Scorching Love – Kabanata 8

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 8

Kabanata 8
Camera

Pagkarating namin sa kanilang bahay ay kating kati agad akong tapusin ang kung ano mang pag-uusapan namin nina Jack.

Panay pa ang kwentuhan nila tungkol sa mga sinalihang grupo kanina samantalang ako’y nag-iisip na ng paraan kung paano namin iyon irereport.

“Chill, Snow. Nagmamadali ka yata?” tawa noong isang babae.
“I have things to do…” sabi ko.

Napansin kong hindi pa pumapasok sa kanilang bahay si Sibal at si Katarina. What are they doing outside? Heart to heart talk? Or date na naman?

“We should first list the possible questions…” sabi ni Jack at may dala na siyang mga index cards.

I’m quite impressed. I’ve never met someone this concerned with his studies. Well, ang kapatid kong si Kael, syempre. Iiyak iyon kapag hindi maganda ang kuhang marka. But it’s just weird seeing a guy like Jack serious with his studies. Si Sibal din kaya?

“Ito ang mga posibleng tanong na ibato ng mga kaklase natin sa atin. Kailangan may sagot tayo sa bawat isang tanong na ito.”

Tumango ako at binasa ang mga sinulat niya. Dinagdagan ko rin iyon ng aking mga ideya. I feel like our other groupmates are just there to fill the group. They don’t have ideas like Jack. Ayaw kong maging pabigat kaya kailangang makinig at sumagot.

Pumasok si Sibal sa bahay dala ang isang supot ng tingin ko’y tinapay. Sumunod si Katarina sa kanyang likod na may dalang isang litro ng coke.

Nilapag ni Katarina ang Coke ng padabog sa lamesa malapit sa amin. May sinabi si Sibal sa kanya at inisnaban lang iyon ni Katarina.

What’s that? Nag-aaway sila?

“Snow…” tawag ni Jack sa akin kaya inilapat ko sa kanya ang aking atensyon.
“Ano?”

Nanatili siyang nakatitig sa akin. Tila natutuwa sa nadatnan. Inirapan ko lamang siyang muli.

“May mga karagdagang tanong ako rito…” winala ko ang usapan at hinagis ko sa kanya ang ilang index cards.
Sinalo niya iyon at binigay kay Ruben. “Sagutan n’yo ‘yan. Polly, tumulong kayo rito…”

Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Umusog ako para mabigyan siya ng espasyo. Why the hell would he do that? Nangingiti na siya. Pakiramdam ko ay alam ko.

“Jack, may meryenda akong binili. Kumain muna kayo…” ani Sibal.
“Sige, Kuya. Kakain kami mamaya…”

Sinundan ni Jack ng tingin si Sibal palabas. Sinundan niya yata si Katarina. Pagkatapos noon ay ibinalik ni Jack sa akin ang atensyon.

“Crush mo si Kuya?” tanong niya.
“What?” matalim ko siyang tiningnan.
“Hay naku, Snow. Kahit pala sa mga mayayaman ay parehong reaksyon ang makikita, ‘no? Akala ko ‘di magiging halata sa inyo. Mas lalong halata pala…”
“I don’t know what you’re talking about, Jack…” Umiling iling pa ako.
“Sus. Iyang kislap ng mga mata mo at ang galit mo tuwing magkasama sila ni Kat? Umamin ka na…” bulong niya.

Hindi na ako nagsalita. Pakiramdam ko ay kahit anong deny ko ay ipipilit parin iyon ni Jack sa akin. Nakatingin na si Polly sa amin, tila naiirita dahil magkatabi kami nitong si Jack.

“Go back to where you came from, Jack,” sambit ko.
“Hindi mo ako madadaan sa utos mo. ‘Di mo ako empleyado, Snow.”

Huminga ako ng malalim at diniinan pa lalo ang tingin sa kay Jack.

