Tripped – Kabanata 16

April 24, 2016 By In Tripped Comments Off on Tripped – Kabanata 16

Kabanata 16
Fine

“Hindi po ito common na diagnosis. Kung gusto n’yo, pwede nating ulitin ang CT Scan. I will send the results to Manila so they can interpret it. Iyon ay kung gusto n’yo…” anang doktor.

Traumatic Brain Injury. And for some reason, the doctor can’t believe it.

“It’s been almost a year since then, doc…” I confessed.

Tinanong niya kasi kami kung nagkaroon ba ng recent injury si Yeshua sa ulo. Parehong walang maisagot si Mommy at Daddy. Ako lamang ang may maisasagot doon. Parehong seryosong nakatingin si Mommy at Daddy sa akin.

“Nasabi rin ni Yeshua iyon sa akin. Usually, if there is subdural hematoma, it should be days or weeks after the injury. Now, kung hindi siya nagkaroon ng recent injury, that means this one is long overdue. This is rare…”

Hindi ako makapagsalita. Gusto kong magtanong kung ano nga ba ang mangyayari kay Yeshua ngayon kaya lang ay walang lumalabas sa bibig ko.

“Kailangang obserbahan si Yeshua. I suggest he should stay here. This condition is critical. But his is rare. I’m sorry to say this but if you have this, usually araw na lang ang binibilang. However, since ang sabin n’yo ay matagal na ang injury na ito, pag-aaralan natin para maagapan.”

Umiyak si Mommy at Daddy pagkalabas namin doon. Tulala naman ako habang tinitingnan sila.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit mo nilihim ito?” sabay yugyog ni Mommy sa aking balikat.

Nangilid ang luha sa aking mga mata.

“I… I was scared. Yeshua didn’t want me to tell you, My… I’m sorry…”

“Kailan kayo na aksidente at ano ang nangyari? Ha? Lilienne?” sigaw ni Mommy sa akin.

Nanginig ang labi ko. Walang lumalabas na salita sa aking bibig.

Galing sa pagkakayakap ni Mommy kay Daddy ay hinarap niya ako. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at niyugyog niya ako na para bang mahuhulog sa akin ang sagot.

Pumikit ako ng mariin at umiyak. Hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa ni Mommy.

“My, tama na…” ani Daddy sabay higit kay Mommy palayo sa akin.

Umiyak si Mommy at tinuro ako.

“Bakit ‘di ka makasagot!? We need the information!” ani Mommy.

“Mamaya na. Nasasaktan si Lili…” ani Daddy.

“Mom!” isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likod nina Mommy.

My eyes widened when I saw Yeshua standing behind them. Bakit siya bumangon? Maayos na ba siya?

“Hayaan n’yo na si Lilienne. Umuwi na tayo. Maayos na ako…” sumulyap siya sa akin.

Umiling na ako. I know what he’s doing! He didn’t want my Mom and Dad to know that it’s my fault!

“Hindi, Yeshua. Ang sabi ng doktor ay oobserbahan ka pa!” ani Mommy.

“Yesh… Yesh, ‘di pwedeng umuwi. Dapat dito ka lang!”

Tumawa si Yeshua. “Ayos nga lang ako…”

“Anak, huwag mong pilitin. Hindi ako makakapayag na umuwi ka…” ani Daddy.

Kinagat ko ang labi ko. Pinagmasdan ko lamang sila na kinukumbinsi si Yeshua na manatili roon. Si Yeshua naman ay parang ‘di natitinag sa gusto niyang mangyari.

He looks okay. But I know he’s always like that. He’d always seem okay but truth is… he’s not.

“Ako po ang may kasalanan!” sabi ko habang nag-uusap sila.

“Lilienne, anong sinasabi mo…” ani Yeshua.

Tapos na ang pagtatakip, Yesh. It’s my turn to say this.

“The doctor already knows what happened…” kumunot ang noo ni Yeshua sa akin.

Ayaw niya talagangb malaman nina Mommy at Daddy ang nangyari.

