Scorching Love – Kabanata 39

August 29, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 39

Kabanata 39
Wish

Isang mainit na kamay ang naramdaman ko sa aking binti. Sobrang bigat pa ng katawan ko at gusto ko na lang manatiling nakahiga at natutulog sa malambot na kamang kinaroroonan ko.

“Snow…” he whispered.

Ang napagtantong katotohanang wala ako sa mansion at nasa puder ako ni Engineer Riego ay nagpadilat sa akin. Panandalian kong nakalimutan ang lahat ng nangyari at pagkadilat ko rin ay naalala na. It was too unbelievable. Too surreal, even.

Nakatabon ang comforter sa aking buong katawan. Nakaupo siya sa paanan ng kama at ang kanyang kamay ay nakapailalim sa kumot.

It really happened, then?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pinaghalong kaba, takot, at pagkakalito. Alam kong dapat ay nag-isip ako bago namin iyon ginawa. Pero ang tanging gusto ko lang kasing mangyari ay ang pawiin ang sakit na naidulot ko sa kanya sa nagdaang panahon. Gusto kong kalimutan ang sakit na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw galing sa kanya. And his probable committment with other people.

“Ayaw kitang gisingin pero tumawag ang tiyuhin mo…” he said calmly.

Tumango ako. Tumayo siya at tinalikuran ako. Ngayon ay nakita ko ang kabuuan ng kanyang suot. He’s topless and he’s only wearing his jeans. His manly aftershave told me that he just got out of shower.

May tiningnan siya sa kanyang cellphone. Ilang sandali siyang nagtipa roon bago ako nilingon muli…

“Sibal…” I gently called.

He turned to me but before he can completely face me, tumunog ang kanyang cellphone. Tinaas niya ang kanyang kamay para pigilan ako sa pagsasalita.

“I need to take this call… May dinner tayo kasama ang tiyuhin mo ngayon. Ihahatid kita sa mansyon pagkatapos ng tawag.”

May kirot akong naramdaman sa aking puso nang nakita siyang umalis. Pumormal ang tono niya sa katawagan at natawa pa siya roon bago tuluyang sinarado ang pintuan.

Tumingala ako sa ceiling ng kwarto. Tulad ng nasa baba, maganda rin ang disenyong naroon. Very oriental and perfect for coastal living. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Nilibang ko ang paningin ko sa mga disenyong naroon pero hindi rin nagtagumpay. The tears blurred my sight. I couldn’t enjoy it properly.

I should be happy. I made him happy. Pero mali yata ang nararamdaman ko ngayon.

We didn’t even cuddle. He didn’t even let himself enjoy my feel. He showered to wash away my scent. And then he made my Tito Solomon as an excuse. Anyway, bakit pa narito si Tito at ang akala ko ba’y aalis siya ngayong Linggo pa-Boracay?

Pinalis ko ang luha sa aking mga mata at inayos ang suot. I’m already wearing the clothes he gave me.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan palabas ng kanyang kwarto. Bababa na sana ako noong akala ko’y naroon siya pero ang tinig niya galing sa veranda ng pangalawang palapag ay naririnig ko galing sa kinatatayuan ko.

He laughed. Hindi ko makuha ng mabuti ang mga sinasabi niya sa katawagan kaya lumapit ako ng husto.

It is rude to eavesdrop, I know. But I want to talk to him so bad. Bakit tila iniiwasan niya pa iyon at mas inaalala pa ang dinner kasama si Tito Solomon. I mean, one can just eat dinner by himself. It is not that important para ipagpaliban namin ang mga paliwanag.

“Kat, I promise you I’ll be back next week. Nothing’s changed, okay? I didn’t change my mind…” seryoso ang baritonong boses ni Engineer Riego galing sa balkonahe.

Agad ay bumalik ako sa kwartong pinanggalingan ko. Not because I find it rude but because it made my heart ache more.

He’ll be back next week? Where? Nothing’s changed? He didn’t change his mind? What does it mean? He didn’t change his mind for Katarina even when we’ve met again? Dahil sigurado akong si Katarina ang kausap niya. Wala nang ibang pwedeng maging “Kat”!

