Scorching Love – Kabanata 7

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 7

Kabanata 7
Trabaho

Lunes ng umaga dapat ang magiging General Assembly ng lahat ng mga nag-aaral sa North Western Colleges. Hindi makakapunta si Sibal kung susundin ang schedule ng kanyang trabaho ngunit dahil pupunta ako ay makakapunta rin siya.

Day off niya kahapon kaya hindi ko nasabi sa kanya ang plano ko. And this is going to be the first time we’ll talk since Saturday. Well, I shouldn’t act like a bitch, alright. Pilit ko na lang kinalimutan iyon habang pinagmamasdan ang mga naliligo sa dagat. Hinihintay ko ang pagpasok niya sa aking kwarto. Nakapagbihis na ako at lahat.

Nang narinig ko ang beep ng pintuan ay alam ko na agad na nariyan na siya. Nanatili akong nakatingin sa swimming pool.

“Good morning, Miss President…” bati niya.
“You’re not cleaning this morning. Pupunta tayo ng assembly…” maagap kong sinabi bago siya hinarap.

He looked a bit shocked ngunit tumango rin nang napagtanto ang sinabi ko. Humalukipkip ako at humilig sa railings ng aking balkonahe.

“You should change…” sambit ko. “Kakain muna ako ng breakfast. Balik ka kapag nakapagbihis ka na para pumunta na tayo ng school.”
“Okay, Miss President…” ani Sibal.

Sinunod iyon ni Sibal. Iniwan niya ako sa kwarto para makapagbihis na sa kanila. Huminga ako ng malalim at muling tiningnan ang payapang dagat.

Sa araw na iyon ay pinayagan kaming magbihis ng kaswal na damit. Wala ring pasok sa lahat ng klase dahil sa hapon ay pipili kami ng mga organization’g sasalihan.

Pagkatapos ng ilang saglit kong pagmumuni muni ay bumaba na ako patungo sa Seaside restaurant kung saan ako kakain. Si Omar ang nag wait sa akin dahil wala si Sibal. He awkwardly put all my food on the table. Hindi ko na siya tiningnan at nagsimula na ako sa paglalagay ng butter sa loaf bread.

“Enjoy your meal, Miss President…” he said joyfully.
“Thanks,” I did not even look at him.

Mabagal ang naging pagkain ko. Palipat lipat sa eskwelahan at trabaho ang pag-iisip ko. I only got distracted when Sibal came. Ang bilis niya, huh. Trenta minutos lang siyang nawala para magbihis ng itim na t-shirt at dark blue jeans. Inayos niya ang buhok niya at may sinabi kay Omar.

Tumango si Omar at tumingin sa akin. Kitang kita ang panga ni Sibal noong nakagilid ang mukha niya dahil sa pakikipag-usap kay Omar. When he turned to me, nag-iwas agad ako ng tingin. Bakit ba hindi ko kayang tumitig sa kanya pabalik?

Uminom ako ng tubig bilang pagtatapos ng aking pagkain. Tumayo siya tatlong lamesa ang layo sa akin para magbantay.

I checked my phone first. I saw messages from my friends in Manila. I text them everyday but I don’t reply right away because I’m a bit busy. But right now, I feel like I have time.

Bronson:
When are you going to Manila? Papa mo lang at si Kael ang naroon noong bumisita kami ni Brenna at Cissy.

Me:
I’m not sure yet. Nag-aaral ako rito sa isla.

Brenna:
I’m trying to clear my schedule. Are you always free?

Me:
I will clear my schedule once you’ve set the dates. Nag-aaral ako kaya hindi ako free ng ilang oras sa weekdays.

Pagkatapos noon ay tumayo na ako para makaalis na kami ni Sibal. Without looking at him, nilagpasan ko siya at inutusan.

“Alis na tayo…” sambit ko.

Nilagpasan ko ang bawat empleyadong yumuyuko at bumabati tuwing dumadaan ako. I tried to smile at them but I feel like my smile isn’t genuine.

“Take care, Miss President…” sabi ni Mrs. Gorres na naroon sa tanggapan, nakangiti.
“Thank you…” sabi ko at diretso parin ang paglabas.

