Scorching Love – Kabanata 44

August 29, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 44

Kabanata 44
Casa Riego

I told Sibal to be a bit considerate with Stav on dinner. Mabuti na lang at mukhang naintindihan naman nito ang gusto kong mangyari dahilan kung bakit tahimik ang dinner.

Kael kept on staring at us the whole time.

“I’m almost done with the training, sabi nila. Gusto ko nang magkaroon ng license!” Stav said happily.
I smiled. “That’s great, Stav. Enjoy ba ang lessons?”
“Syempre…”

Our conversation about diving went on. When Kael was asked if he’s interested to get a license, umo-o naman ang kapatid ko.

“Ikaw, Engineer. May ganoon ka na ba?” singit ni Kael.

Uminom ako ng tubig at nag-antay sa isasagot ng kaharap ko. He smirked.

“Meron. You should get one, Kael,” simpleng sinabi nito.

Marami talagang nangyari sa loob ng limang taon. I don’t know him that much now. But… did I really know him years ago? Hindi ko naman alam ang tungkol sa mga Riego. That doesn’t matter now.

“Stav, pumunta muna tayo sa Poolside? If that’s okay with you…” panimula ko nang natapos na kaming kumain.

Sumulyap ako kay Sibal habang umiinom siya ng wine. All emotions were gone now. Isang cold stare lang ang iginawad niya sa akin.

Nang tumayo kami para roon at si Kael naman ay nagyaya kay Sibal na magtagal muna para pag-usapan ang iilang designs na gusto niya, medyo nailang pa ako nang inosenteng hinawakan ni Stav ang aking siko bilang pag-alalay. Lumayo ako ng bahagya at sumulyap kay Sibal. Binaba nito ang wine glass at kitang kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Nanatili ang tingin niya kay Kael na tila nakikinig sa sinasabi nitong topic.

Nang nakalabas kami ni Stav sa Seaside at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng mga pool ay tahimik kaming dalawa. Siya ang bumasag ng katahimikang iyon.

“Hey, this weekend, do you want to go to Iloilo? Alam mo na… bisitahin ang resort namin… at mamasyal na rin…”

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. My hands are behind me as I stared at him. He smiled shyly and rubbed his palms together. Malamig na kasi dahil medyo lumalalim na ang gabi.

“Stav, I’m sorry, I can’t. I have plans…” sabi ko.

Kahit na may plano na ako kung paano ko sasabihin sa kanya, hindi ko parin maituloy dahil tingin ko ay wala sa tyempo. Now that he’s asking me to be with him, I feel like this is the right time to tell him why I can’t go with him anymore.

“Oh! So next week, then?” he said.
I sighed. “Stav, I might have plans with Engineer Riego…”

Natikom ang bibig ni Stav sa sinabi ko. Kahit wala siyang naging reaksyon ay pakiramdam ko’y nakuha niya kaagad ang ibig kong sabihin. With one look, I almost nodded. Parang ang mga mata niya’y nagtatanong kung tama ba ang iniisip niya.

“Oh! So… is it work?” I can sense hesitation.
“Nope…” malungkot akong ngumiti.

Tumango siya ng paulit ulit na tila ba unti unting naliwanagan. O ‘di kaya’y nakumpirma ang iniisip niya kanina.

“Personal…” he added.
Ngumuso ako at tumango. “We’re in a relationship…”

Hindi siya nagsalita. Nanatili lamang ang blanko niyang ekspresyon habang tinititigan ako. Sa likod niya ay nakita ko si Sibal kasama ang aking kapatid. They’re talking, wine glass on hand. They’re both looking at us.

“Matagal ko na siyang kilala. Five years ago and… well…” nagkibit ako ng balikat.
“Five years ago when you stayed here in Costa Leona?” he asked.

I nodded. Isang malalim na hinga ang ginawa niya bago ngumiti sa akin.

“Okay then… I guess I’m happy for you…” humalakhak siya pero ramdam ko ang pagpiyok. “I-Is that the reason why you completely rejected my… oh… don’t answer it.”

