Scorching Love – Kabanata 43

August 29, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 43

Kabanata 43
Finally

Huminga ako ng malalim at tinulak ang braso ni Sibal na nakadagan sa aking dibdib. Gusto kong bumangon dahil basang basa pa ang buhok ko galing sa pagligo.

It’s ten in the morning. I should be in the office right now pero simula noong nagising ako ng mga alas otso at naligo ay panay ang kumbinsi niya sa aking manatili na lang doon buong araw.

I missed breakfast with Stav. Tumawag pa si Sibal sa hotel para lang mag order ng breakfast at kahit pagbaba ko ay ayaw niyang paunlakan.

“What about work?” I said weakly.

Kahit na nakaligo na ako’t lahat lahat ay medyo pagod na naman ako. His biceps flexed when he tried to get up. Hinarap niya ako at mas lalong hinila palapit sa kanyang dibdib. Bumaon ang pisngi ko roon at naamoy ko agad ang panlalaki niyang pabango. Sinulyapan ko ang perlas na singsing sa aking daliri na sinuot niya sa akin kaninang umaga.

“You’re not working today…” aniya.
“Huh?” bahagya ko siyang itinulak pero binaon niya ang kanyang mukha sa aking buhok.
“Tutulak tayo pa Boracay. Mamamanhikan ako…” he whispered.

Tumawa ako at bahagyang tinampal ang kanyang matigas na dibdib.

“Huwag mong biglain si Papa! Tatawag ako mamaya at dadahan dahanin ko ang pagsasabi ng tungkol sa atin. Ni hindi pa nag isang araw, Sibal…”
“Taon na ang lumipas, Snow…” he murmured.
Umirap ako. “This is different. This is serious!”

Dumilat siya at pagod akong tiningnan. Sinuklian ko rin siya ng titig. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa aking pisngi at nilagay sa likod ng aking tainga.

“Seryoso rin ako noon…”

Ngumuso ako at nanatili ang titig sa kanya.

“I just want to take it slow when it comes to my father. At kailangan ding malaman ni Gustav ang lahat ng ito…”
“Great idea!” he snuggled on my neck again.

Paano ako makakagalaw kung may ganito ka higpit ang yakap sa akin? Nakapalupot ako sa comforter at ang bagong suot kong damit ay nagkalat na naman sa kama. He’s all naked. Half of his body is inside the comforter while the other half isn’t.

“Get up, Engineer Riego! Gutom na ako!” sabi ko para lang tuluyan na siyang gumising.
“Hmm?”

It was effective. Ilang sandali lang ay bumangon siya at umupo sa kama. The muscles of his back looked so ripped. Ginulo niya ang kanyang buhok at tumayo na.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Pinikit ko ang mga mata ko nang nakitang nag-aalab muli ang kanyang mata nang sumulyap sa akin.

Dumiretso siya sa labas. Pagkasarado ng pintuan ay agad kong hinagilap ang mga damit ko para makapagbihis muli.

Doon ko lang din na icharge ang cellphone ko. Buong gabi ko yata iyong kinaligtaan. Naiisip ko tuloy ang magiging kumento ni Mrs. Agdipa o ni Kael dahil hindi ako sumipot sa opisina sa tamang oras.

A call got in. It’s from Stav. Agad ko iyong sinagot.

“Hello?”
“Snow… Thank God! What happened?” huminga ng malalim si Stav.

Ang naririnig kong background sa kanyang tawag ay music. I feel like he’s inside his car.

“Sorry. Nag-antay ka ba sa akin kanina?” Ngumiwi ako.
“Yes. I was worried. Kakaalis ko lang noong nalaman kong nagpahatid daw ng breakfast sa kina Engineer Riego. Are you sick?”

Hindi tamang dito ko sa cellphone sabihin sa kanya ang lahat. I’ll wait for him when he gets here and I’ll make sure it will be just the two of us. Ayaw ko namang mapahiya siya kay Sibal kung sa harapan nito mismo ko siya sasabihan ng ganoon.

“Nope. Uh, actually, papasok na rin ako ngayon. Medyo natagalan lang sa pag gising.”
“Thank God! I was really worried! Papunta na ako sa training ko.”
“Ganoon ba? Take care… Later?”
“Sure!”

Binaba ko agad ang tawag na iyon. Nilingon ko pintuan at naalalang kailangan kong sabihin kay Sibal ang mga plano ko.

