Tripped – Kabanata 20

April 26, 2016 By In Tripped 37 Comments

Kabanata 20
Umasa

My mom did not survive. She was declared dead on arrival that same day.

I honestly don’t know what to do. Hindi ko rin alam paano ko sasabihin kay Daddy. Kay Daddy na inospital dahil sa nangyari. Ayaw kong pumasok sa kanyang kwarto para ibalita iyon. Nanatili ako sa labas, nakaupo sa malamig na sahig ng ospital.

I want to end my life too. I want to die and leave this painful world. Dapat noong una pa lang, e. Dapat noong nawala si Yeshua, sumama na ako sa kanya. Dahil dapat, ako ‘yong nandoon.

I wonder if things won’t be like this if I died? I wonder if they’d be happy kung ako iyong nagkasakit at namatay?

It’s pointless to think about that now. I just want to end my life.

Bumukas ang pintuan sa gilid ko. Napatingala ako at laking gulat ko nang nakita ko si Daddy.

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo para alalayan si Daddy.

“Where’s your Mom? How is she?” sa tanong niya pa lang na iyon ay napaiyak na ako.

Gusto kong ibalik muna siya sa kwarto. Sa sobrang pag-aalala niya siguro kay Mommy ay hindi niya na kayang mag-antay. Gusto niya nang malaman kung ano na ang nangyari.

Hindi ako nagsalita. Hinatid ko siya sa kama at pinaupo muna. Pag-angat ko ng tingin kay Dad ay napaiyak na ako.

“How’s your Mom?” tanong niya nang nagsimula nang tumulo ang luha ko.
“Dad…” Hindi ko madugtungan dahil nabibilaukan ako sa sarili kong hikbi.

Niyakap ko na lang siya.

“Lilienne, kamusta ang Mommy mo? Ayos lang ba siya?” paulit-ulit niyang tanong.

Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay binugbog ang puso ko sa sobrang sakit nito.

Hindi parin ako nagsalita. Nanatiling mahigpit lang ang yakap ko kay Daddy. Unti-unti niya akong niyakap pabalik. I guess he already found the answer to his questions.

Mahigpit ang yakap ni Daddy sa akin. Natigil ako sa pag-iyak dahil pansamantala akong natakot sa kanyang reaksyon. I want to call the nurse for him but his hug was too tight. I was afraid to let go. He might break more.

“I’m sorry, Daddy. I’m sorry. Alam kong ako po ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi ko na po alam kung ano ang gagawin ko. Sana ako na lang po ang nawala. Pinagsisisihan ko po ang lahat ng nangyari noon. Pinagsisisihan ko, Dad. I’m sorry for this…”

Hindi na ako makahinga ng maayos. Namumugto na ang aking mga mata sa pag-iyak.

“Shh…” ani Daddy sabay harap sa akin. “Lilienne, stop saying that. This isn’t your fault…” nanginig ang boses ni Daddy kaya mas lalo lang akong nasaktan. Taliwas sa sinabi niya ang naiisip ko sa sarili ko. “Walang mangyayari kung iyan ang iisipin mo.”
“I’m sorry, Daddy…” sabi ko.

Ang mga mata ni Daddy ay punong puno ng pangungulila. Kahit na sinasabi niya ito ngayon sa akin, alam kong ‘di parin okay. Hindi kailanman magiging maayos ang lahat ng ito.

Dad told me to cremate mom’s body tulad ng kay Yeshua. We moved to my Tito’s house para mas matutukan si Daddy doon.

Hindi magsink in sa akin na malapit na ang graduation ko dahil sa pagkamatay ni Mommy. Daddy looks better now… He would always smile at me when he catches me spacing out. Alam ko ay pampalubag loob lamang iyon but I appreciate his efforts.

Sumama sina Tito Samuel, Tita Lydia, at Daddy sa aking graduation. I don’t have any special honors but Daddy was so happy for me.

Habang tinatanggap ko ang diploma ay naisip ko si Mommy… si Yeshua.

Yesh, kung nandito ka pa sana, baka sabay pa tayong dalawa. Kung nandito ka pa sana, sobrang saya ko na.

Pumikit ako at inalala ang kanyang maamong mukha. Siguro ay hinding hindi ko maiintindihan kung bakit ka Niya binawi sa akin. Sobrang dami ba ng pagkakamali ko para parusahan ako ng ganito?

And to Mommy, I’m sorry for failing you. I’m sorry if I’m not enough to make you go on with this life. I’m sorry for thinking that we can recover from our loss. I’m sorry because you died carrying anger for me and longing for Yeshua. Kung sana pakisabi sa nariyan na ako na lang ang kunin at ibalik na lang kayo ni Yeshua, papayag ako. Right now. Please? Because I could stand the fire in hell than what I’m feeling in my world right now.

