Scorching Love – Kabanata 49

August 29, 2016 By In Scorching Love 1 Comment

Kabanata 49
Sorry

Kinaumagahan, binati ako ng pagduduwal. Agaran ang pagtayo ko nang naramdaman ang alon sa nagwawalang tiyan. Dumiretso ako sa banyo para magsuka. Ang malamig na tiles ng banyo ang naging kasama ko habang nakaupo sa harap ng inidoro. Kulang na lang ay pati ang mga internal organs ko ay maisuka roon. In fact, I want to vomit all of them if that’s what it takes for all of these to stop.

Nang bahagya akong natigil, tumutulo na ang luha ko. It’s awful. I can’t take another day like this!

Humilig ako sa tiled wall habang pinupunasan ang luha ko. Natigil ako nang muli akong naduwal.

“Snow!”

Dumating si Sibal at nang nakita ako roon ay lumuhod siya agad sa aking tabi. Hindi niya pa ako nahahawakan ay tinulak ko na siya palayo.

“Get out!” sigaw ko.
“I want to help you…” mariin niyang bigkas.

My tears rolled under my eyes. I feel like I’m a mess. Ni hindi ko man lang na check ang mukha ko kanina sa salamin pero sigurado akong hindi kaaya aya ang aking itsura.

Sa gilid ko, hindi alam ni Sibal kung paano ako hahawakan. Sinikop niya ang buhok ko para hindi iyon gumulo lalo pero imbes na matuwa ay mas lalo lang akong naiirita!

Nang tumigil ako sa pagduduwal ay binigyan niya agad ako ng tissue. Marahas ko iyong dinampot at pinahid sa aking labi. My tears kept on falling. I feel like I’m the ugliest person alive and he probably regret he even had sex with me for revenge purposes.

“Umalis ka rito! Hindi ko kailangan ng tulong mo!”
“Gusto kong tumulong, Snow…” mahinahon niyang sinabi.
“Gusto mong tumulong!? Makakatulong ka kung umalis ka! Umalis ka!” sigaw ko.

Kitang kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. It was like he’s confused if he should do what I said or not.

“Out, Sibal!” sigaw kong muli.

His strong shoulders fell at my words. Huminga siya ng malalim at dahan dahang umamba na aalis.

Inatake muli ako ng pagduduwal. I faced the toilet, not caring if he’s still there or not. Nang kumalma ang aking sikmura ay unti unti na akong tumayo. Sumunod naman si Sibal. Umalis siya sa bathroom. Sinarado ko ang pinto at tiningnan ang sarili sa salamin.

Hindi nga ako nagkakamali kanina. I look like a mess. Namumugto ang aking mga mata at pulang pula ang aking mga pisngi. Halos walang kulay ang aking labi at medyo magulo ang aking buhok. The doctor said it will be hard for the first trimester but I didn’t know it’s this hard.

I cried at the sight. Gusto ko na talagang bumalik ng Costa Leona. Gusto kong mapag-isa at alagaan ang sarili kong mag-isa. Kaya ko iyon. Hindi ko kailangan ang tulong ni Sibal. Thinking about him being forced to be with me just because of his child is disgusting.

Binasa ko ng tubig ang aking mukha. I’ve decided to do it. I’ve decided to face him and tell him about it. Pagod na ako rito. Pagod na akong makipaglokohan sa kanya. Kung gusto niyang maging masaya, papakawalan ko siya.

Naligo ako at nagbihis sa loob ng banyo. Sinusuklay ko ang mahaba kong buhok habang iniisip kung paano ko siya kakausapin ngayong paglabas ko. May hair drier sa kanyang banyo. Ginamit ko iyon para patuyuin ang buhok habang metikulusang hinanda ang sasabihin ko sa kanya paglabas.

When I went out of the bathroom, nagulat ako nang nakita ko siyang naglapag ng tray sa kama. He’s just wearing a white t-shirt and a gray shorts, gaya ng suot niya kanina. His hair is a bit messy.

May breakfast sa tray at may orange juice pang kasama. But that’s not what I want not…

“Hinatid ko lang ito rito…” paliwanag niya. “Ayos ka na ba?”

