Tripped – Kabanata 11

April 11, 2016 By In Tripped 109 Comments

Kabanata 11
Fight

Nakahiga ako sa kama habang nagtitipa ng text ni Riguel. I have never been this interested to text someone.

Ako:
I’m home. Are you? -Lilienne

Ilang sandali pa bago siya nakasagot.

Riguel:
Kakauwi ko lang. I’m going to do my assignments after eating. Kumain ka na rin.

Napangiti ako sa sobrang pormal niya sa pagtitipa. Kumpleto ang mga spelling. Tamang punctuation marks. Capital letter ang unang letra.

Iyon ang gawain namin tuwing gabi. Madalas naman, kapag nakakasalubong ko si Lola Aura sa palengke o sa bayan at iniimbitahan niya ako sa kanila, pupunta ako ng Sabado. May mga pagkakataon ding binibisita ko si Riguel sa kanilang school. But of course I would tell him. Ayaw kong sungitan niya ako.

Nagmamadali siya lagi palabas ng school kapag tinitext ko siya na pupunta ako. Tinatiming ko na magaan ang last period nila para hindi siya masyadong stressed.

“Hi!” bati ko.

Sa likod niya ay ang kanyang mga kaibigan na madalas kasama. Nilingon ni Basty ang aking likod. Luminga-linga rin siya.

“Want to eat first bago umuwi?” tanong ni Riguel.

Tumango ako. Lumapit na kami sa mga stall ng street foods. Nilibre niya ako.

Naiisip ko tuloy kung magkano kaya ang kanyang allowance. Is it okay to ask. Nililibre niya ako kahit drinks. Pati pa pamasahe at dalawang beses pa ang pamasahe niya sa tricycle.

“Busog na busog ako!” sabi ko pagkatapos uminom ng softdrinks.

Ngumiti si Riguel sa akin. Kinuha niya ang wallet niya at binayaran ang kinain namin. Basty is still eating siomai beside us.

“How much is your allowance?” tanong ko.
Nagtaas ng kilay si Riguel sa akin. “Bakit?”
“You paid a lot. Sa’yo… Sakin… Tapos pamasahe pa ngayon. I should pay for the tricycle now…”
Hindi pa ako natatapos ay umiiling na siya.
“Please, Riguel. I just want to help-”
“I will pay for us,” mariing sinabi ni Riguel.
“The world should be equal. If men can pay for women’s needs, we can also pay for yours. Please, Riguel.”
“Nag-ipon ako ng pera kahapon at noong isang araw. I know you’d come here today. I’ll take care of everything. Don’t worry.”

Ngumuso ako. Ayaw paawat.

And… nag ipon siya ng allowance para sa isang kainan namin dito?

Parang kinukurot ang puso ko. Inubos ko ang softdrinks habang nag-iisip. Ibang-iba talaga ang mundong kinatatayuan naming dalawa. Ibang-iba. While I’m here not even bothered with the money I’m spending, he’s here trying to make his money fit for us.

“Tara na, Basty…” anyaya ni Riguel pagkatapos naming kumain.
“H-Huh?” ani Basty sabay tingin sa akin.

His thick rimmed glasses were falling. Ipinatong niya iyon ng maayos sa kanyang ilong bago umupo sa likod ng driver. Hindi makatingin si Basty sa akin. Panay cellphone ang tinitingnan niya.

Pumasok na ako sa loob. Sumunod si Riguel. I’d always make him my shield from the cold wind. Ang isang braso ko ay sinusuot ko sa gitna ng kanyang braso at tagiliran. And he’d always be pleased by it.

Palapit na ang foundation day ng Alegria Community College. Busy si Riguel dahil sa booth ng Accountancy at iba pang mga kailangan nilang gawin. Ang alam ko nakapasok din siya sa basketball team pero mas nagcoconcentrate siya sa academics.

