Scorching Love – Kabanata 41

August 29, 2016 By In Scorching Love 1 Comment

Kabanata 41
Date

Ganoon lumipas ang mga araw. Sa umaga ay kumakain kami ni Stav ng breakfast at paminsan minsan ay dumadaan si Engineer Riego sa Seaside. Sa tanghali ay kami naman ni Engineer ang sabay. Sa dinner ay kaming lahat.

Pagkauwi naman ay madalas may ginagawa ito sa drawing table at ako naman ay nananatili sa silid na nakalaan para sa akin.

Heated arguments between Stav and Engineer Riego is a frequent thing. I’m starting to think that if they continue this, baka kalaunan ay magkakagulo silang dalawa. Mabuti na lang at medyo kalmado naman si Stav kumpara sa kanya.

Tuwing gabi, nagmumukmok ako sa kwarto na nilaan para sa akin. We don’t have to eat dinner since kumakain na kami sa Seaside bago umuwi kaya may oras ako para tuluyang magmukmok sa loob.

Naging abala rin si Engineer nang mukhang may pumalpak na kasamahan sa isa pang proyektong kinabibilangan niya. I heard him talk to his phone inside his room once.

“Hindi nga ako pupunta riyan, Nel…”

Hindi ko agarang sinarado ang pintuan ng kwarto ko. I can’t help but want to hear his phone calls.

“Just send me the designs, I’ll check. Tutulong ako pero hindi ko mapapaunlakan kung gusto niyo-… Just do it…” I can hear a faint laugh. “We’re not in the same room, damn it! Just do what I’m telling you! Huwag ka nang magtanong…”

Dahan-dahan kong sinarado ang pintuan.

I need to sleep early tonight. Lalo na’t may usapan kami ni Gustav bukas ng umaga. Maaga kaming aalis para mag roadtrip. Iyon ang napag-usapan namin. Pupunta raw kami ng Roxas at mamamasyal. Tamang tama at hindi pa ako nakakapunta roon kaya medyo naengganyo ako.

Alas onse y media na at dilat na dilat parin ako. Nanatili ang mga mata ko sa ceiling, hindi makatulog.

Damn it… Do I have to count some sheeps?

Tumayo ako at huminga ng malalim. Kung magpapatuloy ito ay hindi ako magiging handa pagdating ng alas sais. Ganoong oras pa naman ang pinag-usapan namin ni Gustav!

Lumabas ako ng kwarto para man lang madalaw ng antok kung sakaling maaninag ang mga ilaw sa labas ng apat na sulok na ito.

Pagkalabas ko ay dim na ang lights ng pasilyo. Sarado ang pintuan ng silid ni Engineer pero ang ilaw sa baba ng hagdan ay maliwanag pa. It’s either he leaves it like that or he’s still downstairs. Either way, I’ll be fine.

Pababa ako sa puting hagdanan at natanaw ko agad ang likod niya. Ang kanyang laptop ay madilim dahil sa isang software. Punong puno iyon ng linya.

Tumunog ang wooden stairs nang medyo padarag akong bumaba. Nilingon niya ako.

He’s topless. Only wearing his jeans!

Nagtaas ako ng kilay at dire-diretsong pumanhik sa kitchen. I’m not here to see you. I’m here for a glass of milk so I can sleep.

Pagkarating ko ng kusina ay nagpakawala ako ng malalim na hininga at pinagbuksan ang ref. Noong isang araw ko pa nakitang medyo marami namang laman ito. At natanaw ko rin ang freshmilk doon.

Well, these are all his but he’s not greedy para pagkaitan ako ng kahit isang baso ng gatas.

“Hindi ka makatulog?”

Nakapamulsa siya at humilig sa hamba ng pintuan. Mabuti na lang at kahit nagulat ako’y hindi ko naman natapon ang gatas. He’s now wearing a shirt. Thank God!

“I just want a bit.”

Kalahati lang ang nilagay ko sa baso kahit na pakiramdam ko’y mabibitin ako. Ayaw kong makita niyang masyado akong matakaw dito sa loob ng bahay niya.

