Scorching Love – Kabanata 46

August 29, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 46

Kabanata 46
Trust

“Kael, si Mrs. Agdipa na muna ang bahala sa mga operasyon dito sa hotel,” sabi ko nang hinahatid kami ni Kael at ni Mrs. Agdipa palabas ng hotel.
“Tutulong din ako, Ate. Nasabi mo na ba kay Papa ang tungkol sa desisyon mong ito?”
“Hindi pa. I plan to call him later tonight when I’m home. I just want all of these to be settled first before I inform him.”
“Sinabi mo na rin ba kay Engineer ang tungkol dito?” tanong ni Kael na inilingan ko na lang.

I will also tell Sibal later tonight. Hindi ko pa alam kung anong maaari kong sabihin sa kanya pagkatapos kong makausap si Katarina sa kanyang cellphone.

“You should tell him, Ate…”
“Kael, let me be. I will tell him when I get there…” matalim ko siyang tinitigan bilang pagbabanta.

Nanatiling kunot ang noo ni Kael habang pinagmamasdan akong mabuti. I equaled his glare till I decided to go.

“Let’s go, Stav…” sabi ko sabay pasok na sa Hiace.

Sumunod si Stav sa akin. Sa labas ay kitang kita ko ang mga bigong ekspresyon ni Mrs. Agdipa at ni Kael. Sinarado ng isang bellboy ang pintuan at binaling ko na ang tingin sa harap.

Tahimik kami sa loob ng van habang bumabyahe. Pakiramdam ko ay pinapanuyuan na rin ng lalamunan si Stav dahil sa katahimikan.

After a while, my phone beeped for a call. Seeing his name on my screen made my eyes water. Sumisikip ang dibdib ko iniisip pa lang na sasagutin ko ang kanyang tawag. I feel like I’d only cry more if I hear his voice. I would probably curse him.

Ano? Tapos na kayo ni Katarina? God, why the need to shower on your suite with her? Why? Did you do it? Right after you got me pregnant!

Pinatay ko ang cellphone ko at naisip na sana ay bago ako umalis pinatigil ko na rin ang lahat ng preparasyon sa kasal!

“Snow…” Stav gave me a box of tissue.

Tinanggap ko iyon ay pinalis ang mga luha gamit iyon. A heavy sigh was heard from him.

“Bakit mo gustong pumuntang Maynila ngayon?” tanong niya.
“I need to talk to Sibal personally… To… tell him that he got me pregnant…”

Isang matagal na katahimikan ang ginawad niya. Hinayaan ko iyon. Tanging hikbi ko lang ang naririnig.

“Is there a problem about that? I mean… you’re in a relationship, right? So… and you’re engaged?”

Nakita ko ang pagbagsak ng tingin niya sa aking daliri. There was the pearl ring Sibal gave me the night we talked. Now I find it all ridiculous!

Gusto niya ba akong hiyain ng husto para lang makapaghiganti? Pakiramdam ko ay kapag napatunayan kong ganito nga ang gagawin niya, I would go to hell and back just to destroy his very name and all of his loved ones!

Namilog ang mga mata ko sa galit na nararamdaman. Nanginginig ako habang naiisip na sa huli ay pinag-uusapan ako ni Katarina at ni Sibal sa isang suite pagkatapos ng umaatikabong halikan at guluhan sa kama. They’re both laughing while drinking wine. Sibal would sit on a sofa and Katarina would sit on his lap.

Fuck!

Bumuhos ang mga luha ko ng husto. Tumulong na si Stav sa pagpapawi noon.

“I’m sorry…”
“Is there something wrong?” he asked me.

Somehow, being with Stav comforted me. He’s been a great friend to me. He’s very understanding and he doesn’t harbor ill feelings even after what I did.

“Tumawag ako…” humikbi ako. “May sumagot na ibang babae. Ang sabi… girlfriend niya…”

Hindi nakapagsalita si Stav sa binanggit ko.