“Pupunta ka ba?” tanong ni Suki sa akin habang naglalakad sa corridors.
“Syempre naman. Ikaw?” tanong ko.
“I’ve never been to their foundation day. Is it really that amazing?”
“Hindi ko alam. I’ve never been to their foundation day, either. Ngayon lang ako nagkainteres dahil naroon si Riguel.”

Tumango si Suki at parang kumbinsido na sumama sa akin kung sakali.

“Isama natin sina Russel at Julio. What do you think? We can also ask Leon to join us!”
“Pwede…” sabi ko habang nag-iisip.

Ilang batalyong babae ang nakasalubong namin. Wala ako sa sariling nag-iisip sa foundation day nang may bigla akong narinig.

“Have you heard? Si Riguel Alleje at Isabella Thomas na raw talaga for real!”

Halos mabali ang leeg ko sa kakatingin sa babaeng nagsalita. I don’t know if she said it innocently or sinadya niya iyon nang nagkasalubong kami.

“Ano na naman ‘yan?” sabi ko at humalukipkip.

Bumaling din ang isang mapapel na Grade 10. Ni hindi ko siya kilala pero kung makatingin siya sa akin ay parang saulo niya ang mga kamalian ko.

“Oh! The rumored girlfriend… Wait… ex ka na pala,” sabi niya.

Ang kapal ng lipstick niya. Iyon lamang ang nakikita ko sa kanyang mukha. Hinead to foot niya pa ako! Uminit agad ang ulo ko.

“I’m not his ex. Or his girlfriend…”

Tumawa siya. Pati pa ang dalawang alipores sa kanyang likod.

“Then you’re nothing. I’m just saying na si Riguel at Isabella na. Wala ka naman pala, e. You’re not his girlfriend or even ex so why are reacting?” aniya.
“Kasi naman. Bakit ka pa nagpapakalat ng maling balita? Magbabalita ka na nga lang, iyon sanang tama!” ani Suki.

Humakbang ako ng isang beses. I can’t believe this girl is confident about what she just said!

“Araw-araw kaming nagtitext ni Riguel. Madalas kaming nagkikita. And you think people will believe your nonsense?” sabi ko.
“You think people will believe your non sense, too? Isabella Thomas deserves Riguel Alleje. You don’t deserve him. Kaya malamang ay iyon ang papaniwalaan ko at ng mga tao. Dahil iyon ang mas nararapat.”

Halos magpalpitate ang kilay ko sa galit. Pinirmi ko ang malalalim na paghinga para mapigilan ang pakikipag pisikalan sa babae.

“Bahala ka! Iyon ang paniwalaan mo kung iyon ang gusto mo!” tatalikuran ko na sana asiya ngunit natigilan ako sa kanyang dinugtong.
“You’re just the highschool bitch who keeps on pursuing him. Sawa na siguro siya sa pagbuntot mo kaya ka pinatulan! Kumpara kay Isabella Thomas, mas may class siya. Indeed, money can’t buy class!”

Mabilis akong nagmartsa patungo sa kanya. Ang galit na naramdaman ko ay hindi ko na magawang itranslate sa mga salita. My mind is spinning fast that I couldn’t utter the right words. So I chose to go to her and slap her hard!

“Walang hiya ka, Altamirano!” sigaw noong babae at sinampal din ako.

Sobrang hapdi na sampal ang natanggap ko galing sa kanya. Hindi ko kayang tanggapin na ginawa niya pa iyon kahit na siya itong may atraso!

“Bitch!” sigaw ko at nilapitan siya para hilahin ang buhok.

Hiyawan at sigawan ang narinig ko habang hinihila ko ang buhok ng babae. May sumali pa sa hilahan ngunit naharangan na ni Suki at tinulak na sa sahig!

I pulled her uniform. Sa rahas ng pagkakahila ko ay halos nahubaran siya ng pang itaas. Isang kalmot ang inabot ko sa aking braso dahil sa galit niya.

“What’s happening here?” malamig na boses ng isang teacher ang narinig ko. “Students!”

