Scorching Love – Kabanata 36

July 24, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 36

Kabanata 36
Talikuran

Tahimik kami sa byahe. Mabuti na lang at may music naman kahit paano. Kahit na medyo mahina iyon, at least may tunog sa gitna naming dalawa.

I don’t know if I should just watch the trees passing bye the window or busy myself with my phone. Naalala ko tuloy na kailangan kong itext si Kael tungkol sa ginagawa ko. Kung matatagalan pa kami ay kailangan ko pang sabihin kay Kael na mauna na siyang kumain mamaya.

The ride was swift and steady. Parang hindi natitinag tuwing may lubak ang sasakyan niya. At kung tumingin siya sa kalsada, animo’y may kasalanan ito sa kanya.

Ako:
Kael, I’m going to Kalibo. Kukunin ko si Tito Solomon ngayon. Not sure where he’s heading. I’ll offer him the mansion pero kung gusto niya sa hotel mag stay, paki reserve siya ng isa. O sa kwarto mo na lang.

There were texts from my friends, too. Minsan ay hindi ko pa narereplyan sila dahil masyado akong abala. Stav is constantly texting me, too. He checks me every now and then and when I say I’m fine, he’ll stop the conversation. Friendly lang naman iyon kaya ayos lang din sa akin. May pinagsamahan kami kahit paano. Hindi ko nga lang alam kung anong magiging reaksyon ko kapag totoo iyong imbestigasyon.

Sumusulyap sulyap si Engineer sa akin habang inaabala ko ang sarili ko sa cellphone. Naalala ko tuloy iyong Facebook. He didn’t confirm my request. Pait ang naramdaman ko nang sumagi sa isip ko iyon kaya binaba ko na lang ang cellphone ko.

I didn’t mention it. I added him because I want to know his whereabouts. I want to see if he’s fine after all these years. Now that he is, and he didn’t even confirm my request, huwag na lang. Ibig sabihin lamang noon ay ayaw niyang may koneksyon kami sa social media. Ayaw ko nang pilitin pa… Ayaw ko ring gamitin ang kapangyarihan ko o ang kahit anong dahilan para gawin niya ang kahit ano para sa akin.

Minsan sumasagi na rin sa isip ko noon na nag-aalala lang siya sa akin dahil boss niya ako. Naisip ko rin na baka nagustuhan niya lang ako noon dahil syempre palagi kaming magkasama dahil boss niya ako. There’s always that reason. Now he’ll do things for me because he respects my father. And that’s that, nothing more.

Paminsan minsan ay may tumatawag sa kanya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nagkunwaring wala lang iyon sa akin.

“Pupunta ako. Sa susunod na buwan pa naman iyon…” he stopped like he’s cut off. “Kailangan ko rin talagang pumunta kaya hindi ko ipagpapaliban iyon. Don’t worry…”

Ilang sandali at may tatawag ulit sa kanya. Pormal siya sa mga tawag at mukhang mga Engineer din ang mga nasa kabilang linya.

Nang natapos ang mga katawagan niya ay ang cellphone ko naman ang tumunog. Palapit na kami sa Kalibo. The caller is Tito Solomon! Baka nasa airport na siya. Sinagot ko agad.

“Hello, Tito…”

Sumulyap si Engineer sa akin. Napatingin din ako sa kanya.

“I’m so sorry, Snow. I’m still here at NAIA. Kakalapag lang ng eroplanong sasakyan ko patungo riyan. Are you in Kalibo already?”
“Yes, Tito. Ayos lang po. I’ll wait.”
“Okay. I trust you’re with Engineer Archer Riego?”

Well… the name sounds familiar, Tito.

“Yes…” iyon lamang ang naisagot ko.
“Okay. I want to stay in the hotel. I miss staying there. May sadya lang ako sa Laciera… Sa Linggo ng gabi, tutulak ako pa Boracay.”
“Okay. I’ll reserve a room for you. And uhm… Sa Kalibo na rin po tayo magdinner dahil mahabang byahe pa ang Costa Leona galing dito.”
“Thank you, Snow.”

