Scorching Love – Kabanata 48

August 29, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 48

Kabanata 48
Buntis

Ang liwanag sa isang silid ang dahilan kung bakit ako nagising. My body feels heavy and my head is throbbing. Kahit nakapikit pa ako ay ramdam ko na hindi ako nag-iisa dahil sa mga konting galaw at konting ingay sa loob noon.

Dumilat ako at bumangon agad nang naalala ang lahat ng nangyari! I remember my baby!

“Asan ako? Anong nangyari?” sabi ko sa kung sinong naroon.

Sapo ang aking ulo ay inangat ko ang sarili ko. Agad ay may umalalay sa aking isang magaang kamay.

“Nasa ospital ka po, ma’am. It’s okay… The baby’s safe. You just need rest…” a soft voice from a girl told me.

Nahanap ko ang babaeng nurse na nag-aalala. Hinawakan ko ang kanyang braso. Her assurance made me feel safe. Huminga ako ng malalim ngunit hindi ako humigang muli.

Sa malayong paanan ng aking kama ay lumingon si Sibal sa akin. He’s wearing the coat and tie he wore when I saw him at the hall. Nahimatay ako nang palapit na sa elevator. Kahit na tingin ko’y bumagsak ako, wala naman akong maramdamang sakit kahit saan sa aking katawan.

The way he looked at me is a mixture of anger and longing. Nakahalukipkip siya’t kausap ang isang, tingin ko’y, doktor, si Tito Solomon, si Brenna, Cissy, and… Tito Achilles.

My two friends looked so worried. Si Tito Solomon ay seryosong kausap si Tito Achilles na ngayon ay naka long sleeve polo’ng tinupi hanggang siko. He didn’t age after five years. If there are changes, it’s his hair. Medyo clean cut. Tumubo rin ang facial hair niya. Then I quickly changed the direction of my eyes to the man beside him.

Sibal turned to me. Lumapit siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. For sure now he knows about my condition. Hindi iyon naging maganda. Hindi iyon ang pinlano ko kung paano ko sasabihin sa kanya.

Right. My plan was to tell him on the phone para surpresahin siya pero hindi naging maganda ang nangyari. And now I came here in Manila to tell him that myself but it didn’t turn out good. Dapat ay ako ang nagsabi noon.

“Sibal, dahan-dahan. Alam mong…” hindi nagpatuloy si Tito Achilles sa sasabihin.

Papalapit pa si Sibal sa akin ay naunahan na agad siya ng mga kaibigan kong si Brenna at Cissy. They both looked so worried. Abot-abot ang mga tanong nila at marahang yakap.

“We were worried. And my God, you went to Stav’s house?” halos pa histerya na tanong ni Brenna sa akin.
“Anong nangyari?” tanong ko nang naisip si Stav at ang kanyang Daddy.
“Huwag mo munang isipin iyan. Ang mabuti pa magpahinga ka muna…” si Sibal.

Halos hindi ko siya magawang sulyapan dahil sa nararamdaman kong kaba. Nanatili ang tingin ko kay Brenna at Cissy na nakaupo sa gilid ng aking kama.

“Engineer Riego, she’s fine. She just needs some rest. Pwede na siyang umuwi ngayon…” ang sabi ng doktor sa tabi ni Tito Solomon.

The door opened when the doctor went out. Sumungaw din ang ulo ni Katarina galing doon. Nagtama agad ang mga mata namin. Napaawang ang bibig niya nang nakita ako pero agad din siyang bumaling kay Sibal. Her eyes looked tired from crying. I’m not sure why. Did she know that I’m pregnant? That… Sibal might… somehow just choose me because of it?

“Sibal, mauna na ako sa conference. Sasabihin ko kay Mr. Lee na bukas na lang kayo mag-uusap…” si Katarina.
“Sabihin mo kay Mr. Lee na tatawag na lang ako. Hindi ko tatapusin ang conference…” Sibal said without tearing his eyes off me.

