Tripped – Kabanata 19

April 26, 2016 By In Tripped 18 Comments

Kabanata 19
I Cried

“Lilienne Ylena Altamirano tripped.”

Isang tawa ang pinakawalan ni Nicholas Revamonte habang umuupo sa sun lounger. Tirik na tirik ang araw dito sa Las Vegas.

Kinuha ko ang isang banyagang inumin na inorder ko kanina. Nalusaw na yata ang shake at naging juice na dahil sa sobrang tirik ng araw. I’ve been telling him about what really happened almost eight years ago. I just couldn’t get to tell him the last part of it.

“You were so good at this game before, Lili. Ngayon ay tila napapaso ka tuwing may bumabanggit sa’yo ng mga bagay na iyan. People won’t be able to move on if they are not willing to.”

Ngumisi siya sa akin. Pinandilatan ko na lamang siya.

His half-american friend has been hitting on me for almost a year now. I tried to give him a chance but I just couldn’t…

Kakaalis ko lang sa hotel room na kinuha niya para sa aming dalawa. I don’t know what Nicholas thinks of me but he thinks it’s going to be easy for me. Halos lahat ng schoolmates ko noon ay maaaring nag conclude na agad na hindi na ako puro dahil sa dami ng naging boyfriend ko. Ang totoo, si Riguel pa lang talaga… Hanggang ngayon.

Nilapag ko ang inumin sa maliit na lamesa.

“I tried, Nico. Ayaw ko pa muna…”

Tumawa ulit si Nicholas.

“It’s been damn years. Nakaalis na lang si Leon, heto ka pa rin.”

Hindi niya na ako pinagsalita. Bumagsak na siya sa pool. Sporting a perfect dive and a perfect swim. Pinasadahan niya ang basang buhok niya at nilingon ang mga babaeng nasa pool sa ‘di kalayuan.

From afar, I saw Eric, and Nicholas’ friends. Today, he probably thought he’d get laid. Pumikit na lamang ako. I’ll just pretend to be asleep so he won’t bother me.

Habang ganoon ang ginagawa ko ay inaalala ko ang lahat ng nangyari noon.

Ang paghatid ni Riguel sa akin pauwi ng bahay. Sinuot kong muli ang aking gown at pagkauwi ko ay parang walang nangyari. Riguel wants to go inside our house but I refused. Sinabi ko sa kanya na tulog na sina Mommy at Daddy kaya ‘di na rin siya nagpumilit.

Ilang minuto lang ang agwat sa pag-uwi namin ni Yeshua. Huli siyang umuwi. He seems very exhausted and weary. I didn’t ask him about it because I already know what’s happening. Nahirapan siya kay Piper, panigurado.

I cut all the cords I had with my friends to fulfill my promise to Yeshua. Mahirap kasi na ilihim ang nangyayari. Lalo na nang pagdating namin sa U.S. ay agad na nilapatan si Yeshua ng mga lunas.

The first year in the U.S. was tough. Agad nilapatan si Yeshua ng mga lunas, theraphy, at kung anu-ano pa. Also, Dad had to sacrifice the plantation. Mahirap nang patakbuhin dahil malayo. Mas lalo pang nagpapahirap ang pag-igting ng El Nino sa Pilipinas.

“Dad, you should go home and help Nana Sela…” iyon ang bukambibig ni Yeshua kay Daddy.

He loved our home. He loved Alegria very much. He loved our plantation. Mga alaala ang naroon kaya mahirap sa kanyang bitiwan iyon. I love our home too… but I love Yeshua more so I didn’t mind that. Masakripisyo na ang lahat, huwag lang si Yeshua.

Three months after the operation, they said it was successful. Pero kailangan pa ring obserbahan.

Pinagmamasdan ko si Yeshua sa kanyang hospital bed. Nakatingin siya sa malayo habang nakaupo.

Ang hirap lang kasi pagkagising niya, ‘di niya na ako maalala. Minsan nagagalit siya ng hindi mo alam kung bakit. Minsan, nag iiba ang kanyang ugali. Ngayon, tahimik lamang siya habang nakaupo.

“Yeshua, I brought you books. You might want to read them…”

Nilapag ko ang mga libro sa lamesa sa gilid lamang ni Yeshua. Hindi siya kumibo. I wonder if he remembers Piper. Hindi ko na tinanong sa takot kong maapektuhan pa siya.

Biglang may kumatok sa kwarto ni Yeshua. Nilingon ko agad ang Tito Samuel na pumasok. He looked calm and composed. May stethoscope sa kanyang balikat.

“Can we talk for a sec?” ani Tito.