Ang sakit na bumayo sa aking dibdib ay hindi na masukat. I couldn’t even bring myself to cry because the pain is that racking. Parang natutulala na lang ako habang nakaupo sa kama.

I don’t want to overthink pero hindi ko na kontrolado ang paghihisterya ng aking isipan. Sinubukan niya ba ako? Tiningnan kung pagkatapos ng ilang taon ay bibigay parin ako? And I did… but I don’t even regret it.

Hindi ko magawang magalit o magsisi sa lahat. Hindi ko magawang manumbat.

Whoever wrote that letter must’ve known me so much. Isa lang ang taong pwede kong akusahan doon. Dahil kahit ako’y makakapagsabing ang sulat kamay niya ay gayang gaya ng sa akin. Effortless, for that matter. Tita Marem’s penmanship mirrored mine. Para ano pa’t binansagan akong Little Marem?

It’s my Tita’s hand writing. It hurt him so much. The pain was excruciating that if he plans a revenge, it’s properly justified.

Bumukas ang pintuan. Madilim ang tingin ni Engineer Riego sa akin habang binababa ang cellphone. My eyes got so tempted to look at his phone but I’m dead tired guessing the truth behind whatever we have now…

“Magbibihis muna ako sa mansyon,” nanghihina kong sinabi.
“Kung hindi maganda ang pakiramdam mo, pwede kong sabihin sa tiyuhin mo na hindi ka muna pupunta roon.”
I shook my head. “I’m fine. Kailangan ko lang magbihis…”

Tumango siya at pinagmasdan akong mabuti. Tila ba nananantiya ang tingin niya. Tila tinitingnan kung ano ang nakapaloob sa aking utak.

Hinatid niya ako sa mansyon. The workers aren’t there anymore. At habang nasa sasakyan niya ako ay tumawag si Tito sa kanya dahilan kung bakit nakumbinsi akong paunahin siya roon.

“Nasaan si Snow, Engineer? Hindi siya mahanap sa buong hotel at wala raw sa mansyon.”
“Kakauwi niya lang sa mansyon…” he responded to my Tito.
“Ganoon ba? Nasa lamesa na kami’t hinihintay na lang kayo. Halina kayo rito… Naghihintay kami.”

Pagkatapos ng tawag ay pinauna ko na siya roon.

“Matatagalan ako. Mukhang may importanteng sasabihin si Tito, mauna ka na,”
“Hihintayin na kita rito…” he said.
“Hindi na, Engineer. Just go to my Tito. Matatagalan pa ako. Ayaw kong sumama ang loob niya sa’yo. At kung ako naman ang hinihintay niya, makakaintindi iyon.”
“Let’s just tell him that we’re still here-”
“Please, Engineer. Just go there and don’t wait for me…”

Nagtama ang tingin namin. His jaw clenched. I could almost hear him say that he’s not my slave anymore. That he won’t follow my orders. Pero siguro’y nakita niya ang pananantiya na rin sa mga mata ko dahilan kung bakit ko siya napapayag.

Tingin ko’y mas lalong dadami ang negatibo kong naiisip kung mananatili ako sa mansyon. Kaya binilisan ko ang ginawang pagbibihis. My phone’s dead bat so I charged it and left it there.

Nilakad ko lang ang patungong hotel. Dumaan ako sa gate at nang nakapasok ako medyo gumaan na ang loob.

Sa Seaside sila kumain. Bago pa ako tuluyang makapasok ay napadalawang tingin ako sa isang babaeng malaki ang ngiti. She’s in corporate attire. The woman aged based on the last time I saw her!

“Mrs. Agdipa!”
“Miss Galvez, President…” she enveloped me in a warm hug.

Hawak niya ako sa braso nang pinisil at hinarap.

“Kumusta na? Pinadala ako rito ni President Galvez galing Boracay para pangunahan ang interview bukas! Mas lalo kang gumanda!”

Hindi ko alam kung bakit init ang naramdaman ko nang nakita siya. Pakiramdam ko’y dinadala ako ng presensya niya sa mga kaganapan limang taon na ang nakalipas.