Pagkatapos ng usapan ay binaba ko na ang aking cellphone.

“May alam akong magandang kainan dito… Doon na lang tayo didiretso pag dating ng tiyuhin mo…” Engineer Riego said.
“Sige. Pero nasa Manila pa siya. Kakalapag lang ng eroplanong sasakyan kaya pwede bang maghanap muna tayo ng salon?”

He was a bit shocked with my request. Ginala ko ang mga mata ko sa paligid. Nasa sentro na kami ng probinsya at paniguradong may mahahanap kami rito kahit paano.

Indeed, hindi pa nakakalayo ay niliko niya na ang sasakyan sa isang maayos na parlor. Hindi naman ako partikular sa salon na pupuntahan kahit noon. Hindi rin naman kasi unruly ang buhok ko. Mag-isa ko pa ngang kinukulot iyon kung gusto ko. Kaya hindi ako masyadong pihikan sa mga ganito.

The wind chime from the door clinked. Nilingon agad ako ng dalawang bading na nakaupo sa sofa. Tumayo ang isa at nakangiting sumalubong sa akin.

The wind chime clinked again nang pumasok na rin ang kasama ko. Ngayon, sa likod na ang mga mata ng mga bading. Suminghap pa ang sumalubong sa akin at pinagtagpo ang mga palad. Malapad ang kanyang ngiti.

“How may I help you, Miss?”

Tumikhim ako. His eyes are drifting to who’s behind me. Dumiretso na lang ako sa upuan sa tapat noong malaking salamin. Ang isang babaeng nagpapagawa ng buhok ay nakatingin na rin sa kay Engineer Riego na ngayon ay nasa sofa na sa likod ko.

My thoughts spread like spilled water as I imagine him walking around parties in Manila. Sa kanyang tikas, mahirap itangging maaaring bukod sa mga kilala kong nakaaligid sa kanya, marami pa siyang nabibihag.

Not that it matters anyway.

“Ang haba ng hair mo, Ma’am!” sabi noong bading habang hinahaplos ang buhok ko.
“I want it chopped till here…” I said.

Ipinakita ko sa kanya kung gaano ka iksi. Hindi naman sobrang iksi. Gaya lang noong dati. Just enough for it to touch my back. Pero nagdadalawang isip parin ako… syempre, mahilig akong kulutin iyon. Sayang kung medyo maiksi.

“Ay, bakit, ma’am? Nagmomove on ka?”

Lumakit pa ang mata noong bading sa sariling tanong niya. His wavy and blonde hair moved when he asked the question.

“No…” Umiling ako.

Nasulyapan ko si Engineer na nakatitig sa akin. His thighs spread wide as his elbows rested on his knees. Ang katabing bading ay mabilis ang paypay sa sarili habang tinutunaw siya sa titig.

Binalik ko ang tingin sa bading na nasa likod ko.

“Ang sabi nila, kapag daw sobrang haba ng pinutol sa buhok, tanda raw iyon na nagmomove on na ang babae!” he smiled.

What the hell? Kailangan pa bang sabihin iyan?

“Hindi ako nagmo-move on. Gusto ko lang magpagupit…” malamig kong usal.
“Ay…” ngayon ay makahulugan naman ang kanyang ngiti. “Hindi ka nagmo-move on? So going strong ang pag-ibig mo, Ma’am?”

I’m a second away to walking put but I stopped myself. I shouldn’t be affected. Pero sa salamin ay kitang kita ko na ang titig ni Engineer sa bading na kumakausap sa akin.

“Hindi… Gusto ko lang talaga magpagupit.”
“Ganoon ba, Ma’am? Sayang kasi, e. Ang ganda at ang kintab ng buhok mo. Pero sige…”

Agad niyang nilagyan ng tela ang sa aking leeg hanggang tuhod. Mukhang sisimulan niya na. Kumuha rin siya ng mga gunting at kung anu-ano pang kakailanganin.

