Tripped – Kabanata 15

April 24, 2016 By In Tripped 1 Comment

Kabanata 15

Scared

I was so confused that day. Confused with my promise to Yeshua and my concern for him.

I am worried. Gusto kong sabihin kay Mommy at Daddy ngunit nangako ako sa kapatid ko. But then I can’t risk it?

Ayaw kong magpadalos dalos sa aking mga desisyon. Knowing that this would affect Yeshua, I need to consider his feelings.

The days passed, all I think about is Yeshua’s condition. Tinitext ko naman si Riguel but half of the days, I’d think about Yeshua.

Nang balik eskwela na, napapanood ko si Yeshua at Piper na magkasama. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako. Inaasar ni Yeshua si Piper dahilan kung bakit natatawa na naiirita si Piper sa kanya.

“Huy! Uuwi ka lang din ngayon?” tanong ni Suki sa akin habang naglalakad kami paalis ng paaralan.

Simula nang nagsimula muli ang klase, hindi pa ako nakakabisita kay Riguel. He’s busy with the booth. Foundation day na sa kanila. He said he wants me to go on Friday. Dapat ay noong unang araw kaso lang may pasok kami kaya sa Biyernes na.

“Bakit?” tanong ko.

“You won’t go to their foundation day?” she asked.

“Bukas pa. Sasama ka, ‘di ba?”

“Oo.”

Habang naglalakad kami ay naiisip kong bumisita na lang nga ngayon. I wonder what will Riguel do if he’s on my shoes? I wonder if he’d tell his parents about his brother or sister? Or he’d keep the promise.

Alin ba ang mas matimbang?

“You know… actually… puntahan ko na lang si Riguel!” sabi ko bigla kay Suki.

“Ngayon?”

“Oo!”

Gusto ko sana siyang isama kaso ayaw kong magkaroon siya ng ideya sa nangyayari. I feel like Suki would realize that there’s a problem at home.

“Ikaw lang?” tanong ni Suki.

Tumango ako. Bakit niya tatanungin iyon? Gusto niya bang sumama?

“Oh! Okay!” ani Suki.

“Uuwi ka na ba?” tanong ko nang napagtantong baka nga gusto niyang magsabay.

Ilang sagliot siyang nag-isip bago umiling.

“Oo, e. Magpapasundo na lang ako.”

Tumango ako at nagpaalam na lang sa kanya., Mahihirapan akong tanggihan si Suki kung sakaling magpumilit siyang sumama.

Pagkalabas ko ng eskwelahan ay sumakay na agad ako ng tricycle para makapunta sa Alegria Community College.

Habang sakay ako ay iniisip ko pa kung saan ako magsisimula sa pagtatanong kay Riguel. I shouldn’t feel nervous about it. Or else, he’d realize that I have a problem.

Pagkababa ko sa Alegria Community College ay napansin ko agad ang dami ng tao. Ang alam ko pwede namang pumasok ang lahat ngayon dahil foundation day.

Una kong dinaanan ang booth nina Riguel. Busy. Maraming kumakain. Walang nakapansin sa akin dahil sa pagiging abala ng lahat. Wala roon si Riguel.

Nilagpasan ko na lang iyon sa pag-iisip na baka naman nasa gym siya.

Nakita kong may game sa gym. Half time na noong game kaya umupo ako sa bleachers. Ibang department pero naisip ko ring maaring pagkatapos ng larong ito, baka sina Riguel ang susunod.

Tinapos ko ang laro. Sumulyap ako sa scoreboard at napagtantong huling laro na pala iyon sa araw na iyon.

“Dammit, I wasted my time there!”

Sana pala ay nagtanong na lang ako sa mga kaklase ni Riguel. Pagkalabas ko ng gym ay papalubog na ang araw. Pumunta ulit ako sa may mga booth kaya lang ang naabutan ko na lang doon ay ang mga lamesang tinabunan na.

