Tripped – Kabanata 18

April 24, 2016 By In Tripped 50 Comments

Kabanata 18
Gone

Kabado ako palabas ng bahay. Sabay kami ni Yeshua patungo sa eskwelahan.

Inayos ni Yeshua ang manggas ng kanyang coat and tie habang nasa loob kami ng sasakyan. Nakasuot ako ng isang kulay navy blue na long gown. Off shoulder iyon at hanggang palapulsuhan ang haba. Ang kambal ko naman ay nakasuot ng coat and tie. Ang kanyang kurbata ay kulay navy blue rin.

Tapos na kaming mag-impake noong isang linggo pa lang. Marami ang nangyari simula noong pinuntahan ako ni Riguel. Naging madalas ang punta niya sa school. Kadalasan pa iyong mga ‘di inaasahang oras.

Hindi na ulit ako uminom kaya ‘di niya na ako napagalitan. Iyon nga lang, lagi akong tinutukso ni Suki na ang bilis daw’ng magbago ng ihip ng hangin. Si Riguel naman ngayon ang pumupunta sa school.

“Mag aantay si Suki sa gate. Una kasi siyang nakarating…” sabi ko kay Yeshua.

Tumango si Yeshua at tumingin sa akin.

“Kung kokomprontahin ka ni Piper ngayon, huwag mo siyang kausapin…”

Bumagsak ang damdamin ko sa sinabi ng aking kapatid. Seryoso siya sa binanggit. Iyon parin talaga ang plano niya. Piper’s been so down lately because of him. Masakit din ito para kay Yeshua pero ito ang paraan niya para iwan si Piper ng ‘di sobra sobra ang paghihirap.

Tumango na lamang ako. I understand him. Kahit ako kay Riguel ay ‘di ko alam ano ang gagawin. Kaya nga hirap na hirap akong sumang-ayon sa gusto niyang mangyari ngayon.

He said he’ll gatecrash. He’ll dance with me. He asked me to reserve my dance to him. Ayaw ko na sana dahil bukas na ang alis namin ngunit nagpumilit siya.

“Take note of that, Lili…” ani Yeshua at lumabas na sa aming sasakyan.
“Okay…”

Lumabas na rin ako. Si Suki ay nasa gate namin. Ang suot niya ay kulay champagne na long dress. She looked perfect without her dark make up. So different from her usual aura.

“Suki!” sabi ko sabay yakap sa kanya.
“You look divine!” ani Suki sabay pasada ng tingin sa akin.
“No! You look divine!” sabi ko.

Napatingin si Suki kay Yeshua. Yeshua smiled at her. Tipid ring ngumiti ang aking bestfriend.

Sabay na kaming tatlong pumasok sa paaralan. Hindi pa nagsisimula. Hindi pa dumidilim. Marami pang estudyante sa labas, sa field, nagpapapicture.

“Did you delete your Facebook account?” Suki asked when she realized she couldn’t search me.

Kagabi ay pinatay ko na lahat ng social media accounts ko. Pinagmasdan ko si Suki. That urge to tell her the truth is here again.

“Deactivate lang. Ibabalik ko rin…” sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Oh! Anyway, let’s take some pics!”

Hinatak namin sina Russel at Julio. Wala pa si Leon. Nagpapahuli yata. Kaya kaming apat at iilan pang kaibigan lang ang present sa mga picture. Yeshua’s with his friends from section A.

Nang malapit nang dumilim ay tinawag na kami ng mga teachers. Kailangan na naming pumasok sa covered court, kung saan gaganapin ang prom.

“Iyon nga sana, e. I want to get a hold of his records so I can send it to my friends from a prestigious university in Manila…” sabi ng isang medyo matandang babae.

Napalingon ako sa kanya. Kausap niya iyong tumawag na teacher sa amin. The woman has glasses, pearl necklace, an expensive looking bag, at terno pa ang suot na damit.

Hindi ko na sana papansinin lalo na’t nakikita ko si Piper sa malayo, nakatingin sa akin ngunit siniko ako ni Suki.

“That’s Isabella’s mom…” aniya.

Nilingon ko ulit sila habang nag-uusap. Tumigil ako sa paglalakad para makinig.

“We need to inform Riguel if you want to get his records. Baka naman may kopya siya niyan…”
“He said he gave it to ACC. So I need a new copy. He knows that I want to see it. Sa relasyon ba naman nila ng anak ko, syempre nasabi ko na sa kanya ito.”

