Scorching Love – Kabanata 47

August 29, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 47

Kabanata 47
Baby

Kahit na pagod, inabot parin ako ng kalahating oras bago nakatulog. Thoughts of what Stav said haunted me. Dapat ba akong magtiwala? Pauli ulit ko iyang tanong. But then again, I won’t have a choice. I need to rest tonight. Hindi ko man pagkatiwalaan si Stav, bukas ay isasama nila ako sa conference.

Nagising ako sa paghawi ng kurtina sa aking bintana. Sumilay ang liwanag sa aking nakapikit na mata. Kinusot ko iyon at dinilat.

“I’m sorry…” Stav’s voice is almost a whisper.

Umuga ang kama. Agad akong bumangon at lumayo kung saan siya umupo. May dala siyang isang tray ng pagkain. Matamlay siyang ngumiti.

“I told father you’re not feeling well so I’m bringin you the breakfast here. We have to get ready for the conference. We’ll go there in an hour…”

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Parang may kabiguan sa mga mata niyang hindi niya maitanggi. Napansin niya ang titig ko at huminga siya ng malalim.

“I won’t hurt you. I promise, I’m ending all of these my way. If it means our hotels will go down… if it means I’ll turn my father in…”

Somehow, ayaw kong mangyari iyon. Parang tinutusok ang dibdib ko sa sinasabi niya. I feel his pain. I feel how tough that decision is.

“Just stay with me the whole time. Kapag sinabi kong umalis ka, umalis ka na. I contacted the NBI last night and told them about my plan…”

Namilog ang mga mata ko. Is this really true? Bakit hindi niya rito ipaaresto ang ama niya? Not that I eagerly want his father to get arrested. Ayaw kong masaktan si Stav kahit ang ibig sabihin noon ay ang pagkakabigay ng hustisya sa nawala sa amin pero pera lang iyon. This is family. And family should always come first.

“Sa conference ko ipapaamin si Daddy sa harap ng Tito Solomon mo. Your father might fly back to Manila if he knew about my plan. Did you tell him already?”
Umiling ako.

Hindi sumagi sa isip ko ang magkaroon ng ugnayan sa aking pamilya o kanino man kagabi. I was too tired to explain everything. I just want to trust on my instincts and all of these. Lalo na’t wala na akong magagawa.

“Good. Eat your breakfast. Maiwan na kita rito para makapagbihis…”

Tumayo siya at tinalikuran ako.

“Stav…” I called.

He turned to me with his weary eyes. Mas lalo lang nadiinan ang sakit na nararamdaman ko.

“I’m sorry…” I sincerely said.
Tumango siya at tipid na ngumiti.
“Thank you…” sabi ko.

His smile faded and he started walking away again. Pagkasarado niya ng pintuan sa pagitan namin ay marahan akong pumikit. My father will decide the future of his… and their hotels. Gustuhin ko mang patawarin na lang din ang kanyang ama kung sakaling humingi ito ng patawad, wala naman ako sa lugar para magdesisyon niyan. It’s my father, my family, who almost suffered because of what he did…

Naligo at nagbihis ako sa kumportable nilang banyo. Surprisingly, I packed good clothes. I have an all red deep v neck dress. It suits with my beige stilletos. Naka high ponytail ang aking buhok at deep red ang aking lipstick. Tinago ko ang namumugtong mga mata sa pamamagitan ng paglalagay ng eyeliner at makapal na mascara.

Isang katok bago may sumungaw sa aking pintuan. It’s Stav in his coat and tie.

“Are you done?” he said scanning me.
“Yup…” sagot ko habang tinititigan ang aking sarili.

Hindi naman ito ganito ka sikip noon ah? I stared at the deep v neck of my dress. Wore this once at a dinner with my friends but… I think my breasts are becoming heavier.

“Snow…”

Nasa likod ko na si Stav. Tumayo ako at nilingon ang aking bagahe.

“I’m sorry… But… how about my…”
“I’ll send it to your house when everything’s done…” pormal niyang sinabi.