“I know that girl. She’s his bestfriend… I think she’s an engineer too. They’re together in Manila…”

Nag-isip si Stav ng ilang saglit bago nagbigay ng komento.

“Iyan ba iyong conference na tinutukoy ng Tito Solomon mo, Snow?”
“I don’t know but… Tito is also part of it…” I said.
“That’s probably it… Father is part of it, too…”

Hindi ako sumagot. Alam ko na bukas ay nasa conference parin si Sibal. Maaaring sa gabi ko na ako makikipagkita. Gustuhin ko mang sa umaga, magiging abala iyon sa mga gagawin.

“What did the girl tell you and why did she answer his phone?” Stav asked when the silence was deafening.
“She said she’s the girlfriend. And that… I should tell her my name para masabi niya kay Sibal na tumawag ako…”

I sounded like a loser. Damn it! Ngayong naamin ko iyon sa ibang tao ay mas lalo lang akong naiyak. Hinatak ni Stav ang aking balikat at dinala niya ang aking ulo sa kanyang leeg. The warmth of his body comforted me somehow… Alam kong hindi iyon tama pero bakit parang kailangang kailangan ko noon ngayon!

“He’s cheating…” he declared.

The pain stabbed me directly in the heart. Hindi ko alam kung tama ba ang term na iyon. Because for me, he probably didn’t cheat on me… He just proved a point. From the very beginning, he’s told me that he won’t fall for my tricks again.

“I… I just want to get it all straight from him in person. Na…” I couldn’t say it straight because my emotions get in the way. “Kung may pinaplano siyang hindi maganda, nagtagumpay na siya roon. Sana ay huwag niya nang ipagpatuloy ang kung ano man iyon because I’m pregnant. And if he didn’t plan on getting me pregnant this whole time then he must leave me alone. I won’t need his freaking support. Hindi ko sila guguluhin ng tunay niyang mahal basta ba sabihin niya sa akin ng diretso…”

That’s what I want to do but truth is, masyadong nag-aalab ang pakiramdam ko ngayon na tingin ko’y pag tunay niyang inamin sa akin ang kasamaan ng kanyang balak ay sisirain ko ng husto ang kanyang buhay. I will never forgive him… and Katarina.

The thought of anger exhausted me. Kaya naman noong nasa eroplano kami ay nakatulog na ako. Hindi pa nakakaalis ay sobrang bigat na ng mga mata ko at habang nagpeperform ang mga flight attendant ng safety reminders ay naidlip na ako.

We’re in NAIA when I woke up. I’m a bit light headed when Stav woke me up.

“Snow, I suggest you should stay in our house. It’s nearer than yours… Pagod ka na at masyadong delikado ang kalagayan mo ngayon…”

My eyes are heavy because of exhaustion and all the crying. Marahan akong tumango kay Stav bago tumayo.

“Can you please contact Kael and tell him that I’m already in Manila. Please, ask him to tell Papa, too…” pakiusap ko.

Palabas kami ng airport ay nasa cellphone siya at nagtitext. Tuwi-tuwina’y tumatawag. Ako naman ay halos matulog na ng tuluyan habang naglalakad. I feel so damn tired from all of it. Hiyang hiya pa nga ako dahil si Stav na rin ang nagdala ng aking luggage.

“They’re here…” aniya nang may sumalubong sa aming dalawang nakaitim na lalaki.

It’s their body guards, I think. Ang isang lalaki ay kumuha ng mga bagahe namin, ang isa naman ay nagbukas ng pintuan. Pinauna ako ni Stav sa pagpasok, siya naman ang sumunod. Kahit na antok na antok na ako, pinilit kong magising sa loob ng sasakyan. Hindi gaanong malayo iyon at nakakahiya naman kung pati rito’y matutulog ako.

“You should cancel the wedding preparations if this is the case…” Stav said. “It’s not good for you, Snow…”

Hindi ako nagsalita. Gulong gulo ang utak ko. Ayaw kong magpadalos dalos.

