Tripped – Kabanata 14

April 24, 2016 By In Tripped 1 Comment

Kabanata 14

Promise

Kumaway ako kay Riguel pagkatapos niya akong hinatid. Umalis na ang tricycle kaya tumulak na rin ako papasok sa aming gate.

Hindi magkamayaw ang sayang nararamdaman ko. Paulit-ulit kong iniisip ang mga nangyari simula nang umaga hanggang sa aming hapunan.

Hindi niya ako pinagbayad. I think that was our first date. Simple pero sweet. Nilibre niya ako ng barbecue, kanin, at soft drinks. Hinding hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit anong mamahaling pagkain o kahit saang mamahaling restaurant.

Hindi na muna ako pupunta bukas. Ang sabi ni Riguel ay mag enjoy na lang daw muna ako sa bakasyon. Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Besides, magiging busy daw siya bukas dahil puro practice game na lang.

Habang naglalakad ako patungo sa amin ay tinext ko si Riguel.

Ako:

Thank you for today. Good luck bukas! Sa bahay lang siguro ako bukas. Ingat ka pauwi.

Tinulak ko ang aming double doors nang tumambad sa akin ang nagkakagulong si May at si Nana Sela.

Tiningala ko ang pangalawang palapag ng aming bahay. Bukas ang pintuan ng kwarto nina Mommy at Daddy. Ang aming mga driver ay tumatakbo patungo sa kitchen. Tinanggap ni Manong Luis ang dalang bimpo at palanggana.

“Ano pong nangyayari?” tanong ko sa kanila.

Binagsak ko ang aking gamit sa aming sofa. Naramdaman ko ang unti-unting pag pintig ng malakas ng aking puso.

“Si Yeshua, Lili! Halika rito!” ani Nana Sela habang nagmamadaling umakyat sa pangalawang palapag.

“Po?”

Nanginig agad ang boses ko nang sabihin ni Nana Sela iyon. Halos dalawang baitang ang bawat hakbang ko sa pag akyat. Tinakbo ko rin ang kwarto ni Yeshua para lang makita ang kapatid ko!

Sa loob ay si Mommy na nakahawak sa kanyang kamay at si Daddy na nakaluhod habang tinitingnan siya.

Nilagyan ni Nana Sela ng bimpo ang noo ni Yeshua at si May naman ay nanatiling nakatayo sa hamba ng pintuan.

“Luis, ihanda mo ang sasakyan,” malamig na sinabi ni Daddy.

“Pa, ano pong nangyayari?” nanginig ulit ang boses ko.

Unti-unti akong lumapit sa kama ni Yeshua. Nanginginig ang katawan niya. He’s unconscious and very pale. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko.

“Mom! What the hell is wrong?” sigaw ko.

Nangilid na ang luha sa aking mga mata. Nobody’s answering me!

Naalala ko tuloy ang tawag ni Yeshua kanina! Ayos pa siya kanina, ah?

“Mom! Dad!” sigaw ko habang tionitingnan si Yeshua na nanginginig.

May lagnat? Inuubo at sipon?

“Hindi namin alam, Lili! Your brother is convulsing and…” Umiling si Mommy, nangingilid ang luha.

“Dalhin na natin siya sa ospital kung ganoon!” sigaw ko.

“Sir, ready na po ang sasakyan. Aakyat na po si Luis at Bong,” sabi ni May.

Bumagal at lumalim ang hininga ni Yeshua. Mga butil ng pawis ang nasa noo at pisngi niya ngayon at ang kanyang buhok ay basang basa.

Agad akong lumuhod sa tabi ng kanyang kama. Hinaplos ko ang mukha ng aking kambal.

“Yeshua, wake up!” sabi ko.

Isang malalim na hugot ang kanyang ginawa at unti-unting bumuka ang kanyang mga mata. Halong kaba at ginhawa ang naramdaman ko sa unti-unting pag gising niya.

