Scorching Love – Kabanata 50

August 29, 2016 By In Scorching Love 2 Comments

Kabanata 50
Wedding

“I will send the chopper back to Manila first thing in the morning tomorrow, Snow! Sigurado ka bang ayaw n’yong umuwi ngayong gabi?” pasigaw na sinabi ni Papa habang naglalagay ako ng perfume sa palapulsuhan.

Hindi ko na mabilang kung pang ilang irap ko na ito ngayon. Hindi nakikita ni Papa dahil nasa kama naman ang laptop at ako’y nakaharap sa tukador. Sibal’s topless on bed. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako roon.

Ano bang problema nito at hindi pa siya nagbibihis? Brenna and Cissy’s plan was all so clear and he agreed to it. It’s actually perfect. Kaya hindi ko alam anong problema at ayaw pang magbihis. Kung ayaw niyang sumama, ayos lang. Ihatid niya na lang ako sa Revel.

“May lakad nga kami ng mga kaibigan ko, Papa. Kaya hindi pwede… Isa pa, the flight tomorrow is already booked. Ang mabuti pa, ikaw na lang ang pumuntang Costa Leona gamit ang chopper.”

I just told him that I’m pregnant and now I think he’s panicking.

“Paano iyong preparations ninyo sa kasal? Tapos na ba?” tanong ni Papa na hindi ko nasagot.

Nagpatuloy ako sa paglalagay ng earrings. Nakita ko sa salamin na kumilos si Sibal at nagsuot ng kulay gray na long sleeves bago hinarap ang laptop.

“Kasalukuyan kong inaayos. Nagpapatuloy po sa Costa Leona ang preparations…”

Nag-angat ako ng tingin sa salamin para magtama ang aming mga mata. Nagtaas siya ng isang kilay sa akin.

Who told you to continue the preparations, huh?

“Sasama po si Papa bukas ‘pag uwi namin…”
Tumawa si Papa. “Mabuti naman at nang makapag-usap kami ng maayos!”
“May isang hiling po sana ako sa inyo…”
“Ano ‘yon, Engineer? Kahit ano, walang problema syempre. You’re going to be my son in law!” Tumawa ulit si Papa.

I rolled my eyes. He’s so thrilled that he can’t stop laughing. Should I be worried?

“Hindi talaga ako nagkamali noong niyaya ko si Achilles na ipagtrabaho ka sa hotel bago ako umalis noon…”

Father gave another hearty laugh. Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok. Nagkatinginan kami ni Sibal pero mukhang hindi siya nagulat sa sinabi ni Papa.

He what?

“Ano ‘yong hiling mo, hijo?”

I swear I think Papa’s crying because of too much happiness right now!

“Hindi ko po sana pagtatrabahuin si Snow sa The Coast habang buntis siya. At gusto ko pong sa Maynila kami manirahan pagkatapos ng kasal…”

I turned to face him. He had all of these planned out, huh? And he didn’t even ask me if I’m ready to marry him yet!

“Sino ang mag-aalaga sa hotel, kung ganoon?”
“Sige, hijo. Solomon can handle the hotel, for sure. Since, ayaw talagang umuwi ni Maria Emilia. Alam kong ganito na talaga ang sunod na hihingin mo sa akin at mainam din iyon dahil ayaw kong maghirap si Snow habang buntis.”
“Papa, si Tito Solomon? What about his own business?” nasingit ko.

Tumayo si Sibal at kumuha ng suit sa loob ng walk in closet. Hinarap ko ang laptop sa akin at sinundan ko siya ng tingin habang inaayos ang mga huling butones ng kanyang damit.

“He can handle it. Besides, ang trabaho ni Engineer Riego ay nasa Maynila. He only went back to Costa Leona for the renovation when he can clearly let his other mates do the job. His job is done at our hotel so you two can stay in Manila after the wedding…”

Napakurap kurap ako. What job is he talking about and who says the wedding is still up?