Narinig ko ang paglapit niya sa akin. Nilapag ko ang karton ng fresh milk sa counter at hinawakan na ang baso para mainom ang nasa loob. Sumulyap ako sa kanya habang ginagawa ko iyon. Nang natapos ay agad akong tumalikod para punasan ang gilid ng aking labi. Para sa posibleng gatas na naroon.

Nilapag ko ang baso sa counter at nakita kong agad siyang nagsalin doon.

“Drink more, Snow. Para maayos ang tulog mo…” he said.

Ngumuso ako at tiningnan ang basong may tamang dami ng gatas. Maagap niyang hinaplos ang gilid ng aking labi. Naramdaman kong may natitirang gatas doon. Kumunot ang noo ko at hahawiin sana ang kamay niya kung hindi ko lang nakita ang kanyang seryosong ekspresyon.

“May gagawin ka bukas?” tanong niya.

He didn’t know that I’m going out with Stav. Sinigurado kong hindi niya malalaman dahil paniguradong hindi siya papayag o ‘di kaya’y sumama siya.

“Wala…”
He smiled gently.
“Kaya ko na rito… Bumalik ka na sa ginagawa mo…”
His lips twisted in a sexy smile. “Hindi ko na muna tatapusin. Sabay na tayong umakyat. Matutulog na rin ako.”

Hindi ko alam kung bakit parang may pumupunong mainit na tubig sa aking tiyan. Paniguradong hindi iyon ang gatas na ininom ko.

“Okay…” marahan kong sinabi.
“I’ll just turn my laptop off. Finish your milk… matutulog na tayo…”

Tinalikuran niya ako at pumanhik na sa sala. Agad kong nilagok ang gatas at pumikit ng mariin habang iniinom ang kabuuan. Dumiretso ako sa sink para maghugas ng baso at para na rin mapuntahan siya sa sala.

Pero naunahan niya ako… naghuhugas pa ako ng baso nang muli siyang nagpakita sa kusina. Nilingon ko siya habang tinatapos ang paghuhugas. He leaned on the counter as he watched me put the glass back on the cupboard.

Nagpunas ako ng kamay bago siya nilingon. He looked serious as he watched all my actions. Nailang tuloy ako pero hindi ko pinahalata iyon. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Hinawakan niya ang kanyang batok at tumayo na ng matuwid.

“Let’s go?” may tinatagong ngiti sa kanyang ekspresyon.
“Okay…”

Pinauna niya ako sa hagdanan. Nasa gilid siya sa likod habang umaakyat kami. Lumiko agad ako para diretso sa aking kwarto. Ang kanyang kwarto ay halos tapat lamang ng akin.

And I thought he’d go straight to his room but I was wrong. Nasa pintuan ko siya nang pumasok ako roon. Hinawakan niya ang hamba habang seryoso akong tinitingnan.

“Good night, Snow…”
“Good night…” it was almost a whisper.

Unti unti kong sinarado ang pintuan. Kahit sa pagsasarado ko’y nanatili siyang nakatitig hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Kinapus ako ng hininga pagkasarado. Sinapo ko agad ang noo ko.

Even when I’m in doubt, he still affects me big time. Even when I’m not sure of his feelings, naghuhuramentado parin talaga ang sistema ko.

Kaya naman nang sinundo ako ni Gustav kinabukasan ay medyo na guilty ako. But then I guess this is essential, too. Today, I am going to tell Gustav that we’re really not marrying each other. That I’m not anymore his fiancee. It was Tita Marem’s suggestion and I fail to see the need of it right now.

“Tahimik ka…” si Stav nang nasa byahe na kami patungong Roxas.

Ang alam ko ay nasa tatlo hanggang apat na oras ang byahe patungo roon. Medyo mahaba at puyat pa ako. Kahit na uminom ako ng gatas kagabi’y hindi parin ako agad nakatulog. Ang kulay abo na mga mata ang palaging sumasagi sa aking isip.

“Puyat lang ako…” sabi ko at humikab.
“If you want, you can sleep…” he smiled. Nakatitig parin siya sa kalsada.
“That’s rude, Stav…” sabi ko.
“I don’t mind, Snow… Just do whatever you please…”

I still find it rude so I tried to stay awake. Ngunit pagdating ng mga dalawang oras sa byahe ay bumagsak na ang mga mata ko. Tulog ako nang nakarating kaming Roxas. Nagising lamang ako nang narinig ko ang busina galing sa sasakyan ni Stav.

