Tripped – Kabanata 17

April 24, 2016 By In Tripped 4 Comments

Kabanata 17
Idea

After almost a year, Yeshua got rushed again to the hospital. This time, the doctors said that he should be treated right away. Iyon ang naging pinakamalalang seizure niya.

Umiiyak si Mommy habang kausap sina Tita at Tito sa cellphone. Nakapikit naman si Daddy at nakahilig sa malamig na dingding ng ospital.

Pagkababa ni Mommy ng cellphone ay nilingon niya agad si Daddy. May sinabi siya rito at alam kong ‘di dapat ako kasali sa usapan nila. Ganunpaman, nakinig ako.

“Gusto nilang mangibang bansa tayo para matulungan ng maayos,” ani Mommy.

“E ‘di kumuha na tayo ng ticket. We should’ve done this a long time ago…”

“Akala ko maayos na siya. It’s been almost a year, dy…” ani Mommy. “Paano ang plantation?”

“Iiwan ko kay Nana Sela. Kapag hindi niya kaya, hayaan na lang natin. Ang importante rito ay ang kalusugan ni Yeshua. Kung kaya nila tayong tulungan, umalis na tayo rito… Yeshua needs help. He needs it fast. Hindi na tayo pwedeng magkunwari na wala lang ito tulad ng sinasabi ni Yeshua!”

Naging mabilis ang lahat ng pangyayari. Inasikaso ni Mommy at Daddy ang pagmamigrate sa ibang bansa kung nasaan ang iilang mga kamag-anak natin. Besides my Tito is a surgeon, he can help Yeshua. Mas matututukan siya roon.

Hindi na kami nanghingi ng opinyon kay Yeshua. Alam na naming papayag siya dahil hindi naman siya nagkaroon ng problema nang sinabi ito namin noon.

“Are you excited for your last prom?”

Tumabi si Yeshua sa akin habang nakaupo ako sa duyan. Tanaw ko ang plantation namin at ang madilim na langit.

Lately, I have developed a new hobby. And that is to watch the night… Narerelax ako tuwing nakikita ko ang buwan at ang mga bituin. Nawawala ang mga iniisip ko.

Umiling ako at umusog ng konti para makaupo siya ng maayos.

Niyakap ko ang aking isang tuhod at hinilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

“I’m sorry. I know it’s hard for you to explain it to Riguel…” aniya sabay akbay sa akin.

“Hindi na… I really don’t think we’re something anyway…”

Sa gilid ng aking mga mata ay tiningnan ako ni Yeshua.

“Sinaktan ka ba niya?”

Sumulyap ako kay Yeshua. Alam kong kapag sinabi kong “oo” ay magagalit lamang siya. Truth is, Riguel did not hurt me. I just got hurt because of my love for him. I like him so much. Ngunit masyadong mahirap magmahal ngayong marami akong iniisip. Isinasantabi ko ito ngunit hindi parin maalis sa sistema ko.

The rumors about him and Isabella is painful. I can’t even ask him if those are true. Kasi iniisip ko lagi na wala naman akong karapatan. And if it’s true… so what… he didn’t tell me he likes me. We’re not together… and besides, we’re going out of the country.

“Hindi…”

“How are you going to tell him that we’re leaving right after prom?”

Nilingon ko si Yeshua. Noong huling na ospital si Yeshua, inisip ko na na hindi ko sasabihin iyon kay Riguel. I didn’t even tell Suki about it so why would I tell him.

“I’m not going to tell him. I’ll just leave… Hindi ko rin sinabi ni Suki. You know it’s better that way. You don’t want anyone to know… right?”

Tumango si Yeshua at tumingala sa mga bituin. Pinagmasdan ko siya. Ang tangos ng kanyang ilong ay sinasalamin ang akin. The curve of his lips, his deep-set eyes… he looks just like me. Only that, he’s a boy.

“Lilienne, mangako ka nga sa akin…”

“Na ano?” kumunot ang noo ko.

“When the time comes, I want you to help mom and dad…”

Hindi ako nakapagsalita. May namuong galit sa akin.

“Our memories are everything to me. This house… the plantation… you… Mommy and Daddy… kayo ang lahat para sa akin kaya pakaiingatan mo ‘yan. Mangako ka.”

“Yeshua, what are you saying?” mariin kong tanong.

“Si Piper, Lienne, mahal na mahal ko…” ani Yeshua.

Dinig ko ang panginginig ng kanyang boses. Pakiramdam ko ay mundo niya ang pinag-uusapan dito. Hinawakan ko ang kamay niya. Naninikip ang dibdib ko.