Imbes na sagutin ang tanong niya ay binalewala ko iyon.

“Hindi ka ba pupunta sa conference?”

Umigting ang panga niya pagkatapos ng tanong ko. Binaling ko ang tingin sa tray at nilapitan iyon. Umupo ako sa kama at bahagya iyong umuga.

“Bakit?”
“Hindi ba importante iyon? You should go. I’m fine here…” mariin kong sinabi.
“Hindi ako pupunta…”

My eyes shot up to his. Kitang kita ko ang pag-iingat niya sa mga sasabihin.

“You should go and talk to Katarina. Malay mo, talagang maaayos kayong dalawa kapag nag-usap kayo roon. Plus, it’s work. You’ll have more money if you go there…”
“Anong maaayos sa amin ni Katarina?” nagtaas siya ng kilay.

I hate that he’s still denying it when it’s all so clear. I hate that his mask is still on when it’s obvious I know.

Tumayo ako para harapin siya. My blood boiled at his innocent mask. He can’t fool me.

“Ayusin ninyo na ang relasyon ninyo! I’m only pregnant, Sibal. I’m not dragging you to the altar just because of it!”

Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko. Bumagal ang kanyang paghinga at humakbang siya ng isang beses.

“Anong relasyon namin ni Katarina, Snow?” marahan ngunit mariin ang tanong niya.
“Hah!” I mocked.

Pinagplanuhan kong mabuti na aayusin ko ang pagkakasabi sa kanya nito pero masyado yata akong nagpadala sa emosyon ko. My seething anger is dripping like acid within my voice and I can’t control my words. My heartbeat is fast from the anger I’m feeling.

“Huwag mo na akong lokohin! Did you set all of these up just to prove that you really can seduce woman in just a blink of an eye? Revenge?”

Hindi siya nagsalita. His angry eyes told me that he wants to hear more about what I’m saying and yes, I’m giving him that satisfaction para sa wakas ay makabalik na ako ng Costa Leona at maging mapayapa na muli ang buhay ko.

“You’re in a relationship with Katarina, right? Whatever it is… whether serious or not, I don’t freaking care!” nanginig ang boses ko. “Hindi ako ganoon ka in love sa’yo para magpakatanga! Hindi ako desperada para gamitin ang pagbubuntis ko para lang mapilit kitang sumama sa akin. You go and stay with her here or at whatever suite you’re in and leave me alone. Kung gusto mo talagang tumulong sa anak ko, bibigyan na lang kita ng listahan ng mga kailangan mong bilhin complete with its price kahit na hindi ko naman kailangan ng tulong mo. Hindi mo na kailangang magpakitang tao rito!”
“Anong pinagsasabi mo, Snow-”
“I want to go back to Costa Leona without you! I want you to get away from me!” sigaw ko, nangingilid na ang luha.
Pumikit siya ng mariin. “Ilang beses ko dapat sabihin sa’yo na wala kaming relasyon ni Katarina? Hindi ba nagkaliwanagan na tayo-”
“Oh really? Like… not ever? You didn’t kiss her? You didn’t fuck her… at all? After all of these years, you didn’t? Kung ganoon, anong ginagawa ninyo sa loob ng suite na iyon? Prayer meeting?”

Nalaglag ang panga ni Sibal sa sunod-sunod kong paratang. Wala na akong pakealam. My tears fell down like waterfalls. I couldn’t stop it even if I want to.

“Anong suite? What the hell is wrong with you, Snow!?” kumunot ang kanyang noo at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang aking palapulsuhan. Agad kong hinawi ang kamay niya. Umatras ako pero humakbang siya palapit. Mabilis ang kanyang paghinga, ramdam ko ang takot sa kanya. He held both of my wrists even when I kept on slapping his hand and his chest painfully.

“I called you… to tell you that I’m pregnant!” humikbi ako. “Siya ang sumagot, hindi ba? Sinasabing nasa loob ka ng banyo at naliligo! Fuck you, Riego!”
“Ano?” Pagod siyang umiling. “Hindi kami kailanman nagpunta sa isang suite-”
“You liar!” sigaw ko.
“Do you think I’d lie to you after all these years, Snow?”