Tumatango na ako kahit ‘di niya pa natatapos ang tanong. Yumuko ako at tiningnan ang umaalong pool hindi kalayuan sa tinatayuan namin. Ang iilang guests ay nag-si-swimming. Kung lalapit pa kami sa Poolside bar ay hindi na kami masyado magkakarinigan dahil sa ingay na hatid ng stereo. Umihip ang malamig na hangin galing sa dagat.

“It was probably awkward for the both of you, huh? My presence…”
“No, Stav… Actually, hindi naman ganoon. I’m glad you’re here…”
“And our Roxas trip, he probably thinks…”
Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa kanyang mga concern. “Stav, it’s okay. We’re friends. Besides, Sibal understands…”

Tumango siya na parang may napagtantong kung ano. He wouldn’t say it and I won’t ask about it. Whatever it is, I respect his privacy with his feelings.

“I think I should go… Nahihiya na ako…” he laughed.
“Hindi, Stav. He’s…” friendly… no. “… fine. Actually, if you want to talk about the renovation of your own resort, you can ask for his help…”
“That would be awkward, Snow. I’m sure awkward lalo sa kanya. You know what…” naglakad siya palapit sa akin. “I really should go. I appreciate your hospitality and kindness…”

Parang may kumurot sa puso ko sa sinabi niya. I feel like he’s guilty or something when he shouldn’t. Hindi pa kami nagkakaliwanagan ni Sibal nang dumating siya. Pinaunlakan ko rin ang gusto niyang pasyal namin sa Roxas kaya hindi niya iyon kasalanan.

“Stav…”

He touched my arm as a sign of concern and assurance.

“Really…” he flashed a friendly smile. “Don’t worry, magpapaalam din ako kay Engineer Riego. Sa ilang araw ko rito, tingin ko naman ay maayos siyang tao. My presence would only stop the two of you to really get along. Besides, patapos na rin ang sadya ko rito… iyong diving…”

Malungkot ko siyang tiningnan. His smiles assured me that he’s fine. I hope he really is, though.

“Okay… I’m really happy, Stav. I’m happy that you’re here. You’ve been good to me…”
“Thank you for being good to me, too. Kahit na pinagpapares tayo at may iba kang gusto ay hindi ka parin naging malupit. Thank you…”

Hindi ako makahinga sa sikip ng aking dibdib. Parang may nagbabara sa aking lalamunan sa sinabi niya. I feel like I’m losing a friend even when I don’t want him to go!

“If you need anything, just call. I’ll be in Iloilo for the mean time to take a look at our resort…”

Hinawakan niya ang aking braso. Yumuko ako at sinapo ang noo habang unti-unting nangilid ang aking luha.

“Farewell, Snow…”

I couldn’t watch him go. Pumunta siya sa banda nina Kael at kahit malinaw at tahimik ang aming pag-uusap ay para akong nilulukot. Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking mga mata at hinanap si Stav. Nahanap ko siyang tinatapik ang balikat ni Sibal. Tumango si Sibal sa kanya, ngunit madilim ang tingin.

Iniwas kong muli ang aking tingin at binaling iyon sa mga nag s-swimming. For a long time, i stood there staring blankly at it nang biglang hinapit ni Sibal ang aking baywang at tahimik akong niyakap.

“Masakit ba noong sinabi mo kay Katarina na ako ang gusto mo at hindi siya?” tanong ko.

She’s his friend. Like how Stav is a friend to me. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit sobra sobra na lang ang desperasyon ni Katarina noon. Ngayon ko lang din nakuhang mahirap sa parte ni Sibal iyong pag-amin kay Katarina.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. His jaw made their way to my neck.

“Mahirap iyon, Snow. Pero kailangan dahil iyon ang totoo…” he said and held my hand.

Ilang sandali kaming nanatiling ganoon bago nagpasya na bumalik na sa kanila para magpahinga.

I realized that people get hurt in one way or another. You really can’t evade pain. Especially when you love. Though, I am not really sure that Stav loved me that way. But it hurt seeing him trying to stay whole when he clearly was breaking.

Lagi ko iyong nakukumpara kay Katarina.