“Iiwasan ko siya… That’s the only way I can think of… para ‘di niya malaman ‘to…”

“Huh? Yesh… Pwede mo namang sabihin sa kanya ‘to!” sabi ko.

“No… I know this will take time for sure. Ayaw kong matali siya sa akin. Gusto kong pakawalan siya. Isa pa… ayaw kong makita niya ako habang nagpapagaling…”

Nilingon ako ni Yeshua. Kitang kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.

“She’ll understand, Yesh. Huwag ganyan. Ang sakit para sa kanya…” sabi ko.

Kinagat niya ang kanyang labi. Pumikit siya ng mariin at nakita ko ang pagpatak ng isang luha sa kanya.

“Yesh…” malambing kong sinabi.

Bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Halos ‘di ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya. Nanginig ang kanyang balikat. His tears reached my neck.

“Masasaktan siya pero panandalian lang. Kung magpapatuloy kami, nasa ibang bansa ako, patuloy siyang masasaktan. Pinipili ko ang daang mas madali para sa kanya…” ani Yeshua.

“E… Ikaw naman ang mahihirapan, Yesh!” sabi ko.

“Bahala na. Huwag lang siya…”

Fuck. Pumikit ako at niyakap din ng mahigpit ang kapatid ko.

“Promise me… if the medications and surgery are not successful, you’d tell Piper everything. Promise me you’ll make her happy for me. Guide her, Lili…”

“Yesh, please, huwag kang magsalita ng ganyan! You are going to make her happy when you’re healthy! You’re going to be okay!”

“Just promise me… please… please, Lienne…”

“I promise…” sabi ko kahit na nanginginig na ang boses ko.

Ayaw ko sa tono ni Yeshua pero wala akong magawa kundi ang sang-ayunan siya. I want him to feel secured.

Totoo ang kanyang sinabi. Nagtago ako sa hamba ng pintuan habang tinitingnan siyang iniiwasan si Piper.

Bumagsak ang balikat ni Piper nang nilagpasan siya ni Yeshua. May dala siyang mga aklat. Siguro’y ipapakita niya kay Yeshua ngunit nilagpasan lamang siya ng kapatid ko.

“Huy! Lilienne!” sigaw ni Suki na nagpa kaba ng husto sa akin.

Binalingan ko agad siya at lumayo na roon. Ayaw kong mahanap niya ako na ganoon.

“Tara na!” ani Suki.

Tumango na lang ako.

“Ano bang tinitingnan mo roon?”

“Wala!” sabi ko.

Nagyaya si Russel at Julio na mag-inuman muna kami. Practice lang naman ng prom at hindi raw sila interesado kaya piniling mag inuman sa likod ng gym.

Pumayag lamang ako dahil marami akong iniisip. Gusto kong pansamantala man lang na makalimutan ang lahat.

“Nasaan si Leon?” tanong ko sabay kuha sa inabot na baso ni Julio.

“Nasa practice, syempre. Si Freya ba naman ang partner niya,” ani Russel sabay tawa.

Inubos ko kaagad ng isang lagukan ang binigay na inumin. Nilapag ko agad sa bato para malagyan ni Julio para kay Suki.

“Grabe si Leon. Bakit, sila na ba? Kung maka sakripisyo siya parang mahal din siya ni Freya, a?” ani Suki.

Tumawa ako. “Ewan ko ba roon. Baliw.”

“Sus! Kung makapag salita ka naman parang hindi ka rin baliw…” ani Suki.

Ngumisi si Julio. Siguro ay nakuha agad ang pahiwatig ni Suki.

“Oo nga, Lilienne. Eh si Riguel, kayo ba? Ang daming nagsasabi na sila na ni Isabella, ah? Tapos dinadala na raw sa bahay nina Isabella? Pinakilala na raw. Nagustuhan daw ng Mommy niya si Riguel. Ano ‘yon?”

Kinuha ko ang isang shot at nilagok iyon. Ayaw ko mang magpaapekto, hindi ko mapigilan. I’m trying my best to ignore those. I have bigger problems. But then at times like this, it always find a way to get to me.

“Hindi totoo ‘yon!” sabi ko.

“Baka naman kinukumbinsi mo lang ang sarili mo niyan?” ani Russel.

Nagkibit na lamang ako ng balikat. Either way, there’s just nothing I could do. Aalis din naman kami. So if Riguel chooses Isabella, then that’s good for him. He won’t have to deal with my absence.

Sa pangatlong lagok ko ay ramdam na ramdam ko na ang sakit. Lilienne, please, isantabi mo muna ito. Hindi si Riguel ang importante sa buhay mo. Si Yeshua at ang pamilya ang importante rito. I should stop worrying. I should stop thinking about him. I should stop being hurt!

