Scorching Love – Kabanata 45

August 29, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 45

Kabanata 45
Revenge

Si Sibal at si Jack ay iniwan ni Tito Achilles sa Casa Riego noong tinanggal ito ni Tita Marem sa trabaho. That explains why they lived at the mansion for some years in their childhood. I felt sorry for Sibal and Jack. Sa murang edad ay pareho silang nadamay sa gulo ni Tita Marem at Tito Achilles.

“Your father warned you about me. Is it because he thinks I’ll destroy your lives the way Tita Marem did?” tanong ko noong pauwi na kami galing sa Casa Riego.

Sumulyap siya sa akin. Seryoso at kunot ang noo. Parang tinantya saglit ang aking ekspresyon bago kinuha ang kamay ko at dinala sa manibela para mahawakan niya habang nagdadrive.

“Binalaan ako ni Papa dahil tingin niya’y mahuhumaling ako sa’yo… And he’s right…” he smirked.
Umirap ako at ngumisi. “Did you ever plan a revenge?”
Umiling siya at dinala ang aking kamay sa kanyang labi. “Kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng hinanakit sa pamilya ninyo,” tiyak niyang sinabi.

It feels good to finally meet his relatives. He told me about his family background and how complicated it was to live bringing their family name.

Nagdaan ang mga araw habang namimigay kami ng imbitasyon sa iilan pang mga kilalang tao. We decided our wedding on the hotel, imbes sa simbahan, dahil doon kami nagkakilala. And he’s pictured how I’m gonna walk from the gates to the front of Costa Leona. Tingin ko ay mas excited pa siya sa akin tuwing iniimagine ang aming kasal.

“Ayos nga lang, Sibal…” sabi ko at pumatong sa kanyang dibdib.

Nasa taas ng ceiling ang kanyang mga mata at ang dalawang kamay ay sapo ang kanyang ulo. His armpits proudly showing themselves with his firm biceps. Tumindig ang balahibo ko habang tinitingnan siya. I still can’t believe that this beautiful man is mine.

“Magtataka si Tito Solomon kung bakit hindi ka dumalo roon. Hindi ba ay nasabi mo na magkikita rin kayo roon.”

Bumaba ang tingin niya sa akin at hinaplos niya ang aking mahabang buhok.

“Hindi ko alam kung may makukuha pa ba ako sa conference na iyon kung ang tanging naiisip ko lang ay ang nalalapit nating kasal…” he said and bit his lip.

I smirked. He’s just too damn excited na pati ang mga naunang plano niya’y hindi niya kayang gawin.

“Well, I’m sorry for liking a striking gown. Tumagal na nga ang kasal natin, dagdag gastos pa sa’yo…” I pouted.
He flashed a smile habang pinaglalaruan na ang tainga ko ngayon. “Uubusin ko ang pera ko matupad lang ang mga gusto mong bagay, Snow.”

Butterflies fluttered on my stomach as we look into each other’s eyes.

“Just call me everyday. In the morning and right after the event. Ayos na ako roon.”
Huminga siya ng malalim. “Engineer Marco Alfeche will stay in the hotel to look at all the work when I’m gone. Huwag ka masyadong lumapit sa mokong na iyon kung ayaw mong uwian kita rito at pakakasalan agad.”
“Wow! Is that what you’re worried about, Percival Archer?” natatawa kong sinabi habang gumagapang sa ibabaw niya.

His breathe hitched as he saw me on top of him. Umupo ako sa kanyang tiyan habang dinudungaw siya. The way he watches me sent shiver down my spine. Parang may iba siyang iniimagine at parang alam ko iyon. Napaawang ang bibig niya at nahalinhinan ang seryosong mga mata ng kamunduhan.

“At binantaan mo ba ako? Huh?” I traced his abdomen with my index finger.

