Tripped – Kabanata 13

April 24, 2016 By In Tripped 3 Comments

Kabanata 13

Okay

“Riguel, are you done with your booth?” si Isabella.

Nilingon siya ni Riguel at nginitian.

“Almost…” balik ni Riguel.

“You want some help?”

Nagtaas ng kilay si Isabella at lumapit sa booth. Tanging mga lamesa at lubid lang ang nakapagitna sa dalawang booth.

“No, thank you. I’m sure marami rin kayong gagawin sa booth n’yo…”

Nilingon ako ni Riguel. Nagpatuloy ako sa pag gugunting. Buhat yata ng parinig ni Isabella, mas lalong bumagal ang kilos ni Suki.

I admit it. I am kind of bothered. Ngunit mas nananaig ang aking tiwala kay Riguel. Alam kong ‘di niya magagawa iyon. He wouldn’t entertain me when he likes someone else.

“Are you going to practice for the game later?” tanong ni Isabella nang binitiwan na ni Riguel ang usapan.

Tumango si Riguel at bumaling ulit sa akin. Napangiti ako. I like how he always end up looking at me.

“Manonood kami, ha?” ani Isabella.

“Sure,” ani Riguel at nilapitan ako.

Pinulot niya ang mga ginupit namin ni Suki. Tiningnan niya ang mga gilid pagkatapos ang nilipat ang paningin sa amin.

“Hindi iyan akin. Gupit iyan ni Suki…” I said defensively when I realized that he’s eyeing on the sides of the letters.

“You want to eat?” Nilapag niya ang mga ginupit namin.

Lumapit naman si Basty at Mateo para kunin iyon sa aming mesa. Nilingon ko ang mga pagkain sa lamesa nila. Niluluto ng mga kagrupo nila ang pagkaing siguro’y parte ng kanilang menu.

“Lunch?” tanong ni Riguel.

Ngumiti ako. “Sige ba!”

Halos napapalakpak ako. Kung sakaling papakainin niya kami galing sa kanilang menu, ibig lamang sabihin noon ay kami ang unang customer nila.

“Magkano ba ang benta n’yo?” tanong ko.

Kumunot ang noo ni Riguel at kumuha ng monoblock chair sa likod. Nilagay niya iyon sa tabi ko at umupo siya roon. Itinuro ni Riguel ang pagkain na niluluto ng mga kaklase niya.

“Mura lang ang benta namin. But… now you don’t have to pay. It’s all on me. You’re gonna be our first customer.”

May sinenyas siya kay Mateo. Tumango si Mateo at nagpatuloy sa pagluluto roon.

Tingin ko ay rice toppings iyon. May tatlong klase ng rice toppings at may side dishes silang inooffer ayon sa kanilangf menu. May siomai, chopseuy, spring rolls at dumplings. May mga kakanin din silang binibenta.

Nilingon ko naman ngayon sina Isabella. Nakita kong nag-uusap-usap sila ng mga kaibigan niya. Ipinagkibit ko na lang iyon ng balikat. I don’t care now.

“Paano ‘yan, malulugi kayo?” tanong ko.

Tumawa siya. “Those are samples. Kasama na iyan sa aming kapital. Just tell us if they taste good or not so we can control the quality of our products.”

He told me how they did it. I realized he’s good in both financing and marketing.

Nang sinabi niya sa amin ni Suki kung paano nila binudget ang kapital na ginamit ay namangha ako. I know it’s his idea. Then when he told me about their products and how they are helping local laborers through it.

Halos makumbinsi ako na magiging magaling siyang businessman balang araw. Saktong pagkatapos ng pagluluto ay siyang pag alas onse y media.

Tumulong sina Mateo at Basty sa pag aarrange ng kinuhang mga monoblock chairs. They arranged the plastic tables, too. Tumulong naman kami ni Suki sa paglalagay ng mantel sa mga lamesa.

Iyong ibang classmates niya ay naglinis. Ang iba ay naglagay ng bandiritas sa gilid bilang nagbabahagi sa mga booth.

Nang natapos sa pagluluto ang mga kaklase ni Riguel ay nilapag nila sa lamesa ang mga pagkain. For them and for us!

Hindi matanggal ang ngiti ko. Kahit tahimik lang kami ni Suki dahil nag-uusap usap sila ay pakiramdam ko kasali na rin kami. We would laugh with their jokes. Listen to their plans and plan with them too.

Pagkatapos kumain ay nagpatuloy muli kami sa ginagawa. Tumulong kami ni Suki sa paglalagay ng decorations.

