Scorching Love – Kabanata 35

July 24, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 35

Kabanata 35
Cancel

Tahimik lamang ako nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng mansyon. Ibababa ko na sana ang salamin ng front seat kanina para mapapasok kami sa gate pero nagulat ako’t maagap na binuksan ang gate pagka-ambang liliko. The guards know his car.

“Thanks…” sabi ko at binuksan ang pintuan.

Tahimik lang din siya. Sinarado ko ang pinto nang ‘di siya tinitingnan. But I know he’s looking at me the whole time. Kahit noong naglakad na ako patungo sa mansyon.

Hindi ako nakaramdam ng gutom pero nang nakarating ako sa kusina at nakitang may pagkain ay ilang sandali muna akong umupo roon para kumain.

Binalikan ko ang nangyari kanina. It all happened so fast. Mabuti na lang at hindi na kami nag-away pa. I was able to control my emotions, I’m glad I did it. Hindi na mas lumala pa ang away lalo na’t kasalanan ko pa naman.

I wonder if he’ll be alright kahit na hindi siya umalis patungong Iloilo? Paano iyong trabaho niya? Will he blame me for staying? Napag-utusan siya ni Papa na bantayan kami. Kahit na tungkol kay Stav ang usapan nila, parang kasali na rin itong nangyari ngayon.

Or maybe he’ll go to Iloilo tomorrow instead. Pinagpaliban niya na lang.

I sighed. Kinuha ko ang aking pinggan at hinugasan na sa sink. Tahimik ang buong bahay. Kahit anong linis siguro ng mga empleyado sa hotel ay hindi pa maayos ang sala dahil sa mga alikabok galing sa tinatrabahong mansyon.

Nilagpasan ko ang sala at dumiretso na ako sa hagdanan paakyat.

My heart feels light. I’m sure it’s because of the trip. Natuklasan kong kailangan ko nang ipaubaya ang lahat. If I mess with what’s bound to happen, it will only get complicated. Things will fall into place even without trying so I just need to let go of all my worries.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagbabad sa banyo pero nang natapos ako’y talagang na relax ako.

Nilapitan ko ang tukador habang nagpupunas ng buhok. Nahagip ng tingin ko ang labas. Nakaawang kasi ang bintana sa aking kwarto dahilan kung bakit nakita ko ang naroon.

Lumapit ako para makita pa lalo. In front of the house stood Engineer Riego’s car. Ganoon parin ang ayos nito ngayon simula pa kanina. He’s standing beside the door, leaning and crossing his arms like he’s thinking of something important.

Why is he still here? My heart raced without my permission. Halos isang oras na akong nakauwi, ah? Hindi ba siya uuwi? Well, besides, malapit lang ang kanila. Pero…

I turned the lights off. I realize I shouldn’t overthink. Maybe he’s just thinking about something important. I need to be the boss of my heart, not the other way round.

Pagkapatay ng ilaw ay dumungaw ulit ako. Nanatiling ganoon ang ayos niya. Hinilig niya ang kanyang batok sa sasakyan. Bahagya akong umatras.

I remember the first time I saw him stand there. Noong linapitan siya nga bodyguards ko at ni Tita Marem. It broke my heart seeing him punched and beaten by our people. I didn’t do anything. I was helpless.

Humiga na lang ako sa kama at tinabunan na ang aking sarili. Kahit na pagod ang katawan ko ay hindi ako mahila ng antok. Nakatitig ako sa ceiling habang nakahiga.

Hindi ko alam kung anong oras ako natulog pero tinanghali na naman ako ng gising kinabukasan. Alas otso nang umalis ako sa mansyon at nagtungo sa Seaside para magbreakfast.

“Si Kael?” I asked the waiter.
“Ma’am, tapos na po siyang magbreakfast…” the waiter answered.

Tumango lamang ako at nagsimula nang kumain. The calm sea made me eat slowly. Parang mas marami ang oras na natutulala ako kesa sa ang sumubo ng pagkain. In the end, I didn’t finish the food on my plate.

Alas otso y media nang umakyat ako sa pangatlong palapag para magtrabaho. I’m pretty sure mas lalong dadami ang trabaho ko ngayon dahil pinagpaliban ko kahapon. I should overtime!

