Scorching Love – Kabanata 40

August 29, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 40

Kabanata 40
Fiancee

Pagod si Stav sa byahe dahilan kung bakit maaga siyang nagpahatid sa kanyang kwarto. Request naman ni Tito Solomon na mag-inuman muna silang tatlo ni Engineer at ng kapatid ko kaya nauna na akong pumanhik sa mansyon.

In an amused look, Engineer gazed at me as I said my good night to them. I’m exhausted. Very, actually. Pisikal man o emosyonal.

Lalo na’ng tumawag pa si Papa pagkauwi ko sa mansyon.

“Sinabi ba ni Engineer Riego sa’yo na pansamantala kang sa kanya tutuloy habang nirerenovate ang mansyon?”

Hindi ko alam kung tama lang bang tumawag si Papa para masabi ko ang mga hinaing ko o ano.

“Why are you doing this, Papa?” may bahid na akusasyon ang tanong kong iyon.

Winagayway agad ni Papa ang kanyang kamay na tila ba idenideny niya na ang kung ano mang akusasyon ko. Wala pa nga akong sinasabi. All the more I think he’s guilty!

“It’s simply because you can’t stay anywhere. Well, Snow. Kung sakaling hindi naman fully booked ang hotel ay pwede ka namang sa hotel na lang tumuloy… But now that Stav is there I would prefer you in the mansion of Engineer Percival Riego, Snow.”
“Stav isn’t a bad person kaya hindi ko maintindihan kung bakit ninyo pa ako kailangang paprotektahan kay Engineer.”
“Stav isn’t a bad person. But until now, mas dumadami ang ebidensyang nagtuturo sa kanilang pamilya sa nangyari. If he’s not the syndicate behind this, Snow, then it’s his family. And you know how important families are… to anyone…”

Gusto ko siyang akusahan na tingin ko’y pinagkakanulo niya lang ako sa “golden boy” niya. Pero naiintindihan ko rin kung saan nanggagaling ang mga rason.

“And what’s your plan tomorrow? Are you going to work. It’s really a good thing that Engineer’s on your office. That way, kung may iooffer man si Stav sa’yo’y hindi ka agad makakapagdesisyon o hindi ka niya maloloko dahil may third party.”

He went on and on with the praises all for his favorite person. Ano kayang pinakain ni Engineer Riego sa Papa ko at bakit tila botong boto ito sa kahit anong aspeto?

I couldn’t hardly sleep that night. My emotions were haywired. May sakit akong nararamdaman dahil sa narinig sa phone call niya, may kaba, may galit, may pagod, at kung anu-ano pa.

Alas otso nang nag-almusal ako sa Seaside. Stav texted me that we should eat our breakfast together. May gagawin siya after breakfast. Maghahanap siya ng mapags-stayhan na hotel. Ako naman… syempre trabaho.

“I can give you a list of nearby hotels, Stav. If you want…” sabi ko habang kumakain kaming dalawa.
Tipid siyang ngumiti. “Hindi na, Snow. Marami naman riyan. May nadaanan ako bago ako nakarating dito kagabi.”

If the accusations of my father, Engineer Riego, and Tita Marem isn’t right, I don’t know how much I will loathe all of them. Walang ginawa si Stav kundi ang maging mabuting tao sa akin.

“Pasensya ka na talaga, ha…”

Habang nagsasalita ako ay natatanaw ko ang paparating na si Engineer Riego. Papasok siya sa restaurant. Suminghap ako at binalik ang tingin kay Stav. Engineer went to the counter and said something to the bartender. Umupo siya sa high chair at nilingon muli kami.

“Ayos lang. I’m also here for my Scuba Diving lessons. I want to get certified…”

Ngayon ay nakuha ni Stav ang buong atensyon ko! I knew it. He’s here with other reasons. Not the reason my father accused of him!

“Wow! That’s great!”
“I know. Sa hotel kasi namin, wala masyadong offer na Scuba diving since hindi naman protected ang seascape unlike here. It’s a good place to learn and to get certified like you.”
“So… ilang araw mong ititake ang course? Sa tingin mo?”
“I don’t know. But hopefully mga sampung araw?”