“Paabot ng bandiritas sa kabila,” ani Basty sa kanyang gilid.

Tutulungan ko sana kaso pinahawak pa ako ni Riguel ng ilang decorations kaya ‘di ko malapitan. Suki is near him folding some origami.

Napatingin si Suki sa akin. Sinenyas ko sa kanya na tulungan si Basty sa ginagawa. Nilingon siya ni Basty at nang nakita kung sino ang naroon, iniwan na lang ni Basty ang kanyang ginagawa para maabot ang bandiritas na sinasabi.

Saktong pag abot niya noon ay tumayo rin si Suki para abutin iyon at maibigay kay Basty.

Napangiti ako. They look so awkward. Tinanggap ni Basty ang ibinigay ni Suki at si Suki naman ay mabilis na bumalik sa kanyang lamesa.

I feel like I’m bridging the gap between the crazy students and the honors.

“Riguel, tawag ka ni coach. Ipapasali raw kayo sa practice game ngayon. Kahit ngayon lang,” sabi ng isang lalaking naka jersey.

Tumango si Riguel at tumingin sa akin.

“Magbibihis muna ako, pumunta ka na roon sa gym.”

Tumango ako at ngumiti. Hinayaan ko siyang sumama sa locker para siguro sa pagbibihis. Nilingon ko si Suki na tumigil sa kanyang ginagawa. Pumalakpak siya at mukhang sobrang excited!

“Manonood tayo!” ani Suki. “Sa wakas! I feel so bored here!”

Nilingon ko ang mga kaklase ni Riguel pagkatapos ay nisiko ko si Suki. Nakakahiya naman talaga. Alam kong kasalanan ko na nasali pa siya rito. Ngunit ayaw ko namang isipin ng mga kaklase ni Riguel na napipilitan lang si Suki.

Mabuti na lang at mukhang si Basty lang naman ang nakarinig. I think he’d understand. Besides, he knows that Suki’s been that way ever since.

Dumiretso na kami ni Suki sa gym. Panay pa ang bulong niya sa akin sa balitang pumunta rin daw sina Isabella Thomas at iyong mga kaibigan niya sa gym.

Hindi ko na inisip iyon. I’d like to think that it’s all just negative thoughts. I can always put it aside.

Pumwesto na kami sa bleachers. Hindi naman masyadong maraming taong nanonood. Sa bagay, practice game pa lang naman iyon.

Patapos na iyong sa Education at sa Agriculture kaya ang Business at Accountancy na ang susunod.

“Gooo!” sigaw ni Suki nang nakita ang mga players ng Business Ads.

Tuwang tuwa si Suki sa matatangkad at gwapong mga estudyante roon. Hinayaan ko na lang siya. Ang tanging inaabangan ko ay ang Accountancy. Well, especially Riguel.

Nang lumabas na ang mga accountancy students ay doon naman nagsisigaw si Suki para sa kanila. Tumayo ako at nakisali sa pagsisigaw.

Huling pumasok ang mga freshmen tulad ni Riguel. Parang tambol ang puso ko nang nakitang nakasuot siya ng kulay black at red na jersey.

This isn’t the first time I saw him play. I saw him before. Ngunit iba pala ang pakiramdam na nanonood ka sa kanya dahil inimbita ka niya.

“Go, Riguel!” sigaw ko.

Nagtatalon kaming dalawa sa sobrang excitement. Hindi namanb nakakahiya dahil iilan lang ang audience. Natawa lamang si Riguel sa aming ginagawa.

Hindi kalaunan ay nagsimula na ang laro. Hindi pa pinapasok si Riguel dahil inuna ang seniors nila. Kahit na ganoon ay nagpatuloy sa pagchi-cheer si Suki.

Tumawa lamang ako. And when someone called him in, I can’t believe that my heart is beating crazy fast for him.

I am in awe as I look at him in the court. Siya ang pinasahan at naglalakad siya habang nagdidribble! Halos lumundag ako sa saya at sa mangha sa nakikita ko! Niyugyog ko si Suki lalo na nang sumubok siya sa pag sho-shoot.

Nang na shoot ito ay nagtilian kami ni Suki, nagtatalon. Natigil lamang siya nang tumunog ang kanyang cellphone.

“Go, Riguel!” sigaw ko.

Kitang kita ko ang ngisi niya pag-angat niya ng tingin sa amin.

“Hey, kids. Nakakabingi kayo. Pag iinitan si Riguel sa court niyan dahil sa mga pathetic fans,” si Isabella iyon galing sa taas na bleachers.

She is calmly sitting down with her friends. Nagtaas siya ng kilay sa akin.