Bumaba ang mga mata niya sa ginawa ko. His jaw clenched as he continued looking at my fingers trying to draw him. Yumuko ako para maabot ang kanyang labi at mahalikan siya. Nang lumapat ang labi ko sa kanya ay bigla niya akong siniil ng malalambot at mapanuyang halik. He suckled my lower lip and gently bit it.

“Naka ilan lang tayo, akala mo pwede ka nang sa ibabaw ko?” bulong niya.

Tumili at tumawa ako nang naramdaman ang kamay niya sa aking baywang at agad niya akong binagsak sa kama. Immediately, we switched places. I am now under him panting and laughing at his move.

Nang tinapat niya ang kanya sa gitna ng aking mga hita ay natigil ako sa pagtawa. He made one swift thrust and I almost felt his tip even when we both have clothes.

“We’re talking seriously, Snow. And yet… all you do is turn me on!” bulong niya bago inangkin ang aking leeg.

Days went very fast. Ni hindi ko namalayan na aalis na siya patungo sa conference nila, at the same time, malaki na ang progress ng nalalapit na kasal kaya tama lang naman iyon.

Nakabalot sa akin ang kanyang puting long sleeve t-shirt at isang maliit na shorts nang ihatid ko siya sa pintuan ng kanyang mansyon. May dala siyang itim na maleta na ngayon ay naroon na sa loob ng Hiace.

Paulit ulit niya akong hinalikan sa noo habang yakap ko ang aking sarili. Kinulong niya ako sa gitna ng countertop.

“Anong sasakyan mo pagdating sa Manila? Commute?” I asked.
Umiling siya. “May sasakyan si Papa…”
“Oh! Okay…”

Binalingan ko ang sasakyan niyang nakaparada malapit doon. Hindi niya iyon dadalhin.

“Kung may gusto kang puntahan, gamitim mo ang sasakyan ko. I’ll contact a driver for you. Just tell me…”

Ngumuso ako at binalingan niya. Kitang kita ko ang ngiting naglalaro sa kanyang labi. Bumaling ako sa orasan at nakitang pwede siyang mahuli sa flight kung mananatili kaming ganoon.

“Tumulak ka na bago magbago ang isip ko…” sabi ko sabay tulak sa kanyang dibdib.

Tumagilid ang ulo niya at hinanap ang mga mata kong nakatingin kahit saan, hindi sa kanya. Nang nahanap niya ay pinag-initan ako ng pisngi.

“Ayaw mo? I can stay, if you want…”

As if I can live with that. My conscience will haunt me. Paano kung may magandang offer sa kanya pagkatapos ng conference? Ako pa ang dahilan ng hindi niya pagkakakuha noon?

“I’m just kidding. Pumunta ka na at maiwan ka pa ng flight…”

Ilang sandali niya pa akong tinitigan. Tinaas niya ang aking baba para magtama ang aming mga mata. His gray eyes met mine and I felt shiver down my spine. Nag-aalab na naman ang kanyang mga mata. I can see that look in his eyes everytime he thrusts inside me in bed. And damn it, I feel like I want to just lock him on my arms at huwag na siyang ipatuloy doon. Mangungulila ako ng husto kahit na ilang araw lang iyon.

“Go!”
“Damn…” Pumikit siya at ilang sandaling tumingala bago bumaba ang tingin sa akin. “I might not get my presentations right…”
Tumawa ako. “Are you kidding me?”

Isang halik ang iginawad niya sa aking labi bago tinulak ang kanyang sarili palayo sa akin. He stormed out of the house and I laughed at him. Pakiramdam ko ay ginawa niya iyon para tuluyang makaalis dahil kapag sinuyo niya pa ako ay papako ang mga paa niya roon.

Humalukipkip ako habang humihilig sa hamba ng pintuan. Umikot siya sa Hiace para makapasok doon.

“Go inside the house, Mrs. Riego!” he shouted. “Before I change my mind!”