“Take care sa lakad ninyo, hija. Huwag kayong masyadong magpagabi at makinig ka sa asawa mo. Huwag matigas ang ulo.”
“Wala po akong asawa…” malamig kong sinabi kay Papa.

Sibal turned to me and he gave me a deadly look. Nagkibit ako ng balikat at bumaling muli sa laptop.

“I’m gonna check on Solomon to tell him about it.”
“Okay, Pa…” pagkatapos noon ay namatay agad ang linya sa Facetime.

Umiling ako at nilubayan na lang ang laptop ni Sibal. Humarap muli ako sa tukador.

“Are you wearing that?” tanong niya pagkatapos ay tumingin sa aking stilletos.
“I can handle it. Don’t worry…” sabi ko.

Wala na rin naman kasi akong ibang maisusuot. Ang binili niya sa aking sapatos ay flats na hindi babagay sa damit ko ngayon. Lalo na sa pupuntahan namin.

Nagyaya si Brenna at Cissy na magpaparty bago ako tuluyang bumalik ng Costa Leona. Actually, they want to call it a “bridal shower” but I told them not to make it like that since I’m still confused if I should marry Sibal. Syempre, pinagalitan ako pero pinagbigyan din.

I still have hang ups with the phonecall I had with Katarina. At kahit na sabihing aalis na raw siya, mag-aabroad, hindi ko parin kayang tantanan ang galit ko sa kanya.

“Bakit hindi mo na lang sila imbitahan na kumain dito o ‘di kaya ay sa isang restaurant na lang?”

I turned to him annoyed. Humalukipkip ako. Ngumuso siya at nakapamaywang na.

“Eto nga ang gusto nila, hindi ba? Gusto ko rin naman ito kaya bakit mo ako pinipigilan?”
“Hindi kita pinipigilan. Gusto ko lang ipaalala sa’yo na buntis ka at hindi maganda para sa anak natin na lumalabas ang mommy niya at nagpaparty. The club is full of people, alcohol, and smoke, Snow. Even if you tell me that Revel isn’t really all that sorts unlike the others…”

Nagtaas ako ng kilay doon. How did he know? Sa loob ng limang taon, hindi ko na ikakagulat kung sa pagtira niya rito sa Maynila ay nalaman niya ang mga iyon, hindi ba?

“So? You don’t want me to go… Huh?”
“I don’t want you to go but if you insist, then I’ll just deal with it… Babantayan kitang maigi roon at kapag may hindi ako nagustuhan, uuwi tayo agad.”

Papayag din naman pala, e, ang dami pang sinasabi. Ang kulit ni Cissy at Brenna habang nasa sasakyan kami. Tawag sila nang tawag dahil naroon na raw sila. It’s just us… my closest friends. Bronson, his girlfriend, Brenna, and Cissy. Pero ang sabi ni Cissy, marami raw kaming kilala sa kabilang table kaya excited silang dumating ako.

Tuwid akong naglakad papasok sa loob. Sibal is just behind me when a group of men from a large table all looked at us. Taas noo kong inisnaban ang mga iyon kung hindi lang lumapit ang iba at nagtawanan pa!

Hinapit agad ako ni Sibal sa baywang at dinikit niya ako sa kanyang dibdib.

“Oh!” sabay sabay na sigaw ng mga lalaking kasing edad din niya.
“Kung ayaw mo, kami na lang!” sabi noong isa sabay abot sa likod ko.

Sinundan ko ang kanyang kamay at laking gulat ko nang naghigh five sila ni Sibal.

“I’m busy, Rai. Just go and have fun on your own…”
“Oh!” sabay sabay ulit sila at nagturuan pa.

They all look like they are having so much fun. May ilan pang may hawak na beer. May ilang naninitig sa akin at may iilan ding pamilyar. If I’m not mistaken, there’s twelve of them in front of me. Some were familiar.

“Good evening, Miss President…” sambit noong isang maputi sabay yuko at lahad ng kamay.

Agad na pumagitna si Sibal sa amin at bahagyang tinulak iyong lalaki. Tumawa ang lalaki at nilahad ang dalawang kamay bilang pag suko.

