Tripped – Kabanata 12

April 12, 2016 By In Tripped 215 Comments

Kabanata 12
Believe

“Riguel, hindi na kailangan…” sabi ko nang hinila niya ako patungo sa kanilang bahay.

Nahihiya akong pumunta dahil paniguradong naroon ang kanyang Lola at Lolo. Isa pa, hindi naman ito malalim na sugat kaya hindi na niya dapat gamutin pa.

“Nagamot na ito ng nurse, Riguel…”

Dumiretso kami sa bahay nila.

Dahan-dahan akong pumasok. Amoy na amoy ko ang nilulutong ginisa galing sa kusina. Si Lolo Selmo ay nasa sala at nanonood ng TV.

Nagmano si Riguel kay Lolo. Nilapag niya ang kanyang bag sa sofa at dumiretso sa kusina para na rin mag mano kay Lola Aura.

“Kasama ko po si Lilienne…” narinig kong sambit niya.
“Oh, papasukin mo siya!” ani Lola.

Nilingon ako ni Lolo Selmo at tumayo agad siya. Nagulat na nakatayo pala ako sa pintuan.

“Opo. May gagawin lang kami sa labas…” si Riguel.
“Upo ka, hija!” ani Lolo Selmo.
“Magandang gabi po! Hindi na po… Hindi po ako magtatagal…”

May kinuha yata si Riguel sa kusina. Pagkatapos ng usapang iyon ay bumalik siya sa akin. Isa-isa niyang tinanggal ang butones sa kanyang polo at tinulak ang pintuan ng kanilang bahay.

“Huh?” tanong ko dahil ‘di ko siya maintindihan.
“Sa labas na tayo. Mainit dito…” aniya.

Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Naglakad kami palayo sa kanilang bahay. Nilagpasan namin ang lumang pick-up nila. Dumiretso kami sa mga kakahuyan kung saan niya ako dinala nang may kainan dito.

“Who did that to you?” tanong ni Riguel habang may kinukuhang bulak sa lalagyanan.
“I don’t know her name…” sabi ko.
“Iyon bang Grade 10 na tinutukoy mo?” tanong niya sabay lingon.

Rinig ko na ang tunog ng batis. Tanging ang ilaw lamang galing sa buwan ang nagpapaliwanag sa amin. May ilaw ilang metro ang layo. Sa isang puno yata kung saan malapit ang kulungan ng kanilang mga manok.

Nilapag niya ang lalagyanan ng bulak at iyong betadine. Hinubad niya ang kanyang polo at tanging ang puting t shirt na lang ang suot ngayon.

Nilapag niya ang puting polo sa lupa at umupo siya roon. Tinapik niya ang gilid niya.

“Umupo ka rito…”

Dahan-dahan akong lumapit. May pag-aalinlangan pa sa akin ang pag-upo pero ginawa ko parin. We were so close. I am so tiny when we’re close like this.

Hinigit niya ang aking braso at nilapit niya sa batis.

“Malinis ang tubig dito…” aniya at hinugasan ang aking mga sugat.

Pinagmasdan ko siyang mabuti habang ginagawa iyon. He looks so serious and dark.

“Iyong nakaaway mo ay iyong nagsabing girlfriend ko si Isabella, tama?”

Nanatiling nasa sugat ko ang kanyang mga mata. I want to lie about it but I guess he already found out.

“Yes. I got so pissed so…”
“Nalaman ba ng teachers? You went to the Discipline Office again?”
“Well, yes…”

Kumuha siya ng bulak at nilagyan ng betadine iyon.

“And?” nag-angat siya ng tingin.
Umiling ako. “Wala naman. Pinapunta lang ako sa clinic para magpagamot.”

Ginamot niya ang aking sugat. Tahimik na siya ngayon kaya naging tahimik an rin ako. Pinagmasdan ko na lang ang pulang balat ko.

“Don’t believe those rumors. Kung kami ni Isabella, dapat matagal na, Lilienne.”
“Well, I didn’t believe it. I was just pissed because she insisted. Para bang iyon talaga ang katotohanan para sa kanya.”
“Hindi iyon totoo,” ulit niya.
“Yes. I know…” Napangiti ako.
“She also told me that I don’t deserve you, though… Kaya mas lalo akong nainis. Na hindi tayo bagay dahil matalino at mas may kalidad ka samantalang ako ay mayaman lamang.”

Tumigil siya sa pag gamot at nag-angat ng tingin sa akin. Hindi na ako makatingin sa kanya ngayon.

Because although I have the confidence to insist that it isn’t true… I kind of believe it. Kahit hindi mayaman si Riguel, mas may kalidad ang kanyang pagkatao sa akin. Nagsusumikap siya at seryoso sa kanyang pag-aaral samantalang ako ay bulakbol. Yes, I’m trying to change that but it still doesn’t mean that I was never like that.