“Yesh, are you alright? What’s wrong?” malambing kong mga tanong.

I’ve never seen him this weak my entire life. I’ve never seen him this sick, actually. Kaya laking gulat ko ngayong nakikita ko siyang nanginginig!

Tumigil ang panginginig niya. Tinabunan siya ni Mommy ng isa pang makapal na kumot.

“Yeshua, let’s go to the hospital. Nanginginig ka at mataas ang lagnat mo,” mas kalmadong sinabi ni Mommy.

Umiling si Yeshua at pumikit muli.

Tumigil ang kanyang panginginig. Mas lalo siyang pinagpawisan. Kumuha ako ng tuyong bimpo at pinahid ko iyon sa kanyang pawis.

“Yesh, anong masakit sa’yo?”

“May flu lang ako…” ani Yeshua sabay talikod sa amin.

Hinawakan ko ang braso niya at pinilit ko siyang humarap sa amin.

“Why are you shaking?” tanong ko.

“I’m cold!” iritadong sinabi ni Yeshua. “I’ll drink meds for flu and you can all go!”

“Yeshua, anak, natakot mo kami. Tinatawag ka para sa hapunan at ito ang dadatnan ni May?” ani Mommy.

Hindi na kumibo si Yeshua.

“Yeshua, anong nangyayari sa’yo?” si Daddy naman ngayon.

Tumayo ako, tinitingnan parin ang kapatid ko. What could this mean?

“I said it’s just a flu! Leave me alone so I can rest!” sigaw ni Yeshua.

Halos napapikit ako sa sigaw niya. He doesn’t normally shout. He’s not normally grumpy. Last year, something in him change. He slowly became grumpy and almost always mad.

Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito sa paghina niya sa klase. Is he grumpy because he failed to remain on top? Is he mad because he can’t keep up with school? At bakit hindi siya maka keep up sa school? He has good study habits. Wala silang problema ni Piper. Hindi siya nagbubulakbol. The teachers are actually even concerned about his grades. So what really is wrong with him?

“Magluluto ako ng lugaw, Yeshua. Nana Sela…” tawag ni Mommy.

Tumango si Nana Sela at sumama na kay Mommy palabas. Ganoon din si May. Si Daddy at ako na lang ang nasa loob.

“Yeshua, I’ll call a local doctor to check on you…” ani Daddy.

Tumango ako kay Daddy bilang pagsang ayon.

“Ang sabi ko, huwag na!” sigaw ni Yeshua.

“Yesh!” sigaw ko pabalilk. “Huwag mong sigawan si Daddy ng ganyan!”

Hinawakan ni Daddy ang aking braso upang pigilan ako sa pagsasalita. Nilingon ko si Daddy at umiling siya sa akin. Para bang gusto niyang hayaan ko ang bastos na pakikitungo ng kapatid ko sa kanya.

Siguro nga’y ako ang black sheep ng pamilyang ito pero kahit kailan hindi ko pa nasigawan ang mga magulang ko. They were good to us… well, to me. They were kind of hard on Yeshua. That’s why he’d always follow the rules. Probably why he’s always prim and proper.

“We were just worried! We don’t know what to do!” dugtong ko.

“I said I’m okay, Lili!”

Tinapik ni Daddy ang aking balikat. Nakatingin parin ako sa likod ni Yeshua ngayon.

“sige, Yeshua. Titingnan ko lang ang mga gamot sa baba. May gusto ka bang kainin para masabi ko sa mommy mo?” mahinahong tanong ni Daddy.

“Wala…” sagot ng aking kapatid.

Lumabas si Daddy sa kwarto ni Yeshua. Ako na lang ang nanatiling nakatayo ngayon doon sa loob.

Ilang sandali pa bago ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Marami akong naisip.

Inisip ko kung ayos lang ba talaga ang kapatid ko. Why is he so sick? Is this just the usual normal flu? Like what he’s saying?