I pushed the door open at nakita ko siyang naglalagay ng mga kubyertos sa mga pinggan. Sa lamesang nasa tapad ng malawak na veranda niya inilagay iyon. Kitang kita ang alon sa dagat ng Costa Leona at ang mga puting kurtina sa gilid ng malaking pintuan ay hinihipan ng pang-umagang hangin.

His crumpled white t-shirt and black shorts look like heaven to him. Nagbihis pala siya, huh? And I was about to comment that he can’t just walk naked inside his house!

Lumapit ako sa kanyang sinet-up na lamesa. Hinawakan niya ang backrest ng upuan at pinaupo niya ako sa harap ng lamesa.

Nakahawak pa siya sa backrest nang muli niyang inamoy ang aking leeg. Nagtaas ako ng kilay at binalewala ang kiliting hatid ng kanyang labi.

“Magkakape muna ako…” sabi ko na parang normal lang ang lahat ng ito.

I can’t just explode here while he’s doing that to me. He can’t see how much I’m thrilled that he’s treating me this way!

He chuckled. “Magpapainit din muna ako, Snow…”

Umangat siya at tumayo ng matuwid. Napatingala ako. Ibang init ang naiisip ko! Uminit ang pisngi ko nang napagtanto ang ibig niyang sabihin.

Pumangalumbaba ako habang nilalagyan ng creamer ang aking kape. A modified bar stood on the veranda. Lumabas siya roon at hinubad ang kanyang t-shirt galing sa likod.

Humilig ako sa backrest at umirap na lamang. Right. Iyan ang pampainit na tinutukoy niya.

In a swift move, inabot niya ang bar sa taas. Explosive pull ups were made for about ten times or so. Halos hindi ko nainom ang kape ko kakapanood sa kanyang ganoon ang ginagawa.

Nang bumaba siya ay sumimsim ako sa kape. Tiningala niya ang pole at hiningal ng husto. Naguguluhan ako kung tama bang hinahayaan ko siyang mag ehersisyo ng ganyan para sa aking kapakanan o kung dapat ay idiscourage siyang gawin pa iyan. He’s already too handsome for his own good!

In another move, inangat niyang muli ang sarili niya. The explosive pull ups were already mixed with suspended dips. Napalunok ako at tinabi ang kape sa aking pinggan.

Ilang sandali pa niyang ginawa iyon bago ako binalikan. He’s panting and sweating when he went back to our table pero tila nagayuma niyang talaga ako at ang bango niya lang ang tanging napupuna ko.

His damp lips made their way to my neck again. Dinampian niya ako ng mabilis na halik habang nagpupunas ng pawis sa katawan.

“Kumain na tayo…” sabi ko sa malamig na tono.
“Yes, Miss President…” he chuckled again.

Bumagsak siya sa upuang nasa harap ko. Nanatili ang mga mata ko sa mga ulam at mga kubyertos samantalang siya ay mukhang tuwang tuwa sa kakatitig sa akin.

“By the way… kakausapin ko si Stav mamaya tungkol sa atin. I ask you to stay out of it… I want the two of us to talk about it.”
“Saan?” natigil siya sa pagkain.

Medyo kinabahan ako sa reaksyon niya. I feel like he won’t let me talk to him alone so I tried to do some last minute tweaks on my plan.

“Baka sa dalampasigan. You can watch but I need you be really far from us.”
Hi bit his lower lip. “Fine.”

Mabuti at pumayag naman. Bumagabag agad sa akin kung paano ko sasabihin iyo kay Stav… o ‘di kaya’y kay Papa. Paano ko sisimulan ang lahat. Thinking about it makes me want to be swallowed whole by the ground! Lalo na iyong kay Papa!

Pagkatapos naming kumain ay naligo na siya. I blow dried my hair on his room. Mahaba kasi kaya medyo natagalan din ako. Nang tapos na siyang maligo ay doon din ako natapos sa ginagawa.

Sabay kaming pumunta sa hotel pero mag-aalas dose na noon. Si Mrs. Agdipa ay nasa tanggapan. Magkasalikop ang kanyang mga daliri habang pinagmamasdan ang pagdating naming dalawa ni Sibal.

Nauna akong maglakad. Si Sibal ay nasa aking likod.

“Good noon, Miss Galvez!” bati ng mga nasa front desk.

Tumango lamang ako sa kanila. Nginitian ko si Mrs. Agdipa. Basang basa ko sa kanyang mga mata ang pagtataka sa aming dalawa ni Sibal. Paulit ulit niyang tiningnan ang lalaki sa likod ko.