Pagkapasok ko sa opisina ay nagulat ulit ako na may card sa powersource. That means he’s here. And yes, I saw him on his swivel chair!

Nakapangalumbaba siya habang tinitingnan ang kanyang laptop. Nilipat niya ang kanyang mata sa akin at medyo umayos sa pag-upo. He’s wearing black jeans and a grey shirt. May konting tupi pa ang hem ng sleeves. It highlighted his biceps. I just can’t help but notice.

Tumaas ang mga kilay ko at binalingan ang laptop.

“Good morning…” he greeted.

Wow. That’s new!

“Morning…” I said pagkatapos ay umupo na.

I turned my laptop on. Hindi na ako nangahas na sumulyap sa kanya dahil pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin.

While waiting for my laptop to respond, sinikop ko ang buhok ko at nilagay ang lahat sa kabilang balikat. The tip reached my thighs. I should cut this. It’s been five years since the last time I went to a salon to do anything with my hair. Pero saan naman ako magpapagupit?

Nang nabuhay ang laptop ay nagsimula na ako sa trabaho. Ilang sandali ang lumipas ay tumayo siya. Doon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong tingnan siya. May tinitingnan siyang trabaho sa kanyang lamesa. Then he glanced at me. I tore my eyes from our line of vision and started typing on my laptop.

Alas diez nang mukhang kinailangan niyang lumabas para tingnan ang trabaho. May tinanggap siyang tawag na mukhang nagpapapunta sa kanya sa baba.

“Bababa muna ako…” he suddenly said.
“Okay…” I didn’t even glance at him.
“Dito ka ba maglalunch?”
“Hindi. Sa Seaside…”
“Okay… Mga anong oras?”

Hindi ko na napigilan. Nilingon ko na siya. He looks indifferent but his questions say otherwise. Nagkibit ako ng balikat.

“Alas dose…”

He nodded then proceeded to the door.

Alas onse y media nang biglang may tumawag sa akin. Pintransfer lang ng front desk sa aking telepono dahil importante raw iyong tawag.

“Hello, Miss Galvez…” it’s a sweet voice of an older woman.
“Hello, po? How may I help you?” I asked.
“This is Linda, Mayor Saldivar’s personal assistant. Were you informed of the supposed meeting this afternoon? The good mayor didn’t receive your RSVP…”

I almost said an oath. Hinalughog ko ang aking lamesa ‘tsaka lang nakita ang isang sulat galing sa opisina ng Mayor. Bakit ba kasi ako umalis kahapon? Kung sabagay, kung hindi ako umalis ay baka tuluyan na akong nasiraan ng utak. I’ll just deal with the consequences…

“Oh! Uhm…”

Mabilis kong binasa ang mga naroon. It’s going to be around 1PM this afternoon! At medyo marami pa akong tatapusing trabaho!

“Okay. It’s going to be… uhm… the Municipal Hall! Sige, po. Pupunta ako, Ma’am…”
She laughed. “Okay, Miss Galvez.”
“Ano nga pala ang agenda?”
“Miss Galvez, it’s about the festival next month…”
“Yeah!” sabi ko nang nabasa ulit sa sulat.

Hinilot ko ang aking sentido at marahang pumikit. Sabado bukas. Bukas ko na tatapusin ang lahat. Akala ko makakapag relax ako bukas. God, Papa… bakit iniwan mo pa ang mga responsibilidad na ito sa akin?

“Okay… Noted. I’ll be there.”

Dahil sa meeting ay nahirapan ako sa schedule ko. Hindi ko alam kung anong oras iyon matatapos so I’ll assume that my afternoon is full.

“Hello…” Alas dose nang tinawagan ko ang kitchen.
“Hello po, Miss Galvez,” salubong sa akin.
“Paki dala na lang dito ang tanghalian ko. I’m in a rush so I can eat whatever’s available. Okay?”
“Sige po, Miss…”

Good thing I’m dressed for a formal meeting. Hindi tulad noong nakaraan na puro beach dress ang suot ko. Sa araw na ito ay isang floral skirt at white blouse ako. I went to the office’s bathroom to put on powder and check on my eye make up. Pagkatapos ko roon ay may kumatok na para sa aking pagkain.