“Oh!” sabay sabay ulit ang lahat at nagtawanan.

Pakiramdam ko ay naculture shock ako sa nangyayari. I was not prepared to see his friends in front of me, all having fun like this.

“You are damn selfish, Riego. Ipakilala mo naman…” humagalpak ng tawa ang isa sa mga lalaking pamilyar sa akin.

That’s one of the Engineers from the conference. These are his friends! I even saw Eissen Phillips at the back of the man who tried to introduce himself.

“Snow…” malambing niyang tawag sa akin bago bumaling sa mga lalaki. “Mga kaibigan ko…” he mentioned the names of the man from behind.

I smiled at them but no one dared to shake my hand. Nagbibiruan pa ang iba at sinusubukan pero hindi rin tinutuloy. Abala si Sibal sa pagpapakilala sa akin sa mga naroon.

“Let’s start the damn Stag party, what the hell are you all waiting for!?” tanong noong isang Engineer.

Nanlaki ang mga mata ko. So… this is a stag party? And I don’t know why he doesn’t want to come here when his friends prepared this much!

“I’ll pass…” sabi ni Sibal.
“Anong pass? Ikaw nga ang dahilan bakit may ganito, aayaw ka pa…”

Some of them looked at me with hopeful eyes. Napakawalang hiya ko naman kung hindi ako papayag, hindi ba? I’m not the childish to stop them from having fun but a part of me is kind of mad about all of these…

Nilingon ko si Sibal. Panay ang iling niya sa mga sinasabi noong lalaki sa kanya. Nagtawanan silang lahat.

“Hey, you can stay with them. Malapit lang ang table nina Brenna rito…” sabi ko sabay tingin sa kanina pang nanonood na mga kaibigan ko.

Compared to the large table they have that’s full, parang ang lonely ng lamesa nina Brenna. Parang masyadong pormal.

“Hindi na… Tara na…” aniya sabay hila sa akin paalis doon sa mga kaibigan niya.
“Aww…” bakas ang lungkot sa mga tinig ng lalaki, kung hindi lang nagkakantyawan pagkatapos ay tingin ko’y maniniwala na ako.

Ngumiti ako sa kanila sabay tingin ulit kay Sibal.

“I’m serious. Malapit lang ang lamesa natin, oh. It’s just a couple of tables away so I don’t really mind. It’s your chance to be with them since we’re going home tomorrow…”
“Ihahatid kita sa lamesa ninyo…” walang pag-aalinlangan niyang sinabi.

Sumulyap muli ako sa mga kaibigan niyang medyo kumalma na sa tawanan ngayon. They are all damn good looking and they all look successful, too. I wonder of the times they’ve been in a bar? At sa tuwing narito ba sila, o sa kahit anong bar, ilang babae kaya ang lumalapit kay Sibal?

“Hi!” napapaos na bati ni Brenna sa akin sabay beso.
“Hi!” I said in a happier tone since kagagaling lang namin sa mga maiingay na lalaki.

It’s weird coming here on our table and be greeted by silence when the previous table was too loud.

“Doon na muna siya sa kanyang mga kaibigan. They planned something for him so…” nagkibit ako ng balikat.
“Mamaya na, Snow. Ayos lang ako rito…” si Sibal.

Bronson, Cissy, and Brenna looked at us awkwardly. I don’t know why it’s so weird and I don’t like it.

“Sibal, please? Just go…” mariin kong sinabi.

Malamig niya lamang akong tiningnan. Umupo ako sa sofa, not giving any room for him so he’ll do as I told him.

Hinawakan niya ang lamesa at ang isang kamay ay nasa backrest ng sofa. Yumuko siya at tinagilid ang ulo para mahalikan ako. He wetted my lips with his and sucked on it a bit.

Parang nagliyab agad ang bawat hibla ng aking mundo sa ginawa niya. Tumuwid ako sa pagkakaupo. I shut my legs and tried to act calm as possible.

