Tripped – Kabanata 10

April 10, 2016 By In Tripped 109 Comments

Kabanata 10
College

Mabilis ang naging panahon noong summer. Halos dalawang araw sa isang linggo ako pumupunta kina Riguel. Ayaw kong gawing masyadong madalas dahil ayaw kong isipin ng kanyang Lola at Lolo na ako pa talaga ang nag-iinitiate. ‘Tsaka lang ako pumupunta kapag naimbitahan. Riguel would always ask me if I’d come again tomorrow. It’s tempting but I’d rather not make it everyday.

June ng taong iyon ay balik eskwela na naman. This time it’s getting a little boring because Riguel isn’t at school anymore.

Nasa canteen kami ngayon ng tropa. Recess kaya dito kami tumambay. Si Leon at Suki sa aking gilid at sa harap ay si Julio, Russel, at ang kanyang bagong girlfriend.

“May bagong lipat sa kabilang section ah. Ano pormahan natin, Leon?” ani Julio.
“Hindi naman maganda…” ani Leon.

Nilingon nila ang babaeng transferee na nasa kabilang lamesa lang namin. Sumimsim naman ako sa juice na binili ko sabay tingin sa dumaang seniors namin.

“Hi Lilienne…” bati ng dalawang magkasunod na seniors.

Isang grupo sila at nagtatawanan na para bang nagtutuksuhan pa.

“Yiii!” sigaw ng kanilang mga kaibigan.

Sinundan ko na lang sila ng tingin. Umiling ako at nagsimulang kumain ng junk food. Nagkatinginan kami ni Russel.

“Everyone thinks you’re single and looking for someone,” ani Suki sabay kuha sa kanyang burger.

Kinagatan niya ito.

“I’ve been single for almost a year now…”
“Hmm.” Ngumisi ang girlfriend ni Russel.

Sa dami ng girlfriend at pa iba-iba ay nakakalimutan ko madalas ang pangalan.

“Who’s your last ex? Riguel?” tanong niya.
“Hindi kami ni Riguel. Pagtatama ko.” Ayaw kong dugtungan. Si Russel ang last ex ko at baka mag-away pa sila dahil sa isasagot ko.
“Ako,” ani Russel.
“Oh, really?” nangiti ang babae sabay tingin kay Russel.

Nagkatinginan silang dalawa. Mukhang may tensyong namuo. Siniko ako ni Leon. Nilingon ko siya at inirapan na lang.

Hindi na kailangan magtanong ng mga kaibigan ko kung bakit hindi na ulit nasundan. At bakit wala na akong interes sa pakikipagrelasyon ngayon kahit laro lamang. But then some people like Russel’s girlfriend didn’t know what’s really happening to me.

“Lilienne, wala kang kasabay sa pag-uwi mamaya, ‘di ba?” si Nicholas na ngayon ay senior na namin.

Tumawa si Leon at umiling. Umiling din ako.

“Hindi ba ay may girlfriend ka noong March. Don’t tell me…” hindi ko dinugtungan.

Pilit siyang umupo sa gitna namin ni Leon. Ang walang hiyang si Leon naman ay umusog pa para mapaupo ang kanyang kapatid.

Umusog din ako bahagya kay Suki.

“Ang arte mo naman. Wala na si Riguel. Kung kayo, e, huwag mo na lang sabihin sa kanya…” ani Nicholas sabay ngisi.

Nicholas Revamonte is good looking. Kung tulad pa noon ang pananaw ko sa buhay ay dapat ay pinatulan ko na siya. An addition to my line-up. However, I’m not the same anymore.

Umiling ako.

“Whoa!” tumawa si Nicholas. “Kung ganoon, ikaw Suki?”
“H-Ha?” ani Suki sabay lingon kay Nicholas. “Ayoko nga…”

Umirap si Suki sa sinabi ni Nicholas. Ngumisi na lang ako. Mabuti pang kayong dalawa na nga lang.

“Mamaya…”
“Ayaw ko, Nicholas. Anong akala mo sa akin, panakip butas? Pwe!”

Umirap muli ang aking kaibigan.

“Are you so desperate, Kuya?” tanong ni Leon.
“Oh bakit? Ikaw? Hindi?”

Nagtawanan na lang kami. Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan doon.

Everything went smoothly for the first day of school. Sa last period lamang ako tuluyang bumigay.