Tumawa ako at sinarado ang pintuan para lang tuluyan na siyang makaalis. Para akong baliw na nangingiti kahit noong nakaalis na ang Hiace sa bakuran.

Sa araw na iyon, binabad ko ang sarili ko sa trabaho. Sibal called when he landed at Manila at aniya’y didiretso siya sa conference. Pagkatapos ng tawag ay nagpatuloy ako sa trabaho.

Nang nag-alas dose ay bigla akong tinamaan ng sakit ng ulo. Inaantok ako dahilan kung bakit natulog muna ako sa aking lamesa.

Alas dos nang isang tawag ang nagpagising sa akin. Thank God for the call or else I’m going to oversleep!

“Hello…” sagot ko habang sinasapo ang ulo.

Masakit parin iyon at tingin ko’y lalagnatin ako.

“Hello, Snow… Did I disturb you?” Stav was on the other end.

Binuhay ko ang laptop para tingnan kung ano na ang mga natapos kong trabaho. Nakita kong konti pa lang kaya nagsimula akong sumagot ng mga email habang si Stav ay nasa kabilang linya.

“No, it’s fine. Do you need anything?” tanong ko.
“Uh, no… I just called to check on you… It’s been weeks since we last talked… I wonder if you’re okay…”
“I’m fine, Stav. Ikaw? Nasa Manila ka na ba?” tanong ko.
“No, I’m here in Iloilo but I’ll be in Caticlan either bukas o sa susunod na araw,”
“Oh?”
“I’ll get my diving license. I want to visit you there kaso baka ayaw mo…” he said.
“I-It’s okay, Stav…”

Natigil ako sa pagtipa at binigay ang buong atensyon sa tumatawag. Hindi naman siguro siya magtatagal, hindi ba?

“Great! Don’t worry, hindi ako magtatagal. I just want to pay a visit since mapupunta naman ako riyan…”

Babanggitin ko iyon kay Sibal. Tutal naman alam na ni Stav ang tungkol sa amin at tingin ko’y tanggap niya naman iyon. I still need to tell Sibal about it, though.

Maaga akong nag-out dahil hindi naging maganda ang pakiramdam ko. Sumasakit ang mga mata ko kakatitig sa laptop at pati ang ulo ay apektado.

Nang bumaba ako para kumain ng early dinner ay nakasalubong ko si Mrs. Agdipa sa pasilyo. I smiled at her as a greeting.

“Are you okay, President?” kumunot ang noo niya at napawi ang ngiti.

Nilingon ko ang isang dingding na salamin. Hindi klaro ang mukha ko roon ngunit tingin ko’y ayos lang naman ako.

“Namumutla ka…” she added.
“I’m fine, Mrs. Agdipa. Medyo masama lang ang pakiramdam ko sa araw na ito…” sabi ko.
Tumango siya pero nanatili ang seryosong tingin sa akin.
“Si Kael? Maaga akong kakain ngayon ng dinner dahil maaga rin akong magpapahinga.”
“Kanina pa iyon nasa Seaside. Ipapaserve ko na ang pagkain ninyo.”
“Thank you…” I said and went to the entrance of the restaurant.

Naroon nga si Kael. Alas singko pa lang ng hapon at milagro’y naroon na siya. Usually, we eat our dinner at around six to seven in the evening.

“Maaga akong kakain. Samahan mo na lang ako…” sabi ko sabay upo.
Tumango siya. “Kagagaling ko lang sa isang isla… Aakyat sana ako para makapagbihis bago mag dinner pero dahil sinabi mong kakain na tayo…”
Ngumiti ako at tinanggap ang tubig na sinalin ni Omar sa aking baso. Sisimsim na sana ako roon nang bigla kong naramdaman ang pagbaliktad ng aking sikmura.

Isang duwal ang nagawa ko bago ko tinakpan ang aking bibig. My eyes watered bilang reaksyon sa nangyari. Agarang tumayo si Kael para hagurin ng palad ang aking likod. Kinuha ni Omar ang basong hawak ko at nilayo.