“Bumalik ka na sa kung saan ka umupo kanina at ayaw kong may mag-away na naman dahil sa akin…” bulong ko pabalik.
Nang nakita ni Jack ang tingin ni Polly ay huminga siya ng malalim at tumawa sa akin.
“Jack, kumain na kayo!” malamig na boses ni Sibal sa likod ang nagpatalon sa aming dalawa.
“Yes, Kuya…” patuyang sagot ni Jack.

Nilingon ko si Sibal. Medyo galit na siya ngayon. Kung nag-aaway silang dalawa ng kababata niya, bakit niya pa kami dinadamay?

Siguro’y nagselos iyon kanina dahil sa asta ni Sibal sa akin. Syempre, boss niya ako kaya gagawin niya iyon. Bili ka muna ng resort kung gusto mong pumapel tulad ko.

“Miss President, gutom ka na ba? Kumain ka muna…” ani Sibal.
Umiling ako. “I’m fine. Maybe Ruben and the rest of my groupmates are hungry.”
“Oo! Gutom na kami!” ani Ruben at maligayang tumayo.

There…

Tumawa si Jack. Ngumuso ako at nagpatuloy sa paglilista ng mga tanong.

Ilang sandali pa bago nagseryoso si Jack. Nanatili si Sibal sa kusina at bawat sulyap ko ay nakikita kong nakatingin siya.

“So ako muna ang magsasalita. Ikaw ang next reporter pagkatapos ay tulong tulong na lang tayo sa mga tanong. Madali lang naman ito…” ani Jack.
“Do you have a flash disk? You should save your work there…” sabi ko.
“Meron ako. Ikaw?”
“I also have. But… you can email it to me. It’s a lot safer that way…”

Pagkatapos ng ilan pang usapan namin tungkol sa reporting ay natapos na kami. Alas singko na noon at nagkukwentuhan na sila tungkol sa mga kakilala nila. Hindi ako makasali dahil marami naman akong ‘di kilala sa mga kaibigan nila kaya tumayo na ako.

“I’ll go now, Jack. I need to check on the resort…” pormal kong sinabi.

Tumayo na rin si Sibal sa inuupuan niya sa kusina at nagpakita na siya sa sala. Kinuha niya ang susi ng aking Expedition.

“Okay… Ihatid na kita sa labas…” ani Jack sabay sulyap kay Sibal.
“Dito ka na’t may bisita ka. Ihahatid ko naman siya sa resort…” sabi ni Sibal.
“Bisita ko si Snow, Kuya. Pahatid naman kahit sa labas. Ito talaga…” ani Jack.

He touched the small of my back and encouraged me to go. Sumunod naman ako sa kay Jack. Pinatunog ni Sibal ang aking Expedition at pinagbuksan niya ako ng pintuan.

“Salamat…” sabi ko.

Pagkapasok ko’y nakita ko pa ang pagtaas ng mga kamay ni Jack. Mukhang iritado si Sibal, ah? Must be because of their fight?

Tumawa si Jack at sinundan ng tingin ang kanyang kapatid bago kumaway sa akin. Binaba ko ang salamin para kausapin siya.

“Salamat. See you sa school.”
“See you, Snow!”

Ngumiti muli ako. Nagulat ako nang biglang sumarado ang bintana! Nilingon ko si Sibal na ngayon ay pinapaandar na ang sasakyan.

“Playboy ang kapatid ko, Miss President… Alam kong nasabi ko na iyan sa’yo…”
Napangiwi ako sa sinabi niya. “I know that. It’s not like I like him romantically, Sibal.”
“Pinapaalalahanan lang kita. Ayaw kong magkaproblema sa gitna ng boss ko at ng kapatid ko.”
“Huwag kang mag-alala’t ‘di mangyayari iyon. Magkaibigan kami ng kapatid mo, Sibal. At hindi ako ganoon katanga para maniwala kung sakaling ligawan niya ako dahil alam na alam ko ang ganyang ugali…”

Sumulyap siya sa akin sa rearview mirror.

