Scorching Love – Kabanata 35

July 24, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 35

Kabanata 34
Umalis

Inubos ko yata ang isang oras sa pagpupunas ng ink sa tatlo pang natagusang papel. The first paper looks so bad. Nagblot ang ink na natapon at tumagos sa mga nasa likod nito. Nadamay ang iba pang papel na may disenyo.

The first paper looks like a blueprint that’s already made digitally kaya siguro naman ay makakapagprint pa ulit siya ng bago. On the other hand, the three white papers below it looks like some manual drafts. Sulat niya iyon at mukhang hindi pa natatapos.

Sa frustration ko ay paulit ulit kong inerase ang ink sa papel dahilan kung bakit medyo napunit iyong basang parte.

“Fuck…” sabay ngiwi ko.

Kahit na sobrang lakas na ng aircon ay pinagpapawisan na ako.

Naiarrange ko na iyong ibang natapon ko kanina. Ang ink ay nasa lamesa na ulit. Ang sahig ay wala nang bahid ng dumi. Ako lahat ang nag-ayos.

Kumalam ang sikmura ko. Napagtantong alas sais na pala ng gabi. Ganitong oras ako bumababa para kumain sa Seaside pero ngayon natatagalan ako dahil inaayos ko pa itong mga papel ni Engineer Riego.

One beep from the door told me that he’s coming in. Kahit nakaupo ako sa sahig ay agaran akong tumayo para lang maharap siya. My carefully made speech is ready.

Naibaba niya ang cellphone nang nakita ang kalat sa sahig. Napaawang ang bibig niya at dahan-dahang humakbang patungo sa akin. Taas noo ko siyang tiningnan.

“Natapon ang ink…” iyon ang panimula ko.
“Ink ng?” kumunot ang noo niya at bumaba ang tingin sa mga papel sa sahig.

Ilang sandali siyang nakatingin doon bago nag-iba ang ekspresyon. Galit at muhi ang nakita ko kaya inagapan ko agad.

“I was checking out your great drawings then suddenly na tapon iyong bote ng ink kaya nagkaganyan ang mga ito…”

Lumuhod siya at pinulot ang mga papel. Bahagya akong naglakad pagilid at nagkunwaring ayos lang. Bumalik ako sa aking lamesa habang hinahagilap niya ang mga papel at isa-isang tiningnan.

“Anong ginawa mo?” tumaas ang kanyang boses.

Humarap siya sa akin at humakbang patungo sa aking lamesa. Nagkibit ako ng balikat.

“Nasabi ko na. Natapon ang ink. Natapon sa mga papel-”
“These aren’t ordinary papers, Miss Galvez! This is a blueprint! And these are my drafting plates! What did you do?”

Tinapon niya sa aking lamesa ang mga iyon.

“Nasabi ko na nga. Natapon ang-”
“Natapon o tinapunan mo talaga?”

Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. When he turned to me, his eyes were grim. His fist and jaw were clenched.

“Bakit ko tatapunan-”
“Bakit ka lalapit sa lamesa ko kung may lamesa ka naman? Ha? God damn it!” sabog niya.

Parang kulog ang boses niya pagkasabi noon. Sinuntok niya ang dingding ng opisina dahilan kung bakit napapitlag ako.

“I-I tried to remove the stain-”
“And you think you can? Anong ginamit mo? Tissue? At bakit may punit ito?” sabay turo niya sa blueprint.
“Well…”
“Alam mo ba kung kailan kailangan ito? Mamaya, Miss Galvez!” parang kulog ang kanyang boses.
“I-I’m sorry-”
“Hindi ko kailangan niyan! Ang kailangan ko ay eto!” ipinakita niya ang mga papel. “Damn it!”

Kumalabog ang dibdib ko sa takot. Sinubukan kong tumayo para maramdaman niyang nagsisisi talaga ako sa ginawa ko. Pagtayo ko ay ramdam ko ang pangangatog ng aking binti.