“Marco…” Sibal started his conversation on his phone.
“Good noon, Ma’am…” bati ko kay Mrs. Agdipa.
“Good noon, President…” aniya ngunit napatingin parin kay Sibal.

Pumasok ako sa elevator at ganoon din ang kasama ko. He pushed the number three on the sign pagkatapos ay tumitig sa akin habang may katawagan.

“Baba ako mamaya. Hindi ko na check kanina. Titingnan ko ng mga ala una…”

Nanatili ang tingin ko sa pintuan ng elevator. Humilig ako sa malamig na dingding doon samantalang binaba ni Sibal ang kanyang cellphone. Ang kanyang palad ay dumapo sa taas ng dingding at nag-ngising aso siya sa akin. Malamig ko siyang tiningnan.

“Binantaan talaga ako ng ama ko noon na huwag masyadong mahumaling sa katarayan ng babaeng Galvez…”

His index finger brushed my jaw. Bahagya kong iniwas ang mukha ko sa dampi noon.

“Anong sinabi mo sa kanya, kung ganoon?”
“Na… ayaw ko naman sa mataray…”

Nagtama ang tingin namin. Nanliit ang mga mata ko ngunit wala akong makita galing sa kanya kundi puro amusement lamang.

Kung ayaw niya sa mataray, bakit pa siya narito sa harap ko? Agad bumagsak ang nakaliliyong saya na naramdaman ko pero kahit na ganoon ay nahalinhinan parin iyon ng kuryente. I feel like he means something different.

The elevator door opened. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang unti-unti kong nakita si Kael na papasok doon! I can see his subtle shocked expression, too! Ni hindi man lang natinag si Sibal nang nakita ang kapatid ko.

“K-Kael!” sabi ko nang lumabas sa elevator.

Hindi agad nakagalaw si Kael. Pinasadahan niya pa kami ng tingin ni Sibal. Pabalik balik ang mata niya sa akin.

“Hinahanap kita, Engineer. Nagtanong kasi si… Marco kung nasa opisina ka raw ba at… may gagawin kayo…” si Kael na ngayon ay medyo litong hinarap si Sibal.

Sibal confidently nodded. Nangiti pa ito nang nakita ang pagpapanic sa akin!

“Bababa na rin ako…”
“Kanina ka raw pa tinatawagan at walang sumasagot…” masama ang tingin ng kapatid ko sa akin ngayon.

I tried to smile pero tanging panis na ngiti lamang ang maipakita ko. Hindi siya kumbinsido roon. Bumaling siyang muli sa kasama ko.

“Abala kasi ako kanina, Kael. Kasasagot ko lang sa tawag niya ngayon. Bababa rin ako…”
“Okay…” isang sulyap pa ang tinapon ni Kael sa akin.

Ni hindi ako makapagsalita para mapanatag ang loob ni Kael sa kung ano. But then why would I deny anything when it’s true! Nahihiya lang talaga akong aminin na iyong lalaking halos kamuhian ko rito… ngayon ay…

“Sasama na ako sa opisina, Engineer…” si Kael na medyo kumunot ang noo sa kay Sibal.

Tumango si Sibal at dumiretso na sa opisina. Tuloy tuloy din ang lakad ko pero hindi ko na maintindihan kung bakit para akong lumulutang.

Sibal opened the door of our office. Sunod akong pumasok at ang kapatid ko naman ang huli. Diretso si Sibal sa kanyang lamesa. May hinanap siyang brown envelope doon. Ako naman ay binuhay ang laptop sa aking lamesa. Why is Kael suddenly so concerned of the office.

Tumayo si Kael sa aking tabi at humalukipkip habang tinitingnan ang abalang si Sibal. Nang sumulyap ang kapatid ko sa akin at tumuwid ako sa pagkakaupo at pinanatili ang mga mata sa aking laptop.

“Tinanghali ka, ate?” parang patibong ang tanong niya.
“Napagod ako kagabi… I mean… sa byahe…” pinilig ko ang ulo ko.
“Malayo ba ang Roxas?” he asked.
“Medyo…” malamig kong sagot.

Tumango si Kael at bumaling sa palapit nang si Sibal. Ayaw ko mang aminin pero parang nabunutan ako ng tinik tuwing iniisip na aalis na sila. God I can’t stand them around here. It’s awkward! Kael’s stare is just…

“Titingnan ko lang ang site…” paalam ni Sibal nang natapat sa aking lamesa.
“Okay, Engineer…” pormal kong sinabi habang nakatitig sa laptop.