Nagmamadali na akong kumain para mabilis din akong makapag tooth brush. Kinuha ko sa cabinet ang isang itim na sling bag na hinanda ko roon kung sakaling may lakad ako. Now is the time to use it. I don’t have much time to go back to the mansion to change my clothes.

Pinulot ko ang telepono para tumawag sa front desk.

“Miss Galvez, hello!” bati noon.
“Uhm… Is there an available van?” tanong ko.

For some reason, our car is always out. Gamit siguro ni Kael. Kaya iyong van na lang ng hotel namin ang kukunin ko.

“I’ll check, Miss Galvez. Ilang oras mo pong gagamitin?”
“Say till five?” sabi ko.
“The available van till five is still out…”
“All the vans aren’t available?” ngumiwi ako.
“Uhm… Iyong iba po kasi binayaran na mag tour noong nag team building na mga taga Department of Health…”
“Ilang van ‘yon?” tanong ko.
“Nasa mga walo po…”
“Iyong iba?”
“Inarkila ng ibang guest po. The other van is also in Caticlan. May nagrequest po kasi na ihatid sa port.”
“Anong oras ang dating noong van na pwede until five?”
“Siguro mga ala una y media. But… I’ll double check. I’ll text the driver right now. Anong oras mo po kailangan?”
“Ala una sana… Call me kapag natawagan mo na ang driver.”
“Yes, po…”

I put the phone down. Hindi na ako makaupo dahil nakatatak na sa isip ko ang pag-alis. Kinagat ko ang labi ko sa pag-iisip kung paano. Malilate ako sa meeting?

The door suddenly beeped. Hindi na ako nagtaka dahil paniguradong nakabalik na siya galing sa ginagawa. Hindi naman siya dumiretso sa lamesa dahilan kung bakit ako napatingin.

“Hindi ka bumaba…” he said calmly.
“Uh… Yup… Pinahatid ko na lang dito ang pagkain. May meeting ako…” sabi ko.

Tumango siya at nanatiling nakatayo malapit sa pintuan. Bakit? Hindi ba siya pupunta sa kanyang lamesa?

“Anong oras?”
“Ngayon… Nag-aantay na lang ako ng tawag galing sa front desk…”
“I… I’m free today…”

Nagkatinginan kami. Kung hindi tumunog ang telepono ay may sasabihin pa sana ako. Kinuha ko ang receiver…

“Miss, I called the van…” the woman sounded careful.

Alam ko ang tono na ito. Malilate nga yata ako.

“It’s thirty minutes delayed of its schedule. Ibig sabihin alas dos pa po siya makakabalik. May isa pa pong dapat ala una ang dating kaso hindi pa sumasagot. I’ll call back when the other driver receives my call…”
“Wala bang van sa labas? Kahit huwag na lang akong antayin kung may lakad. Balikan na lang ako. Tatawag ako kapag tapos na ang meeting…”
“Meron po. I’ll check.”
“Are you sure?” I sighed.
“Opo. Marami po sila. Kapag hindi ka hihintayin.”
“Okay. Bababa na ako…”

Binaba ko ang tawag at napatingin ulit sa kanya.

“Bababa na ako…” paalam ko.

Humakbang siya palapit sa akin. Medyo natigil ako sa paglalakad. Mabuti na lang din at nalingunan ko ang laptop na hindi ko pa napapatay.

“I can drive you to your meeting today. Wala akong ginagawa…” he told me again.
“Huh? What about the building?” hindi ko siya binalingan.
“Wala masyadong isusupervise ngayon. Maayos ang trabaho…” he explained.
“Hindi na. May driver naman ako…” sabi ko.

Just when I was about to close the laptop, may biglang nag Facetime. I can stop it kung hindi lang si Papa ang tumatawag. Hindi siya madalas tumatawag ng ganitong oras. Madalas ay dinner, kung kailan nariyan din si Kael. I need to answer this…

“Pa…” salubong ko.

My father is sipping a shake with a little umbrella on the side. Sa likod niya nakikita ko ang iilan pang bakanteng sun lounger. I can see that he is enjoying his stay. Gusto ko pa sanang tuksuhin kung hindi lang ako nagmamadali.

“Snow, are you going out?”

He probably noticed my bag.