Tumango ako at sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto. Tahimik kami hanggang sa hagdanan. Sa pintuan, nag-aabang na ang kanyang Mommy at Daddy. His mom’s not going with us. She’s all smiles habang bumababa kami ng hagdanan.

“Bagay na bagay kayo, hija…” sabi ni Tita Ada sabay yakap sa akin nang nakalapit.

Hindi ko siya niyakap pabalik. Ngumiti lang ako sa kanya bago bumaling sa nakaantabay na mga sasakyan sa labas. His father is with his own bodyguards. I remember how I used to have those when I was younger.

“Hijo, si Snow ay sa sasakyan mo?” tanong ni Tito.
“Yes, Dad…”

Sumunod ako sa gustong mangyari ni Tito. Pagkapasok at pag-andar ng sasakyan ay tahimik kaming dalawa ni Stav. I got a feeling that he’s a bit nervous of what he’ll do later.

Sa isang five star hotel sa Pasay ginanap ang conference. Hindi kalayuan kaya hindi kami nagtagal sa byahe. Stav gave his key to the valet before we went inside. Naroon na ang kanyang ama at ang mga bodyguard nito.

Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa kaba ngayong paniguradong nasa iisang building na lang kami ni Sibal. I remember what Katarina said on the phone… nasa suite daw si Sibal. Hindi kaya rito sila nag check in? Baka may room sila rito? Baka hindi naman talaga umuwi si Sibal sa condo niya? Baka nag honeymoon din sila ng ilang araw.

Para akong namamatay sa mga iniisip ko. Hindi ko alam kung masusuka ba ako o maiiyak. But I have no time to spoil whatever Stav’s plan is.

Pumasok kami sa elevator. His father started talking about his planned business.

“Once you two get married, magsososyo na kami ni Remus sa plano kong gawing international hotel sa isang isla. Kayang kayang bilhin ni Remus ang islang iyon. Kami na ang sasagot sa pagcoconstruct ng hotel at pagdedevelop ng landscape…” patuloy niya.

This is why he brought Stav here. They’re probably here to scout Engineers or probable builders who can join the bid he wants once Stav and I get married… na hindi naman mangyayaring talaga.

Tumunog ang elevator, hudyat ng pagbubukas. Red carpet floor, flashing of cameras, and people in coat and ties moved towards the hall. May media, may iilang popular na business tycoon. Maraming tao. Sa labas palang, pakiramdam ko ay hindi na ako makakahinga ng maluwang.

A reporter went straight to Stav’s father. Natural dahil isa siyang kilalang hotelier. He smiled on the camera as he answered all the reporter’s question. Nasa likod kami ni Stav, tahimik na sumusunod sa kanya.

Pagkapasok sa hall ay napansin ko agad ang lawak nito. Round tables are spread accross the room decorated with a cubed vase with flowers and succulents. The white board in front showed a video presentation of different buildings from different engineers. Mas nagmukhang party iyon kesa sa conference, I bet it hasn’t started yet.

Isang lingon ko sa gilid ay natanaw ko agad si Katarina! Her jet black hair fall just below her shoulders in a half ponytail. Her bronze skin looked well with her white body con dress. Kita ko ang pagkagulat niya sa pagkakakita sa akin. I tore my eyes off her like I don’t really care that I saw her here… like it’s just another day.

Sibal’s probably just around.

Iginiya kami ng isang usher sa round table na uupuan. Tito Solomon with a couple of old businessmen were already there. Akala ko ay magugulat siyang narito ako pero tumayo lamang ang aking tiyuhin sa pagdating ko.

“Solomon, surprised?” baritonong tawa ni Tito ang sumalubong sa kanya.

Para bang ipinagmamalaki nito na kasama niya ako roon.

I kissed Tito Solomon’s cheek. Hinagod niya ang aking likod bago bumitiw at bumaling kay Tito. Nagkamayan silang dalawa. Ganoon din si Stav sa kanya.