Pagkasabi niya noon ay mabilis na akong naglakad. Halos tumakbo pa si Suki para lang maabutan ako.

“Relasyon? Ano ba talaga? Gulong-gulo ako. May relasyon si Riguel at Isabella?”

Hindi ako kumibo. I have been hearing rumors about that and I’m getting used to it. Ngunit iba parin pala talaga kapag galing sa isang taong may kredibilidad.

“Lilienne!” tawag ni Suki nang ‘di ko na siya kinausap.

Hinarap ko siya pagkapasok namin sa covered court.

“Suki, hayaan mo na ‘yon.”
“Anong hayaan? Damn, girl. He’s hitting on you big time. At umaasa ka! Hindi pwedeng hayaan iyon! Ano ba talaga ang totoo? Is he in a relationship and are you an option?” punong puno ng pag-aalala ang kanyang boses.

Tumingala ako para hindi tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Aalis kami. Magustuhan man ako ni Riguel o hindi, hindi magbabago ang desisyon ko. Kaya kung naglalaro man siya sa akin ngayon, e ‘di bahala na, ‘di ba?

“I don’t know. I don’t care…”

Kinagat ko ang labi ko at matamang tiningnan si Suki.

“Mommy na mismo ni Isabella ang nagsabi! Ano? Sinasabi ba ni Riguel sa’yo na hindi sila? Baka naman pinaglalaruan ka na niyan?”

Hindi na ako makapagsalita. Nakakunot ang noo ni Suki. Punong puno ito ng pagsusumamo at awa. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“Bahala na…” nanginig ang boses ko.
“What? Anong bahala na, Lili?” maliit na ang boses niya ngayon.
Umiling ako. “Bahala na…”

Pumasok ang maraming estudyante. Kailangan na namin pumunta sa aming lamesa para makaupo na. Tahimik ako habang umuupo. Si Suki ay tahimik din at nakatingin sa akin.

“May hindi ka ba sinasabi sa akin, Lilienne?” biglang tanong ni Suki sa akin sa kalagitnaan ng programme.

Hindi na ako nakikinig sa Master of Ceremonies. Tuwing pinapatayo kami ay tumatayo lang ako para sumunod. Sa sayawan naman ay parang robot lang din.

Ngumiti ako at umiling. I really want to tell her now but I couldn’t. I promised Yeshua.

Iniisip kong mabuti kung ano kaya talaga ang tunay na estado ni Isabella at Riguel. Is he using her to learn? Or are they together? Isabella’s Mom seems to be very fond of him. Para bang botong boto siya kay Riguel. Syempre, sino ba ang hindi boboto sa isang lalaking achiever?

Even my Mom likes him. Hindi ko pa nga lang nadadala dahil nahihiya naman akong magyaya. Pakiramdam ko ay tatanggi siya. Pero mabuti na lang din at ‘di ako nagyayaya. Dahil ngayon, aalis din naman kami. It’s useless. The familiarity, the feelings invested, the memories… they are all going to be useless.

“May I have this dance?” sabay lahad ng kamay sa akin ng aking prom date.

Nagdim na ang lights pagkatapos naming kumain. I promised Riguel to reserve my dance for him. Ni hindi ko alam kung matutupad ba ang paggigate crash niya ngunit aasa ako.

“I’m sorry. Maybe later…” sabay ngiti ko sa junior na iyon.

Nagkamot siya sa ulo. Kantyaw ang inabot niya galing sa mga kaibigan. Hinarap niya ang mga ito para makipagtawanan. Si Suki at nasa dancefloor na agad kasayaw ang kanyang junior na partner.

Leon’s beside me now. Ewan ko ba kung bakit hindi siya sumasayaw at lumapit pa rito. Nakatingin lamang siya sa dancefloor at mukhang malalim ang iniisip. Si Russel ay nasa harap ko at nakatingin sa amin ni Leon.

“Hindi kayo sasayaw?” he asked.

Umiling agad si Leon. Sunod naman akong umiling at pinasadahan ng tingin ang paligid.

Si Isabella man at Riguel o hindi, ayos lang. Last na rin naman ‘to e. Last na ‘to… Hindi na mauulit pa ang lahat ng ito.