Hindi ako nakapagsalita pero patuloy ang pag-iyak ko.

“Ganoon ba ka baba ang tingin mo sa akin para isipin mong naghihiganti ako sa’yo at nakikipagkita sa ibang babae pagkatapos kong sabihing mahal kita?”

Nanginginig ang labi ko. Nangangatog ang tuhod ko. Para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko kung hindi niya lang hawak ang nanghihina kong mga kamay.

“I’ve never been a fan of games and tricks, Snow. I hope you remember that,” aniya.

Mabibigat ang hininga ko. Pinalis ko ang luha sa aking mga mata at pilit na kinakalma ang aking sarili. Binitiwan niya ang kamay ko at napasandal ako sa glass window sa gilid ng ulunan ng kama. Kinulong niya ako roon. His hands leaned on the sides of my arms and he bended a bit for our gaze to meet.

“Tumawag ka at sinagot ni Katarina?” tanong niya sa marahang boses. “Kailan?”

Hindi ako nakapagsalita.

“The day before you came here? Ang sabi ni Kael, gabi ka dumating ng Maynila kasama si Stav. You stayed with Stav that night…” ang ugat sa kanyang panga ay humigpit. “Thoughts of you with Stav in the same room kept on haunting me since yesterday but I didn’t lash out on you because… I trust you…”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko siya matitigan ng diretso. His intense gaze seems like the eyes of an angry angel trying to judge me for all the faults I did. Hindi ko magawa dahil alam ko sa kaibituran ko may kasalanan din ako kahit paano.

“You fucked my mind too much na hindi ko na alam ang uunahin ko noong hindi na natatawagan ang cellphone mo at walang nagsasabi sa The Coast. I came to the airport early morning yesterday to catch a flight to Caticlan only to find out you’re here in Manila with Gustav, Snow. Ikaw ang ikababaliw ko. Hindi ang trabaho, hindi ang kahit ano. Ikaw.”

Nagningas ang kaonting pag-asa ng aking dahilan sa aking utak. I managed to look straight in his eyes to say it.

“I don’t care! You and Katarina were on it on that suite, don’t deny it! I came here to tell you about my pregnancy and to tell you that you don’t need to end your relationship with her!”
“I am ending my friendship with her from now on…” malamig niyang sinabi.

Hindi ako nakapagsalita. Yumuko siya/ He bit his lower lip.

“W-What?”

Nag-angat siya ng tingin sa akin.

“Nagsinungaling siya sa’yo. I left my phone at the table when I presented something for the board. I was presenting it for about three hours. Pagkatapos ng presentation, hindi na ako nakatanggap ng mensahe galing sa’yo. She has a suite pero hindi ako kailanman tumapak sa kanyang suite, Snow. Kahit gumamit ng banyo, wala…”
Nanliit ang mga mata ko. “This whole revenge thing you are planning-”
“Ang tanging plano ko rito ay ang pakasalan ka, Snow. And even when you’re not here in front of me, Katarina will only remain to be my subordinate and nothing more-”
“Then why the hell did she tell me that you’re showering in her suite’s bathroom? Na girlfriend mo siya? Na hindi naman ako nakaregister sa cellphone mo? Ha? Don’t lie to me, Sibal!” sigaw ko.

Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa at may minanipula bago ipinakita sa akin. Hinawakan ko iyon at nakita ang numero sa phonebook niya. Uminit ang pisngi ko sa nakita at agad niyang hinilig ang kanyang mukha sa aking leeg.

“She may be lying. I can’t forgive her…” bulong niya.

“My Baby Snow” Fucking corny name for a contact. Damn it! Ngumuso ako, nagpipigil sa pag-angat ng gilid ng labi.

“I… I… I’m…” hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
“You’re upset because of what she told you?” he sighed.

Hindi ako makapagsalita. Binaba ko ang kanyang cellphone at nilapag sa gilid ng kama.

Tumuwid siya sa pagkakatayo.