Dumilat ako at tiningnan si Daddy na nakangiti sa akin. He’s teary eyes caught me. Napangiti ako pabalik.

Pilit kong pinasok sa utak ko na nariyan pa si Dad. Siya ang iingatan ko. Gagawin ko ang kahit ano para lang makapagpatuloy kaming dalawa rito.

“Lilienne, I know that this is hard for you but I need to tell you this…” si Tito nang kinausap niya ako sa sala.

Si Tita ay nasa dining table kasama si Daddy at ilan pang kamag-anak. He wanted to talk to me kaya pinaunlakan ko.

“Your dad is selling your estate in Alegria. Ngayong wala na ang Mommy mo, siya na ang nag-iisip kung paano pa babayaran ang bills niya. I already told him that I’d pay for it but he insisted. Marami daw’ng naging utang si Vivienne para kay Yeshua kaya kailangang bayaran niya. I want to ask kung magkano iyon at baka magawan ko ng paraan.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tito. That’s our last remaining property in the Philippines.

“Kung pwede ay kausapin mo siya na huwag na munang ibenta iyon. Sayang, Lili…”

Iyon ang ginawa ko pagkatapos ng celebrasyon. I asked Dad to put it on hold at magtatrabaho ako ng mas maayos para ako na ang magbabayad sa lahat ng natitirang babayaran.

“Iyon lang ang natitirang alaala ko para kay Mommy at Yeshua, Daddy. I promised Yeshua that I’ll take care of our house and the plantation. I promised him. Kaya magtatrabaho ako para makuha ko ulit iyong plantation. And I’m gonna save the house.”
“I know, Lilienne. Pero ang iniisip ko ay ang pakinabang nito. I know the sentimental value. Ngunit ikaw ang iniisip ko, anak. Kapag binenta natin iyon, makakabayad tayo sa mga bills. Maaari ka pang makapagsimula ng kabuhayan mo rito. Gagawin mong kapital ang makukuha natin sa bahay. Malaki ang offer, anak…”
Umiling ako. “No, dad. Please. I’ll work hard. Huwag mong ibenta ang bahay. Kahit na magkanda kuba-kuba ako ngayon sa pagtatrabaho, huwag lang talagang mawala iyong bahay.”

I want to fulfill the promise. I want Yeshua to watch me restore everything. At kailangan ko ng kooperasyon ni Daddy.

Three months after my graduation, everything became worse.

Nagtatrabaho ako noon ng buong araw nang biglang tumawag si Tito sa akin. He was already crying when he called and I couldn’t understand what he was saying.

“Tito! Ano!?” sigaw ko.

Kinuha ni Tita ang cellphone at siya na mismo ang nagsabi sa akin.

“Lili, your Dad is… Lilienne, nasa kusina lamang siya kanina at iinom sana ng malamig na tubig. Pagka inom niya ay bumagsak siya sa sahig. He’s unconscious. I called 911 and…”
“Tita, ano?”

Parang bumagsak sa akin ang langit sa mga panahong iyon. Pagkatapos kong umiyak ay natutulala na lamang ako. Pagkatapos kong matulala ay iiyak na naman ulit.

Nakakapanghina. Lalo na kapag naaalala ko ang lahat. Hindi ko inasahan na sa isang iglap lamang, mawawala sa akin ang lahat.

I couldn’t cry anymore. Ubos na ang luha ko.

Tuwing tinitingnan ko ang tatlong banga kung nasaan nakapaloob ang mga abo ng tatlong taong pinakamamahal ko sa aking buhay ay nanlulumo ako. Ako na lang ang natira. Mag-isa. Iniwan nila ako. Kahit si Daddy ay iniwan ako. Lahat sila.

Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyari. Maaari N’yo po bang ipaintindi sa akin? Kung bakit kinuha N’yo ang lahat sa akin? Kung bakit pa kailangang magkaganito?

“It’s inevitable. People come and go…” ani Suki habang hinahawakan ang aking kamay.

Muli ay pinuntahan nila ako ni Nicholas sa New York para daluhan ako. I am thankful for them because truth is… tuwing mag-isa ako lagi kong naiisip na sana ay pati ako kinuha na lang din.

Half of me is telling me that I should go on with my life. Na hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Mommy kaya ‘di ko iyon gagayahin. Ngunit tuwing naiisip ko si Yeshua, ang aking kambal na mahal na mahal ako… hindi mapigil ang usig ng konsensya ko. I probably killed him. I probably killed them.

Kung hindi lang ako pinrotektahan ni Yeshua noon, sana ay hindi siya nawala. Sana ay ‘di na depressed si Mommy. At sana ay ‘di nagkasakit si Daddy!

