Scorching Love – Kabanata 33

July 24, 2016 By In Scorching Love 2 Comments

Kabanata 33
Blueprint

This is his house? He owns this? You’ve got to be kidding me!

Umatras siya at kinalas ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Huminga siya ng malalim at patuloy na pinunasan ang kanyang batok. Umawang ang kanyang mapupulang labi. His expressive gray eyes are directed at me.

Tumutulo ang tubig dagat sa kanyang dibdib. Pagkaatras niya ay kita sa sahig ang ebidensya ng kanyang paglangoy.

“What are you talking about? You own this place?” tanong ko nang lumayo na siya.

He turned the door handle. The door opened. ‘Tsaka niya lang ako pinakawalan ng tingin anng bumaling siya sa loob.

“Are you hungry?” he asked from the inside.

Namilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang pumasok sa loob. Nakikita ko siya galing sa salamin. He turned the TV on and then he’s out of my sight!

Unti unti akong naglakad pabalik sa bench. Nilagpasan ko iyon upang makalapit sa pintuan.

I admire the intricate designs of the walls and the lighting of the ceiling. There’s a rug near the door and the wooden tiled floor looks so clean.

Hindi ko na namalayan na napalapit na ako roon. Hinawakan ko ang hamba ng pintuan. Sa ‘di kalayuan ay naroon si Engineer. Nagsasalin siya ng kung ano sa isang baso sa kanilang counter.

Nilipat ko ang tingin ko sa living area kung nasaan ang mga magandang furniture. They’re not a set. In fact, tingin ko ay binili ang mga sofa at lamesa ng separate. Bumagay lamang dahil maganda ang taste ng may bahay.

Is this really his?

When I saw the drawing table near the sofa I realized… This is really his?

Bumalik siya sa sala. He caught me just near the door. Aatras na sana ako pero nilahad niya sa harap ko ang isang baso ng orange juice.

“What do you want to eat?” he asked.

Nalilito pa akong sumagot. Hindi ko alam kung sisinghalan ko ba siya sa iritasyon o kumalma at tanggapin ang alok niyang juice! He’s not yet dressed but the towel on his shoulders covered his immaculately sinful body.

“Nothing…” nagbara ang lalamunan ko.

Uminom ako sa binigay niyang juice. Sa uhaw ko galing sa pagtulog ay pinangahalatian ko agad iyon.

Pagkababa ko ay binigay ko agad sa kanya.

“Thank you. I must go back to the mansion…”
He smiled. “Magsasabay na tayo. Babalik na rin ako ngayon dahil gusto ng Papa mong sumabay ako sa inyo sa pagkain…”

Tinalikuran niya ako. Nilapag niya ang baso sa counter pagkatapos ay umakyat siya sa isang wooden stairs.

“Hindi ako magtatagal…”

Bago pa ako makapagprotesta ay nakaakyat na siya sa taas. Pu pwede naman akong tumakas para lang tuluyan siyang matanggihan pero hindi naman yata maganda iyon. That’s just plain rude.

Isa pa… I can’t help but feast on the paintings, the furniture, the carpet, everything on its living room.

Inimbitahan ko ang sarili ko sa kusina. The walls were painted with lustruous polished patina in turquiose.

Ang dingding ng sink at kitchen cabinets ay gawa sa sandstone. The high stools were wooden ad the lamps and other furniture is painted with earth colors.

Siguro nga ay bago lamang ito sa paningin ko. Our mansions were all spanish inspired. So all of these are new to me. Namamangha ako.

Ilang sandali ko pang tinitigan kahit ang mga pinakamaliit na detalye tulad ng lalagyanan ng mga spices, stove, at kung anu-ano pa. This has even better interiors than our hotel!

Hinawakan ko ang counter top at isang beses kong hinagod ng aking daliri.

“Shall we go?”

Napalingon ako kay Engineer Riego sa pintuan lamang ng kusina. He’s already dressed in a white v neck t shirt and a faded maong jeans. He looks fresh. Ang medyo basa niyang buhok ay nasa tamang ayos.

Muli kong binalik ang mata ko sa countertop.

“Is this marble?” I asked.
“Brazilian soapstone, Miss Galvez…”

Binaba ko ang kamay ko at nilingon muli siya.

