Scorching Love – Kabanata 9

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 9

Kabanata 9
Pain

Pahirapan din ang pagbaba sa rock formations. Nakaabang si Sibal sa aking pagbaba. Sinasalo niya ako bawat palapag. I would look at him in the eye everytime he reaches out for me. He’d look away.

Pakiramdam ko ay mas malakas ang loob ko kapag hindi siya nakatingin.

“Paano ba ito?” tanong ko habang sinusubukan ang pamingwit.

Nasa laot kami. Hindi kalayuan sa rock formation na pinuntahan namin. Imbes na pumunta kami sa isa pang isla ay mas gusto kong subukang mamingwit.

“Ihagis mo lang ang paing sa malayo at kapag gumalaw, dahan-dahan mong hilahin…” he explained.

Tumango ako at sinubukang ihagis ang paing sa malayo. He groaned after that.

“Malayo ba iyan?” he asked.
Nilingon ko siya. “Iyon na ang pinakamalayo ko!”
“Akin na…”

Hinawakan niya iyong nylon at inangat ang paing. Napangiwi ako nang muling nasilayan iyong uod na gustong gusto ko nang ihagis kanina.

Tiningnan ko kung paano niya hinagis ng sobrang layo ang paing. My jaw dropped when I realized it’s really farther from where it was.

Nagkatinginan kami. Nagtaas siya ng kilay sa akin at ngumisi. Uminit ang pisngi ko.

“Ang yabang mo!”
“Pinapakita ko sa’yo kung paano, Miss President. Kung susundin ang gusto mo’y wala kang makukuhang isda…” aniya.
Umiling ako at tinitigan ang palutang sa dagat.
“Tawagin mo lang ako kapag gumalaw o parang may humihila…” aniya at pumunta na roon sa makina ng bangka.

Ngumuso ako at sinundan siya ng tingin. Nag squat siya sa makina. Kahit nakatalikod, hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko siyang pagmasdan.

“Sibal, gumalaw!” sigaw ko sabay tawa.

Tumayo siya at agad na nilingon ang palutang. Nagpatuloy ako sa pagtawa. I’m just testing him.

Nakapamaywang siya at tinagilid ang ulo nang sinipat ako.

“I’m just kidding!”
“Sa susunod, hindi na ako maniniwala sa’yo…” aniya. Umiling siya at bumalik sa ginagawa.

Nagpatuloy ako sa pagtawa sabay tingin sa palutang. Hindi ko alam kung ilang sandali kaming nanatili roon. Ang alam ko lang ay natulala ako sa mahinahong alon ng dagat at sa bawat dampi nito sa isa’t-isa.

Sa bawat tulak ng alon, naitutulak nito ang iba pa. It’s causing each one of them to collide. Just like people, I guess. We affect everyone with our actions. Our actions cause them to do things that will later on affect other people, too. Kahit iyong ‘di mo kilala.

Naputol lamang ang pag-iisip ko nang hinawakan ni Sibal ang kamay ko. Lilingunin ko na sana siya ngunit nilagay niya ang kanyang index finger sa aking labi para pigilan ako sa pagsasalita.

“Anong…” hindi ko tinapos dahil nakita kong gumagalaw na ang palutang.

Sibal positioned himself behind me. Kinulong niya ang aking katawan sa kanyang braso habang nakahawak siya sa pamingwit.

Ang sakit ng kamay ko habang iniipit niya iyon ngunit hindi ako nagreklamo. Hinayaan ko siyang gawin iyon.

Imbes na tingnan kung may nakuha bang isda ay nasa iba ang atensyon ko. His manly scent, his strong arms, his solid chest against my back, his laugh… his fucking everything.

“Meron na!” aniya at naaninag ko ang isang isda na nakabitin sa harap ko.

Kulay itim na may halong grey ang isda. Medyo pa ako dahil panay ang galaw nito habang nakabitin doon.

Kumalas si Sibal sa pagkulong sa akin at hinawakan ang nylon para ipakita ng mabuti sa akin ang isda. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang kawawang isda na gustong makawala.

“Your first fish…” aniya sabay ngiti.

Imbes na maging masaya ako ay parang nanghina pa ang aking loob. I want that fish to live. Of course, I’m happy that I caught one but I realize I shouldn’t kill it.

“Bakit?” tanong ni Sibal nang napansin ang mukha ko.
“Pakawalan na natin…” sabi ko.

Hinawakan ko ang nylon at tiningnang mabuti ang isda. Medyo mabigat iyon lalo na’t gumagalaw pa.

