Scorching Love – Kabanata 37

July 24, 2016 By In Scorching Love 10 Comments

Kabanata 37
Singsing

Sakop niya yata ang pag-iisip ko. Kahit noong nagbibihis na ako para sa trabaho ay paulit ulit kong naisip ang mga nangyari noong nakaraan at ng kagabi.

Magtatanong sana ako sa mga waiter kung anong oras natapos kagabi pero paniguradong ibang shift na itong narito ngayon sa Seaside.

The weather is fine today. Fine, dahil hindi iyon masyadong mainit tulad noong mga nakaraang araw. I suddenly just want to swim. Hindi ko maala kung kailan ako huling naligo sa dagat dito sa Costa Leona. Simula noong dumating ako, hindi man lang iyon sumagi sa isip ko.

But then of course, I can’t swim right now. I have lots of things to do in the office.

Nagulat ako nang pumasok ako’y naroon na rin si Engineer Riego. Hindi ba siya napuyat? Anong oras kaya sila natapos?

Nagtama agad ang mga mata namin pagkapasok ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang suot bago bumaling sa aking lamesa.

“Good morning…” he said.
“Morning…”

Umupo ako sa aking swivel chair at binuksan na ang laptop. Naka summer dress lang ako ngayon dahil inisip kong dito lang ako sa opisina buong araw. On the other hand, he looks so formal. Naka khaki pants, belt, white undershirt and dark blue coat siya. May lakad siguro.

“Wala kang meeting ngayon?”

Umiling lamang ako. Why is he suddenly curious about my schedule?

Pakiramdam ko’y may idudugtong pa siya pero biglang tumunog ang cellphone niya. He answered the call immediately.

“Hello, yes…” salubong niya.

Tumutok na siya sa kanyang mga ginagawa sa laptop.

“Tapos ko na iyon. Iyong isa, ginagawa ko pa…”

I sighed. I should stop thinking about what’s going on with his life. I have things to do. At maraming marami iyon. Kung hindi lang sobrang hectic nitong mga nakaraan.

Inabala niya ang sarili niya sa kanyang lamesa. Ganoon din ako. Madalas ang tawag sa kanya ngayon. Tingin ko’y may kailangan siyang gawing disenyo at may mga papaaprubahan din sa kanya.

Mabilis ang naging oras. Magpapasya na sana akong kumain sa West Coast para makasabay si Tito Solomon pero nalaman kong magkasama sila ni Kael at hindi pa nakakauwi ngayon. Maybe his errands…

“Paki dala na lang dito iyong tanghalian ko…” sabi ko sa kabilang linya habang nagtitipa sa laptop.

I can sense his eyes darting towards me. Binaba ko ang telepono. Tumayo siya kaya napatingin ako.

“Ako na ang kukuha ng tanghalian natin. Dito na rin ako kakain…” aniya.
“No, uh, we can just ask the employees to get your meal, too, para hindi ka na bumaba.”
He smiled slightly. “Hindi na, Miss Galvez. Sanay ako rito…”

Ngumuso ako at tumango na lamang. Binalik ko ang tingin sa laptop para magpatuloy sa trabaho.

After ten minutes, he went back with our meals. Nilapag niya sa lamesa malapit sa veranda iyong mga pagkain. Tiningnan ko lamang iyon. Anong inaasahan niya? Uupo pa ako roon para kumain?

There’s a reason why I want my meals to be served here. And that’s because I want a working lunch.

Tumayo ako para kuhanin ang aking pagkain. I want it on my table and not on a separate table.

“Kukunin ko lang itong akin. I need to eat and continue what I’m doing…” I said.
“Okay…” He handed me my plate.

Bumalik ako sa aking lamesa para kumain at nagpatuloy na sa pagtatrabaho.

May mga pinipirmahan akong mga dokumento pagkatapos ko nang kumain. Si Engineer Riego ay nasa veranda at may katawagan na naman nang tumunog ang telepono sa gilid ko.

“Yes, hello… This is Nieves Solanna Galvez of The Coast…” in a monotone, I answered.
“Hi, Miss Galvez. Uh… Is Sibal in your office? This is Architect Gracie Racaza, by the way…” her tone sounded hesitant.