Isang booth na lang ang may tao pa. Naglilinis na lang ang mga iyon. Taga ibang course pa.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong eskwelahan. Konti na lang ang estudyante. Syempre, alas sais na kaya malamang umuwi na ang iba.

I took my phone out. I got no choice but to text Riguel. Siguro naman ay tapos na siya sa ginagawa niya roon.

Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin habang nag-iisip sa sasabihin kay Riguel nang nakita ko siya.

“Riguel!” natigil agad ako nang napagtantong hindi siya nag-iisa.

He’s with Isabella Thomas. Silang dalawa lamang ang palabas ng eskwelahan.

Natigilan ako sa gitna ng field. Pinanood ko ang pag-uusap at pagtatawanan nilang dalawa.

Bumagsak ang balikat ko sa nakikita. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko agad ay pinagkakaisahan ako.

I am not really very sensitive. Kaya hindi ko naintindihan kung bakit lubusan ang pagkakadisappoint ko sa nakita ko. Am I over reacting or what?

Dahan-dahan akong naglakad para lumabas na rin ng Alegria Community College. Saktong paglabas ko sa gate ay ang pagpasok ni Riguel sa tricycle kung saan paniguradong nauna na si Isabella.

Walang ekspresyon kong pinanood ang pag-alis ng tricycle. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko sa aking dibdib pero wala parin akong naging reaksyon. Natulala lamang ako habang lumalayo ang tricycle.

Nilagay ko na lang ulit ang cellphone ko sa aking bulsa.

Pumara na lang ako ng tricycle pagkatapos ng ilang sandal para makauwi.

My heart is heavy. Pakiramdam ko, pasan ko ang lahat. Yeshua’s sickness. And now… what’s with Riguel and Isabella?

Riguel:

Are you home? You didn’t text me.

Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin habang binabasa ko amng text na iyon. I want to ask him about Isabella but I didn’t like the idea that he’ll realize I went to their school so…

Ako:

Yup. I’m home. Alam mo sabi ng kaklase ko… kayo na raw ni Isabella. L

Humiga ako sa kama habang sinesend ang mensaheng iyon. I’m already feeling heavy because of Yeshua. I can’t make this heavier because of Riguel.

Riguel:

Huwag kang maniwala sa mga iyon. Are you coming tomorrow?

Tinitigan ko ang mensahe niya. Malay mo, totoong wala lang, ‘di ba?

Gusto kong magreply pero napagod akong pumindot. Pakiramdam ko may nakadagan na sa akin. Pakiramdam ko may kung anong hindi ko na mababago. Hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nararamdaman. It’s like Christmas is coming but I’m not going to celebrate it anyway. That emptiness in you seeing your loved ones happy without you. That same emptiness is creeping within me.

Ako:

Yes. I’ll be there.

Tinupad ko ang usapan ko. I lifted my spirits up through checking if Yeshua’s alright. Ang sabi niya, maayos naman daw siya. Migraine nga lang daw iyong nararamdaman niya. At may date sila ni Piper mamaya kaya medyo napanatag ako.

I am with Suki. Inimbita ko na siya ngayon dahil nawala na iyong kagustuhan kong magtanong kay Riguel kahapon.

“Don’t tell him I went here yesterday…” banta ko kay Suki.

“Ha? Bakit?”

“Hindi naman kasi ako tumuloy. May ginawa pa ako,” I said without blinking.

I can lie to the face of my friends. Oo. Kayang kaya ko. Hindi ako magiging si Lilienne Altamirano kung hindi ako mahusay na artista. I needed the expertise in lying and acting for my doings years ago. At kahit ngayong naglalie low na ako sa mga gawaing iyon, alam na alam ng sistema ko kung paano ang lahat.

Nang nakita kami ni Riguel na paparating ay naghanda agad siya ng lamesa para sa amin ni Suki. Umupo ako roon at nginitian si Riguel.

“What do you want?” he asked me smirking.

“Anything. Iyong ‘di ko pa natitikman…” sabi ko.