Akala ko ay iboblowdry man lang ang buhok ko pero hindi na pala.

Sa salamin ay nakita kong nakatingin na si Engineer Riego sa kanyang cellphone. Medyo kunot ang kanyang noo, mukhang seryoso sa ginagawa.

“Ay, hindi na pala. Konti na lang. Trim na lang ang gawin mo…” pigil ko.

My indecision made him smile even wider. Nag-angat ng tingin ang nasa likod at medyo umaliwalas ang mukha.

“Hindi na magmo-move on si Ma’am!” he announced.

Pumikit ako ng marahan at umiling na lamang.

“I need a trim. My hair is too long. That’s all…”
“Okay po…” he bit his lip and started the whole process.

Nagulat ako nang may biglang tumunog sa aking cellphone. Inangat ko iyon dahil hindi na ako makayuko sa pagsisimula ng gupit.

Nakita kong galing sa Facebook ang notification at iyon ay ang pag-a Add ni Archer Riego sa aking account…

Nilipat ko ang mata ko sa salamin. His dark expression directed is directed at me. I’m sure he knows I’m checking his profile now. Kita niya ang screen ng cellphone ko galing sa kinauupuan niya.

I am seriously torn.

If I don’t accept him right now, that means I still have something for him. Tila ba may galit ako sa ginawa niyang pag ignore sa request ko noon at ngayon ay naghihiganti ako. Pero kung ia-accept ko naman siya, lalabas na masyado akong eager na makita ang kanyang profile.

And why am I thinking too much about this? This shouldn’t even matter to me. At all.

Binaba ko ang cellphone ko nang nagdesisyon. I ignored his request without reevaluating my thoughts.

Kung magtatanong siya kung bakit ko iyon ginawa, mag-iisip na lang ako ng pwedeng idahilan. Dapat ay hindi siya magtanong. Hindi nga ako nagtanong noong hindi niya ako inaccept, e.

Mga dalawang pulgada lang siguro ang naputol sa buhok ko.

“Tapos na!” sabi noong bading.

Nanatili ang mga mata ko sa salamin habang tinitingnan ang haba ng buhok ko. Tumayo si Engineer Riego at agad bumunot ng pera galing sa kanyang wallet. He handed it to the cashier. Kahit may katandaan iyong babae ay nangingiti at namamangha parin sa kanya.

Nilapitan ko siya para magbayad pero hindi pa lumalabas sa bibig ko ang sasabihin ay…

“Ako na. Alis na tayo…” aniya.

Gusto ko sanang makipagtalo tungkol sa bayad ngunit masyadong obvious ang panonood ng mga tao roon sa amin. Sobrang tahimik at parang kami lang ang binabantayan.

“Okay…” I said in haste.

Tinalikuran ko siya pero hindi nakatakas sa akin ang pagbibigay niya ng tip sa bading na gumupit sa akin.

“Thanks, Sir…” he giggled.

Umirap ako at dumiretso na lang sa pintuan. Kahit nasa likod siya ay nagawa niya paring itulak ang pintuan para sa akin. Kaya dire-diretso ang lakad ko sa labas.

Mabuti na lang at nang sumakay sa sasakyan ay tumawag si Tito Solomon. Nasa airport na raw siya. Tamang tama lang at papunta na kami. We don’t have to wait for him anymore.

When we got there, he’s already outside. Mag-isa siya at may isang luggage lang na dala.

“Tito!” I smiled.

He smiled back. Naglahad siya ng braso para mayakap ko. Tumakbo ako at niyakap siya. But then his hand reached for someone behind me.

“Engineer!” sabay tawa ni Tito Solomon. Kumusta na?