Ang puno’t dulo ng lahat ng ito ay ako. Ako na walang ginawa sa buhay kundi ang maging makasarili. My battles before were so small and I make them big. My heartbreaks from Riguel was just a small portion of everything. Dahil ngayon, ito ang sobra sobrang sakit.

Naiinis ako sa sarili ko. Kung bakit ko sobrang pinoproblema iyong mga iyon noon.

“I’ll be staying here for a couple of months, Lili…” ani Suki sabay hagilap sa aking mga mata.

Pagod akong ngumiti. Tumango ako at naisip na ginagawa lamang niya ito dahil iniisip niya na depressed ako. But then it’s true. I’m depressed. I don’t know what to do. And her presence right now means so much to me. I feel like she’s my family.

Niyakap ko ng mahigpit si Suki.

“I’m sorry for all the selfish things I did before, Suki. I’m really sorry…” nanginginig kong sinabi.

Niyakap niya rin ako pabalik.

“I understand. Nangako ka kay Yeshua noon, Lilienne…” aniya.

Naisip ko ang mga pangako ko kay Yeshua. That I’d make sure Piper is okay… Ang alagaan ang plantation at ang bahay. May nagawa ba talaga ako sa mga ipinangako ko sa kanya?

But then carrying out the promises would need me to go home. I can’t. I don’t have to money to get the plantation back. I don’t have the courage to face Piper.

For a month, I traveled with Suki. She paid everything.

“Gusto kong samahan mo ako sa mga magagandang spots dito sa Amerika!” aniya.

Pumayag ako. Nakakahiya pero tinanggap ko dahil tingin ko’y makakatulong din ito sa akin. I am already aware of how depressed I am. Letting my feelings run me would mean I lost.

Pagkabalik namin ay nagtrabaho muli ako. Ngayon, mas magandang trabaho na iyon. Mas malaki ang sahod at mas maayos.

Unti-unti akong makakapag-ipon para mabayaran ang expenses. Tumutulong si Tito sa pagbabayad pero ayaw kong umasa na lang sa kanya. Kung kaya ko naman ay binabayaran ko rin.

Umuwi na rin si Suki sa Japan kaya mag-isa ulit ako kina Tito. Hindi ako makaalis doon dahil ayaw kong magbayad na naman ng para sa renta. Naghihirap na nga ako, dadagdagan ko pa.

From time to time, I remember them. I remember my Mom who blamed me for all of this. I also remember Daddy who tried to be with me. Alam kong gusto niyang iencourage ako na magpatuloy. Isa ito sa dahilan kung bakit nagpapatuloy ako ngayon. Dahil ayaw kong biguin si Daddy. Dahil alam ko, kahit wala siya rito ay nakikita niya ako.

And then I remember my twin… It fucking hurt so bad. Kung alam ko lang na ang huling mga sandali naming magkausap na matino ay iyong bago siya operahan ay sana inulit-ulit ko na lang sa kanya ito.

“Yeshua, mahal na mahal kita. Yeshua, mahalaga ka sa akin. Yeshua, sabi mo hindi mo ako iiwan? Sabi mo poprotektahan mo ako!”

Sabay tayong ginawa dalawa. Sabay nating napanood ang mundong ito. Hindi ako kailanman mag-iisa dahil nariyan ka. Pero ngayong iniwan mo na ako, hindi ko na maintindihan ang lahat.

And each time I think of that, I hated myself more. Because it will all end up to that day. I didn’t have to go there but I was young and naive, I went. Yeshua was concerned. At pinagtanggol niya ako.

I wonder where they are now? In my head, I already killed them. Mayette and her boys. But then it’s all useless right?

Minsan nakakatulog na lang ako dahil sa pag-iyak. And I would dream of them trying to hold my hand. I’m trying to reach them but I couldn’t. Nafufrustrate ako kaya umiiyak ako. Dahilan kung bakit nagigising ako halos gabi gabi. And then I cry again thinking about them until I fall asleep once again.

For a year, that was how I felt. Nasanay na rin ako sa trabaho ko. Unti-unti kong nababayaran ang lahat ng kailangan ngunit ‘di parin naiibsan ang pakiramdam ko. Mabigat parin ito.

“Hi, Lilienne! You won’t swim?” ani Eric.

Nakatalikod ako ngayon habang nakapikit. I made him believe that I’m catching some sun when in fact, I just really want to avoid him.

“Nope,” sabi ko.
“Oh, that’s too bad then. Want to put on some sun screen?” tanong ni Eric.

He’s persisitent while I have no time for bullshit. Mabuting tao si Nicholas pero sadyang gago siya minsan.

