana.”

Napatingin ako kay Riguel. Kasali ba iyon sa usapan? Ang akala ko ba ay kung kasal na kami ‘tsaka ako titira sa aming mansyon?

“Where are you staying anyway?”
“May bahay naman akong tinitirhan. Kina Suki sa bayan kaya ayos lang. Naroon ang mga gamit ko kaya roon na ako matutulog.”
“Lilienne, hindi ba ay wala nang tao sa mga Iwamoto? Delikado roon kaya rito ka na matulog mamaya. Pareho parin naman ang iyong kwarto. Hindi ginalaw ni Riguel iyon.”
“Bakit pa kailangan sa kanyang kwarto gayong magpapakasal naman kami bukas, Nana Sela?”

Iritado kong binalingan si Riguel. I can’t believe he’s serious with what he just said!

“Riguel, bukas pa ang kasal n’yo. Sa gabi ng kasal ay dapat ‘di nagtatabi ang mga ikakasal.”
“Nana, ayos lang po kung kina Suki-”
“Lilienne, hindi ka pa rin nagbabago. Matigas parin talaga ang ulo mo. Kung ano ang gusto mo, iyon ang masusunod. Hanggang dito ba naman?”

What the hell? Nawalan ako ng sasabihin. Ngumisi si Riguel at umaliwalas ang kanyang mukha.

“Kukunin namin ang gamit ni Lilienne sa bahay ng mga Iwamoto. Iuuwi ko siya rito mamaya, Nana.”
“Mabuti, Riguel…”

Natakasan ko rin si Nana Sela. Mahigpit na siya noon pero hindi ganito kahigpit. Ganyan ba talaga kapag sobrang tanda na?

Nauna na ako palabas. Nilakad ko na naman ang layo ng mansyon sa gate nang biglang may nag revolution sa likod ko.

Nilingon ko ang isang malaking all-black pick up na may malaking FORD sa harap.

Bumaba ang bintana ni Riguel at nilagay niya ang kanyang braso roon.

“Taga Alegria ka. Alam mong wala masyadong dumadaang tricycle sa labas ng bahay n’yo. Pareho ang tungo natin. Sumakay ka na,” aniya.

Gustong gusto kong ipamukha sa kanya na wala akong pakealam at mag-aantay ako sa gate hanggang sa may tricycle akong makita. Kaya lang ay mag aalas singko na. Kapag nagtagal pa ako ay baka ‘di ko na maabutan ang abogado sa munisipyo.

Umikot ako at binuksan ang kanyang pintuan sa driver’s seat. Pumasok agad ako at inayos ko ang sarili ko. Nilingon ko siya at galing sa aking suot ay binaling niya ang kanyang mga mata sa kalsada.

“Una tayo sa munisipyo. Pagkatapos sa bahay nina Suki.”

Gusto ko na namang umangal kaso lang naalala ko ang sermon ni Nana Sela kanina. Maiisipan ni Riguel na matapang ako kapag ‘di kaharap si Nana kaya tumahimik na lang ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Suki. Siya lamang ang sasabihan ko nito.

Ako:
Suki. Riguel is the owner of our land. May offer siya sa akin an ibabalik niya ang mansyon kung papakasalan ko siya. Magpapakasal kami bukas.

Pagkasend noon ay ‘tsaka ko pa lang napagtanto kung gaano ito ka baliw na ideya. Pumikit ako at inisip ulit ang aking pamilya. Inisip ko na iyon lamang ang dahilan ng mga ito para lang mabuhayan ang loob ko.

“You texted Suki?” he asked.

May pagkamanghuhula rin ang isang ito! Nilingon ko siya.

“She won’t come here tomorrow. May trabaho iyon. Sinabi ko lang.”
“We will only have a few guests. If that’s how you want it. Si Lola at Lolo lamang, mga kasambahay, iilang kaibigan noon.”
“Kaibigan mo…” Isabella Thomas for short.

Hindi siya kumibo. Awkward ang naging byahe papuntang munisipyo. Wala akong masabi at ‘di na rin siya nagsalita. Pagkapark niya ay bumaba na agad ako.