Napalunok ako. Bumagsak ang aking tingin sa aking kumot.

“Okay…” malungkot na sinabi ni Katarina bago sinarado ang pintuan.

This feels familiar. This feels actually like what probably happened between Tito Achilles and Tita Marem. Nabuntis ba ni Tito Achilles ang nanay nina Sibal at Jax dahilan kung bakit pinanagutan niya iyon at tinanggihan si Tita Marem kahit mahal niya ito? And now Katarina is crying because Sibal might choose me because of the baby?

“You don’t have to do that. Go and do your work at the conference, I’m fine here…” sabi ko sabay angat ng tingin kay Sibal.

Umigting ang kanyang panga. Isang malalim na buga ng hininga ang kanyang pinakawalan.

“Don’t be hard headed, Snow. Kailangan mong magpahinga. You’re pregnant for God’s sake!” si Brenna.
“She’s right, Snow. At hindi ka pa natitingnan ng doktor, hindi ba?” si Cissy naman.
“Mas mabuti pa sigurong bago kayo umuwi, Sibal, ay patingnan mo si Snow…” si Tito Solomon.
“I already arranged that, Sir. May appointment na sa OB.”
Tumawa si Tito Achilles. Lumapit siya kay Sibal at tinapik niya ang balikat nito. “Good job…” tukso niya.
Sinimangutan lamang siya ni Sibal pero tinawanan lamang iyon ni Tito.

Parang may nagbabara sa lalamunan ko. Mariin kong hinawakan ang kumot habang naririnig silang nagtatawanan at nagtutuksuhan. I don’t want him to feel trapped with me just because… why didn’t I think about that before?

I just want him to know that we have a child. Iyon lang. Hindi na kailangang panagutan kung ayaw niya.

“Snow, hindi ko pa nasasabi kay Kuya Remus ito. Mas mabuting ikaw ang magsabi sa kanya nito…” si Tito Solomon na ngayon ay humahalukipkip sa harapan ko.
Marahan akong tumango. “I want to go back to Costa Leona…”
“No… You’re staying here until we have a go signal to travel…” singit ni Sibal.

Tinapunan ko siya ng tingin. My eyes immediately watered. Kitang kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. The gentleness I saw in his eyes must not be for me, it’s for our baby, I know it. Not that I don’t want him to be gentle to our baby… I just don’t want to hope for anything now that it’s all so clear.

“Fine. Then I’ll go to the OB to see if I’m fit to travel…” sabi ko.
“Oo nga naman…” si Brenna. “We’ll visit you once you land there, Snow.”
Tumango ako at ngumiti sa aking mga kaibigan.
“I suggest you let Miss Galvez rest for a while before seeing the OB, Engineer…” singit ng nurse na ngayon ay nakatitig kay Sibal.
Tumango si Sibal nang ‘di pinuputol ang tingin sa akin. His eyes fired with unmistakable anger. Hindi nagtatagal ang tingin ko tuwing nagtititigan kami. Ako ang unang umiiwas.
“So… I should go and see my lawyer now…” si Tito Solomon.
Halos mapatalon ako sa pagpapaalam ni Tito. “Tito, is my room ready? Ang sabi ng doktor ay ayos na ako kaya uuwi na muna ako sa ngayon bago pumuntang OB.”

Hawak na ni Tito Solomon ang door handle. Imbes na sagutin ako ni Tito ay nilingon niya lamang si Sibal.

“Sa akin ka uuwi ngayon,” he then turned to his father like he expects I won’t argue with him.

Pagkabukas ko sa aking bibig para magprotesta ay mariing hinawakan ni Brenna ang aking kamay.