Kung pinaglalaruan man ako ni Riguel ngayon, e ‘di paglaruan niya na ang puso ko. Kanya naman ‘yon, ‘di ba?

Kinagat ko ang labi ko. Ang hapdi ng puso ko ngayon. Hindi pa lubusang nagsisink in sa akin ang lahat. Na aalis ako. Na kaya kong mahalin si Riguel, niloloko niya man ako o hindi.

I never thought this would happen. Ang tanga lang. Noon akala ko gamay na gamay ko ito. Mabilis kong nalalaman kung pinaglalaruan ako ng lalaki o hindi at sinasakyan ko lang iyon. With no feelings involved! Ngayon, hindi ko parin alam kung pinaglalaruan ba talaga ako ni Riguel. Siguro ay dahil gustong gusto ko siya… Siguro ay ayaw maniwala ng instincts ko… Siguro ay masyadong mabait ang pananaw ko sa kanya unconsciously kaya kahit na harap harapan na, hindi parin ako naniniwala.

“Lilienne…” may isa pang kaklase akong naglahad ng kamay sa akin.
“I’m sorry… I’m not feeling well…” nanginginig ang boses ko nang tanggihan ko iyon.

Nilingon ako ni Leon at kumunot ang noo niya sa akin. Nagkibit na lamang ako ng balikat. Bumagsak muli ang mga mata ko sa aking mga kamay.

My nails are colored with a darker shade of nude just for tonight.

I wonder how long this puppy love will last? Nilingon ko ulit si Leon na nakatingin na ulit sa dancefloor ngayon.

I wonder if Leon can love again after Freya? How can you really love again after a great love?

Siguro nakakapagmahal ka naman pagkatapos. Ang daming tao riyan na sobrang nasaktan na, nakamove on, at nakapag mahal muli. Surely, I’m not an exception. Surely, God didn’t curse me, right? He wants me to find happiness eventually. And yes, sometimes happiness is not found on your significant other so I know… eventually… I can be happy again.

Kapag magaling na si Yeshua. Kapag maayos na ang lahat.

Am I going to fall in love again, though? And will it be greater than my love for Riguel? Kung mas malala pa rito ay parang ayaw ko na. Pakiramdam ko kasi sagad na ang katangahan ko ngayon. Hindi ko alam kung may mas itatanga pa ako.

“Lienne…” ani Leon sabay tayo.

Nilingon ko siya. May nginuso siya sa akin. Tiningnan ko kung sino o ano iyon at nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Riguel sa dancefloor.

He’s looking at me. Tumayo si Leon at dumiretso na sa dancefloor. Siguro ay kung nasaan si Freya.

Tumuwid ako sa pagkakaupo. Riguel’s wearing a white long sleeve polo. Nakatupi iyon hanggang siko. His dark jeans and all black sneakers still looks formal.

Isinantabi ko ang galit. Here is the man I like the most. Here is the man I am probably in love with. I wonder if I ever get over him? I wonder if I ever love again?

Iniisip ko pa lang, sobrang labo na.

Lumapit siya sa akin. Gusto kong umatras sa kinauupuan ko dahil sa bilis ng pintig ng puso ko.

Nilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko ito. He’s my first love. Unless I find someone better than him, ‘tsaka ko lang mabubuksan ang puso ko.

Seryoso ang kanyang tingin sa akin nang tumayo ako. His eyes are dark and mysterious. His hair in between made up and disheveled. And his scent is manly and clean.

“Did you dance with anyone?”

Nilagay niya ang aking mga kamay sa kanyang batok. Bumaba ang kanyang kamay sa aking likod pababa. Halos tumindig ang balahibo ko nang nagslide ang kanyang palad doon.

“Nope. I waited for you…” my voice is shaking.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Ninamnam ang bawat linya sa kanyang mukha. I memorized every corner of his face. The way his eyebrow connects everytime he’s confused. The way his eyes would withdraw if he looks at you sweetly. The way his lips curve everytime he stops a smile. The way his jaw clench everytime he’s annoyed.

“What is it?” tanong niya.

Napangiti ako at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kanyang batok. Bumaba ang tingin niya sa magkadikit naming dibdib.

Tonight, I realized something. Riguel is one for the books. Regardless if he’s fooling me or not, he’s the man I fell in love with. He’s the only man I fell in love with.