“I’m sorry. Did I wake you up?” napatuwid ako sa pagkakaupo.

Inayos ko ang damit ko at kinusot ang mga mata. Luminga linga ako sa paligid. Gone are the all green view of the province. Medyo may iilang building akong nakikita rito.

“No, no… It’s okay. I should be awake…”

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil nakatulog ako ng ilang oras. Nakakapanibagong tingnan ang maraming sasakyan at ang traffic light. Nakakulong naman kasi ako sa Costa Leona at ngayon lang ulit umabot ng ganito ka layo.

“Are you hungry?” tanong niya habang nililiko ang sasakyan sa carpark ng isang mall.
“A bit…”

Dumiretso kami sa isang restaurant sa loob ng mall. Binusog ko ang mga mata ko sa mga tanawing pang syudad na hindi ko nasilayan ilang linggo o buwan na ang lumipas. Not that I want to be in a city. The city and the province is okay with me. Isa pa, wala rin naman akong choice dahil kailangan kong pangalagaan ang hotel.

“I haven’t seen a mall for like… weeks…” sabi ko nang napuna ni Stav ang pag gala ng aking mga mata.
“Well, I’m glad I brought you here!”
Humalakhak ako. “We should watch a movie…” I suggested.
Umaliwalas ang kanyang mukha. “Game.”

Habang nilalapag ng waiter ang aming mga inorder ay tiningnan ko ang aking cellphone. Few missed calls from an unknown number and a text from Kael.

Kael:
Ate, where are you? Please reply.

I don’t know who that number is but if it’s because of work, tingin ko ay deserve ko namang magliwaliw pansamantala. Tutal ay Linggo naman.

Ako:
Byahe. I’ll be back maybe later this afternoon. I’m with Stav. Don’t worry.

Dahil yata sa mga missed calls at sa hindi ko pagcha-charge kagabi ay ilang pursyento na lang ang baterya ko. Mag cha-charge ako mamaya sa sasakyan pero dahil narito kami, mananatiling ganoon ang ayos nito.

Kumain kami at nagkwentuhan. Sinabi ni Stav sa akin na nagkita sila nina Brenna, Bronson, at Cissy sa Icon, isang club, noong nasa Maynila siya. He also told me that my friends missed me.

“Do you have plans to visit Manila? Sinong tao sa bahay ninyo?”
“Just the maids. Before I got here, pinaayos iyon ni Papa dahil iniisip niyang doon muna ako ng ilang linggo pero hindi na ako umabot dahil umalis agad si Tita nang nalaman niyang pabalik na ako.”

Binaba ni Stav ang kubyertos at lumipad ang kanyang mga mata sa tubig. Uminom siya roon at nagpatuloy ako.

“She’s so guilty about what happened. Hindi naman nanghingi si Papa ng bayad dahil common naman nila ang hotel. Willing pa naman si Tito na magbayad doon.”
“Your father is a man of honor… That’s amazing…”

May kinalaman kaya talaga ang kanyang pamilya? O siya? O may alam ba siya kahit paano? Why were the investigations like that, then?

“Malaking halaga ang nawala. Your hotel should be down now. I bet Engineer Riego offered you a lower price?”
“Yes, actually,” hindi ko madugtungan dahil nanatili akong nananantiya sa kanya.
“I suppose it’s thirty five million less, too? Mukhang hindi natablan ang hotel ninyo sa nangyari, ah?”

It’s not thirty five million less but the amount helps. Besides, hindi naman iyon lang ang pinagkatiwalaan ni Papa. Nagparenovate kami ngayon dahil may sobrang pera. Hindi kami nagparenovate gamit ang natatanging pera.

“So you’re not going back to Manila? Where do you prefer our wedding? In Costa Leona or in Manila? Or do you want it in Iloilo?”

Eto na iyong hinihintay kong pagkakataon. I just hope this doesn’t ruin anything.