“Oh? Bakit, Miss President? Nagkaboyfriend ka na ba?”
“Yes,” I confidently said.
“Ilan, kung ganoon?”
“Dalawa…”
“At paano mo nasabi na alam mo ang ganoong ugali? Bakit? Nasaktan ka na ba ng isang playboy?”

Natawa ako sa tanong niya. Are we really talking about this? I have not shed a tear for a man, Sibal. If that’s what you mean. Ngunit parang ayaw ko iyong isiwalat sa kanya ngayon. Parang may takot akong naramdaman.

“I know people who are like that. I have friends in Manila and in the U.S. My second ex was a playboy…” I said.
“At umiyak ka dahil pinaglaruan ka niya?” tanong niyang mapanuya.
“Hindi dahil hindi niya ako pinaglaruan.”
“Bakit kayo naghiwalay, kung ganoon?”
“Do you really expect people to get serious about relationships my age? Siguro sa edad mo, Sibal. Ilang taon ka na ba?”
Bahagya siyang natawa. “So you’re saying… hindi seryoso iyong naging relasyon ninyo at pareho kayong naglaro, ganoon?”
“Exactly… I don’t know what’s the fuss about people thinking about forever at the age of seventeen. I mean, come on! Hindi pa ako nagkakalahati sa buhay ko at gusto ko na agad ng pang matagalan?”
“Ilang taon ka ulit sa America?” he asked like he’s going to judge me because of it.
“This isn’t about my being from that country. Ito talaga ang naisip ko noon pa man, Sibal…”
“Good for you, Miss President…” aniya na tila’y sumuko sa pagtatalo namin.

Hindi na ako nagsalita. Nag-antay na lang ako na makarating sa resort. Nang pinarada niya sa tapat ng bukana ay lumabas na ako.

“Salamat…”

I know he’s going to leave right away. It’s not his shift anymore so I left him there. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko para magbihis at pinaakyat ko na lang ang dinner ko.

The rest of the week, I feel so confused. Siguro ay epekto na rin ito ng mga ginagawa ko. Nagtatrabaho at nag-aaral.

There were times when I hardly see Sibal on his shift. Nagkikita kami tuwing nagbibreakfast ako at kung nasa opisina ako the whole time ay hindi ko na siya nakikita kung ‘di ako nag rerequest ng lilinisan niya.

It was Friday when I realized that there’s nothing to clean on my office. Tiningnan ko ang mga muwebles para sa mga posibleng alikabok ngunit magaling siyang maglinis na kahit ang mga gilid ay makintab.

I already have my meryenda so there’s no way I’d ask him another set of it. Damn it! My room is also very clean already!

Pilit kong inisip kung ano pang pwedeng maging excuse ko dahilan kung bakit natitigan ko ang orange juice. Now that I’m not really thirsty, I have an idea!

Umupo ako sa aking swivel chair at tinulak ang orange juice gamit ang aking index finger. Nang nahulog iyon at nabasag sa baba ay kumalat agad ang juice.

“Oh my God…” nangingiti kong sinabi.

Halos mapatalon ako nang biglang tumunog ang aking iPod. Tumatawag si Papa! At sa ganitong oras pa!

“Yes, Papa?” sagot ko at nakita ko agad siya sa Skype. “Kumusta?”
“I’m fine, Snow… I just want to ask kung napuntahan mo na ba iyong mga islang pinapapuntahan ko sa’yo? We need to make new brochures for next year and we need to update the gallery of the website…”
“Yes, Papa. I already asked Sibal to tour me tomorrow morning…”
“Sibal? Sino iyan? Did you get a local photographer?”
“Papa, bellboy dito. And photographer? Dagdag gastos lang iyan. Kaya kong gawin iyan…” sabi ko.
“Okay, then. Ikaw ang bahala. Bellboy? Bakit bellboy ang isasama mo?”
“He’s… he knows how to operate a boat.”
“We hired people who knows how to do that but I trust your judgement so ikaw na ang bahala. I just want to remind you that, Snow…”
“No problem, Pa… Bye…” sabi ko para hindi halatang gusto ko nang ibaba ang tawag.
“Okay, bye… I love you…”
“I love you, too…”

Pinatay ko ang tawag at huminga ng malalim. Dinampot ko ang telepono para tumawag na sa reception.