Ang mga sumunod na mga araw ay mabilis. Lalo na nang ipinakilala ako ni Sibal sa isang prominenteng wedding organizer sa buong lalawigan. She does wedding in Boracay, too, kaya isang milagro na napaunlakan niya ang tawag ni Sibal.

Napagkasunduan namin ni Sibal na sa resort gaganapin ang wedding dahil doon kami nagkakilala. Isang huwes ang magkakasal sa amin at ilalakad na rin ang mga papel.

“I suggest you get Andriel Zamora’s designs for gowns, Miss Galvez!” sabi noong babae sabay ngiti sa akin.

Nakalatag sa harap ko ang mga wedding magazine. Isali pa ang iPad niyang tungkol din sa aking wedding.

Nakapili na kami ng photographer at kung anu-ano pa. Iyong gown na lang ang kulang. I want it to be simple and elegant. Andriel Zamora’s designs are good and I want one! He’s based in Manila but we can contact him para mapag-usapan ang gusto ko.

“Sige. Iyon na lang.”
“Though, the date will be moved if ever. Hindi madaling gawin ang request mong gown, Miss Galvez…” sabi noong babae.

Dalawang linggo na lang dapat kasal na kami ni Sibal pero dahil sa gown na gusto ko ay mamo-move yata ang date. It’s fine. If we’re really meant to be, the date can wait.

Tiningala ko siya. Nasalikod ko kasi siya at nakahalukipkip. Tila walang naiintindihan sa sinasabi.

“Ayos lang?” tanong ko.
Huminga siya ng malalim. “Kahit anong gusto mo…”

I clapped and felt giddy. Isang beses lang akong ikakasal kaya gusto ko perpekto ang lahat.

“But then… that will mean maiiwan kita rito ng limang araw dahil sa conference na dadaluhan ko… nang ‘di pa tayo kasal…”

Napawi ang ngiti ko pagkatapos kong marinig iyon. He planned it early because he wants to leave me here na nakatali na ako sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko. Ang isang kamay niya’y nakahawak sa aking hita. He smiled wickedly.

“Kung gusto mo, sumama ka sa akin,” ideya niya.
I quickly shook my head. “Hindi na… Ayos lang na rito na muna ako at marami akong trabahong tatapusin… Isa pa, paniguradong ‘di mo ako mapapansin araw-araw doon sa Maynila dahil abala ka sa trabaho mo…”
“I’ll bring you to the conference if you want. It’s okay…” hinagod niya ang aking likod.

Parang agad nag-alab ang pakiramdam ko sa ginawa niya. He smirked. I can sense that he knows I’m turned on. Nangingiti ang babae sa aming harapan habang pinagmamasdan kaming nag-uusap.

Pwede ko namang iwan ang trabaho ko ng ilang araw but that would mean mas lalong dadami sa mga susunod. Isa pa, mangyayari lamang ito dahil sa kagustuhan ko ng isang specific na disenyo ng gown. Kung si Sibal ang masusunod sa araw ay makakasal kami sa lalong madaling panahon. Maaantala lamang dahil sa akin kaya kailangan kong mag adjust sa sarili kong nais.

“No… it’s okay. Just come back here on time so we can plan all the final details of the wedding…” sambit ko.

Father was too excited. He wants to immediately come back for it pero sinabi kong na move ang araw at diyan na muna siya sa Boracay. Sibal also told me that Tito Achilles will be here just a week before the wedding to talk to Papa and Tito Solomon.

“Si Jaxon ba, makakauwi?” tanong ko habang nakaupo sa lamesa sa tapat ng veranda.

Sibal’s at his explosive pull ups once again. He’s doing that everyday. Nasasanay na akong tingnan siyang ganyan.

Inayos ko ang kwelyo ng suot kong puting long sleeves niya kagabi. Malamig ang sahig sa aking paa nang lumapat ito roon. Pinaglaruan ko ang ballpen na hawak habang tinitingnan siya sa ginagawa.

“Hindi… Abala siya sa trabaho, sabi niya…”
Ngumuso ako. “You talked to him?”