Ang kaninang naghihiyawan ay hinawakan na kami sa braso at nilayo sa isa’t-isa. Hiningal ako ng husto! Tiningnan ko ang braso kong may tatlong tuwid na linya galing sa mga kuko ng babae.

“Siya po ang may kasalan, Ma’am! Kahit tanungin n’yo pa po ang mga estudyante rito!”

Tumango naman ang iba. Nagtiim bagang ako. Hindi ko maipagkakaila iyan. Yes, I did the first move but she was a pain in the ass, that’s why!

“Miss Altamirano, is it true?”

Tinitigan ko lang ang teacher. Pagkatapos ay nilingon ang mga babaeng may hawak sa aking braso. Hinila ko ang kamay ko para mabitiwan nila ako.

“See? Hindi siya makasagot dahil totoo, ma’am! Siya ang nagsimula ng gulo!” anang babae habang inaayos ang kanyang damit.
“Sumbungera!” ani Suki sa aking gilid.
“Come with me, Miss Altamirano…” malamig na sambit ni Ma’am at naglakad na patungong DSA.

Nilingon ko si Suki. Umalis na ang ibang usisero at usisera. Ang grupo ng babae ay tumabi.

Naglakad ako sunod kay teacher. Tumabi agad ang babaeng nakaaway ko. Mukhang takot na masaktan ko.

Matalim ko siyang tinitigan bago tuluyang umalis doon.

“Lecheng babaeng iyon! Magtatanong ako sa mga kaklase kung sino iyon. Papormahan natin kay Julio, Lili!” ani Suki.

Dinig na dinig ko ang panggigigil sa kanyang boses. Tiningnan ko ang magkabilang braso ko na may mga kalmot ng babaeng iyon.

Sa Discipline Office ako pinapunta. Pumasok din si Suki sa opisina. Ngunit ang request ng officer ay ako lang ang pumasok sa mismong opisina niya kaya kailangan siyang iwan sa sofa.

“What happened?” natatawang sabi ng isang pamilyar na boses.

Kaswal na pumasok si Nicholas sa opisina at umupo sa tabi ni Suki. Tumingin siya sa akin.

“Just a catfight…” sabi ko.

Humilig si Nicholas sa sofa. He spread his arms on it’s back rest. Nilingon niya si Suki. Umusog naman ng bahagya si Suki.

“Do you know that girl, Nicho?” tanong ni Suki.
“Pumasok ka na, Miss Altamirano…” sabi ng teacher na nagpatawag sa akin.

Tumango ako at iniwan na sila roon. The familiar face of our Discipline Officer almost made my eye roll. Ganoon din siguro siya sa akin.

Inayos niya ang kanyang salamin at binalingan ang mga papeles sa kanyang lamesa.

“Ano na naman ang gulong dinala mo, Miss Altamirano?”

Tumikhim ako at lumapit sa upuan.

“That girl is spreading wrong rumors. I got pissed so…” tinagilid ko ang ulo ko. Alam niya naman siguro ang dugtong.
“If it’s a false rumor, why are you so mad?”

Tinanggal ng officer ang kanyang salamin at nilapag sa mga papel. Humilig siya sa kanyang swivel chair.

“Sinabi ko sa kanya na hindi iyon totoo. All she did was insult me so I got pissed more.”

Humugot siya ng malalim na hininga at pinagsalikop ang kanyang mga daliri.

“You’re bleeding?” aniya at bumaba ang mata sa aking braso.

Tinago ko iyon.

“This is nothing. It’s from her fingernails.”

Nagkibit ako ng balikat. Kinusot niya ang kanyang mga mata. Para bang pagod na siyang maghandle ng kaso ko sa eskwelahang ito. I would always get away. My mom and dad will always vouch for me.

“Go to the clinic and ask for the nurse’s help.”

Tumango ako at tinalikuran siya agad.

“Thank you, po…” sabi ko bago sinarado ang pintuan.

Naabutan ko si Suki na mag-isa sa sofa. Nakatingin siya sa kanyang cellphone.