“Don’t believe that…” Inangat niya ang baba ko para mahanap niya ang aking tingin.

Napalunok ako at dahan-dahang tumango.

“Walang mas may kalidad kahit kanino. You matter to the people who loves you. Clearly, that girl hates you. You made her opinion matter by paying attention to it, Lilienne. Her opinion of you shouldn’t matter. Don’t pay attention. Their opinion doesn’t matter to me.”

Bumagsak ang mga mata ko sa aking sugat. Hindi ko alam kung bakit naninikip ang dibdib ko.

“I’m never going to cut class again. I’m going to study hard because that’s how it should be…”

Inangat niyang muli ang aking baba.

“Yes, that’s how it should be. That’s good. Pero para sa akin, gawin mo ang kahit anong gusto mong gawin. My opinion of you won’t change… ‘kay?”

Tumango ako at ngumiti.

“Kahit na magbulakbol ako?” biro ko.
“Kahit na. But I’m gonna be real pissed if you do that, you know…”
Umiling ako. “Hindi na ulit, Riguel.”

Tumango siya at sinarado ang lalagyanan ng betadine.

“Okay… Balik na tayo sa bahay at doon ka na kumain. Text your mother. Ihahatid na kita pauwi sa inyo.”
“Okay…”

Kinuha ko agad ang cellphone ko para makapagtext.

So I didn’t mind the rumors. Ang importante sa akin ay ang sinabi ni Riguel. Everything feels fine again after that.

Nakikita ko parin ang babae sa school, nga lang, umiiwas na siya sa akin. Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko na ginantihan dahil ayaw ko na ng karagdagang gulo.

Kahit na tatlong linggo ang sembreak ng mga college students, parang ‘di iyon naramdaman ni Riguel dahil busy siya sa kanilang booth para sa Foundation Day. Kami namang mga high school ay may isang linggong sembreak na lulubus lubusin ko.

Nagbibihis na ako ngayon dahil pupunta ako ng Alegria Community College. Susunduin ako ni Riguel sa gate ng eskwelahan para makapasok ako. Ang gagawin niyang excuse sa guard ay tutulong ako para sa kanilang booth.

Nagsuot ako ng faded ripped jeans, white v neck t shirt and white sneakers. Bumaba ako ng kwarto para makakain ng almusal.

“Oh, akala ko ba wala kang pasok? Bakit maaga ka parin?” tanong ni Nana Sela nang umupo ako sa hapag.
“May gagawin lang po.”
“Tumawag si Suki kanina noong ‘di ka pa bumabangon. Sa telepono. Sabi niya pupunta raw siya rito dahil wala siyang magawa sa kanila.”
“Huh? Bakit ‘di siya nagtext?” tanong ko sabay kuha ng cellphone.

Now I realized how awful I was! Nagtext si Suki ng limang beses ngunit ‘di ko binasa tulad ng mga mensahe ng ilang lalaking pumuporma! Kay Riguel lamang ang binasa ko!

Tumunog ang doorbell. Tinuro ni Nana Sela ang pintuan.

“Baka siya na iyan…”

Nasapo ko ang aking ulo dahil sa kapalpakan. I guess I have no choice but to bring her to the booths? I have to text Riguel first.

Ako:
Riguel, nandito si Suki sa bahay namin. Ayos lang ba kung isama ko siya sa ACC?

“Ang timing ko talaga, eh! Tamang tama at ‘di pa ako nakapag almusal!” ani Suki sabay upo agad sa aking tabi.

Siya pa ang unang kumuha ng platong may lamang hotdog.

“Saan ba si Yeshua? Tulog pa?” tanong niya at kinagatan ang hotdog na tinusok.
Tumango ako.

She’s wearing an all black spaghetti strap dress. Her lipstick is dark violet and her eyebrows are properly made.

Sinungaw niya ang aking suot at kumunot ang noo niya.

“May lakad ka?”
“Niyaya ako ni Riguel na pumuntang ACC. Titingnan ko ang booth nila.”

She rolled her eyes.

“And I thought we’re watching The Forest today!”

Iyon ang ang sabi niya sa text niya na ngayon ngayon ko lang nabasa. Umiling ako.

“Don’t worry, ililibre kita sa kahit anong gusto mo kaya huwag kang mag-alala, okay?”
“O siya… Tutal ay tingin ko mas magandang ideya iyan! Andoon ba iyong mga kaklase niyang gwapo? Oh my God!”

Naghihisterya na si Suki tungkol sa mga college boys na gwapo. Nagpatuloy naman ako sa pagkain at tiningnan ang text nI Riguel.