“Thank you… Ikaw rin, Ma’am. Bukas nga pala gagawin ang interview… hindi ko namalayan.”
“Oo. Ang sabi ni President ay hindi ka raw tutulong sa gagawin dahil abala ka sa hotel kaya ako na ang pinadala niya.”
Tumango ako. “Thank you, Ma’am.”

Ngumiti siya pagkatapos ay tinuro ang daan patungong Seaside.

“Ayan natagalan ka tuloy, Miss Galvez. Hindi ba’t may dinner kayo ngayon kasama si Gustav? Pasensya na’t tuwang tuwa ako na nagkita ulit tayo…”

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa sinabi niya o panlalakihan ng mga mata.

“Si Stav, Mrs. Agdipa?”
Tumango siya at lumapad lalo ang ngiti. “Nasa Seaside kasama si Kapitan, at si Sibal… Pati ang kapatid mo…” nag ngising aso siya. “Nagkita na siguro kayo ni Sibal, hindi ba?”
Matabang akong tumango at hinawakan siya sa braso. “Kung naroon si Stav ay kailangan ko nang pumanhik, Ma’am. Sana makita kita rito ng madalas… The Coast just isn’t the same anymore without the employees I knew…”

Nagtaas ng kilay si Mrs. Agdipa sa akin. Not that I intend something about my statement.

Hindi nga nagkakamali si Mrs. Agdipa. Nang pumasok ako sa Seaside ay nasa isang mahabang lamesa si Engineer Riego, Tito Solomon, Kael, at Stav. Tumayo si Stav nang nakita ako. Engineer Riego immediately sneered.

“Snow!” umamba siyang yayakapin ako.

Tumayo si Enginner. Kitang kita ko ang amusement sa mukha ni Tito Solomon at ang pagkunot naman ng noo ni Kael.

Hinayaan ko si Stav na yakapin ako. I hugged him back, too. Nalingunan ko ang matalim na tingin ni Engineer sa akin pagkatapos ay umupo ito at uminom ng wine.

“Good evening, Stav. Hindi ko inasahan na paparito ka…” I said.
“Sosorpresahin sana kita. Tumawag ako noong narito na ako at ‘di malaman kung nasaan ka pero biglang naputol ang tawag. Engineer Riego here said that you’re with him…”

Nilingon ko si Engineer sa gilid para lang ibalik muli kay Stav ang tingin.

“Yes. I was swimming near his house. Sorry ‘bout that.”

Nagsiupo kami ni Stav. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita sa personal dahil sa busy schedules namin. I didn’t forget what my father told me about him but I don’t want to conclude yet. Hindi pa naman napapatunayan ang lahat.

“Kumain ka na, Snow. Mukhang pagod ka…” Tito Solomon noted.

Tumango ako nang ‘di siya tinitingnan at kumuha na ng pagkain sa mga ulam sa harapan. Kinuhanan ako ni Engineer Riego ng ulam. He looks mad but his actions says otherwise. Nagkatinginan kami ni Stav. Bahagyang napatingin si Stav doon at ngumiti na rin sa akin.

“Eat, Snow…” he said.

Tinanggap ko ang binigay ni Engineer at naglagay na sa aking pinggan. Kumuha rin si Stav ng isa pang ulam at ganoon din ang ginawa ko.

The man on my left side looked already annoyed. O talagang binibigyan ko lang ng kahulugan ang lahat ng kilos niya?

“Kumusta ang byahe?” tanong ko kay Stav.
“Maayos. Galing ako ng Iloilo at dumiretso na ako rito. My luggage is still on my car, actually…” he said.
“Bibigyan ko sana siya ng isang silid, Snow. Kaso lang ay kung magtatagal siya ng ilang araw, ikinalulungkot kong sabihin na ayon sa staff ay sa Martes, magiging fully booked ang hotel. All the rooms are booked including the room I’m in right now. Good thing I’m going to Boracay tomorrow,” si Tito Solomon.
“No problem, Stav. You can stay at the mansion,” sabi ko.