Bumitiw ako kay Tito at bahagyang umatras. Siya ang bunsong kapatid nina Papa at Tita Marem. His wavy hair is now a bit longer than the last time I saw him. Ang kanyang pangangatawan at tikas ay tulad parin ng dati. Ang dimple sa left side ng kanyang pisngi ay nagpakita nang ngumiti siya sa amin.

“Kumusta, pamangkin?” his playful tone made me remember my childhood.
“Ayos lang, Tito… Sorry, nahuli kami…” sabi ko.
“Ayos lang, kalalabas ko lang din… Engineer, naging driver ka ngayon ng pamangkin ko?” he laughed.
“Walang problema, Sir. Wala rin akong ginagawa sa hotel.”
“Saan tayo kakain? Doon na natin ipagpatuloy ang kumustahan dahil medyo gutom na ako…”

Limang taon na nang huli kong nakita si Tito. Noong umalis ako pa Maynila ay sa building ng condo ni Tito Solomon kami binaba ng chopper. Hindi ako agad umuwi sa bahay namin dahil ayaw kong mag-alala si Papa sa biglaang pag-uwi.

Tito didn’t know why I’m back in Manila and he didn’t even ask. I wonder if Tita Marem told him…

“Minsan talaga naiisip kong mas mabuting mag chopper lalo na kapag delayed ang flight. Sayang at hindi ko makikita ang sunset ng Costa Leona…” sabi ni Tito.

Nasa likod ako ngayon. Si Tito Solomon pa ang nagturo sa akin na sa passenger seat ako sumakay. Hindi naman ako makaangal. Siya ang sumakay sa front seat. Paniguradong sa likod din ako mamaya sa byahe pero ayos lang.

“Bakit hindi ka magpaiwan muna bukas, Tito?” tanong ko.
“Hindi na. Baka magtampo si Kuya. Isa pa, kailangan ko talagang mag stick sa schedule ko. Uuwi pa ako ng Batangas sa Martes.”

Hinatid kami ni Engineer Riego sa isang ihawan. Mukhang nagustuhan agad iyon ni Tito Solomon.

Paano kaya nila nakilala ang isa’t-isa? Ang alam ko naman ay naging Engineer din nila ito sa isang project. Kung namumuhi ito sa akin, bakit niya pa tinanggap ang offer ni Tito o ni Papa? Galvez ang dalawa. Galvez ako. Maybe he moved on long before they offered the projects. And besides, bakit niya tatanggihan ang grasya.

“Gutom na gutom ako!” ani Tito nang nilapag na ang mga inorder.

Sa opinyon ko, masyadong marami ang pagkain sa harap namin para sa tatlo. Halos hindi na magkasya sa parisukat na kawayang lamesa ng kumportableng lugar na iyon. Pero… nga naman at mga lalaki ang kasama ko.

Maraming tao. Sabado kasi kaya maraming kumakain sa labas. Medyo mausok pa dahil sa mga inihaw.

“Pagkatapos mo riyan, Engineer, sa Batangas ka naman ulit ha? May ipapagawa iyong anak ng kaibigan ko sa’yo… Next year pa iyon pero sana pumayag ka na ngayon…” si Tito.
“Saan sa Batangas? Malapit po sa inyo? Bahay ba ang proyekto?”
Tumango siya. “Mansyon noong katabing resort. Iyong anak niyang babae ang nangangalaga. Gustong magpa extend kaya ayon. Wala pang asawa. Ka edad ni Snow. Ikaw ang nirekomenda ko.”
Engineer Riego nodded.

Ngumuso ako at nagpatuloy sa pagkain ng chicken barbecue sa aking pinggan. Mukahng abala sila sa trabaho.

“Snow,”
“Po?” maagap kong sabi.
“Nabalitaan ko kay Ate Marem ang tungkol sa mga Lagdameo, ano ang gagawin mo roon?”

Halos mabilaukan ako. Nakatingin ang dalawa sa akin, naghihintay ng isasagot.