“Snow, if Sibal really loved you, dapat ay hindi ka niya iniwang buntis…” ani Stav.
“He didn’t know I’m pregnant…” giit ko.

Kahit paano’y pinaglalaban ko si Sibal. Now that Stav knows my side, I feel like he’s completely on my side. Hindi iyon ang kailangan ko. Magulo ang utak ko, kailangan ko ng pampatimbang nito.

“Still. If you two have unprotected sex, dapat ay naiisip niya nang pwede ka niyang mabuntis. Pero hindi sumagi sa isip niya ito, hindi ba? That means he doesn’t really care about it!”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. My eyes are blurry because of the forming tears. I can’t help it.

“Still, I think he deserves to know that we have a child…” iyon lamang ang nasabi ko.

Kita ko ang iritasyon sa mukha ni Stav sa sinabi ko. Huminga siya ng malalim at bumaling sa kalsada. He aged a bit because of my issue. I don’t know if it was right telling him about it.

“Look, Snow… We can just make it a secret para magdusa siya. Make him pay for what he’s done. We can actually fly to the U.S. soon para lang maiwasan siya. Spare your pride, Snow. You have already fallen hard and painful, you can’t let him hurt you more!”

I shook my head. Walang makapagpapabago sa aking gustong mangyari. But I’m too tired to say anything to him so I shut it. Tahimik kaming dalawa sa byahe hanggang sa nakarating kami sa kanilang village. I know for sure that his family might be there but I couldn’t care anymore. All I want is a room where I can sleep in. That’s all.

Nang lumabas kami sa sasakyan ay nakita ko kaagad sa kanilang engrandeng double doors ang naghihintay na Mommy at Daddy ni Stav. He immediately kissed them both before looking back at me.

“Snow, hija!” bati ni Tito sa isang awkward na ngiti at naglahad siya ng kamay.
I embraced him briefly. “Good evening, Tito. Pasensya na sa abala…”
“Hindi ito abala, hija. Ikaw talaga. Nagpahanda kami ng dinner, pumasok na kayo at sabay na tayong kumain!”

I really just want to sleep now pero alam kong kailangan kong tanggapin ang offer ni Tito. Dito ako matutulog ngayong gabi kaya kailangan kong makisama kahit paano.

Hinatid ng mga kasambahay ang mga bagahe namin sa kwarto. I’m not even sure where that is… dumiretso na kasi kami sa dining area nila.

Gustav’s house was a bit modern than ours. All white and a hint of black and gray ang interior. Ang kanilang lamesa ay ganoon din. Apat kami sa rectangular mirrored table. Ang dalawang unipormadong kasambahay ay nasa likod namin at nagsasalin ng tubig.

Ikinakahiya ko ang pagkakahulog ng mga mata ko kahit nasa harap ng hapagkainan. I am amazed that it just doesn’t even bother them… that I look so tired…

Nangingiti ang Mommy ni Gustav sa akin. Tita Ada’s curly hair danced as she looks at me and Stav in front of her.

“So… are you two planning on getting married here in Manila kaya kayo narito?” tanong ni Tita.

Nawala ang antok ko sa sinabi ni Tita. Nilingon ko si Stav. He stiffened when he saw me glance at him. What?! Unti unti kong naramdaman ang pag-aalab ng aking galit. How could he keep it a secret.

“No…” I answered impatiently.

Napawi ang ngiti ni Tita at nilingin si Tito sa gilid ko. Humugot ng malalim na hininga si Tito bago nagpunas ng bibig. Tinabi niya ang panyo sa gilid ng pinggan. Stav didn’t even say anything! I cannot believe it!

“So? Saan kayo magpapakasal?” tanong ni Tito.

Nagtiim bagang ako. Why would he ask that? Stav really didn’t tell him anything, huh?

“Hindi po kami magpapakasal ni Stav, Tito.”

