Tripped – Kabanata 21

April 28, 2016 By In Tripped 2 Comments

Kabanata 21
Imagination

Maingay ang tunog ng papaakyat na eroplano. Pumikit na lamang ako habang inaasahan ang tuluyan niyang pag-angat.

I’m going to Tokyo to visit Suki. Doon ko rin kakausapin ang Daddy niya at sabay na kaming uuwi sa Pinas ngayon. Madalas kasi siyang pumunta ng Tokyo para bisitahin ang kanyang ama.

Isang linggo lang naman kami roon. Uuwi din kami ng Pinas dahil na rin may trabaho siya.

Mahirap kausapin ang Daddy ni Suki dahil Japanese. Tinatranslate niya lang ang sinasabi ko tuwing nag-uusap.

“Ayos lang daw. Alam ko namang kailangan mong unahin iyong sa inyo. I’ll just leave that position for you. I’ll wait till you’re ready,” ani Suki.

Nakakahiya dahil ako na nga ito ng gusto ng trabaho, ako pa itong pahirapan sa schedule. Pagkauwi ko ng Pilipinas ay kailangan kong puntahan muna ang bahay.

Wala akong matitirhan na roon. Sa relatives na lang namin ako titira kaso si Suki ang nagpresenta na sa bahay na lang nila. Besides, sa kamag-anak ko medyo malayo sa bayan at ang kina Suki ay malapit lamang.

I need to talk to the one who bought our land. Ang sabi ni Tito Samuel, broker daw iyong kausap niya at ayaw magbigay ng pangalan sa kung sino ang nakabili.

Ang tanging pag-asa ko na lang ngayon ay si Nana Sela. She’s our caretaker. And although Dad has lost contact with her for the past years, I’m sure she still remembers me.

I’m not even sure if people way back home knew what happened to my family. At iisipin ko pa lang kung paano ikukwento sa kanila ay nahihirapan na ako.

“I’m really sorry for the trouble, Suki,” sinsero kong sinabi sa kanya.
“No problem…” sabay pasada niya sa kabuuan ng Shibuya. “Alam mo, matagal na rin akong ‘di nakakauwi sa Alegria. Tuwing umuuwi ako ng Pinas, hanggang Manila lang ako kaya ‘di ko na alam anong nangyayari roon. But…”

Tiningnan niya ako pagkatapos ng ilang sandali ay umiling siya. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit ‘di niya na tinuloy.

“Nevermind… Come here, let’s shop!” ani Suki.

Sumama ako sa kanya. Syempre, hindi ako namili dahil kahit may pera ako, nakalaan iyon para sa ibang bagay.

Tuwing iniisip ko pa lang na kukunin ko ang bahay namin ay nahihirapan na ako. Half of it isn’t paid yet so I can use that tapos half na lang din ang babayaran ko. Ayos pa ang bahay, paano na ang plantation? The plantation cost much much more! It was first leased and then hanggang sa tuluyan nang naibenta. Ngayon paano ko babawiin ang ekta ektarya naming ari-arian?

Maybe Nicholas is right… he can actually lend me money. If I got our plantation, kikita ako sa farming at kapag nakaipon na ako mababayaran ko na siya!

I formed a plan and that’s that. Pero nakakahiya nga lang iyon kay Nicholas. And Leon… what if he can lend me money?

I cannot believe that I am asking everyone to lend me some money. Kung noon ay kami ang angat, ngayon pakiramdam ko lugmok na lugmok na.

“Sige na!” ani Suki sabay pakita sa akin ng mga damit.

She wants me to buy clothes. Ililibre niya raw ako. Ayaw ko namang tanggapin.

“Noon kapag may libre ka sa akin, Lilienne, wala akong pakealam kahit mamulubi ka. Ngayon, kahit ito, hindi mo mapagbigyan. Hindi ko alam na ma pride ka pala…” she smirked.

Nagulat ako sa sinabi niya. And just like that, ang barrier na pinanatili ko sa gitna naming dalawa ay nawala na parang bula. Hindi ko alam kung bakit naman may barrier pa sa amin. Maybe unconsciously I wanted a wall in between the people around me. Siguro ay ito na ang nakuha ko sa lahat ng napagdaanan.

“Nakakahiya lang, Suki.”
“Asus! Hindi ako nahiya noong mga araw na nililibre mo ako…”
“Iba iyon. Iba ito. Mura lang ang iyon. Ngayon, mamahalin na.”
“I was sure you’d still give me things even if they’re expensive, Lili.”

Kinagat ko ang labi ko. She fixed her pixie cut hair. I smiled. Her lips are dark red and she’s wearing a dark eyeliner. Para na niya akong alagad ngayong pareho kaming naka all black na long jacket at black boots.