“Ilang taon na itong sa’yo?”

He licked his lower lip. Tumaas ang kanyang kilay at umigting ang kanyang panga.

“Magda-dalawang taon pa…”
“Oh… I thought this is one of the mansions your real family have…” I said without thinking.
“My real family doesn’t have a mansion…”

Lumapit ako sa kanya para malagpasan siya at makaalis na kami sa kanila.

“Hindi ba ay apo ka ng mga Riego? How can you say that?”
“Hindi ako lumaking ganoon. Si Papa at Jaxon ang aking pamilya. You saw our house. That’s what we have…”

Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas. Sumunod siya sa akin.

“If that’s what you want me to believe…” medyo matabang kong sinabi.
“Hindi tayo riyan dadaan.”

Nilingon ko siya nang nakababa na ako sa porch at nasa mahamog na bermuda na ako. Pupunta na sana ako ng shore para makadaan patungo sa mansion kahit na madilim na.

“Gagamitin ko ang sasakyan ko…”
I laughed in a mocking tone. “It’s very near, Engineer Riego. Now that you have a car, you’re not willing to just walk?”
He smiled in a mocking way, too. “May pupuntahan ako pagkatapos ng dinner. May titingnan ako sa bayan kaya kailangan kong dalhin ang sasakyan, Miss Galvez. Now if you please…”

Nilahad niya ang porch bilang giya sa akin kung saan ako dadaan patungong likod nitong bahay. Kung hindi ko inawat ang sarili ay malamang nairapan ko na siya. Mabibigat ang mga paang nagmartsa ako pabalik sa porch. Sinundan niya ako at tumulak na kaming dalawa sa Silveradong nakaparking ng mabuti malapit sa lamp post.

The gate is far. He can still build another mansion before reaching the gates. Is he alone here? Where is Jax and his father?

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Parang deja vu na naalala ko iyong mga pangyayari five years ago. Nagkatinginan kami habang hawak niya ang pintuan ng sasakyan. Pumasok ako at unti-unti niyang sinarado iyon.

Umikot siya patungo sa driver’s seat. Pagkaupo niya roon ay pinaandar niya na ang sasakyan.

Tahimik kaming dalawa. Hindi naman kalayuan ang hotel kaya saglit lang ang pagiging awkward. Sabay kaming bumaba sa sasakyan. Nag-aantay sa bukana ang mga driver at bell boy doon.

May ilan pang nagkatinginan at nag chismisan nang nakita akong bumaba sa kayang sasakyan. I don’t know why they are talking about us. True that I don’t know everyone of the employees five years ago. Iyong malapit lamang sa akin ang kilala ko kaya malaki ang poisibilidad na mayroon paring may alam tungkol sa amin sa kanila.

Sabay din kami pagpanhik sa loob. I did not mind the front desk girls when they greeted us…

“Good evening, Miss Galvez.”
“Good evening, Engineer Riego.”
“Hi Engineer Riego…”

Sumulyap ako sa kanila. Napawi ang ngiti nila. Engineer waved t them. Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad patungong Seaside.

Pagdating sa restaurant ay namataan ko agad si Papa at Kael na nagsisimula nang kumain. I’m a bit surprised he didn’t conduct a search and rescue operation. Wala ako sa mansyon, wala ako sa hotel, hindi ba siya nag-aalala?

Hinalikan ko si Papa sa pisngi. Umaliwalas ang kanyang mukha ng nakita kaming dalawa. Kumunot naman ang noo ng aking kapatid at lumipat ang tingin sa kasama ko.

“Magandang gabi, President, Kael…”
“Good evening! I thought you’d both be late…”

Umupo ako sa tabi ni Kael. Engineer Riego sat in front of me. May nagsalin agad ng tubig sa aking baso. Nakatingin na si Engineer sa taong iyon. Inangat ko rin ang tingin ko at nang nakitang si Omar iyon ay nginitian ko na lang.

And father didn’t even mind asking where I was. Mabuti na rin at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Anong oras ang alis mo bukas, Papa?” tanong ko.
“After lunch. I’m bringing the chopper with me…” tumango siya.
“Of course. Kaya namin ni Kael na mag eroplano, Papa…”
He smiled at me. “Now, did you talk to Stav?”
Tumango ako.
“Did he tell you that he plans to come here?”
Nagulat ako roon. “Hindi po, Papa. Iba ang pinag-usapan namin.”