Inayos ko ang aking buhok at ang aking damit. Bumaba siya at pinatunog ang Ford.

Nauna siyang umakyat sa magarbong hagdanan ng munisipyo.

“Attorney Alleje!” isang babae ang bumati sa kanya.

Hinawakan pa noong babae ang kanyang braso. Hinawakan ni Riguel ang balikat noong babae. Napangiwi ako.

“Magandang hapon, po! Napadaan ka?” the girl was all smiles.

The other young employees stopped by to see him too. Siguro ay nasa mga eighteen to twenty ang mga edad ng mga hija’ng ito. Bumagal ang lakad ko.

“Kakausapin ko lang si Mayor. Nariyan ba siya? At may papapirmahan ako kay Attorney Abella.”
“Nariyan po sila sa loob,” excited na sagot noong isang medyo kulot ang buhok.

Nilingon ako ni Riguel at tumigil siya sa paglalakad.

“Unang pintuan ang opisina ng Attorney ng Daddy mo. Bilisan mo at kakausapin ko muna si Mayor. Pagkatapos ko ay babalikan kita para sabay tayo kay Attorney Abella.”

Napatingin ang mga babae sa akin. Kulang na lang ay tanungin nila si Riguel kung sino ako at bakit pinagtutuunan niya ako ng pansin.

“Okay…” sabi ko.

He dropped me at the door of my Dad’s lawyer. Dumiretso siya sa looban kung nasaan siguro ang opisina ng Mayor.

May katandaan na ang lawyer ni Daddy. Medyo nanginginig na nga ang kamay nang datnan ko. May sekretarya siyang halos ‘di tumitingin sa paligid dahil sa mga papeles na tinitingnan.

“Attorney, magandang hapon po. Ako po si Lilienne Ylena Altamirano, anak ni Martin Altamirano. Iyon pong may ari ng estate sa La Santa sa harap ng flower plantation.”
“Ha?” ngumiwi pa si Attorney.

Humugot ako ng malalim na hininga. Bingi pa yata! Gusto ko sanang ikwento ang nangyari kay Daddy kaso mahihirapan ako kung ganito.

“Excuse me po, ma’am…” tawag ko sa sekretarya.

Sinipat lamang niya ako at nagpatuloy sa pagtitingin ng mga papeles. Hinarap ko muli si Attorney. Determinadong mas lakasan ang boses ko.

“Iyong lupa po ni Martin Altamirano! Gusto ko pong makita ang Deed of Sale!” sigaw ko.
“Ha? Martin sino?”

Tumayo ang sekretarya. Siguro ay nairita sa ginawa kong pagsigaw. Walang imik niyang hinanap sa mga drawer ng mga papel ang isang bagay.

“Attorney!” mas malaking boses niya. “Martin Altamirano iyong sa La Santa! Ibibigay ko sa kanya ang Deed of Sale! I.D. mo, miss! Upo ka muna!”

Tumango ako at agad nilapag ang aking I.D. malapit sa kanya.

Ilang sandali pa akong nag-antay na mahanap noong babae ang mga papeles. Ngi-ngiti ngiti lang si Attorney sa akin habang nagkakape. I wonder if he still functions now that he can’t even hear properly?

I imagined Riguel in his old age na ganyan. Kamuntikan na akong humagalpak sa tawa. Kung ‘di lang ako nilingon noong sekretarya ay humagikhik na ako.

“Heto na. Eto naman ang I.D. mo. Papirmahan na lang na kinuha mo ito. Iniwan lang naman yata ito ni Martin Altamirano rito…”

Tumango ako at pumirma na sa logbook. Tiningnan ko ang Deed of Sale.

The Buyer shall pay the seller the amount of Four Million Pesos (Php4,000,000) in cash upon signing of this contract with the balance of Four Million Pesos (Php4,000,000) payable upon presentation of the title transfered under the name of the buyer.

The mansion was sold for 8 Million pesos! Kung ganoon kung babayaran ko si Riguel, apat na milyon ang ibabayad ko sa kanya?

“Maraming salamat po!” sabi ko.