“At dahil diyan, hindi mo na suot ang singsing na binigay ko?”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Do you want to halt the wedding, too?” mahina niyang tanong.

Yumuko ako at hindi nakasagot. Nangapa ako ng mga salita pero imbes na masabi iyon ay biglang tumunog ang cellphone ni Sibal. Tiningnan ko agad iyon at nakita kung sino ang tumatawag.

Engr. Katarina Manuel – iyon ang nakalagay.

“Turn the call off.”
“It might be important,” halos mapaos ako nang sinabi ko iyon.
“Nothing is more important. Turn that off, we’re talking…” he ordered.

Imbes na sundin siya at pinindot ko ang pagsagot at nilagay ko iyon sa aking tainga.

“Hello?”

Sibal started kissing my neck softly. Hot butterfly kisses made their way from the back of my ear to my collarbones.

“H-Hello… Snow?” si Katarina.

Nagtiim-bagang ako. Why the hell is she calling him, anyway? Ang aga pa, ah?

“Yes, this is Snow. Bakit?”
“Nasa… labas ako ng condo unit ni Sibal. Nandito ba kayong dalawa?” nanginig ang boses niya.

Napapikit ako nang naramdaman ang kamay ni Sibal sa aking dibdib. Unwillingly, I pushed him away so he’d face me. His eyes were bloodshot and he looks so tired when he found my eyes.

“Oo, narito kami. Bubuksan na ni Sibal ang pintuan…” sabi ko bago binaba ang cellphone.
“What?”
“Your dear friend is outside. You should go and face her.”

Tila ba may pumukaw sa alab na nararamdaman niya at agad siyang nagtiim ng panga. Immediately, he turned towards the door and walked out of it. Pu pwede ko siyang hayaang harapin si Katarina sa sala ng kanyang unit kung hindi ko lang siya nakitaan ng galit kanina bago siya umalis.

Lumabas ako ng kwarto. Narinig ko ang pagputok ng lock at ang pagbukas ng pintuan sa sala. Sa hall naman ay maingat akong naglakad.

“Sibal, I came here to say sorry to you and to Snow…” panimula ni Katarina sa isang buong boses.

Sibal didn’t answer. Narinig kong may kinuha siya sa kusina. Unti unti akong lumapit.

“I… I did something very…” Katarina chickened out the last minute. She couldn’t say it.

Narinig ko ang paglapag ng tasa sa counter top bago nagsalita si Sibal. Halos mapatalon ako sa narinig na galit sa kanya.

“Mabuti at naisipan mong humingi ng tawad!”

Sobs from Katarina echoed on the whole of the living room. Natigil ako sa paglalakad at gusto kong bumalik sa kwarto kung saan hindi ko maririnig ang mga ito.

“I forgave you years ago after what you did to us because you said it’s all for me, Kat! Pero ngayon, para saan iyon, ha? Para saktan si Snow? Para sirain kaming dalawa?”
“Sibal, I just think she’s not good for you because everytime she shows up in your life, you always lose-”
“Hindi ko kailangan ng opinyon mo o ng kahit kanino!”

Sumabog ang, tingin ko’y, isang tasa. The breaking sound of glass echoed on the hall at halos napapikit ako roon.

“After all of those years she left you, hindi ka parin nadala, Sibal. Kaya gusto ko siyang subukan. Gusto kong tingnan kung-”
“Sino ka para subukan siya? Wala kang karapatang saktan siya, Katarina!”

Hindi na nakapagsalita si Katarina. Nalunod ang kanyang mga salita sa kanyang pag-iyak.

“I have never hurt a girl before, but if you do this to us I can’t promise you that will remain the same,” panganib at pagbabanta ang narinig ko sa tinig ni Sibal.
“I’m sorry…” humikbi siya.

Kinagat ko ang labi ko. Kahit na nagkamali si Katarina ay parang kay sakit marinig ng kanyang pag-iyak. With her cries, one can definitely prove that she is in love with Sibal. Noon pa man, alam ko na iyon. To have her love unrequited for years must be really painful. Kung ako ang nasa kalagayan niya’y baka mas malubha pa ang nagawa ko kay Sibal at sa babaeng minamahal niya.