“Yeah. I have a meeting with the Mayor and some Department of Tourism officials…” sabi ko.
“Oh! It’s that time of the year… Nga pala… Your Tito Solomon gave me a very short notice of his arrival.”

Hindi ako agad nakapagsalita. What is it now?

“He’ll be in Kalibo, 5pm today. Can you request a van to pick him up o ikaw na lang…”
“He didn’t use a chopper…” I noted.
“You know your Tito Solomon. Low profile ang gusto.”

He then sipped on his shake. Nagkibit ng balikat ang aking ama.

“Saan ang meeting? Sa bayan? Anong oras ba matatapos? You can… just go and pick him up after the meeting.”

Nahihirapan na nga akong makakuha ng van, may kailangan pang sunduin? And goodness, I don’t have time to check who’s going to be available on or beyond 5pm. Surely, hindi pwedeng alas singko ako babyahe dahil nasa mga isang oras o higit ang patungo roon.

“Bakit siya sa Kalibo?” napatanong ako.
“You ask him when he gets there… It’s a short notice. I hope you can do something for your Tito…”

He waved at me and then the line went blank. Napasinghap ako sa mga responsibilidad na nakaantabay. Hindi naman mabigat pero sa sobrang packed ay nahihirapan ako.

“I can drive all the way to Kalibo later…” Engineer Riego formally said.

Kinagat ko ang labi ko. Talagang nakakapanghinayang ang offer niya pero ayaw ko siyang abalahin. As much as I want the convenience he can offer, ayaw ko nang mag-isip ng kung ano. Nadala na ako. Hindi niya ako pinapaasa. Sadyang umaasa lang ako. The heart that loves, can’t just love alone. It hopes, too. And I don’t want to hope. I’m sick of it.

“Hindi na, Engineer. Nakakahiya naman. Ayaw kong maabala ka pa…” I said calmly.

Naglalakad na ako patungo sa pintuan nang nagsalita siyang muli.

“May kailangan akong puntahan sa Munisipyo. Mas mabuti pang magsabay na lang tayo,” pagkasabi niya noon ay binuksan niya ang pintuan at nauna na siyang lumabas.

Natigilan ako sa ginawa niya. No. I can’t.

Bumaba kaming pareho pero determinado akong sumakay sa aming van. Tahimik kami sa elevator. I think he already assumed that I’m going with him. I won’t. No…

Sabay kaming lumabas ng hotel. Sinalubong agad ako ng mga bellboy at mga driver. Lumapit ang babae sa front desk sa akin habang si Engineer ay abala sa pagtatawag sa valet parking.

“Miss Galvez, unfortunately the van I’m talking about can’t be here yet. Nasiraan po yata sila sa kalapit na probinsya. Ang susunod na van ay alas dos pa ang dating…”
“Okay, can you get me an available van? Iyong ngayon lang. Tapos aalis mamaya pagkatapos akong ihatid. Alas dos dadating iyong available, hindi ba? Ipadiretso mo na lang siya sa munisipyo dahil pupunta ako ng Kalibo para sunduin ang aking tiyuhin…”
“Oh! Okay, Miss Galvez…”

The valet handed Engineer Riego’s key. Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at nilingon na ako. I looked away while I’m standing in front of the driveway waiting for the Hiace. Damn it…

Parang may nagbabara sa lalamunan ko habang nagkukunwaring nakatingin sa malayo. When the van blocked my vision, I immediately saw a bellboy open the passenger seat.

Isang hakbang na lang at makakapasok na ako. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob. The bellboy closed the door. Nilingon ko si Engineer Riego na nakatayo parin sa gilid ng kanyang sasakyan.

He looks serious. Nakatitig siya sa van at medyo madilim ang ekspresyon. Hindi pa kami umaalis dahil may mga pinal na bilin pa ang isa pang driver sa driver ko.

“So kailangan, ala una y media, ha?” sabi noong nasa labas.
“Ala una kinse na, ah?” sabi ng driver ko. “Wala bang ibang pwede? Ako na ang susundo sa kanila roon. Ihatid lang para hindi magalit ang guest.”

Suminghap ako at mabilis na nagdesisyon. It’s summer, peak season. Kahit na hindi naman maganda ang estado ng hotel, hindi parin naman ito nangungulelat sa turista. I tapped the seat of the driver.