“Stav, I have told you before, right? I am not yet ready to marry anyone. We’ve been friends for a long time and you’ve been good to me. Gusto kita bilang tao pero ayaw kong magpadalus-dalos.”
“But if we marry, we can help with the renovation…”
“The more I don’t want to marry, Stav. I don’t want to marry someone just for that reason. Kung maghirap man ang hotel pagkatapos ng renovation, kami na lang ang gagawa ng paraan. Ayaw kong umasa sa iba para mapalago ang hotel…”

His features softened. And then he sighed. I knew he’s a better man. Sinuklian ko siya ng isang pagod na ngiti.

“I’m sorry kung padalos-dalos ako. You’re right. We’ve been friends for years and our relationship is only inspired by our families. Tama ka…”

Tumango tango siya nang naliwanagan. Mabuti na lang at pareho naman pala kami ng opinyon.

Pagkatapos naming kumain ay kumuha na kami ng tickets sa sinehan. Dahil ala una pa ang unang viewing ng napili naming palabas ay nagpasya kaming mamasyal. I know I don’t have much use for clothes in Costa Leona (because I prefer going to work in a maxi dress), namili parin ako.

Pati toiletries at kung anu-ano pa. Para akong nakawala sa hawla. Hindi ko alam na ganito ko ka kailangan ang mga bagay na ito. Meron naman nito sa Costa Leona pero talagang hindi ako masyadong lumalabas kaya mangha ako sa mga narito.

Nang nag-alas dose, medyo busog pa kami dahil sa late breakfast. Bumili na lang kami ng pagkain sa isang fast food at pagkatapos ay pumasok na sa sinehan labing limang minuto bago magsimula ang palabas.

The movie was funny. I enjoyed Stav’s company. He’s enthusiastic and fun to be with. Actually, not hard to like. Gaya ng alam ko na noon. Madali talaga siyang pakisamahan pero para talagang may kulang.

Napawi ang ngiti ko pagkatapos ng isang eksena.

I wonder what it’s like to watch a movie with him. I never experience it with him. Paano ba naman kasi, puro Costa Leona lang ang tanaw namin. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero…

I bet he’d make fun of me continuously. And… he’d…

Why am I thinking about him?

Nang dumating na sa dramatic part ay medyo nangilid ang luha sa aking mga mata. Tahimik ako at hindi ko nililingon si Stav. Ganoon din siya sa akin.

“Nag enjoy ka ba?” tanong niya.

Alas dos y media nang natapos kaming manood ng sine. But I want more. Tinuro ko ang isang nakakatakot na palabas dahil gusto ko pang manood. Besides, it’s still early!

Pumasok ulit kami sa sinehan. Sigaw ako nang sigaw tuwing nagpapakita ang demonyo sa palabas. Pero minsan ay natatawa kaming pareho ni Stav sa aming mga sarili.

“Damn it! I feel like my heart’s going to explode!” sabi ko.

Tinuro ni Stav ang isang set ng mga teenagers na sobrang nasindak. Nagtawanan kaming dalawa. Pero maging kami man ay sobrang natakot.

Alas sais na at nagpasya kaming mag dinner bago umalis doon.

“If you want, we can stay here. Bukas na lang tayo bumyahe…” anyaya ni Stav.
Namilog ang mga mata ko at agad siyang inilingan.

Actually, I have lots of reasons but one thing’s for sure… If I stay with him here tonight, he’d think we can be more than friends. Alam ko sa sarili kong hanggang dito na lang talaga ang turing ko sa kanya. Na hindi na lalagpas doon. It will take more than friendship… more than everything he can offer to make me fall… Or maybe… I can’t fall anymore. Because I already fell for someone else. I’ve fallen so deep… Hindi pa ako nakakaahon paglipas ng panahon.

“Huwag na. Umuwi na tayo… I hope you’re not tired…”
Ngumuso si Stav. The soft features of his eyes and his lips made me smile. He’s like an angel, really. “I’m a bit tired.”
Nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita. I really want to go back to Costa Leona right now. Dapat pala ay hindi na kami nanood ng pangalawang movie.
“I’m sorry… If you want… Uhm…” nagkabuhol na ang utak ko.

I’m positive that I really want to go back to Costa Leona. Pero hindi naman pwedeng sabihin ko sa kanya na magbu-bus ako para lang makauwi. Syempre, sabay kaming dumating dito. That would be rude.