“Ano raw?” tanong niya at binaba ang kanyang phone.
“Pupunta muna ako sa clinic. Pumasok ka na sa klase. Magpapagamot lang ako nitong kalmot…”
“O sige… Magtext ka kung anong meron, ha? ‘Tsaka… Ang mabuti pa, magpahinga ka muna sa clinic. Ako na ang bahalang mag sabi sa teacher natin.”

Tumango ako. Tama siya. Para ngang masama ang pakiramdam ko kaya mas gusto kong magpahinga muna.

Dumiretso ako sa clinic. Si Suki ay tumuloy naman sa classroom.

Naroon ang nurse. Ipinakita ko kaagad ang aking braso sa kanya.

“Medyo hindi rin maganda ang pakiramdam ko, Miss…” sabi ko.
Tumango siya. “Ganoon ba? Gagamutin ko muna iyan pagkatapos ay magpahinga ka na lang muna sa loob.”

Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinahiran niya ng betadine ang mga kalmot. Tinitigan ko na lang ito habang siya ay nagtatanong kung paano ko nakuha ang mga sugat na iyon.

“Ikaw ang ang nasaktan, kung ganoon? Your enemy didn’t have bruises?” nagtataka niyang sinabi.
Umiling ako. Walang ganang makipag-usap tungkol doon.

Hindi ko alam kung bakit ako pagod. Basta’t pagkahinga ko sa kama ng clinic ay nakatulog agad ako.

Nagising lamang ako nang may narinig akong pamilyar na boses kausap ang nurse.

“Is she okay?” tanong ni Yeshua sa nurse.

Kinusot ko ang mga mata ko at bumangon. Tiningnan ko ang kurtina na nag seseparate sa lamesa ng nurse at sa kama ng clinic.

“She’s fine, Yeshua. Nasa loob lang at nagpapahinga. Masama raw ang pakiramdam niya kanina. You can give her this if you want,” sabi ng nurse.
“Okay. Thanks…”

Hinawi ni Yeshua ang kurtina. He looked so concerned. May isang baso ng tubig siyang dala.

Ngumiti ako sa kanya. He didn’t even smile at me.

Umupo ako sa kama. Sa aking gilid naman siya umupo. Nilapag niya ang baso sa gitna naming dalawa at kinuha niya ang capsule ng gamot sa lalagyanan.

“Inumin mo raw ito, sabi ng nurse…” aniya sabay bigay sa akin ng capsule.

Tinanggap ko iyon at nilagay sa bibig. Pinaanod ko iyon sa tubig na dala niya.

“You didn’t tell me…” aniya.
“I don’t want to cause trouble, Yesh. Besides, I can deal with it…” sabi ko nang ‘di siya tinitingnan.

Dinig ko ang iritasyon sa paghagilap niya ng hangin.

“What happened? Bakit may nakaaway ka?”

Tiningnan ko siya. I’m not sure if it’s good to tell him what it’s all about. I don’t think he likes the idea of Riguel being the main reason for this.

“Ang arte kasi noong babaeng iyon. Parang kung sino…”

Kinuha niya ang mga kamay ko at tiningnan niyang mabuti ang aking sugat. Binawi ko iyon sa kanya.

“It’s just nothing, Yesh. I’m feeling fine now. Wala ka na bang pasok? Alas tres pa lang, a?” sabi ko.
“Narinig ko kay Piper ang nangyari. I came straight here…”

Tumayo ako at nagsuklay ng buhok. Kung magtatagal ako rito paniguradong ganoon din ang gagawin ni Yeshua kaya kailangan ko nang bumangon at pumasok.

“I’m fine now. Let’s go back…” anyaya ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. Malalim ang kanyang mga mata. It’s almost like mine. Only that… his eyes is more mysterious. Mine is tell all and transparent.

“Okay then…”

Tumayo siya at sabay na kaming lumabas doon. Nagpasalamat ako sa nurse bago umalis. Ganoon din si Yeshua.