“Hindi ka naman inuubo ah?” sabi ko sabay lapit sa kanya.

Umupo ako sa tabi ng kama niya. Likod niya lang ang nakikita ko. Hinaplos ko ang kanyang braso. It was hot and kind of sweaty.

Hindi siya kumibo sa sinabi ko. Hinawakan ko ang noo niya at agad niyang hinawi ang kamay ko.

“Masakit ba ang ulo mo?” tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nanlamig ang aking mukha habang naalala iyong nangyari. Is it possible? But… if it’s because of what happened, bakit ngayon niya lang naramdaman ang epekto?

“Yeshua, masakit ba ang ulo mo?” I asked him again.

He never answered. Kaya mas lumakas ang hinala ko na totoo ngang masakit ang ulo niya. At kung bakit ‘di niya sinasabi ay ‘di ko na alam.

“Yeshua, saang parte ng ulo mo ang masakit?” nanginig ang boses ko.

Hindi parin siya sumagot. Sumikip ang dibdib ko sa naiisip. I will never ever forgive myself if my hunch is right!

“Dammit, Yesh! Please answer me!” humagulhol na ako.

My sobs were his cue. Nilingon niya ako at bumangon siya. Kitang kita ko ang pagngiwi niya dahil sa iniindang sakit sa ulo.

“Hush now, Lilienne. Walang masakit sa ulo ko…” aniya.

Umiling ako. “Don’t lie to me! Don’t lie to me!” sigaw ko.

“Walang masakit sa ulo ko, okay? Tahan na. This is just a flu. Sinisipon ako ngayon dahil sa init.”

Mataman ko siyang tiningnan. Pagod ang kanyang mukha. There were dark circles below his eyes. He smiled to make me feel better. I know because I can feel that his body is aching. Weird dahil kahit na anong gawin niya, hinding hindi siya makakapagsinungaling sa akin. There’s that special bond between us that I can’t name.

Ang sabi nila, kapag twins daw, may isa sa dalawa ang mahina. I always think that it’s me. Mahina ako dahil baluktot minsan ang mga desisyon ko. I decide mostly based on my wants, not my needs. I decide based on what’s fun and not what should be done. Diyan ko naisip na si Yeshua nga ang mas malakas. And it’s all okay for me. I would give anything just to prove that Yeshua is definitely strong. Pero ngayong nakikita ko siyang nagkakasakit pakiramdam ko…

“Yesh, please tell me the truth,” marahan kong sinabi.

Ang kanyang malawak na ngiti ay unti-unting naging tipid. Tinikom niya ang bibig niya at angat lamang ang gilid ng labi.

“I’m just sick because of the flu, Lilienne…” aniya.

Matalim ko siyang tiningnan. Tumulo ang luha sa aking mga mata.

“I want you to tell me all of your secrets. I’m not like other girls, Yesh. I’m your twin.”

Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tiningnan ang kanyang kamay.

“You don’t tell me yours. I’m your twin, too…” aniya.

Parang kinukurot ang dibdib ko sa sinabi niya. For the past few months, he realized that I’m actually slowly drifting away from him. I know that. But I also know that in time, it’s going to be inevitable. Although we are twins, we won’t live together forever. We would part. At akala ko na ang iritasyon niya sa akin ang isa sa mga hudyat na tumatanda na nga kaming dalawa. That we’re not the Yeshua and Lilienne of this mansion anymore. That we would part very soon. That our lives would only be anchored through this home but we would never live together again.

“I’m growing. Yesh, if I tell you all of my secrets, you’d get pissed. You were mad at me for liking Riguel.”

“Well, you like him a lot. You don’t even know him,” aniya.

Umiling ako. Naramdaman kong lumilihis ang usapan namin.

“You know him? Do you think he’d play with my feelings?”

“Kilala ko lamang si Riguel bilang player at matalino sa kanilang klase. He’s older than us. Hindi ka ba natatakot? He knows more things than you.”

