Tripped – Kabanata 22

April 28, 2016 By In Tripped 2 Comments

Kabanata 22
Owner

Pagkagising ko kinagabihan ay naghanda na ako. I used Suki’s bathroom to shower and get dressed. Pagkatapos kong magbihis ay siyang pagdating ni Suki sa trabaho.

“Ganitong oras ka lagi dumarating galing trabaho?” tanong ko.

It’s almost nine in the evening. Naiisip ko tuloy kung anong oras naman ako darating kapag nagtrabaho ako sa kanila.

“Oo, ‘no. Minsan mas matagal pa. Inagahan ko lang ngayon kasi ihahatid ka pa sa terminal ng bus.”

Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya na ako kasama ang kanilang driver. Gusto niya ngang ihatid na ako ng driver patungo sa Alegria ngunit ‘di na ako pumayag.

Pagkasakay ko sa bus ay laking pasasalamat ko na ako ang nasa gilid ng bintana. That way, I won’t get bored and I can still see where I am.

Hindi ako masyadong inantok sa byahe. Nanood ako ng movie, nag soundtrip, nanood ng mga ilaw sa labas, at nagawa ko pang gumawa ng ilang social networking profiles. Alas dos yata nang nakatulog ako sa bus.

Alas syete y media nang dumating ako sa Alegria. Sa terminal ay para akong ‘di makapaniwala na nandito na nga ako. Nanatili pa akong nakatayo ng ilang sandali sa terminal ng bus sa Alegria.

Iniisip ko kung anu-ano ang mga pagbabago sa probinsya. At kung handa ba ako sa lahat ng pagbabagong iyon.

Pumara ako ng tricycle. Nirentahan ko na ng buo para sa aking luggage na napakalaki. Medyo may kabataan pa ang nagdadrive kaya hindi ako kilala.

Kina Suki ako dumiretso para kumain ng almusal at mag-ayos bago ang lakad ko. Sa byahe sa tricycle ay manghang mangha ako sa mga pagbabago. May iilang mga commercial building akong nakita sa bayan.

Nadaanan namin ang soccerfield sa harap ng simbahan at halos pareho lang naman ito noon. Mas gumanda nga lang ang simbahang luma. Mukhang pinagtuonan ng pansin. At mas kulay berde naman ang soccerfield ngayon. Is it just me or mas dumami rin ang puno?

Natulala ako sa daan habang bumabyahe. Naiisip ko ulit ang lahat. Naisip ko si Yeshua, si Mommy at Daddy, at ang lahat ng aming alaala.

Naisip ko iyong kalagayan namin noong bata pa kami ni Yeshua. Who would have thought that they’ll leave me after a few years? Kung nalaman ko lang sana noon na ganito ang mangyayari… Bakit laging nasa huli ang pagsisisi.

“Dito po ba, Ma’am?” tanong ng driver.
“Ah! Opo…”

Tinulungan niya ako sa pagdiskarga ng gamit. Kantyaw pa ang inabot niya nang nakita ng iilang kapitbahay nina Suki.

“Oy, Felipe! Ikaw ha! Dahil maganda sakay mo, todo tulong ka naman!”

Napangiti ako nang nagtawanan sila.

“Dito na lang po. Ako na ang bahala…” sambit ko sabay kuha sa aking luggage.

Pumula ang pisngi ng driver at nagkamot ng ulo. Ang mga kapitbahay nina Suki ay panay ang tingin sa akin. Tila ba iniisip pa nila kung sino iyong dumating.

“Ikaw ba ang anak ni Iwamoto?” tanong noong matanda na tumatambay lang sa labas ng isang malaki at lumang bahay.
Umiling ako. “Hindi po. Makikitira lang ako rito. Kaibigan po kami ni Suki…” sabi ko.

Umalis na ang tricycle kaya nagsimula na akong pumasok sa gate.

“Ganoon ba? Pamilyar ka kasi sa akin…” aniya.

Ngumiti lamang ako. I wonder if they’ll remember me as Lilienne Altamirano?

Pumasok na ako sa bahay nina Suki. Naroon pa ang mga muwebles, wala nga lang tao. Tinabunan lamang ito ng mga puting tela at medyo puno ng alikabok. If I’ll stay here for days, then I think I’ll need to clean this place first.