“Hello…” sabi ko nang may sumagot.
“President Snow, how may I help you?” sabi ng babae sa kabilang linya.
“Can I ask for Sibal. Natapon ang juice ko. Kailangang linisin.”
“Okay, President. I’ll inform him right away…”
“Thanks!”

Maligaya kong binaba ang telepono at nagpatuloy na sa ginagawa sa aking laptop. Ilang sandali ang nakalipas ay bumukas ang pintuan at naaninag ko si Sibal.

“Anong nangyari?” tanong niya at bumaba ang tingin niya sa juice na natapon.
“Natapon ko iyong juice ko…” sabi ko.

Mabilis niya iyong dinaluhan. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tiningnan iyon ng mabuti. I was slightly confused with the gesture.

“Nasugatan ka?” he then asked.
Umiling ako. “Hindi ko naman hinawakan ang bubog…”

Tumango siya at kumuha na ng mop at walis sa cart. Tumayo ako pinagmasdan siyang naglilinis. Winalis niya muna ang bubog bago siya nagmop ng tapong juice.

“Hindi ko pa iyan nainuman…” sambit ko.
“Dadalhan kita ng bago,” aniya.
“Itawag na lang natin…”

Tumayo siya at pinulot na ang telepono para makatawag ng pwedeng magdala ng juice doon. Umupo ako sa aking swivel chair at pumangalumbaba habang tinitingnan si Sibal. He looks so serious as he called the other line.

“Orange juice sa opisina ni Snow, please…” aniya pagkatapos ay binaba.

Hinagod niya ng tingin ang mga lamesa at nang nakita ang isang malapit ay nilipat niya roon ang aking meryenda.

“Dapat ang mga pagkain mo ay hindi riyan nilalagay sa lamesa mo. Mabuti at hindi ang mga papel ang natapunan…”
“Mabuti nga…” masaya kong sinabi.

Nanatili ang tingin niya sa akin ng ilang sandali. I smiled at him but he looked away.

“Bababa na ako. Just call me again if you need something…”

Napawi agad ang matamis kong ngiti. Ganoon lang? After what I did?

“Ikaw na lang ang kumuha ng juice, kung ganoon!” palusot ko bago siya makaalis.

Nilingon niya ako. Magsasalita na sana siya ngunit may biglang kumatok. For sure that’s the juice I asked! Nagkibit siya ng balikat.

“Nandito na…”

Nagtiim bagang ako at pinagmasdan ang pintuan nang binuksan iyon ni Sibal. Nakita ko na naman si Omar na siyang may dala ng juice na nirequest ko. Tumuwid ako sa pagkakaupo nang pumasok si Omar at nilapag iyon sa aking lamesa.

“Sa kabilang lamesa mo ilapag at baka matapon ulit kung diyan…” ani Sibal.
“Saan?” tanong ni Omar.

Lumapit si Sibal sa kanya at nilipat ang juice doon sa lamesang tinutukoy ni Sibal. Pagkatapos ng ginawa ay sabay na silang lumabas sa aking opisina.

“Tawag ka lang, Miss President…” ani Sibal bago sinarado ang pintuan.

Kaya maaga akong bumaba para sa lunch at nang masilayan kong muli siya. Nasa gilid ko siya, nagbabantay habang kumakain ako. Lagi kong iniinuman ang tubig ko para punuin niyang muli iyon.

“Sibal,” tawag ko.
“Miss President…”
“Bukas, ha? Maaga tayo…”
“Gaano kaaga?” tanong niya.
“Alas sais para hindi masyadong mainit…”

Bahagya pa siyang nag-isip. Nagtaas ako ng kilay. Don’t tell me he’s not available!? I already told him about this days ago.