Riguel:
Sure. Eat your breakfast first before coming here.

Ako:
I’m eating with Suki right now. :) Ikaw din.

Nagpahatid kami kay Manong Luis. Tinext ko na rin si Riguel na papunta na kami roon kaya nag-abang na siya sa gate ng eskwelahan.

Pagkababa namin ay sumenyas na si Riguel na pumasok na kami. Siguro ay nakausap niya na ang guard sa gusto niyang mangyari kaya hindi na kami kinwestyon!

Nasa soccerfield ang kanilang booth. May mga tent roon kung nasaan ang mga booth ng pagkain, drinks, at kung anu-ano pang bilihin. Ang kanila ay pagkain tulad ng siomai, fries, tempura, at kung anu-ano pa. They’re not yet done with the decorations so I think we’ll help.

Nilakad namin ang soccerfield. Mabuti na lang at sa gilid may mga puno ng mahogany kaya hindi kami nainitan.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga estudyanteng abala. Maingay rin sa gym dahil siguro sa mga practice game.

“You can stay on our tent or you can also roam around if you like,” ani Riguel.
“We’ll help-”
“Hindi kita pinapunta rito para tumulong…” aniya.

Nagkatinginan kami ni Suki. There goes Riguel again!

“Hindi naman din pwedeng buong araw kaming gagala lang ‘di ba? ‘Tsaka kung mananatili kami sa booth n’yo, ang pangit tingnan na wala kaming ginagawa.”

Bumuntong hininga sa Riguel. Nakalapit na kami sa kanilang booth. Binigyan niya ako ng dalawang monoblock chair para sa aming dalawa ni Suki. Umupo si Suki ngunit nanatili akong nakatayo.

“Fine,” ani Riguel.

Kumuha siya ng iilang cartolina sa kanilang lamesa at binigay niya iyon sa akin.

“Cut these all out. Ibibigay ni Sebastian ang gunting…” ani Riguel. “Basty…”
“Oo, saglit lang.”

Ngumisi ako.

“Thanks!”

Tumango siya at bumaling sa kanilang lamesa. May ipinakitang papel ang kanyang kakaklase sa kanya na agad niyang pinagtuonan ng pansin.

Lumapit naman si Basty sa amin dala ang dalawang gunting. Tinanggap iyon ni Suki at binigay niya sa akin ang isa.

“Thanks…” ani Suki.
“W-Walang anuman…” ani Basty sabay kamot sa kanyang batok.

Umupo ako sa tabi ni Suki at binigyan na siya ng isang cartolina para makapag simula na kami sa pag gunting.

Mabagal gumawa si Suki ng kanya dahil panay ang pasada niya ng tingin sa mga taong naroon. Maybe she’s looking for the cute boys.

“Suki! Bilisan mo!” sabi ko nang natapos ko ang pangatlong letra na ginugunting ko at iyong kanya ay ni isa wala pa.

Lumapit muli si Basty sa amin. Si Riguel ay tumutulong na sa pagtatayo ng lamesa nila. Abalang-abala pala talaga siya rito sa school.

“Ano ‘yan?” tanong ni Suki sabay turo sa isang kulay violet na pagkain.
“Uh… Kakanin. Sabi ni Riguel ay baka nagugutom kayo.”
“Hindi ako kumakain niyan!” ani Suki, tunog disappointed sa pagkaing binibigay ni Basty.

Siniko ko agad ang aking kaibigan. I know she’s blunt but it’s mean to say that. Dapat ay masaya na kami at pinapakain kami.

“Salamat, Basty. Sinong nagluto niyan? Kayo?” tanong ko.
“Uh… Itong kakanin, ako. Pero kung ayaw nito, papalitan ko na lang.”
“Hindi na, Basty…” sabi ko sabay ngiti.
“Mabuti pa nga. Wala bang iba? Iyong tempura o siomai na lang.”

Siniko ko ulit ang kaibigan ko. Kumunot ang noo ni Basty habang tinitingnan si Suki. Nagpatuloy sa pag gunting si Suki na parang wala siyang sinabing ganoon.

“Hindi na, Basty…” sabi ko.
“Papalitan ko na, Lilienne,” ani Basty sa isang malamig na tono at umalis na ito para sa kanilang lamesa.

Sinalubong siya ng kunot noo ni Riguel dahil sa binalik niyang tray. Umiling lamang si Basty at kumuha ng ibang pagkain. Bumaling si Riguel sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako.

“You are so frigging mean, Suki…” sabi ko.
“What? It’s true… I don’t eat that. Ayaw ko sa mga kakanin. Kung kakainin mo ‘yon, e ‘di ikaw na ang kumain. Ako, hindi…” aniya.