Lumabas na ako ng opisina. Saktong pagdating nI Riguel galing sa kung saan siya nanggaling. Tinupi ko ang Deed of Sale at nilagay sa loob ng aking bag. Taas noo ko siyang hinarap.

“Saw it?” he asked.
Tumango ako. “Nasaan ang Attorney Abella na sinasabi mo?

Dahil hindi ko maaafford iyon! At least I can probably afford a divorce abroad! Not that four million balance, dammit!

Pumasok kami sa isa pang opisina roon. Medyo may kabataan pala si Attorney Abella at nang pumasok ako ay nanatili ang mga mata niya sa akin.

Kung hindi lang pumagitna si Riguel at nilapag sa harap niya ang mga dokumento ay siguro nanatili siyang nakatitig.

“What’s this?” tanong ni Attorney Abella.

Kumuha si Riguel ng ballpen at pinirmahan ang bawat papel na naroon. Pagkatapos ay nilingon niya ako.

“It’s a contract…” ani Riguel.

Pinapirmahan niya sa akin lahat ng pahina ng kontrata. Habang ginagawa ko iyon ay nakataas ang kilay ni Attorney Abella sa akin.

“Contract for what?”

Binigay ni Riguel sa kanya ang isang kopya noon at binasa ng mabilisan ng Attorney. Umiling ito pagkarating sa pangalawang pahina.

“What is this a fixed marraige?” tanong ni Attorney Abella.
“No. It’s a pre nuptial agreement. Look at the header.”
“Don’t fool me, Alleje…” nilingon ako ni Attorney Abella. “Hindi ito ‘yong girlfriend mo, ah?”
“Damn you, Abella!”

Nag-iwas ako ng tingin at nag-isip ng mga maliligayang alaala.

Girlfriend? May girlfriend siya? Bakit hindi iyong girlfriend niya ang gawin niyang asawa nang magkatotohanan na?

“Alright. Alright!” sabay tawa ni Attorney.

Narinig ko ang bawat tuldok sa pirma ni Attorney. Pagkatapos ay binalingan agad ako ni Riguel. This time his expression is hard. I looked at him the same way too.

“Let’s go and get your bags…”

Hindi na ako nagsalita. Hinintay ko munang lumabas kami sa munisipyo bago ako nagsalita.

“May girlfriend ka pala, bakit ‘di siya ang niyaya mong magpakasal?”

His lips curved. Umiling ako at inirapan siya.

“Dapat pala nating lagyan sa kontrata na wala dapat selosang maganap, ‘di ba?”

Ang kapal naman talaga ng apog ng lalaking ito at inaakusahan pa akong nagseselos? Hinarap ko siya.

“FYI, I am not jealous. I’m just giving you a better plan,” sabi ko.
“Kung iba ang inofferan ko, ibig ba noong sabihin na ayaw mo na sa mansyon?”

Fuck him and his fucking logic!

“Whatever! At kapag susugurin ako ng girlfriend mo dahil lang sa kasal tayong dalawa, idedemanda ko kayong dalawa ng… adultery or whatever!”

Humagalpak si Riguel. Uminit ang pisngi ko sa tawa niya.

“Dapat din palang nilagyan ko ng bawal makealam sa kontrata, ‘di ba?”

Para akong puputok sa galit dahil sa panunuya niya. Pinatunog niya ang kanyang sasakyan. Tinalikuran ko siya at nagmartsa ako palayo. Ngayon may tricycle na rito e ‘di magtatricycle ako! Hindi ko na kailangang magtiis pa sa ugali ng lalaking iyon!

Pumara agad ako ng tricycle.

“Lilienne!” iritado at punong puno ng pagbabanta ang boses niya.

“Kina Iwamoto po…” sabi ko sa tricycle at sumakay na ako.

Iniwan ko siya roon. Ilang sandali at ‘di pa nakakalayo ang tricycle ay nakasunod na ang Ford sa gilid. Hinarurot niya ang sasakyan at iniwan ang tricycle.

“Fuck you, Riguel Alleje!” sigaw ko nang nalayo na ang sasakyan.

Wala na akong pakealam sa anong iisipin ng driver. Iniwan ako ni Riguel. Baka nauna nang umuwi at nairita.