“Ayos ka lang, Ma’am?” Omar asked.
Tumango ako at unti-unting binaba ang aking kamay. “Ayos lang…” sambit ko.
“Omar, bigyan mo ng crackers at mainit na tubig si Miss Galvez…” isang malamig na utos galing kay Mrs. Agdipa iyon.
“Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko. Pero ayos naman ako…” paliwanag ko kay Kael.

I can see the unhidden concern in his eyes. Tumuwid siya sa pagkakatayo bago bumalik sa upuan niya. Lumapit si Mrs. Agdipa sa amin. Pakiramdam ko ay kanina niya pa ako pinagmamasdan.

Nilapag ni Omar ang isang pack ng crackers sa harap ko at isang mainit na tubig. It’s ridiculous. Why should I eat these?

“Makakatulong iyan para gumanda ang pakiramdam mo…” Mrs. Agdipa explained.
“Gusto kong kumain na ng dinner para makatulog…” paliwanag ko.
“Malapit nang iserve iyon, President. For the mean time, I suggest you to eat these…” tinuro niya ang crackers.

I guess it won’t hurt to eat at least one, huh? Sinunod ko ang gusto niyang mangyari. Bumalik si Mrs. Agdipa sa kanyang pwesto habang si Kael ay panay ang panonood sa akin habang kumakain ako ng malutong na crackers.

“Sinabi mo ba kay Engineer Riego na masama ang pakiramdam mo?” tanong ni Kael.
Umiling ako. “Hindi na. Mag-aalala lang iyon. Pahinga lang ang katapat nito. Mawawala rin bukas…”

The food was served afterwards. Maganda naman ang appetite ko kaya tingin ko’y na over fatigue lang ako. Pagkatapos naming kumain ni Kael ay naglakad na ako pabalik ng mansyon ni Sibal. Dinaanan ko ang aming mansyon kung saan maraming nagtatrabaho. I can see the extensions were almost over. Finishing na lang ang kailangan.

Pagkarating ko ng mansyon ni Sibal ay dumiretso ako sa kwarto. I feel so damn tired. I just want to sleep. Pero bago ako umidlip ay nagtipa muna ako ng text para kay Sibal.

Ako:
I’m done with my dinner. Are you done with the conference? Nasa bahay na ako… Nasa kwarto mo…

He replied immediately. Nahuhulog na ang mga mata ko habang binabasa ang mensahe niya.

Sibal:
Kakatapos ko lang din. Kakain pa lang ako ng dinner. After dinner, can I call?

Ako:
Sure. :)

Ngunit dahil sa antok ko ay nakalimutan ko ang tawag. I probably was too weak to even hear all his calls dahil kinaumagahan ay nakita kong may limang tawag siya sa aking hindi nasagot.

Sibal:
Are you sleeping? You’re not answering my calls.

Sibal:
I miss you, Snow.

Sibal:
Nasa condo na ako. Magpapahinga na ako. Text me when you wake up.

Umaga na ako nakapagtipa ng reply. Hihingi na sana ako ng paumanhin sa kanya dahil sa nangyari kagabi pero kalagitnaan ng pagtitipa ko ay bigla akong inatake ng pagkakaduwal.

I rushed to the bathroom! Muntik na akong madapa nang binuksan ang pintuan ng banyo at hinanap ang bowl para lang makapagsuka roon!

“Shit!” sigaw ko habang patuloy ako sa pagsusuka.

Beads of sweat formed on my forehead. My phone rang at my bed but I’m too busy vomiting. Lahat ng kinain ko kagabi ay sinuka ko hanggang sa wala nang lumabas at puro na tubig. Naiiyak na ako sa sakit ng tiyan ko at sa sakit na rin ng ulo.

Namatay ang tawag ay ‘tsaka pa lang medyo kumalma ang aking tiyan. Humilig ako sa malamig na marmol na dingding ng banyo habang hinihintay na dalawin ulit ng pakakasuka.