“I’ll try t-to remove the stain again-”
“Hindi mo ba naisip na imposible iyang gusto mong mangyari? The stains won’t be remove! I have to start from scratch! You ruined all of it!”

Bumalik siya sa kanyang lamesa at sumunod ako. Nag-iinit ang sulok sa aking mga mata at nanginginig na ang mga kamay.

“I-I can…”
“No! Huwag kang lumapit dito sa lamesa ko! Huwag ka nang ulit lumapit dito!” utos niya.

Parang may punyal na tumama sa aking puso sa sinabi niya. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Kahit isang tingin ay hindi niya magawa sa akin. His eyebrows were thick and in line with anger and his fist was clenched.

“I’m sorry-”
“Did you do this on purpose?” he accused me without even looking at me.
Umiling ako.
“Alam mo ba kung gaano ka importante ito sa akin?” now our eyes met.
“I’m sorry…”

Nanatili ang tingin niya sa akin ng ilang sandali. Sinubukan kong lumapit ulit pero tinaas niya ang kanyang daliri.

“Tapos ka na sa trabaho mo, hindi ba? Umalis ka rito. Hindi ko kailangan ng tulong mo!”

Kahit pagkatapos ng sinabi niya ay nanatili ako sa aking kinatatayuan. Pinagmasdan ko siya habang tinitingnan ang mga plates.

Mabigat ang nararamdaman ko. I know that I did something unforgivable. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko…

Tumunog ang kanyang cellphone habang abala siya sa pagda-drawing. Nakatalikod siya sa akin. Isang pindot sa cellphone niyang nasa lamesa ay narinig ko agad ang isang lalaki sa kabilang linya.

He’s busy drawing so he put it on loud speaker. Umatras ako pabalik sa aking lamesa. He might need me with something later so I must stay for a while.

“Akala ko ba pupunta ka ngayon?” tanong noong lalaki.
“May nangyari. Natapunan ng ink ang blueprint… pati ang mga drafts…” he said. He didn’t even stop drawing.
“Totoo ba ‘yan? Mamaya isipin ni Katarina na ginagawa mo lang ‘yang dahilan para matawagan si Architect…” the other man chuckled.

Engineer Riego stiffened at what the man on the line said.

Katarina? So they’re still communicating. Ano ba ang iniisip ko, kung ganoon? Syempre, malamang ay magkasama pa nga sila sa trabaho. The way the other man said it, it seems like Katarina doesn’t like the Architect that much.

“Hindi… Tss…”
“Anong sasabihin ko roon? Baka magselos ‘yon.”

Dinampot niya ang kanyang cellphone at pinatay ang loud speaker. Nilingon niya ako habang nilalagay iyon sa kanyang tainga.

Pinuno ko ng hangin ang aking baga bago nag-iwas ng tingin.

“Aalis na ako. Ipapahatid ko rito ang hapunan mo…” I said weakly.

Tinalikuran niya ako upang kausapin ang tumawag. I headed for the door and went outside. Nanghihina ako. Parang naubos ang lakas ko sa lahat ng nangyari sa loob.

Wala sa sarili akong bumaba sa elevator. Constant pain attacked my chest. I can’t breathe properly.

“Good evening, Miss Galvez…” bati noong isang crew sa restaurant.

Tinanguan ko lang iyon kahit na nanginginig na ang labi ko sa sakit na naramdaman.

“Can you please send Engineer Riego his dinner. Nasa opisina siya…” sabi ko sa crew bago dumiretso kay Kael.

Tahimik si Kael pagdating ko. Pinagmamasdan niya akong mabuti habang hindi ko naman siya maharap ng maayos. Kumuha na lang ako ng fish fillet at kung anu-ano pang nakahain sa aming harap. Nilagay ko iyon sa aking pinggan.

“Ginabi ka, ah?” Kael noticed.
Tumango ako. The tears almost fell.
“Ayos ka lang, Ate?”