Alam kong bata pa ako at marami pa akong makakasalamuha pero natatakot ako na ang nararamdaman kong ito ay para kay Riguel lamang.

“Nothing…” bulong ko.

Umawang ang bibig niya at bumaling ulit sa aking mga mata. Hinapit niya pa lalo ang aking baywang.

“Kahit sa partner mo?”
“Sa cotillion lang, Riguel. We need to dance like that…”
Nagtaas siya ng kilay. “Last prom everyone was talking about how well you danced.”
Ngumisi ako. “Is that why you think you should come tonight, then? Ayaw mo nang maulit iyon?”
Ngumisi rin siya. “Oo. Binabantayan ko lang. Mahirap na…”

Ngumuso ako. Mas lalong lumapad ang ngiti niya.

“Natututo ka sa akin, ha? Hindi ka naman ganito noon.”
“I hate the way you stun me with your words sometimes.”

Humalakhak ako pero ramdam ko ang sakit sa aking puso. I am leaving him tomorrow. If he’s with Isabella right now, I won’t bring it up. Wala na rin naman. Tapos na rin naman. Ayaw kong aksayahin ang oras na ito para sa pagtatalo at pagdududa. Ayaw kong masira ang huling gabi.

“Do you really hate it? Nangingiti ka minsan, e…” sabi ko.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Napatingin ako roon. I am gonna miss his damn lips. I am gonna miss his scent. I am gonna miss his presence.

“Lilienne…” may biglang kumalabit sa akin sa dancefloor.

It was Piper. She’s wearing a hot pink gown. Kahit naka make up ay kitang kita ko ang kalungkutan sa mukha niya. Nilingon niya si Riguel at bumaling ulit sa akin.

“I was told that some seniors are here. Nandito pala si Riguel…” ani Piper. “I didn’t expect that.”
“Nalaman na nila?” tanong ni Riguel.
“Some seniors? Sino pa ang kasama mo, Riguel?” tanong ko at tumigil ako sa pagsayaw.
“Sina Mateo at Basty…” ani Riguel.
“Please don’t tell them, Piper…” sabi ko.
Tumango si Piper at seryoso akong tiningnan. “Hindi ako nandito para sabihin sa’yo iyon. I’m here to ask kung ano ba talaga ang problema ni Yeshua…”

Napatingin ako kay Riguel. No… No… Piper, please don’t ask that.

“Uy! Is that Riguel Alleje?” may narinig ako sa likod ko.

Nagtaas ng kilay si Riguel at tumingin din sa likod ko.

“Shit…” sabi ko sabay hawak sa kamay ni Riguel.

I don’t want to do this but Piper’s question is encouraging me to do it. Ayaw kong manatili roon dahil sa tanong ni Piper na ‘di ko masasagot. Isa pa, nalalaman na ng mga tao sa dancefloor na nandito si Riguel.

“Sorry, Piper. Ask Yeshua… We need to go or they’ll throw Riguel out…” sabi ko.

Hinila ko si Riguel sa puso ng dancefloor.

“Excuse me…” sabi ko sa mga nagsasayawan.

Mas dumami ang nakakita kay Riguel kaya mas binilisan ko ang pag-alis. Sumunod lang si Riguel sa akin.

“Lalabas po kami saglit…” sabi ko sa nagbabantay doon.

Pumayag naman siya. Pagkalabas namin ay pinagtitinginan na si Riguel ng mga estudyanteng nagpahangin din yata sa labas.

“Si Riguel Alleje?” sabay tingin sa akin.

Nilingon ako ni Riguel.

“You’re not a good crasher…” sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng campus.
“What do you expect? I’m tall. Kung ikaw ang pupuslit, ‘di ka mahahalata. I can easily cover you…” aniya.

Matalim ko siyang tinitigan. Nang nakita ko ang ngiti niya ay parang may humaplos sa aking puso. Nag-iwas ulit ako ng tingin. Hindi niya alam. Kung alam niya kayang aalis ako, titigil kaya siya sa panloloko? Hihingi kaya siya ng tawad?

Pinutol ko ang linya ng pag-iisip na iyon at diniretso ang tingin sa gate. I should stop thinking about that. I shouldn’t be bitter about it. There’s nothing I can do anyway? Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ang isipin na masaya ang lahat ng ito. Na kahit anong mangyari, wala akong pagsisisihan. Loving Riguel is part of my childhood memories. Loving Riguel is a happy memory… Everything about us is a happy memory. Na ang tanging malungkot dito ay ang hindi mapipigilang pag-alis ko.