“Hindi kaya?” kinagat ko ang labi ko habang iniisip na pwede ngang ganoon.

We had unprotected sex for almost six weeks now and… I don’t exactly remember if he pulled out or what.

Damn, Sibal! Hindi kaya…

Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin. I’m flushed. Pulang pula ang aking pisngi, may luha sa namumugtong mata at pulang pula ang aking labi. Dark circles formed below my eyes and I feel like I’m the ugliest woman in the world!

Tumunog muli ang cellphone ko. Lumabas ako ng banyo para makitang tawag iyon sa Facetime ni Sibal. I quickly turned it off. I can’t face him like this. I look so freaking ugly! I can only imagine the girls he met at his conference. For sure, corporate at mga sexy ang mga iyon.

Sibal:
Good morning! You’re awake. Pinatay mo ang tawag ko? Please reply.

Ako:
Good morning! Yes, I am. Sorry kagabi at nakatulog ako. Maliligo muna ako at mag-aayos bago sasagot sa tawag…

Sibal:
Okay. Text beforehand. May presentation ako ngayon. Kung hindi ako makakasagot ay magtext ka na lang. Tatawag ako mamaya kapag freetime.

Naramdaman ko ang gutom habang inaayos ang sarili. Nagpasya akong magpadeliver na lang ng pagkain lalo na noong sumasakit parin ang ulo ko pagkatapos magshower. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Hindi naman ako nilalagnat.

Ako:
I’m done with my shower. Are you free?

He didn’t reply. Besides, baka nasa presentation na nga siya. Hindi ko na pinilit. Nilapag ko ang isang tray ng pagkain sa lamesa at nagsimula nang kumain. I requested for pancake, oddly. Pero isang slice lang ang nakain ko at nilayo ko na agad iyon sa akin.

Umupo ako roon ng ilang sandali para makapagmuni-muni sa kalagayan ko hanggang sa bigla muli akong dinalaw ng pagsusuka. I spent about five minutes vomiting inside the bathroom. Sinamahan pa iyon ng naghihisteryang pag-iyak.

I cannot believe I’m sick at times like these! Noong narito si Sibal ay hindi naman ako ganito! Do I miss him that much that I’m sick right now? Damn it!

Nagpatawag ako ng driver galing sa hotel. Kahit na sinabi niya sa aking iyong sasakyan niya ang gamitin ko, bakante naman ang Hiace kaya iyon na ang ginamit ko. I need to go to a pharmacy and buy a pregnancy test. I can’t turn blind. It is possible!

“Ma’am, medyo traffic pa naman ngayon dahil pista…” sabi ng driver.

I totally forgot about that! But that doesn’t mean I couldn’t go and buy, right?

“Bahala na, Manong. Kailangan ko kasi.”
“Kung gamot, Ma’am, baka mayroon sa hotel…” sabi ng matandang driver.
“Hindi na, Manong. Kailangan ko talagang maghanap ng pharmacy.”

Agad kong pinagsisihan iyon. Traffic nga sa bayan dahil sa mga parade. Halos sarado pa lahat ng pharmacy na napuntahan namin dahil sa piyesta. Sa kabilang bayan pa kami nakahanap ng bukas kaya roon lang din ako nakabili. Tinanghali ako ng balik sa hotel.

Dumiretso ako sa aking opisina para masubukan na iyon. I bought three pieces and in different brands to make sure. Kumalabog ang puso ko habang sinubukan ang isa. Ilang minuto akong naghintay bago nakita ang dalawang guhit.

Tulala pa ako sa una at hindi nakuntento. I tried the other two together and waited for about the same time. Hindi na ako umalis ng banyo habang nag-aantay. When the same word flashed at the other two tests showed, nanlamig ako.

“Pregnant,” it said.