So he’ll stay here for long?

“But I’ll come here every now and then. Is it okay with you? At kung wala ka sa opisina ay nasa mansion ka ni Engineer Riego?” nagtaas siya ng kilay.

Sa sinabi niyang iyon ay napatingin muli ako sa lalaking nasa high chair. He’s wearing a navy blue t-shirt. Nakatupi ang hem ng nasa braso dahilan kung bakit nangingilabot ako sa hugis ng muscles niya roon. Nagkatinginan kaming dalawa. He’s stroking the sides of the wine glass with his index finger. Tila ba nagbibigay ng kahulugan na kaya ka niyang hawakan at haplusin ng ganoon.

“Snow?” Stav blocked my sight.

Napakurap kurap ako at bumaling sa kausap ko.

“I’m sorry… I’m…” hindi ko na tinapos at kinuha na lang ang baso ng tubig para mapainom.

Tumango si Stav at mukhang hindi naman nagtaka sa pagkakatulala ko. Nagpatuloy siya sa pagkain pero para na akong nawalan ng gutom.

Right after our breakfast, nagpaalam na siya para sa gagawin. Nang tumayo kami ay umalis na si Engineer Riego sa kinauupuan niya. Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan siyang paalis. What does that mean? He came here to just…

“See you later, Snow…” Stav leaned on me for a swift kiss on the forehead.

Nasanay na ako sa kanya. Dati pa man ay ganoon na siya sa akin kaya hindi na nakapagtataka ang kanyang mga kilos.

Nang bumaling ako sa elevator ay pakiramdam ko sasabak ako sa digmaan. I am not sure if I want to shower him with so many questions or just shut up and ignore him.

Nang dumating ako ay naroon na siya sa kanyang swivel chair. Nakapangalumbaba at ang index finger ay nasa pisngi habang ang tatlo pang daliri ay tinatabunan ang kanyang labi at ilong. Ang isang kamay niya ay nasa mouse.

Tumigil ako nang nagkatinginan kami pero nagpasyang dumiretso na lang sa lamesa.

“Pinalipat ko na ang mga gamit mo sa bahay ko…”

Wow. I cannot believe it. He’s fast when it comes to closing our personal space, huh?

“I just hope I’m in a cozy room…” parinig ko.
“My room is very cozy. Alam kong saksi ka roon…”

Binaba niya ang kanyang kamay at ngayon itinuon ang buong pansin sa akin. Binitiwan ko ang mouse at binaling na rin ang buong atensyon sa kanya.

“At bakit sa kwarto mo ako ipapatulog? Did my father suggested that one, too?”

Nanatili siyang nakatitig ngunit may nahihimigan akong iritasyon sa mga mata niya. Well, he should be.

Tumayo siya dahilan kung bakit napatuwid ako sa aking kinauupuan. Lumapit siya sa aking lamesa at humalukipkip sa aking harap. The bulges of his biceps made me want to watch him but my pride kept my eyes on the laptop screen.

“Your father doesn’t have to suggest anything…” he sighed.

Hindi ako kumibo sa sinabi niya.

“Look, I know it’s an emotional roller coaster for the two of us. Bilanggo ako ng mga alaalang masasakit galing sa’yo. And you told me you didn’t write that letter. Gusto ko na lamang kalimutan ang lahat ng iyon. I am trying my best to keep up with everything and then last night you act as if there’s nothing in between us-”
“There is nothing in between us, Engineer,” I said marked with finality. “For all I know, you’ve seduced me last night so you can take your revenge. Para masaktan mo rin ako tulad ng pinaniwalaan mong ginawa ko noon.”

Pabagsak na tinuko niya ang kanyang mga kamay sa aking lamesa. Kitang kita ko ang pagpipigil niya sa galit habang tinitingnan ako.

“Is that what you think this is, Snow?” kahit na banayad ay parang kinilabutan ako sa katiyakan ng tanong.