“Let’s go somewhere…” sabi ko.
“What about your prom?” tanong niya sabay tingin sa likod kung nasaan ang paaralan.
Umiling ako. “Ikaw lang naman ang hinihintay kong mangyari roon, e.”

Tinitigan niya ako. Tila ba nagtatalo ang kanyang isipan kung papayag ba siya sa gusto ko o hindi. Bago pa siya makapag desisyon ay binigyan ko na siya ng mga choices.

“We can go… to the grill. I’m not hungry but we can drink softdrinks or juice. O ‘di kaya sa field sa bayan? But it’s awkward. I’m wearing a gown. Or… Hmm… We can go to your house. Sa batis, Riguel…”

Nanatili siyang nakatitig sa akin na para bang pinag-iisipan lahat ng sinabi ko.

“Hahanapin ka ni Yeshua… Ni Suki…” aniya.
“I’ll text Yeshua that I’m just outside. Or… Nakauwi na. Uuwi rin ako after an hour. Riguel, please…” ayaw kong mag makaawa pero iyon ang kinalabasan.
“Okay… isang oras, huh?”

Pumara siya ng isang tricycle. Hinawakan ko ang aking dress pagka’t natatalisod ako tuwing naapakan ko iyon. Tumulong siya sa paghawak ng palda para mapasakay ako sa tricycle. Sumakay din siya kasama ko.

“Iisipin ni Lola na kinuha kita sa prom…”
“Sa batis lang naman tayo, Riguel. ‘Di na ako papasok sa inyo. Nahihiya ako kay Lola at Lolo mo.”

Tumingin siya sa kanyang wrist watch. Tumingin din ako roon. It’s nine thirty.

“Tulog na rin naman sila…” aniya.

Tumango ako. Bumaling siya sa akin. He rested his elbow on my thighs. I smiled at him.

“Ilan ang nagyayang sumayaw sa’yo?”
Nagkibit ako ng balikat. “Ewan. ‘Di ko binilang.”
“Did your partner ask you to dance?”
“Yes…” Nilingon ko ulit siya.

Kanina pa siya nakatingin sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa kanyang labi.

“Malapit ka nang mag college…” aniya.
Ngumiti ako at tumango. Nakatingin parin ako sa kanyang labi.

I want to kiss him. I want to hug him. I want to feel him. Even just for a while. I want to make memories. Unforgettable memories. I want to bare my soul to him. Makakahanap din siya ng iba. Ako rin siguro. Pero gusto ko na siya ang una. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat lahat ngayon. It will break me for sure but in time, I will look back to it thinking that I gave myself to the man I love right now.

Hinilig ko ang pisngi ko sa kanyang balikat. Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang braso at niyakap ito ng mahigpit.

I’m gonna miss him. I’m gonna long for him, I’m sure.

Binaba kami ng driver sa kanilang bahay. Ang kanilang sala ay may ilaw pa ngunit ang mga kwarto sa taas ay wala na. Siguro ay tunay na tulog na ang kanyang lolo at Lola.

Hinigit ko si Riguel patungo sa likod ng kanilang bahay. Our usual spot near the stream is lighted by the moon and its reflection on the waters.

Nakatayo ako sa harap ng batis. Nilingon ko si Riguel sa aking likod. Dahan-dahan niyang kinalas ang mga butones ng kanyang puting polo at nilapag sa lupang puno ng tuyong dahon.

Dahan-dahan akong umupo roon. Hinawakan ni Riguel ang aking braso para makaupo. Ang hirap dahil nakaheels ako.

“Ouch!” nang bigla kong naituko ang kamay ko sa mga tuyong dahon.

Riguel squatted in front of me. Hinawakan niya ang mga paa ko at hinagilap ang lock ng aking stilletos.

“This is a pain in the ass for you…” aniya.
“I need that to look tall, you know…”

He smirked. Nahanap niya ang lock. Medyo matagal niyang nakalas dahil mukhang ‘di siya marunong.

The touch of his hand on my foot sent shivers down my spine. Kinagat ko ang labi ko. Naabutan niya iyon nang nag-angat siya ng tingin. He raised his brows and then looked at my other foot.