At sa akin pa talaga tumawag, ha? Umusbong ang iritasyon ko pero agad ko naman iyong naapula. I need to remember. It’s been years. And if he really is committed with anyone, anyone at all, then it’s not his fault.

“Yes, he is here. I’ll call him…” malamig kong sinabi.
“Pasensya na. Hindi ko kasi siya macontact sa kanyang cellphone. Busy daw. Nag-alala tuloy ako…”

I rolled my eyes and put the phone down. Tumayo ako para tingnan siya sa veranda. Nakasarado ang sliding door kaya buong lakas ko pang binuksan. Nagulat siya sa biglaan kong pagpapakita. Binaba niya agad ang cellphone.

“Mamaya na ulit tayo mag-usap…” aniya at tinago ang cellphone.

Sinundan ko iyon ng tingin bago nagsalita.

“Tumawag si Architect Racaza sa linya ko,” sabi ko.

Tumango si Engineer. Bumalik na agad ako sa lamesa at tinuon ang pansin sa ginagawa. Sinagot niya naman iyong tawag. Pinulot niya ang receiver at sa gilid ay nakipag-usap sa kabilang linya.

“Architect…”

Panay ang basa ko sa mga dokumento sa harap. Pero dahil medyo nasira ang concentration ko, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi kahit na paulit ulit na ako.

“I’m fine, thank you… Uh… yes…”

Akala ko trabaho ang pag-uusapan. Well… Let’s just sign all of these and focus!

“May tumawag lang na importante…”

She asked why he’s not answering. Bakit? Kailangan ba talaga? What the hell, right?

Hinilot ko ang gilid ng aking kilay habang inaangat ang isang papel, baka sakaling maintindihan ko na ito ngayon.

“No… I won’t go. Marami akong gagawin dito…”

Iloilo ba ‘yan? Naroon parin siya. Baka mamaya babalik ulit iyon dito dahil hindi nagpunta si Engineer Riego roon?

“Sa Maynila. Oo…”

Mabilis at mabigat naman ngayon ang bawat tipa ko sa laptop. When will his conversation end? Hindi ba pwedeng ipatawag niya na lang iyang girlfriend niya sa kanyang cellphone?

Nag email si Papa. Nagrequest siya ng isang file noong nakaraang buwan. Tumayo ako at nilagpasan si Engineer sa gilid para tingnan ang file cabinet.

Maingay na dumulas ang isang drawer ng file cabinet. Nagkatinginan kaming dalawa.

“Can we talk later? I have things to do…” aniya.

I rummaged through the file cabinet. Nang nahanap ko na ang sadya ni Papa ay saktong pagbaba rin ng telepono ni Engineer. Nakatayo parin siya sa harap ko. Akala ko babalik na siya sa kanyang lamesa pero nilahad niya sa akin ang upuan ko.

Nauna na lang akong bumalik.

“Pasensya ka na sa tawag…” aniya.
“No problem…” I said coldly.

Bumalik siya sa kanyang upuan. Ngayon, sa drawing table naman siya nagbabad. Mukhang may dinidisenyo na naman siya.

Noong naghapon ay umalis siya para isupervise ang renovation. Ilang oras din siyang nawala. Tinitingnan ko ang lamesa niya at naaalala ko na naman ang mga nasira kong plates niya. I wonder if it turned out fine. Parang may phobia na tuloy ako sa paglapit sa lamesang iyan.

Nagulat ako nang alas kuatro y media ay natapos ako sa trabaho. I really thought it will take me twelve hours to finish it all! Kung sabagay, konti lang naman din talaga iyon at nabilisan ko naman ang trabaho.

Hindi pa nakakabalik si Engineer Riego. Iniwan ko na ang opisina at nagpasyang ipakuha iyong Swan floater at ihanda roon sa tapat ng mansyon.

The thought of finally spending an afternoon swimming at the beach in front of our mansion thrills me.

Therapeutic talaga ang dagat… o ang lahat ng maalat na tubig, sabi nila. Ang luha, ang pawis, at ang karagatan… Maybe the reason why my head’s been clearer these past few days.

“Diyan mo lang ilagay…” utos ko sa kumuha noong swan floater.