“Kayo lang ang ganyan. Sa bagay, mga bata pa kayo. Ganyan talaga…”

Nagtawanan sila. Ginala ko ang mga mata ko sa buong gym. Nakaramdam ako ng hiya nang nakitang kami lang nga ang pinagtitinginan dahil sa ingay.

Suki is busy with the call so I didn’t have someone to share my opinion of it.

“Mamaya na! May ginagawa pa ako…” ani Suki.

Nanatili ang mga mata ko sa court. Binalewala ko na lang ang sinabi ni Isabella. I shouldn’t get pissed. Like I said, look at the bright side of things.

I toned down my voice. Simpleng palakpak ang ginawa ko tuwing humahataw si Riguel. Pagkatapos ng tawag ni Suki ay nagsimula na siyang magmura tungkol sa kay Isabella.

“Amerkanang hilaw. Kung inggit siya, e ‘di magsisigaw din siya. O ‘di kaya’y sumali rito!” Umirap si Suki.

“Hayaan na lang. Ayaw ko nang pumatol…” sabi ko.

Nanliit ang mga mata ni Suki. Siniko ko na lang siya.

“Miss Peacemaker ka na pala ngayon, huh?”

Umirap na lang ako. Ayaw ko lang talagang maging sakit ng ulo ni Riguel.

Pagkatapos ng laro ay lumabas na kami ni Suki sa gym. Sumama si Riguel sa mga teammates niya. Nauna nang lumabas sina Isabella at ang kanyang mga kaibigan.

“Lili,” Suki turned to me. “I need to go. Pwede ba kitang iwan na? Doon ka na lang sa booth nina Riguel mag antay!”

“Sure, Suki. Maraming salamat sa pagsama sa akin dito. Even if you don’t have to, still you came here.”

“Walang anuman. O siya, sige na at nag aantay na.”

Kumunot ang noo ko. “May susundo sa’yo? Sino? Daddy mo?”

Para siyang tatango na hindi. Para bang kahit siya ay lito sa isasagot. Kumaway na lang siya sa akin at tumakbo palayo.

Pumunta na ako sa booth. Naroon parin ang mga kaklase ni Riguel. Namangha ako dahil malapit nang matapos ang kanilang booth. And we helped!

“Ikaw lang?” tanong ni Basty habang hawak-hawak ang glue gun.

“Uh… Yes. Si Riguel nagbibihis pa. Si Suki sinundo na kaya…” nagkibit ako ng balikat.

Tumango si Basty at nagpatuloy sa ginagawa. Nilingon ko ang booth nina Isabella Thomas. Wala nang naroon at mukhang tapos na silang mag decorate.

“I’m done…” ani Riguel bilang salubong sa akin.

Tumayo ako nang dumating siya. He smells good. The trace of sweat from the game isn’t there.

“Uuwi na tayo? Umuwi na si Suki. Sinundo.”

Tumango si Riguel. “Then let’s go?”

Si Basty naman ang tiningnan ko ngayon. Magkasama kasi sila ni Riguel madalas kapag uuwi kaya naisip ko kung sasama ba ulit siya ngayon.

Hinawakan ni Riguel ang baba ko at hinarap niya sa akin ang aking mukha.

“Are you hungry? Kumain tayo pero sa bayan na…”

“Sa bayan? Bakit?”

“For a change. We’ve been eating too much streetfood outside. Pagod ka na ba?”

Umiling agad ako.

“Maglakad lang tayo hanggang bayan. Tutal ay alas tres pa lang naman. Ayos lang?”

Napalunok ako. The thought of walking with him even in that short distance excites me. Siguro ay mga isang kilometro ang layo noon!

“Sure!”

Tumango siya at nagsimula nang maglakad palayo. Sumunod ako sa kanya.

Kaba at excitement ang nararamdaman ko habang naglalakad kami. Marami siyang kakilalang nakakasalubong. High five at tawanan ang ginagawa niya. Tahimik naman ako sa kanyang gilid. Napapatingin ang mga kakilala niya sa akin ngunit hanggang doon lang iyon.

Pagkalabas namin sa eskwelahan ay nagsimula na kaming maglakad. Hindi naman mainit at marami pang puno kaya ayos lang maglakad ng ganito. Lumipat siya sa kaliwang side ko habang naglalakad. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya pero hinayaan na lang siya.

“Sorry nga pala kanina, ha? Sobrang ingay ba namin ni Suki?” this thought is bothering me so I asked him.

Tumawa lamang siya at tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Sumimangot ako. Pakiramdam ko kasi ay kantyaw iyon.