“Sibal!” sabi ko at tuluyan nang nagpakita sa kanilang dalawa.

Ang mga bubog galing sa tasa ay nasa sahig. Katarina is just near the door, standing and crying so many tears. Nang nakita ako ni Sibal ay umawang ang bibig niya at agaran siyang lumapit sa akin.

“Stay on our room. I’m sorry…” banayad niyang sinabi habang hinahaplos ang aking balikat.
“Snow, I’m sorry…” maliit ang boses ni Katarina nang sinabi niya iyon.

She reached out but she’s too far to touch me. Sinipat agad siya ni Sibal at kitang kita ko ang galit at tigas sa kanyang ekspresyon habang tinitingnan niya si Katarina. The coldness in the way he looks at her made me shiver.

Katarina is dressed in a white body hugging dress just above her knees. Isang puti ring stilletos ang suot niya. Tingin ko’y bago siya aalis patungong conference ay pinili niyang pumunta rito.

“Yesterday at the hospital, Sibal, I tried to tell you all of these but you were too preoccupied and panicky so hindi ko tinuloy… Kaya narito ako ngayon sa harapan ninyong dalawa para humingi ng tawad sa lahat.”
“Get out of here, Katarina. That’s enough.”
“Sibal!” saway ko.

Nanginig ang balikat ni Katarina habang pinagmamasdan si Sibal. How it hurts to see a heart break into millions of pieces because of the desperation was very familiar. At kahit paano’y naawa ako roon.

“Please, just don’t do it again, Katarina…” sabi ko.

Pinalupot ni Sibal ang kanyang braso sa aking baywang at hinagkan niya ang aking pisngi bago bumulong.

“Bumalik ka na sa kwarto. Ako na ang bahala rito… please…” he whispered.

Tumangi tango si Katarina habang ngumingiwi. Pinalis niya ang luha sa kanyang mga mata at suminghot. Hindi ako nagpatinag sa gustong mangyari ni Sibal. Mananatili ako roon habang nandito si Katarina.

“You weren’t there when Tito Achilles explained to me how much he loved Maria Emilia, Sibal. At tulad nito, ganoon iyon. It was the obssessive kind… the heartbreaking kind… the dangerous kind… na tingin ko’y hindi tama dahil masyado iyong sobra. To hear that Snow is back and you’re both in Costa Leona, hindi ko kayang isipin na babalik ka ulit sa dati. Na magpapaalipin kang muli sa pag-ibig mo sa kanya kaya ko iyon nagawa. And when you chose to stay in Costa Leona instead of grabbing that opportunity we have abroad, nalaman ko na tuluyan ka na ngang bumalik sa dati dahil lang narito si Snow…”

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ko si Sibal. Bumaling siya kay Katarina. May offer sila abroad?

“You left the group because you choose to be here when you can be more successful abroad. It was clear that your decision is her… and your life with her… Kaya sorry dahil sinubukan kong baguhin ang isipan mo sa paraang alam ko… Snow, I’m sorry. Hindi ko alam na buntis ka. Nasaktan kita habang maselan ang iyong kalagayan.”
“Even when she’s not pregnant, you have no right to do that, Katarina,” mas marahang sinabi ni Sibal.
“I’m sorry,” Katarina said. “I hope you both can forgive me. We’ll be leaving next week for the project abroad. I’m sorry that I thought, I can change your mind…”

Nanatili ang mga mata ko kay Sibal. Bumaling siya sa akin at kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata.

“Ano?” marahan niyang sinabi.
“Kaya ka ba hindi sasama dahil?”
“Tss…” Umiling siya. “Kaya kong gumawa ng sariling pangalan dito sa Pilipinas. I don’t need to go abroad to prove my competence, Snow. And also, yes, I am not leaving you whatever the fuck you say to me now.”

Bumaling ako kay Katarina na ngayon ay patuloy parin ang pag-iyak.

“I’m truly sorry, Snow… I’m sorry…” she said it as new tears pooled in her eyes.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

111

One Response to Scorching Love – Kabanata 49