“Don’t tell me you won’t?”
“Hindi, Miss President. Iyon naman talaga ang dating ko rito…”
“Mabuti…”

Uminom ako ng tubig habang tinitingnan siyang nag-iisip ng kung ano. Pagkatapos noon ay nagbihis na ako para sa eskwelahan. That was our last interaction because at school he was busy with his works.

Patapos na ang huling klase namin at panay ang tingin ko sa pintuan ng aming classroom. Sibal would always hang outside everytime our class finishes but right now he’s not there. Kahit anino niya’y wala roon.

Nagsitayuan na ang mga kaklase ako ngunit ako’y hindi pa makagalaw dahil wala naman akong nakitang sundo.

“Sabi ni Kuya nasa library daw siya kasama ang mga kaklase kaya ‘di siya makakapunta rito…” ani Jack. “Labas na tayo…”

Doon ko lamang napagtanto na hindi niya nga pala obligasyon na sunduin ako. Hinagilap ko ang mga gamit ko. Nahulog pa ang ballpen ko dahil sa pagmamadali. Tumulong si Jack sa pagliligpit ko.

“Salamat…” I awkwardly said.

Nagkasalubong ang kilay niya habang tinitingnan akong nagpapanic sa pagliligpit ng gamit.

“Kasama niya si Katarina, kagrupo niya iyon…” he said that as if it’ll change a thing.

Tumango ako at bumaling sa kanya.

“Can I have your brother’s number?” I said innocently.

Binunot ni Jack ang kanyang cellphone pero kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.

“It’s for work purposes, of course…” dagdag ko.
“Fine, Snow.” Nagkamot siya sa batok bago tuluyang ipinakita ang numero ni Sibal. “Talaga bang sa trabaho ito?”
“Of course, Jack!” I assured him.

I copied Sibal’s number on my phone. Pagkatapos noon ay lumabas na ako. Nakaabang naman si Kuya Lando kaya ayos lang.

Kahit sa paglabas sa eskwelahan ay panay ang linga-linga ko. Maybe I’d see Sibal somewhere? But I didn’t… Nakasakay na lang ako sa aming Expedition at wala akong nakitang ni anino niya.

Kahit pagkauwi ay panay ang titig ko sa kanyang numero. Typing and deleting texts asking for his whereabouts. I shouldn’t! I shouldn’t alright!

Tumunog ang iPod ko at nakitang tumatawag si Brenna. Tinitigan ko na lamang iyon. Hindi ko alam kung bakit parang wala akong ganang sumagot.

In the end, I took the call to see if my friend’s okay. She told me about her adventures in the showbusiness. How she’s enjoying so much fame and how her fans love her. Nakinig lamang ako hanggang sa inantok. I guess it’s better that way than forever contemplating if I’ll text Sibal or not.

“Snow, ayos ka lang ba?” tanong ni Brenna nang napagtantong medyo hindi ako responsive sa kanya.
“Oo, ayos lang ako.”
“Stressed ka na riyan! Nandiyan pa ba iyong admirer mong local?”
Ngumisi ako at umiling.
“Mabuti naman at nang ‘di ka na mastress! Miss ka na ni Cissy. ‘Di mo raw siya tinatawagan. Pati si Bronson…”
“I’ll call them soon. I’m just really busy…”

Pagkatapos ng tawag ay natulog na ako. Nagising lamang kinabukasan sa alarm na niset ko ng alas singko. Agad akong pumasok sa banyo para maligo at magbihis. I was done at exactly 5:45am so I went out.

I ordered my breakfast to be served on the sun lounger. Nakaupo ako roon habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Sibal isn’t there yet but it’s okay. It’s not yet 6am.

Ten minutes seems so long. Naubos ko ang pagkain ko at wala parin si Sibal. Even the waves from the shore didn’t relax me.