Hindi ako nakapagsalita. Para akong nanghina.

All I know is that I don’t want to get hurt. I don’t want to just joke around. I want it all sure. And with him right now, I don’t think it is all sure. I can’t feel it. Dahil kung tunay ay sino iyong katawagan niya? At iilan pa kayang babae ang mayroon siya?

I don’t want to be the best among all his girls. I want to be the only one. If only I have lesser pride to tell him that, then I would. But I’m jailed with all the pride a Galvez can have. So… no… Really.

Bago pa ako magpakawala ng hininga ay tumunog ang telepono sa tabi ko. Pareho kaming napatingin doon. Mabilis kong kinuha iyon para tanggapin.

“Hello, Miss Galvez…” a familiar voice talked.
“Hello…”

Nagtaas ako ng kilay kay Engineer Riego sa aking harapan. Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ako.

“Is Engineer Riego there?” Architect Gracie Racaza giggled.

Kung sino man sa dalawa ang talagang babae ni Engineer Riego ay wala na akong pakealam. Ayaw ko lang na mapasama. At oo, naiirita ako.

“Yes, Architect. He’s here…” I said sarcastically at inabot sa taong nasa harap ko ang telepono.

Kinuha niya iyon sa akin at pinindot ang loud speaker sa harapan ko. Umikot sa langit ang mata ko pagkatapos ay pumirmi na sa screen.

“Architect Racaza, yes…” pormal niyang sinabi.
“Hi! I have a question. You have to help me with something but…” malambing ang tono ni Architect.

Sa gilid ng mata ko ay ramdam ko ang titig ni Engineer Riego sa akin. Tila ba tinatantiya ang magiging reaksyon ko.

“Ano iyon, Architect?”
“Kailangang narito ka o nariyan ako… Pu-pwede ka bang lumuwas ng Iloilo?”

So that’s their relationship. He helps her with the things she doesn’t know.

“Pasensya na, Architect. Hindi ako pwedeng lumuwas. Abala ako rito… Kung gusto mo, isend mo na lang sa email ko at baka mapag-aaralan ko kahit paano.”
“Ay? Hindi ba pwedeng pumunta na lang ako riyan?” she giggled again.

We’re fully booked. Huwag ka nang mangarap. Don’t bother.

“To save you time and energy, mas mabuting isend mo na lang sa akin, Architect. Paniguradong kahit narito ka ay hindi ko iyan mapagtutuonan ng pansin. Nakalaan ang atensyon ko sa ibang bagay…” his eyes never left me.
“Oh. Okay… I’ll send it then…” medyo may bahid na pagtatampo roon.
“I’ll wait…” at pinutol agad niya ang linya.

Tinuko niyang muli ang kanyang kamay sa aking lamesa. His scent attacking my senses making me feel very vulnerable.

“Is that what you told Katarina when she called, too?”

Ngayon ay nagkaroon na ako ng lakas na tingnan siya. Nanatili ang kanyang ekspresyon. Almost blank. He just stared at me like I’m hypnotizing him.

“Ang conference na mayroon kami sa Maynila ay mahirap ipagpaliban. Kailangan kong puntahan kahit hindi sa sunod na linggo. May part ako roon…” he said calmly.

Ngumuso ako. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. So it was really Katarina? Why does it sound really… different… like there’s something behind it? Should I believe him? Damn it!

“Kung gusto mo ay sumama ka sa akin sa Maynila sa susunod na buwan. Hindi ako tutuloy sa opening next week. Pero sa part ko, kailangang naroon ako.”
“No thanks… You can just go there. I don’t mind.”

Ngayon ay naka ekis ang kanyang braso sa kanyang dibdib. Tumagilid ang ulo niya at nagtaas siya ng isang kilay.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Huminga siya ng malalim at tinalikuran ako dahil naroon iyon sa kanyang lamesa. Sumulyap ako sa kanya habang tinatanggap ang tawag.