He turned to his classmates for the food. Tinulak niya si Basty at kitang kita ko ang iritasyon ni Basty sa kanya. Lumapit si Basty sa amin na may dalang ballpen at piraso ng papel. Siguro ay para kuhanin ang aming magiging order.

“Mayroon nang napili si Riguel sa’yo, Lilienne. Sa’yo Suki?” tanong ni Basty sa kaibigan ko.

“I want beef tausi as rice toppings…” sabi ni Suki.

“Ah. Wala na kami niyan. Naubusan kami…”

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan si Suki. She looks pissed while looking at the tarpaulin kung nasaan ang menu.

“Chopsuey is available… and-“

“I don’t like vegetables. Sige, siomai na lang. Wala nang iba, e. Then soft drinks…” ani Suki.

Nilista ni Basty ang sinabi ni Suki at tinalikuran na kami.

“Stupid nerd…” Umirap si Suki at sumimsim ng tubig sa kanyang baso.

“Suki!” bahagya akong na offend sa sinabi niya.

I know. That’s what I think about Sebastian, too. Well, at least noon. Kahit si Mateo… but most especially Basty. I even call them nerds, right? I won’t deny that. Pero nang naging malapit kami ni Riguel ay bahagyang nagbago ang opinion ko sa mga taong nakapaligid sa kanya. That even Suki’s remarks isn’t nice to me.

“Naiirita ako sa ka lampahan noon. Mas mabilis pa yata akong kumilos sa kanya. He’s like a loser…”

Hinampas ko ang kamay niya. Bahagya siyang nairita sa akin.

“He’s cute, I think. I mean… if not because of his thick glasses, he’d look great! Tingnan mo ang mga mata ni Sebastian, they’re like that of a hawk.”

Kitang kita ko ang paninitig ni Suki kay Basty. Para bang pinoproseso niya ang mga papuri ko sa tao.

“Ew. Are you kidding me? Without his thick glasses, he’s blind so no matter what… he won’t be hot for me. Ew…”

“Suki naman!”

“Nasasabi mo lang iyan dahil si Riguel matalino, gentleman, mabait, hindi babaero, at gwapo. Gusto mo rin yatang makasungkit ako ng nerd. Only that… this one is a stereotype. Riguel is smart but he’s definitely not a nerd!”

Napatalon ako nang nilapag ni Basty an gaming mga inumin. He caught Suki saying themagic word! Nerd! Umirap pa si Suki at nag-iwas ng tingin.

“Isusunod na lang ang pagkain…” Basty said awkwardly.

Pagkaalis ni Basty ay ‘tsaka ako nagpatuloy.

“Suki, stop it! You’re insulting him!”

Umirap lamang ang kaibigan ko. Her dark violet lips pouted. Pagsasabihan ko pa sana siya kung hindi ko lang narinig ang tawag ni Isabella.

“Riguel!” tawag niya sabay sulyap sa akin.

Si Riguel na naghahanda ng pagkain namin ni Suki ay lumingon doon. Nilingon din sila ni Suki nang napanood ang titig ko.

“Ano? Are you free later?” sumulyap ulit si Isabella, tila ba gusting gusto ang nangyayari.

“No. Pwedeng sa Monday na?” ani Riguel.

“What is it?” tanong ni Suki sa akin.

Nagkibit ako ng balikat. It’s probably one of their projects.

“Ganoon? Naku! Akala ko pa naman pupunta ka sa amin ngayon. Nagpahanda ako, e.”

“Ganoon ba?” bahagyang natigilan si Riguel.

“Sige na. Sa Monday ha…”

“Okay… Sa Monday…” ani Riguel.

Nang bumaling siya ulit sa ginagawa ay nahagip niya ang tingin ko. Kumunot ang noo niya at bumagsak ang mata sa pagkain. Nilagay niya iyon sa tray at dinala na sa aming lamesa.

“Here’s your food…” ani Riguel.