Nakaabang na si Ryan sa pintuan ng sasakyan. Tinanguan ko siya at pumasok na sa loob. Nagulat ako nang si Sibal na ang nagsarado noon.

Nagtama ang mga mata namin. Napakamisteryoso ng mga ito. Nang may sinabing biro si Ryan sa kanya ay tumawa siya at pinatulan ang biro.

Sinarado niya ang pinto kaya ‘di ko naririnig ang pinag-uusapan. His eyes smiled as he talked. Umikot siya at nagulat ako ng diretso niya akong natitigan sa loob kahit na tinted naman ang buong sasakyan. Pinilig ko ang ulo ko at muling taas noong umupo nang binuksan niya na ang driver’s seat.

Umupo siya roon at pinaandar na ang sasakyan. Sumulyap siya sa akin sa rearview mirror at nagkunwari agad ako na tumitingin sa tanawin sa gilid.

Walang nagsalita sa amin sa buong byahe. That’s fine. I don’t need to talk to him anyway. I just want to go to school, that’s all.

Pinarada niya ang sasakyan sa loob ng paaralan. Maingay na sa gymnasium at mukhang lahat ng estudyante ay naroon. Sa field naman ay may mga maliliit na tent ng mga organizations. Doon yata pipili kung saan mo gustong sumali. We are not required to join but of course it’s a plus if you will.

Lumabas kami ni Sibal sa sasakyan. Mainit kaya nagpasilong ako sa mga puno ng acacia sa gilid ng pathway. Sumunod si Sibal sa akin. Sinabit ko ang aking bag sa aking braso at nagsimula nang maglakad patungo sa gymnasium.

Ang mga lalaking nakakasalubong namin ay panay ang tingin sa akin. Nagtutulakan pa sila at nagtatawanan. Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

“Percival, ipakilala mo naman ako!” sabi noong isang maitim at matangkad na lalaki sa isa pang grupo.

Hindi ko alam kung anong sinenyas na naman ni Sibal at tumigil sila sa pagsasalita.

Palapit na kami sa gymnasium nang napansin ko ang sobrang dami ng tao. May mga hotdog balloons pang dala ang mga tao habang nagpapalakpakan. Pinapakilala yata ang bawat course.

Aakyat na ako sa mga bleachers ngunit masyadong masikip. Pumagitna agad si Sibal para mas mapadali ang aking pagpasok.

“Excuse me…” he said to the people oblivious of my presence. Not that they should mind my presence, though. “Daan na, Miss President…”

Tumango ako at lumapit sa kanya para hindi ako maipit sa mga tao. He tried that several times sa lahat ng may masisikip na daanan at tuwing nangyayari ay tumatama ako sa kanyang dibdib.

“May dadaan! Padaanin muna…” ani Sibal nang may isang lalaking nagpumilit na makidaan kahit na sobrang sikip na.

Pumikit ako ng mariin at tumama muli sa dibdib ni Sibal. Hinawakan niya ang aking balkat at bahagya niyang tinulak ang lalaking umipit sa akin.

“Dadaan ako, Sibal!” sabi noong lalaki.
“Maghintay ka, gago!” ani Sibal sa tonong mukhang makikipag-away.
“Sibal, tama na! Let’s just go!”

Hinila ko ang t-shirt niya para makaalis na roon. Masyadong mainit ang mga ulo ng tao dahil sa sikip.

Nilingon ko siya to make sure that he really did follow me. He did but the anger in his expression is still lingering.

Bakit ba kasi ang layo ng business. And… oh my God, where are the engineering people?

Parang nabasa ng Master of Ceremonies ang gusto kong malaman nang tinawag niya ang College of Engineering. Tumayo ang lahat ng nasa bleachers, kung nasaan kami at winagayway ang kulay pulang hotdog balloons!

Napapikit ako sa sobrang ingay ng mga lalaking nag chi-cheer para sa kanilang kurso. Hinawakan ni Sibal ang aking balikat at agad na inalis doon.

“Katabi lang ng Business ang Engineering, Miss President…” ani Sibal.

Tumango ako. Umakat si Sibal sa bleachers na naghahati sa dalawang kurso at nilingon niya ako. Nagdadalawang isip pa ako sa pag-akyat dahil sa dami ng tao ngunit naglahad siya ng kamay sa akin.