Habang nag-uusap kami ay natutukso akong sabihin ang nalalapit na pag-alis ko. I feel bad for my friends. I feel bad for leaving them. I feel bad for keeping it a secret.

“May damit ka na para sa prom?” tanong ni Suki.

She seems so excited about it. Last year, wala lang naman iyon sa kanya.

“Mayroon na. Ikaw?”

Morning after our prom, we’ll be leaving for Manila. And after that, diretso na kami ng New York.

“Mayroon na rin.”

Tinanggap ko ulit ang shot at nilagok ng diretso. Pumalakpak si Julio sa ginawa ko.

Mukhang patapos na ang practice sa mga oras na iyon.

Sinilip ko ang gym para makita kung tapos na ba kaya lang isang malapad na dibdib ang una kong nakita.

He’s wearing the uniform of Alegria Community College. Seryoso ang tingin niya sa akin dahilan kung bakit kinabahan ako ng husto!

“Wh-What are you doing here, Riguel?” I said.

Umigting ang panga niya. Sinulyapan niya kung sino ang nasa likod ko.

“Uy!” ani Suki pero hindi na dinugtungan. Ramdam niya yata ang tensyon.

“What are you doing?” Riguel asked.

Kinagat ko ang labi ko at nilingon ang mga kaibigan ko. Julio is smiling. Russel stared at us blankly.

“Nagpapractice ng prom. I.. I… was bored… We were…” Nalilito ako kung ano ang unang sasabihin ko. Ang tanging laman ng utak ko ay ang galit sa mukha ni Riguel.

“Let’s go home…” aniya.

Tumango ako at binalikan na lang ang bag sa kung nasaan sina Suki. Hindi ko na kailangang mag paalam. Alam na ni Suki. Ngumisi siya ng hilaw.

“Ingat…” ani Suki sabay halakhak.

Ngumuso ako at binalikan na si Riguel. Dammit! Bakit ba siya nandito? Ngayon pa talaga niya napiling pumunta na may ginagawa ako?

“Why are you here?” tanong ko habang naglalakad kami.

Nilingon ko siya. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Hindi siya makatingin sa akin.

I raised my hand to get his attention. I waved at him. Pairita siyang sumulyap sa akin at hinula niya ang kamay ko. Binaba niya ang kamay ko, mahigpit ang pagkakahawak.

“Uminom ka?” mariin niyang tanong.

Ayaw kong malaman niya kaso heto na, e. Wala na akong magagawa. It’s been years since I last did it. Simula noong nalapit ako kay Riguel, ‘di na ako ulit nagka-cutting at umiinom kasama ang mga kaibigan. Ngayon, I feel so down that I have to take a break. I know I shouldn’t make my problems and excuse, though.

“The practice was boring so-“

“Kaya ka uminom?”

Nilingon niya ako. Nasa campus parin kami. Malapit na sa gate pero ‘di pa nakakalabas.

“You’re inside the campus, Lilienne,” ani Riguel.

“I know… I’m sorry.”

“Ganito ka ba kapag wala ako?”

Kumunot ang noo ko. Speaking of… why is he here anyway?

“Bakit ka nandito?”

“When was the last time we saw each other?”

Natigilan ako sa sinabi ni Riguel. Pilit kong inisip kung kailan nga ba pero ‘di ko na maalala.

“It’s been almost two weeks, Lilienne! Hindi ka pumunta sa bahay namin noong Sabado kahit na sinabi ko. And you’re almost always busy every night! Tapos pupuntahan kita rito at ganito ang makikita ko?”

Nanlaki ang mga mata ko. Para akong baliw sa naramdaman kong literal na kiliti sa tiyan. Is this reallyn happening?

“Bakit ka nga ba pumunta rito, Riguel?” tanong ko.

Medyo pula ang mga mata niya nang tinutok niya iyon sa akin. He seems so pissed by something… by me? by my reaction?

“I checked on you! Busy’ng busy ka na, ah! Sana at tama ‘yang pinagkaka abalahan mo! Tapos ngayon, ito ang madadatnan ko?” may diin sa tono niya.

Yumuko ako. Ramdam ko parin ang paghuhuramentado ng aking puso. Kinakalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng dahan-dahan at pirmi.

“I’m sorry, Riguel. I swear after years this is my first alcoholic drink. I’m really sorry…” sabi ko.

Pinagtitinginan na kami ng mga schoolmates ko. Siguro ay nagulat sila na pinuntahan ako ni Riguel dito. Of course, the whole of Alegria knows that I usually go to ACC. Hindi ang ganito.