May pumasok na nurse sa kwarto. Siguro ay para sa medications ni Yeshua. Tumango ako at sumunod kay Tito Samuel.

Lumabas kami ng kwarto ni Yeshua para makapag-usap. Bumaling siya sa akin at agad kong napansin ang pagbabago ng kalmado niyang mukha.

“Your father was rushed into the E.R. an hour ago. Kadarating niya lang dito noong napansin ng nurses na maputla siya. He fell down, unconsious.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Tito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.

“Where’s Mom?”
“I called her a few minutes ago. She’s coming here now…”

Sumunod agad ako kay Tito para mapunta sa kwarto ni Daddy.

That year was very painful. Daddy was helpless. Nagkaroon siya ng mild stroke. Hindi siya makapaglakad ng maayos at ang kanyang kaliwang kamay ay hindi niya magalaw ng maayos.

“Kung sana ay naagapan itong kay Yeshua, Lilienne, sana ay hindi na lumala ng ganito!” iyak ni Mommy sa akin.

She was very frustrated. Hindi niya na alam kung alin ang uunahin. Walang araw na hindi siya umiiyak dahil sa nangyayari. She put all the blame on me and there’s just nothing I can do because it’s true.

“My, I’m sorry. Hindi ko talaga alam. Nagsisisi na po ako. Alam ko po na ako ang dahilan ng lahat ng ito…”

My Mommy did not talk to me for months because of this. Pilit kong inintindi iyon. I refused to acknowledge that she’s playing favorites because truth is, she’s not… She’s just very devastated because of what’s happening.

Pinag-aral ako ni Tito Samuel sa isang malapit na kolehiyo. I took up business related course, even if I don’t like it, in the hopes to restore our family business.

Nang naging residente na ako ng America ay naghanap na ako ng part time job para hindi na maging sakit sa ulo ang aking allowance.

Yeshua was never the same again. His headaches became worse. Nagiging maayos lamang siya sa gamot. At kapag natuto na ang kanyang katawan ay ‘di na ulit tumatalab ang gamot. Papalit palit ng gamot dahilan ng mas lalong pag-iiba niya ng ugali.

I never got to talk to him normally again. He’s always spacing out. He forgets things or he’s always angry.

Inoperahan ulit siya dahil nalamang hindi naging successful ang unang operasyon pagkatapos ng isang taon.

Nang naging residente na ako ng America ay naghanap na ako ng part time job para hindi na maging sakit sa ulo ang aking allowance.

We were broke. Ang mga relatives na lang namin ang bumubuhay sa amin. Ayaw bitiwan ni Daddy ang lupa namin dahil naaalala niya si Yeshua. That was our only hope, though. So we can pay for Yeshua’s bills, we need to at least lease the land or something.

A year after Yeshua’s operation, he got comatosed because of the brain injury. Hindi naging successful ang mga operation noon. Naging panandalian itong lunas ngunit hindi tuluyang nawala ang kondisyon.

Iyak ako nang iyak. Kahit nasa trabaho o sa eskwelahan. It was so depressing. I feel so guilty.

“Kasalanan mo ‘to!” my Mom kept on blaming me for what’s happening. “Kung umayos ka sana noon, sana hindi ganito! Lilienne! Ang kapatid mo, Lili…” Nanghina si Mommy at umiyak na lang. I hugged her tight.

Hinampas niya ang dibdib ko sa galit. Mas lalo lamang akong umiyak.

May magagawa ba ako para lang makabawi sa’yo, Yesh? Anong gagawin ko? Kung pwede lang magpalit tayo. Sana ako na lang diyan. Sana ako na lang iyong comatose. Hindi ka sana nahihirapan ng ganito.

I cried out in front of Nicholas and Leon because of what’s happening with my life. They were there for me to listen. Dahil wala na akong masasandalan.

I thought it’s easier if I just end my life here. But then who would fight for Yeshua, right? Who would carry out his desires? Dadagdag lamang ako sa problema kung ginawa ko iyon.

Tulala ako habang nasa harap ng magkapatid. I came here straight from work because I couldn’t handle Mommy blaming me every night.

Tinulak ni Leon ang isang shot ng whiskey. Kanina pa kami umiinom. I want to be wasted every fucking night, wake up for school in the morning, and go to work right after… Then get wasted again for the night. Sana ay lagi na lang sila rito sa New York.

Nilagok ko ang isang shot ng whiskey. Tahimik ang dalawa nang nag-angat ako ng tingin sa kanila.

Nilapag ni Nicholas ang kanyang cellphone sa aking harap at nakita ko kung sino ang naroon sa Facetime.

Suki Iwamoto.

Nanlaki ang mga mata ko.

“Lilienne!” malamig na sambit ni Suki sa kabilang linya.