“I don’t want to judge them quickly. Speculations lang iyon ni Tita Marem… At ng mga NBI…” I said.
“Hindi sila makaka deduce ng ganoon kung walang tamang batayan…” mariing sinabi ni Engineer Riego.

Nagkatinginan kaming dalawa. I know he’s right but it should be innocent until proven guilty.

“I’ve known Stav… for years.” Mas mahabang panahon pa sa pagkakakilala ko sa’yo. “He’s been good to me. Hindi siya kailanman naging malupit sa akin.”
Tumawa si Tito Solomon. “Little Marem, they say…”

I pouted at his remark. What? Anong ginawa ko?

“Masyadong matibay ang tiwala ni Ate kapag nakuha mo ang loob niya. Hindi basta bastang natitibag. Hindi basta bastang nagdududa. Tulad mo… That’s good, Snow. But don’t you understand? Their hotels are losing. Your father might say goodbye to his investments if he wants to stand alone. Lalo na’t ayaw mong magpakasal kay Stav…”

Why in the world would he say that in front of Engineer? Seriously.

“Bakit nga pala ayaw mong pakasal? May iba kang gusto?” kumunot ang noo ng aking tiyuhin.
“Wala. I’m young, Tito. I can’t just marry to for business’ sake. Hindi naman namumulubi ang hotel para lubusan akong ipagkanulo ni Papa sa isa pang tycoon.”

Napagtanto kong may mali akong sinabi. Hindi ko alam kung bakit pa iyon importante pero sumulyap ako sa aking tabi. Nag-iwas siya ng tingin at sumimsim sa kanyang inumin.

“Kung nalulugi tayo, papayag ka pala?” uyam ni Tito Solomon.

What the hell? Natigilan ako roon! Humagalpak sa tawa si Tito Solomon pagkatapos ay tumango tango siya. He raised one hand in front of me to stop me from reacting.

“Let’s not talk about this one. I know you can handle this pretty well…” he glanced at Engineer Riego then back to me.

Nagsimula na siyang magtanong tungkol sa The Coast at sa mga renovations. Mabuti na lang at nasagot naman ni Engineer Riego ang mga tanong. Hindi ko kasi chineck ng maayos lahat ng detalye lalo na noong sa mansion. Noong nalaman kong siya ang magiging Engineer, hindi na nag matter sa akin kung paano gagawin ang mga renovations.

Alas syete y media nang nagpasyang umuwi. Gaya ng sabi ko, ako ang nasa likod ng sasakyan. Silang dalawa ang sa harapan at patuloy ang topic tungkol sa trabaho.

Tahimik ako sa likod. Hinilig ko ang aking ulo sa backrest at napansin ang rearview mirror. It’s directly showing his eyes on the road. Nakita kong umangat iyon ng sulyap habang kinakausap niya si Tito Solomon.

I shifted slightly so I won’t have to see his eyes everytime I look at the rearview mirror. Biglang nag slow down ang Silverado. Napansin kong may traffic na paparating. He glanced my way as the car slowed down. Nilingon din ako ni Tito Solomon, siguro’y nagtataka sa paglingon ng nagdadrive.

Napalunok ako nang nagtaas ng ng kilay si Tito sa akin.

“Pagod ka, Snow? Matulog ka muna…”
Ngumiti ako.
“Pagdating namin sa The Coast, pahanda ka ng isang lamesa sa labas ng Seaside, ah? Inuman muna kami nitong personal mong driver, kung ayos lang sa’yo…” The smirk on his face told me so many things.

What? Sa akin ba talaga nagpapaalam si Tito? He’s teasing me. At walang ginagawa ang katabi niya! Hindi man lang nagrereact.

“He’s not my personal driver, Tito. And I don’t really care at all if you drink till dawn. You’re asking permission to the wrong person. I’m not his girlfriend.” hinilig ko ang ulo ko sa backrest.

Mas lalong nagngising-aso si Tito Solomon.