“I’ll be watching you. I’ll take care of your table at huwag kang iinom…” babala niya. “Kung hindi, iuuwi kita…”

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Maagap niyang giniya ang baba ko para maharap siya. Seryoso ang kanyang mga mata.

“Understand?” he asked.

I looked away again only to find myself glancing at him once.

“Do you understand, Snow?”
“Yeah…” tumango ako.

Umangat ang gilid ng kanyang labi at pinakawalan ako. Tumayo siya ng maayos at nilingon na ang mga kaibigan. Umalis siya at ilang sandali ay sinundan niya na ako ng tingin.

He blends in with them. Halos mabali ang leeg ko sa kakatingin. Kung hindi ko binalik ang mga mata ko sa aming lamesa ay makakalimutan kong nandito nga pala ako sa kanila.

“Ang tahimik n’yo, huh?” sabi ko nang napuna ang katahimikan.

Brenna is drinking a large shot of Patron. Si Bronson ay hinihipuan ng girlfriend niya sa harap ko samantalang nakatingin lamang ito sa amin. Cissy was smiling at me.

“Brenna, do you have a problem?” tanong ko nang nakitang isang shot muli ang nilagok niya.
“Eissen is in your boyfriend’s crowd…” si Bronson.
“Yeah. So?”

Kumunot ang noo ko at napagtantong nagkaroon nga pala ng something si Eissen at Brenna. Parang kinilig si Brenna sa kanyang iniinom bago humarap sa akin.

“Nothing! Duh!” iritadong tinapunan ni Brenna si Bronson ng tingin.

Bago makapagsalita si Brenna ay may dumalaw ng babae sa aming lamesa. She’s our common friend so we got busy talking to her.

Eventually, too, girls flocked on their table while we were busy talking to some of our friends who happens to be on the same bar. Natatangay madalas ang atensyon ko ng mga kakilala rin namin kaya hindi ko matuon ang atensyon sa kabilang table.

“Snow!” sabay beso ni Rene, isang matagal ng kaibigan ng pamilya simula pa noong namulat ako rito sa Maynila.

His large frame didn’t compliment his real colors. He laughed so hard at Bronson’s joke. Tinampal nito ang braso ni Bronson bago bumaling muli sa akin.

“Kumusta? I haven’t seen you in a while. Uy, you’re chain of hotels are doing good right? It’s almost always featured by asian magazines…”

I smiled. Nalingunan ko si Brenna na abala na rin sa pakikipag besuhan sa iilang pamilyar na showbiz personality na ka edad lang din namin. Some of them, I know. But most were new to me.

“Hi, Snow! How are you?” a friend called.

“I’m good…” then turned to Rene immediately to say something.

Nalibang na si Bronson sa mga dumating. Girls gathered around our table because of Brenna. Some even wants a picture of her! Cissy was greeted with a childhood friend, too.

“Yes. It’s actually a great honor to be featured by foreign magazines. Form of advertisement na rin…”

He smiled. Parang ‘di naman interesado sa sasabihin ko tungkol sa business. Inangat ko ang hinatid na orange juice sa table. I didn’t order anything other than sparkling water so I assume it’s from Sibal.

“So… Wala ka talagang plano mag showbiz, ‘no? Unlike Amber…” aniya, tunog disappointed.
“Not my kind of thing, Rene. I don’t like to be in the spotlight that way…”
“Oh well… Pero nga pala, sayang din ang pinsan mo at nagback out siya sa isa sa mga malaking show na inoffer sa kanya! For abroad and a peaceful life. People expected so much from her since she’s got the grace of Maria Emilia Galvez…”

Ngumiti ako, hindi na alam ang sasabihin. He smiled awkwardly, too.

“Do you have news why she’s abroad?”