Parang trigger ang sinabi ni Kael. Tears immediately rolled down my cheeks. Patuloy ako sa pagkain. Bawat subo ay pinipigilan ko ang mga luha. Medyo gumagaan ang pakiramdam ko pero nagbabara ang lalamunan ko.

“What happened?”
I shook my head. “Wala…”
“Bakit ka umiiyak, Ate? Should I call Papa?”
Ngumiti ako at pinalis ang mga luha. “Isang linggo pa lang si Papa sa Boracay, baka umuwi iyon sa pag-aalala. Huwag na, Kael. Meron ako ngayon kaya medyo emosyonal,” I lied.
“What are your emotions for? Hindi naman pwedeng wala kang iniiyakan, hindi ba?”

Uminom ako ng tubig. Mabilis kong sinubo ang mga pagkain ng walang imik. Si Kael ay halos hindi makakain sa harap ko habang tinitingnan ako.

“Where’s Engineer Riego? Umalis ba?”
“Nasa opisina. May ginagawa pa…”

Pinunasan ko ng table napkin ang aking labi pagkatapos ay tumayo. Tiningala ako ng aking kapatid.

“Kael, magpapahinga na ako. Pagod na ako…” sabi ko.
He nodded. Hinayaan niya akong umalis.

Tahimik akong naglakad pabalik sa mansyon habang iniisip ang nangyari. It’s true, kasalanan ko nga ang nangyari sa kanyang mga drafts. Natural lamang ang kanyang reaksyon laban sa akin. Career niya ang nakasalalay dito kaya hindi pwedeng sorry lang ang kapalit. Magagalit talaga siya.

Pilit kong inintindi ang reaksyon niya. Somehow, it comforted me that his reactions were true. Babawi na lang ako bukas.

Itinulog ko ang aking pag-aalala.

Kung ano man iyong kwento ng kaibigan niya sa kabilang linya, labas na ako roon. Gusto ko lang pagbayaran ang kasalanan ko bilang tao, bilang isang mabuting tao.

I woke up early that morning. Pagkatapos kong magbreakfast ay nagtanong agad ako sa mga empleyado kung nasa opisina pa ba si Engineer Riego.

“Opo. Magdamag, Miss Galvez. Bakit?”

That’s what I thought.

“Pakihatid iyong breakfast niya sa opisina,” utos ko sa babae.
“Sige po…”

Ilang sandali akong nanatili sa West Coast para ihanda ang sarili sa pagpunta ng opisina.

I will say sorry again. Nagalit ako at nairita kaya ko nagawa iyon pero hindi ko naman talaga ginusto na ganoon ang mangyari sa kanyang blueprint.

Nang nakaipon na ako ng lakas para harapin siya ay umakyat na ako sa pangatlong palapag. Pagkabukas ko ng pintuan ay lumingon siya. Then he continued drawing.

He’s topless. Tanging ang faded jeans niya lang ang suot habang gumuguhit sa lamesa. Iginala ko ang mga mata ko sa buong opisina para hanapin ang pagkain at nakita kong nasa coffee table iyon.

I went to my table. I turned on the laptop. Sumulyap ako sa kanya. Hindi ko alam kung tama bang magsalita gayong seryoso siya sa ginagawa.

Nanatili kaming ganoon. Nagsimula na rin ako sa aking trabaho ngunit palipat lipat ang mga mata ko sa kanya. He remained drawing for about an hour until I heard the door beep.

Sumungaw galing sa pintuan si Architect Gracie Marie Racaza na ang suot lamang ay isang kulay pink na satin lingerie.

“Good morning!” bati niya sabay tingin sa akin. “Sorry, Miss Galvez. I didn’t bring much clothes… I just woke up…” paliwanag niya.

Sa pagkamangha ko ay hindi ako nakapagsalita.

“Architect!” ani Engineer.

My eyes darted at him and I’m reminded that he’s topless!

“Hindi ka sumunod. Doon na sana tayo sa room magbi-breakfast!” malambing na sinabi ni Architect Gracie.