“Huwag ka nang magreklamo. Mas mabuti iyon at matutukan ka. Kapag sa bahay ninyo, katulong lang ang nandoon, Snow…”

Matutukan? Will he even stay and watch over me? I doubt that. And I don’t want to feel guilty for making him stay instead of going to that important conference. I sighed. Minsan ay mas mabuting isipin ang mas importante at sa ngayon, hindi ang nararamdaman ko ang importante kundi ang kaligtasan ng anak ko.

“Snow, tumawag ka sa akin kung may problema. I will assure Kuya Remus that you’re fine here so I hope you do that, too…” si Tito Solomon. “I’ll go now…”

Marahan akong tumango. Gusto ko lamang makalabas dito. I want to sleep comfortable somewhere that isn’t the hospital. Mas gugustuhin ko sanang umuwi ng Costa Leona pero kailangan kong magpatingin muna bago tuluyang magdesisyon.

Tinulungan ako ni Brenna at Cissy na maghanda sa paglabas ko sa ospital. Isang itim na jacket ang pinasuot ni Brenna sa akin sa ibabaw ng aking dress. She even offered to lend me some clothes for that day but I refused. May mga dala naman akong damit, naiwan ko nga lang.

Tapos na ang check up and, hell, it was so awkward to have Sibal listen to the doctor as he asked me so many questions about my medical history and my lifestyle. Tahimik siyang pinapanood akong nagsasalita.

The doctor gave me prescriptions which he immediately bought. Ni hindi ko man lang naoffer na ako na ang bibili tutal ay pareho naman kaming may trabaho.

Palabas na kami ng ospital nang napagtanto ko kung saan talaga ako uuwi noon. Bumagal ang lakad ko pagkalapit sa isang sedan. Tito Achilles immediately went near the front seat. He also held the passenger’s seat door open for me.

“Salamat, po…” sabi ko.
“He smiled.”

Si Sibal ang nagmamaneho. Si Tito Achilles ang nasa front seat at ako naman ay nasa likod. Pag simula ng engine ay agad na nag-usap ang dalawa tungkol sa kung ano.

“Sa Lunes. Tapos mo na ba gawin ang mga pagbabago sa bahay?”
“Bakit hindi ka na lang sa bahay tumuloy?”
Tumawa si Tito Achilles. “Alam mong mas gusto ko roon…”
Sibal sighed. “Tapos na. Konti na lang ang aayusin…”

He glanced at me through the rearview mirror. Tumuwid agad ako sa pagkakaupo.

“Snow, gaya ng suhestiyon ng tiyuhin mo, mas mabuti ngang magpahinga ka muna ng ilang araw bago bumalik ng Costa Leona…”
Tumikhim ako. “Opo… Kaya lang, wala po rito ang maleta ko. Naroon kina Stav ang mga damit ko.”
“Pati ba ang mga importanteng bagay ay naiwan mo sa loob ng maleta mo?” Tito Achilles asked.

Ngumuso ako nang naalalang lahat ng importante ay nasa bag na dala ko. The only things I have in that luggage are my clothes. That’s all. But how can I stay here when I have nothing to put on?

“Ang iyong passport? I.D?”
“Nasa bag ko lang lahat. Damit lang ang nasa luggage.”
“Tatawag ako kay Solomon at titingnan ko kung may magagawa ba siya riyan.”
“Huwag na…” Sibal interrupted.

Bumaling si Tito Achilles kay Sibal. Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ni Tito. Nanatiling seryoso ang tingin ni Sibal sa kalsada.

Anong huwag na? Ano ang susuotin ko kung ganoon? Hindi ko na isinatinig iyon dahil agad iniba ni Tito Achilles ang usapan.

The night looked so alive in Manila. Parang hindi na ako sanay na makita ang ganito ka gising na gabi. At pinuno ko ang aking mga mata ng mga sasakyan at mga building na gising na gising sa gabing iyon. Hindi ko alam na nangulala parin pala ako kahit paano sa syudad.