“Hello, Marco…” aniya. “Sige. Bababa ako. Titingnan ko…”

Nagkatinginan kaming dalawa. Agad ay iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

“We’ll eat our lunch together, Snow. Dito ka man kumain o sa Seaside. Bababa muna ako at aayusin ang problema sa site,” he said in a hard tone before leaving.

Pagkaalis niya ay para akong nabunutan ng tinik. Hindi ko alam kung banta ba iyong sinabi niya sa akin o ano. All I know is that he really was serious about it.

Bumaba ako nang nag alas onse y media at pumunta ng Seaside para kumain doon. Ilang sandali akong nakaupo nang pumanhik din doon si Engineer Riego. Tahimik akong uminom ng tubig habang siya’y umuupo. The employees were curiously looking at us. Nakita ko pang dumaan si Mrs. Agdipa at natigil nang nakita kami sa banda rito.

“Anong oras babalik iyong si Stav dito?” tanong ni Engineer habang kumakain ako.
“I don’t know but he’ll text.”

Umigting ang panga niya sa naging sagot ko pero nagpatuloy siya sa pagkain. Nagsimula na rin siyang kumain. He looked serious while eating his food. Ngayon ako naman ang patingin tingin sa kanya.

“Hinatid mo si Tito kanina sa Caticlan?” tanong ko na agaran ring pinag-iwasan siya ng tingin nang bumaling.
“Oo.”
“Anong pinag-usapan ninyo?” nagtaas ako ng kilay.

Ilang sandali bago siya nakasagot.

“Tungkol sa proyektong inoffer niya sa akin sa Batangas…”

Oh yeah. The one involving a woman, right?

Nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung bakit nakikitaan ko ng panunuyo ang kanyang kulay abong mga mata.

“I refused his offer…” he added.
“And why?” I asked mockingly. “That’s a good offer. Dagdag sa credentials at portfolio and it sounds promising…”
Nanliit ang mga mata niya. “I’m planning to stay here in Costa Leona. Walang mangangalaga sa bahay.”

Sa sinabi niyang iyon ay may isang matagal na tanong akong gustong sabihin.

“Where’s Jax?”

He stilled for a moment. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim.

“He’s abroad…” he said.
“Oh? He’s working?”
Tumango siya sa akin. For a fleeting moment, I’ve forgotten about the tension in between us. Hindi ko alam kung tama ba iyon. O kung tama bang hayaan ang sarili kong kaswal siyang pakitunguhan.
“And Tito Achilles?” halos bumahid ang pait sa aking tinig.

I will always remember that it’s their love that broke us apart five years ago. Tita Marem’s deep-rooted hate for Tito Achilles was the main reason why she hated Sibal. And maybe for some other “deja vu” reasons, too.

“Nasa Maynila…” anito.

Hindi na ako nagtanong ng karagdagan pa. Hinayaan kong kumain kaming dalawa sa katahimikan.

He was always so seducing and sexy. My rational thoughts would always go out of hand whenever he kisses me. Nawawala ako sa trance tuwing nag-iisip ako kaya mas mabuting ganito. Thinking about the recent event scared me. I don’t want to get hurt. And if I trust him again, I want it to be so sure. Now that I still have doubts, I guess it is only right and fitting to question everything until I prove myself wrong.

Sa hapon ay abala siya sa gawain sa site. Bumalik lamang siya sa opisina at nagdala ng meryenda.

“Thanks…” I said coldly as he put it in front of my table.

Hindi siya nagdala ng kanyang pagkain. Either tapos na siya o hindi talaga siya kakain. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong sa drawing table siya nagpunta.

He started drawing something while I concentrated on my work.

Sa hapunan na bumalik si Stav sa hotel. Naghahapunan na kaming tatlo ni Kael at ni Engineer Riego nang dumating siya sa Seaside. I heard Engineer’s exaggerated sigh when he saw him. Ngumiti ako at tumayo para salubungin ang aking kaibigan.

“Good evening, Stav. Did you find a hotel?” salubong ko sabay lahad ng isang upuan.

Si Omar ay nagsalin agad ng tubig sa baso ni Stav.