“My niece is with you, Stav?” malamig na tanong ni Tito.
“Yes, Tito…” wika ni Stav.
“Have a seat, Snow…” yaya ni Tito sa akin sa kanyang tabi.

Umupo naman ako. I slowly scanned the tables for possible sign of him. When I found the table of Katarina along with two other girls and three men, I realized Sibal’s probably with them. Lalo na’t halos ka edad niya ang mga iyon.

Inalis ko ang tingin ko sa lamesang iyon. Nagsimula na ang session nila sa araw na iyon at may iilang importanteng mga tao na ang nagbigay ng speech. My eyes scanned the every table silently. Nag-uusap si Stav, ang kanyang ama, at ang mga negosyanteng naroon habang iyon ang ginagawa ko pero hindi ko parin siya nakita.

An hour passed, I am going to conclude that he’s not really here. Tito Solomon is unusually quiet. Pakiramdam ko’y may iniisip itong mabuti kaya titig na titig sa mga speakers.

Another hour then the conference took a break. Extravagant snacks were served. Tumayo ako nang tinawag ng Daddy ni Stav para ipakilala sa mga taong naroon. Katarina is a few meters away from us talking to some important people. Sumusulyap siya sa akin at tuwing nagtatama ang aming tingin ay umiigting ang kanyang panga.

Ilan pang business tycoon ang pinakilala sa akin at kay Stav. Mas nasa kondisyon si Stav dahil nagagawa niya ang mga itong batiin samantalang parang napapagod na ako sa kakangiti.

“By the way, I have here also the team who’s going to be part of the renovation of our hotel, Gustav. Kapag kinasal na kayo ni Snow…” sumulyap si Tito Solomon sa akin. “Sila ang mag aaccomodate sa renovation and hopefully for the five star hotel I’m going to build once Remus buys that island!”

Katarina’s group went up to us. Halos suminghap ako nang nagkaharap kami. Her collarbones showed and her high cheeks more pronounced now that she matured. She smiled at Stav and his Dad pero halos hindi niya ako tingnan.

Nagtaas ako ng kilay. I don’t want her to know how I’m dissecting every bit of her features.

Siguro ay ayaw talaga ni Sibal sa mapuputing tulad ko. Come to think of it, I never really know much about his likes. Hindi ko alam sinong mga crush niya noon. I was too narcissistic to even think that he’s have crushes aside from me. Damn it!

Morena. Iyon. Her long legs must equal the goddesses that he couldn’t resist her even after all those years.

Pinakilala sa amin ang buong team. But I couldn’t hear what the names were… or I care less…

“Where is Engineer Riego, by the way?” nakuha lamang ang atensyon ko nang banggitin ito ni Tito.
“Uh… He’s…” hindi madugtungan iyon ni Katarina. “Probably still on the suite…”
“Huh? Engineer, hindi ba nagpaalam siyang umalis?” sabi noong katabing babae ni Katarina.

And damn the title… She’s an engineer, too.

Naglakbay ang aking pag-iisip. Siguro ay tuwing nahihirapan si Sibal sa kanyang mga ginagawang trabaho, nagpapatulong siya kay Katarina. Ganoon din siguro ito sa kanya. They must be their own confidante… and meanwhile, Snow Galvez the princess of Costa Leona knows nothing but to ruin the blueprints.

Kung sila ang magkakatuluyan, convenient na iyon kay Sibal. Pwede silang magtayo ng kompanya. Not that he didn’t have one yet… Damn! Baka naman kasali siya sa kompanyang iyon? Ayos lang na Riego dahil si Sibal naman ang head at pwedeng magiging Riego rin naman si Katarina kalaunan.

Thoughts of destroying that company enveloped my mind. Kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko ay baka natiris ko na silang dalawa roon.

Nanginig ang aking tuhod habang iniisip iyon. And then… I remember… I’m with child. I can’t think negatively. For God’s sake, why am I even here?

Hindi ako makahinga ng mabuti. Nagbabara ang aking lalamunan at nasa sahig na ang aking mga mata. Tumikhim ako at nagtaas noo bago bumaling kay Stav na ngayon ay titig na titig sa kanyang ama.