Sinubo ni Papa ang isang courdon at nagpatuloy sa pagsasalita.

“Well, he will. I think it’s a surprise. I’m not sure when but he plans to come here soon. Hindi ko pa napapatunayan ang lahat, hija. Na may kinalaman siya o ang kanyang pamilya sa nangyari. I will continue the investigation but for now, we can’t tell yet. I just want you to be careful.”

Hindi na ako makakain habang iniisip ang lahat. Hindi pa nappatunayan kaya maling pagbintangan namin ang kanilang pamilya. But the last texts I have from Stav made me realize its possibilities. Why would he suggest someone to do the renovation?

I trust him but his actions gave me doubts!

“Paano iyon, Papa? Kung narito siya, paano ako magtatrabaho…”
Tinuro ni Papa si Engineer Riego. “It’s a good thing he’s in your office, right?”

Nagkatinginan kami ni Engineer. His expression is hard and cold again. Ibang-iba sa pinakita niya sa akin kanina sa mansyon.

Bumaling si Papa kay Engineer. Nagsimula silang mag-usap tungkol sa trabaho. Ilang araw pa lang at medyo tunog satisfied na si Papa sa mga nangyayari.

They were both too caught up with the conversation na tahimik lang ako buong oras na kumakain kami. Nang natapos na sila at kwentuhan na lang ang bala ay natigil sa isang tawag galing sa cellphone ni Engineer.

“Excuse me, President. I have to take this important call…” he smiled.
“Sure, sure…” ani Papa.

Tumayo ito at pinindot ang cellphone.

“Hello…” that’s what I heard hanggang sa nakalayo na siya.

Uminom ng wine si Papa at ngayon si Kael naman ang pinagtatanong tungkol sa pinagawa niya. I turned to see where he went. Nasa counter siya ngayon at natatawa sa katawagan niya.

Pinasadahan niya ng mga daliri ang kanyang buhok pagkatapos ay sinuklay na rin ang likod. Nang bumalik siya ay tumuwid agad ako sa pagkakaupo.

“Hindi na ako magtatagal. May meeting ako sa bayan,” aniya kay Papa at sumulyap na rin sa akin.
“Meeting? Ngayong gabi?” Papa said in a playful tone.
Makahulugang ngumiti si Engineer. “Unfortunately, President…”
“Well, then shall I see you again tomorrow morning for my final orders before leaving? Siguro naman ay maaga kang magigising kahit may… meeting… ka ngayong gabi?”

Ngumuso ako nang napagtanto kung ano iyang meeting na tinutukoy. I’m sure as hell that it’s a meeting I don’t really like.

“Sure, President. I will see you early morning. Thanks for the dinner…”
“You’re always welcome!” si Papa.
“Kael, Miss Galvez…” tumango siya sa amin.

Sumimsim ako sa tubig at tumango na lang ng ‘di siya sinusulyapan.

Mabilis natapos ang gabi. Kailangan kasing magpahinga na rin ng maaga ni Papa. Kael escorted him to their presidential suite. Habang ako naman ay umuwi na sa mansion.

Nagpapatuloy sa construction ang mga nasa convention center pero ang sa mansion ay tumitigil sa gabi. That’s a good thing since I want to rest properly.

Ngunit hindi ako makatulog. I checked the Facebook account through my phone. I searched for Archer Riego again and found his account. My request hasn’t been approved but he changed his profile picture.

Medyo na irita ako sa nangyari. I canceled the request I sent. It’s impossible he didn’t notice my request! I receive notifications everyday from people who wants to add me as a friend. Malamang ganoon din sa kanya! Hindi pwedeng gawing rason na hindi niya nabuksan ang account dahil nakapagpalit siya ng profile picture!

His picture now is his silhouette. Nasa bangka siya at papalubog ang araw!

A message poped up on my messenger. Si Brenna iyon, nangungumusta sa akin. Now that I can’t sleep and she wants to talk, I suddenly want to do a little bit of research.

Ako: I’m fine. You?
Brenna: I have my taping right now again. Matatapos na ito next week. So what happened with Stav?