Tumigil siya at hinarap ako. Beads of sweat fell from his shoulder. Hinihingal siya at tinagilid niya ang ulo niya.

“Oo. Tumawag ako kahapon.”
“You didn’t tell me! I missed him!” sabi ko.

His lips twitched. Naglakad siya patungo sa akin at umupo sa harap ko.

“Mabilisang tawag lang iyon. Tatawag ako sa susunod iyong nariyan ka para makapag-usap kayo ng kapatid ko…”
Ngumiti ako. “Okay! By the way, the invites are done. When are we going to send them?
“Bukas. Isasama kita sa mansyon ng mga Riego para maibigay ang invitation.”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. We’re going to their ancestral home?

“Sino ang naroon?” hindi ko maitago ang excitement sa aking tinig.
“Halos lahat sila’y nasa abroad o ‘di kaya’y nasa Maynila… Siguro ay ako na rin ang mag-aabot sa kanila next week, pagdating ko ng Maynila,” sabi niya.
“Kung ganoon, sinong pagbibigyan natin ng invitation sa Casa Riego?” tanong ko.
“Si Wanda. Kung papalarin, baka naroon din ang tiyahin ko…”
“Sino si Wanda?” I feel like a child waiting for a fairytale to unfold.
“Their househelp…”
“Oh! And your tita is there, too?” tanong ko.

He smiled at my curiousity. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa ngiti niya. Tinigil ko ang kuryosidad ko at huminga ng malalim.

“I’m sorry. Talagang namamangha lang ako.”
“She might be there. Hindi nga lang ako sigurado sa ngayon…”

Marami pa sana akong itatanong kung hindi lang tumunog ang aking iPad sa harap. Facetime rang and it’s a call from a very unexpected person. Nagtaas ng kilay si Sibal nang nakita kung sino ang tumatawag. Halos ma estatwa rin ako nang nakita iyon.

Inayos ko ang unang butones ng aking damit bago iyon kinuha at sinagot.

“Hello, Tita…” sabi ko.
“Hi, Snow…” she smiled weakly.
“Hi…” I said awkwardly.

I’m pretty sure na nasabi na ni Papa ang tungkol sa kasal namin ni Sibal. I wonder why she called. I marvel at her guts to even call when she’s the reason behind whatever happened five years ago.

“I called you just to say congratulations to your coming wedding with Percival Archer Riego…”

Napasulyap ako kay Sibal sa sinabi ni Tita. He sipped on the coffee as he listened. Hindi siya kita ni Tita dahil ako lamang ang kaharap ng screen.

“T-Thank you, Tita. Uh… It’s going to be… about a month from now. I’ll send you the invitation tomorrow-”
“Just save that invite and give it to other people, hija. I can’t come.”

Her hair is down and her make up is on just like before. Her features were pointed and her eyebrows arched like it was done by a professional. Ang background sa likod niya ay mga frames. Tingin ko ay nasa isang opisina siya.

“New York will be my family’s home for the next years since Amber is deciding to marry, too, like you…” she smiled genuinely.

Nalaglag ang panga ko sa narinig. My cousin is going to marry someone, too? And she’s just probably eighteen!

“Wow! That’s… When, Tita?” nagulat ako.
“Siguro ay tatlong buwan simula ngayon. She told me to give you some invitations, actually. She’ll call you one of these days so you two can talk…”

I was stunned. At eighteen, all I think about is to grow up more so I can figure out my feelings properly. But here, my cousin is so sure of her feelings that she’s going to marry someone!

“Anyway, I just called to tell you that I am happy for you and for your husband. Pasensya ka na, darling, sa nangyari noong nakaraang buwan at talagang masyado akong nagtiwala sa gagawa ng hotel. We already have leads, I trust your father has told you about it, and it’s still in progress. I promise you that I’m going to find more evidence so we can formally file a case against the Lagdameos…”

Napalunok ako sa sinabi ni Tita. I thought she’s going to apologize for what happened five years ago, too!