Pagsasabihan ko pa sana siya kaso paparating na si Riguel at Basty sa amin kaya tumahimik na lang ako. Nilapag ni Basty ang siomai at juice sa gilid na lamesa. Nakapamaywang si Riguel sa harap ko at kita ko ang pawis sa kanyang noo.

“May kukunin lang kami sa faculty room. Dito ka muna?”

Tumango ako.

Tinapik ni Riguel ang balikat ni Basty at sumunod na si Basty sa kanya. Ganoon din si Mateo at iyong isang babae na kasama nila. Nanatili ang tatlong babae at iyong isang lalaki sa kanilang booth.

Sinundan ko ng tingin si Riguel. It makes me so proud to see that he’s this active when it comes to school.

Palayo siya ay nakita ko naman ang pagdating ng grupo nina Isabella. Nagtatawanan ang grupo ng mga babae at suot suot nila ang seksing damit para yata sa cheering competition.

May sinabi siya kay Riguel. Tumango lamang si Riguel at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngumiti si Isabella at tumingin sa isang booth katabi lamang nitong booth ng Accountancy. Nahagip ako ng paningin ni Isabella dahilan kung bakit napawi ang kanyang ngiti.

“Some people just can’t wait for the boy to move. So they do the first move. Tsk tsk…” Umiling iling si Isabella sabay tawa ng kanyang mga kaibigan.

Parang nanlamig ako. Lalo na nang napatingin ang mga babae sa akin at tumawa ulit sila kasabay ni Isabella.

Nilingon ni Suki ang kaibilang booth.

“Kina Isabella ang booth na iyan?” she said. She probably didn’t hear what Isabella said.
“Oo nga! Nakakahiya kaya si Selle kanina! Ang ingay niya habang naglalaro ang boys! Palibhasa ‘di pinapansin kaya siya na mismo ang nagpapapansin…” sabi ng isang babae.

Napatingin si Suki sa akin. Kumunot ang kanyang noo.

Calm down, Lilienne. They’re talking about someone else!

“Worst! They probably heard rumors na hindi interesado iyong lalaki sa kanya, nagmamanhid manhiran parin!” Tumawa si Isabella.
“If the boy likes her, dapat ang lalaki ang nauuna, ‘di ba? You don’t need to effort for the boy if they like you. Example, if the boys like you, they’d choose the booth so near you para hindi na siya mahirapang makita ka pa…”

Tumingin ako sa gunting na hinahawakan ko. I’m trying so hard not to look at them. Hindi yata nakaya ni Suki kaya nilingon niya na ang mga babae.

Humalakhak si Isabella.

“Uyyy!” biro ng kanyang mga kaklase.
“Kayo talaga! Stop overthinking! He’s already like that to me since high school…” ani Isabella.

I shouldn’t overthink! Hindi naman siguro si Riguel ang tinutukoy nila, ‘di ba? May katabi naman sa kabila ang booth nila!

I need to believe Riguel. I need to believe him. I won’t question him!

“He actually wants to meet my mom too. Titingnan ko pa, e. Nahihiya pa ako pero pursigido siya…”

“What the hell is she talking about? I feel like they’re purposely making their voice loud for us to hear everything!” bulong ni Suki habang nanggigigil sa pagugunting!
“Hindi si Riguel ‘yan. Baka may ibang lalaki…” sabi ko.

“Oh? Bakit ka nahihiya. Something as smart as him shouldn’t be kept. Dapat ay pinapangalandakan, Isabella!” anang isang kaibigan niya.
“I don’t know… It’s weird. It feels like he really wants a serious relationship,” malambing na ang boses niya ngayon.
“Sa attitude niya, talagang seryoso ang hanap niyan. Oh! Hayan na pala!”

Nilingon ko agad ang field kung saan dumaan si Riguel kanina. Nakita kong palapit na sila kasama ang iba pang mga kaklase niya. May binuhat na mga monoblock chair ang iba. Siya naman ay may dalang mga papel.

No… It’s not Riguel. It’s probably one of his classmates! No… I believe him.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

215 Responses to Tripped – Kabanata 12

  1. walang 14 sa watty ko. 13 & 15 nabasa ko na. Mag uupdate rin si ate #jonaxx. Tiwala lang 😉

  2. Nakatapos nlg ako ng 2 completed stories, wala pa ring update ang tripped. Grbe? Di tulad noon sa ibang stories every night may update

  3. ATE JONAH PLEASE PO DITO KAYO MAG UPDATE KASI DITO NA PO AKO NAGBABASA E. Huhuhuhu

  4. hey guys don’t be so harsh :) Ate Jonaxx needs time. tsaka mahirap mag update agad. Give her some feedbacks abt the story hindi po yung hingi tayo ng hingi ng updates thank you.