Kinagat ko ang labi ko nang napagtantong nasobrahan yata ako sa pagsasalita!

“Kanino pala dapat ako nagpapaalam, Engineer Archer?” He laughed.

Hindi ko makita ang ekspresyon ng kausap niya dahil tutok iyon sa kalsada.

Humagalpak si Tito nang walang naisagot ang tinanong. Tinapik niya ang balikat at nagsimula nang mag reminisce sa kapanahunan niya.

Damn it! I should stay silent now! Kung masyado akong makwento ay may lumalabas na hindi maganda sa bibig ko.

Nakatulog ako habang nagku-kwentuhan sila tungkol doon. Nagising lamang ako nang medyo dumami ang ilaw sa labas, hudyat na nakarating na kami sa bayan.

Dire diretso ang patakbo sa Silverado. Humilig ako sa bintana ng sasakyan habang tinitingnan ang maliliit na ilaw ng mga kabahayan malapit sa kalsada. Hanggang sa nagsimula na ang mga two-storey at three-storey building, pagkatapos ay ang iilang mansyon.

Nang lumiko na sa hotel ay tumuwid na agad ako sa pagkakaupo. I’m going to check if my brother did the right things for our Tito Solomon.

Nang nagpark ang sasakyan ay bumaba na ako. Sinalubong agad ako ng iilang bellboy at driver.

“Good evening, Miss Galvez…” bati ng mga sumalubong sa akin.
“Nagpahanda ba si Kael ng isang room? Pakisabi sa Seaside na maghanda ng isang bakanteng lamesa sa labas ng restaurant… sa tapat mismo ng live band para kay Tito Solomon…”
“Magandang gabi, Captain…” bati ng nagpuntahang mga driver sa tiyuhin ko.

Hinayaan ko na silang makipagkamustahan doon. Basta ba kinuha ng mga empleyado ang kanyang luggage at binigyan ng front desk ng keycard sa kanyang room, paniguradong ayos na.

Si Kael ang nakasalubong ko sa bukana ng Seaside.

“Ate, si Tito?”

Ngumiti ako sa aking kapatid.

“Nasa hall kasama ni Engineer Riego. I’ll reserve a seat in front of the live band. Bond with him till he’s done. I’m tired. I need sleep, Kael. Maaga pa ako sa opisina bukas. Marami akong hindi natapos…”

I kissed his cheek. He nodded at sinalubong na ang aming tiyuhin.

“Ilagay n’yo rito…” sabi ko sabay hikab.

Nagpalagay ako ng whiskey sa kanilang lamesa. Kumpleto na rin pati soft drinks, pulutan, ice, baso, at kung anu-ano pa roon. I want it smooth for my Tito.

Humikab ako at tiningnan ang mga papalapit na panauhin. The live band is drowning the sound of the waves. The chattering foreigners were too busy to care about what I’m seeing in his eyes. I immediately looked away.

“Tito, pasensya na. Maiiwan ko kayo rito dahil kailangan ko nang magpahinga. Maaga pa ako bukas sa opisina…” sabi ko.
“I understand, Snow.”

He kissed my cheek. It made me smile. Reminds me of the good old days.

“Sayang nga lang at inasahan kong makakasama ka namin sa gabing ito…” he smiled.

Umiling ako at umirap. Mas lalong tumawa si Tito.

Ayaw ko na sanang tingnan si Engineer sa tabi niya at ng kapatid ko pero kailangan. I need to express my gratitude. I need to thank him for today. Malaki ang naitulong niya.

“Engineer Riego, thanks for everything…” Hindi ako makatingin ng diretso. “Enjoy the rest of the evening…”

Nginitian ko sila. Tinapik ko ang balikat ng aking kapatid at iiwan ko na sana nang biglang…

“Ihahatid na kita, Miss Galvez… Sir…”
Hindi na nag-antay ng dugtong si Tito Solomon. He immediately nodded to agree.
“No need…” maagap kong sinabi.
“Sige na, Snow…” Tito nodded at me now.