Tumigil ang sasakyan ni Sibal sa isang mall sa Makati. Binuksan agad ni Tito Achilles ang pintuan at lumabas na. Nagdadalawang isip pa akong magbukas dahil hindi ko inasahang pupunta kami rito. He then turned to me…

“Kaya mo pa bang maglakad ng saglit?”

Matalim ko siyang tinitigan. For God’s sake, I’m pregnant, not disable!

“Syempre!” iritado kong sinabi sabay bukas ng pintuan at labas.

Padabog kong sinarado iyon. If he wants to do the things he’d like, e ‘di gawin namin iyon. Nakapagpahinga naman ako ng maayos sa ospital kaya ayos lang kung maglakad lakad kami rito. I’m not mad because he wants me to go to the mall instead of rest, I’m mad because he treats me like I’m sick or something.

“Maiwan ko na kayo rito,” si Tito Achilles. “May kameeting pa ako. Mag-ingat kayo. Snow, magpahinga kang mabuti…”
Tumango ako. “Opo, Tito. Salamat…”
“Sibal,” sumenyas siya ng kung ano kay Sibal. Umiling si Sibal at lumapit na sa akin. Tito Achilles laughed and gave us more goodbyes at pagkatapos ay umalis.

Bumaling si Sibal sa akin. Kaming dalawa na lang ngayon. His clenched jaw told me that he isn’t happy with anything at all… kahit na narito ako at pinagbibigyan siya sa gusto niyang mangyari.

“Dito tayo kakain ng hapunan. Bibili tayo ng damit mo bago umuwi. Malapit lang dito ang condo ko…”

Oh… so it’s far from Pasay. The reason why he had to pay for the suite with Katarina, huh?

“Anong gusto mong kainin?”
“Kahit ano. Hindi naman ako gutom…” sabi ko.

Tumango siya at nagsimula nang maglakad. Sumunod ako sa giya niya. Hulog ng langit si Brenna nang pinagsuot niya ako ng jacket. Of course, I can’t walk in this place with my revealing dress. Nasa mall ako. Kahit nga ganito ay may mga natatanggap akong mapanuring tingin sa mga tao.

Pumasok kami sa isang filipino cuisine restaurant. The waiter gave me a menu pero ibinalik ko na lamang iyon.

“Hindi ako gutom…” mariing sinabi ko.
“Kailangan mong kumain,” giit ni Sibal.

I sighed. I know. I’m just not in the mood to choose a food. Kakain ako ng kahit anong ihanda niya. Tutal ay paniguradong siya ang magbabayad, I don’t want to demand.

He ordered three types of Filipino dishes. May kare kare, lechon kawali, at grilled prawns. My stomach immediately starved at the sight of them. Tinikman ko ang lahat ng nakahain.

After a while, I realized that the man in front of me is only sipping on his juice. Kumain naman siya pero parang ang aga niyang nabusog.

Maglalagay pa sana ako ng kare kare sa aking pinggan. Nang napagtanto iyon ay bumagal ang kuha ko at ang paglagay sa aking pinggan. Tumuwid ako sa pagkakaupo.

“Nagmamadali ka?” tanong ko.
“Hindi…” tumikhim siya at binalik ang baso sa kanyang gilid.

Isang subo ay binitawan ko na ang kutsara. Mabilis ba siyang natapos o sadyang matakaw ako? The thought of it sent shivers down my spine. Baby, do you still want to eat?

Nagpunas ako ng bibig.

“Kumain ka pa…” aniya.
Umiling ako. “I’m done. Busog na busog na ako…”

It’s true but I can still eat more. Damn, I need to watch my weight, too. Hindi ko naman pagkakaitan ang anak ko ng pagkain pero kung busog na ay pwede naman siguro akong tumigil.

Bumaling ako sa kabilang table na may masayang pamilya ng apat. May iilan din doong nagdidate na mga couples. And we look like one of those couples.