“Yeshua, believe me. For years I’ve been with playboys. They want the easy way. If Riguel wanted to play with me, he would’ve done it a long time ago. He wouldn’t let me chase him.”

“Tss…” nag-iwas siya ng tingin.

“Now, tell me yours…”

Binalik niyang muli ang mga mata niya sa akin. Kitang kita ko sa tingin niya ang lalim ng kanyang iniisip. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang mga mata.

Finally, he sighed after minutes of just staring at me.

“Promise me you won’t tell Mom and Dad… or anyone. Riguel… even Piper… or Suki,”

Tumango ako. I’m lost for words because of the anticipation.

He sighed once more then he reached for my hand.

“Lienne, my head has been hurting for almost a year now.”

Parang tumigil sa pagpintig ang puso ko.

“Why… What… Why didn’t-“

“let me talk first, okay?” ani Yeshua.

Tinikom ko ang bibig ko. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Pinigilan ko ang paghikbi. Hindi ko ata kakayanin ito!

“I don’t want Mommy and Daddy to get worried. I don’t want you to worry either so I didn’t tell you.”

“And? Paano? Dapat kang magpacheck up.”

Tumango siya. “Alam ko. But I’d like to think that this would subside soon. According to the books I’ve read, med books… This isn’t possible. Kung sasakit man ito, dapat minutes or days after the injury naramdaman ko na.”

Lumuha ako sa sinabi niya. Parang waterfalls ang luha ko sa dami. Gusto kong punasan ngunit ayaw kong bitiwan ang kamay niya.

“I want to study abroad. I want to study medicine. In time, I’d probably solve this case my own withouty bothering our parents or Piper…”

“What? Yeshua, kailan ‘yon? Ang tagal pa noon!”

Humalakhak siya. “Hindi mo mamamalayan iyon kapag ‘di mo iisipin…”

But… but… his grades are terribly failing! His performance at school is terribly affected! Wait! Is this why he’s failing?

Oh my God!

Gusto ko siyang tanungin pero mismong ako ay natatakot!

“Siguro ay migraine lang ito. Nawawala naman kapag umiinom ako ng pain reliever. Kailangan nga lang papalitan pagkatapos ng isang linggo para hindi masanay ang sistema ko.”

“Ha? Ilang… ilang araw sa isang linggo ba iyan sumasakit?”

“Apat… lima…” Nagkibit siya ng balikat.

Pinunasan niya ang luha sa aking mga mata. Nagpatuloy ako sa pag-iyak.

“Please promise me you won’t tell anyone. Especially Piper…”

“I promise…” basag na boses ang aking sinagot.

That night, I couldn’t sleep. I tried so hard to keep up with Riguel’s text without him knowing that I have a problem.

Kinabukasan ay agad kong binisita si Yeshua sa kanyang kwarto. Nang nakita kong wala siya roon ay mabilis akong tumakbo pababa para hanapin sina Mommy at Daddy.

I felt relieved when I saw them on our long table. Kumakain sila na parang walang nangyari kagabi. Yeshua smiled at me, I couldn’t smile back.

“Medyo mabuti na raw ang pakiramdam ni Yeshua, Lilienne…” ani Mommy.

Tumango ako at dahan-dahang umupo sa tabi ng aking kapatid.

Hindi ako makapagsalita. Sariwa pa sa akin ang sinabi ni Yeshua kagabi. When I think about it, I feel like dying. Lalo na tuwing naiisip ko na ako ang dahilan ng lahat ng ito.

Summer of last year, I got involved in a scandal. A basketball player tried to hit on me 2 years ago. Alam kong may girlfriend siya noon kaya hindi ko siya kailanman inentertain bilang manliligaw. But I am friendly so I never ignored him either.