“Why do you need to look tall?” he asked.
“Ang tangkad mo, Riguel. I want to grow up fast. I want to mature fast, you know. Para naman ay kahit paano, makaabot sa’yo.”

Tinabi niya ang sapatos ko at tiningnan niya akong mabuti. Umupo siya sa aking tabi at muli ay seryoso akong tinitigan.

“I don’t want you to grow up fast…” aniya.
“Why?” tinagilid ko ang ulo ko.

He only smiled. Gusto kong malaman kung bakit ayaw niya. Ang tanging gusto ko lang naman ay maging kagaya niya. Mag mature na kagaya niya. I’m trying hard to be a woman.

“You should enjoy this, Lilienne…” mataman niyang sinabi.

Nagkatitigan kaming dalawa. Habang tumatagal ay humahapdi ang puso ko. It hurts like hell seeing him getting serious while I know that it’s all going to end tonight.

“I am enjoying it, Riguel.”

I licked my lips. It bothered him. Alam ko dahil bumaba ang tingin niya sa aking labi at para bang may iniisip siyang malalim.

Dahan-dahan akong lumapit kay Riguel. Tinuko ko ang aking kamay sa kanyang polo para makalapit sa kanyang mukha. Tinagilid ko ang ulo ko para mailapat ang aking labi sa kanya. He opened his lips welcoming my kiss.

I gently kissed his lips thrice then I stopped. Hinawakan niya ang aking balikat.

“Everytime you kiss me, I can’t help but think about all the guys you’ve kissed before. It makes me mad, Lilienne…”

Lumayo ako ng bahagya at tumingin ako sa kanya.

“I didn’t kiss another man, Riguel. Simula nang nahalikan kita…”

Matalim niya akong tinitigan. Sinuklian ko siya ng malambing na ekspresyon. I want him to feel my sincerity. Kahit na hindi niya maibigay ang sinseridad niya sa akin. I want him to remember me as the girl who loved him truly. Without conditions. I am not asking him to love me back. I’m just asking him to let me love him. Even just for a while…

Marahas niyang hinawakan ang aking batok at siniil muli ako ng halik. This time, his kisses were hot and deep. My skin is tingling with all the foreign sensations.

My chest hurt so bad as we kissed. Iyon ay dahil alam ko na rito magtatapos ang lahat ng ito.

Mas lalo akong lumapit sa kanya. Dinikit ko ang aking dibdib sa kanyang dibdib. He kissed me hungrily this time. Everytime he enters my mouth, he claims it like it’s his. It is, actually. So I’m letting him claim it freely.

Hinaplos niya ang aking braso. Ang isang kamay niya ay nasa aking tiyan.

Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahang dinala sa aking dibdib. He then stopped kissing me. Kumunot ang noo niya at tiningnan ang aking dibdib.

“Lilienne…”

Kinagat ko ang aking labi. Alam kong pipigilan niya ako.

“Riguel, I like you very, very much…” sabi ko.

Ang isang kamay ko ay nasa aking likod na. Ang hirap ibaba ang zipper ng mag-isa. Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan sa pagbaba ng zipper.

“No…” aniya.

Ngumuso ako at niyakap siya.

“Please, I want you so bad. I want you, Riguel… Are you going to reject me? Like you always do?” nanginig ang boses ko sa iniisip.
“Lilienne!” mariin niyang tawag. “This is not good…”

Bumagsak ang balikat ko at binaba ko ang kamay ko galing sa kanyang batok. So… he’s rejecting me, huh?

Nahagip ko ang umbok sa gitna ng kanyang hita. Naibaba ko na ang aking zipper sa kalahati at tinigil dahil ayaw niya ngunit napaangat ang tingin ko sa kanya nang naramdaman iyon. He’s turned on!

Mapupungay ang kanyang mga mata. Bakit hindi ko napansin iyon kanina?

“Just for tonight, Riguel? Please?” nangilid ang luha ko. Hindi dahil sa pagmamakaawa kundi dahil sa naiisip kong pag-alis bukas.

I tried to kiss him again. He kissed me back. His kisses is an evidence to his burning desire. Bumibigat ang bawat hininga namin. Tinulak niya ako bahagya para mahalikan ang aking leeg. I gave him access to my neck. His soft kisses made me moan.