“No, thanks. I’m done putting sunscreen.”
“Oh! Okay. So… I’ll leave you here then?”
“Yes…” please…

Ilang sandali pa siya bago umalis. Bumagsak ang katawan niya sa pool at hindi ko na siya nilingon. Ang halakhak ni Nicholas ang narinig ko na paparating. Pasalamat siya’t ayaw kong makita ng mga kaibigan niyang sobra sobra ang irita ko sa presensya nila.

“I’m here for a vacation, Nicholas… Pakiramdam ko hindi ganoon ang ibinibigay mo sa akin…” aniya.
“Hay naku, Lilienne! Loosen up. You’re really not the same Lili I know.”

Hindi na ako kumibo. I can’t help but acknowledge that he’s one of the reasons why I did not lose my sanity. Sila ni Suki. Kung wala sila, maaaring nabaliw na ako sa lahat ng problema.

“Sasama na ba ako sa Japan?” he chuckled.
“Bahala ka. Marami ka namang pera. Pupunta ako roon dahil sa offer ni Suki na mag manage noong business nila.”
“Akala ko ba ang sinabi ni Tito Samuel ay uuwi ka ng Pinas?”

Bumangon ako sa sinabi ni Nicholas.

Three months ago, Tito Samuel told me that Daddy sold our house in Alegria. May Deed of Sale na at nakapagbayad na ng kalahati ang kukuha noon. Wala pang titulo dahil pinoproseso pa.

Tumawag kay Tito Samuel ang nakabili para sana sa ibang kailangang pirmahan ngunit nahirapan siya dahil wala na si Daddy. Kailangan ng Special Power of Attorney. Akin na ang lupang iyon pero marami pang prosesong kailangang gawin.

At isa pa… hindi ako makakapayag doon. Nagtatrabaho ako para mabawi ang lahat ng amin at ngayon ay ‘di ko nalalamang naibenta na pala ni Daddy ang natatanging pag-asa ko?

It was Yeshua’s wish. My promise. I can’t let him down. I can’t let them down again. Hindi ko yata kayang biguin pa sila muli.

“Oo at kailangan ko ng trabaho habang naroon. Kina Suki ako magtatrabaho.”
“May pera ka ba para bawiin iyong lupain n’yo? Millions, Lilienne. Gusto mo pahiramin kita?” Ngumisi si Nicholas.
Umiling ako. “No thanks. I’ll find a way. I’m sure of that.”
“I know what you are feeling, Lili. You are driven by your feelings. But… we need to accept this one. Hindi mo mababawi iyon kung wala kang pera… kung wala kang milyones. Ibebenta iyon sa’yo ng mas mahal lalo na kapag naisip nilang masyadong mahalaga iyon sa’yo. Now, unless you have eight to nine digits in your account… which I’m sure you don’t have… then I can say bahala ka na…”

Matalim kong tinitigan si Nicholas. Harsh but that’s the truth. But I need to at least find a way. I’m sure I can find a way.

Uuwi ako ng Pilipinas at mag-iipon ako roon. Kakausapin ko ang bagong may-ari na bigyan ako ng palugit. I would explain him or her what happened. And I’m hoping the new owner would understand. I’m hoping he or she would realize how much this means to me. Wala akong magagawa kundi umasa roon.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

37 Responses to Tripped – Kabanata 20

  1. Grabe na talaga ang nangyari kay Lili. Nakakabaliw yon. Pero sino nga kaya ang nakabili ng bahay nila? Is it Riguel? Para umuwi na si Lili at yun na ang bahay nila.

  2. sana naman pag balik ni lili sa pilipinas ay hindi na sya masaktan ng sobra. kawawa naman ang nangyari sa kanya. kung ako yan nabaliw na ako.

  3. atie sana palagi rin kayong nag aupdate dito sa site…mas feel ko kasing magbasa dito ee.

  4. Feeling ko si riguel yung bumili ng bahay nila lili , baka di pa move on si riguel . Haha

  5. I cant stop crying! Mamamatay character ka Queen! Wala kang awa kay Lili!?? lahat na kinuha mo! Im sure si riguel pa ang bumili ng bahay nila! Amp! Pinatay mo si Yeshua! Smh! Huhu! Jk. Sinayang mo ang lahi! Konti nalang nga ang gwapo sa Pilipinas! Asdfghjkl?????

  6. atie jonaxx,Queen J!huhuhu update narin po kayo dito sa site .pleettee pleeettt??? mas feel ko po kasing basahin dito ee.

  7. Omaygad! Riguel ako nlng ang pakasalan mo kht wg mo n iblik ang mansion haha. Ang yaman mo n sna lng wg mo gmitin c Lili s ms malalim mo pang ambisyon haha. Nganga ka pg dinivorce ka n Lili

  8. Bilib ako sa pagiging malakas ni Lili in her saddest times. I know it’s not yet your time to die, inday. :)