“Miss President…”

Bumangon agad ako nang narinig ko iyon. Isang matamis na ngiti ang ginawad ko nang nakita ko ang kararating lang na si Sibal.

“Akala ko nasa kwarto ka pa…”
Umiling ako. “Maaga ako…”
Tumango siya at kinagat ang pang-ibabang labi. “Inayos ko pa ang bangkang gagamitin. Iyong amin na lang ang dadalhin natin para mas gamay ko…”
Tumango tango ako at ngumiti. “Kumain ka na ba?”

Tumagilid ang ulo niya. Parang laking gulat sa tanong ko.

“Tapos na, Miss President. Ikaw?”
“Katatapos lang…” sabay turo sa pagkain sa gilid ng lounger.

I’m wearing a white lacey dress. Below it is a pair of bikini. I have no plans of swimming but still I wore it just it case. May dala rin akong sumbrero panlaban sa init ng araw. The camera’s on my side. I’m all set.

“Alis na tayo, kung ganoon?” tanong ni Sibal.
“Sige!” maligaya kong sinabi.

Sumunod ako sa kanya. Mukhang nilagay niya ang kanilang bangka sa malapit. Nakikita ko sa rock formation ang kanilang bangka. May nakalagay roong “Salmo VII”. Iyon yata ang sasakyan namin.

Sibal’s wearing a black shorts and a white t-shirt. Hinihipan ng malamig na hangin ang kanyang buhok. Nang nakalapit kami sa bangka ay inayos niya ang hagdang dadaanan ko.

Pinagmasdan kong muli ang building ng The Coast at ang kabilang side ng Costa Leona. Sa side na iyon nakahilera ang iba’t ibang resthouse, kasali doon iyong amin. May maliliit ding mga resort doon sa ‘di kalayuan. Kita ko na ang araw sa langit at ang dagat ay sobrang payapa pa.

“Miss President…” tawag ni Sibal sabay lahad sa kanyang kamay.

Nilagay ko ang aking kamay sa ibabaw ng kanya at umakyat na ako sa kanilang bangka. Medyo hirap akong magbalanse kaya diretso akong umupo sa gilid.

“Hawakan mo ang sumbrero mo dahil mahangin sa laot…” aniya.
“Okay…”

Hinawakan ko ang sumbrero ko. Nang nakasakay na rin siya sa bangka ay sumulyap siya sa akin. Medyo nagtagal ang mata niya sa aking suot. Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib. My collarbones are exposed and I’m even showing my armpits.

Nagkatinginan kaming dalawa. I smiled shyly. Don’t worry, I’m not that conscious with my skin, Sibal.

May isang mahabang kawayan siyang pinang tulak sa buong bangka. Nilingon ko ang tanawin sa laot at manghang mangha ako roon. Tinanggal ko ang aking sumbrero para lang mahawakan ng maayos ang aking camera.

Kinuhanan ko ng picture ang lahat ng magagandang tanawing nakita ko. I even took a picture of Sibal. He smiled and shook his head when he realized what I’m doing.

“Bakit kaya pinangalanan itong Costa Leona, ‘no?” tanong ko sabay tingin sa kahabaan ng Costa Leona.

Hindi sumagot si Sibal. Walang kahirap hirap siyang naglakad galing sa likod patungo sa harap. Mukhang nasa tamang layo na kami para simulan ang makina ng bangka.

May hinigit siyang lubid at umandar agad ang makina nito. Umupo siya sa harap at tiningnang mabuti ang payapang dagat.

“Yey!” sigaw ko nang tuluyan nang bumilis ang takbo ng bangka. “Saan tayo una?”

Tumayo si Sibal at nilingon ako.

“Sa rock formation…” Tinuro niya iyong tanaw na rock formation sa ‘di kalayuan.

I turned my camera on again and tried to document everything. Tumayo ako para lumipat sa kabilang side at mas makakuha pa ng magandang shot.