Hindi ko na siya tiningnan. Sa pagkain na lang ang mga mata ko. Naramdaman kong nangangati si Suki sa pagtatanong kaso pinigilan niya lang ang sarili niya para sa akin.

Kumuha si Riguel ng monoblock chair at nilagay sa tabi ko.

“Kain na kayo…” he smirked.

Ngumiti ako at kinuha na ang mga kubyertos. I acted like nothing happened. Sumubo ako ng isang beses. Tinusok naman ni Suki ang kanyang siomai.

Hindi ko na napigilan kaya nilingon ko si Riguel.

“May project kayong gagawin kina… uh… Isabella?”

Kitang kita ko ang paglalim ng kanyang tingin. Tila ba inasahan niya ang tanong na ito at handa niyang sagutin.

“Nope. Iyong mommy niya lang inimbitahan ako. They own a… well… accounting firm in Manila. And you know I’m interested in Accounting…” ani Riguel.

Tumango ako at naisip si Mommy at Daddy. Nga naman… farming ang pangunahing trabaho nina Mommy at Daddy. They both graduated Agri Biz. Kaya hindi magiging interesado si Riguel sa kanila. Why would he be interested when he doesn’t have a piece of land to plant on?

“Ah! So you want to meet her mother.”

Tumango si Riguel at tumingin sa pagkain ko. “Kumain ka na. Baka lumamig ‘yan.”

“Naku, Riguel! Mamaya magkadevelopan kayo ni Isabella…” pabulong na sinabi ni Suki.

Tumawa lamang si Riguel. “I don’t like her that way, Suki. Stop giving Lilienne ideas,” ani Riguel.

I can’t help but smile. Somehow, guminhawa ang loob ko roon. Ngunit panandalian lamang iyon.

Habang kumakain ako ay naisip ko ang lubusang interes ni Riguel sa accounting. I am not even sure if it’s all that. He probably wants to meet Isabella’s mom for guidance. Sa bagay, iba ang isipan ng may experience na tulad ng mommy ni Isabella.

Hindi siya sumama kay Isabella pagka uwi. Hinatid niya ako sa araw na iyon hindi tulad sa nangyari kahapon. I wonder if he’s with Isabella yesterday for the same reason?

Itinago ko kay Riguel ang kondisyon ni Yeshua. Itinago ko ang problemang iyon kahit kay Suki. Kahit sobrang nag-aalala na ako kay Yeshua…

But I knew that it’s not going to last… walang sekretong hindi nabubunyag. Lalo na sa mga magulang namin.

It was Christmas time when Yeshua told me that his head is aching badly. Gusto ko siyang isugod sa ospital kaya lang ay ayaw niya. Ayaw niya kasing malaman ni Mommy at Daddy ang nangyayari sa kanya.

That was the only Christmas Day na hindi ko kayang maging masaya. Seeing Yeshua’s face trying to smile while his head is aching makes me sick.

“Ibigay mo kay Yeshua iyong ham. Paborito niya ‘yan!” ani Mommy.

Pinagmasdan ko si Yeshua habang binibigay ko sa kanya ang lalagyanan ng ulam. He smiled as he received the plate. Nanginig ang kamay niya habang kinukuha ang plato. Napatayo ako sa sobrang kaba.

“Yesh!” sabi ko nang ‘di ko na napigilan.

Nabitiwan niya ang plato at nagsimula na siyang manginig. Natapon ang ham sa sahig at natumba siya sa kanyang silya.

“Yeshua!” sigaw ko at agad ko siyang dinaluhan.

“Yeshua!” sigaw naman ni Mommy sabay dalu rin sa aking kapatid.

“Luis! Ihanda ang sasakyan!”

“Yesh, anong nangyayari? Anak?” ani Mommy.

Si May ay hinahawakan na ang balikat ni Yeshua. Umiiyak ako sa tabi nila. Hindi alam ang gagawin.

“Mom! Mom! Mom, please let’s rush him to the hospital!”

Liquid went out of his mouth. Tirik ang mga mata niya habang nanginginig ang kanyang katawan.