Naalala ko tuloy ulit ang totoong motibo ko. Kailangan ko nga palang mabawi ang mansyon!

Kinabahan agad ako. Fuck, Lilienne! Everyday, you need to swallow your pride. Dapat ay ‘di ko na pinatulan ang lecheng lalaking iyon!

Kinuha ko ang cellphone ko kahit alam kong wala akong numero sa kanya. Nabasa ko tuloy ang mensahe ni Suki at iilang missed calls niya.

Suki:
What the hell, Lili? Is that for real?

Suki:
Answer my calls! Dammit! Are you okay?

“Dito ka na, Miss?” anang driver sa akin at tumigil sa tapat ng bahay nina Suki.

Pagkaangat ko ng tingin ay naroon na ang Ford at si Riguel ay lumapit agad sa tricycle. Galit na galit siya nang lumabas ako.

“Anong ginawa mo?” tanong niya.
“Ano?” defensive kong tanong kahit na alam ko iyon.

He licked his lower lip. Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok.

“Huwag na huwag mo nang uulitin iyon sa akin! Para kang bata!” aniya.
“Ikaw ang parang bata! Lawyer ka nga, ang dami mo namang ‘di nalagay sa terms mo! Pa terms terms ka pa! Ilagay mo lahat ng gusto mong ilagay diyan! Bawal pakealaman ang personal na buhay! Bawal makealam sa relasyon ng isa’t-isa! Ilagay mo ang lahat ng ‘yan diyan, Riguel! Wala akong pakealam, gago ka!”

Nagmartsa ako papasok ng bahay nina Suki. Kabadong kabado pa ako dahil sa pagdadabog ko, muntik ko nang nawasak ang pintuan nila!

“Where’s your bag?” tanong niya.

Hinarap ko siya. Pinasadahan niya ng tingin ang buong bahay na puno ng alikabok.

“Nasa taas. Kunin mo…” maarte kong sinabi sabay halukipkip.

Agad niyang inakyat ang hagdanan. Umirap ako at agad nangilid ang luha ko.

Fuck this life. Am I doing this?

Ilang sandali ang nakalipas ay bumaba na siya dala ang luggage ko. Hinarap niya ako nang nakababa na siya.

“Mauna ka na palabas. Ako na ang magsasarado nito.”

Umirap na lang ako at hinayaan siya sa gusto niyang gawin. Kailangan kong tiisin ang lahat ng ito. Ang kagaguhan ni Riguel at ang lahat lahat ng nararamdaman ko para lang mabawi ulit ang mansyon.

Lilienne, ito na lang ang hinihingi sa’yo hindi mo pa kailangang magtiis?

Pinatunog niya ng dalawang beses ang Ford. Agad akong pumasok sa loob. Pinasok niya sa back seat ang aking luggage bago siya pumasok sa driver’s seat.

“Bukas na natin kitain sina Lolo at Lola. Hindi ko ipapaalam sa kanila ang katotohanan ng kasal nating ito.”

Nilingon ko siya. I can’t believe that Riguel is such a monster. Kahit sa grandparents niya ay kayang kaya niyang mag sinungaling!

“You can do that to them, Riguel?” tanong ko.

Hindi siya kumibo.

“Your hunger for power can change you to this? Kaya mong magsinungaling sa kanila?”
“Why? You can even marry someone you don’t love in exchange for a property, Lilienne. Anong pinagkaiba ng gagawin mo sa gagawin ko?” malamig niyang tanong pabalik.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

27 Responses to Tripped – Kabanata 24

  1. I really feel you Liliene! Fight lang ng fight para sa pamilya mo. Mahal ka pa din naman ni Riguel for sure..

  2. Para-paraan dn c Riguel if i know ayaw lng niyang mawala c Lili ulit…hahahaha,..buntisin mo Riguel para madali ang buhay.. eh Rozen Elizalde mo hahah

  3. Hi, I do believe this is a great web site. I stumbledupon it 😉 I may
    come back once again since i have bookmarked it. Money and freedom is the greatest way to change, may you
    be rich and continue to guide other people.