Hinarap namin ang salamin at nilagay niya sa harap ko ang isang damit na kulay cream. Tinagilid ko ang ulo ko habang tinitingnan ang mala waterfalls na palda nito. It’s so nice.

“You really look like an angel…”

She smiled at my reflection. Nakapony tail ang buhok ko at sa mukha ko ay kitang kita ang pagkakapagod kahit na may kaonting make up akong nilagay. Hindi ko alam kung anong anghel ang sinasabi ni Suki sa akin.

Inangat niya ang baba ko.

“Pink plump lips, narrow nose, deep-set eyes, thick and long eyelashes, perfect brows… Noon pa man talaga ay inggit na ako sa lambot ng features mo…”
Ngumisi ako. “You’re obsessed with dark things. How can your features be soft kung ganyan?”
“Right! But still, you are effortlessly beautiful.”

She’s taller than me. Kahit na pareho kaming may heels sa boots ay hanggang ilong niya lang ako. Ganito kami noon. Akala ko malalagpasan ko rin siya pagdating ng panahon. Tumangkad naman ako kahit paano ngunit hindi talaga kasing tangkad niya.

“Saan ko naman ‘to susuotin, Suki? Ikaw talaga!” sabi ko sabay iling.
“Sige na! In a formal event or what. Tapos mamili na rin tayo ng casual… Bagay sa’yo ‘to!”

Wala na akong nagawa. Binili niya na iyon sa akin.

Tawang tawa pa ako dahil bukod sa mga damit, make up, at kung anu-ano, naisipan pa niyang bumili ng mga underwear.

“Magtatagal ako ngayon sa Manila kaya kailangan ko nang bilhin ang dapat!” alibi niya.
Nanliit ang mga mata ko. “By the way… gustong sumama ni Nicholas dito sa Japan noong huling nag-usap kami sa Vegas. Ano na ba ang mayroon sa inyo?”

I was too busy with my life that I forgot to ask about hers. May boyfriend na kaya ito? Wala naman siyang nababanggit pero malay natin at naglilihim lang?

“Wala ‘no! Kaibigan lang kami ni Nicholas!”

Umirap ako at may naalala.

“Kaibigan lang din kami ni…” ngumuso ako. Kaibigan lang kami ni Riguel noon kaya ‘di ako naniniwala sa mga ganyan.

I almost heard some crickets because of the silence. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness kay Suki na para bang ayaw niya ring pag-usapan ang bagay na ito.

“Iba naman iyon. Riguel is… kind of serious…” ramdam ko ang pag-iingat ni Suki sa kanyang mga salita.
Ngumisi ako. “Hindi rin. We don’t know. He’s probably with Isabella Thomas that time. At maiintindihan ko naman. Hindi sila mayaman at kailangan niya ng tulong para sa kanyang mga pangarap. Si Isabella lang ang makakatulong sa kanya noon.”

Iba ang tingin ni Suki sa akin ngayon. It’s like she’s looking at me for the first time after years. Tinitigan niya ako ng seryoso. Hindi siya nagsalita. Hinihintay niya lamang akong magsalita.

“Though, I kind of hate that part. Dahil I see him as a man with principles. Na hindi siya manggagamit ng tao… Na magiging faithful siya… o na magiging totoo siya sa lahat.”

Nagkibit ako ng balikat.

“Or maybe, iyon ang gusto ng utak ko. Iyon ang nagustuhan ko. Iyong pag-iisip na maprinsipyo siya kaya ganoon. In reality, he’s not perfect. And now it’s my fault for falling with him through the man I thought he was…”

Nanatili ang titig ni Suki sa akin. Tinulak ko siyang bahagya at nginitian.

“Ano?” sabi ko.
“Wala… After years simula noong nagkita ulit tayo, ngayon lang natin ito napag-usapan.”
“Ah, Suki! I thought that it’s already my biggest problem way back in high school. Noong dumami na ang problema ko, napagtanto kong alikabok lang pala ang problema ko kay Riguel noon. Walang wala iyon sa lahat ng pinagdaanan ko ngayon…”

Inakbayan ako ni Suki habang tumatawid kami sa isang pedestrian. Ang dami naming kasabay. Nagpipiyesta ang mga mata ko sa mga damit nila at sa mga kulay sa taas ng mga building.

“Kung magkita kayo ulit, anong gagawin mo?”

Hindi ko inasahan na sa tanong na iyon ay kakabahan ako. I never really thought we’d see each other again kaya hindi ako preparado sa tanong na iyon. Inisip ko noon na sa Amerika na ako habang buhay. Uuwi lang naman ako ngayon dahil nagkaproblema sa lupa. And then I realize I still need to fulfill my promises to Yeshua so I will really need to go home.