Well, I know for sure that she might be fishing information for some cheap magazine and create an issue.
“They just want a peaceful life. She’ll probably settle down abroad since doon din ang gusto ni Tita.”
“Oh… That’s too bad, really. She had a lot of potential…”
“Rene!” tawag ng kausap ni Brenna.
“Yes?” he turned to them.
Brenna looks like she’s ready to commit a crime.
“Narito pala si Eissen sa kabilang lamesa!” anito.
Nagkatinginan sila at agarang nagtuksuhan. Ngumiti ako at pinagmasdan silang nagtatawanan habang tinutukso si Brenna.

“Inimbitahan mo pala rito?” tanong ni Rene kay Brenna.
“No… Nagkataon lang. We’re not really talking anymore since he’s busy with work… At, nakalimutan ko na ‘yon! It’s part of the past now…”
“Weh? Or you’re maintaining your distance since the fans are already speculating and all the hate is directed at you?”

Umirap si Brenna at nginiwian na lang si Rene.

Naghagikhikan sila. Cissy snorted. Nagtawanan muli.

“Oh my God! Who’s that?” Rene said in an exaggerated manner.

Ang ibang mga kasama niyang babae ay sumama sa kanyang paglapit sa kabilang lamesa. Sinundan ko sila ng tingin at nang nakita kung sino ang nilapitan ay binalik ko na ang tingin sa aming lamesa.

Seriously? Si Sibal na seryosong kausap ang isang Engineer ay ginulo nila at kinausap.

“Uh-oh…” sambit ni Brenna na ngayon ay nakatingin sa likuran ko kung nasaan ang kabilang lamesa.
“Snow, dito ka…” natatawang sinabi ni Bronson.

Matalim ko siyang tiningnan. I know what he meant by that. He wants me to watch whatever was happening behind my back.

“Come on. It’s interesting!”
Sumimsim ako sa malamig na orange juice habang tinititigan si Bronson. His girlfriend is not pleased beside him but I couldn’t care more.

The music from the club boomed. Halos malunod ang mga usapan at tawanan dahil sa ingay. Marami ang nagyayayaang pumunta ng dancefloor samantalang sa aming lamesa ay sobrang tahimik at nanonood sa kung anong nangyayari sa kabila.

“Seriously, don’t we have anything better to do than watch whatever was happening there? tanong kong walang pumansin dahil panay ang panonood nila.

I heard laughters from the other table kahit na sobrang ingay na ng buong lugar. I’m itching to watch pero ayaw kong magpatalo.

Si Sibal ang ipinunta ni Rene roon. I can only imagine his offers for him like joining the showbiz. The girls he brought might be all over him now. The thought of it made me shiver. Iniisip ko kaagad na kukunin ko ang pangalan ng babaeng umaaligid at pati ang family background niya. Heck, I’m being paranoid. I’m turning into a monster. Not sure if it’s because of my hormones or I’m naturally like this.

Naalala ko tuloy ang mga sinasabi nilang para akong si Tita.

Nang napuno ako ay tumayo ako at umupo na sa tabi ni Brenna.

Humalakhak si Brenna. Tumayo naman si Cissy para palitan ang binakante kong upuan sa harapan. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa kung nasaan si Sibal. Naabutan kong nakatingin siya sa akin habang kausap si Rene. There’s a girl on his right and the girls in front looked really attentive.

Nagtiim bagang ako. Calm down, Snow. Well, it doesn’t matter. If he likes those other girls, it should be fine. For days I believed he liked Katarina. Anong dipirensya niyon sa mangyayari ngayon.

Nag-iwas ako ng tingin.

“You know what, you guys are too silent and boring here. We came here to party so why are we all just watching?”

Parang nabuhayan si Brenna sa sinabi ko. Ngumisi siya at tumango sa akin.

I tried to look at the other table again. Tikom ang bibig ni Sibal ngayon. Masyadong seryoso ang mga mata. His hooded eyes pierced through me like he wants to know what I’m thinking through my eyes. And hell, I think he even found an idea he didn’t clearly like. Imubos si Brenna ng dalawang shot ng Patron bago tumayo. Hinatak niya ako dahil masyado siyang nabagalan sa kilos ko. Nagtawanan kaming dalawa nang nakarating sa dancefloor.