Nakatingkayad siyang lumapit kay Engineer Riego. Parang unti unting bumabagsak ang puso ko sa aking tiyan. Ramdam na ramdam ko ang bigat noon at pakiramdam ko ay hindi ko kayang hawakan iyon ng mabuti.

My lips parted as I watch them stand close to each other.

Engineer Riego’s broad and naked body looked so good beside Architect Gracie’s curves and porcelain skin.

Bumalik si Engineer Riego sa kanyang kinauupuan at dumungaw si Architect sa ginagawa nito. She smiled cheerfully at him.

“So we’re off to Iloilo later tonight?” she asked.
“Yes. I’m a day late for this…”
“Ayos lang ‘yan. Ang importante nagawa natin. Anyway, you’ll spend your night there, alright? Huwag mong sabihin sa aking babyahe ka rito sa parehong araw.”
“Hindi kaya ng oras…”

Architect Gracie leaned near him. Her full chest showed its glory. Nag-iwas ako ng tingin. The pain in my chest just won’t stop stinging.

“Good. You’re staying in my hotel…” she whispered.

I closed all the browsers and the softwares of my computer. Sa bigat ng nararamdaman ko at sa panghihina ko ay hindi ko yata kayang magtrabaho ngayon. Hindi ko kayang maupo rito sa harap nila. Hindi ko kaya.

I turned my laptop off. I think I need a day off from all of this.

Tahimik akong lumabas ng opisina. I’m not even sure if they realized that I’m out of the office because I was so careful.

Nanghihina ako nang naglakad lakad sa dagat. All happy thoughts are gone. Pakiramdam ko ay nakadagan sa akin ang buong mundo.

I was taught that I shouldn’t be affected with my small problems because there are people with bigger pain. May mga taong hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw. May mga taong walang trabaho at naghihirap. May mga taong may taning na ang buhay. May mga taong nakulong ng walang kasalanan. May mga taong walang mga kamay at walang mga paa. May mga taong maraming kapansanan. Sila lang ang may karapatang umiyak sa sakit.

Or so that’s what my Tita taught me so I can be strong even when my mother left us. And for years, it held me together. Pero bakit tuwing ito ang pinag-uusapan, nanghihina ako. Nakakalimutan ko kung gaano parin ako kaswerte sa buhay na ito at iyon lang ang problema ko?

Love is a poison. Happiness should not come from other people. It should come from yourself. Love gives you an illusion that your happiness will rely on someone else.

I know I’ve hurt him. Siguro nga ay hindi na namin pa maibabalik ang nakaraan. He may be in love with someone else… be it Architect Gracie Racaza or Katarina, wherever she is. Nagbago na ang lahat… kailan magbabago ang nararamdaman ko?

For five years, I stood my ground believing na may babalikan pa ako rito sa Costa Leona. Dapat ay kontento na ako na nakabalik ako at nakita ko siyang maayos ang lagay.

Hindi na dapat ako nanghihingi pa ng kapalit. Hindi na dapat ako umaasa pa.

“Manong, mangingisda kayo?” I asked a man.

Dinala ako ng mga paa ko sa mga kabahayan pagkatapos ng rock formations. Ang nakahilerang mga bangka ay nakakarelax tingnan.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa lilim ng puno ng niyog pero tingin ko’y hindi sapat ang tanawin para pawiin ang sakit na nararamdaman ko.

“Mamaya, hija…” nilagpasan ako ng abalang mama.

Gusto ko nang limutin ang pag-ibig ko sa kanya. If only there’s an easy way to get over it, I’d gladly pay for it… or risk anything.

Bumuhos ang luha sa aking pisngi. Marahas kong pinalis ang mga iyon. Hinihipan ng hangin ang mahaba kong buhok. Gumuguhit ako ng kung anu-ano sa buhangin habang tumutulo ang luha ko.

Why did he help my father? Why did he help The Coast?