“Huh?” ani Sibal sabay tagilid muli sa ulo.
“Gusto ko siyang pakawalan…” ulit ko, nagpapanic na.

It might die now so we need to hurry! The fish needs the sea!

“Bilis, Sibal!” utos ko sabay yugyog sa kanyang balikat. “Put it back!”

Kitang kita ko ang pagkakalito sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang tinanggal ang hook sa isda. Hindi pa ako kumportable sa pagkakahawak niya rito. Pakiramdam ko’y nasasaktan iyon.

“Maaari rin itong mamatay kung pakawalan natin ngayon…” aniya sabay tingin sa akin.

Ngunit wala akong ibang maisip kundi ang pakawalan na lamang ang isa. I don’t care about what he has to say, I just want the fish to be free!

“Bilis!” sabi ko.

Huminga siya ng malalim at marahang hinulog ang isda sa dagat. Dumungaw ako para tingnan kung lumangoy ba ito. For a split second, I saw the fish swimming and then it’s gone.

“Is it alive?” tanong ko habang tinututukan ang dagat.

I know we won’t find out for sure but his assurance would mean so much to me. I turned to him only to see him amused.

His knuckles is on his lips. Nakatuko ang kanyang siko sa kanyang tuhod habang siya’y nakaupo sa tapat ko. He looks so amused that I find it annoying.

“Percival!” tawag ko.

His eyebrows shot up. Hindi ko matandaan kung kailan ko siya tinawag sa buong pangalan niya ngunit pakiramdam ko’y kailangan iyon ngayon. He’s too preoccupied with his own trance that he forgets I’m asking him a question.

“Buhay pa, Miss President…” natatawa niyang sinabi.
“Talaga?” medyo mataray kong sinabi sabay tingin muli sa dagat.
“I won’t take you to fishing again…” aniya at nilagpasan ako para pumunta sa makina.

Umismid ako at sinundan ko siya ng tingin. Pinaandar niyang muli ang makina para makaalis na kami roon.

“Ilang isda ang pinapatay mo araw-araw tuwing nangingisda ka?” tanong ko.

Sumulyap lamang siya sa akin. Ang suplado ng tingin niya. Nginiwian ko na lang siya.

“Mamamatay isda ka…” sabi ko habang tinitingnan ang dagat.

Sinubukan kong abutin ang dagat habang nakaupo sa gilid.

“Mababasa ka, Miss President. Aalon na pagkalapit natin sa isla…”
“Ayos lang. Handa naman akong mabasa…” pagkasabi ko agad noon ay halos masinghot ko ang tubig dagat nang tumama iyon sa aking mukha.

“Shit!”

Nakapikit na ako dahil sa hapdi ng maalat na tubig! May humila sa akin patungo sa kabilang upuan. Dinilat ko ang isang mata ko at nakita ko si Sibal sa aking harap. Inayos niya ang buhok kong dumikit sa aking leeg at may kinuha siyang puting tuwalya galing kung saan.

“Hindi ka nagdala ng tuwalya. Hindi ka handang mabasa…” aniya.

Kinuha ko ang tuwalya niya at nilagay sa ulo ko. The smell of fabric conditioner and him mixed. Pinunasan niya ang kabilang mata ko kaya naidilat ko rin ito.

“Hawakan mo ‘yan. Babalik lang ako…” aniya.

Tumango ako at ngumiti. Pinagmasdan ko siyang bumalik doon sa pwesto niya para imaniobra ang bangka.

Funny how different my life is months ago. Months ago, I was in the U.S. trying to figure out my life. My concern is about my studies. Iyong wala akong alam kung ano talaga ang gusto ko ngunit alam kong kukunin ko ang Business dahil na rin sa negosyo ng aming pamilya.

I dated a man my age because we were introduced by our families. It’s boring, actually. Stav’s from a prestigious university in Manila. He was sent to the U.S. for college and he’s the heir of a resort in Boracay.

For a non-believer of extremes, it’s fine for me. I don’t really believe in romatic love. Hindi ako naniniwala dahil hindi iyon nagtatagal. Ang nagtatagal sa mundong ito ang ang pag-ibig para sa pamilya, hindi ang pag-ibig para sa taong pakiramdam mo’y bubuo sa’yo.

I have been infatuated before, yes, but not to a stupid extent. And I must say… this attraction I have right now is to that stupid extent I am talking about.

From what I see, romantic love is short-lived. Only good when it’s young and fine. When it’s old and plain, you’ll get bored.