Familiar men were dancing just beside us. Kahit na maingay ay nagawa parin ni Brenna na ipaalala sa akin kung bakit pamilyar ang mga lalaki.

“Do you remember Dave, Snow? Siya ‘yong may ari ng company ng mga furniture na isa sa pinagpilian mo para sa The Coast Boracay…”
Naliwanagan ako roon kaya tumango ako at naglahad ng kamay.

Unconsciously, my eyes flew to the table where Sibal is. Nakahalukipkip siya ngayon at nakatingin sa akin. Madilim ang kanyang mga mata habang may binubulong si Rai sa kanya ng kung ano. They were both standing and looking at us. Eissen stood beside him holding his bottle of beer, sight seeing.

Busy na si Brenna sa paghahanap ng kakilala sa dancefloor. Naagaw ng atensyon ko ang aming lamesa kung nasaan nagwalk out ang girlfriend ni Bronson. Pilit na pinaupo pabalik ni Bronson ang kanyang girlfriend. Hinila niya ang bag pero sa huli ay nakawa rin. Babanggitin ko sana iyon kay Brenna ngunit may pinalapit pa siya sa aking isa na namang lalaki.

Well, I don’t have a problem with what she’s doing. In fact, nakakatulong nga iyon para maalala ko ang mga taong nakilala ko na noon pero hindi naman tumatak.

I just hate the part that she’s more interested with meeting some people, not dancing. I came her to dance not to talk so…

I raised my hand up in the air. Dahan-dahan sinabayan ko ang electronic music. I’m glad that some people on the dancefloor thinks the same way. Hindi iyong gusto lamang ni Brenna na makipag-usap.

I nodded my head with the beat of the music. Hinagod ko ng haplos ang aking hita hanggang sa aking baywang pataas bilang pagsabay sa indayog ng musika. It feel so good to dance and forget about all the stressful things I experienced the past few days.

Inangat ko ang tingin sa kung nasaan ang lamesa nina Sibal. His friends were already standing too, ready to dance. Naroon parin siya sa kinatatayuan niya, nakahalukipkip, mariing nakatikom ang bibig, titig na titig ang madilim na mata sa akin. His dark and thick eyebrows does justice to his gray eyes. His clenched angled jaw told me he’d been holding anger for damn too long.

Hinagod ko ulit ng haplos ang aking hita pataas ng aking baywang at dibdib. The hem of my dress slightly went up exposing more skin on my thighs. Inayos ko rin naman agad. That was an accident.

Nilingon ko siyang muli at nakita kong nanatili siya sa kinatatayuan niya. He looked so stiff even when his friends were laughing at something. Isang babae ang sumayaw sa gilid niya. Nagtawanan ang kanyang mga kaibigan. They all cheered at him. Maybe that was their plan for his Stag Party.

Sumimsim siya sa iniinom na hard liquor, not taking his eyes off me. The girl beside him talked to him seductively pero tila hangin ito dahil wala siyang tinitingnan kundi ako.

I licked my lower lip and did it again. Inangat kong muli ang tingin sa kung saan nakatayo si Sibal ngunit nang nakita kong wala siya roon ay natigil ako. Ginala ko ang mga mata ko sa kalapit na mga lamesa ngunit wala siya. Wala na rin doon iyong babaeng katabi niya kanina.

“Snow! Let’s just dance… Come on!” Brenna mimicked what I just did.

Ngumiti ako at sinubukang sumayaw ulit ngunit masyado na akong disturbed kung nasaan na si Sibal dahil wala na siya roon sa nakasanayan kong lugar.

“Sige na!” Brenna caressed her hair to mimick my usual moves.

Tumawa ako at nagpatuloy na lang sa pagsasayaw. Kalimutan ko na lang iyong pagkawala ni Sibal. He’s probably out for the bathroom.

Nang haplusin ko ang aking hita, a big and warm hand covered my fingers. Isang malambot na halik ang lumapat sa aking leeg. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Alam ko na kaagad kung sino.