“Bibili na lang tayo ng damit, pagkatapos ay uuwi na. Kaya mo pa ba?” he asked.
“Bakit hindi?” iritado kong tanong.

Nagkatinginan kaming dalawa. Sa galit ko ay nagawa kong magtagal. He tore his eyes off me to meet the waiter. He put a card on the small tray. Kinuha ko ang isang baso ng tubig at ininuman iyon.

Nang naibalik na ang card niya ay umalis na agad kami roon. I have cash here so I can pay for my clothes. Naghanap ako ng mga paborito kong brands sa mall na iyon pero hindi naman lumiliko si Sibal. I was about to tell him that I want to go to a certain boutique when instead he went to one.

Natigilan ako nang napagtanto kung saan siya pumasok.

Parang may mainit na kamay na humaplos sa aking dibdib. The pastel colored shops lined up in that hall. Iyon ang una kaya iyon ang pinasok ni Sibal.

Dahan dahan akong pumasok sa loob para mangitian ng babaeng nakaabang.

“Is it a baby boy, ma’am, or a baby girl?” sabay hagod ng tingin noong babae sa akin.

Umiling ako. Nanginginig ang labi habang binabalingan ang babae. I don’t know yet… iyon sana ang isasagot ko pero nawalan ako ng tinig.

“Kasama n’yo ba si Sir?” tanong noong babae sabay turo kay Sibal na naroon sa mga damit para sa mga buntis.

Inirap ko ang luhang nangilid sa aking mga mata.

“Dito ka mamili…” aniya nang nakalapit ako.
“Do I look like pregnant to you?” iritado kong sinabi.

Nawala ang bakas ng aking luha nang nakita ko siya kaninang sumulyap sa mga pambatang damit.

Bumaling siya. Ngayon, mas iritado pa sa akin.

“Buntis ka,” giit niya.
“Hindi pa malaki ang tiyan ko kaya ba’t ako dito bibili, hindi ba?”

He checked my stomach part. Parang naliwanagan na, oo nga pala, tama ako. Hindi pa malaki ang tiyan ko!

Huminga siya ng malalim.

“Is that why you wore that? Hindi pa malaki ang tiyan mo?” aniya.
I inhaled violently. “Kung pag-uusapan natin iyan imbes na bibili tayo ng damit, e ‘di huwag na tayong bumili!”
“Fine. Saan mo gustong bumili? Lead the way. Titingnan ko rin ang mga bibilhin mo. Buntis ka na sakin. Ayaw ko ng mga ganyang damit…”

Nagmartsa siya agad palabas ng shop. Sumunod naman ako. Nakapamulsa siya habang naglalakad sa gilid ng nakahilerang mga shop na ganoon. Halos mabali ang leeg niya sa kakatingin sa loob noon. Hindi ko alam kung talagang interesado siya sa mga damit pambata o talagang gusto niyang magdamit ako ng pambuntis!

Iyon nga ang ginawa niya. Isang boutique lang ang napuntahan ko. At sa halos sampung damit na bili ko, kinailangan ko pa ng tango niya. And I can’t believe he’s so conservative to the point that I won’t even see him nod everytime it’s sleeveless. Bakit noon? Ayos lang naman sa kanyang nagdadamit ako ng ganoon, ah? Maybe the next time I shop, I shouldn’t bring him. That’s lesser hassle. I’ll finish faster!

Bumili rin ako ng jeans at sandals. Ayaw niya rin ng may heels. Maybe because of my condition so I give him that.

I handed my card to the cashier when he immediately gets it. Pinalitan niya iyon ng kanyang sariling card. Marahas ang tingin niya ng ibalik niya iyon.

Fine. Hindi na ako nakipagtalo dahil sa pamimili pa lang ng damit ay pagod na ako roon.

The condominium was truly near the mall. Sa labing anim na palapag iyon. Pinagmamasdan ko siyang dire diretso ang lakad patungo sa pintuan. Binaba niya ang paper bag nang dumating. May tinipa siyang password sa pintuan pagkatapos na ilagay ang isang keycard.