I opened Google while talking to her about the problem. Sinabi ko sa kanya ang mga plano ni Stav habang nititipa sa Google iyong pangalan ng great grandfather ni Engineer Riego.

Vesarius Riego…

Nilahad lahat ng impormasyon doon. I clicked his name and found the name of their company.

VHRV Holdings, Inc. The properties of the holdings were quoted. Puro nag gagandahang hotel at realty ang mga naroon. Mangha ako ngunit hindi iyon ang gusto kong malaman. I want a family background. Not that I’m interested with the real Riegos. I just want to know his family.

Ako: Do you know the VHRV Holdings, Inc?

I know the initials were most probably his Great Grandfather’s name but I just want to see if anyone born and raised in Manila knows them.

Brenna: Vesarius Hidalgo Riego V? Iyong may-ari ng The Castle Manila? Bakit?
Ako: That’s Percival Riego’s great grandfather.
Brenna: Really? Wow! So he’s rich?
Ako: His Grandma is Vesarius’ child from another woman. Mukhang hindi sila tuluyang namuhay ng marangya dahil doon.
Brenna: That explains his features! Snow! They’re all good looking but Percival is well… I think the hottest of them!
Ako: Have you seen him now?

God. Why do I sound like I agree with her?

I Googled some images. I typed in VHRV Holdings and it showed some red carpet events in Manila with some good looking men. Almost with the same body as Tito Achilles, only with harder features. Siguro ay sobrang ganda ng ina ni Tito Achilles! If you put him with these people, he’s even more better looking!

Brenna: No. Do you have a picture?

Nagbigay pa siya ng isang malanding emoji.

Ako: Anong ibig mong sabihin? That I took a snap of him secretly?
Brenna: Hahaha! Of course not! I just thought you two have a selfie!
Ako: Baliw. Paano mangyayari iyan… I’m just confused, though. Why is he Riego when his grandma is Riego? Paano naman iyong grandpa niya?
Brenna: Why don’t you ask him?
Ako: And what do I tell him? I’m curious with his roots? We’re not even that close to tell each other’s secret!
Brenna: Baka anak din sa labas iyong tatay niya?
Ako: Baka nga. Because as far as I know, the Riegos were of spanish descent like me. While… he’s Brit.

Kinatulugan ko ang mga katanungan. I really that I should stop being nosy with his family. Pero nasaan naman kaya si Tito Achilles at Jaxon?

Is he alone in their house?

No, Snow. He won’t be alone tonight. He’ll meet someone just near caticlan o kahit sa bayan para painitin ang kanyang kama.

I shifted on my bed. Damn it, Nieves! Why do you like playing the devil inside your brain?

Naalala ko ulit ang sinabi niya noong isang gabi.

“Huwag mong alalahanin ang parteng iyan sa akin, Miss Galvez. I don’t need your opinion about that. I can definitely take care of that part of my life…”

Well, he definitely can take care of that! He’s good looking… no, that’s an understatement, even!

Parang nilikha siya bilang standard ng Panginoon sa mga babae. His blood was mixed so well that I can’t even remember meeting a more good looking person.

“You’re just so attracted with his face, Snow…” I whispered contradicting myself again.

Baka nga iyon. Baka nga masyado lang talaga akong namamangha sa kanya. That even when we aren’t equal years ago, I still fell for him without question.

Puyat na naman ako. Hindi na naman nakagising sa tamang oras kinabukasan. And my brother failed to cook for me. Medyo abala siguro si Kael sa pinapagawa ni Papa sa kanya.

Maingay na sa labas. I’ll be very late if I try to cook my own food so dumiretso na ako sa opisina para roon na lang umorder ng makakain.

Bumukas ang pintuan at napagtanto kong naroon na sa loob si Engineer. Kaharap niya na naman ang kanyang drawing table.

“Good morning, Miss Galvez…” bati niya nang nilingon ako.
“Good morning,” namutawi sa aking bibig pagkatapos ay sumalampak sa swivel chair.

I got a hold with the intercom so I can ask the kitchen to send me some breakfast.

“Hello, good morning!” bati ng sumagot.
“I’d like some breakfast. Paki dala rito sa opisina ko…” sabi ko.
“Okay, Miss Galvez. Do you have a specific menu for us?”
“Salisbury steak is fine. Orange juice. Thank you…”
“We’ll send it there immediately, Miss Galvez.”