“I still can’t believe it, Tita. Stav’s a good man.”
“Better a bad looking man who’s trustworthy than a trustworthy looking person hiding a bad motive, Snow,” she smiled. “Good bye for now. I have work to do… I will call on your wedding day and I’m sponsoring your honeymoon wherever you want. Send my regards to Sibal…”
“T-Thank you, Tita…”

Halos panuyuan ako ng lalamunan sa narinig. I cannot believe it. And she seems genuine about it!

She smiled then the screen went blank. Hindi ako agad nakagalaw pagkatapos noon. Nilipat ko ang tingin ko kay Sibal habang umiinom siya ng kape.

“Did you hear what she just said?” tanong ko.
Tumango si Sibal.
“I don’t know what to feel. Knowing her, I think it’s real. Pero dahil sa ginawa niya sa atin noon, pakiramdam ko…”
Umiling ako. Natigil lamang sa pag-iisip nang hawakan ni Sibal ang aking kamay.
“Don’t worry about it. Wala nang makapaghihiwalay muli sa atin ngayon, Snow…”

Paulit ulit kong inisip ang mga sinabi ni Tita. Kulang na lang ay bigyan ko ng meaning ang kanyang mga salita. Ngunit alam ko sa sarili ko na kahit na hindi kagandahan ang ugali niya’y tingin ko’y totoo naman siya sa mga sinabi niyang iyon.

True enough, alas tres ng hapon kinabukasan ay nagpunta kami sa Casa Riego. I have never been there before.

Abandoned looking mansion fell in line just near the signage. Akala ko lalabas kami nang nasa signage na. Pinuno ko pa naman ang mga mata ko sa isang mukhang haunted na mansyon nang biglang niliko niya sa may arrow.

“Is that Casa Riego?” tanong ko.
Umiling siya habang nakatingin sa papasok noong makipot na daanang pupuntahan namin.

Nanahimik ako nang nakita ang malawak na kagubatan. It’s located at Costa Leona but it’s not on the seaside. Instead, nasa mga kabundukan iyon malapit sa malalaking windmills na naroon sa itaas ng mga bundok.

Mga tatlong minutong mahinang byahe ay nasa gitna na kami ng gubat. Luminga linga ako. Pakiramdam ko ay binibiro ako ni Sibal. All my life, I thought Casa Riego is just around the mansions near the highway. I didn’t know it’s inside the of here!

“Malayo pa ba tayo?” tanong ko.
“Nasa dulo pa nito ang ancestral house.”

May nakita pa akong lalaki sa daanan. May dala siyang walkie talkie at may sinabi roon. Sinundan ko iyon ng tingin lalo na nang bumusina si Sibal sa tao. Tinaas noong lalaki ang kanyang kamay at ngumiti pa kahit na tinted naman ang sasakyan.

“Sino iyon?”
“Hardinero…” sagot ni Sibal.
“Saan ang hardin dito?” I eyed the trees around.
Tumawa siya. “Nasa dulo pa. Lupain pa nila ito…”
“I feel like my whole life’s been a lie. I thought those mansions were Casa Riego!”

Tahimik si Sibal hanggang sa narating namin ang liwanag. Nawala ang mga kahoy sa paligid at napalitan ng malawak at mapupulang lupain. May nakikita pa akong malawak na tubigan sa malayo!

“Ano ‘yon?” tanong ko.
“Fish pond…” sagot niya.

Pagkatapos ng ilang sandali ay lumayo na ang fishpond at napalitan ng iilan pang taniman. Bumaling ako sa harap at doon nakita ko ang isang malaking fountain na nagsilbing rotunda bago makita ng tuluyan ang kabuuan ng mansyon sa harap. Large walls of shrubs properly tended to be rectangular shaped lead the way to the mansion.

“Now I understand what the gardener is for…” sabi ko.

Humalakhak siya at tinigil ang sasakyan sa tapat ng isang mansyon. It was a little bit bigger than our mansion. Kahit na spanish-style ang aming mansyon ay may halo parin iyong modern pero itong kanila ay masasabi kong wala talaga.