“Yes, actually. Kaninang umaga lang. Dumiretso na lang ako sa training para masulit ko ang pag-alis.”
“Training?” si Kael.
“Yes. Scuba diving, Kael. Deep sea…” Stav smiled.

Nagtawag ako ng mga waiter para ayusin ang kanyang pinggan sa lamesa.

“Umalis na pala si Tito Solomon?” tanong ni Stav.
“Kaninang umaga lang…” si Engineer.

Tumikhim ako.

“Want to drink, Snow? Hindi ko napaunlakan kahapon si Tito Solomon dahil medyo pagod pa ako sa byahe. Sayang at wala na siya ngayon… How ‘bout you, Kael? Engineer Riego?” Stav asked.
“I have things to do tonight. May tatapusin akong structural design at si Snow ay sa bahay ko tutuloy kaya hindi rin siya pwede…”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Engineer Riego. Stav smiled shyly but I can see it was laced with annoyance.

“I can, Stav. Engineer, puwede naman akong umuwi roon ng gabi. Hindi naman kailangan na naroon ako habang naroon ka!” giit ko.
Ang tinging ipinukol niya sa akin ay nakamamatay. “Whoever stays in my roof is my responsibility. Unless Mr. Lagdameo wants you to defy your father’s orders, ‘tsaka lang kita pagbibigyan.”

Nawala ang ngiti sa labi ni Stav ngayon. He’s looking at Engineer Riego intently.

“I see. Okay, then… No problem. Naiintindihan ko si Tito Remus. I just never thought that he’d… trust someone else for you, Snow…” he smiled genuinely at me. “Dapat ay dapat mas magtiwala siya sa akin dahil ako ang fiancee mo…”

The evilness of Engineer Riego’s look sent shivers down my spine. Tila eksaherado siyang nagulat.

“Wow! Congratulations! Hindi ko alam iyon, Snow… You two are engaged?”

Stav was wrong for saying that aloud! I never told him that we’ll push the engagement. In fact, umatras pa nga ako! Siguro ay dala na rin sa iritasyon niya kay Engineer Riego ay nasabi niya iyon. Hindi ko alam kung dapat ko bang itanggi, na ikapagpapahiya ni Stav o sabihing totoo iyon. But I shouldn’t because I don’t want him to hope for that! Damn it!

“I-I’m…” nilingon ko si Stav.

Nakatingin na si Engineer Riego sa kanyang wineglass ngayon. His expression was unreadable.

Huminga ako ng malalim at nagpasya.

“Stav, I need to do things tonight too. Pasensya na at hindi ko mapapaunlakan ang anyaya mo. Besides, you’ll have to drive to the hotel you’re staying at. I don’t want to to drive drunk…”

Wala nang bahid na ngiti sa mukha ni Stav ngayon habang tumatango. Kael opened a light topic that changed the subject. But Engineer Riego was already quiet the whole time until we’re finished.

Unang tumayo si Engineer Riego. Nagpaalam siya na may kukunin lang sa opisina kaya pumanhik na patungo roon.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala nang lumiko sa pasilyo.

“Snow?”

Nilingon ko si Stav nang napagtantong hindi na ako nakikinig sa kanya.

“Stav! Yes…” I said.
“I really just want to spend more time with you…” he sighed. “Pero sige… pupunta na lang ako rito bukas ng umaga para makakain tayo ng breakfast. Kapag nagtatrabaho ka na’y pupunta na ako sa training. Tutuloy ako rito para mag dinner after…”
“I’m really sorry. My schedule is hectic…” sabi ko.
“Anong araw ka bang hindi na nagtatrabaho?” he asked.
“Siguro Linggo…”
“Then can we date this coming Sunday?” masuyo niyang tanong.
Ngumiti ako at tumango. Siguro naman ay hindi na masama iyon. And also, I want to sincerely tell him about my plan. That we’re not doing the engagement. I need to explain to him that.

Hinatid ko siya sa kanyang sasakyan. Sa tabi ko ay si Kael na tahimik habang umaalis ang Lexus ni Stav. Hindi nagtagal ay dumating din si Engineer Riego roon sa labas.