Hinihila ko na si Yeshua para lang mailabas siya roon at maipaospital!

“Mom, please!”

“Tabi, Lili!” sigaw ni Daddy at kinarga niya agad ang kapatid ko.

Tumayo si Daddy at mabilis na dinala si Yeshua sa labas ng bahay. Naroon ang aming sasakyan na naghihintay.

“Sir? Ano pong nangyari!?” tanong ni Luis.

“Hindi ko alam!” ani Daddy.

Hating gabi noon. Noche buena. Iyon ang nangyari sa aming pasko.

Yeshua was rushed into the emergency room. I was even worried that the provincial hospital didn’t have enough facilities for my brother.

Hindi ako natigil sa pag-iyak pagkarating namin sa ospital. Mommy and Daddy were trying to be calm. I couldn’t. Nilingon ako ni Mommy nang napagtantong sobra sobra ang pag-iyak ko.

“What is happening to your brother, Lilienne?” tanong ni Mommy.

Umiling ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Yeshua. Hindi ko siya masagot. Umiiyak ako dahil natatakot ako sa mangyayari. Dahil alam ko na malaki ang posibilidad na ang nangyaring ito ay dahil sa nangyari taon ang nakalipas.

Doon kami nagpalipas ng gabi. The doctor is checking on Yeshua’s health. Pero nasabi sa amin na matatagalan pa ang isang test dahil iiinterpret pa ng doktor.

Tahimik kami sa ospital. Tulog si Yeshua habang tinitingnan namin siya. I can’t believe that this is what happened to our Christmas. That this is what happened to Yeshua.

Nagising siya tanghali ng pasko. We were inside the room when he woke up.

Bumangon agad siya pagkagising.

“Anong ginagawa natin dito?” tanong ni Yeshua. “Umuwi na tayo.”

Nanatiling seryoso si Mommy at Daddy kahit na ngumisi na si Yeshua.

“Yesh, you need to rest…” nanginig ang boses ko.

Matalim niya akong tinitigan. Pakiramdam ko ay iniisip niyang sinabi ko kay Mommy at Daddy ang nangyayari sa kanya.

“We still need to wait for some test, Yesh. What’s wrong with you? Kumakain lang tayo tapos bigla kang nanginig…” ani Mommy.

Umupo siya sa kama ni Yeshua. Umiling si Yeshua, tila ba wala siyang maalala o ‘di kaya’y ayaw niya lang sabihin.

“Pagod lang siguro ako…” sabi ni Yeshua.

“Hindi, anak. Hindi… Hindi ka pagod. The doctor said you had a seizure. I don’t have any idea why you’re suffering that. Hindi ka naman nilalagnat-“

“Wala nga lang ito, Mommy…” malamig na sinabi ni Yeshua.

Pilit siyang tumayo.

“Tara na! Umuwi na tayo!” anyaya niya sa akin.

Umiling ako.

“Ano ba, Lilienne?” sigaw niya.

“Yeshua,” mahinahong sabi ni Daddy.

“I said… let’s go home!” pagalit niyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong galit kay Yeshua. Sinigawan niya si Daddy at hindi ako sanay na ginagawa niya iyon! He’s always soft spoken. He’d never shout at Dad or Mom… or even me…

“Yeshua!” ani Mommy sabay yakap sa kapatid ko.

Nanigas si Yeshua sa kinatatayuan niya. Lumapit ako sa kanilang dalawa. Nangilid ang luha sa aking mga mata.

Tumingin si Yeshua sa akin. Una ay galit na galit pa ang mga mata ngunit nang hinaplos ko ang kanyang pisngi ay pumungay ang mga ito at bumagsak ang kanyang balikat.

“Yeshua, anong nangyayari sa’yo, anak?” humagulhol si Mommy.

I think my twin is sick. I think there’s something wrong with his head. I think that injuury caused him something… and I am so damn scared… so damn scared.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

One Response to Tripped – Kabanata 15