Siguro ay iyon ang gagawin ko bukas pagkatapos kong bisitahin ang bahay nina Nana Sela ngayon. Kailangan ko munang iparating sa kanila na nandito ako.

Kumusta na kaya ang matanda? Ayos lang kaya si Nana Sela pagkatapos ng ilang taon? Sana nga.

Ang kusina ang una kong nilinisan dahil doon naman ako kakain. Ang luggage naman ay inakyat ko muna sa kwarto ni Suki pagkatapos ay tinawagan ko na siya.

“Pasensya na talaga, Lili. Hindi na nalinisan iyan dahil ilang taon na rin,” ani Suki.
“Walang anuman. Gusto ko nga rito, e. Madali lang makapunta sa munisipyo.”
“O, e ‘di pupunta ka ngayon kina Nana Sela? Alam mo pa ba ang bahay nila?”
“Medyo. Ang importante alam ko kung ano ang address.”

Pagkatapos ng tawag ay naligo at nagbihis na ako. Saktong ala-una nang lumabas ako ng bahay. Naghanap ako ng tricycle para makapunta na kina Nana Sela. Kinailangan ko pang doblehin ang pamasahe dahil mahirap ang pumunta roon kaya wala masyadong pumapayag.

Pagkaupo ko ay may naalala tuloy ako. Pilit kong isinantabi iyon at binusog ang mga mata sa tanawin sa Puertonera.

Nakita ko ang daan patungo sa aming bahay. Halos mabali ang leeg ko sa kakasunod ng tingin doon.

Hindi mawala sa utak ko ang itsura ng dati naming bahay. It’s made of both hardwood and concrete materials. Ang ibang muwebles at gamit ay naroon pa. Hindi na namin iyon dinala. Kasali iyon sa binenta ni Daddy.

At sa kalagitnaan ng pag-iisip sa bahay namin ay naisip ko rin ang bahay nina Riguel bago sa amin. I wonder if his grandparents are still okay? Nasa mga sisenta na siguro iyong Lolo at Lola niya bago kami umalis ng Alegria.

I wondered about Tinago. Is it still the same? It’s beauty?

Nilingon ko ang kalangitan at galing sa tricycle ay natanaw ko ang Tereles Peak. Parang kinukurot ang puso ko habang pinagmamasdan iyon. Naiisip ko na noon ay parang wala lang sa akin tuwing nakikita ko ang tanawing iyan. Ngayon ay parang gulat na gulat pa ako.

“Dito lang…” sabi ko nang nakita ang daanan patungo sa kubo nina Nana Sela.

Maglalakad pa ako ng higit isang kilometro bago marating iyon. Pinagmasdan ko ang suot ko. I’m wearing an all black attire. Black pencil skirt, black sleeveless blouse, black bag, and stilletos.

“Shit!” mura ko sabay face palm.

Bakit nga ba ‘di ko naisip na maghahike nga pala ako? Ang inisip ko lang ay maaaring pumunta kami sa munisipyo kaya ito ang sinuot ko.

Tiniis ko ang paghahike ng ganito ang suot. Tumawid pa ako ng mga tatlong kawayang tulay. Hindi naman ako lampa ngunit dahil sa lintik na stilletos ay nawawala ako sa balanse.

Nang natanaw ko na ang tatlong kubo sa ‘di kalayuan ay guminhawa ang pakiramdam ko. Isang bata ang unang nakakita sa akin at nagtatakbo siya sa kanyang ina nang nakita ako.

Bitbit palabas ng bahay ang kanyang ina ay tinuro ako ng bata. Kumaway ako pababa ng isang maliit na burol. Nanliit pa ang mata ni Roselle nang nakita ako. Siguro ay ‘di niya na ako naaalala.

“Hi! Good afternoon, Roselle!” bati ko.

Iilang mga tao ba ang lumabas sa mga kabahayan. Nilapitan nila ako at tiningnan mula ulo hanggang paa.

“Si Lilienne Altamirano po ito…” sabi ko.

Tiningnan kong mabuti kung naroon ba si Nana Sela sa kanila ngunit wala. Kinabahan tuloy ako.