“Stay away from trouble, Lili…” ani Yeshua habang naglalakad kami pabalik ng aming mga classroom.
“Yes, I will…”
“And when you’re in trouble, you have to tell me…”

Hindi ako sumagot. Never again, Yeshua…

Kumaway ako sa kanya. Mas una kasi ang classroom namin kaya ako iyong unang pumasok. Tumango lamang siya sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad para sa kanilang classroom.

Habang nagkaklase ay iniisip ko kung pupuntahan ko ba si Riguel ngayon. Dapat ay hindi dahil ayon sa kanyang schedule, matagal siyang uuwi ngayon. Isa pa… may mga meetings sila para sa booth ng kanilang foundation day. Kapag naman sasabihin ko sa kanya na pupunta ako ay magmamadali iyon. Paniguradong ‘di niya matatapos ang ginagawa.

So… yes… I went to Alegria Community College. Hindi yata ako mapapanatag kung hindi ako pupunta o ‘di ko siya makakausap. Hindi ko rin siya tinext na pupunta ako dahil ayaw kong magmadali siya.

Mag-isa akong nakatayo sa labas ng kanilang gate. Marami na ang pauwing estudyante pero tanaw ko sa loob ang mga cheering squad na nagpapractice pa. Marami paring tao. Kahit na palubog na ang araw.

And I can’t play on my phone to forget boredom. Baka kasi makaligtaan ko ang pag-aabang ko, maiwan pa ako ni Riguel.

Nanatili akong nakatingin sa gate. Hawak ng kanang kamay ko ang strap ng aking shoulder bag. Tumatabi ako tuwing may grupo ng estudyanteng lumalabas.

Bakit kaya may usap-usapan na si Riguel daw at Isabella Thomas? Siguro ay may galit lamang iyong babaeng iyon sa akin kaya niya pinarinig sa akin. She knows I’ll get pissed. And she got what she wanted! Dapat ay mas naging maingat ako! Bakit pa kasi ako nagpadala sa damdamin ko. I trust Riguel and I don’t think he’ll lie to me kung sila na nga ni Isabella.

Tiningnan ko ang sapatos ko habang naghihintay. God, I’m so bored!

Umilaw na ang mga poste sa gate ng ACC. Madilim na at marami na ang umuwi ngunit wala parin si Riguel. Tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe. I quickly opened it when I saw Riguel’s name.

Riguel:
Are you home? You didn’t text me.

Agad akong nagtipa.

Ako:
Why? Are you done? I’m outside your school. Huwag kang mag madali. I can wait.

Binaba ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga estudyanteng lumalabas. Maingay sila at nagtatawanan. May dala ang iilang babaeng uniform yata ng cheering squad nila.

“Bye, girls!” sigaw ni Isabella Thomas sa mga babae.

Naestatwa ako habang tinitingnan siya. May dalawang babae siyang kasabay. Pumasok sila sa tricycle, naghahagikhikan.

Bumaling ulit ako sa gate. Ang una kong nakita ay si Riguel na nagmamadaling lumabas. Luminga linga siya sa bawat gilid. Humakbang ako ng isang beses para makita niya at nang nakita niya ako ay mabilis agad ang lakad niya patungo sa akin.

Dinikit ko ang kabilang kamay sa aking katawan para hindi niya makita ang sugat. Ang isa naman ay pinanatili kong nakahawak sa hawakan ng shoulder bag.

“Why didn’t you tell me?” mariin niyang sinabi.
“Kasi alam kong magmamadali ka. I know you’re busy… Dapat ay ‘di na ako pumunta…”
Tumango siya. “Yes, I’m busy and I don’t like you waiting here. Anong oras ka dumating dito?”
“Uh… Around four thirty…”

Tiningnan niya ang kanyang orasan. Isang mura ang pinakawalan niya bago humarap muli sa akin.

“Two hours. Did you eat?”
Tumango ako at ngumisi. Hindi niya magagawa sa akin iyon, ‘di ba?
“Let’s go home…” aniya sabay para ng isang tricycle.