Binaba ko ang phone at binuhay na ang laptop. Sumulyap ako sa kanya sa ibabaw ng screen ko at nakita kong seryosong seryoso siya sa ginagawang disenyo. He didn’t even talk to me… not that I want him to talk. Ano namang pag-uusapan namin?

Alas diez ng umaga ay lumalabas siya para tingnan ang ginagawa ng mga tauhan. May team siya ng mga engineers din pero hindi nagtatagal sa site. Tuwing lunch ay nagkakasalisi kami. Sa dinner naman ay si Kael lang ang kasama ko.

Panay ang tingin ko sa bukana ng Seaside baka sakaling dumating siya at makipagdinner sa amin kahit ngayong wala na si Papa sa hotel pero hindi siya dumadating.

“You should invite Engineer Riego here, Ate… Be polite…” pangaral ni Kael.

Binaba ko ang aking kubyertos. Kanina ko pa nga hinihintay ang lalaking iyon at hindi pa dumarating. How dare he indirectly tells me that I am not polite?

“Kael, why don’t you invite him. He needs to be polite. If he was, he should realize that he is obliged to join us here.”
“Paanong obligado siya gayong hindi mo naman siya inimbita?”
“The company hired him. He should always grant appearance when needed!” pormal kong sinabi.
Tumawa ang aking kapatid. “Baka nakalimutan mong parang ibinigay niya na rin kay Papa ang ilang milyong less sa gagawin niya sa hotel, Ate. Our company hired him but we should equally feel honored that a Riego is doing this for a losing hotel. He’s high end. We were…”

Nanatili ang titig ko sa aking kapatid. Taas noo ko siyang hinarap.

“Why don’t you invite him? Ang sabihin mo, Kael… Kahit imbitahan ko iyon, hindi iyon dadalo. He’s probably busy keeping his damn thing alive with other girls.”
“What?” ngumiwi si Kael.

Inirapan ko ang kapatid ko at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Ganoon lagi ang eksena. Every morning, tuwing nasa opisina ako. Madalas kong napapansin ang pagkakape niya. Puyat siguro kagabi. Hindi na ako nagtatanong kung saan siya kumakain at baka ibang pagkain ang masabi niya.

Walang imikan sa loob ng opisina. I don’t mind especially when he’s drawing.

Minsan ay may tumatawag sa kanya. Minsan ay nasa loob siyang sinasagot iyon.

“I have it with me. I’ll send it immediately. Ibibigay ko kay Architect ang blueprint na napirmahan ko na…”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Architect Gracie Marie Racaza? Or are there any more architects like her?

“I’m still trying to do it…” sabi niya at binuksan ang veranda.

Umirap ako.

“Matatapos ko siguro next week. I’m busy supervising the renovation of the hotel…” naririnig ko siya mula sa kinauupuan ko.

Pagkatapos ng isang tawag ay may tatawag ulit. May mga tawag na kakailanganin niyang pumasok sa veranda at isarado iyon para hindi ko marinig.

Huwag kang mag-alala at talaga namang hindi ako nakikinig kahit na sumigaw ka pa riyan! Wala akong pakealam!

Nagtitipa na lang ako sa aking laptop. He was outside for almost an hour! That’s an amazing phone call, huh? Ganoon katagal?

“Yes…” palabas na siya ng veranda at may katawagan parin siya. “Tutulak ako mamaya. Doon na lang tayo magkita.”

Nagtiim bagang ako. He’s also out later? He’s always out at night simula nang umalis si Papa. Ano ‘yon? Pampalipas oras? Pampawala ng init? Iyan na ba ang sulusyon niya?

Paano kung dumating si Stav ng gabi? Anong gagawin niya? Anong isasagot niya kay Papa? Not that he’s obliged to guard me… but… he promised my father!

Huminga ako ng malalim. Nandito na naman ako! Ito na naman ako! It’s already an achievement na napapansin ko ang mga kamalian ko sa aking sarili! I really hold someone’s responsibilities against them! Just to… get… what I… damn!

“You’re out again tonight?” sa wakas ay nasabi ko.