“Manong…” I said.
“Ma’am, sorry po. Tutulak na tayo…” he assured me closing his windows.
“Hindi na po. Bababa po ako. Sasabay na po ako kay Engineer…” sabi ko ngunit umusog na iyon.
“Ma’am?”

Mabilis kong hinampas muli ang kanyang upuan.

“Itigil mo manong… Kay Engineer na lang ako sasakay…” sabi ko muli.

Agaran ang pagtigil niya sa van. Muntikan na akong tumilapon. It’s not his fault. Agaran din ang pagsisisi niya at ang paghingi ng kapatawaran.

“Sorry po, Ma’am…” sabi ng matanda.
“Ayos lang ako, Manong. Uh…” bago ko madugtungan ay nakita kong naroon na si Engineer Riego sa pintuan.

Umamba siyang bubuksan ang pintuan ng van pero dahil locked iyon. Nataranta pa si Manong nang nakita ito roon. He immediately opened the locks. The door immediately opened.

Ang mga salita ay halos magbara sa aking lalamunan. Nakita kong lumapit ang isa pang driver sa driver ko. Tumunog din ang radio transceiver sa loob ng van.

“Van number 17, anong nangyari?” tanong noon.
“Lilipat si Ma’am kay Engineer Riego,” the driver said.

Nagkatinginan kami ni Engineer. Tumango agad siya, assuring me that he’s so willing to drive me anywhere.

“Uhm… May ihahatid ka ba sa airport, Manong?” tanong ko sa driver.”
“Opo, Ma’am. Ngayong alas dos ang flight sa Caticlan. Galing doon, may susunduin din ako…” paliwanag niya.

Tumango ako nang nakontento sa sagot. Umatras si Engineer para bigyan ako ng espasyo sa paglabas.

Abot-abot ang kalampag ng puso ko nang nakalabas ako. I almost find it ridiculous. Could the heart feel this much for someone after all the pain? I cannot believe it? Hindi ko siya tiningnan para hindi mahalata.

Walang imik kaming lumapit sa kanyang Silverado. The employees were looking at us like we’re some sort of movie. I find it awkward but I pretended that I didn’t know.

Pagkapasok ko sa kanyang sasakyan ay nagseatbelt agad ako. Umikot siya at pumasok na rin doon. He immediately woke the engine. Tumulak na kami palabas ng hotel.

“Pasensya na sa abala. All the vans are busy. Iyong van na sinakyan ko kanina may kailangang puntahan. Kung hindi ako umalis, baka may masabi ang guest. That’s the last thing I need for the hotel now…” I said calmly.
“Wala akong ginagawa buong araw. May dinesign lang ako kanina, bukas ko pa tatapusin. Anong oras natin kukunin ang Tito Solomon mo sa Kalibo?”

Wow. I didn’t know that we’re going together?

I need his help, I know. He is willingly giving his time and I should be grateful. Kaya lang talaga… Maybe it just doesn’t matter.

“Pagkatapos ng meeting sa munisipyo,” sabi ko.
“Okay…”

Gusto ko sanang magtanong kung saan siya kapag nasa meeting ako pero hindi ko na ginawa. It doesn’t matter. That shouldn’t be my business. NAg offer siya, paniguradong may plano siya sa mga oras na wala ako.

Pagkarating namin sa munisipyo ay pinark niya na ang kanyang sasakyan. Sabay kaming lumabas. Right… may gagawin nga pala siya sa munisipyo, aniya.

“Good afternoon!” bati noong guard na nasalubong namin sa bukana ng building.
“Magandang hapon po!” bati ko pabalik.
Napatingin ang matandang guard kay Engineer. “Sibal… kasali ka sa meeting?”
“Hindi. May kukunin lang ako…” he answered.

May gumiya sa amin patungo sa pangatlong palapag ng building. Sumama naman ako roon sa babae. She got this weird smile at us. Hindi ko na lang pinansin dahil gusto ko na lang matapos ang lahat ng ito.

Pinapasok kami sa isang room na may long table. Nagulat ako’t marami na ang naroon at tingin ko’y huli na ako!

“Pasensya na at natagalan…” I said while receiving the assigned chair for me.