Kung lubusan ang galit niya sa akin at may iba na siyang mahal, bakit hindi na lang siya umiwas sa akin. Sure, I’m gonna find him if he ever avoided me but that’s a clearer notion that he doesn’t want to be connected with me anymore! Bakit niya pa pinagtiyagaan ang hotel namin?

Nangangailangan kami pero sana hinayaan na lang niya kaming bumangon mag-isa kesa ganito. Kesa nagkikita kami araw-araw para lang masampal sa akin kung gaano na siya kalayo sa akin ngayon.

“Pwede po bang sumama?” hinabol ko ang matandang may dalang lubid ngayon.

Nilagay niya sa loob ng kanyang bangka. The other fishermen did the same. Mukhang naghahanda na sila para pumalaot.

“Huh?” Tiningnan niya na akong mabuti.

Namumugto ang mga mata ko. Hindi ko kayang bumalik sa hotel ng ganito. Maingay sa mansyon at ang paborito kong lugar ay bahay niya. Wala na akong mapupuntahan pa.

“Hindi ba ikaw ang anak ni Remus Galvez, hija?” tanong ng mama.
“Opo. Gusto ko lang pong sumama at makita kung paano gawin ang hanapbuhay n’yo…” my voice shook.

Tingin ko ay napansin niya iyon. Nagpatuloy siya sa ginagawa ngunit batid ko ang malalim niyang iniisip.

Tinulak na ng ibang mangingisda ang kani kanilang bangka. May isa lang ang sakay, mayroon namang tig dadalawa. Sa kay manong, pakiramdam ko’y mag isa lamang siya.

“Sige… Pero gagabihin pa kami… Hahanapin ka…” aniya.
Ngumiti ako. “Ayos lang. Pupwede po akong gabihin. Tutulong po ako sa inyo…”

Tumango siya. Hindi na ako naghintay pa. Dumiretso na ako sa bangka at pumwesto na sa pang-isahang upuan.

Pumasok na rin siya sa bangka. Tinulak niya ng kawayan iyon para malayo na sa buhangin. My hand fell on the pristine waters of Costa Leona.

Umuga ang bangka nang pumunta sa likod ang mama para simulan ang engine. When the engine started, mabilis agad ang takbo nito. Sa mga gilid ay ang iilan pang mangingisda na tutulak para maghanap buhay.

Hinayaan ko ang kamay kong nahulog sa dagat habang mabilis ang takbo ng bangka. Palayo kami nang palayo sa isla.

Tatlumpong minuto at lumagpas na kami sa mga karatig isla na pinamumugaran ng mga turista.

Isang lambat ang pinakawalan ng matanda. Sinubukan kong tulungan siya pero sinaway niya ako.

“Manood ka lang, hija. Ako na ang bahala…” aniya sabay ngiti.

His copper skin shined because of the sunlight. Ang kanyang mapuputing buhok ay natatabunan ng isang maruming sumbrero. He’s skinny. I wonder if he eats three times a day but the way he smiles at the other fisherman reminds me that people deal with their problems differently. Iyong iba, umiiyak. Iyong iba, tumatawa. Iyong iba, hindi tinuturing na problema iyong problema nila.

It reminded me of how ridiculous my problem is. It reminded me that there are even bigger problems out there… that the problems of the heart isn’t a problem at all.

“Hindi ba may mga bangka kayo sa hotel ninyo? Kung gusto mong pumalaot, bakit ka pa sumabay sa amin?” biglang tanong ng mama.
Ngumiti ako. “Gusto ko pong makita kung paano kayo magtrabaho…”
“Hmm…” he laughed and then ignored me when he realized that their net is full.

Fishes tried to swim even when they’re caught. Bumigat ang pakiramdam ko habang nakikita silang nahihirapan para sa kanilang mga buhay. My heart goes out for them.