Nag-angat muli ako ng tingin kay Nicholas. Nangilid ang luha ko. Pinaghalong takot at ginhawa ang naramdaman ko. Takot sa reaksyon ni Suki. Ginhawa dahil nakita ko ulit ang aking kaibigan!

“Suki…” nanginig ang boses ko.
“After almost four years, care to explain?”

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ni Nicholas. I know he’s a jerk but I think he knows what I really need. Hindi mo talaga matatantya ang mga tao. Madalas iyong ‘di mo inaasahan ang mas nakakaintindi pa sa’yo.

“I’m sorry. I didn’t want to tell anyone, Suki. Ayaw ni Yeshua ng ganoon…”

I thought she already knows. Syempre, kung hindi man sinabi ni Nicholas o ni Leon ay maaaring nasabi na ni Nana Sela, ni May, o ‘di kaya ni Manong Luis.

“Na ano? Bakit ka umalis ng ‘di ko nalalaman? You know I was about to tell you after prom that I’m going out of the country too. To study college. Gusto ni Daddy na sa Japan ako mag-aral para na rin mas maging fluent pero… ikaw? Bakit mo ‘yon ginawa?”

She didn’t know. Nicholas didn’t tell her! Nagulat ako dahil tunay pala talagang mapagkakatiwalaan ang isang iyon.

“So, are you in Japan right now?” tanong ko.
“Yes, I am. Malapit na rin akong bumalik ng Manila. Three years ago, my Dad started a business, you know. Medyo lumago ito. Nakapangalan sa akin kaya gusto kong ihandle. You know… videogames. Wait… Bakit ka umalis? This should not be about me…”

Hindi pa nga ako nagsasalita ay napaiyak na ako. It took me minutes before I could start to talk.

Sinabi ko sa kanya ang kalagayan ni Yeshua. Alam niya na ang nangyari noon sa amin ni Oliver.

“Oh my God!” wala siyang masabi kundi iyon.
“He’s in coma right now. I don’t know what to do anymore…”

Suki cried too. Hindi niya inasahan ang sasabihin ko.

“After the prom, nangungulit si Piper sa akin. Wala akong masabi sa kanya dahil ‘di ko rin alam kung ano ang nangyayari. And Riguel-”
“Suki, please… Nakalimutan ko na ‘yan.” Umiling ako. “It’s been years. My problems are bigger now and I don’t have room for it.”

Pulang pula ang ilong ni Suki dahil sa pag-iyak. Pakiramdam ko ay buong gabi kaming nag-usap tungkol kay Yeshua. She was emotional about it. Nagalit din siya sa paglilihim ko ngunit nawawala rin kapag nag-usap kami tungkol sa kalagayan ng kapatid ko.

Three days after reconnecting with Suki, Yeshua died.

I couldn’t stand. I couldn’t eat.

Parang sirang plaka sa aking utak ang lahat ng pinagdaanan namin ni Yeshua noon.

The way he covers my head everytime it’s raining and we don’t have an umbrella. The way he’d cover up for me everytime I get into trouble. The way he gets angry with me because of the relationships I had.

Kung pu-pwede lang ay tumigil muna. Kung pu-pwede lang ay sumuko na muna. Dahil gustong gusto ko na lang magkulong at umiyak. Hindi ko matanggap. Lalo na tuwing naiisip ko na kung sana naagapan ito, sana hindi ganito.

Ngunit wala akong magagawa. Mom couldn’t stand. She’s depressed. Pinainom siya ng mga gamot para maibsan ang depression.

Ako ang nag asikaso sa kay Yeshua. Mommy wanted him cremated. Ayaw ko sana ngunit dahil ayaw kong mas lalong magalit si Mommy ay sinunod ko ang gusto niya.

Pinuntahan ako ni Suki sa New York. Lumipad din si Nicholas galing California dahil sa nangyari.

They comforted me. I couldn’t entertain them properly because I was too preoccupied with everything.

Binenta na ni Daddy ang aming plantation dahil sa pagkakacomatose ni Yeshua. Ang natitira sa amin ay ang bahay na lang sa Alegria.

I feel like I failed my twin. He wanted me to take care of the plantation, to take care of the house… ngunit hindi ko iyon nagawa.

I was busy with work and school. Graduating na ako ng college at naisip ko pang huminto dahil sa pagkawala ni Yeshua. Our relatives pushed me, though. Kaya lang daw. Not until that day…

Nasa listahan na ako ng gagraduate na estudyante! Tuwang tuwa ako pauwi! Binuksan ko ang pintuan ng bahay para hanapin si Mommy. Alam kong maliit lang ‘tong nagawa ko. Siguro ay ‘di maiibsan ang pangungulila nila kay Yeshua. I’m lonely too. I longed for him. But then I figured I can only carry out my promises when I work hard so I worked hard.