“You were so cute shouting my name out there.”

“Sobrang ingay namin ni Suki! Kami lang maingay doon… Nakakahiya tuloy.”

“Don’t worry about it,” ani Riguel.

“Isabella said you’ll get distracted if we shout. Is it true?”

Hindi ko mapigilan ang tanong na iyon. Nilingon ako ni Riguel at nag-isip siya.

“Well, I guess so. I’ll get distracted.”

Then she’s right! Dammit!

Ngumuso ako at napatingin na lamang sa daanan. I feel stupid. Thinking about it now, the jumping and the shouting, I feel so stupid!

“O sige. Next time, I won’t do that. I’m sorry…” sabi ko.

Tumawa ulit si Riguel. His hand slipped in between my fingers. Marahan niya akong hinila para maharap ko siya.

“People will look at you. I don’t like that,” aniya.

“Okay. I won’t do it again,” mariin kong sinabi.

Pinipigilan ko ang sarili kong mahimatay dahil hindi niya parin binibitawan ang aking kamay. Lutang ang kamay ko habang hinahawakan niya iyon. Pakiramdam ko nga ay unti-unti itong pinagpapawisan. His big hand feels rough on my palm.

Naramdaman ko ang biglang paghigpit niya ng hawak sa aking kamay.

Uminit ang pisngi ko.

“But I like you cheering for me, though…”

Kinagat ko ang labi ko at binalingan ko siya.

“Then what? Should I cheer for you or not?” tanong ko.

Hindi ko na alam kung ano talaga ang gusto niyang mangyari,.

Natanaw na namin ang bayan. Pakiramdam ko sobrang iksi naman pala ng isang kilometro. Sana mas mahaba pa ito!

“Just do whatever you please, Lilienne. Just don’t attract too much attention. Boys and all…”

Hinampas ko ang kanyang braso.

“I don’t attract other boys’ attention! Aayaw ang mga lalaki sa akin dahil pangalan mo ang sinisigaw ko, Riguel!”

“For some. Others will take your loyalty as a challenge.”

Napaisip ako sa sinabi niya.

Is loyalty that attractive to people? Is it why some people like a girl/boy who’s in a relationship? Because their loyalty is attractive? Hmm…

“So? Kahit na anong gawin nila, ikaw ang gusto ko, Riguel. Ikaw ang gusto ko…” sabi ko.

Huli ko na napagtanto kung ano ang sinabi ko. Although he knows about that. It’s still different like this. Na ako talaga mismo ang nagsabi. Harap harapan pa.

His expression is serious and dark. Hinila niya ako para matigil ako sa paglalakad. I almost bounced back to him but I stopped myself.

“I hope your feelings won’t change…” aniya.

Napaawang ang bibig ko. Naiintimidate ako sa sobrang seryoso ng kanyang ekspresyon.

Umiling ako. Magsasalita pa sana ako ngunit tumunog ang cellphone ko. Binitiwan niya ang kamay ko para mahagilap ang aking cellphone. Kinuha ko agad iyon at nang nakitang si Yeshua ang tumatawag ay gusto ko agad siyang murahin. Why is my twin so good at timing?

Nagpatuloy sa paglalakad si Riguel. Malapit na kami sa kakainan namin sa bayan. Mukhang doon sa grill niya gustong kumain. I suddenly wonder if he has enough money? Should I offer to part the bill? But then he’d refuse…

“Hello, Yesh?” sabi ko.

Hindi agad sumagot ang kapatid ko.

“Yeshua! Are you there?”

“Where… are you?” his voice is husky.

“Nasa bayan, bakit? Ikaw?”

“N-Nasa bahay lang… Nasa kwarto… Can you come home, please? Right now?”

“Naku, Yeshua! May gagawin pa ako. Bakit ba? Mamaya na lang pagkauwi ko.”

“Please, Lili…”

Natigilan ako sa pagsusumamo sa boses niya. Nilingon ko si Riguel. Dire diretso ang lakad namin sa grill.

“I’m sorry, Yesh. Pagkauwi ko na lang, okay?”

“Okay…” nahimigan ko ang lungkot sa kanyang pagsang-ayon.

Binaba ko agad ang cellphone ko at ibinaling ang buong atensyon kay Riguel. I’d think about Yeshua later.

“Hati tayo sa babayaran?”

Hindi ko na siya aalukin ng libre dahil alam kong ayaw niya.

Umiling si Riguel at kinalimutan agad ang sinabi ko.

“Mamili ka na ng gusto mo so I can order for us…”

His principles just won’t shake.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

3 Responses to Tripped – Kabanata 13