“Lilienne Ylena?” ani Roselle.

Si Roselle ay isa sa mga anak ni Nana Sela. Ngumiti ako nang nakilala pa.

“Kumusta ka na, Lilienne! Kumusta na kayo? Kasama mo ba ang pamilya mo? Si Yeshua?”

Para ako nabilaukan sa tanong niya.

“Pasok ka muna sa amin! Napasyal ka? Pasensya ka na sa barong-barong naming bahay…”
“Roselle, huwag na. Hindi rin naman ako magtatagal dahil marami pa akong gagawin. Si Nana Sela sana ang sadya ko rito… Kumusta na siya? Kayo?”
Kumunot ang noo ni Roselle. “Ay oo nga pala. Hindi ka ba umuwi sa inyong mansyon?”
Umiling ako. “Naibenta na iyon.”
“Ang akala ko nasa kasunduan na pwede ka pa roon dahil kalahati pa lang naman ang nabayaran.”
“Wala kasi akong alam sa kasunduan dahil si Daddy at ang broker ang gumawa noon.”
“Asan na ang Daddy mo?”

Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang sumagot sa tanong niya. Ayaw ko pa sanang pag-usapan.

“Wala na siya, e…” I was surprised at my tone.
“W-Wala na? Si Uncle Martin, wala na?”
Umiling ako. “Pati si Mommy at Yeshua…”

Natulala si Roselle sa sinabi ko. Nagkatinginan ang mga taong naroon. Siguro’y mga kamag-anak nila. Tumango na lamang ako. Pilit na inaayos ang disposisyon.

“Ah… Ah… Hindi namin alam,” ani Roselle. “Pasensya ka na, Lili…”
“Hindi. Hindi rin naman talaga namin iyon pinaalam. Nandito ako ngayon para sana makausap si Nana Sela tungkol sa bahay namin.”
“Si Nanay ay nasa inyong mansyon parin. Pinayagan siya ng bagong may ari na roon tumira kaya nandoon pa siya.”
“Kung ganoon…”

Pinagmasdan ko ang kanilang mga kabahayan. I came to a wrong place! I should have known! But who on their right minds would let our old maid live on our mansion, right? It doesn’t make sense.

Hindi na ako nagtagal doon. Hindi ko nasabi ang buong detalye ng pagkamatay ni Daddy at Mommy, pati kay Yeshua. Hindi rin naman nila tinanong. Mabuti nga’ng ganoon dahil hindi ko alam kung kaya ko ba.

Hinatid ako ni Roselle at ang lalaking anak ni Nana Sela patungo sa highway. Sila pa ang nagtawag ng tricycle para ipahatid ako sa La Santa.

“Huwag n’yo na akong ihatid. Basta’t sigurado namang naroon si Nana Sela?” tanong ko.
“Oo.”
“Ang may ari ba, naroon?”
“Si Attorney? Minsan kapag narito siya sa Alegria, Lili, doon siya tumutuloy. May bahay din siya sa La Santa kaya kung wala man siya roon ay baka nasa kabila. Pero mas madalas nasa Maynila siya, e. Doon kasi siya nagtatrabaho.”
Tumango ako. “Sige. Sana naroon siya para na rin makausap ko kung sakali…”

Pagkasakay ko ng tricycle ay pinroseso ko ang lahat. Pupunta ako sa La Santa ngayon. Madadaanan ko ang bahay nina Riguel. Pagkatapos ay makikita ko ang mansyon namin.

Iniisip ko pa lang ang mansyon ay nasasaktan na ako.

Pagkaliko ng tricycle sa La Santa ay kumalampag na ang puso ko. I’ve never felt this way before. I’ve never been this nervous for years.

Papalapit kami sa bahay nina Riguel ay para akong kiti-kiting ‘di mapakali. At nang nadaanan ko na ay naiwan ang mga mata ko roon.

Their house is made of light materials and kind of old before. Ngayon ay parang ginagawa niya. Ang unang palapag ay naging concrete. Wala pang pintura dahil mukhang kasalukuyan pang inaayos talaga.

I wonder if he’s there?

So what if he’s there?

Kung nariyan man siya, masasaktan lamang ako.