Iniwan ni Oliver ang girlfriend niya. It was said that it’s because of me but truth is, he left her because he’d study in Manila. At isa pa, handa akong sagutin si Russel noon.

His girlfriend wanted to talk to me kaya pinaunlakan ko siya. I wanted to clear my name so I went.

Little did I know that she’s not alone in our meeting. She’s with her brother and two other seniors. Hindi ko alam kung ano ang plano nila pero sa galit niya sa akin, I imagined the worst!

Aatras na sana ako pero hinawakan ako ng dalawang lalaking kasama niya.

“Kayo na ang bahala sa kanya…” Mayette said in a cold hard voice.

Yeshua was there. Sinundan niya ako. Sinuntok niya ang dalawang nakahawak sa akin.

They were seniors. We were grade 9 that time. But Yeshua is kind of taller than all the other males in our batch so he’d have a chance!

Nagsisigaw na ako. Mabilis niyang natumba ang dalawang lalaki, isa-isa. Ngunit pumulot ng isang tubo ang isang lalaki at hinampas niya sa ulo si Yeshua!

“Yeshua!” sigaw ko nang bumagsak si Yeshua.

My cheer turned into sobs. The boys ran. Mayette ran with them! And I never saw them again in Alegria. I was told that they moved to a near province pero ‘di ko na sila hinanap. Ang tanging nasa isip ko ay dapat ayos lang si Yeshua.

Sa gubat malapit sa Tinago kami nagkita noon. Dapat ay sa gazebo kami mag usap ni Mayette kaso hinarangan nila ako roon.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Yeshua. He was unconscious but still breathing. Thank God! Inubos ko ang ilang minuto sa kakaiyak at kakagising sa kanya.

He was not bleeding so I can say that I wasn’t that scared compared to what I’m feeling now.

Pumikit ako ng mariin nang maalala ang pagkakamali ko! Bukod sa dapat ay ‘di ako nakipagkita kay Mayette, dapat ko ring pinigilan si Yeshua noon. Dapat ko rin siyang dinala agad sa ospital!

Ilang minuto bago ako nakatawag ng tricycle. I was about to put him inside with the help of the driver but he woke up.

“Where are they? Are you hurt?” that was what he asked me first.

Naaalala ko pa ang pag inda niya sa kanyang ulo noon.

“No… Punta tayo ng ospital, Yeshua!” sabi ko.

Umiling siya. “Ayos na ako. Umuwi na lang tayo…”

“Pero…”

Nag-aalala ako at natatakot din. Iniisip ko kung ayos lang ba talaga ang kapatid ko. Iniisip ko kung ano ang gagawin nina Mommy at Daddy pag nalaman nila ang nangyaring ito. And it’s my fault! And Yeshua got involved!

“I’m fine! Just a little head ache. Iinom lang ako ng pain reliever mawawala na ito.”

“But there could be something wrong inside your head for all we know!”

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan ni Yeshua. There’s a small cut beside his lips but aside from that there’s nothing else. Kahit pasa, wala. He got hit but he didn’t bleed unlike the enemies. I felt kind of proud but now I realized, I should’ve fought him better.

“There’s nothing, okay? Ipapacheck ko ito sa Lunes sa eskwelahan. Okay? Kapag pupunta pa tayo ng ospital, malalaman ito ng lahat. They’d think you’re involved with Oliver. And Mom and Dad will probably ground you…”

Nanlaki ang mga mata ko. Not just ground, definitely. Kaya akong patawarin ni Mommy at Daddy sa kasalanan ko, kahit ano pa man ito. Pero hindi kapag kasali na ang kapatid ko. Hindi nila ako mapapatawad kapag si Yeshua, ang paboritong anak, ang pinakamamahal ko, ang pinahamak ko.

Dahan-dahan akong tumango. Dahan dahan din akong umiyak. Yeshua hugged me tightly.

“It’s okay. No one can hurt you while I’m here…” he said softly.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

One Response to Tripped – Kabanata 14