The fishermen were so happy because they caught a lot of it. I understand the circle of life pero napagtanto ko ring ganoon pala talaga. May masisiyahan sa kalungkutan mo. When you’re in pain, you can’t expect people to feel pain, too. Some might even rejoice when you’re sad. That’s the way life goes.

Ginabi kami sa laot. Tanging lampara ang nakikita kong ilaw. Alam kong malayo pa kami sa isla dahil ni isang ilaw ay wala akong makita kahit saan.

“Ayos na ‘to!” sabi noong isang mangingisda galing sa kanyang bangka.
“Oo! Bumalik na tayo…” sabi ni Manong.

Isang ingay ng makina at may nauna nang bumalik. Sumunod naman kami.

Ang malamig na hanging sumasalubong sa aking mukha ay nakakaantok. I want to reach the salt water but I’m afraid to do it. I can’t see anything.

“Gutom ka na ba, hija? Idederetso na lang kita sa tapat ng hotel n’yo…” aniya.
“Naku! Huwag na po! Ayos lang po kung sa rock formations at kaya ko naman pong umuwi mag-isa.”
“Sigurado ka ba?” he asked.
“Opo!”

Hindi na siya umimik. Although I want to agree with him but I don’t want to cause any trouble. Sa tagal kong tinatahak ang rock formations, siguro naman ngayon kaya ko na iyong tahaking mag-isa.

Being away the hotel made me appreciate being there. Even when it means I might get hurt again. Ano ngayon? The comfort of home makes me happy… no matter how painful it might be.

Sa kanila ay maraming nag-aabang na may dalang lampara. Sa malayo pa lang ay kumakaway na ang mga tao. Siguro ay excited sa mga huli.

Kumaway din si Manong sa mga iyon. Kahit paniguradong ‘di kita ay ginagawa parin.

“Malapit na tayo…” he said.

Somehow, it comforts me to know that Engineer Riego might not be around the hotel. He’ll be in Iloilo for whatever it is. I hope he realize that he’s better far. Ayos lang sa akin na ako na ang bahala kay Stav. Hindi na ako bata para mangailangan ng proteksyon.

Tumigil ang makina ng bangka nang medyo bumaba na ang tubig. Tumayo ako para tingnan at may iilang sumalubong sa mga bangka. Hanggang tuhod na iyon.

“’Tsaka ka na bumaba kapag tumigil na ng husto at bakamahulog ka pa…” ani Manong.

Tumango ako at nag-angat ng tingin sa seashore. Before I can fill my eyes with the people waiting, may marahas na umatake sa dagat. Bago ko pa makita ng husto ang kanyang mukha ay inangkla niya na ang kanyang braso sa aking pang-upo at sa isang mabilis na kilos ay inangat ako galing sa bangka.

My breath hitched as I try to put my hand on his shoulders for support.

“Anong pumasok sa utak mo at sumama ka sa pangingisda?” he exploded.

The villagers eyed us. Binaba niya ako sa buhangin at pagkatapos ay nakita ko kung sino ang biglang kumuha sa akin.

“E… Engineer?”

He is furious. His eyes is blazing with pure and unadulterated anger.

“Sibal… Sabi ko sa’yo, sumama nga siya sa mga nangisda, e…” A voice croaked from somewhere.

Before I can explain why I joined them, marahas niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinigit ako palayo sa mga naroon.

“I thought you’re going to Iloilo…” I said calmly.

Somehow, the trip to the sea calmed me. Medyo nakontrol ko ang puso ko. Medyo naging gamay ko ang emosyon ko.

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa dating bahay nila. Nilagpasan niya iyon at pinatunog ang Silveradong hindi maayos ang pagkakapark sa harap.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Hinarap ko muna siya pero nang nakita ko muli sa liwanag ang kanyang galit ay agad akong naupo sa front seat.

Sinarado niya ang pintuan at umikot siya. Kita ko sa mga mata niya ang lalim ng iniisip. Nang pumasok siya at pinaandar ang sasakyan ay nagsalita ako.