“Let’s go!” aniya sabay hawak ulit sa kamay ko.

Hinila niya ako palabas ng campus. Halos ma talisod pa ako. Hindi ko alam kung dahil ba medyo nahihilo ako o ano.

Nilingon niya ako dahil sa nangyari. Pumara siya ng tricycle at iminuwestra niya ang loob. Pumasok naman ako. Pagkatapos ay siya.

Nagbigay siya ng pamasahe naming dalawa at La Santa sa kanila lang ang sinabi niya. Maybe he’s bringing me to their house.

“Bakit ka nga ulit umiinom, Lilienne?” tanong niyang mas mariin.

“It’s just nothing. Nakisabay lang ako kay Suki…”

“Bakit ‘di ka na lang sumali sa practice n’yo, ha? tsss…”

“Well, I don’t like my partner. If it was you, ‘di ako aabsent?”

Tumaas ang isang kilay niya at nilingon niya ako. Pilit siyang sumisimangot kahit na umaangat ang gilid ng labi niya.

“Ang galing mo talagang mambola,” bulong niya. “I want you to be honest with me. Lagi mo ba itong ginagawa?”

Umiling ako. “I don’t cut class. I’m busy with my requirements… Ngayon lang ulit ako uminom. Riguel, hindi ako nagsisinungaling sa’yo…”

“Siguraduhin mo ‘yan. Babalik ulit ako. Pag naulit ito. Kapag nahuli ulit kita, Lilienne. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa’yo…”

Tumango ako at ngumiti.

But the fluttering inside my stomach is short-lived. Unti unti ko ring naaalala ang mangyayari. Iiwan ko rin naman si Riguel. Gusto kong magtanong tungkol sa kanila ni Isabella pero para saan pa, hindi ba? Kung sila man ngayon, o pagdating ng panahon, then it won’t matter. I won’t matter. My feelings won’t matter. All of these won’t matter.

“Riguel, anong gagawin natin dito?” tanong ko habang hinihila niya sa likod ng bahay nila.

Pumunta kami sa batis. Hinubad niya ang kanyang polo at nilapag sa lupa. Iminuwestra niya ang kanyang polo para upuan ko. Sumunod naman ako sa gusto niyang mangyari.

Palubog na ang araw. Kulay orange na ang batis. At naka-on na rin ang ilaw malapit sa mga kulungan ng manok.

“Nandyan ba sina Lola at Lolo, Riguel?”

Tumango si Riguel. “Nasa loob ng bahay. Kukuha ako ng tubig. Amoy alak ka. Ayaw kong maamoy ka nina Lola.”

“Huh?” Inamoy ko ang sarili ko. “Hindi naman, a!”

Tumayo na siya at dumiretso sa kanilang bahay. Nilingon ko na lang ang batis at pinakinggan ang tunog ng tubig na umaagos.

This won’t matter. Nothng here would matter, anyway. Might as well enjoy the ride, right?

“Here…” ani Riguel pagkatapos ng ilang sandali.

Dinalhan niya ako ng isang mangkok ng sabaw. May dala rin siyang isang malamig na pitsel ng tubig at isang baso.

“Drink water first. Tapos humigop ka ng sabaw.”

Tumawa na ako. Nangilid ang luha sa aking mga mata dahil sa tawa… ngunit nahaluan na rin ng kalungkutan.

“I’m not drunk, Riguel! Don’t treat me as if I am!” sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko at matalim akong tinitingnan.

“Drink, Lilienne…” aniya sabay bigay sa akin ng tubig.

Huminga ako ng malalim at tinanggap ang isang baso ng tubig. Ininom ko iyon. Though, I’m not really drunk, I felt better after I drank it.

Tinaas niya ang mangkok at hinalo ang konting sahog. It looks like an asparagus soup to me. Hinipan niya ang mainit na sabaw bago umambang isusubo sa akin ang isang kutsara.

“Mainit pa…” sabi ko.

Hinipan niyang muli.

“Hindi na… try it… It will make you feel better.”

Tumango ako at dahan-dahang tinanggap ang kanyang pagsubo. Nagkatinginan kaming dalawa. Seryoso at malalim ang kanyang tingin ngayon.

“I missed you…” aniya.

Tipid akong ngumiti at nag-iwas ng tingin. Do you really, though? What about Isabella?

“I missed you too…”

“Sino ang partner mo sa prom?”

Hinipan niyang muli ang isang kutsara ng sabaw. Sinubo niya sa akin iyon.

“Hindi ko kilala ang junior na iyon, Riguel… Bakit?”

“I have an idea…” he smirked.

“What?”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

4 Responses to Tripped – Kabanata 17