Scorching Love – Kabanata 6

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 6

Kabanata 6
Date

“Kael…”

Nakahiga na ako ngayon sa aking kama. Marami akong iniisip kahit na tinapos ko na iyong mga trabaho ko para sa araw na iyon.

Kailangan icheck ang iilang room dahil may problema ang ilang customer tungkol sa clogged bathroom. Naayos naman daw pero kailangang makasiguro na maayos na kapag may guest ulit na gagamit.

“What is it, Ate? Are you lonely out there?”

Natawa ako sa tanong ng aking kapatid. I admit it… kahit na tumayo ako bilang ina ni Kael sa America ay hindi parin ako nakakasigurong naging mabuti akong ate sa kanya. I make sure that he’s alright all the time but I’m not sure if he’s okay with what I’m doing to him.

“Yes, a bit…” pag amin ko. “Can I ask you something?”

My bestfriend is also my worst enemy. Ganyan kaming magkapatid. I open up to him and he tells me his opinions, too. Ang hindi ko lang inoopen up sa kanya ay iyong love life ko dahil masyado pa siyang bata upang pagtanungan noon.

“Sure, what is it?”

I miss his large and thick eyeglasses and all his curious questions. I miss him, big time.

“Am I a good girl?” tanong ko sabay yakap sa aking unan.
“Well, not really…” he admitted.
“What?” medyo nagulat ako sa naging sagot niya ngunit sa huli ay natawa rin.
“I think you’re a bit spoiled. Why do you ask, Ate?”

Humagalpak na ako sa tawa.

“Mikael, you are brutally honest!”
“You are asking me a question, Ate. I’m only giving you my answers!” he insisted.
“Sige, tell me more, then.”
“I think you’re a bit spoiled. I remember the first time we were alone in our house, you asked me to clean the whole of it while you sleep!”

Nagtawanan kaming dalawa. Naalala ko iyon. Naaalala ko kung gaano ako ka rebelde noon pa man. Tumino lamang ako nang iwan kami ni Mama. Tumayo lamang ako bilang responsableng ate noong kailangan ko na.

So, no… Kael is right. I’m not totally a good person. Hindi ako mabait. Napilitan lamang akong tumino.

“And I remember, nagtago ka from Kuya Bronson because you don’t want to see him. You asked me to tell him you’re gone… You made me lie, Ate…”
“Don’t worry, Kael, akin parin ng kasalanan noon, hindi sa’yo. I manipulated you so you’re not going to hell for that. I am.”
“You’re like a mini Tita Marem,” Kael laughed.
Natigilan ako roon. “That’s not funny, Kael.”

I really hate being compared to Tita Marem. Ilang beses ko nang narinig iyan kay Brenna, kay Papa, at sa aking mga pinsan ngunit iba pala ang pakiramdam ngayong mapagtatanto mong medyo may pagkakahawig nga kayo.

The next days, I am not sure if I’m just too attentive or Sibal isn’t that talkative anymore.

Noong naglinis siya sa kwarto ko ay tahimik kaming dalawa. Magtatanong lamang siya kung may kailangang malaman at iyon na iyon.

I asked him to clean my office too and he’s also a bit quiet. So i tried to remember all the moments we’re together while he’s cleaning. Hindi nga naman siya masyadong nagsasalita. ‘Tsaka lang tuwing may sinasabi ako kaya ngayong wala akong sinasabi ay hindi na rin siya nagsasalita.

“Sibal, I want some coffee…” sabi ko para lang makapagbukas ng pag-uusapan.

Tumigil siya sa paglilinis ng mga bintana. Tiningnan niya ang glass cleaner ng ilang sandali bago bumaling sa akin.

“Tatawag ba ako, Miss President o ako ang magtitimpla?” he asked.

That I am not sure…

“Ipagtimpla mo na lang ako…” sabi ko sabay tingin sa laptop.
“Okay, Miss President.”

Iniwan niya ang glass cleaner at tuluyang lumabas sa aking opisina. Sinundan ko siya ng tingin pagkatapos ay binalik muli ang atensyon sa aking laptop.

For moments, I stared at my monitor and waited till forever. Naubos ang pasensya ko dahilan kung bakit tumayo ako at lumapit sa pintuan. Tumingin ako sa eyehole ng pintuan at nag antay sa pagdating ni Sibal.

I stood there for almost five minutes until he came! Mabilis agad akong tumakbo pabalik sa aking lamesa dahilan ng pagkakabangga ng aking tuhod sa upuan ng swivel chair.

Bumukas ang pintuan at umupo ako sabay sapo sa aking tuhod. Ang sakit! Fuck!