“Why don’t you just enjoy your Stag Party. The girls are flocking to your table, huh?” sambit ko.
“I’m enjoying my Stag Party…” bulong ni Sibal habang pinipirmi ang aking baywang.

He sniffed on my neck. Nang dumikit ako sa kanyang likod ay naramdaman ko kaagad kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Gusto kong mangiti pero pinigilan ko ang sarili.

“Sibal, doon ka na muna sa Stag Party mo. I’m fine here…”
“Stop seducing the males on the dancefloor, Snow. You are very pregnant and we’re getting married,” tila wala akong sinabi sa pinuna niya.

Nagtaas ako ng kilay at mas lalong sinabayan ang malamyos na tunog ng musika. I heard him curse a couple of times as his maleness grew harder behind me.

“You don’t have to marry me because I’m pregnant, you know. I can move the wedding… or forget about it-”
“The fuck you are…” he hissed.

Pinalupot niya ang kanyang braso sa aking baywang. His other hand cupped my breast sensually as the people on the dancefloor moved blindly with the electronic music.

“Shit…” bulong ko nang naramdaman ang pangangatog ng aking binti.

He started moving behind me, back and forth. Bawat pagtama ng kanyang umbok sa aking likod ay mas lalong nagliliyab ang nararamdaman ko. Beads of sweat formed on my forehead and the coldness of the aircondition is no longer felt.

His lips showered tender kisses on my neck as he continued to dry fuck me from behind. I was so sure he’s doing this on purpose. He knows my hormones are insane because of my condition. Damn you, Sibal!

“Sibal…” I called him when I felt so weak.

I just want him to carry me fucking out of this place. To go home to his condo and just climb on top of him! My flesh felt terribly sensitive and wet. I shut my legs and welcomed his every move from behind.

“Let’s… go home…” hindi ko inasahang ako pa talaga ang manghihingi nito sa kanya.
“Hmm?” sinikop niya ang buhok ko at nilagay sa kanang balikat.
“Sibal, please, let’s go home…” utos ko.

All my rational thoughts are gone.

“Why? What do you wanna do?” he said as he tenderly kissed the back of my ears. “Huh?”
“Please…” hinawakan ko ang kanyang braso para may suporta.
“No… Pakasalan mo muna ako, Snow.”
“Huh?” halos may pagmamakaawa sa boses ko habang patuloy ang ginagawa niya sa aking likod.
“I wanted to marry you so much years ago. Now, nothing has changed. I’m not marrying you because you’re pregnant, baby. You’re pregnant because I want to marry you… Kaya… kung hindi ka titigil sa kakatulak mo sa akin, hinding hindi kita hahawakan hanggang hindi tayo kasal…”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I feel so weak all over. His tight arms were my only hope so I can stand properly.

“Woooh!” the crowd suddenly boomed!

His friends are mine were around us habang may pumuputok na mga champagne bottles. They all danced and celebrated!

“Congratulations!” bati ng mga lalaki.

Tumigil si Sibal sa pagsasayaw sa akin ngunit tila alam niya ang nararamdaman ko. Hindi niya inalis ang kamay niyang nakapalupot sa akin. Mabuti na lang para hindi ako tuluyang mabuwal.

Mainit ang pisngi ko nang hinarap ang nagngi-ngising asong mga kaibigan ko. Rene and the other girls were there too. He smiled awkwardly at me.

“He’s you fiancee?” aniya sa akin.
“Yeah…” halos walang lumabas na salita sa aking labi.
“Oh! I didn’t know. I thought he’s one of Eissen’s brit friends!” pumalakpak siya.

The girls from behind talked for a while pero nakisaya rin kalaunan. Men poured the wine to their flutes.

“Cheers!” Eissen said loudly.

Pinagtama nila ang mga wine glass at agad na nilagok ni Sibal ang sa kanya. Then he returned his wine glass on the tray.

“We’re going home… My wife is very, very sleepy…” he smirked at his friends.