Nasa bermuda na ako ng mansyon ngayon. Nililingon na ako ng mga trabahador na naroon pero hindi ko sila pinagtuonan ng pansin. Diretso ang lakad ko papasok ng bahay para makapagbihis ng bikini at makakuha ng mga kagamitan pang ligo.

Naging maaraw kaninang tanghali. Maaraw parin ngayon pero hindi na masakit ang haplos ng sikat dahil hapon na.

Inangat ko ang Swan floater at dinala patungo sa buhangin. Nang nalapit na ako sa sun lounger ay iniwan ko na ang tsinelas ko. Hinubad ko ang crochet dress at nilapag sa sunlounger iyon.

My tummy is full of fluttering butterflies as the seawater reached my heel. Nilapag ko ang floater nang hanggang tuhod na ang tubig pero patuloy ko iyong hinila hanggang sa medyo lumalim.

Binitiwan ko iyon para makalangoy ng ilang saglit at binalikan ulit. Hinala kong muli iyon hanggang sa bumaba ang tubig sa tuhod at galing roon ay hinigaan ko na iyon.

The blue skies and the while cumulus clouds looks relaxing. I can live here forever. I don’t need the busy streets of the city. Nakasanayan ko man ay hindi ko rin hinahanap hanap. I’m fine here…

Nakita kong may dumaang lawin. Napangiti ako. I can really stay here forever.

Ilang saglit ang nakalipas ay nilingon ko ang dagat. The clear waters told me that I’m already far from the shore. Malalim na ito ngayon.

Hinawi ko ang tubig gamit ang aking mga kamay para maibalik ako malapit sa shore. Umuusog ito ngunit konti lang. Ayos lang at nag eenjoy naman ako sa ginagawa.

Natuyo na ang tubig sa aking balat kaya naisip kong lumangoy. Bumaba ako at sumisid. I reached the bottom and concluded that it’s not that deep yet. Hinila ko ang swan floater palapit sa shore.

Sa sobrang kalmado ng lahat ay ang huni na lamang ng lawin ang naririnig ko. Kaya naman halos atakehin ako sa puso nang biglang may umahon sa harapan ko!

Napahawak ako sa aking dibdib nang nakita si Engineer Riego na umahon galing sa dagat!

“What the hell? I was so shocked!” deklara ko habang hinihingal pa sa kaba.
He smiled. “Sorry. Hindi ko gustong istorbohin ka kanina kaya nag-ingat ako…”

Hanggang dibdib niya ang tubig. He’s topless and his hair is pushed back. Ang tumutulong butil ng tubig galing sa kanyang buhok at pisngi ay masyadong madrama tingnan.

“Aahon ka na?” tanong niya.
Umiling ako. “Babalik lang ako sa mas mababang parte para makasakay ulit dito…”

Tumagilid ang ulo niya habang tinitingnan ang dala kong higanteng swan. Patuloy ako sa paglalakad at paghila ng swan nang bigla kong naramdaman ang kamay niya sa aking hita.

“Ano ba?!” napatili ako pero huli na ang lahat.

Sinalampak niya ako sa swan floater! Napakapit ako sa leeg noong swan at muntik pa akong nahulog, kung hindi niya lang sinuportahan iyong floater!

“Sorry. Hindi ako nagpaalam, alam kong tatanggi ka pero kaya kitang iangat para ‘di ka na bumalik sa mababang dagat…”

I glared at him. He grinned. Pinasadahan niya ng mga daliri ang kanyang buhok dahilan kung bakit ganoon ang ayos nito ngayon at tinulak tulak niya ang swan floater pabalik sa malalim na parte.

Medyo na conscious tuloy ako sa aking bikini. It’s a navy blue anchor bikini. Hindi ko alam kung hihiga ba ako o tatalikuran ko siya. Every position is just so weird. Lalo na’t nasa likod siya ng swan, kaharap ako. Although his eyes are fixed on what’s ahead of us, I don’t want him to glance at me in an awkward position.

Nag indian sit na lang ako habang tinitingnan ang unahan. Ayaw kong medyo malapit ang line of vision namin.

“Maaga kang natapos? Akala ko mag-oovertime ka?” he asked.

Bumanayad ang alon. Pakiramdam ko ay nasa malalim na parte na kami.