Natulala ako habang nakaupo sa inidoro. Is this really happening!? A mixture of happiness and fear warmed my heart. Pagkatapos ay agad na akong lumabas ng banyo para kumuha ng cellphone at maibalita kay Sibal ang nangyari.

Nanginginig ang kamay ko habang hinahanap ang pangalan niya sa cellphone. Mabuti na lang at kakatext lang niya sa akin kaya hindi na ako nahirapan. I just clicked his name and dialed it so I can talk to him.

Tatlong ring ang nagawa ng cellphone bago sumagot ang kabilang linya.

“Hello…” isang pamilyar na tinig ang narinig ko. And no, it’s definitely not Sibal because it’s a girl’s voice.
“Hello, uh…”

Ang apoy ng excitement na naramdaman ko kanina ay parang na abo ngayon. But I need to remember to stay calm because of my news for Sibal.

“Can I talk to Engineer Riego, please?” I requested.

Baka naman ay nag pe-present pa si Sibal at ang babaeng kausap ko ay isa sa mga nagbabantay ng mga gamit. Iyon na lang ang inisip ko.

“Who’s this, please? This is Katarina, his girlfriend. He’s on our suite’s bathroom taking a shower. I can give him your message if you want…” ang napapaos niyang tinig ay nagpawasak ng husto sa aking damdamin.

Thoughts of them on the same suite stirred my mind…

Sa hotel gaganapin ang conference. Alas dose y media ngayon at malaki ang tsansang tapos na ang presentation ni Sibal. Pwedeng pumunta sila ng suite para magpahinga ng ilang sandali bago mag-ala una at mag resume ang sinalihang conference. And of course, Katarina is there!

Nangilid ang luha ko habang napagtanto ang lahat ng iyon.

“Hello? Are you still there? Who’s this?” tanong ni Katarina sa kabilang linya.

Naninikip ang dibdib ko habang pinoproseso ang lahat. She said she’s the girlfriend! Pero ilang beses niya na ring sinabi iyan sa akin noon. At ano ang pwedeng maging rason niya ngayon?

“Hello?” tanong niya nang ‘di ako sumagot. “Miss, your number isn’t registered on his phone so I will need to know who this is so I can tell my boyfriend about the call. Thank you…”

Tumulo ang luha sa aking mga mata at agad na pinatay ang tawag sa nanginginig na kamay. Binaba ko ang cellphone at binitiwan iyon.

I understand their friendship but is it really just friendship. If Katarina can confidently say that she’s the girlfriend, then should I deal with that for the rest of my life because they are friends? Why is he letting her say that? O baka naman iyon talaga ang totoo nilang relasyon? At ano ako?

Revenge was the only thing on my mind… It came across my mind right after we visited Casa Riego but he assured me na hindi niya iyon gagawin. Pero that was the only explanation I can give myself now!

Fuck!

Isang mensahe ang naiclick ko kanina bago siya tinawagan.

Sibal:
Kumain ka na. I’m not done with the presentation. Don’t call. I will call you later, instead.

Mas lalo akong umiyak sa nabasa. Don’t call, huh? Why because you know who might answer the call? Fuck!

Mahapdi na ang mga mata ko sa kakaiyak sa aking desk. Wala akong nagawa sa araw n iyon kundi ang umiyak. I decided to take a break pero noong tumayo ako ay naduwal na naman ako!

I quickly went to the toilet. Tutop ang sikmura ay nagsuka ako sa inidoro. Halong histerya ang iyak ko habang nagduduwal. Sumalampak ako sa tiled floor para magpahinga at umiyak. Nilagay ko ang aking palad sa aking mukha para matabunan ang mga luhang nagbadya.

The phone in my office rang. Kahit na wasak na wasak pa ang pakiramdam ko’y bumangon parin ako para masagot ang tawag. I feel so disappointed with the face I have. I look like a wreck!

Pagod kong sinagot ang telepono.