Tumabi si Kael nang dumaan si Sibal sa gilid ng aking lamesa. Nilingon ko agad siya. What the hell is he doing?

His amused grin is plastered on his face. Kael looked so shocked lalo na nang yumuko si Sibal. Nasa lamesa ang isang kamay niya at ang isa naman ay nasa likod ng aking swivel chair. Ginawaran niya ako ng isang marahan at nanunuyang halik sa labi.

“Thanks, Miss President. Babalik din ako agad. Don’t overthink, please… You can ruin all my blueprints…” he chuckled.

Ramdam ko talaga ang init galing sa aking batok patungo sa aking mukha. Halos yumuko ako at magtago sa ilalim ng aking lamesa kung hindi lang ito agad umalis sa aking harapan.

Naiwan ang tingin ni Kael sa akin. Kita ko parin ang gulat pero nang tawagin siya ni Sibal ay halos mapatalon siya at sumunod agad dito na parang tuta.

Nang nakalabas ang dalawa ay pumikit ako ng mariin at tinakpan ng mga palad ang aking mukha. God, why is he like that?

Ilang minuto pa bago ako nakabalik sa aking ulirat. Sinubukan kong magtrabaho ng maayos pero ang ending ay ginagawa ko ang gusto niyang mangyari. I practiced a new signature with Riego as my surname. What the hell, right?

Sinubukan ko pang lumapit sa kanyang lamesa para makita ang iilang kontrata doon. Hinagilap ko ang kanyang pangalan at tiningnan ang kanyang pirma sa ilalim ng seal. Mahaba at malinis ang kanyang pirma. Iyong tipong pirma na alam mong malayo ang mararating. Iyong tipong alam mong pipirma ng sandamakmak na kontrata kaya hindi pwedeng madaling magaya.

Tinawagan ko rin si Papa nang nag alas tres. Wala pa si Sibal at laking pasasalamat ko roon dahil ayaw kong naroon siya habang nag-uusap kami ng ama ko.

“Are you okay, Snow? I was worried sick last night. Engineer Riego told me na hindi ka pa uuwi pero hihintayin ka niya. He texted me around one in the morning. Sabi niya nakauwi ka na raw… Doon pa lang umayos ang pakiramdam ko…” si Papa.
“I’m sorry, Pa.”
“You’re with Stav, Snow. And you know why I’m so worried, right?”

Hindi ako tumawag para pagalitan lang ni Papa pero dahil na mention niya na iyon.

“Papa, Stav’s been good to me. Kahit noong nasa Roxas kami. He even accepted my rejection for marriage. I don’t think he’s involved…”
“Hija, all evidences lead to their family. If he’s not involved then it’s his family!”

Pakiramdam ko ay hindi ko magagawang kumbinsihin si Papa roon. Ang attitude ni Stav ay walang panama sa mga ebidensyang tinuturo ng mga pulis sa kanilang pamilya. I just really pray that it’s not true. I like Stav as a friend and I can’t afford to be betrayed by a dear friend.

“Papa…” sabi ko nang tumahimik ang linya sa gitna namin.

Nasa labas siya. Nakikita ko ang counter ng restaurant doon at sa harap niya’y may isang newspaper. People flocked from the beach and I’m not even sure if he can seriously hear me…

Uminit ang pisngi ko sa naiisip na susunod na sasabihin. Ngumuso ako at hinagilap ang mga tamang salita. I really suck at explanations…

“I have something to tell you but please don’t be shocked…”
“What is it, darling?”

Ngayon ay tila napukaw ko ang kuryusidad ni Papa. Kinuha niya yata ang kanyang iPad sa kinatatayuan nito at dinala sa pool side kung saan mas malinaw at mas mahinahon ang background.

I never thought that this day would come. I wonder if he’d like it. Engineer Riego is his golden boy but… then… I remember how TIta Marem got so mad. Naalala ko rin kung paano naman ako pinagkanulo ni Papa kay Sibal.

“Do you like Engineer Riego?”

Kitang kita ko ang pag-aliwalas ng kanyang mukha. May nakatagong ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya.

“Yes, darling. Bakit? Hindi kayo nagkasundo? D-Do you hate his designs now? Or…”

He only see me as someone who hates Engineer Riego’s everything. Kaya mas lalo akong nabahiran ng hiya. How can I admit it to him? That I like him… More so I love him…

“No, Papa. Actually it’s the opposite…” sabi ko.