Ngumuso ako at mas lalong pinamulahan. Damn it!

“Right, Snow?” he turned to me.

Nagkatinginan kaming dalawa. His fiery eyes told me that he’s doing this on purpose. He’s testing my answer. He wants me to agree that I am his wife!

“Yeah. I’m sleepy…”

They all cheered at that. Natawa na lang ako at mas lalong pinag-initan ng pisngi. Hinigit ako ni Sibal at nagpaalam na siya sa kanyang mga kaibigan. His arm is wrapped around me and he’s tracing small circles at my back making me dizzy.

Nagtiim bagang ako para pigilan ang nararamdaman habang nagpapaalam siya sa kanyang mga kaibigang naroon.

I think I’m so flushed. Hindi ko matingnan ng diretso ang mga kaibigan ko at mga kaibigan niya. Nahihiya ako. Pakiramdam ko alam nilang lahat kung ano ang gusto ko sa gabing iyon.

Pinatunog ni Sibal ang alarm ng kanilang sedan. He opened the door for me. I held on to his arm even when it’s not really necessary. Nagkatinginan kaming dalawa. Nagtaas siya ng kilay at hinayaan akong gawin ang gusto ko.

“Isasarado ko na…” aniya.

Tumango ako at dahan-dahan siyang binitiwan para masarado ang pinto. Hinilig ko ang aking ulo sa backrest para pakalmahin ang aking sarili ngunit mas lalo lang nagbaga ang nararamdaman ko. Is he really serious with what he just told me on that dancefloor?

Pumasok siya sa loob ng sasakyan at pinaandar niya agad ang makina nang ‘di man lang ako tinitingnan.

“Are you sleeping on our room?” malambing kong sinabi habang tinititigan siya.

His arm stiffened at my question. Pakiramdam ko ay mababali niya ang manibela kung ipagpapatuloy niya ang pagpipirmi ng braso.

“No… Sa kabilang kwarto ako…” aniya.
“But… the big is large… and very warm…” I smiled sweetly.

Sumulyap siya sa akin. Pagkabalik sa kalsada ng mga mata ay nakitaan ko ng paglalaro iyon. He smirked.

“That’s good for you. Ayos lang ako sa kabilang kwarto…”

I feel so damn frustrated. Pakiramdam ko ay tototohanin niya talaga ang sinabi niya kanina. Ibig sabihin, kahit sa Costa Leona ay baka…

“Pagkabalik natin ng Costa, sa bahay mo ba ako titira?” tanong ko.
“Pwede. The renovation on your mansion is done, though… Kung gusto mo, sa mansyon ka na lang muna tumira hanggang sa ikasal tayo.

Hinawakan ko ang braso niya. Sumulyap siya sa kamay kong nakahawak doon. Pakiramdam ko ay seryoso talaga siya sa sinabi niya sa akin. Hindi ito ang unang pagkakataong sineryoso niya ang bagay na iyon.

“Can we… move the wedding… to an… earlier date, then?” halos hindi ko makilala ang sarili kong boses. Masyadong malambing.

He licked his lower lip. I can sense his impatience within his dark brooding eyes.

“Yes…” napapaos niyang sinabi.
“Kailan? Gusto ko… agad…”
Pumikit siya ng mariin at napamura. “Agad…”
“Kailan?” kulit ko.

Ngumuso siya para magtago ng ngiti. Nang tinigil niya ang sasakyan sa basement parking ng condominium ay bumaling siya sa akin.

He leaned on to kiss me slowly and thoroughly. I tried to kiss him hungrily but he shuts me out everytime I go wild.

“I think I’m madly in love with you…” Umiling siya at ngumiti.

Hinawakan ko ang kanyang panga at siniil siya ng mainit na halik.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

2 Responses to Scorching Love – Kabanata 50

  1. Just finished reading this story po at grabeeeee! Napakaganda ng storya! Yung Waves of Memories po ba ay continuation nito or ibang storya naman po sya sa Costa Leona?