“Natapos ko naman lahat ng trabaho ko,” sabi ko. Ikaw? How’s the renovation?

Kinagat ko ang labi ko. Napatingin siya sa akin, kitang kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko. Umigting ang kanyang panga. I pouted and reached for the seawater. Tinilamsikan ko siya ng tubig dagat. Nasapol ko ang mukha niya dahilan kung bakit siya napapikit.

Nanginginig ang balikat ko sa pagkakatawa lalo na nang nakitang naningkit ang kanyang mga mata.

Tumigil ako sa pagtawa. Ilang sandali kaming natahimik. May bahid parin ng ngising aso sa aking labi. I reached for the water so I can do it to him again pero inunahan niya ako! Umilag ako at konting tubig lang ang tumama sa aking pisngi.

Immediately, I reached for the water. Mabilis at sunod sunod ang ginawa kong pagsaboy dahilan kung bakit siya lumayo sa swan floater. Tumawa ako.

“Snow!” sabi niya sa isang matigas na boses bilang pagsaway pero hindi ako naniwala.

Nagpatuloy ako sa ginawa kong pagsasaboy ng tubig sa kanya. Sumisid siya at agad ding umahon. Sinabuyan ko ulit siya ng tubig, sunod sunod. Everytime I do it, sapul na sapul ang kanyang mukha. Kahit anong ilag niya at kahit anong angat ng kanyang kamay.

Naghiganti siya. Sinabuyan niya rin ako. Ilang beses akong natamaan at mas maraming tubig iyon kumpara sa paunti unting ginawa ko sa kanya. But I’m fine because I’m with the floater.

“Tama na!” he called laughing but I didn’t listen.

Patuloy ang ginawa ko sa kanya hanggang sa sumisid siya sa dagat. Tumigil ako. Hinihingal pa ako sa ginawang pagtawa at pagsasaboy.

“Show yourself!” I shouted.

Malayong malayo na ako sa dalampasigan. Paniguradong malalim na ito rito. Nakikita ko na ang mga corals sa ilalim!

Niyakap ko ang tuhod ko at ilang sandali pang naghintay. I searched for clues of his whereabouts in the waters but I couldn’t find one. Mas lalo na akong lumalayo kaya medyo dinalaw na ako ng kaba.

Kulay kahel na ang langit hudyat ng paglubog ng araw.

“Engineer Riego!” sigaw ko sabay baba ng paa sa dagat.

Where is he? Damn.

Kusang kumalabog ang puso ko habang naaalala iyong nangyari sa isla. Naalala ko iyong muntikan ko nang pagkakalunod. What if?

No…

Ibinagsak ko ang katawan ko sa tubig para lang makita ang ilalim. Three hundred sixty degrees, I searched for him with eyes wide open but beyond the corals, it’s just deep darker seas! Wala akong ibang buhay na nakita kundi ang mga isda!

Umahon ako at mabilis na lumangoy sa swan floater.

“Sibal!” sigaw ko sa iritasyon.

Hindi na ako makahinga ng tama. Pakiramdam ko ay naipagpapaliban ko na iyon dahil sa kaba. Kahit anong lingon ko sa paligid, tanging banayad na dagat lang ang nakikita ko!

“Engineer!” sigaw ko ulit, medyo nanginginig na ang boses.

This is ridiculous! This is impossible!

Kahit na malamig ang paligid ay naramdaman ko ang init sa gilid ng aking mga mata. My eyes watered with unshed tears!

Bumilis ang takbo ng isip ko kung paano ko siya hahanapin. Kailangan kong magpatulong sa mga empleyado! Pero bago iyon, hahanapin ko muna siya rito kung saan saan! Sa mga corals! Baka lumayo na siya? Baka iniwan ako rito? Baka nairita sa ginawa kong pagsaboy ng tubig? Ano?

At the peak of my fast beating heart, a warm hand enveloped my heel. Natigilan agad ako. Umahon si Engineer Riego sa harapan ko. Humatak siya ng malalim na hininga bago ngumisi sa akin.

The unshed tears rolled down my cheeks. Sa iritasyon ko sa tawa niya ay tinulak ko ang tubig sa gitna namin dahilan kung bakit siya napaatras.