Nang tumigil ang tricycle sa gate namin ay nagulat ako. It was so shiny. Para bang inalagaang mabuti ng bagong may-ari nito.

May guard na rin doon. Noon ay ‘di kami masyadong naglalagay dahil umaasa kami sa mga lalaking kasambahay at driver.

“Sino pong sadya nila?” tanong ng guard.

Parang kinukurot ang puso ko habang tanaw ang aming bahay sa malayo. Dati ay labas pasok ako rito. Ngayon ay halos ‘di na makapasok.

Yeshua, I promise you I’m going to take this land for you. I promise, I’ll treasure this. This is the symbol of our memories. Ngayong nasa harap na ako ng mansyon ay mas lalong nadepina ang kagustuhan kong mabawi ito. Mas lalo kong naramdaman si Yeshua. Mas lalong lumakas ang usig ng aking konsensya.

I’m getting this no matter what.

“Ako po si Lilienne Altamirano. Ako po ang anak ng dating may-ari. Gusto ko po sanang kausapin si Nana Sela…” sabi ko.

Tumango ang guard at kinuha ang telepono. Tinalikuran niya ako at may sinabi siya sa kabilang linya. Umabot pa ng mga tatlong minuto bago ako pinapasok sa sarili kong bahay.

Nilakad ko ang kalayuan ng gate patungong mansyon. Pinasadahan ko ng tingin ang mga puno na matatayog at matitingkad na berde ngayon. Napansin ko rin ang isang bagong tanawin doon. Nakakita ako ng isang fountain na may mga anghel.

Lumingon ako sa kaliwa kung saan matatanaw ang aming plantation. I saw groups of red flowers from there. Natigilan ako. Ilang sandali ang lumipas ay naglakad ako patungong plantation, completely forgetting about the mansion.

And then I saw it… our plantation reborn by the flowers planted on its land! Marami at punong puno! Simula sa pinakamalapit sa bahay hanggang sa kaya mong tanawin ay nataniman ng mga bulaklak!

My breath hitched. I can’t believe it’s this amazing right now. Akala ko ang dadatnan ko rito ay mga tuyong bulaklak at matamlay na lupa.

Ilang saglit pa bago ko naalala ang mansyon. Nilingon ko iyon at pinagmasdang mabuti.

It was repainted. Luma na ito nang umalis kami at ngayon ay parang naging bago. Nakita kong may lumabas sa double doors namin.

Nagsimula na ulit akong lumapit roon. Nilingon ko ang garahe ngunit hindi kita ang nasa loob. Isang may katandaang babae ang naabutan kong nagwawalis.

“Hello po!” bati ko.
“Uy! Ikaw ba ang itinawag na bisita raw?” tanong ng babae.

Nakauniporme ito bilang kasambahay. Tumango ako at ngumiti.

“Sino ang sadya mo? Si Nana Sela ba?” tanong niya.
“Oo sana. Nariyan ba siya?”
“Nasa kanyang kwarto. Lalabas din yata iyon. Pasok ka…”
Umiling ako. “’Di na. Nakakahiya. Nariyan ba ang amo mo?”
“Si Attorney? Opo. Nasa kanyang office.”
“Ganoon ba?”

Binuksan ng kasambahay ang double doors at doon ko nakita ang pagbabago ng aming bahay. Ang terrace sa baba ay mas lalong lumuwang. Hinihipan ng hangin ang mga puting kurtina sa malaking pintuan ng terrace. Ang dating may bermudang lupa palabas kung nasaan ang duyan ay napalitan ng hard wood ngayon.

Nilingon ko ang mga sofa. Hindi ko na makilala iyon. Ang mga muwebles na antique ay naroon parin naman. Iba ang malaking flatscreen at ang mga speakers. Iba rin ang coffee table. Ang malaking frame sa may hagdanan ay naroon pa. Kaming apat nina Yeshua, Mommy, at Daddy.

Tiningala ko iyon ng ilang sandali. The thought of them breaks my heart. But… above all I wonder… bakit hinayaan ng bagong may-ari ang frame na ito rito? Wala ba siyang pamilya? Bakit ‘di niya pinalitan ng kanya? Not that I want it removed. I just thought it’d be that way?