“Huwag kang tumayo!” ani Sibal.
“Lilipat lang naman ako. Hindi ba pwede?” tanong ko.
“Gumagalaw. Baka malaglag ka…”

Humagikhik ako lalo na nang nakita ko ang concern sa mukha niya. Nakatayo siya sa unahan at nakatoon sa akin ang buong pansin.

“Marunong akong lumangoy. ‘Tsaka… marunong ka namang lumangoy, e…”

Umiling siya, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ngumiti ako at may naisip na ideya.

“May pamingwit ka ba? Gusto kong mangisda!” sabi ko sabay tingin sa sahig ng bangka.

Nakita ko roon ang pamingwit. Pinulot ko agad ang mahabang fishing rod.

“Sige, mamaya kapag naroon tayo sa rock formation. Maraming isda roon…” ani Sibal.
“Sige! May paing ka ba?”
“Nariyan sa baba ng inuupuan mo…”
“What?”

Nanlaki ang mga mata ko at dinungaw ang isang balde ng uod sa inuupuan ko.

“Ewww!” sigaw ko. “Ba’t ‘di mo sinabi!? Ew!”
“Ano, ayaw mo na dahil nandidiri ka?” tanong niya.
“Syempre, sino bang hindi nandidiri sa uod, ha? Ikaw ba?” pagalit kong katwiran.
“Mga isda…” aniya.

Pilit kong pinirmi ang galit sa aking mukha ngunit napawi ito dahil sa sinagot niya. Tumawa siya at unti-unting tinigil ang makina ng bangka. Ilang metro na lang ang layo namin sa rock formation!

“Baliw ka talaga…” I whispered.
“Hindi ba gusto mo ng picture sa rock formation. Ayan…” tinuro niya iyon.

Tinutok ko agad ang camera ko roon. Ang ganda niya tingnan. Lalo na’t sa likod ng mga bato ay ang sinag ng araw.

Tanging ang hampas ng alon ang naririnig namin habang palapit kami sa rock formation. Nang tuluyang pinatigil ni Sibal ang bangka ay gusto ko na agad bumaba para makalapit.

“Huwag kang magtanggal ng tsinelas at masakit ang mga bato…”

Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Nauna siyang bumaba at inayos niya ang hagdanang dadaanan ko. Hinawakan niya ang aking kamay kaso’y hanggang baywang pa ang tubig.

“Teka, mababasa ako…” sabi ko.
“Bubuhatin kita…” aniya.

Kinagat ko ang labi ko at agad na kumapit sa kanyang leeg. His strong arms carried me like a princess. Sinikop niya ang palda ng aking dress para hindi ito tumama sa malamig na tubig.

Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti habang mahigpit siyang niyayakap. His chest is stong and he smells like aftershave and mint. Parang ayaw ko nang bumaba.

Nilapag niya ako sa buhangin. Inayos ko ang damit ko at tiningala siya. Nakatingin siya sa aking damit at inayos niya ang kabilang strap ng aking dress. Inayos ko rin iyon.

“Bumababa…” aniya at nilagpasan ako.
“Oo nga, e…” sabi ko sabay lingon sa kanya.

Lumapit siya sa mga bato. Hinawakan niya ang isang malaking bato at sinubukan niyang umakyat.

“Ako na ang kukuha ng magandang view para sa’yo. Huwag ka nang sumama…” aniya.

Tiningala ko siya habang umaakyat. Mukhang madalas siya rito, ah? Of course, he’s a local. I took a picture of him as he climbed.

Nilahad niya ang kamay niya para sa aking camera ngunit umiling ako.

“I want to go there…” I said.

Pumikit siya ng mariin at umiling.

“Please, huwag matigas ang ulo…” banta niya.
“Ang daya. Gusto ko rin diyan. Is there another way to go up…”
“Miss President, wala…” banta niyang muli.

Hinawakan ko iyong batong hinawakan niya kanina para makaakyat. Inangat ko ang sarili ko. I’m not totally sporty but I think I can do it.