The large entrance told me that parties are usually held here. May mga limang hakbang ng hagdanan bago tuluyang makaakyat sa kanilang malawak na pintuan. Ang mga barandilya ng hagdanan ay tila mga baging na may mga dahon at bulaklak.

Ang mga bintana ay malalaki. Tingin ko ay mula iyon unang palapag hanggang pangalawang palapag. The chocolate brown-colored brick roof gave a rustic glow to the whole mansion. The four large and cricular foundation near the large door has leaves and vines carved in them, too.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan. Naaninag ko agad ang pababang lalaki. His body built almost like Sibal. I think he’s around his age, too… I’m just not sure. Ngumisi ito habang pababa at isang matandang babae ang nasa likod nito.

“Rao…” tawag ni Sibal sa lalaki sabay tawanan.
“Narinig ko kay Lucio…” panimula nito bago nilipat ang mga mata sa akin.

Hindi ko alam kung sino iyon ngunit hula ko’y pinsan niya iyon. Sibal turned to me. Hinapit niya ang aking baywang.

“Snow, this is Raoul Riego… Pinsan ko…” sabi niya.
“Oh! Hi…” naglahad ako ng kamay.
Tinanggap naman iyon ni Raoul. “Snow Galvez, right?”

Binaba niya agad ang kamay at bumaling kay Sibal. Nararamdaman kong may kahulugan ang tinginan nila bago sila nagtawanan.

“Archer!” tawag ng may edad na babae galing sa taas ng hagdanan. Humalukipkip ang babae habang masuyo kaming tiningnan doon.
“Dito na kayo mag usap ni Rao. Nagpahanda ako ng pagkain sa pagdating ninyo…”
“Okay, Tita… Let’s go, Snow…”

Ang nasa loob ay mas nakamamangha. May high ceiling iyon at ang malaking chandelier sa itaas. Kulay beige ang pintura at ang mga lampshade ay kulay ginto. Ang mga barandilya ng round and grand staircase ay tulad ng nakita ko sa labas. Ang sahig ay marmol at may iilang carpet na kulay beige din. It’s like no one cares if it gets all dirty by the shoes of people who go there.

Two sculptures stood beside the grand stairase. The other one says: Vesarius Hidalgo Riego V. The other one says: Clementina Saldivar Riego.

It’s his great grandfather.

“We were thrilled to hear the news,” nanatili ang tingin ng Tiyahin ni Sibal sa akin habang nagsasalin siya ng tsaa sa mga tasa.

May iilang mga kasambahay na umaligid para sa pagkain. Maraming ulam ang nilagay sa hapag kahit tingin ko’y apat lang kaming naroon.

Pinakilala niya ang babaeng nasa harap bilang Tita Fely. Isang babae ang biglang lumabas galing sa kusina dala ang isang malaking roasted chicken sa harap. Agad akong natakam.

Nagmano si Sibal sa babaeng iyon. Kaedad lamang ni Tita Fely ang babae ngunit mas istrikta tingnan kumpara sa tiyahin.

“Ito ba ang anak ni Remus, Sibal?” malamig na tanong ng babae.
“Wanda, this is Nieves Solanna Galvez…” si Sibal sabay balik sa kinauupuan.
Ngumiti ang babaeng akala ko’y hindi na ngingiti sa akin. “Snow, si Wanda ang nag-alaga sa akin noong tumira ako rito sa mansyon…”
Tumango ako at naglahad ng kamay sa kanya. “Nice to meet you, po…”

Tinanggap niya naman ang kamay ko at pagkatapos ay bumaling kay Sibal.

“Ang akala nitong pamangkin mo, Felicia ay nasa Iloilo kayo kaya ihahatid niya lang sana ngayon ang imbitasyon,” si Wanda.
Tumawa si Tita Fely. “Hindi kami nagtagal sa Iloilo. May binili lang ako at isa pa, narito naman si Rao kaya ba’t mo iisiping si Wanda lang ang tao rito, Sibal?”
“Pasensya na, Tita. Buong akala ko’y nanatili si Raoul sa Maynila…” si Sibal.