Dahan-dahan kong nilagay ang kamay ko sa kamay niya at hinigit niya na ako paakyat doon.

“Sibal!” tawag ng pamilyar na boses. “Akala ko ‘di ka makakapunta?”

Pagtingala ko ay nakita ko si Jack kasama si Katarina at iilan pang pamilyar na kaklase nila. Hinila ako ni Sibal para makaakyat pa sa tamang palapag at kinausap niya si Paulyn sa may Business na side para umusog. Ginawa iyon ni Paulyn at tinuro sa akin ni Sibal ang espasyo.

“Thanks…” I said.

May binulong si Sibal kay Katarina. Tumango si Katarina at tumingin sa akin. Ibinaling ko agad sa iba ang aking tingin.

“Ang ganda mo, Snow…” sabi ni Paulyn.
“Thank you…” sagot ko.

Nang tinawag ang College of Business ay tumayo kami at nag cheer na rin. Noong huminahon ay bigla akong pinakilala ni Paulyn sa kanyang mga kaibigang freshmen din ng Business.

“Pamangkin ka ni Maria Emilia?” tanong noong matangkad na babaeng katabi ni Paulyn.
“Oo!” sagot ni Paulyn sa kanya.
“Nga pala… anong ibig sabihin noong ‘surtout, l’élégance’ sa emblem ng pamilya ninyo?”

Nagulat ako sa tanong niya. It’s on our gates, on The Coast’s seal, and almost all of our properties.

“Curious lang ako. Gustong gusto ko ang pamilya mo! Alam mo bang sabi ng Papa ko na sobrang powerful daw ng pamilya ninyo sa buong isla na mahirap daw kung maagrabyado?”

I smiled. I am not sure if people are just too insensitive. They are asking below the belt questions. That should be prohibited.

Or is it just me? People are curious because our family is quite famous on this island. Syempre ay magtatanong sila, hindi ba? Normal lamang iyon.

“Above all, elegance…” sinagot ko ang tanong niya.

Her mouth is now shaped like a big letter O.

“Oo nga, ‘no! Kaya si Maria Emila sobrang elegante. Ang alam ko noong may nakalaban siya, wala na rawng tumanggap na kahit anong establisyemento doon sa nakalaban niya dahil masyado nilang gusto ang mga Galvez para tanggapin ang kaaway. Totoo ba iyon?”

My God… I don’t know. Aba’y malay ko ba sa sangkatutak na nakalaban ni Tita Marem. Hindi ko na alam kung sinu-sino iyon. Basta ang alam ko ay marami.

“I’ll ask her about that…” sagot ko.
“Huy! Huwag naman. Baka mamaya isipin ni Madame Maria Emilia na ang chichismosa namin…” Tumawa si Paulyn.
Ngumiti lamang ako at nakinig sa sinasabi ng Master of Ceremonies.

“Snow… Snow…” tawag ni Jack sa kalagitnaan ng ingay.

Nilingon ko siya. Naabutan kong nag-uusap si Sibal at Katarina. Tumigil si Sibal sa pagsasalita nang lumingon ako. Niyugyog naman ni Katarina ang braso ni Sibal na tila ba’y pinipilit pang magkwento.

“Hmm?”

My eyebrow shot up.

“Later… Tatapusin natin ang report. Ayos lang ba? Kaya lang naiwan ko ang laptop sa bahay. Sa bahay na lang tayo gagawa, kung ganoon.”
“Okay…” sabi ko.
“Good!” ani Jack at nilingon na ang nasa gilid niyang si Ruben para ibalita iyon.

“Sibal…” sabi ko sabay tingin na lamang sa nag sspeech sa harap. ”Inuuhaw ako…”
“Anong gusto mo, Miss President?”
“Bumili ka ng tubig sa labas, please.”
“Malamig o hindi?” tanong niya.
“Malamig…” sabi ko.
Tumango siya at walang pag-aalinlangang umalis.

Nagkatinginan kami ni Katarina. I didn’t smile at her, though. She didn’t smile at me, too. In fact, all I can see is her indifference towards me.

“Saan pupunta si Sibal?” she asked.

Her lips curving as she speaks. Without make up, her skin glowed and her eyebrow is naturally shaped. Ang mahaba at maitim niyang buhok ay sumasayaw sa bawat paggalaw niya.