“This is not good, Lilienne…” bulong niya sa kalagitnaan ng kanyang mga halik.

An aching pulse throbbed in between my thighs. Mas lalo kong diniin ang sarili ko sa kanya. His other hand feasted on my breast. Inabot kong muli ang aking zipper at tuluyan na itong kinalas. I moved my shoulders so I can remove my spaghetti strap gown.

“Baby, you are going to regret this tomorrow, I’m sure…” malambing niyang sinabi.
Umiling ako at inatake muli siya ng halik.

He moaned when I gave him a deep kiss. Dumilat ako at nakita ko siyang nakapikit at nakakunot ang noo. Tila ba hirap na hirap siyang magpigil.

I slowly unbuckled his belt. Bumagsak ang isang parte ng gown ko dahilan kung bakit diretso sa bra na ang hawak niya sa aking dibdib.

Tumigil siya sa paghalik at tiningnan niya muli ako.

“I don’t want you to regret this. It’s too early for this…”
Umiling ako. “I will never regret it, Riguel…”
Umiling din siya. “Lilienne, did you drink tonight?”
“No… I’m not drunk. I didn’t even drink… I promise…”

Pilit kong binaba ang kanyang maong. Ang hirap dahil ang bigat niya!

Hinalikan niya ulit ako. I gripped on his t-shirt as he entered my mouth. Everything about his lips make me so damn turned on. The way his tongue flicked inside my mouth made me so dizzy.

Tinanggal ko ang kanyang t-shirt. Inabot ko rin ang likod ng aking bra at tinanggal iyon revealing the whole of my chest.

Natigilan siya roon. Tiningnan niya ako ng buong buo. Kinagat ko ang labi ko. Nakita ko sa mga mata niya ang init at uhaw niya para sa akin.

“I like you very much, too, Lilienne. I don’t want you to regret this in the future. I don’t want you to-”
“Hush, Riguel. I want you to kiss me right now. To hold me… Please…” sabi ko.

Hinubad ko ang kanyang maong. Bahagya siyang umangat para mahubad niya ito ng tuluyan. He’s on his boxers now. Binaba ko rin ang aking gown at nagsimula ulit akong halikan siya.

He claimed my breasts. His calloused palm slowly kneaded the top. Para akong nababaliw sa nararamdaman ko galing roon. Kiliti at sarap na pinaghalo. I can’t help but moan. I need to be quiet. We’re outside and I don’t want anyone to hear us!

“Riguel…” I cried. He didn’t stop kneading it.

Natigil na ako sa paghalik dahil sa nararamdaman ko para roon ngunit ayaw niyang maputol ang halikan. He kissed me hungrily. I didn’t know which one to think about. His hand on my breast or his kisses.

Inangat ko ang sarili ko at ikinulong ko siya sa aking mga hita. The throbbing in between my thighs fitted on his massive manhood.

“Fuck. Fuck, Lilienne!” malutong niyang sinabi at tumigil na rin siya sa paghalik.

The remaining clothes we have seems so offending to me. I gently grind myself on top of him. Hinawakan niya ang magkabilang baywang ko para patigilin ako sa ginagawa. Tiningala niya ako. We’re both sitting in his polo. With only the streams as the background music.

“I swear you won’t like this…” aniya.

I only smiled. I started grinding again. I can feel him growing harder and bigger. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan siya. Tumitig siya sa akin. Tila ba galit sa ginagawa ko.

“Lilienne…” banta niya.

I pushed myself in a primitive rhythm. I may be a virgin but I’m not a saint. I’ve seen porn. Juilo, Russel, and Leon are frequent viewers. Kahit na ayaw nila kaming ipatingin ay nakakakita kami ni Suki. I’m not all innocent. Riguel knows that, I’m sure. I’m not a playgirl for nothing.

Binaba ko ang aking underwear. Isang malutong na mura ang pinakawalan niya. Hinigkit ko ang boxers niya. It revealed his hard massive manhood. Shocks of waves were sent to my skin giving me shivers.

“Fuck! Fuck! Fuck, Lilienne!” mariin niyang sinabi nang tinutok ko ang akin sa kanya.

Tinulak ko siya upang mapahiga siya. Napahiga siya. Tila nawalan ng lakas. Nang lumapat ang akin sa kanya ay nagmura ulit siya.

Kinagat ko ang labi ko at marahan bumaba. Hindi pa nababaon ay sobrang sakit na.