This is ridiculous. Umalis na lang ako. Sumunod naman si Engineer Riego sa akin.

“You don’t really have to do this. Malapit lang ang mansyon… Kaya ko naman mag-isa…” I did not intend that statement to turn out weird.

Tahimik lamang siya habang naglalakad kami. Nasa isang pasilyo na kami palabas ng hotel. Diretso na iyong walkway patungo sa gate ng aming mansyon. Hindi na niya kailangang ihatid ako dahil malapit lang naman.

He’s silent the whole time we were walking. Nang nasa gate na kami ay ‘tsaka pa lang siya nagsalita.

“May itatanong lang din sana ako…”

The pain in my chest made me tremble. Ano iyon? Sana ay huwag iyong tungkol sa mga bagay na kinakatakutan ko.

Dire diretso ang lakad ko. Palapit na ako sa mansyon ay wala pa siyang sinasabi muli kaya hinarap ko siya.

The lamp post from our second gate illuminated his eyes. Kunot ang kanyang noo at may namamataan akong pagod sa kanyang mga mata. Mahaba at nakakapagod nga naman ang naging araw namin.

“What is it?” I said coldly.

His lips were now in a thin line like he wants to swallow the words that haunted him. Ngayon ko lang ulit siya natitigan ng ganito.

For the past days or weeks we’ve been together here in Costa Leona, hindi ko pa talaga siya na titigan ng diretso. Ngayon lang ulit.

Nakita ko ang lahat ng pagbabago sa kanyang mukha. If anything, maturity made him look manlier. His prominent jaw made him look stronger, the vein in his arms made him look tougher, and his a bit longer hair made him look different.

Tinambol ang dibdib ko sa mga iniisip. Sinusubukan kong magmukhang wala lang pero naghuhuramentado na ako sa kaloob looban.

“I’ll stay up late tonight… Ayos lang ba iyon sa’yo?”

My heart beated erratically. Why is he asking me that? Does he still need my permission? Naalala ko tuloy ang sinabi ko kanina! God, Snow. So genius of you…

“I don’t really mind… I mean, I don’t care… I mean…”

Napakurap kurap ako sa kalituhan. Pilit kong niyayakap at sinisikop ang dingding na matibay kong itinayo simula noong pumalaot ako.

“I don’t have the right to say no…”

What the fuck? That isn’t even the right thing to say.

“So… you want to say no…” he concluded.
“Huh? No! It’s okay. Si Tito Solomon lang naman iyon. I mean…”

Bakit, Snow? Kapag hindi si Tito Solomon, hindi pwede? Of course pwede kahit sino!

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Gusto kong takpan ang mukha ko para hindi niya makita ang pagkakalito ko sa sariling mga salita.

“Ayos lang, Engineer Riego. You don’t have to ask permission to me at all,” pagtatama ko. “I don’t really care about what you want to do… or what you do…”

There. I think that’s better.

Tumango siya. Kitang kita ko ang pagkabigo sa ekspresyon.

“Good night, Miss Galvez…” he smiled slightly.

Parang kinukurot ang dibdib ko nang napagtantong masyado naman yatang pangit ang mga huling nasabi ko. But then it’s said and done. I can’t take it back. And maybe… that’s what I really mean. Or… no… that’s what I want to mean. That’s what I want him to think.

Hindi siya gumalaw. Tila siya pa ang nag-aantay na talikuran ko siya. Nanatili akong nakatayo. Ayaw kong talikuran siya pagkatapos ng sinabi ko. Dapat siya na ngayon ang umalis pero hindi niya ginawa.

He smiled slightly.

“Pumasok ka na…”

The pain in my heart pinched more. Damn! Kinagat ko ang labi ko at walang pag-aalinlangan siyang tinalikuran.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

11

Comments are closed.