Pumasok ako sa tricycle. Sumunod naman siya. May isang estudyante ang umupo sa likod ng driver.

“Where’s Mateo and Basty?” tanong ko. “Your other friends?”
“Nasa loob pa. Nauna ako…”

Ngumiti ako at tumango. His elbow touched my arm. Bahagya akong umusog palayo para hindi ako mabuking. Nilingon niya ako at kumunot ang kanyang noo.

“Bakit ka pumunta nang ‘di mo sinasabi?”
Ngumisi ako. “I just want to…”

Nanatili ang mga mata niya sa akin. It’s like he’s reading my thoughts.. Like he’s solving a puzzle through my eyes. Nag-iwas ako ng tingin. Come on, Lilienne… Think about a topic. But wait… hindi ako matatahimik kung ‘di ko siya matatanong kaya kailangan ko siyang tanungin!

But then asking that question will make him think that I’m accusing him or I believed the rumors! Ano ba dapat? Dammit! We’re not even in a relationship so if it was true, then that shouldn’t concern me!

“May problema ka ba?” tanong niya.

Nanatili akong tahimik. Hindi ko parin alam kung ano ba dapat ang gagawin ko. This is the first time I felt like this. That need for security when in the first place, I shouldn’t feel secured. He’s not mine. We’re not in a relationship. I’m not the girlfriend. I should be content with these…

“Lilienne… what is it?” malamig niyang tanong.
“Uh…” Hilaw ang ngiti ko. “Kanina kasi may Grade 10 na nagsabing kayo na raw ni Isabella Thomas.” Tumawa ako. But dammit… I can hear the shaking of my voice! “It’s impossible! I mean… but… I don’t know… I shouldn’t…”

Nanginig ang labi ko. Hindi ko alam kung ano dapat ang sabihin ko. Nanatili siyang nakatingin sa akin. Nakakunot ang kanyang noo.

“Hindi kami. And I’m not courting her,” simple niyang sinabi.
“Oh! Yes! I knew it! Gusto lang yata ng babaeng iyon na magalit ako…”

Ngumisi ako. Parang nawala ang nakadagan sa aking dibdib sa sinabi niya. Nanatili ang kanyang ekspresyon. Nakatitig sa akin at parang bawat kilos ko’y hinihimay niyang mabuti.

“Nagalit ka ba?” tanong niya.
“Hindi no!”

Tinampal ko ang braso niya.

“Ba’t naman ako magagalit?”

Hinuli niya ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hinila niya iyon. The wounds I have are now exposed. Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ang mga iyon.

“What’s this?” malamig niyang tanong.

Babawiin ko na sana ang kaliwang kamay ko ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya. Kinuha niya rin ang isang kamay ko at hinila. Kitang kita niya na ngayon ang mga sugat ko. Kinagat ko ang labi ko nang tiningnan niya ako.

“You got… into a fight?” mariin niyang tanong.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

109 Responses to Tripped – Kabanata 11

  1. Kaya ba Tripped ang title nito kasi pinag tri-tripan ni Riguel si Lili? Kaya din ba overprotective si Yesh kasi alam nya yung balak na yun ni Riguel? And back to Yesh, may sakit sya?

    • Yan din naisip ko. Pero sana hindi,wag naman sana niyang pagtripan si Lili. ???

  2. feel ko may heart problem si Lili..
    kaya over protective c Yesh kay Lili kasi bawal xa maka-feel ng sobrang emotion..
    ma-tri-trigger yong sakit nya pagnagkataon cguro.. hehe..

    pero mas bet ko pa na hindi cla mgkapatid and may gusto c Yesh sa kanya kesa nmn mawala c Lili..

  3. Ang daming pumapasok sa isip ko. What if pinagtritripan lang ni Riguel si Lili? What if hindi talagasila magkapatid si Yesh kaso…magkamukhang-magkamukha sila. KASAKIT NG ULO! ANG DAMING WHAT IFs SA UTAK KO! ????