“Snow!” pagalit niyang sigaw nang nakitang tuluyan kong naiangat ang sarili ko.

Tumuwid siya at bumaba sa aking tinatayuan. Kitang kita ko ang iritasyon sa kanyang mukha.

“Where should I step next?”
“Ang tigas ng ulo mo!” aniya.
“I just want to go up, too!” I said.

Nasa likod ko na siya. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa batong dapat kong hawakan sunod.

“Sige… Iangat mo ang sarili mo riyan at babantayan kita rito.”

Parang bigla akong ginapangan ng takot nang nakitang wala na siya sa itaas. Pero para lang magawa ko iyon ay sinunod ko ang sinabi niya. Hirap na hirap pa akong iangat ang sarili ko. Hinawakan niya ang baywang ko at inangat na para tuluyang makaakyat.

Medyo masakit ang mga bato. Matutulis at nakakasugat. Medyo may naramdaman nga akong hapdi sa taas lamang ng aking heel. I didn’t mind it, though. I’m fine…

Sumunod si Sibal sa akin. Sobrang lapit niya dahil sobrang sikip lang din ng aapakan. Halos maipit nga niya ako sa kanyang katawan, e.

“Where’s next?” tanong ko kahit na hindi ko naman talagang gustong umakyat na.
“Hawakan mo rito…” sabay lagay niya sa kamay ko sa matulis na bato.

Iyon na yata ang huling aakyatan at tuktok na nitong rock formation!

“Okay…”

Pilit kong inangat muli ang sarili ko pero hindi ko magawa. Hinawakan niya ang magkabilang baywang ko. His hot palms is making its way to my spine! Hindi ko iyon maipagsawalang bahala na lamang.

Dahan dahan niya akong inangat para makarating sa tuktok. At nang naroon na ako ay nilingon ko siya sa baba. Inilahad ko ang kamay ko para sa kanya. Tiningala niya ako at tumawa na lamang siya.

“Sigurado ka?” pabirong tanong niya.
Inosente akong tumango. I’m serious! I want to help him!
“Isang hila ko lang sa’yo, babagsak ka pababa, Miss President. Ang gaan mo, hindi mo ako mabubuhat,” aniya at inangat ng walang kahirap hirap ang kanyang sarili.

Tumuwid ako sa pagkakatayo at pinagmasdan si Sibal na umupo sa isang bato roon. Tiningnan niya ang kabuuan ng Costa Leona. He grew up in such a beautiful place while I grew up in a very different world.

Sinuyod ng aking mga mata ang kabuuan ng lugar kung saan siya lumaki. This is a beautiful place to live in. A peaceful place. I’d be satisfied to live here forever…

“Ang ganda ng Costa Leona…” sabi ko habang umiihim ang malamig na hangin sa aking pisngi.
“Hindi ba ay kukuha ka ng mga pictures? Give me your camera… Ako ang kukuha para sa’yo…”

Ngumiti ako at tinanggal ang camera sa aking leeg. Binigay ko iyon sa kanya at pumwesto na sa kabilang bato para makuhanan ni Sibal.

Tita Marem is an ex beauty queen. She’s also a model. Reasons why she knows people from the show business. So I know things about modeling, too.

I gave Sibal several poses I know. Panay ang click niya sa camera ko. Panay naman ang ngiti ko hanggang sa unti unting naging seryoso ang bawat pose ko.

Bahagya akong tumalikot para makita ang aking balikat. I didn’t smile as I stared at the camera.

Binaba niya ang camera pagkatapos ng huling click. Nagkatinginan kaming dalawa. Humataw ang puso ko. Mainit at mabilis ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Sa seryosong mga mata niya’y halos makalimutan ko lahat ng pakay ko rito.

Pagkatapos ng ilang sandaling tingin ay yumuko siya para icheck ang mga kuha. Napakurap kurap ako sa ginawa niya.

“Ayos na siguro ito…” aniya.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

3

Comments are closed.