“I just want to see what it’s like to fish-”
“Hindi ba ay naipakita ko na sa’yo ‘yan noon? Bakit kailangan mo pang umalis nang ganoon, ha?” he exploded.
“I was just…” hindi ko madugtungan. “I thought you’re going to Iloilo?”
“Tingin mo makakaalis ako rito kung nalaman kong hindi ka mahanap sa buong hotel, o kahit sa mansyon ninyo?”

Parang may humaplos sa puso ko. Hindi ko maintindihan. Dapat ay natatakot ako sa kanya ngayon. Dapat ay nanginginig ako pero iba ang naramdaman ko.

“Sorry. Hindi mo ba naihatid iyong gawa mo?” I said guiltily. “Hindi ko inasahang gagabihin ng ganito. Akala ko mga alas sais lang, e…”

It’s almost nine thirty in the evening. Ni hindi ako nakaramdam ng gutom.

“Pwede kang magpahatid sa driver namin. I can… ask a driver to drive for you patungong Iloilo. O…” an idea came to me. “Pwede kong ikontak si Papa at ipabalik dito ang chopper para mas mabilis…”

Pumikit siya at hinampas ang manibela. Sapo niya na ngayon ang kanyang noo na tila ba sobrang laki ng kanyang problema.

“Tatawagan ko si Papa pagdating ng hotel…” I assured him.

He clenched his fist. Nang dumilat siya at bumaling sa akin ay iba na ang nakita ko. His bloodshot eyes is filled with so much pain and frustration.

“Hindi ako pupuntang Iloilo…” sabi niya mas kalmado ngayon.
“Paano ‘yong-”
“Wala akong pakealam!” sigaw niya.

Napatalon ako at natahimik. Is there another way to help him. I’m sure the chopper is the answer. It can save him more time. Siguro naman ay papayag si Papa. Malapit lang naman ang boracay. Hindi matatagalan ang pagdating noon dito.

“Sabihin mo nga sa akin…” ngayon ay bumanayad muli ang kanyang boses. “Nagdalawang isip ka ba noong umalis ka?”

His eyes are full of intense feelings I couldn’t name. Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. All I think about is his career… his job… his responsibilities… I might ruin it because he’s here tonight.

“Paano ang trabaho mo?” tanong ko pabalik.

Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. Palipat lipat ang tingin niya sa mga mata ko.

Umiling siya. Hindi ko alam kung bakit mas lalong sumakit ang dibdib ko sa iling niya.

“Kailan ko inalala ang kahit ano kung ang kapalit ay ang pag alis mo?”

Huminga ako ng malalim at bumagsak ang mga mata ko sa aking kamay. Inangat niya agad iyon para magtama ang aming mga mata.

“Huwag mo nang uulitin. Papalaot ulit ako ng mag-isa kung malaman kong sumama ka ulit sa iba…”
“I’m sorry,” iyon lamang ang nasabi ko.

Huminga siya ng malalim at humarap sa manibela. Umiling siya.

“Hindi na ako pupuntang Iloilo. Si Architect na ang pinadala ko ng mga blueprint…”
Tumango ako. “I’m sorry for the trouble…”

Hindi siya umimik pero hindi niya rin pinaandar ang sasakyan. Nanatili kaming naroon.

“I’m sorry din talaga sa blueprint. Hindi ko sinadya. Uh…” Damn. “Tinapon ko ang mga gamit mo kasi… nakakairita. Nagalit ako sa ginawa at sinabi mo. Tapos nagulat ako natapon ang ink…”

Bumaling siya sa akin. Nakita ko ang pagtitig niya sa gilid ng aking mga mata.

“Nagagalit ka ba kapag umaalis ako?”

Parang may init na lumabas sa aking tainga. Kumunot bahagya ang noo ko. Hindi ako maka-oo. Hindi rin ako makatanggi!

The engine roared to life. Umatras ang Silverado at pinaandar niya na iyon, hindi na hinintay ang sagot ko.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

12

Comments are closed.