“Nakipagkita po ako sa isang schoolmate na may galit sa akin. She thought I want her boyfriend! Kaya nagdala siya ng mga basagulerong kakilala. Kung wala po si Yeshua roon, sana ako iyong nagkaganyan! Sana ako iyong nasa posisyon ni Yeshua! But he was there, mom, dad… May kumuha ng tubo…”

Kitang kita ko ang pangingilid ng mga luha sa mata ni Daddy. Parang nilulukot ang puso ko habang tinitingnan siya. My dad doesn’t cry… Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak.

“Lilienne, kung wala ako roon, maaaring mas grabe pa rito ang nangyari sa’yo…” ani Yeshua.

“Hinampas po siya noon ng tubo. Nawalan siya ng malay at tumakbo na ang gumawa sa kanya noon-“

“Who are they?” tanong ni Daddy.

“Dad! Hindi na mahalaga iyon…” ani Yeshua.

“Hindi ko kilala ang mga lalaki. Pero iyong ex girlfriend ni Oliver, oo.”

“And you didn’t tell us, Lilienne? Ano hinayaan mo lang ang kapatid mo na ipagtanggol ka? At simpleng pagsasabi sa amin sa nangyari, hindi mo ginawa?”

Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni Mommy. Pumagitna si Yeshua sa amin. May dumadaang mga nurse paminsan-minsan sa corridor na tinatayuan namin.

“I told her not to tell you, Mom!” ani Yeshua.

Hindi siya pinansin ni Mommy. Ang lahat ng atensyon ni Mommy ay nasa akin.

“Kahit na! Ngayon, Lilienne, ito hindi mo ba ‘to naisip? Na maaaring magkaganito? At ito ay dahil sa’yo! Dahil pinahamak mo ang kapatid mo! Sarili mo lang ang iniisip mo! Kahit na hiningi ni Yeshua sa’yo na huwag sabihin ang nangyari, kung may malasakit ka sa kanya, mas uunahin mo ang kapakanan niya!”

Pumikit ako para mapigilan ang luha sa aking mga mata. Isang mainit na yakap ang naramdaman ko. Dumilat akon at nakitang si Yeshua iyon.

“Hindi niya po kasalanan. Tama na, Mommy…”

Masama ang tingin ni Mommy sa akin. Akyat baba ang kanyang dibdib sa bigat ng mga paghinga. Pakiramdam ko’y kung ‘di pumagitna si Yeshua ay hindi siya titigil sa kasisisi sa akin. I can’t blame her though. Mismong ako, sinisisi ko ang sarili ko.

I’ve been very selfish. Dapat ay inisip ko na lang muna ang kapakanan ni Yeshua. But I didn’t know that it would turn out this way.

Gusto ng doktor na manatili si Yeshua sa ospital dahil aniya’y malubha ang kondisyon na iyon. Kaya lang ay si Yeshua mismo ang may ayaw. Walang magawa si Mommy at Daddy dahil seryoso si Yeshua na gusto niyang umuwi. And I also think they believe in him too much that they didn’t really encourage him to stay.

“Mrs. Altamirano, I really suggest that your son should stay here. Hindi maganda ang kondisyong ito at habang nag-aantay pa tayo ng results, dapat ay nandito lang siya,” sabi ng doktor.

Lumabas sila ni Mommy at Daddy para mag-usap. Nakaupo ako sa hospital bed ni Yeshua habang siya ay nanonood ng TV sa sofa.

“Are you sure you don’t want anyone to know about this?” pang ilang ulit ko na iyong tanong.

Gabi na ng pasko at narito parin kami sa ospital. I texted Riguel and greeted him a Merry Christmas. He greeted me to and asked how was it. Of course I told him it’s fine. Ganoon din si Suki.

“How about Piper, Yesh?”

Umiling si Yeshua. “Huwag na siya. Lalo na siya…” seryoso niyang baling sa akin.

Litong lito ako. Awang awa para swa kapatid ko.

I know him. He wants everyone to see that he’s strong. Kahit sa mga oras na ang totoo’y mahina siya. Tulad ngayon.

“Promise me you’d never tell her…” ani Yeshua. “Even Suki or Riguel.”

Tumango ako. “Yesh… paano kung… paano kung totoo ang diagnosis ng doktor.”

Tumitig siya sa akin. May pakiramdam ako na naisip niya na ito. May pakiramdam ako na alam niya na ang isasagot niya sa tanong ko. Para bang pinaghandaan niya na ito noon.