Lumapad ang ngiti ni Stav sa sinabi ko. Bukod sa sinabi ni Tita Marem na isa ang pamilya niya sa may pakana sa nangyari sa aming hotel, wala na akong ibang maipipintas kay Stav. He’s a gentleman. He’s trustworthy, kind, and gentle. Sa ilang taon naming pagdi-date ay ni minsan hindi niya ako prinessure sa kahit ano. Just what I need after all the intense dramas here in Costa Leona.

“Thank you, Snow. I’ll be here as long as you wish, actually…”
“I didn’t know you wished for that, Miss Galvez…” malamig ang tinig ni Engineer Riego nang sabihin niya ito.

Why would he say that? Damn it! Bago pa ako makapagsalita ay napigil niya na ako.

“Iyon sana ang sasabihin ko sa’yo ngayon. Gusto ng ama mo na mapadali ang renovation sa hotel kaya tulad ng Convention Center ay 24 hours na ang mga trabahador. Ibig sabihin, simula bukas ay buong araw na may gagawa ng bahay. It won’t be conducive for you to stay there so I suggest you should see other hotels, Mr. Lagdameo. Sa Martes pa ang fully book kaya ngayong gabi’y pwede ka pang tumuloy. Pati bukas.”
“At saan naman ako tutuloy, kung ganoon?” medyo pagalit kong sinabi.
“Sa bahay ko,” maagap niyang sinabi. “Iyon ang suggestion ng Papa mo. Tingin ko rin ay magandang ideya iyon…” makahulugan niyang sinabi.
“Ate, I think Engineer Riego is right. His mansion is just near and you can’t sleep on our mansion when it’s being renovated…” dagdag pa ni Kael dahilan ng pag-angat ng labi ni Engineer.
“Well, Snow…” medyo nalilitong sinabi ni Stav.

Kitang kita ko sa mga mata ni Stav ang pagkakailang at pagkapahiya. I’m trying to put it in me that they may be the reason why our hotel suffered but I just couldn’t. Stav is very innocent. He now looks lost. Kung walang wine ay mas naging awkward sa kanya ito. Tila ba ginagawa niyang salvation ang pag inom ng wine dahil nahihiya siyang humarap sa amin.

“I can also look for… hotels near here if it’s fully booked on Tuesday.”
“No… No…” Umiling ako kahit na wala akong solusyon sa suliranin. “Stav-”
“It’s fine, Snow. Besides… kasalanan ko dahil sinorpresa pa kita. Kung nagsabi sana ako ay sana hindi na naabutan ng fully booked.”

Ngumisi si Engineer Riego sa sinabi ni Stav. He looked satisfied with everything.

What is he up to, anyway? Alam kong nalaman ko nang may hinanakit siya sa akin… and for a fleeting moment, I feel like he’s still in love with me. Pero paano ko nga ba mararamdaman iyon kung may iba siyang pinagkakaabalahan bukod sa akin?

I want so bad to forget about the past like how I forgot it when we made love. I want to forget the probable females he’s with but forgetting about it means being selfish. Ayaw kong bansagang mistress ulit dahil lang sa hindi ko pinakealamang may ibang babaeng nagmamahal.

“I can suggest few hotels just here in Costa Leona, Stav. Pero ngayong gabi’y pwede ka sa isa sa mga kwarto. Shall we send the employees to get your luggage?” si Tito Solomon iyon.
“Yes, please, Tito.”
“Engineer… Bukas ay may pag-uusapan tayo. Maaari mo ba akong ihatid sa Caticlan at medyo may kahabaan ang pag-uusapan natin at kailangan ko nang pumuntang Boracay. Naipagpaliban ko iyon ngayong gabi dahil natagalan kami ni Kael sa windmil.”
“Sige, Sir. Walang problema…”

Ngumuso ako at binalingan si Stav.

“I’m sorry, Stav. If I have known, I would’ve reserved even the presidential suite.”
He smiled shyly. “That’s okay, Snow. Wala kang tutuluyan? If I’ll book a hotel anywhere near, I guess I can book for a room for you, too…”
Tumawa si Tito Solomon. “May-ari ng hotel, hindi makatuloy sa sariling hotel? Stav, here is Engineer Archer Riego. His house is just near here and Snow’s father trusts him. Kaya roon na siya…”
“Oo nga naman, Tito. I just thought that it would be better that way…” nagkatinginan si Stav at Engineer Riego.