“Magpamasahe na lang tayo para marelax ka bago bumyahe. I have things to do tomorrow. First thing in the morning. I can’t risk it…”
Tumango siya. “Well, I can sure drive you back home if we do that…”

Napangiti ako sa sinabi niya. Nabuhayan ng loob.

Pumunta kami sa pinakamalapit na spa. Sinamahan ko na rin siya roon. Hindi nga lang ako nagpamasahe. I chose the body scrub so I can also feel relaxed.

Saktong alas otso kami natapos.

“Ha! I feel energized!” he said.
Tumawa ako. “That’s great. Don’t worry, na relax din ako kaya hindi ako matutulog sa byahe!”
“Aasahan ko ‘yan, Snow… Ang boring kapag tulog ka!” aniya.

Sa byahe ay pakanta kanta kaming dalawa. Umulan pa ng malakas. Titigil sana kami but he insisted that he can do it. Kinabahan ako nang may nadaanang aksidente pero nagpatuloy naman kami at medyo nag slow down siya.

Tumila ang ulan nang nasa Kalibo na kami. We stopped for a bit of coffee then agad tumulak muli pa Costa Leona.

Nagkwento siya sa mga magagandang hotel na napuntahan niya. Sinabi niya na balang araw gusto niyang maging isang tanyag na hotelier. He wants to own a big chain of hotels in Asia. Na mahilera sa magagadang hotels.

I understand. That’s Papa’s dream, too.

Halos hindi ko namalayan na nasa Costa Leona na kami.

“Saan kita ihahatid? Sa mansyon, sa hotel, o sa bahay ni Engineer Riego?” he asked.

Napalunok ako sa tanong na iyon. It’s almost one in the morning. I am not sure if Engineer’s house is still open. My phone is charged so I can call him when I get there. Kapag sa mansyon naman ay paniguradong may mga trabahador doon. My last choice will be the hotel.

“Sa bahay ni Engineer Riego…”
“You think he’s still awake?”
“Uh… He’s usually up till one. Nagdidisenyo iyon…” sabi ko.

Niliko ni Stav ang sasakyan niya sa tapat ng gate ng mansyon. Sobrang liwanag noon galing sa labas. It’s like all the in-ground lights are directed at his mansion. Pati iyong mga nasa ilalim ng shrub ay parang binibigyan ng spotlight ang mansyon.

Naka on ang lights ng baba pero ang mga lights sa taas ay wala. Naroon ang kanyang Silverado sa parking space nito.

“Thanks, Stav. Sorry sa late night na byahe…” sabi ko.

Binuksan ni Stav ang kanyang pintuan. Nagulat ako roon. Lumabas din ako. Umikot siya at pinagbuksan ako pero huli na ang lahat. Nauna na ako palabas.

“Nag-abala ka pa…” ngumiti ako at tumayo sa harao niya.

He pushed the door open.

“Of course, you deserve that kind of treatment. Thanks for the date, Snow. I really appreciate it…” aniya.
“No problem…”

Agarang yumuko siya at siniil ng halik ang gilid ng aking labi. Hindi ko alam kung dapat ba akong magulat o masanay tuwing ginagawa niya iyon. Just like before, he can kiss me whenever he wants. He usually does that when I’m about to go or he’s about to go… So I guess… wala namang malisya iyon.

Humagikhik ako.

“Thanks for making me feel special. Mauna na ako…” sabi ko at bumaling na sa malamig na gate ng mansyon.
“You’re welcome.”

Pagkapasok ko’y sinarado ko agad ang gate. Kinawayan ko si Stav. Kumaway siya pabalik at umikot patungong driver’s seat.

I waited till his car is out of sight before I walked to the mansion. Tatlong hakbang pa lang ay nakita ko na ang anino ni Engineer sa loob. Gumalaw ang puting kurtina, nagpapahiwatig na nakita niya akong parating. Tumigil ako sa paglalakad at huminga ng malalim. So… he’s still awake.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahikab nang palapit na sa pintuan.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Scorching Love – Kabanata 41

  1. I bet magagalit niyan si Sibal Snow, hahaha… First time to read it here po but it’s still cool tho :)