“Magpapagaling ako…” aniya. “We don’t need to tell everyone that I’m sick. I’ll get better in time.”

“How? Ang sabi ng doktor, rare iyan. Kailangan sa Manila magpagamot. Kailangan na nating lumuwas sa lalong madaling panahon.”

Marahan siyang pumikit at nilapitan niya ako. Umupo siya sa aking tabi. Tiningala ko siya. I can’t believe that he can still manage to smile playfully. Para bang tuwang tuwa siya sa pag-aalala ko.

“Are you willing to leave Alegria?”

“Oo! Sasama ako sa’yo!” sabi ko.

His smile widened.

“Gusto kong mag-aral sa ibang bansa. Kung maaari ay doon na rin sana ako magpapagamot. That way, our friends won’t have to know. Piper won’t have to know. I’ll come back better…”

“Kailan? Next week we can… we can…” nalilito na ako sa sasabihin ko. “… ask tita. We’re going abroad! We’ll leave so you can get better!”

Tumawa si Yeshua. Hinampas ko ang kanyang dibdib. Nakakainis! Hindi ko na yata kakayanin ito pero parang wala lang sa kanya ang lahat.

“Silly, Lilienne…” sabay kurot niya sa aking pisngi.

Nalaman na ang dahilan ng pag-iiba minsan ng ugali ni Yeshua ay ito. Na mas sasama pa ang ugali niya kapag nagtagal ito. Pati ang pag bagsak ng grades niya, ito rin ang dahilan.

The doctor said it’s a rare condition. They referred us to a hospital in Manila.

Kaya the remaining days of Christmas Vacation, iyon ang ginawa namin. Pumunta kaming Manila para sa mga tests.

The doctor wants Yeshua to stay there. Sabi nila, hindi siya pwedeng umalis sa dahilang malubha ang kalagayan niya. Unfortunately, my brother is stubborn. He just didn’t want to stay there.

“Anak ano ba? Gusto mo bang gumaling o hindi! Ha?”

Palaging umiiyak si Mommy dahil sa nangyayari. Daddy is more silent now too. Alam kong hindi magandang pangitain iyon. We are all stressed and Yeshua is so stubborn. Naisip ko tuloy kung pati ang tigas ng ulo niya ay dulot ng sakit.

“Your Tita called! She wants us to go abroad so you’ll get checked by her friends! Mas matututukan ka roon, Yesh. Kung ayaw mong magpagamot dito, doon tayo pupunta!”

Parang lumiwanag ang mukha ni Yeshua sa sinabi ni Mommy. That was his plan. And I didn’t mind. I just want him to be okay.

“Kailan tayo aalis, Mommy?” tanong ko kaagad.

“I can book our flight next week.”

“What about the plantation?” tanong ni Yeshua sabay tingin kay Daddy.

“Ipapaubaya ko muna kay Nana Sela ang lahat,” ani Daddy.

“Hindi. Ayaw ko muna…” ani Yeshua.

Hindi ko alam kung dahil ba sa kondisyon ni Yeshua ang tigas ng ulo niya o ano.

Naging mabilis ang panahon pagkatapos noon. I am constantly worried of Yeshua. Pakiramdam ko nag-iba ang pananaw ko sa lahat ng bagay dahil doon.

“Do you want to come with me?” Riguel asked.

Ngayon pa lang sila magkikita ng Mommy ni Isabella Thomas. That was March. Hindi na ulit sinugod sa ospital si Yeshua. Hindi rin siya nagreklamo ulit sa kanyang ulo pero alam ko sumasakit parin ito.

“Hindi na, Riguel. Ikaw na lang ang pumunta,” I smiled genuinely.

Naiintindihan ko kung bakit gusto niyang makilala ang Mommy ni Isabella. Ang alam ko, may accounting firm sila at interesado roon si Riguel. Now he wants me to go with him so I’d calm down. Oo at nagseselos ako minsan pero hindi sobra-sobra.

“Are you sure?”

Tumango ako.

“Ititext kita kapag nakauwi na ako. Okay?” ngumiti siya at hinanap ang mga mata ko.