“Bumili ng tubig. Inuuhaw ako…” sabi ko.
“Naku! Sana sinabi niya. Sasama na lang sana ako…”

Humalukipkip ako at iniwas na ang tingin sa kanya. Buti nga hindi sinabi.

Kinalabit ako bigla ni Paulyn. Umamba siyang may ibubulong dahilan kung bakit ako lumapit.

“Bodyguard mo si Kuya Sibal? Ang swerte mo!”
Umismid ako. “It should be the other way around. Siya ang swerte…”

Tumawa si Paulyn at tumango. Sumang-ayon naman sa sinabi ko. I like her na! Ngumiti ako sa kanya.

“Oo nga naman. Pero kasi ang dami talagang nagkakagusto sa kanya kahit sa batch namin. Syempre, ayos din naman si Jaxon kaso… napakaplayboy. Si Kuya Sibal kasi, hindi… Kaya gustong gusto namin!”

Unang kita ko pa lang kay Jack alam ko na talagang may ugali siyang ganoon.

“Ang gwapo niya ‘no? Pakiramdam ko mag-aartista iyan pag may nakadiskubre!” ani Paulyn.
“Sinong tinutukoy mo?” Nagkunwari akong hindi naiintindihan ang sinabi niya.
“Si Kuya Sibal! May lahi ‘yang banyaga!” aniya.
“Sino?” this time, it’s true. I’m not sure who she’s talking about.
“Si Kuya Sibal. Ang mga Riego!” aniya. “Ang alam ko, British yata ang Lolo nila…” Tumikhim siya at nginuso ang nakikita.

Nang nakita kong parating na si Sibal dala ang nirequest ko ay tumigil na kami sa pag-uusap. He handed me the cold bottle of mineral water.

“Uhaw din ako…” Katarina told Sibal.

Binuksan ko ang bote ng tubig ko at ininuman na iyon. Huwag mong sabihing aalis muli si Sibal kasama si Katarina para bumili ng tubig niya?

“Jack, samahan mo si Katarina…” ani Sibal.
“Ikaw na, Kuya… Nag-uusap pa kami ni Polly,” ani Jack.

I thought we’re allies! Jack should go with Katarina, for God’s sake!

“Ikaw na lang muna ang bumili, Katarina. Hindi ko pwedeng iwan si Snow…” sabi ni Sibal.

Humalukipkip ako at nagkunwaring hindi iyon naririnig.

“Sige, mamaya na lang. Pagkatapos nito…”

Umirap na lamang ako sa kawalan. Tatlong pasakit na oras ang inubos namin sa mainit na gymnasium bago natapos ang General Assembly. Mag lulunch muna kami bago mamimili ng sasalihang organization.

“Uuwi ba tayo sa resort, Miss President? O dito ka kakain?” Sibal asked.
“Dito na lang…” sabi ko sabay paypay sa sarili.

It’s so hot and my sweat is freaking dripping. Sinikop ko ang buhok ko at nilagay sa kabilang balikat para mahanginan ang aking leeg. Napatingin ako kay Sibal na ngayon ay nakatingin sa aking leeg. He licked his lower lip and…

“May pamaypay ka ba?” he asked.
“Wala akong dala…”
“Bibili ako sa labas, pagkatapos nito…”
Tumango ako. I tried so hard not to seem too affected.

Pagkatapos ng assembly ay pumunta na kami sa cafeteria. Of course people flocked to the only place where we could eat. Luckily, Jack found a table for us.

Nawala si Sibal. Napansin ko ang paglinga-linga ni Katarina, siguro’y para hanapin ito. Hindi na ako nakisali sa paghahanap. Umupo na lamang ako sa nilahad na upuan ni Jack.

“Nasaan si Sibal, Jack?” tanong ni Katarina.

Inayos ko ang buhok ko at tiningnan na ang mga ulam na nakadisplay sa counter. Hmmm… What should I eat? Some local food?

“Saan ka galing?” malambing na sabi ni Katarina.

Sibal’s probably here. Umupo agad siya sa aking tabi at nilapag ang pamaypay sa lamesa.

“Thanks…” sabi ko at binuksan na ang pamaypay.
“Bumili lang ako ng pamaypay. Katarina, bumili na kayo ng pagkain. Huli na kami ni Snow…” ani Sibal.

Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Sibal. This isn’t the first time I heard him say my name without the proper titles and it feels…

“Fine!” ani Katarina at sumama na kay Jack para bumili ng kanilang pagkain.
“Anong gusto mong kainin?” tanong ni Sibal sa akin.
“I don’t know much about the food here but I can eat vegetables…” sabi ko.
“Kanin?” tanong niya.
“Yes… And juice…”

Kinuha ko ang aking wallet para bumunot ng cash pero bago ko pa magawa iyon ay tumayo na si Sibal.

“You forgot my money, Sibal…” sambit ko sa isang natatawang tono.

Umiling lamang siya at dumiretso na sa counter. Natulala ako habang ang malutong na five hundred ay nasa ere pa.

Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon. Siguro mura lang ang pagkain dito kaya ayos lang.

Naunang nakabalik si Jack, Ruben, at si Katarina. Kahit na nakabalik na itong si Katarina ay halos mabali parin ang leeg niya sa kakatingin kung nasaan si Sibal. Nagpatuloy lang ako sa pagpapaypay sa sarili hanggang sa dumating si Sibal kasama ang mga pagkain namin.

Dalawa ang ulam na naroon. Isang ginisang string beans at isang adobong baboy. May orange juice siyang nilapag para sa akin at tubig na rin. I waited till he’s done putting all the necessary things on our table.

Umupo siya at nilapag ang tray sa katabing lalagyanan.

“Kumain na tayo, Miss President…” he said.
“Thanks…” I smiled and tried their food.

Snack lamang ang nakain ko sa cafeteria. Ngayon lang ako kakain ng ganito at hindi naman masama. Iyon nga lang, mainit parin talaga. Tumutulo ang pawis ko. Hindi ko alam kung susubo ba ako o papaypayan ang sarili.

Sa kalagitnaan ng pagkain ni Sibal ay tumigil siya at kinuha ang pamaypay ko.

Nagkatinginan kami ni Jack. Nakita ko ang ngisi at pag-iling niya. Inilipat niya ang tingin kay Katarina na ngayon ay mukhang hindi na natutuwa sa ginagawa ng katabi niya. Pinaypayan ako ni Sibal habang kumakain.

“Ang init…” sabi ko sabay pahid sa pawis ko sa aking leeg.

Sinikop ni Sibal ang aking buhok at nilagay niya iyon sa kabilang balikat ko. Natigil talaga ako sa pagkain dahil sa paninitig sa kanya habang ginagawa iyon. He seems very passionate about keeping me cool.

“Kumain ka muna…” sabi ko.
“Ayos lang…” aniya.

Hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa. Sumulyap pa ako sa iilang nakatingin. Alam ko agad na hindi iyon palalagpasin ng mga taong nakakakilala sa kanya.

“I’m done…” I finally said after finishing half of the rice he gave me.
“Hindi pa…” ani Sibal sabay tingin sa pagkain ko.
“I don’t eat too much rice, Sibal…” sabi ko.
“Sayang naman… Busog ka na noon?”
“Yes. Kung gusto mo, ikaw na ang umubos…” sabi ko.

Tinitigan niya ako. Ngumiti ako at kinuha ang plato ko. Nilagay ko sa kanya ang tirang kanin ko.

“That’s not dirty… Give me the fan…” sabi ko.
“Okay…”

Humilig ako sa aking upuan at tinanggap na ang pamaypay. This time, as he eats, I fanned him too. Habang umiinom ng softdrink si Katarina ay panay ang tingin niya sa amin.

Pagkatapos kumain ni Sibal ay tumuwid siya sa pagkakaupo. I noticed how red his lips are. Nilingon niya ako at naglahad siya ng kamay sa akin.

“Ano?” I asked happily.

Fuck. I don’t even know why I’m so happy.

“Ako na sa pamaypay…” aniya.

Binigay ko sa kanya ang hawak kong pamaypay at siya naman ngayon ang nagpapaypay sa akin. He fanned himself, too and then he turned it to me…

“Mainit parin ba?” tanong niya.
“Hindi na masyado…” I smiled.