Bakit pinipilit nila sa aking pakasalan ko si Stav. They’re a family friend but I don’t think I’m obliged to marry him… Ano ang pwedeng rason?

“What are you saying, hija? Since you two knew each other, alam na ng lahat na ganito ang mangyayari…” sabi ni Tito.
Umiling ako. “I was young that time. Ruled only by my relatives. I don’t think it is right to shove it down to us now that we’re adults. We can decide on our own. I think Stav has the right to decide who his own wife will be, too…”
“And? Hijo?”

Sabay naming nilingon si Stav. For the first time, I saw him actually got mad. Hindi ko alam kung kanino o saan. Ayaw kong isiping sa akin… ayaw kong isiping dahil sa sinabi ko!

“I-I think Snow is right, Dad…” nag-angat ng tingin si Stav sa kanyang ama. “And I’m choosing her. I just don’t think this is the right time. Hindi naman tayo nagmamadali,” aniya.

I cannot believe what he just said! Hindi ako makagalaw sa sobrang gulat. Ni hindi niya ako nilingon! Gusto ko siyang sigawan! Gusto ko siyang pagbintangan!

Now that I think about all of it… does his family want us to marry just to save their business? At nilugi ba nila kami para lang mapapayag ako, kung sakali? It suddenly just all make sense and thinking about their plans while I’m here… and I’m pregnant… made me so nervous!

Hindi ako pwedeng magpadalos dalos! Hindi ako pwedeng magalit ng husto! Hindi ko pwedeng pagurin ang sarili ko! Hindi pwede iyon!

Hindi ako nagsalita. Bumaba ang tingin ko sa pinggang pinangalahatian ko lang ang pagkain.

Tumawa si Tita Ada sa sinabi ni Stav.

“You two are fighting?” tanong ni Tita. “Well, I guess the kids should settle their own issues…” masuyo niyang binalingan si Tito.
“I trust you, son…” malamig na sinabi ni Tito kay Stav.

Tumango si Stav, hindi na ulit nagsalita. The rest of the conversation was about the business. Kinamusta nila si Papa, kinamusta nila ang hotel, at kung paano namin nagawang irenovate ulit pagkatapos ng nawalang pera.

Alas onse y media na ng gabi nang pinayagan nila kaming umakyat sa mga kwarto. Mabuti na lang at hindi naman kami pinag-isa ng kwarto. But then the thought of being in the house of a probable enemy haunted me as we climbed the stairs.

Tahimik kami ni Stav paakyat. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya dahil sa galit ko. And I don’t want him telling his Daddy that I’m never marrying him whatever happens!

“Snow…” he called when I was about to go inside my room.

Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy ako sa pagpasok. Ayaw kong may masabing masama sa kanya!

“Snow!” tumaas ang boses niya at hinarangan ang pintuan ng aking kwarto.

Cold sweat smothered my skin. Takot ang bumalot sa akin. Takot para sa maaaring gawin ni Stav at takot para na rin sa aking magiging anak.

Tinulak niya ng marahas ang pintuan. But his expression never changed from weary to anything. It stayed that way! Pinangunahan ako ng takot kaya sisigaw na sana ako.

He immediately covered my mouth with his palms! I tried to push him. Tears filled my eyes from fear and anger!

“Shhh!” sabi niya, hindi inalintana ang bawat sampal ko.

My muffled voice was the only thing heard on my room. Hinilig niya ako sa dingding at halos magmakaawa siya sa katahimikan ko. Kung hindi lang ako naubusan ng hangin ay baka patuloy ako sa pagsasalita!

“Please, hear me first, Snow…” he whispered.
“You! You planned all of these, right?” paratang ko. “Ilang taong pinagsamahan natin ginawa mong wala! And I thought you understand! I was a good friend to you! I gave you the benefit of the doubt when my father told me, you probably are involved with…”

Tinakpan niyang muli ang aking bibig. Pinikit ko ang mga mata ko at kusang tumulo ang mga luha.