Pinaglaruan ko ang aking ballpen tulad ng mannerism noon ni Riguel.

Alas kwatro o ‘di kaya’y alas kwatro y media, wala na kaming pasok. Sina Riguel kaya? Ang alam ko, kapag college ay minsan aabutin ng gabi. I didn’t ask him about his schedule.

“Suki…” sabi ko sabay hila sa kanyang braso.
“Yes?” ani Suki habang tinitingnan ang kanyang cellphone.
“Pasama naman mamaya sa Alegria Community College, o…”

Binaba ni Suki ang kanyang cellphone at matalim akong tiningnan. Nagpakawala siya ng isang eksaheradong buntong-hininga.

“Susundan natin si Riguel, ganoon?”
“I just want to see how his first day went. And I want to see his schedule. Hindi ako pupunta ng bahay nila dahil baka anong isipin ni Lola Aura. Please, Suki… Ililibre kita…”
“Fine, fine… Ay naku, Lilienne ha! Grabe na iyang mga ginagawa mo…”

Kahit na panay ang sermon niya ay pinagbibigyan niya naman ako. Pagkatapos ng klase ay nagmamadali agad kaming lumabas.

Ililibre ko sana siya ng siomai kaso ayaw niya roon. Sa ACC na mga streetfoods ang gusto niya kaya iyon ang sinunod ko.

Nilibre ko siya ng pamasahe sa tricycle patungong ACC. At nang narating namin ay dumiretso siya sa mga streetfoods.

Turo siya nang turo. Pinagbigyan ko na lang habang nakatingin sa loob ng eskwelahan. I wonder if we’re allowed to go inside.

“Uy mga nene. Napadpad kayo rito, ah?” isang babaeng may makapal na make up ang sumaway sa amin.

Syempre, kitang kita sa uniporme namin na highschool pa lang kami.

“Kakain lang kami…” sabay naming sinabi ni Suki.
“Oh? Defensive. May papasukin siguro kayo ‘no? Crush n’yo?” pang-aasar niya.
“Kung papasok kami dapat kanina pa! Duh!” ani Suki sabay irap sa babae.

Kitang kita ko ang pagtahimik ng babae at ang pagsama ng tingin niya kay Suki. Tumawa lamang kaming dalawa. Anong magagawa ng iritado mong mukha sa amin? Umirap din ako at sinamahan na si Suki sa pagkain.

Nilubayan naman kami ng babae. Sunod naman ay mga lalaki ang nakapuna.

“Lili, nandito kayo?” isang family friend ang nakakita sa akin.
“Ah! Oo. Ito kasing si Suki gustong kumain dito…”
Tumango ang lalaki. “Si Yeshua?”
“Nasa paaralan pa…”

Ilang saglit pang pag-uusap ay wala akong nakitang lumabas na Riguel. Papalubog na ang araw at busog na busog na kami ni Suki.

Hinawakan ko ang gate ng Alegria Community College. Galing sa labas ay tanaw ko ang malawak na soccerfield nila. Naroon din ang gym sa may unahan at ang dalawang outdoor court. May mga puno ng mahogany sa pathway galing gate patungo sa mga bulding. At sa bawat limang metro ay may magkabilang benches. I can’t wait to go to college here.

“Wala pa ba? Umuwi na lang tayo…” ani Suki.

Just when I thought that I won’t see Riguel, I saw his friends! Si Sebastian, Mateo, may dalawa pang lalaking ‘di ko namumukhaan, at sa likod ay si Riguel.

Nagtatawanan silang tatlo habang naglalakad palabas sa gate.

“Oh my God, he’s here!” sabi ko sabay turo kay Suki.

Hinila ko pa talaga siya para lang makita niya ang nakikita ko. Tumingin naman si Suki. Ilang sandali kaming tahimik.

“Wow! Ang gugwapo ng mga kasama niya! Sino ‘yang kasing tangkad niya?” tanong ni Suki.

Hindi ko na siya sinagot dahil hindi ko rin naman ito kilala. Bumundol na ang kaba sa aking dibdib.

Sinundan ko ng tingin si Riguel na palabas doon. Nagulat ako nang nadako ang paningin niya sa amin. Kumaway agad ako. Napatingin si Mateo sa banda namin dahilan kung bakit tinuro niya ako kay Riguel.