Hindi ko inasahan iyon! Ngumiwi ako sa sobrang sakit. Tinakpan ko ang aking mukha ng aking palad at gusto kong sumuko agad. It hurts like fucking hell! I did not expect it to hurt this bad!

“You are going to blame me tomorrow. You are going to regret this tomorrow, Lilienne!” ani Riguel.

I pulled back thinking that the pain would subside pero mas lalo lang itong humapdi. I tried again but Riguel held my waist.

Binagsak niya ako sa polo at siya na ngayon ang nakadungaw sa akin.

“Fuck!” he cursed and tried to put it in.

Beads of sweat formed on my neck. Hinaplos niya ang gitna ng aking hita habang dahan dahang pinapasok.

Dumilat ako at tiningnan siya. Nakatitig siya sa akin, tila lasing sa nangyayari.

Ramdam ko ang basa sa kanyang daliri habang hinahaplos iyon. Pumikit ako at parang nawawala sa aking sarili.

Bumaba siya at hinalikan ako habang dahan-dahan ang pagpasok.

“This is gonna hurt real bad…” bulong niya.

Tumango ako. Halos mapunit ang aking mukha sa kakangiwi dahil sa sakit. I moaned. Bullets of sweat formed on my forehead.

Wala akong maramdaman kundi sakit.

“Ah!” he moaned when all of him filled me to the brim.

Halos maibaon ko ang aking daliri sa kanyang likod sa sobrang sakit! I tried to move and see if hurts too and it did.

Gumilid na ang luha sa aking mga mata dahil sa sakit.

“Stop moving, alright…” he whispered.
“I want you…” nanginig ang boses ko.
“I want you too. So bad… I’m sorry we did this early…” bulong niya sabay pahinga sa aking leeg.

Hindi ko na siya dinugtungan. I’m not sorry for this. I will never be. I want to give myself to him. I want to leave good memories.

I moved. I pulled. It hurts so bad. I pushed. It hurt more!

Hinawakan ni Riguel ang aking baywang at pinirmi niya ito. He pulled. Kinagat ko ang labi ko para lang mapigilan ang paghalinghing sa sakit. He pushed everything of him to me. Pumikit ako sa hapdi.

And then he started the primitive rhythm. Sa bawat galaw ay sakit ang naramdaman ko. He kissed me softly making me dizzy but the pain would never escape me.

His other hand squeezed my breast. His lips claimed my mouth. And he claimed all of me as he moved to a primitive rhythm. A rhythm that’s probably memorized by our body since the beginning of time.

His wet mouth closed at the tip of my breast. Hindi ko na mapigilan ang halinghing ko. Hinawakan ko ang kanyang ulo. Ginulo ko ang kanyang buhok habang ginagawa iyon.

Tumigil siya at binilisan ang bawat paglabas-pasok. I kept moaning each time he pushed. And then suddenly he pulled away leaving me all alone. Tumingala siya. The sound of the streams, our heavy breathing, and the fast beat of my heart enveloped my ears.

I quickly put my thighs together. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakaluhod sa aking paanan.

“Lienne…” he said softly.

He then reached for me. He hugged me tightly. His warmth covered me, shielding me from the harsh cold wind of the night.

“Mahal kita…” he whispered to me.

Pumikit ako. I’m too tired to even react. I want to rest for a minute. He hugged me tighter this time but I was gone… too gone to even respond.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

50 Responses to Tripped – Kabanata 18

  1. the next chapter will be a painful one. i can sense it and i dont want to read it but fook. it was like my heart is ripping just lkike what i have felt to JASIE before. i am more afraid if yeshua died and their mother will blame Lili for being reckless. PHYSICAL PAIN AND EMOTIONAL PAIN. THE MORE SHE NEEDS RIGUEL BUT BUT BUT

    IYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK NAAAAAAAAA

    • yes! tama hinala mo po ate .. may kabanata 19 na sa watpadd eh .. huhuhu nagpakamatay rin yung mama nya tas nastroke ung papa nya tas binenta na yung plantation nila tas namatay na si YESH .. T.T ,, huhuhuhu kawawa si liliene!

  2. CRYING WALLING CRYING WALLING
    S A A A A A A A A A A A A A K I I I I I I I I I T T T T T T NAMAN!!!!!!!