“Listen, Snow… I am not involved with anything. Please, just hear me. Please…” marahan niyang sinabi na may kasamang pagmamakaawa.

Binaba niya ang kamay niya. Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Whatever he says just won’t sink right through me anymore. It’s all lies!

“Si Papa ang may pakana noong pagkawala ng milyon milyon sa inyo…”

Suminghap ako. Though, we already have an idea… it just feels more real now.

“Ayaw kong gawin niya iyon pero desperado na siyang lugiin ang kompanya ninyo para lang ma merge ang dalawa. Our business is failing. He’s going after your father’s share in our company…” he whispered.

Umiling ako habang pinapalis ang luha. I don’t believe him. If he really isn’t involved, why would he tell his parents that we will marry, anyway!?

“Umalis ako ng Pilipinas para iwasan si Daddy at ang kanyang mga plano. Bumalik lamang ako rito dahil kailangan na. He wants me to pursue you so we’ll marry. Snow, I’m not going to force you… no…”
“How dare you-”

Tinaas niya ang kanyang index finger. He looks a lot older than the first time I saw him just today. Naramdaman ko ang lubusan niyang hinagpis.

“Sinabi ko lang iyon sa hapag para makuha ko ang trust ni Daddy. Para bukas, hindi niya tayo guluhin. He’ll let us go without doing any stunt… We’ll go to the conference…” aniya.

Nanliit ang mga mata ko. Gusto kong maniwala kay Stav pero masyado akong nagtiwala sa kanya noong nakaraang mga linggo na kay hirap niya nang paniwalaan ngayon.

The angelic face lit up when he realized that I am calm.

“I don’t want you involved in this situation but I know he’d be with us tomorrow. You’re pregnant…” he whispered the last sentence.

Kinagat ko ang labi ko.

“I have a plan so you won’t get involved. I just need your cooperation. I need you to follow whatever I ask you…”
Umiling ako. “Kung naloko mo ako, Stav, paano ako magtitiwala ulit? I trusted you! Even after what my father said… what Tita Marem said… what Engineer Riego said… I believed in you because you’re my dear friend…”
Yumuko siya at pumikit. Tumango ng marahan pagkatapos ng ilang segundo bago ako ginawaran ng tinging punong puno ng pakikiusap. “It’s a choice between honor and my family, Snow. It’s a very hard choice. Daddy ko ang pinag-uusapan dito. And if I choose the right thing, that would mean I’ll turn him in…”

For a moment, I feel like my world stop. Kahit paano, naiintindihan ko siya. Kahit paano, gusto kong maniwala. Kahit hindi ko man siya paniwalaan ngayon, tingin ko ay wala rin akong magagawa. If I force my way out of here, I’m afraid it will threaten my health… at madadamay lang ang anak ko.

I need to consider the health of my child. It is my priority right now. The reason why I came here instead of going straight to our house is my child…

“Then… are you choosing the right thing now?”

Ilang saglit siyang tumitig sa akin bago tumango.

“That was my only plan before coming here, Snow. Magpapaalam sana ako sa’yo. Aamin sana ako sa’yo para sa mga kamaliang nagawa ng ama ko. Hihingi sana ako ng tawad. I was shocked that you’re coming here in Manila…”
“And you’re using me now?” bintang ko.
Umiling siya. “I offered you our house because I want you to rest properly. Hindi ko alam na ganoon ang mangyayari.”
“You didn’t tell your parents about us. Paano mo masasabing hindi ganoon ang mangyayari?” maagap kong tanong.
“I didn’t tell them about what happened between us because they’d only ask me to stay in Costa Leona!”

Nagkatinginan kaming dalawa. Ilang saglit ay umatras siya at pinakawalan ako. Dumiretso siya sa pintuan. He looked at me through tired and weary eyes.

“Please, trust me, Snow…” he said.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.