Nanatili muna kami roon sa cafeteria hanggang sa nag ala una. Doon pa lang kasi magbubukas ang mga tent. Tiningnan namin ang bawat organization. Maayos naman. Kaya lang ay tingin ko’y mas lalo lamang akong magiging busy kung sasali pa ako.

“Sasali ka?” I asked Sibal.
Umiling siya. “May organization na kami sa Engineering. Iyon lang ang pagkakaabalahan ko…”
“Hindi na ako sasali sa kahit ano. I’m not a regular student, anyway. Not a regular first year, that is.”

Hinintay naming matapos si Jack at ang ilan pang kaibigan niya. Si Katarina ay sumama sa amin habang nagpapasilong kami sa ilalim ng puno ng Acacia. Mabuti at hindi naman nagtagal si Jack at ang mga kagrupo namin. Alas dos nang natapos sila.

“Aalis na tayo?” tanong ni Jack.
Tumango ako at tumayo. “I brought our Expedition. Sumakay na lang kayo roon…”
“Ayos!” nilingon ni Jack si Ruben at ang dalawa niyang babae.
“Uuwi na kayo?” Katarina asked.
“Oo… May group study sila…” ani Sibal.
“Sasama na lang ako.”

Nagtiim bagang ako. And she’ll come with us on my car, huh? Fine!

“Let’s go…” sabi ko at nauna nang maglakad paalis doon.

Sumunod sila sa akin. Sa gilid ko ay si Sibal ulit. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para sabihin sa kanyang sa front seat ako sasakay.

“Pwedeng si Jack ang sa front seat, Miss President. Baka hindi pwede ang hinihingi mo. Labag sa gustong mangyari ni Mrs. Agdipa.”
“Sibal, ako ang nag-utos niyan. Ayos lang…” sabi ko.

Lumapit agad ako sa front seat. Binuksan ko iyon at sumakay na roon. Pinagbuksan ni Sibal ang mga sasakay sa likod.

“Wow! Ang ganda pala ng loob nitong Expedition…” sabi ng isa sa mga babae ni Jack.
“Usog, Katarina…” ani Jack dahil siya’y pumagitna.
“Sandali lang, Jack…” aniya.
“Sigurado kang ayos ka diyan?” tanong ni Sibal nang nakaupo na siya sa driver’s seat.
“Yes…”

Then I took my phone out. I realize that he should be out the resort now. It’s past two in the afternoon.

“I’ll call Kuya Lando to pick me up later from your house. Out ka na pala ngayon…” sabi ko.
“Ayos lang. Ako na ang maghahatid sa’yo pauwi.”

Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa likod bago pinaandar ang sasakyan.

“Mamaya pa kami matatapos. Tapos na ang shift mo…” sabi ko. “I don’t want you to compromise just because I’m studying on your house, Sibal.”

Napatingin siya sa akin.

“Hindi naman mahirap na ihatid ka pabalik sa resort, Miss President. Trabaho ko rin iyon. Kaya huwag kang mag-alala…”

Hindi ko alam kung bakit natahimik ako sa sinabi niya. Right… like it’s his duty to give me food, water, and everything that I need.

Pinaypayan niya ako dahil trabaho niya iyon. Binigyan niya ako ng tubig dahil trabaho niya iyon. Ng pagkain dahil trabaho niya iyon. Sinusunod niya lahat ng gusto ko dahil trabaho niya iyon. Trabaho niya ang lahat ng ito.

Parang may kirot akong nararamdaman sa aking puso. Hindi ako makahinga at nanlamig ako. Am I sick or what?

Sumulyap si Sibal sa akin nang nasa kalsada na kami. Nakita ko iyon sa gilid ng aking mga mata. Galit na galit ang tingin ko sa kalsada habang nagtatawanan sila sa likod.

“Mainit pa ba?” Sibal asked.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Gustong gusto ko siyang suntukin! Gusto ko siyang sabunutan! Naiirita ako!

Sumulyap siyang muli at nang napansin ang ekspresyon ko’y tinapat ang aircon sa akin.

“Hindi na mainit!” nanginig ang boses ko.

Fuck. What the hell?

I turned the aircon to him and then I crossed my arms. Nilingon ko ang bulubundukin kung nasaan ang mga windmills sa tuktok niyon.

For the first time since I got here, I feel homesick!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

3

Comments are closed.