“Ewan ko sa’yo!” iritado kong sinabi at nilangoy na ang pabalik.

Iniwan ko ang swan floater kasama niya.

“Snow!” I heard him call but I didn’t even stop.

Nang nasa hanggang balikat na tubig na ako ay naglakad na lang ako.

Punong puno ng galit at iritasyon ang aking damdamin. How could I forget his tricks!? Of course he knows how to pull that off! Of course, he knows how to… fucking… scare me like that.

Ang alaala noong muntikan na akong nalunod ang sumakop sa aking utak. That kind of feeling just doesn’t go away. That feeling couldn’t be ignored. I will probably never ever forget that one!

“Snow…” he called.

I can’t believe he caught up with me.

Hinagis niya ang swan floater at nalapag iyon malapit na sa dalampasigan. Patuloy ang marahas kong paglalakad. Bawat hakbang sumasabog ang dagat na dinadaanan ko.

“Snow!” he demanded. “I am sorry…”

Hinigit niya ang braso ko. Nagsilbing trigger iyon sa nagbabadyang pagsabog ko. Agad ko siyang hinarap.

“Don’t you give me those stupid tricks again!” nanginig ang boses ko.

Ngumuso siya. He looked miserable but it seems plastic. Pakiramdam ko ay sa likod ng nguso niya ay isang ngiting hindi kayang pawiin ng sigaw ko.

Fuck you, Riego.

“I’m sorry, okay? Aahon na sana ako, may nakita lang akong magandang korales. Tatawagin sana kita para ipakita sa’yo iyon…”
“Oh I don’t care about damn corals!” sigaw ko at tinalikuran ko na siya. “Sa iba mo ipakita iyon huwag mo lang akong gawing tanga ulit!”

Mabilis ang martsa ko sa buhangin. Bawat hakbang puro mabibigat na sipa ang ginagawa ko.

And damn it, whoever put a coral on my pathway should go to hell! Hindi ko nakita iyong bato dahilan ng pagbagsak ko sa lecheng buhangin!

Ininda ko ang sakit sa daliri ng aking mga paa. Hinawakan ko ang hinlalaking ngayon ay dumudugo na dahil sa korales.

Lumuhod agad si Engineer Riego sa harap ko at hinawakan niya ang aking paa. Hinawi ko ang kamay niya.

“Iwan mo ako!” sigaw ko.

Imbes na sundin ang utos ko ay mas lalo pa siyang lumapit. Isang dakot ng buhangin ang sinaboy ko sa kanyang mukha. I’m not violent but maybe my fast heart beats made me go crazy. Akala ko, gaya ng tubig, hindi nakakasakit ang buhangin pero nang nakita kong pikit na pikit ang kanyang mga mata ay natauhan ako.

“I-I’m sorry…” sabi ko at tumigil sa pagpupumiglas.

He tried to open his eyes. Namumula iyon at medyo naluluha. Gusto kong kumawala sa kanya ngunit may kasalanan pa ako. Kumunot ang kanyang noo at tiningnan muli ang dugo sa daliri ng aking paa.

“Stop moving…” utos niya nang napansin ang pag-ilag ko.

Tumigil ako sa pag galaw. Uminit ang pisngi ko habang hinahaplos niya ang balat malapit sa maliit na sugat.

“Ayos lang ako…” I declared.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. His bare chest is exposed in front of me. He’s wearing only his trunks and his hair is still very wet.

“Gamutin natin ‘yan… May gamot ako sa bahay…” aniya.
“Mas malapit ang mansyon dito.”
“Hindi pa natatapos ag trabaho. Pinag overtime ko sila…”
“Anong koneksyon noon sa gamot?” iritado kong sinabi.

Nagtaas siya ng kilay. Nahimigan ko rin ang pinipigilang iritasyon sa kanya.

“You think I’ll let you walk in front of them all wet and almost naked?”

Sa batok, tainga, at pisngi ang naramdaman kong init. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya.

“Kaya ko na ang sarili ko!” giit ko.

Pinikit ko ang mga mata ko para maalala ng husto iyong mga babaeng posibleng mahal niya ngayon. If I want to stand my ground, I need the motivation to stay on my ground. It’s funny that pain motivates me to stay on the surface… to never sink again… to never drown myself again.