Kaya bakit pa maghahanap ng panandaliang attraction? I believe that marriage is a journey to a boring stage of your life. So I guess dating a boring guy is fine because it is how it should be in the future. Mas mabuti nang masanay ng mas maaga at kumawala lamang para magsaya minsan.

I can write a book explaining that thing. It’s going to be five hundred pages with illustrations and real life situations.

Nangiti ako sa iniisip. Napansin kong palapit na kami sa isla.

So… if you ask me how to finish an infatuation? The answer is marriage. Once you’re in, everything will spiral down to a bottomless pit of boredom. Probably what happened with Mama and Papa. And don’t get me started with Tita Marem.

Kaya ngayon, paano pigilan ang estupidong nararamdamang ito? Ang aminin iyon para matapos na.

I don’t need the stupid feelings. I only need to work and to do what I should.

“Nandito na tayo…” ani Sibal.
Tumango ako at ngumiti.

Kinuha ko na ulit ang aking camera at kinuhanan na ang kabuuan ng isla.

Ngayon, may nakita na akong ibang turista roon. Hindi kami mag-isa. Medyo malaki rin kasi ang isla.

Tumingala ako nang napansin ang isang drone na pinapalipad sa taas. Speaking of what I’m thinking, someone’s shooting wedding photos here.

Naglahad si Sibal ng kanyang kamay nang pababa ako. Tinanggap ko iyon. Nakatingin ako sa bawat dinadaanan ko dahilan kung bakit ko napansin ang balahibo niya sa binti.

Nang nasa buhangin na ako ay hinubad ko agad ang tsinelas ko para kuhanan ng picture ang aking mga paa’ng nakaapak doon.

Nakapamulsa si Sibal habang tinitingnan akong ginagawa iyon. He looked amused again kaya hinila ko siya para magawa namin iyon sa aming mga paa.

Kinagat ko ang labi ko nang nakita ang paa niya. His feet looks good. What the hell?

“Remove your slippers…” I said.
“Ano?” natatawa niyang sinabi.
“Bilis!” sabi ko.

Dahan-dahan pa ang paghuhubad niya. Parang ayaw niya pa! Yumuko ako para kunin ang tsinelas niya at tinapon ko iyon malapit doon sa akin.

“Ang korni mo…” aniya.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingala ako. “Sinong korni sa atin!? Date n’yo ni Katarina manood ng TV?”

Pumikit siya at tumingala. Supalpal ka ngayon! Hindi ko na hinintay na makabawi siya at kinuhanan ko na ng picture ang aming mga paa. It looks… good. Bagay na bagay. And is there such a thing, by the way?

“At least manood ng TV. Ano kayang ideya mo sa mga dates, huh?” may bahid doong pang-aasar.

Naglakad na kami patungo sa magandang tanawin doon sa isla. May iilang mga foreigner ang dumadaan, may iilan namang nag su-sun bathing.

“Ano? Restaurant… kain… wine dates…” sabi ko.
“Wine dates? Lasingin ka?” pang-aasar niya.
“Hindi maglalasing. Inom lang ng konti.”
“You’re only seventeen, Miss President.”
“I’m seventeen but I’m allowed to drink wine!”
Tumawa siya. “At pagkatapos ay saan ang punta n’yo? Hotel?”

Natigil ako sa paglalakad para harapin siya. I cannot believe that’s his idea of me. How poor!

“Excuse me! This is to inform you that not all girls from the U.S. are easy to get! I’ve never been touched by anyone, Percival Riego!” sabi ko.

Bigla siyang sumimangot. He sudeenly got so conscious with our environment. Sinimangutan niya pa iyong napatinging koreano sa aming dalawa pagkatapos ay sinulong niya ako at hinigit palayo roon.

“Ang ingay mo…” pagalit niyang sinabi.
“Well, that’s because you’ve got it all wrong!”
“Hindi mo kailangang ipangalandakan-”
“Kailangang ipangalandakan dahil syempre proud ako na vir-”
“Fuck, Snow! Tumigil ka nga!” aniya at tinabunan ng palad ang aking bibig.

Uminit ang pisngi ko. Pilit akong kumawala ngunit nanatili ang palad niya sa aking bibig. I tried to say something but all I can hear is muffled sounds.

“Hindi ko ‘to tatanggalin kung hindi ka tumigil!” pagalit niyang sinabi.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. My right hand is holding his wrist while my other is holding his fingers. I couldn’t even lift anything!

“Fine!” still all just muffled sound.

Tinanggal niya ang kanyang kamay sa aking bibig. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mukha. Medyo pula pa nga ang kanyang leeg at pisngi. I realized he’s not really that moreno at all. He licked his lower lip.