“Nasaan si Nana?” tanong ng kasambahay sa isa pa.
“Nasa opisina. Nag-uusap sila…” Bumalig ang bagong kasambahay sa akin. “Miss Altamirano.”
“Magandang hapon, po,” bati ko.
“Si Attorney ay nasa kanyang Study kasama si Nana Sela. Hinihingi nilang doon na lang kayo mag-usap ni Nana.”

Hindi pa siya natatapos ay umiiling na ako. No. Way. I can’t. I mean… yes that’s my goal but…

Kumalabog ang puso ko. Ngayon hindi ko pala alam paano iyon!

Nilingon ko ang frame at natanaw ko ulit si Yeshua at ang aking mga magulang. I guess I got my courage from that frame.

“Sige. Saan ba ang kaniyang study?”
“Dito po…”

Nauna na ang kasambahay paakyat sa taas. Sumunod naman ako sa kanya. Panay ang tingin ko sa bagong chandelier, sa mga bagong kwarto, sa bagong hardwood na sahig ng pangalawang palapag. Kahit ang dingding ay bago.

Binalingan ko ang aking kwarto. It looks the same. Pati ang kwarto ni Yeshua at nina Mommy at Daddy. Ang bago ay ang ilang guestrooms at ang dalawang guestroom noon na mukhang nirenovate.

“Dito po…” sabay turo sa huling guestroom namin katabi noong library.

Wala itong pintuan noon, ah?

Kumatok ang kasambahay sa pintuan at binuksan niya agad iyon. Pumasok ako na normal ang pintig ng puso. Ngunit nang naproseso ko ang lahat ay parang tumigil ang aking puso.

It’s a vacant room and our library in one. Siguro’y giniba ang pader sa gitna para maging study ng lalaking nasa kanyang swivel chair ngayon!

Nana Sela and Mang Luis were sitting in the sofa in front of him. Hindi ko alam kung alin ang una kong titingnan. Silang dalawa o ang lalaki. Si Riguel Alleje!

I don’t understand! Why is he here?

Tumayo siya. My breathe hitched.

He’s taller now. Around six feet or more. And he’s more… fucking… good looking! Wearing a gray long sleeves folded till his elbows, slacks, and that same fucking expression: cold and hard.

“N-Nana Sela…” sambit ko sabay tingin sa matanda.

Si Nana ay nakaupo sa sofa. Pilit siyang tumayo para salubungin ako ngunit mukhang nahihirapan siya.

“Lilienne, kumusta?” ani Manong Luis sa akin.

Lumapit agad ako kay Nana Sela para alalayan siya. Uugod-ugod na ang matanda. Nilingon ko si Riguel na ngayon ay nakahilig sa kanyang malaking lamesa.

Nagtaas siya ng kilay sa akin.

“The broker called. He said you want to talk to the owner of the estate and the plantation…” ani Riguel.

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

Pilit kong inisip kung paano at bakit siya narito? He can’t be the new owner? No… Where did he get the money? And… is this happening?

“Yeah… Uh… Actually, yes, I want to talk to the owner.”

Humalukipkip siya. Umangat ang gilid ng kanyang labi at may sinenyas kay Manong Luis.

“Luis, lumabas muna kayo ni Nana Sela at mag-uusap lang kami ni Lilienne…”

Para akong hihimatayin sa kanyang sinabi. Lalo na nang tumayo si Manong Luis at inalalayan na si Nana Sela.

“Nana! Manong!”
“Lilienne, mag-usap muna kayo…” bilin ni Nana Sela bago ako tinalikuran.

Hilaw na ngisi lamang ang naibigay ng dati naming driver sa akin. Tinanaw ko silang paalis doon. Hindi ko ata kayang harapin si Riguel ngayon. Alam kong nakatingin siya sa aking nakatalikod.

Can I just go? Can I just run, right now?

But then I have to face him. I have to get our properties back!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

2 Responses to Tripped – Kabanata 22

  1. I’ll right away grasp your rss feed as I can not in finding your e-mail subscription hyperlink or newsletter service.
    Do you have any? Kindly allow me realize in order that I may just subscribe.

    Thanks.