May bakanteng upuan sa tabi ko na katabi ni Mayor Saldivar. Ang matanda ay tumatango sa akin at mukhang hindi naman badtrip. However, the other officials look tensed. Siguro ay may mga napag-usapan na.

“Sibal…” the mayor said. Tumayo siya para salubungin ng tapik ang balikat ng kasama ko.

Napatingin ako sa mga naroon. A man in his late twenties is beside me. He smiled. The other men were LGU officials. Hindi ako masyadong pamilyar pero alam kong ganoon ang mga naimbitahan sa meeting. Except of course to the old woman in front of me, who I think is the head of the Department of Tourism here.

“Iyong binilin mo, nasa opisina ko…” Mayor Saldivar said.

Tiningala ko sila. I didn’t know they were close but… he’s from here so they all probably know him.

“Salamat, Tito,” he said. “Sa labas na lang ako mag-aantay… Hinatid ko lang si Miss Galvez…”

The mayor turned to me. Bahagya niyang binaba ang kanyang salamin para makita ako. He is silent for a moment and then he looked at Engineer Riego. The head of DOT eyed me, too.

“Ipapakuha ko kay Adora ang mga dokumento. Dito ka muna at tamang tama, pinag uusapan namin iyong pinapaayos na tulay… Let’s see what you can say about it…”
“Sigurado naman akong kaya iyon ni Engineer Saldivar, Mayor…” he said and glanced at the man beside me.

Nilingon ko rin ang lalaki. Ngumisi lamang ito sa kanya at tumango.

“Hindi na, Engineer… Of course you can join the meeting…”

Hindi pa ako kasali sa unang parte ng meeting dahil inuna nila iyong nasirang tulay. Hindi ko inasahang kasama pa siya sa meeting na iyon.

Lumabas si Engineer Riego nang may tinawagan siya sa kanyang cellphone. I suddenly wonder if it’s about work? I wonder if there’s a glitch? Mabilisan ang ginawa niya noong isang araw. Kasalanan ko pa iyon. Inabangan ko siya para tanungin sana pero nagsimula na ang meeting tungkol sa fiesta activities, kung saan kasali ako.

“Unfortunately, the hotel can’t host the event’s coronation night. Pwede kaming mag sponsor ng swimsuit competition pero hindi iyong coronation dahil hindi maganda ang estado. Nirerenovate ito. Ayaw kong maadvertise siyang ganoon ang background…”
“Well, that’s fine, I guess. Kasi noong nagmeeting kami kasama si Madame Maria Emilia noong Disyembre, kahit iyong swimsuit competition ay ayaw niyang i house. It’s sad… That’s the biggest hotel here…”
Ngumiti ako sa head ng DOT sa kanyang sinabi. “Naiintindihan ko. But isn’t it also nice to look for some other hotels. Ilang taon na ring host ang hotel namin. I’m not complaining. I’m even honored… Hindi lang ako willing ngayong nirerenovate pa siya. Maybe next year, kaya kong paunlakan. I hope you understand…”
“Of course, Miss Galvez… No problem, thank you…” sabi naman ngayon ni Mayor Saldivar.

Nakasalikop ang kanyang mga daliri habang seryoso akong tinitingnan. Nanatili akong stiff sa pagkakaupo. Ni hindi ko masyadong nililingon ang mga katabi ko.

Humilig ng konti ang Engineer na katabi ko sa akin.

“Do I get a free pass?” he asked.

Taas noo ko siyang nilingon. He smirked. His stubble is the first thing I noticed. Kumurap kurap ako para waksiin ang nagbabadyang ideya. Why do I find him anywhere, anyway? Makahulugang ngumiti ang lalaki nang medyo ilang sandali akong natunganga sa kanya.

“Miss Galvez?” he moved his head back and forth to get my attention.

Damn!

“Uh… If you’re going to be the judge, sure…”
“Mayor, pwede bang magjudge?” the man laughed slightly.
Tumawa rin ako. Not sure if he wants to go for the pageant girls or someone else.
“Ikaw talaga.” The mayor laughed with him. “Stop fooling around or I’m gonna plan out your wedding with someone I know…”

Tumigil sa pagtawa ang lalaki. Nagulat ako nang biglang tumayo ang katabi ko. Now that he’s standing I realized something. Mag aalas kuatro na. Kailangan pa naming sunduin si Tito Solomon. Kung wala na kaming ibang pag-uusapan ay makikiusap na ako kung pwede nang umalis.