Nagtaas ng kilay si Riguel at nauna na sa paglalakad sa kanila. Parang nagwawala ang puso ko habang nakikita siyang palabas at patungo sa amin.

His wearing a black t-shirt and a dark maong. Mas lalong nadepina ang tangkad niya sa kanyang suot. Plus his body is very toned now… Resulta siguro ng mga trabahong ginawa niya noong Summer. Hindi lang pag-aalaga ng manok ang pinagkakaabalahan niya. Pati pagsisibak ng kahoy ay pinasok niya rin para maibenta sa kanilang mga kapitbahay!

“Hi, Riguel!” bati ni Suki sa isang maligayang tono. “Ipakilala mo naman ako sa mga kaklase mo. Except kay Basty at Mateo, ha?”

Tumango lamang si Riguel sa biro ni Suki pagkatapos ay bumaling sa akin.

Sumulyap siya sa kanyang relo.

“You don’t have to come here. Hanggang alas sais ang klase ko madalas,” ani Riguel.
“Ganoon ba? Hindi ko alam.”
Tumango siya. “I’ll give you my schedule. I already know yours. Huwag kang bibisita rito nang ‘di ko nalalaman. Maaga lamang kami ngayon dahil unang araw sa klase.”

Nilingon niya ang kanyang mga kaibigan at kinawayan ang mga ito. Bumulong-bulong ng panghihinayang si Suki sa likod.

“Akala ko ba ipapakilala mo ako?” ani Suki.
“’Tsaka na, Suki. Marami pa namang pagkakataon. ‘Tsaka, hindi ba mas maganda kung high school lang din ang kaibiganin mo?” ani Riguel.
“Oh? Eh bakit kayong dalawa… Gusto ko rin ng college boy!” sabay tawa ni Suki.

Binatukan ko na lang ang kaibigan ko. Nakalimutan ko na niyaya nga pala siya ni Nicholas kanina. Nacancel siguro dahil sa pakiusap ko sa kanya ngayon.

Pumara si Riguel ng tricycle at bumaling kay Suki.

“Saan ang inyo?” tanong niya.
“Sa may bayan lang kaya ayos kung sasama ako sa inyo. Hindi ko sana kayo iistorbohin kung pinakilala mo lang ako roon sa kaklase mo,” ani Suki.

Tumawa lamang si Riguel at iminuwestra sa akin ang pintuan ng tricycle. Syempre at si Suki ang umupo sa tabi ko. Si Riguel ang nasa likod ng driver.

Binayaran niya kaming dalawa ni Suki at ang kanya ng dalawang beses tulad ng dating gawi. Now I realize why I shouldn’t come here… and most especially with my friend! Mauubos ang allowance niya sa kakabayad sa amin. And his ego won’t let me pay for us.

“Thanks! Uy, Lilienne… bukas, cutting tayo?” ani Suki.

Lumipat si Riguel sa tabi ko nang bumaba na si Suki para sa kanilang bahay. Kumunot ang noo ni Riguel sa akin. Umiling agad ako kay Suki.

“Hindi siya magcu-cutting,” ani Riguel.
“Ha? Bakit?” tanong ni Suki sabay halukipkip.
“She’s not allowed to, Suki…”

Suki pouted then waved at us. Ayaw papigil ng driver at bumyahe na agad ang tricycle. Talagang ang tanga lang ni Suki at sa harap pa ni Riguel niya ako niyayang mag cutting. Though even without Riguel, I won’t cut class anymore!

“Mag cucutting ka bukas?” malamig niyang baling sa akin.
“Hindi! Inilingan ko nga si Suki, ‘di ba?”

Nanliit ang mga mata niya. Umiling muli ako para maniwala siya.

“I swear, Riguel. Hindi talaga ako magcucutting.”

Nagtaas siya ng kilay at may kinuhang papel sa kanyang bag. Official schedule niya iyon para sa semester na ito. Kumuha siya ng ballpen. He scribbled a phone number below the piece of paper.

“What’s that?” I played innocent.

Ayaw kong manghingi ng numero niya. Isa pa, tamad akong magtext kaya ‘di ako interesado. I just want him. His presence. Him in front of me. But I guess right now it can’t be helped. I won’t see him so I’d have to settle for texts.

“I’ll text you my free time so we can…” ngumuso siya.
“Go out?” ngumisi ako.