“Hello…”
“Good afternoon, Miss Galvez. I just want to inform you that Gustav Lagdameo is here at the lobby…”
“Okay… Thank you… I’ll be there in a bit…” nanghihina kong sinabi.

Umupo ako sa swivel chair at sinapo ang aking ulo. There’s no text from Sibal even after my call. Hindi ko na alam kung alin ang papaniwalaan ko pero mas pinapaniwalaan ko ang mga sinabi ni Katarina. But I know for sure that if he really is up for revenge, if he wants to leave me on our wedding day para mapahiya ako, kailangan niyang malaman na buntis ako!

I dialed the office of Mrs. Agdipa. Walang pag-aalinlangan akong nagdesisyon.

“President, good afternoon.”
“Mrs. Agdipa, kindly ask the staff to book a ticket for me to Manila. I will be leaving the hotel on your hands for about two days depending on the length of my appointment in Manila.”
“Snow?” gulat niyang tanong sa pormal kong sinabi.
“I will call Papa later. I’ll explain it to him. Siguro naman ay kaya mo rito ng ilang araw na wala ako.”
“Yes, Snow! No problem! But… why the sudden plan? Anyway, okay. I will alert the staff. When do you want to leave for Manila?”
“If you can book a flight tonight, I won’t mind…” sabi ko.
“Sige…”

Binaba ko ang telepono bago bumalik sa banyo. The image of me with a flushed face and heavy eyes makes me want to vomit. Hindi ko matanggap na ganito pa ang sasapitin ko ngayong buntis ako. Hindi ko matanggap na maaaring talunan na nga ako sa aking damdamin, mas lalo pa akong nagmukhang talunan ngayon.

Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa sarili. Marahas ko iyong pinalis. Nagpowder ako ng mukha at naglagay ng eyeshadow. I didn’t stop putting light looking make up until the dark circles are concealed and the pain in my face got erased. I am not facing Sibal in Manila looking like a wreck!

Bumaba ako galing sa aking opisina at hinanap si Stav sa lobby. Nakaupo siya sa isang sofa habang tumitingin ng mabuti sa isang magazine. Nakakunot ang noo niya na parang may seryosong binabasa bago nag-angat ng tingin sa akin.

His jaw slightly drop at the sight of me and he rose for a greeting.

“Good afternoon, Snow… You look great!” he said.
Ngumiti ako at nalingunan ang kanyang maleta sa gilid. Is he staying here? “We’re not fully booked so if you’re planning to stay here, I can book you a room…”
Umiling siya. “No, thanks, Snow. I’ll be leaving for Manila. Nag stop over lang ako rito para kunin na rin iyong lisensya ko pero tutulak na rin ako mamayang gabi.”

Umaliwalas ang pakiramdam ko sa narinig galing sa kanya.

“Wh-What? I’m planning to leave for Manila later, too! Saan galing ang flight mo?” tanong ko.
“Kalibo. Pwede na tayong magsabay!” sabi niya at ngumiti. “But… why are suddenly going to Manila?”

Hindi ako nakasagot agad. Inangat ko ang tingin sa kanya. Punong puno ng concern ang kanyang mga mata. Pakiramdam ko ay isa akong bulkang naghihintay na sumabog kaya imbes na hintayin iyon, mas pinili kong sumabog sa mas tahimik na paraan ngayon.

“Sibal is in Manila and I’m pregnant…” nanginig ang boses ko.

Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Huminga ako ng malalim at bumagsak ang aking balikat. For a long time, we stood there looking at each other. I feel like crying again! Damn it!

“Miss Galvez, you are booked tonight from Kalibo to NAIA…” sabi ni Mrs. Agdipa nang nakalapit.

Luminga linga siya sa aming dalawa ni Stav bago pumirmi ang tingin niya sa akin.

“Namumutla ka, President. Are you really okay?” she suddenly asked. Concern is laced in her tone.
Tumango ako. “Yes. Mag-iimpake lang ako, Ma’am…”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.