“I don’t know. I haven’t thought about it…”
“Nagkaroon ka ba ng karelasyon sa loob ng ilang taon mo sa Amerika?”
Tumawa ako. “You think I have time for that? I only have time for Yeshua and my studies. I have only a few friends and the guys hitting on me were clearly fuckboys…”

Nagtawanan na lang kami ni Suki. Pumasok kami sa isang gelato shop. Umorder kami bago nagpatuloy sa pag-uusap.

“Just like the old days, alam talaga natin ‘no kung sino ang fuckboy at hindi.”
“Che! Ikaw diyan muntik ka na kay Leon!” panunukso ko sa kanya.
“Well, that was different. May aura si Leon na seryoso kumpara kay Nicholas that’s why I liked him. Nicholas is all about fuck and I don’t like that.”
Umiling na lamang ako at tinikman ang biniling gelato.
“So… You didn’t have any relationship? Do you still like Riguel?”

Halos maubo ako sa pagkakasamid ko. Talagang diretsahang tanong, e no?

“No… I mean… if you’re asking kung iniisip ko na magiging maayos din kami. Friends, siguro. You know, Suki… Iba noon, e. Naiinlove ako kay Riguel sa mga iniisip ko sa kanya. And when reality striked, I realize that my imaginations of him were better than his reality.”
“Paano kung hindi naman sila ni Isabella?” tanong niya.
“Still he used Isabella, right? My perception of him is better than that…”
“What if he didn’t use Isabella? Bakit? Sinabi ba niya noon na gusto niyang mag-aral sa Manila, Lili?”

Nag-angat ako ng tingin kay Suki. I can’t remember anything. Ang tagal na noon. The memories I remember are just fragments of the whole. I can’t remember exactly what he told me before. Ang tanging naaalala ko lang ay kung ano ang naramdaman ko sa kanya noon. And it’s mixed… with love, passion, desire, loss, anger, and loneliness.

“Hindi ko alam. I just know that he’s kind of ambitious. He’s an achiever… so… I assume he wants that.”
“You know… The day after prom, hinanap ka niya sa akin.”

Kumalabog ang puso ko. I am not sure if I’m ready to face that one.

“Hindi ko rin alam at hindi ko inexpect na wala ka kaya tinaboy ko lang siya. Ang sabi niya sabi ni Nana Sela wala na raw kayo sa inyo. It took me three days to really realize that you left without notice. Riguel was almost always at school waiting for signs of you. Kahit ang mga teachers ay walang alam kung nasaan kayo. Iniisip kong may alam ang mga kasambahay n’yo pero wala talaga silang sinabi.”
“Yeshua didn’t want Piper to know. At naniniwala akong kapag may makaalam na isa, ay mabubunyag din iyon kalaunan.”
“You didn’t trust me enough. You thought I’d tell him? Mas nagtiwala ka kay Nicholas?”
Ngumuso ako. “Nicholas didn’t know. Nalaman niya lang din nang binisita niya ako sa New York. And Leon, too. So I asked them not to say anything.”
“Oh well. Mabuti na lang din at ‘di mo sinabi. Pakiramdam ko kasi kung alam ko kung nasaan ka, tuluyan kong masasabi kay Riguel iyon. He’s a bit persuasive…”
“Anong magagawa niya kung nalaman niya? We’re miles away from him. He can’t do anything. And as if he’d want to see me again. He’s got plenty of options on his face.”
“Wow! Bitter, ha?” Tumawa si Suki.

Umiling ako at doon ko lang napagtanto na kahit ilang taon na ang lumipas ay may pait parin akong nararamdaman.

If you ask me if I regret anything, I didn’t. I gave him myself. Lalo na ngayong wala pa akong nahahanap na makakapantay sa pagmamahal ko sa kanya noon, pakiramdam ko ay tamang desisyon lamang iyon. Na binigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko.

“Hmmm. Magtatanong ako kung si Isabella ba at si Riguel.”
“Kanino ka naman magtatanong?” nagtaas ako ng kilay kay Suki.

Umiling siya at inirapan ako. ‘Di na siya kumibo kaya nagtataka ako.

“Kay Riguel? Saan siya nagtatrabaho ngayon?”

Kumunot ang noo niya at binalingan muli ako.

“Hindi kay Riguel. Anyway, hmmm, I don’t know much about Riguel but we met once in a party. That’s all…”
“In a party? Bar?”
“Nope. It’s a party for an artist. Isa siya sa artist namin sa Moto Systems. Nagulat nga ako at naroon siya. He’s with a… hmmm… girl. His date…”
“Sino? Si Isabella?” I am too excited for this. Dammit!
“Hindi, e. ‘Di ko kilala pero maganda at matangkad.”