“Ayos ka lang, Miss president?”

Sibal hurried to me. Nilapag niya ang dalang kape sa aking lamesa para daluhan ang tuhod ko. Lumuhod siya at hinawakan kung saan ang masakit.

“Anong nangyari?” tanong niya.

Kumalabog ang puso ko habang tinitingnan siya sa aking paanan. I realized how fast he is when it comes to trouble. Syempre, iyan ang trabaho niya. He needs to protect me from trouble.

“I’m fine…” I said. “Medyo masakit lang dito…”

Tinuro ko ang eksaktong lugar kung saan masakit. Napangiwi pa ako nang pinindot niya iyon. Wala namang sugat ngunit pakiramdam ko’y mamamaga iyon sa sakit.

“Kailangan lagyan ng compress iyan…” ani Sibal.
Tumango ako at ngumiwi pa.
“Kukuha muna ako sa baba…” aniya sabay tayo.

Hinawakan ko ang kanyang uniporme at hinila siya pababa. Umiling ako.

“Tawagan mo na lang sila…” sabi ko.

Nanatili ang mga mata niyang nakadungaw sa akin. Bahagya akong pumikit para ipakita sa kanya ang sakit na nararamdaman ko. It’s true. It really hurts. But now as painful as it seems.

“Hello, pwede bang mag request ng hot compress dito sa opisina ni President Snow. Masakit ang tuhod niya…” ani Sibal.

Tumango siya at binaba ang telepono. Muli ay lumuhod siya sa harap ko. Hinawi niya ang kamay ko sa aking tuhod para makita iyong tinutukoy ko. Medyo mamula mula na iyon ngayon.

“Bakit ka ba nagmamadaling umupo kanina?”

What? He saw me trying to sit? Tumikhim ako at tumuwid sa pagkakaupo.

“Hindi ako nagmamadali, ‘no!” I said.

Suminghap siya at tumayo.

“Antayin na lang natin ang compress na hiningi ko pagkatapos ay gamutin natin iyan…” aniya.
Tumango ako at tiningnang muli ang aking tuhod.

Hinintay nga niya ang maghahatid ng nirequest ko. Nang may kumatok ay dumiretso na siya sa pintuan. Sinubukan kong tingnan kung sino ang naghatid at nang nakita ko ang mabutong mukha ni Omar ay bumaling na lang ako sa aking tuhod.

“Anong nangyari?” Omar asked Sibal.
“Tumama ang tuhod sa upuan. Ako na ang gagamot. Salamat, pre…” ani Sibal.

Sinarado niya ang pintuan at bumalik na ulit sa akin. Tinapat ko ang swivel chair sa kanya at tinuro ko ang masakit sa tuhod ko. Lumuhod siyang muli at hinawakan ang hot compress. Ilang beses niya itong sinubukan sa kanyang sariling kamay bago dahan dahang nilagay sa aking tuhod.

“Sabihin mo kung masyadong mainit…” aniya.
Tumango ako at tiniis ang init. “Baka mamaga iyan…”
“Mawawala rin ang pamamaga. Mabuti nga’t hindi nagsugat…”

Ngumiti ako at pinagmasdan siyang abala na nilalagyan ng compress ang aking tuhod.

“Ang sakit talaga…” sabi ko sa boses na hindi ko makilala.

Sinulyapan ako ni Sibal pagkatapos ay ginulo niya ang buhok niya. I almost couldn’t breathe properly when I saw him in his messy hair. What the hell?

“Maayos din ito, Miss President,” ani Sibal.

Pagkatapos niyang lagyan ng hot compress ang aking tuhod ay bumalik na siya sa paglilinis. Medyo lumamig na ang kapeng nirequest ko kanina pero ininom ko parin habang nagtitipa ng kung ano para sa email noong isang blogger na magfefeature daw nitong resort.

Nang natapos maglinis si Sibal ay nagpaalam na siyang umalis. Tumango tango pa ako na parang it’s my pleasure that he’s leaving but truth is…

Suminghap ako pag-alis niya. Ano pa bang magandang irequest? Nag isip ako ng meryenda pagkatapos ng labing limang minutong pag-alis ni Sibal.