“Okay…”

The whole summer of that year, we were in Manila for Yeshua’s medications. Si Daddy ay pabalik balik sa Alegria dahil natutuyo ang mga pananim. Dahil sa El Nino, medyo tumagilid ang kita ng aming plantations. Natutuyo ang mga bulaklak bago pa lang sila namumukadkad. Hindi kakayanin ng irrigation kaya kailangang tutukan ni Daddy.

“Hello, Kristina… Nandito kami sa Makati… nahulog mo na ba ang pera?” naaabutan ko si Mommy na nanghihiram ng pera sa kanyang mga kapatid sa ibang bansa.

Then I realized that we’re really in crisis. Mahal ang ospital at tagilid ang negosyo. Hindi ko na sinasabi kay Yeshua dahil pakiramdam ko’y mas lalong titigas ang ulo niya kapag nalaman niya.

“Kayo ba ni Riguel?” biglaang tanong ni Russel sa akin nang nagbalik eskwela na kami.

Yeshua seems better now. Hindi na raw masyado masakit ang ulo niya. Hindi pa siya naooperahan dahil ayaw niya rin ng ganoon. And he insists that he’s getting better because of the medications. Gusto ng mga doktor na tutukan ang case niya sa ospital pero dahil sa sinasabi ni Yesh ay halos ‘di na rin naniniwala si Mommy sa kanila.

“Yeshua’s fine! He looks fine! He feels fine! For six months, hindi na siya nag seizure ulit! I believe my son!” iyon ang sabi niya.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at tiningala si Russel.

“Hindi?”

“Kung ganoon, anong tawag mo sa madalas mong pagpunta sa kanila?”

“We’re just friends…” sabi ko.

“That explains why he’s always with Isabella Thomas, then?”

Hindi ako nakapagsalita. Tiningala ko lang si Russel nang sinabi niya iyon.

“Ano? Ayusin mo ‘yan. Kung kayo talaga, ayusin mo ‘yan…” at nilagpasan niya ako.

Hindi na ako masyadong nagagawi sa Alegria Community College. I’ve been busy with school since it’s our last year in High School. Naintindihan naman iyon ni Riguel. At ngayong nasa second year na siya, mas lalo rin yata siyang naging busy.

“Anong problema ni Russel?” tanong ni Suki habang kumakain kami. “Kanina pa siya talak nang talak tungkol sa kay Riguel.”

Uminom ako ng juice bago ko siya sinagot.

“Usap-usapan kasi na si Riguel at Isabella na raw…” sabi ko.

“And?” nagtaas ng kilay si Suki.

“Don’t believe them. Naninira lang ang mga iyan. Wala pa sa utak ni Riguel iyang relasyon…” sabi ko.

Ngumuso si Suki. Parang may gusto siyang sabihin pero ‘di niya tinuloy.

“Ano?” tanong ko, nanliliit ang mga mata.

“Isn’t it weird? Marami nang nagsasabi sa’yo na si Riguel at Isabella na. Ang sabi mo sa akin ay pumupunta si Riguel kina Isabella, ‘di ba? Para sa mommy ni Isabella. Totoo kaya iyon?”

Marami akong problema. Hindi ko na kayang mamroblema pa ng ganito. Pero napapaisip ako sa sinabi ni Suki.

“Why don’t we secretly go to ACC?”

Kasama si Suki ay dumiretso kami sa ACC. Isang taon na rin simula nang nag foundation day sila noon. Doon ko nalaman na gustong magpakilala ni Riguel sa Mommy ni Isabella. Napag-alaman ko rin galing kay Riguel na gusto niyang magtayo ng isang firm in the near future. Hinayaan ko siya. Isa pa, naging abala rin ako kay Yeshua…

Pagkababa pa lang namin ng tricycle ay nakita na namin si Riguel na kasama si Isabella. They’re with four other friends.

Sumakay sila sa dalawang tricycle. Hindi nila kami nakita.

“Dali!” ani Suki sabay para sa isa pang tricycle.

Ayaw ko man ay pinangunahan ni Suki ang pagsunod sa tricycle nina Riguel. Dahil huli kami at may sakay pang isa sa likod ng driver, naiwala namin ang tricycle.

Mabuti na lang at nagawan ng paraan. Nakapagtanong tanong si Suki sa address nina Isabella kaya sa huli ay napadpad parin kami sa bahay nila.