“Ate, tutuloy na ako sa silid ko…” sabi ni Kael nang nakitang papalapit na rin ang Silverado.

The pick up stopped in front of me. Lumabas ang valet at ibinigay ang susi kay Engineer Riego. He glanced at me before making the clicking sound of the pick up.

Pinuno ko ng hangin ang aking baga bago tumuloy sa front seat ng sasakyan. Tumaas ang kanyang mga kilay at pinaandar na ang sasakyan ng walang kibuan.

Maging nang dumating kami ay hindi kami nag-usap. I don’t know what to say to him and he didn’t try to strike a conversation, too. Not that I want him to converse with me.

Pumasok kami sa bahay. Immediately, he went to the drawing table in the living room. Hindi ko alam kung tama bang mag feel at home ako rito o ano. Naiilang pa akong gumalaw. Hindi ko alam kung aakyat ba ako o mananatiling nakatayo roon sa gilid ng magarbong hagdan.

Nilingon niya ako.

“Your things are upstairs…” aniya.

Tumango ako at hinawakan na ang barandilya ng hagdanan at umakyat na roon. Malagkit ang tingin niya habang paakyat ako kaya hindi ko na siya pinag-abalahan pang tapunan ng tingin.

A living room greeted me. Straight ahead is the veranda where I heard him talk with Katarina. Kahit na halos wala akong maalala noong umakyat kami rito ay saulo ko naman kung saan banda ang room niya.

There were four large rooms ngunit ang pinakamalaki ay iyong sa kanya, ang master’s bedroom. Pinihit ko ang door handle para makapasok sa loob ng puting pintuan. Malawak ang tanggapan ng silid. The king size bed with white sheets stood near a big glass window. The walls were mostly white but accented with navy blue furniture.

May isang study table sa ‘di kalayuan na may laptop na nakalagay. Sa gilid ng isang lamp stand ay isang malaking sliding door papasok doon ay isang malawak na veranda. The wide TV stood in front of the king size bed. Umupo ako sa paanan ng kama. Quickly, I remember the heated moment we shared here. How I have only little memory of the entire room because I was too busy with his kisses.

Tumunog ang pintuan hudyat na may pumasok. Naaninag ko si Engineer Riego, topless na ngayon. His gold round necklace with no pendant was the only accessory he had on his upper extremities… and of course his blazing eyes as he looked at me. Tumayo agad ako.

“Pinalagay ko sa guestroom ang mga gamit mo…”

What?

All of the possible heat in my body went to my face. Pakiramdam ko ay kasing pula ng kamatis ang mukha ko ngayon. Hindi ako makapagsalita sa pagkapahiya. Halos manginig ang labi ko.

“But…”

hinaplos niya ang kanyang batok. Ang nakakapit na jeans ay tila nag-aagaw buhay habang niyayakap ang kanyang hita.

“Pwede kong ilipat dito ang mga gamit mo…”
“No… No!”

And all this time I thought he was serious that I’m staying in his room! Ni hindi ko alam kung disappointed ba ako o relieved na hindi nga talaga ako sa silid niya matutulog.

Mabilis akong nagmartsa palabas. Hindi siya gumalaw sa hamba dahilan kung bakit sobrang konti lang ng espasyo para makaalis ako pero pinilit kong pagkasyahin ang sarili ko roon.

“Snow,” masuyo niyang sinabi pagkatapos ay hinigit ang braso ko.
“Ayos lang. Not that I want to stay in your room…” mas lalong uminit ang pisngi ko. “I just want to rest.”

Kinagat niya ang kanyang labi at pagkatapos ay ngumuso. Binitiwan niya ako. Mabilis akong dumiretso sa silid na pinakamalapit sa kanya. I don’t even know if it’s the right room but he didn’t call me so I guess it was.

Nang nabuksan ko ang pintuan ay agad ko iyong sinarado at hiniligan. Sinapo ko ang noo ko at mariing pumikit. Damn it, Snow!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

11

Comments are closed.