“Hello? Si Sibal…” tanong ko nang narinig na babae ang sumagot sa reception.
“Miss President, nag sasauli pa ng mga materials sa housekeeping department. May gusto ka bang iparating?”
“Paki sabi na gusto kong kumain ng red velvet cake…” sabi ko.
“Kung busy pa po siya, ayos lang po ba na si Ryan ang maghahatid?”
“Hindi. Si Sibal na ipaghatid n’yo. Siya naman ang dapat maghatid, hindi ba?”
“O-Okay, Miss President…”

Binaba ko agad ang tawag at nag-antay sa pagdating muli ni Sibal. Ilang sandali ang nakalipas ay dumating nga siya dala ang aking red velvet cake. Ayaw ko namang kumain, gusto ko lang magrequest kaya nilagay ko na lang iyon sa aking tabi.

Days remained that way. Sa umaga, pinapaulanan ko ng request si Sibal. Sa hapon ay ang eskwelahan ang may-ari sa kanya kaya wala akong magagawa.

Tuwing napapadaan ako sa kanyang classroom ay sumisilip ako. Minsan seryoso siya sa kanyang papel. Minsan naman ay nagtatawanan silang dalawa ni Katarina.

“Bukas… ayos ba? Para walang pasok…” ani Jack nang nag-usap kami kung kailan talaga namin pagpaplanuhan ang aming reporting.

Sabado na bukas. Medyo naging maayos naman ang first week of school ko. Hindi naman nakakastress.

“Okay…” I said.
“Kayo?” tanong ni Jack sa iilang mga kaklase ko.
“Game kami riyan…” sabi nila.
“So, it’s a done deal, then. Tomorrow night. Six.”
“Alright…”

Nilagay ko iyon sa schedule ko. Lalo na’t may meeting ako bukas sa Department of Tourism dahil pista daw ng kabilang bayan. Though we shouldn’t be part of it, it will still help if I promote them. It’s a win win situation.

Hinatid ulit ako ni Sibal sa pintuan ng sasakyan. Like the usual, he’s not going to be with us going home. Kasama niya si Katarina pauwi.

And for the first time in five days, I looked back to see them. Silang dalawa lang. Yakap ni Katarina ang kanyang mga libro habang si Sibal ay luminga linga, naghahanap siguro ng tricycle.

Pagkatapos ng ilang sandali ay tumawid sila. Hinintay ni Sibal si Katarina bago tuluyang naglakad. Nang nauna naman si Katarina ay hinila niya iyon pabalik at mukhang pinagalitan.

Bumagsak ako sa upuan at taas noong tumingin na lamang sa kalsada sa harapan. Enough of viewing that, Snow! Enough!

Pagkatapos ng meeting namin sa Department of Tourism ay tumawag agad ako kay Papa. Iyon ay para tanungin muli siya kung magandang ideya ba ang pataasin ang sahod ng iilang empleyado. He said it’s fine. They’ll be more effective. I studied it for the whole month and I think it’s true. I just want to make sure right now lalo na’t pagkauwi ko sa resort ay pipirmahan ko na ang mga papel.

“Pa, are you sure about this?”
“Snow, in order to have a successful organization, you need to keep your people happy and satisfied. Always remember that.”
“But is it feasible? Kaya ba ng kompanya iyon at hindi ba maiimpair ang budget para sa ibang bagay?”
“Mababawi mo ang loss na mangyayari kapag nag gain ka ng more tourist dahil sa magandang service ng crew. This company is about the people, Snow. It’s not about the money.”
“This is business, Papa…” sabi ko dahil wala parin akong tiwala sa desisyon niyang iyon.
“Above all, this is an organization. And an organization is composed of people. It won’t work if you’ll deprive them of what they deserve…”

Baon ko iyon pagkauwi ko. Tahimik naman ang driver kong si Sibal buong byahe. Sinamahan niya pa ako patungo sa opisina at nagrequest akong maglinis siya roon habang pinag-aaralan ko ang mga dokumento.

Iniisip ko kung paano ako pupunta sa kanilang bahay mamaya. Of course sasamahan ako ni Kuya Lando patungo roon. Hindi kami sa rock formation dadaan dahil paniguradong masyadong madilim iyon tuwing gabi.

Hindi ko sinabi kay Sibal na pupunta ako. I want to surprise him. I want to see what he’s doing when he’s at home.

Pagkatapos ng shift niya ay mukhang umuwi na siya. I was busy with paper works again and some ordinary everyday problems in the hotel. At nang dumating na ang alas singko ay naghanda na ako para sa usapan namin nina Jack.

“Kuya Lando, pupunta tayo kina Sibal ngayon,” sabi ko. “May group study kami.”

Because we don’t know where to go exactly, nagtanong tanong ako sa mga afternoon shift kung saan dadaan at mabuting may nakakaalam naman. Si Kuya Lando ang sinabihan nila.

Kumain muna ako ng light dinner bago kami tumulak patungo kina Sibal.