Hindi nakapagsalita si Papa. Unti unting umangat ang sulok ng kanyang labi. I mirrored his expression.

“What?” natatawa kong sinabi.
“Snow… you’re engaged?” his tone marked with so much excitement!

I don’t understand. With the little time he spent with my father, he immediately won his heart. At buong akala ko noon na ang pag-aming gusto ko si Sibal Riego limang taon na ang lumipas ay magiging masakit para kay Papa!

“Pa…” suminghap ako.

Tawa ni Papa ang namulabog sa buong laptop. Sinapo ko na lang ang noo ko habang pinapakinggan ang baritono niyang tawa.

“Finally, after three generations, a Riego and a Galvez will exchange vows!” si Papa.
“What?” nanliit ang mga mata ko.
“Darling!” May binulong siyang hindi ko nakuha.
“Papa, please settle down!” saway ko.

Umupo siya sa isang sun lounger. Kinausap niya ang waiter at agad na nagdala ito ng isang fruit shake. Seriously, he has time for that after my shocking reveal!

“Kailan ang kasal at kailan haharap si Achilles sa akin?”

Damn it. I don’t even see Tito Achilles anywhere! And why is he taking this lightly? Ganyan ba talaga niya ka gusto si Sibal? Not that I’m sad because he likes him. I’m thrilled but I’m just wondering why he’s that way towards him.

“Papa, wala pa kaming plano. Magpaplano pa lang kami…” sabi ko.

Tumitig si Papa sa akin. His smile was genuine. Suminghot siya at ilang sandali pa bago nakapagsalita.

“We’ll talk when we see each other, hija. I prefer that way…”
Tumango ako ng marahan. Marami akong mga katanungan sa kanya ngunit ayaw ko namang ipilit iyon ngayon.

He cried dramatically for minutes before he decided to turn the call off. Nagawa ko pang tumawag sa hotel para ialerto ang mga doktor o nurse na naroon! God, I hope he’s fine!

Napatalon ako nang tumunog ang telepono habang nagmumuni muni ako sa reaksyon ni Papa. Sinagot ko agad iyon.

“Ma’am, this is Esme of the Housekeeping Department…”

Hinilot ko ang aking sentido habang inaalala kung bakit ito mapapatawag ngayon.

“Mrs. Agdipa asked me to inform you that the guests from the Mutya is already here. Handa na rin po ang stage na pinaset up para sa gagawing rehearsal mamaya.”
“Oh… right!”

Damn! I almost forgot! Malapit na nga pala ang ipinangako kong swim suit competition ng pageant para sa fiesta ng buong probinsya!

Dahil wala rin naman ako masyadong nagagawa sa harap ng laptop, pinili kong bumaba para iwelcome man lang ang mga dignitaries o ‘di kaya’y organizers. Bumaba ako at nang nakitang medyo abala ang front desk ay tumayo lamang ako roon.

“Where are the organizers?” I asked a manager.

Humalukipkip ako habang pinagmamasdan ang mga binibini sa labas. Naka maong sila at may mga suot na kulay pink na t-shirt. Their curly hair swayed as they posed for the camera. Hindi pa sila nakakapasok ng hotel at mukhang inienjoy na nakarating sila rito sa isang five star hotel.

Then… I remember… outside is the site of our convention center. Lumapit ako at tiningnang mabuti ang mga kandidata. Some of them were giggling about something. A photographer was in front trying to take some candid pictures of them. May tatlong imbes na magselfie ay iba pa yata ang pinipictur-an.

Lumabas ako at naglahad ng kamay sa bading na organizer.

“Uy! It’s our honor, Miss Galvez…” ngiti ng organizer sa akin.

Inayos niya ang checkered long sleeve at tinawag ang kasamang photographer, media, at iilan pang alalay.

“Girls! This is Miss Nieves Solanna Galvez, the Vice President of The Coast!”

In a white hard hat, my Engineer Riego was looking at a blue print with his other two men. Nakakunot ang noo niya habang tinitingnang mabuti iyong plano. Ang isang lalaki’y nangingiti at tumitingin sa mga kandidatang naroon.

Three stupid candidate girls were giggling and taking pictures of the three men just outside the convention center. Dito pa lang sa Costa Leona ay nahahighblood na ako sa paraan ng pagkakahakot niya ng babae, paano pa kaya kung sa syudad. God, I’ll die early!

“Picture muna tayo!” sabi ng organizer sabay tawag sa girls.