Biglang kumunot ang noo ng tiyahin ni Sibal bago nilapag ang tasa ng iniinom na tsaa.

They continued talking about the lives of Sibal’s relatives. Tahimik ako sa gilid at bigla kong napantanto kung gaano ka tahimik dito sa kanila. Wala akong naririnig kundi ang mga tinig namin. Their laughs are echoing on the hallways.

“Uuwi si Rai, iyon ang sabi niya…” sabi ni Wanda. “Uuwi pati ang ibang pinsan mo kahit hindi mo pa nabibigyan ng sulat. Uuwi rin ba rito si Achilles?”
Nilingon ko si Sibal. “Oo. Uuwi siya isang linggo bago ang kasal dahil pormal niyang haharapin ang Papa ni Snow…” he held my hand.
Tumawa si Tita Fely. “Achilles is such an old soul. Pero sige at pagbibigyan dahil ikakasal ka na… Hija, saan gaganapin ang kasal?”

Nakalugay ang buhok ni Tita Fely at kahit hindi talagang nag-ayos ay maganda parin siya. Her lips are pink and her eyelashes has natural wave.

“Sa aming hotel po…” sagot ko. Nahagip ko ang mapanuring tingin ni Wanda sa akin. Bigla akong kinabahan pero alam kong natural lang iyon.
“Parang kailan lang ay ang bata pa nitong si Sibal nang ihatid dito ni Achilles…”

Ngumuso si Raoul sa sinabi ni Wanda. Nilingon ko si Sibal na ngayon ay seryosong nakatingin kay Wanda. Ngumiti naman ang babae.

“Ano ang meron at bakit?” dagdag nito sa isang monotone.
“Wanda, coincidence lang siguro iyon…” natatawang sinabi ni Tita Fely.

Tumikhim ako. Pakiramdam ko’y tungkol iyon kay Tita Marem at Tito Achilles.

“Isang batang Sibal at Jack ang dumating sa paanan ng hagdan ng mansyong ito.”

Bumaba ang tingin ko sa aking pinggan.

“Wanda, naiintindihan ko si Papa,” sabi ni Sibal.
“Maaari ngang ngayon ay naintindihan mo na dahil ikaw mismo ay pakakasal sa isang Galvez…” pinal na sinabi nito bago bumaling muli sa akin. “’Iiwan ko si Sibal at si Jack dito hanggang sa kaya ko na silang buhayin ulit…’ iyon ang sinabi ni Achilles sa akin.”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Po? Bakit po?” halos matawa ako.

Suminghap si Sibal. Tipid namang ngumiti si Wanda sa akin.

“Ipapatanggal siya ni Maria Emilia sa trabaho. Pagkakaitan siya ng trabaho kahit saan at paaalisin sa kanilang bahay dahil sa galit niya. Pero hindi iyon sinabi ni Achilles sa akin.”
“Achilles wants to deal with his problem alone, Wanda…” si Tita Fely.
“Hindi… Mahal na mahal ni Achilles si Marem na kahit ang galit nito’y pinagbibigyan niya. Na kung gusto ni Marem na magdusa siya ay talagang magdurusa siya para lang masunod ang kagustuhan ng kanyang mahal.”
“If that’s the case then are you saying that Achilles had been so selfish, Wanda?” medyo nahihimigan ko ang galit sa kay Tita Fely.
“I understand now, Tita. Hindi ako nagalit kay Papa sa kanyang ginawa. Isa pa’t kinuha niya kami nang nagkaroon na siya ng paraan. Whatever happened in the past lead me to where I am now so I don’t really mind…”

Wanda smiled at Sibal. Binaling ang tingin sa akin pagkatapos.

“Pasensya na, hija. Hindi ko maiwasan. Alaga ko ang mga Riego simula pagkabata… Natitiyak ko ang mga personalidad nila…”

Kumurap kurap ako. I am unable to process what she just said about Tito Achilles and Tita Marem.

“I’m not like my Tita, po…” may kasiguraduhan kong sinabi.

One thing’s for sure, Tita Marem had been such a pain in the ass for Sibal’s family. I almost cannot believe it.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.