Sinubukan niyang iangat ako pero tinulak ko siya ng buong lakas. Kumalas siya pero nanatili ang kanyang kamay sa magkabilang gilid. He locked me with his arms on the sand!

Ang kamay ko ay nasa kanyang mainit na dibdib. Nang natauhan ako’y dahan dahan ko iyong inangat at binitiwan.

“Kaya kong tumayo. Hindi ito malalim!” sabi ko.
“Alam ko…” he whispered.

I can feel his hot breath on my cheeks. Hindi ko talaga siya matingnan. Lalo na’t alam kong diretso ang tingin niya sa akin. Sa sobrang lapit ay hindi ko makayanan.

“Get off me. I don’t want anyone to see us this way…” matapang kong sinabi.
“Bakit hindi?”

Anong tinanong niya? I can’t believe it!

Nilingon ko siya. Matalim ang ipinukol kong mga tingin.

“Anong bakit hindi? Syempre, hindi, Engineer! Anong iisipin ng mga tao? Na kahit may girlfriend ka na, nakikilandi parin ako?” sigaw ko sa kanya.

I’m trying my best not to push him away. I can’t feel his chest again. Kung gagawin ko ulit iyon na conscious ako ay baka hindi na ako makatayo!

His lips twitched. I don’t know why my heart is beating mad. What’s it with him and his red lips that’s making me so damn nervous?

“Wala akong girlfriend, Miss Galvez…” he whispered.
“Hah!” I scoffed. “Ganyan naman lagi ang linya mo, hindi ba?”

Nagkatinginan kami. His eyes didn’t mirror the angst I’m feeling. His eyes look tired, frustrated, and sad. Kahit na alam kong ganoon ay hindi ako nagpadala!

“Get off!” I ordered.
“I’m not your slave anymore…” he hissed. “I don’t follow anyone’s orders… kahit iyong sa’yo…”

New hot tears threatened to flow again. Oo at hindi na ikaw ang Sibal ko noon. Tama siya! Kaya dapat umalis siya sa harapan ko dahil ibang tao na siya ngayon! He doesn’t need to take care of me anymore! He’s not my Percival Archer…

“Then get off!” nanginig ang boses ko.

He silenced me with a soft kiss. Sa sobrang lambot, pakiramdam ko parang hinaplusan ang labi ko ng balahibo.

Napaawang ang labi ko nang kumalas ang kanyang halik. Nakatingin ako sa mapupulang labi niya ngayon. It twitched again in a sexy way.

He planted another kiss but this time it’s different. His tongue flicked inside my mouth seeking its corners. Ang kanyang isang kamay ay nakahawak sa aking batok. He combed my hair and pulled it so I can open my mouth properly for his possessive kiss.

Gusto ko mang tanggihan ang init na nararamdaman, wala na akong nagawa. The heat spread without warning. Naalerto ang lahat ng parte ng aking katawan at hindi ko na napigilan ang pagsubok na suklian ang nagbabaga niyang halik.

He stopped right after I kissed him back. He licked his lower lip. Mabilis ang hininga ko habang kinakagat ang labi.

“Get off, Engineer Riego. Please… Go away…” I pleaded.
“No…” Umiling siya. “I won’t…”

Humugot ako ng malalim na hininga.

“I won’t do it again. Anong akala mo, tulad noon ay susunod ako kapag sinabi mo sa aking lubayan kita dahil magpapakasal ka na sa iba? No, Miss Galvez. I’m not your Sibal Riego.”

Namilog ang mga mata ko sa binitwan niyang salita. Anong ibig niyang sabihin doon?

Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata pero sa likod niyon ay lunkot at frustration ang mayroon.

“Sabihin mo sa akin, nagdalawang isip ka ba nang ibinalik mo ang singsing?” he sound so wounded but his eyes are blazing with untamed fire.

Napaawang ang bibig ko nang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Nasa kanya ang singsing?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

111

10 Responses to Scorching Love – Kabanata 37

  1. Ohh. My geeee. I really love your stories miss Queen J. Ganda. talaga nang story nagging emotional ako. Jajaja. Idol talaga kita.