Kahit makitid ang daanan papasok at hindi sementado ay mabilis kong namataan ang kanilang bahay. Mailaw sa loob at nakita ko na ang ibang kaklase kong naroon. The two girls of Jack were already there. Ruben, too.

“Dito ka lang sa labas, Kuya Lando. Tatapusin lang namin itong assignment…” bilin ko sabay baba.

Dala dala ko ang isang aklat at ang netbook na intended para sa pag-aaral ko. I’ve seen their house but I’ve never been there. Nang nakalapit ako ay tinuro ako noong isang babae dahilan kung bakit nakita rin ako ni Jack.

“Pasok ka, Snow!” aniya sabay lahad sa sala ng kanilang bahay.

Their floor is red and the insides of their house is simple. A small sala set, television, carpet, frames, and blue curtains. May wooden stairs paakyat sa mga kwarto sa taas. Mayroon doong tatlo. Siguro ay ang master’s bedroom at ang para sa magkapatid?

“Kumain ka na ba? Naghanda kami ng dinner…” ani Jack sabay lahad sa sofa nila sa akin.
Ngumiti ako. “Tapos na ako…”

Luminga linga ako. I don’t see his family. I wonder if Sibal’s in his room or he’s outside doing things. And where is their father?

“May nagawa na kami pero konti lang. Tingnan mo…”

Hinarap ni Jack sa akin ang kanyang laptop. Tumango ako at binuksan na lang iyong akin para makatulong na rin.

Sa laptop ni Jack naroon ang aming Powerpoint. Binahagi namin ang topic at binasa ang buong chapter. Nililista sa bulletform ang mga important points.

Tahimik kami habang nagbabasa. Si Jack at iyong isa sa mga babae niya ay panay ang kulitan samantalang panay naman ang saway noong isa pang babae sa kanila.

“Hindi tayo matatapos nito kung hindi kayo tumahimik…” ani Ruben.

I typed everything that’s needed. Malapit na akong matapos nang napagtanto kong nakakaisang oras na kami.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ng tatay nina Sibal. Lumabas siya at namataan agad ako.

“Oh, Jack, nasaan ang kuya mo. Nandito pala si Snow…”
“Magandang gabi po!” sabi ko.

I realized I don’t know the name of their father. He didn’t mention it to me, though. And I don’t want to ask him right now.

“Snow, kumain ka na ba, hija? Nagpabili si Jack kanina ng pagkain dahil pupunta raw ang mga kaklase niya. Hindi niya naman sinabing kasama ka…”

Bumaba ang kanilang tatay at lumapit sa kusina. Tiningnan niya ang mga ulam na tinakpan ng plato habang nakikipag-usap sa akin.

“Ayos lang po. Kumain ako bago pumunta rito…” sabi ko.
Tumango ang tatay ni Sibal. Nilingon niya si Jack na hanggang ngayon ay seryoso sa kanyang binabasa. “Jack, ang kuya mo?”
“Nasa labas kasama si Katarina…”
“Sinabi mo bang narito si Snow?”
Umiling si Jack ng wala sa sarili…

Nagkatinginan kami ng tatay ni Sibal. Nagtaas ako ng kilay at bumaling muli sa binabasa. So what if he’s with Katarina. I’m here for our group study.

“Lalabas muna ako, magpapahangin…” sabi ng tatay nila at tuluyan na ngang ginawa iyon.

Suminghap ako at umirap na lamang sa kawalan. Naabutan kong pasimpleng hinuli ni Jack ang tingin ko.

“What?” pagalit kong sinabi.

He smirked. Oh, he’s like his brother. Only a bit different!

“May numero ka ni Kuya?” he suddenly asked.
“Wala,” sabi ko.
“Oh? Empleyado mo. Personal na bodyguard pero wala?”
“Is there a need for that, Jaxon? I don’t know…” nanatili ang mga mata ko sa netbook at nagtipa ulit ako ng karagdagang impormasyon.
“Actually, there’s a need, Snow. Paano kung may emergency, hindi ba?”
“Bakit ba natin ito pinag-uusapan? Shouldn’t we talk about our report?” tanong ko.
“Jack, hindi natin ito matatapos kung nagtatalo kayo ni Snow…” malambing na sinabi noong isang ingrata.

Seriously, I don’t know their names. I don’t think I need to. Problema na ni Jack iyong pagsusulat ng pangalan ng groupmates namin dahil wala akong pakealam sa dalawang babaeng kinakasama niya. I would be more happy if its Paulyn, the chismosa, from our first class. Pero dahil hindi… whatever.