“Hindi magandang ipagsigawan iyan. Pwede mo namang sarilihin!” aniya.

Umirap lamang ako at hindi na nakipagtalo. Nagpatuloy siya sa paglalakad, mukhang ayaw na akong pansinin muli.

Sumunod lamang ako sa kanya. Sa bilis ng paglalakad niya ay minsan tumatakbo pa ako para makaabot. Tumitigil din kasi ako para kumuha ng magandang pictures doon.

Nakaramdam lamang ako ng pagod nang tumulo ang pawis sa aking noo. We’ve been climbing a mountain of sands for the past minutes. Marahas ang hangin sa tuktok. Halos wala akong marinig sa ibang tao dahil sa hangin. Ang buhok ko’y sumasabog at ang saya ng damit ko’y hinihipan pa silangan.

Kumuha ako ng maraming pictures. Sa baba kung saan kitang kita ang naggagandahang payong at sun lounger ng mga turista, ang tanawin, ang mga lawin sa taas, ang resort galing doon, ang Costa Leona, at ang iba pang karatig isla noon.

Nilagay ni Sibal ang kanyang paa sa tuktok na bato at dinungaw ang ibaba ng islang pinuntahan namin. His t-shirt’s dancing because of the wind. Nakatuko ang siko niya sa kanyang tuhod.

Panay ang kuha ko ng pictures sa kanya. Sa huli ay binaba ko ang camera at tinitigan ko siya… this time, for real. Not through the lens.

“I like it here!!!” I shouted at the top of my lungs.

Nilingon ako ni Sibal. He’s got that amused grin again. His irises were the strangest color I have ever seen. And I have seen different eyes from different races, but his were the most beautiful. Iba sa kanyang kapatid, iba sa kanyang ama. His thick brows highlighted it.

Tumuwid siya sa pagkakatayo dahilan kung bakit mas lalong nadepina ang kanyang katawan. Sibal is tall. Like six feet, more or less. And his muscles were all in their right places. Kumpara sa mga ka edad ko ay mas mature ang kanyang pangangatawan. His broad shoulders can be seen even when he’s just wearing his t-shirt. Man, his long powerful legs could put GQ models to shame.

“I like you, Percival Archer Riego!” sigaw ko ng walang pag-aalinlangan.

He moved a bit. The sun rays blinded me for a moment.

Nang nakapag-adjust na ang aking mga mata, nakita ko ang ekspresyon niya. His strong jaw was clenched hard and I can see the stiffness from his shoulders to his back.

Hindi ako makangiti ng maayos dahil sa iginawad niyang reaksyon. Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko.

There… I said it finally.

The cure for infatuation is to finally say it. Eventually, it will fade. At wala na akong problema.

“I like someone else, Miss President…” malamig niyang sinabi.

Oh…

Oh damn…

Right!

Tumawa lamang ako, hindi nakapagsalita. Nag-iwas si Sibal ng tingin.

“Sino? Si Katarina?”

Pain dripped like acid on my tone. Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na unti-unting umusbong ang sakit sa aking puso. Literal na sakit.

“Yes…”

Oh…

Tumawa muli ako.

“I know…”

Fuck, did I?

Binalewala ko iyon. Nagpatuloy na lang ako sa pagkukuha ng picture. Wala sa sarili ang pagkuha ko noon.

Nilagpasan niya ako. Naglakad naman ako patungo sa kung saan siya nakatayo kanina para tuluyang makuhanan ng picture ang iba pang tanawin.

Habang ginagawa ko iyon ay parang pinipiga ang puso ko. Halos hindi ako makahinga. Naiirita ako sa sarili ko. Akala ko ba matatapos ito ngayon?

Calm down, Snow. Breathe. Give yourself time!

Kay hirap lumunok ngunit hindi ako nagpahalata. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng picture.

“Sa susunod na lang tayo sa ibang isla…” ani Sibal.

Nilingon ko siya. Nakatingin na siya ngayon sa laot.

“Okay… Mabuti pa nga. I have things to do in the office, too…” matapang kong sinabi.

Nang sinubukan niya nang tingnan ako ay mabilis akong nag-iwas ng tingin para sa pagkuha ng picture.

Snow, you’re better than this. In a span of four weeks… four fucking weeks… nawala ka sa sarili mo? Seriously? Seriously, Snow?

Taas noo kong tiningnan si Sibal nang sa tingin ko’y tapos na ako sa pagkuha ng magagandang picture. I can see gentleness in his eyes and I don’t understand what’s it for!

“Tara na…” sabi ko at nagsimula nang bumaba.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.