Sinubo ko na lang ang isang kutsara ng gelato. Really, now?

“Is he an accountant now?” tanong ko.
“Iyan nga ang itatatong ko. Probably. It’s been years.”

Hindi ko alam kung bakit ako ginapangan ng kaba ngayon. Noong umalis ako ng Amerika ay wala lang naman sa akin ang lahat ng ito. Ngayon pauwi na ako ng Pilipinas ay pakiramdam ko masusuka ako sa kaba.

I will probably never see him. If it’s true and he’s in the corporate world now, he won’t be in Alegria. And I’ll be in Alegria for maybe a month or two to convince the new owner of our land.

Pagkatapos kong gawin iyon ay didiretso na ako ng Manila para magtrabaho kina Suki. Hiyang hiya nga ako dahil wala naman akong alam sa Videogames. Ang sabi ni Suki sa akin, management lang naman ang tatrabahuin ko kaya ‘di ko na kailangang mangamba para sa kahit ano.

I think I can also try other jobs. Para naman hindi ako maging pabigat kay Suki kaso mahihirapan ako sa paghahanap. Mas mabuti na itong kina Suki dahil international na kompanya at medyo maayos ang pasahod.

“This is the key to our house. Always remember that you can stay there. Huwag ka na sa pinsan mo dahil malayo ang kanila. Mabuti na sa amin dahil malapit lang sa munisipyo in case may kailangan kayong pirmahan na mga kontrata ng bagong may ari ng lupain n’yo.”
“Thank you so much, Suki… Hindi ko talaga alam kung paano ka pasalamatan sa lahat ng ito.”
Umirap siya at ngumiti. “Always, Lilienne. And by the way, get yourself a lawyer for legal purposes. Sa Alegria ka na kumuha at nang sa ganoon ay ‘di ka na mahirapan kung sa Manila pa. May sasakyan ka ba?”

Kinagat ko ang labi ko. Lahat ng sasakyan namin noon ay binenta na rin kasagsagan ng therapies ni Yeshua. Kaya ko namang mag commute kaya walang problema iyon sa akin.

“Wala but I can take the bus.”
“Oh have you tried it? I’m sure your whole life you haven’t!” aniya. “Sa condo ka ng isang araw, ‘di ba? Pwede kitang ipahatid sa driver ni Mommy.”
Tumawa na lamang ako. “Suki… Suki… That’s too much. I can handle myself. Sa Amerika ay magaling akong mag commute. Dito pa kaya sa Pinas kung saan ako lumaki? This is not a problem, please…”

Mabuti naman at nakumbinsi ko siya sa gusto kong mangyari. Marami na siyang naitulong at hindi pwedeng pati ito ay iasa ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng eroplano ay humahataw na ang puso ko. Maybe it’s the memories. I knew that I’m going to visit what’s left of Yeshua, my Mommy and Daddy here. I know that I’m going to be in a crazy ride of emotion from now on.

“Nakakapagod ang byahe…” ani Suki at pumasok na kami sa kanilang sasakyan.

She’s staying in a condo somewhere in Makati. Sinundo kami ng kanilang sasakyan at hinatid na roon. She’s alone so it’s not awkward.

Manghang mangha ako na siya lang ang bumili ng sarili niyang condo roon. Hindi na siya naghintay sa Daddy niya. She’s earning a lot, huh? Taliwas sa nangyayari sa akin ngayon.

“Ipapahatid kita sa driver mamayang gabi sa terminal para sa pag-alis mo. Sigurado ka na bang ‘di ka magpapahatid sa sasakyan?”
“Hindi na…”

Bumagsak ako sa kanyang kama. I want to sleep. Iniisip ko pa lang na mahaba ang magiging byahe mamaya ay nahihilo na ako.

“Itext mo ako, ha? Sorry ‘di kita masasamahan doon. Medyo busy ngayon, e.”
“Ayos lang. Sorry din at ‘di ako agad makakapagtrabaho.”
“Oh shit! You don’t have a sim right? I’ll give you one. For the mean time, magpahinga ka muna. May itinerary ka na ba bukas pagka uwi mo?”
Tumango ako. “I’m going to visit Nana Sela’s house first. Kukumustahin ko lang at baka rin alam niya kung sino ang may ari ng lupain namin. And kapag nalaman ko na kung sino ‘tsaka ko pupuntahan ang may ari to set a meeting.”
“Okay. Great! Sige. Magpahinga ka muna. Use this like it’s your own room, Lili.”
“Thank you so much, Suki. I don’t know what I’d do without you…”

She smiled and shrugged. Who would have thought that after eight years things are insanely different?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

2 Responses to Tripped – Kabanata 21