Immediately, they flocked to me. Ako ang nasa gitna at katabi ko iyong organizer at isa pang mukhang importanteng tao. She offered her hand to me and informed me about her name and her role but I’m too preoccupied to even care.

Mabuti na lang at matangkad naman ako. Kahit paano’y may panama ako sa mga kandidata. Their long legs don’t match mine. Nakatali ang buhok ko samantalang lugay naman ang sa kanila.

Napansin kong tumuro sa banda namin ang kasama ni Sibal. Nag-angat siya ng tingin sa amin. Ngumiti ako sa camera ng ilang beses bago hinarap muli ang organizer na naroon. Sa gilid ng mga mata ko’y nakikinita kong papalapit ang tatlong lalaking nakatayo kanina roon malapit sa convention center.

Tinalikuran ko sila at buong pusong ginawad ang atensyon sa kausap.

“Sabi’y nakahanda na ang stage. Mag rerehearse kami ngayon at titingnan ko kung paano ang magiging catwalk nila…” pero distracted ang bading sa kakatingin sa mga paparating sa likod ko.

“Percival Riego… great grand son ‘yan ni Vesarius Riego!” narinig kong bulong ng mga babae sa ‘di kalayuan.
“Hi! Hi!” nanginginig ang kamay noong bading na naglahad sa gilid ko.

Naramdaman kong naroon na si Sibal at ang mga kasamahan niya. Tinuko ko ang aking siko sa likod ng aking palad at hinimas ang noo. May humawak agad sa siko ko at ang isang kamay ay tumanggap sa lahad ng bading. Tumuwid ako sa pagkakatayo…

“Percival Archer Riego…” ani Sibal sa bading.
“You can actually call me Trixie…” malanding sinabi ng bading. Kitang kita ko ang pagkamangha niya kay Sibal. But then when he traced Sibal’s hand and it led to me, his smile faded. “Miss Galvez…”
“Mukhang pagod na ang fiancee ko. Enough for today, Snow… Let’s rest…” aniya sabay hapit sa aking baywang.

Taas noo kong tiningnan ang mga nagbubulungang babae sa likod noong bading. Nakita ko pang nagpalpitate ang labi ng bading sa kakangiti sa akin.

“Engineer, pakilala mo naman kami…” biro ng mga nasa likod namin.

I turned to face them. Sibal immediately raised a brow. They already removed their white hard hats.

“What?” bulong ko.

He flashed a sarcastic smile and faced his friends.

“This is Engineer Marco Alfeche and Engineer Rod Valleser…” aniya sabay hawak sa kamay kong sana’y ipanglalahad ko sa mga iyon.

Hindi kalayuan ang edad nila kay Sibal. Si Marco ay halos kaedad at si Rod ay siguro’y mga limang taon ang tanda. Both were mascular and as tall as Sibal.

“Excuse me, Miss Galvez. Saan po iyong stage na naayos?” nahihiyang tanong noong organizer.

Nilingon ko ang nanonood na si Mrs. Agdipa sa front desk. Isang senyas ko lang ay lumapit agad iyon sa amin. Engineer Marco whistled. Sumulyap ako sa kanya. “Hot…” kibot ng kanyang labi sabay tingin kay Engineer Rod.

“Why don’t you try and look at the candidates of the Mutya, Marco?” sarkastikong sinabi ni Sibal sa lalaki.

Tumawa si Marco at tinaas agad ang kamay bilang pagsuko. Ngumisi ako at hinarap si Mrs. Agdipa. Sumulyap siya kay Sibal bago binalik sa akin ang tingin.

“Please, escort the candidates and the organizers to the pool side where the stage was set up, Mrs. Agdipa…” sabi ko.
“Okay, President. No problem…”

I turned back to the Engineers only to see their backs on me. Sibal’s huge body blocked my vision. His gaze was fixed on me. His head tilted to one side.

“Pinaalis mo sila?” tanong ko.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at lumapit pa ng husto sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. I can’t stare at him too much when he’s this heated.

“Bakit? Gusto mo silang narito?”

Umirap ako. Selos ka lang, e. Akala ko sa akin lang applicable iyon. Damn it!

“Ako lang ang kailangan mo, Snow.”

Pinagsalikop niya ang aming mga daliri at hinila na pabalik ng hotel.

“Balik na tayo ng opisina…” malambing niyang sinabi.

Pilit kong itinago ang ngiti at nagpatianod na lang sa kanyang gustong mangyari.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.