Tumitig lamang siya sa akin. Sa titig na iyon talaga ako nabihag. It’s dark and deep. I want to know more about him. I want to know his deepest secrets, his desires… everything. Hanggang ngayon ay pakiramdam ko pinagdadamot niya parin sa akin ang parteng iyon sa kanya. Pero hindi ako nagrereklamo. I’ll settle for what he can give me.

“Paano ka?” sabi ko sabay wagayway sa kanyang schedule.
“I’ve already memorized that. Kung makalimutan ko, I’ll text you. You need to reply…” sabi niya.
“I will really reply!”

Umangat ang gilid ng kanyang labi at nag-iwas siya ng tingin.

“Can I text you tonight too?” tanong ko.
“I thought you don’t like textmates?” aniya.

He looked like an innocent shy puppy. Tumawa ako nang may naisip. That’s what everyone thinks of me! Lahat ng lalaki ay alam na hindi ako mahilig mag text! Ipinakalat iyan ni Leon at ni Yeshua noon! Na natuturn off ako sa text nang text na mga lalaki!

“You know about that rumor?” natatawa kong sinabi.
“Who doesn’t know about that?” Pagalit niyang sinabi.
“Riguel, I will text. If you text me, I will reply. Okay?”
“I won’t text much. I don’t like texting either…” nag-iwas siya ng tingin sa akin.

Kinagat ko ang labi ko. Well, I can believe that. He doesn’t look like a texter to me. Hindi ko pa siya napanood na nagtitext, e.

“Okay then… we’ll only text when we need something?” sabi ko.
“Okay…” malamig niyang tugon.
“Or when we feel like it…” nakangiti ko paring sinabi iyon.
“Yeah…”

Nilagay ko sa loob ng bag ang kanyang schedule. Noon ay ayaw kong nadidikit ang balat sa kanya, ngayon ay parang gustong-gusto ko na. Gusto kong magkalapit pa lalo kaming dalawa.

Pinasok ko ang aking siko sa gitna ng tagiliran at braso niya. Nilingon niya ako ng bahagya at inipit niya ang aking siko. Just enough for me to feel his warmth. Dammit!

“How was your first day?” malambing niyang tanong.

Can I just wait for him outside their school everyday? Nanginig ang labi ko nang sinubukan kong magsalita.

“Ayos lang.” I missed you. “Ikaw? Mahirap ba ang mga subject?”

Tumingin siya sa kalsada at tumango.

“Medyo pero kaya naman siguro.”
“Do you want to be an accountant?” tanong ko.
“Hmmm. You can say that…”

So his dream is to be an accountant, huh?

“Si Basty at Mateo ba ay accountancy din?” tanong ko.
“Why are you asking about them?”

Nagkatinginan kami. Nakakunot ang noo niya. I know that to well. I’ve been with boys. I may break their hearts but I’m not insensitive. Cruel, right? To sense that their heart is breaking but… breaking it still?

“Don’t be jealous.”
“I’m not jealous. You seem so interested,” aniya.
“Syempre kaibigan mo sila. I just want to know who you’re with everytime you go to school.”
“Sila tapos dalawa pang lalaki. Ngayon lang namin nakilala iyong dalawa…”

Iyong dalawa. Walang pangalan.

“… they like playing basketball, too. I might register for the Accountancy team.”
“Wow! That’s great! Can I see you play?”
“Sa foundation day siguro. Pero sa practice game, baka ‘di kayo papapasukin!”
“Sasabihin ko sa guard na magbabayad ako ng tuition ng kapatid ko! Oh! Malay ba niya, ‘di ba?”

Humagalpak siya sa tawa sabay iling.

“Tingin mo ‘di niya mahahalata kung paulit-ulit mo ‘yang alibi? Baka kapag may game na ‘di ka niya na talaga papapasukin!”

Ngumuso ako. I hate to admit but he’s right.

“Okay then… Let’s just text until we have a freetime.”

Tumango siya.

I wonder what our relationship is all about? I’m afraid to ask. I’m content like this. I’m fine without the label. I’m fine like this. Ayaw kong dahil sa pagpupumilit ko ay mabasag ang bula ng kaligayahang ito. I want to take it slow. Anyway, like I said… we have years to go.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

109 Responses to Tripped – Kabanata 10

  1. anu kaya ung sinasabi ni yeshua na mapapahamak si lili over protective ang kuya weeeeeeeeee