Nagulat ako nang nakita ang looban. Sumulyap siya nang pumasok ako. Nilapag niya ang pinamili sa counter, pati ang kanyang susi at keycard. Nagtanggal din agad siya ng relo.

Hinagod ko ng tingin ang buong unit. It’s actually very different from his home in Costa Leona. The cream themed space made me think of a modern residence. Ang kanyang square type sofa sa harap ng isang flatscreen ay bumagay sa mga kurtina nitong kulay beige din. Halos lahat ng naroon ay nasa gitna ng beige at cream.

Hinaplos ko ang magaspang na tela ng malambot na sofa at tinanaw ang malaking bintana na dungaw ay ang buong Makati.

“Ilan ang kwarto rito?” tanong ko.
“Apat. My room is here…” he said pagkatapos ay itinuro ang isang hall na papunta nga siguro roon.

At the right side of the room, I think, is the kitchen. The left wing are all the rooms of the unit.

Tumango ako at kinuha ang paperbag pagkatapos ay dumiretso na sa hallway. Sumunod siya sa akin.

“The last to the right…” aniya.

Sinunod ko ang sinabi niya at binuksan ang pintuang iyon. The lights immediately went on at my arrival. Tanaw din ang buong syudad sa headboard ng kanyang California king size bed. Isang lamparang kulay beige ang nakaupo sa lamesa. Nilingon ko ang right side kung nasaan ang isang sliding door na tingin ko’y papasok sa closet. I confirmed it when he went in there and removed his clothes. The other door was the door to the bathroom.

Umupo ako sa malaking kama at tinanggal ang sapatos. Ang kalambutan ng kamang iyon ay naghila ng aking antok.

He stepped out of the closet. Now half naked… with only his jeans on.

“Saan ka matutulog?” tanong ko.

At first he looked confused. Bumagsak ang kanyang balikat nang naproseso ang tanong ko.

“Dito…”
“Dito ako matutulog…” sabi ko sabay tayo ng kilay.
“Snow, the bed is large…” he said like it’s a good argument.
“Ayaw kong katabi kita.”

The thought of him above Katarina makes me want to vomit. The thought of them together, behind my back, habang pinaninindigan ako ay hindi ko kaya. Maaaring hahayaan ko siyang magmahal ng iba at hindi ko ipipilit sa kanya ang kahit ano pero hinding hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya pagkatapos ng araw.

“This is my home. Dito ako matutulog…” giit niya.
“Saan pa ang ibang kwarto at doon ako matutulog?” iritado kong sinabi.

Tinitigan niya ako. Tila tinatantya ang sinabi ko.

“Sabing ayaw kitang makatabi. Buntis ako, Sibal. At hindi ko gustong katabi ka!” tumaas ang tinig ko.

Pumikit siya ng mariin, sinapo ang ulo niya. Tumayo ako para umalis na roon.

“Kung ayaw mong sundin ang gusto ko, sa ibang kwarto na lang ako.”

Agad siyang magmartsa palapit sa akin. Parang may sasabihin pa pero hindi ginawa at tinikom na lang ng marahas ang bibig.

“Dito ako magbibihis. Narito ang damit ko. Sa ibang kwarto ako matutulog, kung iyon ang gusto mo,” mahinahon niyang sinabi. “The doctor fucking warned me about this…” bulong-bulong niya.
“Huh?!” iritado kong sinabi nang hindi nakuha iyong huling sinabi niya.
“Magbihis ka na…” aniya.

Nilagpasan ko siya at marahas na kinuha iyong paper bag sa tabi niya bago dumiretso sa walk in closet. I glared at him. Kunot noong pagtataka lamang ang sinukli niyang tingin pagkatapos ay inirapan ko siya at sinarado ang pintuan ng closet.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

22

Comments are closed.