Salungat masyado ang kanilang features. Stav is angelic. Ang kanyang wavy hair ay mas lalong naging ebidensya noon. Pino at marahan. Samantalang si Engineer Riego ay medyo rough. Ang tanging malambot lang yata sa kanyang mukha ay ang kanyang labi.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Pasalit salit naman ang pagtatanong ni Tito Solomon kay Stav at kay Engineer Riego. At masyadong seryoso si Tito kapag sumasagot si Stav samantalang tuwang tuwa siya kapag si Engineer Riego ang nagsasalita. That speaks volume. I’m not sure which one he’s fond of with his actions but I think I have an idea.

Nagpatuloy ako sa pagkain habang nagkwentuhan sila. Hindi ko man siya tinitingnan ay ramdam ko ang pagsulyap sulyap ni Engineer Riego sa akin.

Isang oras ang lumipas at tingin ko’y sobrang libang pa sila sa pinag-uusapan. I excused myself so I can go to the bathroom. Hindi rin ako nagtagal doon at nagpasyang utusan na ang mga tauhan para ihanda ang kwarto ni Stav sa taas at kuhanin na ang kanyang luggage.

Lumabas ako ng bathroom at laking gulat ko nang nakapamulsa si Engineer Riego habang nag-aantay doon. His expression was hard and hawkish. His faded jeans and black v neck t shirt made him darker. Ang pagkakahapit ng kanyang t-shirt sa kanyang katawan ay nakapagsisimula ng malalaswang imahinasyon kaya taas noo kong pinanatili ang mata ko sa kanyang mukha.

“What was that?” nanliliit ang mga mata niya sa paunang tanong.
“What was that? What do you mean?” lito kong tanong pero may bahid na hamon.
“Talagang inanyayahan mo pa iyon sa mansion ninyo?” marahan ngunit may diin niyang tanong.
Nagkrus ang braso ko sa aking dibdib. “Well, Engineer Riego… That’s what we call hospitality. At ikaw, bakit ka pa pumayag na sa mansion mo ako manatili? Dahil utos ni Papa?”

Kitang kita ko ang pagkakalito sa kanyang mukha. I want so bad to shout at him but I stopped myself. Kapag may dumaan dito y paniguradong pag-uusapan kaming dalawa.

“At bakit hindi ako papayag?” hamon niya. “That man might be the reason your renovation slowed down. Maaring gusto niyang ibagsak ang hotel ninyo. We warned you pero mukhang walang epekto iyon sa’yo! And now after what happened to us, you show up here with a tone like that-”
“Bakit, Engineer Riego? Ano ba iyon sa’yo? Ano bang ibig sabihin sa nangyari sa ating dalawa? Was that your way of slapping me how you can just lure girls to your charm na pwede mong gawin iyon sa kahit sinong babae?”

His jaw dropped. Hindi ko alam kung amusement ba iyong nakikita ko sa kanyang mukha but he tried to maintain a straight face after that. Nawala ang galit na nakikita ko kanina at napalitan na lamang ng seryoso at banayad na ekspresyon.

“Do you want to cuddle, Snow?”

His lips twitched after the question.

Hindi ko alam kung bakit lubusan ang init na naramdaman ko sa aking pisngi pagkatapos ng tanong. The image of his large frame spooning me to sleep made me dizzy.

“No!”

Nagtaas siya ng kilay.

“Baby, I like that, too. If only I can just simply tell your Tito that you’re to tired to go out of my house…”

Humakbang siya palapit sa akin. Kumunot ang noo ko. Unti unti kong naramdaman muli ang panghihina pero pilit kong inalala ang mga sinabi niya bago kami nag-usap. At ang mga babaeng lagi niyang katawagan. Si Katarina. Na babalikan niya sa kung nasaan man si Katarina.

Bahagya ko siyang tinulak. Yumuko siya ng konti at nagpatianod sa tulak ko. A ghost of a smile flashed on his lips before I walked past him.

Damn you, Riego. Ikinatutuwa mo pa talaga ang lahat ng ito! Hindi na ako magtataka kung may plano siyang maghiganti sa akin!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.