Naririnig ko ang TV sa sala. Walang nanonood. Dumiretso ako sa kwarto nina Mommy at Daddy sa pag-aakalang naroon sila. Si Daddy lamang ang naroon, natutulog. I kissed his forehead. He woke up.

“Dad, Gagraduate na ako…” I said.

After six years, finally I’m going to have my own degree. Maaaring nahirapan ako at ilang beses nadapa dahil sa mga problema, at least ngayon tapos na sa wakas.

“Mabuti naman…” ani Daddy at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto.
“Where’s Mommy?” I asked.
“I don’t know. Nandito lang siya sa kwarto kanina…” ani Daddy.

Tumango ako at masayang hinanap si Mommy sa kwarto ko. Wala siya roon. Bumalik ulit ako sa sala para maghanap.

“Mom? Mom?” sigaw ko.

Pinatay ko ang TV para mas marinig ako ni Mommy. Nang tumahimik ay may narinig akong kaluskos. Kumunot ang noo ko at sinundan ang tunog.

It was from our kitchen!

“My?” maligaya kong tawag at dumiretso sa kusina.

There… Mommy was lying on the kitchen floor. Bubbles and liquid went out of her mouth. Tumitirik ang kanyang mga mata. Sa gilid niya ay isang natapong bote ng isang bathroom cleaner.

“Oh my God! Mom!” sigaw ko.

Lumuhod ako para daluhan si Mommy sa sahig. May nakita pa akong pesticide sa gilid ng bote.

“Help!” sigaw ko.

Nanginginig ang kamay ko habang hinahagilap ang cellphone.

“Lili, ano ‘yan?” sigaw ni Daddy galing sa kwarto.
“Mommy…” I cried habang tinatawagan ang 911.

Niyugyog ko ang kanyang balikat. I want her to wake up! Please, Mommy!

Umapaw ang luha sa aking mga mata. Nanginginig ako pagkasagot sa tawag. Sinubukan kong kargahin si Mommy habang ang isang kamay ay nasa cellphone.

“Lilienne! What’s wrong?” sigaw ni Daddy nang umabot na siya sa sala.
“Dad! Help! Dad, si Mommy! Dad!” hindi ko na alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

Bumagsak si Daddy sa sahig dahil sa pagmamadali niyang lumapit sa amin. Sinagot ako ng 911. Wala akong maisukli kundi ang aking pag-iyak.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

18 Responses to Tripped – Kabanata 19

  1. Queeeeeeeeeeeeeeeen J. Huhuhu. Ang malas namn ni lilienne. Tss. Sarili nyalang kasi iniisip nya simula nung una

  2. Buti nalang talaga pahapyaw lang yung pagkwento niya dito. Masakit lang. Pag mas mahaba kasi mas masakit e. ?

  3. OMG! Grabe! This is too much for Lili. Tapos pagbalik nya ng Alegria marami na namang atribida. Baka nga galit pa si Riguel sa kanya. Grabe ang lupit. Parang si Lili ang may pinakamasaklap na nangyari sa pamilya. Nasaksihan nyang isa-isa silang nawawala. </3 Be strong Lili.

  4. azan po ang kaxunud n2.bnaza ko 2 sa wattpad.pero hanggang d2 lan.yung naiyak kna thek wala pang kaxunod huhuhu

  5. ?????? grabe mamamatay na din yata ako. Buti na lang hindi totoo si Lili kundi, sasama na aki kay Yeshua huhuhuhu!!! Heartbreaking. The best ka Q.J. Thank you sa mga great stories na libre mong shineshare. Godbless ????

  6. sana po pala pag-ipa-publish yung Stories nf ALEGRIA GIRLS una akong makaorder. sayang yung UNTIL. durog po ako Q.J. ?????

  7. kawawa talaga c lili sa new update ng tripped #kabanata20…nawala na sa kanya ang lahat :(

  8. Sa lahat po ng story mo, ito yung pinaka malungkot kasi lahat na lang halos nawala na kay lili. Pero ito yung aabangan ko lalo kasi feeling ko mas happy yung ending na nagiintay kay lili.

  9. This part is very heartbreaking….mppa shitttt k tlga s sakit at mppaiyak…. wasak n wasak durog durog ang mrramdaman m dto… T____T

  10. . .sakit sa dibdib naman nito . Cguro Pag ako c lili . Nko . .sSunud nlang cguro ako . .huhuhu .kakaiyak. love u te jonaxx da best author ka tlga 4 me. ????