“Speaking of, Mr. Lagdameo. Engineer Riego is here…” a man said as they all turn their gaze at the door.

Sinulyapan ko rin iyon. Si Sibal nga at kadarating lamang niya. Diretso ang lakad niya patungo sa amin.

“I told you he’s just there…” Katarina said.

A familiar feeling on my stomach surfaced. Gusto kong umalis pero hindi nagagawa ng tuhod ko, nanginginig iyon.

“He’s the Engineer of The Coast, Mr. Lagdameo,” si Tito Solomon. “Siya ang sumalo sa ginawa ni Marem at noong hinire na Engineer doon.”

Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Tito sa sinabi. Nilingon niya si Tito Solomon.

“Really?” he laughed.

Palapit nang palapit si Sibal ay mas lalo akong natatakot. His fiery eyes met mine and I’m sure he’s angry beyond hell. Umatras ako at halos magtago sa gilid ni Stav. Sibal’s angled jaw clenched. He stopped walking when he reached near Katarina.

“Engineer Riego, we were talking about you. I didn’t know you’re the Engineer of The Coast!” wika ni Tito na may hilaw na ngiti. “Do you know anything about this, son?” he turned to Stav.

Hindi sumagot si Stav. Nakitaan ko ng galit ang mukha ni Tito bago sumulyap sa akin. His eyes lingered on me like he’s blaming me for it.

Magaspang ang tingin ni Sibal sa akin kahit na kinakausap siya ng mga kasama.

“Where have you been? Hindi mo nakita ang speech ni Architect Lazaro, Engineer Riego…” a man beside him said.
“I was out doing something…” he said without taking my eyes off me.

Sumulyap ang iilang nakakita sa akin. Mas lalo akong umatras.

“Nice to meet you, Mr. Lagdameo. You weren’t here yesterday?” si Sibal na isang beses lang sumulyap kay Tito at sa mga kasama bago bumaling muli sa akin.

Taas noo akong tumingin sa isang lamesang puno ng dessert table. The chocolate fountain looks so yummy. I’m never a fan of chocolates but damn it looks delectable! I should fucking divert my attention. I can’t just stare at him the whole time they are talking.

True. I want to talk to him but him staring at me like this makes me want to pee in my dress. Isang sulyap ang ginawad ko sa kanya at napatikhim ako. Kita ko ang mabilisang paghagod niya ng tingin sa aking dibdib. Naramdaman ko ang init at galit doon. Gusto ko tuloy tabunan ang sarili ko!

Nanindig ang balahibo sa aking batok nang isang pasada pa ang ginawa niya sa aking dibdib. I kind of slouch at that one gaze.

Ni hindi ko namalayan na medyo naging tensyonado na ang usapan sa gitna nilang lahat.

“We had it investigated, actually…” si Tito Solomon. “If Kuya Remus is only in a better condition, he probably supervised the investigation…”
Tumawa ang Daddy ni Stav. “Pero hindi naman siguro nakakaubos iyon ng pera…”

Hinawakan ni Stav ang aking kamay at hinila palapit sa kanya. Namilog ang mga mata ko.

“Get out of the hall. Everything from here will get messy. I don’t want you involved…”

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero sa sinabi ni Stav ay kinabahan ako. Hindi para sa aking sarili, kundi sa batang dala ko.

Without thinking where I’m heading, I immediately left the crowd to find my way out of the hall. Tito’s bodyguards flocked the hall. Everyone felt the tension while I’m trying to leave.

Abot-abot ang aking kaba palabas ng hall. Hindi ko na mahabol ang aking hininga. Nagbabara ang aking lalamunan sa halu-halong emosyong naramdaman. I feel all the heat left my face. Inangkin na rin ng lamig ang aking batok at aking dibdib hanggang sa namanhid ang aking mga tuhod.

I saw elevator door fall before my eyes until my whole world went black!

“Baby…” I managed to whisper before my senses left me.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.