Their house is big. Not as big as our house but it looks good. It can be seen from the outside, hindi tulad sa amin na medyo malayo pa.

Marcia l. Thomas, CPA – Iyon ang nakalagay sa taas ng gate nila.

“Sino po sila?” may isang kasambahay na lumabas.

Hinatak ko agad si Suki para makalayo roon. I think this is enough. We didn’t have to follow them all the way here but she’s determined.

“Hi! Nandito po ba si Isabella?” tanong ni Suki.

“Opo. Kaibigan ka po niya? Tatawagin ko lang si Ma’am…”

“Ay huwag na po!” agap ni Suki. “Gusto ko lang pong magtanong kung kasama niya ba si Kuya…”

“Kuya?”

Ano bang iniisip nitong si Suki?

“Wala ba siyang kasamang lalaki? Si Isabella?”

“Ah? Kuya mo ang boyfriend ni Ma’am?”

Natigil si Suki. Sumulyap siya sa akin.

“Po? Si Riguel po?” tanong ko.

Bumaling ang kasambahay sa akin. Parang unti-unti kong nararamdaman ang pagbigat ng aking damdamin.

“Si Riguel, oo. Kuya mo ang boyfriend ni Ma’am? Sige tatawagin ko…”

Umamba muli ang kasambahay na pumasok pero pinigilan na ni Suki.

“Ay! Hindi po pala. Mali. Hindi po iyon ang kuya ko… Sorry… Alis na po kami…”

Hinatak ako ni Suki palayo roon. Tulala ako at hindi alam ang gagawin. What the hell is happening?

Paulit ulit sa aking utak ang nangyari. I couldn’t cry. Pakiramdam ko ay namamanhid na ako sa dami ng iniisip.

Tumunog ang cellphone ko. Nakahiga ako sa kama nang tiningnan iyon. It’s Riguel calling. Ganito siya kapag gabi. Minsan ay nakakalimutan ko na siyang itext dahil sa pagbibisita kay Yeshua. That’s why he’d opt to call me.

“Hello…” gusto kong magtunog masigla kaso ang tamlay ng pagkakasagot ko.

Hindi siya agad sumagot. Para bang pinakiramdaman niya muna ang mood ko. He’s been like this for months.

“You didn’t text me. Are you home?”

“Yup…” Niyakap ko ang unan ko. “Ikaw?”

“Yup. Kagagaling ko lang sa kina Isabella.”

“Oh? And… what did you do there?” tanong ko.

“We talked…” his voice is husky.

Hindi ko alam kung bakit bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko. I imagined him on his bed while calling me. Napangiti ako pero ramdam ko ang pait.

“Her mom offered me a scholarship. Sa isang prestigious school sa Manila.”

“Oh? Do you want to… study there?”

“Of course, I rejected it. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. I’m just curious how a firm works. After graduation, I want to work there. Tingnan ko kung kaya ko…”

Ngumiti ako.

“Ikaw? How was your day?”

“Fine…” sagot ko agad.

Natahimik na naman kaming dalawa. Pakiramdam ko ay tinitimbang niya na naman ang reaksyon ko.

“Hmm. You don’t share much. Are you busy at school? I think you are…”

“Yup. Maraming exams. I hope I can graduate…”

“You can… Gusto mo tulungan kitang mag review?”

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit ako nahuhulog sa kanya gayong unti-unting lumalayo ang loob ko. Pwede ba iyon ng sabay?

Simula nang naging busy ako kay Yeshua, hindi ko na masyadong napagtutuonan ng pansin si Riguel. I know he felt it. He just didn’t ask me because he thought I’m busy with school.

“Hindi na… Ayos na… Kaya ko naman…” sabi ko.

“Did you go to school recently? Sa ACC?” tanong niya.

Biglang hampas sa pintuan ko ang narinig. Napatayo agad ako roon.

“Hello?” ani Riguel.

“Si Yeshua!” sigaw ni Mommy.

Nanlaki ang mga mata ko.

“Nope. Uhm… Riguel, I need to go. I’m busy. Mag rereview muna ako. Sorry. Text you later…”

Binaba ko agad ang tawag at dumiretso na ako sa pintuan. Fuck!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

Comments are closed.