Nasabi ko na sa kanila kung anong maitutulong ko sa festival. Magkakaroon kami ng promo at kung anu-ano pang pakulo to boost the tourist popularity.

“Kukunin ko na ang mga dokumento, Mayor. May lakad pa kami ni Snow… Ayaw kong mahuli…”

Para akong nabilaukan sa tinawag niya sa akin. Lumipat ang malamig niyang mga mata sa akin pagkatapos ay bumalik din agad sa natatawang Mayor.

“Sige, sige… You may now go. Anyway, ang ididiscuss namin ngayon ay iyong mga solusyon na lang sa maaaring maging problema pagdating ng fiesta…”
“Thank you, Mayor Saldivar…”

Tumayo ako. Tumayo rin si Mayor at naglahad ng kamay. Kinamayan ko si Mayor, ang kanyang anak, iyong DOT head at iba pang mga opisyales na naroon.

Napepressure pa ako. Gusto ko pa sanang makipag ngitian at makipagkwentuhan ngunit naroon na sa pintuan si Engineer Riego. He’s holding the door for me, anticipating my walk out, with his grim expression.

Huminga ako ng malalim nang nakalabas kaming pareho sa conference room.

“Dito po…” sabi noong sekretarya at sumunod kami patungo sa opisina kung saan iyong mga dokumentong hinihingi ni Engineer Riego.

Nauna ako. Nasa likod ko siya habang sumusunod kami sa sekretarya.

“Muntik mo nang makalimutan ang Tito mo…” he noted.
Tumango ako. “Naaliw ako roon…”

Tumigil ako nang nakarating na kami. May kinuha ang babae sa isang window. Lumapit si Engineer Riego sa gilid niya pagkatapos ay nilingon ako. Our eyes met. He looks cold and irritated.

Ngumuso ako. Hindi ko alam kung bakit nangingiti ako.

I wonder what he looks like with a stubble? But does he have facial hair?

Oh well. Ano naman iyon sa akin?

“Gutom ka na ba?” he suddenly asked habang pababa kami roon.
“Hindi naman…” sabi ko.
“May restaurant tayong dadaanan. Masarap doon. I called Sir Solomon, he said his flight is delayed. Baka magutom tayo sa airport, pwede tayong kumain muna sa restaurant…”
“Hindi na…” I genuinely smiled.

Yes, it is tempting. He is always tempting. But…

Umawang ang labi niya ng ilang sandali. Tinikom niya rin agad iyon pagkatapos ay tumango.

Nakalabas na kami ng munisipyo ng may tumawag sa kanya. Papasok ako ng front seat ng sinagot niya iyon. Hindi siya pumasok ng sasakyan. Siguro na rin ay para hindi ko marinig kung anong sasabihin niya sa katawagan.

Napalunok ako at inabala na lang ang sarili sa pag-aayos ng seatbelt. Hindi naman matagal ang tawag pero ang ekspresyon niya habang kausap ang nasa kabilang linya ay medyo madilim.

Is it about work? Ang lakad ba na ito ay sagabal sa kanyang trabaho?

Pagkasakay niya ay nilagay niya agad ang kanyang cellphone sa dashboard. Sinilip ko ito dahil umiilaw pa. Buhangin ang kanyang wallpaper. Wala namang text. Sino kayang katawagan niya?

“Kung may trabaho kang tatapusin o meeting napupuntahan, unahin mo na lang. Ihatid mo na lang ako sa The Coast para makasakay ako ng van galing doon…” sabi ko.
Umiling siya at pinaandar ang sasakyan.
“Seriously, Engineer. You don’t have to do this one. I understand if you have meetings coming. I don’t want to disturb your work. This is just minor things…”
Sumulyap siya sa akin. “Wala akong meeting…”
Ngumuso ako. “No, really. I know your workmates are already calling you for a meeting-”
“I cancelled our reservation on that restaurant, Miss Galvez. Iyon iyong tumawag para kumpirmahin. Hindi iyon trabaho…”

Oh!

Kinagat ko ang labi ko at nilingon ang kalsada. Niliko niya ang Silverado at tinutok na sa highway pa Kalibo.

Damn!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.