“Nagtatanong lang ako…” Tumawa si Jack.
“Malapit na akong matapos, don’t worry,” sabi ko.
“Pero pag uusapan pa natin kung paano ito irereport, hindi ba?” ani Ruben.
“Pwedeng diskarte na lang natin iyon. Tutal ay iba-iba naman tayo ng topic…” sabi ko.

I prefer working alone. Must be the reason why I’m not effective in the “organization”.

“No… Kailangan nating mag-usap usap parin, Snow. Dapat tayong magkasundo kung paano para pag may ibatong tanong, makakapagtulungan tayo…” Jack said.

Well, that’s a good idea. I just thought it’d be easier if each of us work on our topic than work together. Lalo na’t hindi ko type ang iba sa grupong ito. Landi lang yata ang pinupunta rito. Well, it can’t be helped. Jack is good looking like his brother.

Pagkatapos kong itipa ang lahat ng tungkol sa topic ko ay sinarado ko na ang aking laptop. Nilingon ko ang iilang frame kung nasaan ang mga pictures nila bilang pamilya. Most of the pictures were of them three. I wonder when their mother died?

May isang picture akong nakita ng isang magandang babae. That’s probably their mom. Ngunit napagtanto kong ang kanilang mukha ay mas nagmana sa kanilang ama. Riego’ng Riego.

Tawanan galing sa labas ang narinig ko. Babaeng tinig at papalapit. Nilingon ko kaagad ang pinanggalingan at nakita ko roon si Sibal at si Katarina. Nakangisi pa si Sibal at si Katarina’y todo ang hagikhik.

“Ooopps!” ani Katarina nang nakita kami sa sala. “Akala ko makakapanood tayo ngayon noong paburito kong palabas. May nag-aaral pala rito…”

Nagkatinginan kami ni Sibal. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

“Magandang gabi, Miss President. Hindi ko alam na dadalaw ka rito…” pormal niyang sinabi.
“May group study kami, Sibal. At bakit ko dapat sabihin sa’yo ang lahat ng gagawin ko?”

Dahan dahan akong nagligpit ng gamit sa aking netbook. Nagkatinginan ulit kami ni Jack. May multo ng ngiti sa kanyang labi. Inirapan ko na lamang siya.

“Saan na tayo manonood, Sibal? Sabi mo date tayo rito sa sala n’yo?”

Date? Date?! DATE?!

Halos matawa ako. How poor that date is? Huh? I would appreciate date near the shore not to watch television! What a corny kind of date that is?

“O, Snow, aalis ka na?” tanong ni Jack nang tumayo ako.
“I’m done. I’ll email it to you later. Text me your email address and also… inaantok na ako. Masyado akong maraming meeting na ginawa kanina,” sabi ko at tumalikod na.

Nagkasalubong kami ni Sibal. His serious expression really gets to me. It’s like there’s something about him I can’t point out. I can’t figure out.

“Ihahatid na kita, Miss President…” ani Sibal.

Nilingon ko si Katarina na inupo na ang sarili sa isang plastik na silya malapit sa TV. Nakangiti siya sa akin.

“Hindi na. Si Kuya Lando ay nag aantay sa labas. Jack, Ruben…” Tiningnan ko ang dalawang ingrata at tinanguan as a sign of courtesy. “I need to go…”

Tumayo si Jack at agad lumapit sa akin para siguro’y ihatid ako. Paghakbang ko ay sabay pa silang magkapatid.

“Ako na, Jack… balik ka na sa ginagawa mo…” sabi ni Sibal sa kapatid niya.
“Kuya, ako ang nag imbita kay Snow… Balik ka na kay Katarina…” natatawang sinabi ni Jack.

Iniwan ko na sila roon. Hindi ko na hinintay kung sino ang nanalo sa pagtatalo nilang dalawa.

Pinagbuksan ako ni Kuya Lando ng pintuan. Si Jack ay nasa likod ko at si Sibal ay nasa labas ng kanilang bahay na tanaw ako.

“Let’s go, Kuya Lando,” sabi ko at pinaandar niya na ang sasakyan.

Hindi ko na muli tiningnan si Sibal pagkaalis. They’re dating. And I shouldn’t freaking care. I shouldn’t envy her. It’s just “watching TV”, actually. I have better experiences of dates! Really… Ang corny ni Sibal. Ang corny ng ideya niya sa date. Ang corny corny. May sasagot kaya sa kanya kung ganyan ang ideya niya?

Sasagot? Nililigawan niya ba si Katarina? Naitanong ko na ba iyon sa kanya?

Iritadong iritado ako. Hindi ko alam kung bakit.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

11

Comments are closed.