Nilapag niya ang kanyang cellphone sa lamesa. Paupo na siya sa swivel chair nang napatingin siya sa akin.

“Yes, why?”

And he asks me…

“Good that I know. For the past week, the kitchen’s been cooking food good for three people every dinner dahil akala kong sasama kang kumain namin…”

May bakas ng amusement sa mga mata niya pero hindi ako nagpatinag. Pormal akong bumaling sa laptop at malamig iyong tinitigan na parang wala lang.

“The kitchen is cooking food for the buffet. Hindi ako magdidinner sa inyo. Kung hindi man ako tutulak pa bayan ay sa bahay ako kakain ng hapunan. You’re not obliged to prepare a dinner for me,” he said matter of factly.
“That’s good to know…” malamig kong sagot nang ‘di siya tinitingnan.

Nakakairita.

Isang tunog ng aking cellphone ang bumagsak ng muling katahimikan. The call is from Stav! Unti-unti akong nag-angat ng tingin kay Engineer at napangiti ako. Seryoso siyang nakatingin sa mga papel sa harap niya.

I. Don’t. Need. Privacy.

“Hello, Stav…”

Napatingin agad siya sa akin dahil sa sinabi ko. I swayed the swivel chair to my side so I won’t see his expression as I talk to Gustav.

“Hi! Mukhang good mood ka ngayon, ha?” Stav noted.
“Of course!” I laughed. “How can I help you?”
“Well, I just think I need a vacation. Uuwi ako ng Iloilo at pupunta rin ako riyan. Am I welcome, President?” he asked playfully.

What? He’s coming here? My Papa warned me about this but I just couldn’t reject him without further evidence.

“Sure… You’re always welcome here…”
“That’s great, Snow! I have to go now. We have a board meeting coming.”
“Okay. Take care…” sambit ko.
“Take care, too…”

Binaba ko ang phone. The satisfied smug look on my face won’t go away. Lalo na nang natanaw ko ang galit na ekspresyon ni Engineer sa harap ko.

“What was that?” tumaas ang kanyang boses.
“What?” I asked innocently.
“You invited that boy here?” he hissed.

Tumayo siya at humakbang palapit sa aking lamesa. Umirap lamang ako.

“Oh please… Like what Papa said, hindi pa napapatunayan iyon. Hindi ko siya pwedeng tanggihan. May share si Papa sa kanilang kompanya…”
“Sana ay kahit pinag-isipan mo muna! Hindi ka agad sumagot!” iritado niyang sinabi.
“Anong pinag-isipan? Paano ‘yon? Stav, pag iisipan ko muna, ha? Not sure ako na welcome ka rito? May ganoon ba?” humilig ako sa backrest.

Burning anger dripped in his eyes. Sa huli ay pumikit siya, tila kinakalma ang sarili pagkatapos ay bumaling sa ginagawang disenyo.

Ngumisi ako habang pinapanood siyang padarag na umupo sa stool. Taas noo akong bumaling sa laptop at nagtipa ulit ng mga email. I also emailed Papa about what Gustav told me. Siguro naman ay malalaman ko kung kailan iyon pupunta rito. May nangyari na kaya sa imbestigasyon.

May marahas siyang pinunit na disenyo. Padabog niyang nilagay iyon sa basurahan pagkatapos ay nagsimula ulit.

Umirap ako at nagpatuloy sa pagtatrabaho.

Pagkatapos ng ilang sandali ay narinig ko ulit ang marahas na paghahati ng dalawang papel at ang pagkatapon niyon sa basurahan.

“Sayang ang papel…” I murmured.

Bumaling siya sa akin. Hindi ko siya sinulyapan man lang. Hinayaan ko siyang titigan ako ng ilang saglit pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagdo-drawing.

Naka isang oras na siya sa pagdadrawing ngunit sa huli ay pinunot niya muli iyon at naishoot ulit sa basurahan!

Kinuha niya ang cellphone niya at inayos ang gamit sa kanyang lamesa. Nagtama ang tingin naming dalawa. Kumunot ang noo ko. Alas tres pa lang, ah?

“Saan ka pupunta?” wala sa sarili kong tanong.
“Magpapalipas ng init, Miss Galvez…” aniya at mabilis na naglakad paalis ng opisina.

Pinagmasdan ko ang pag-alis niya habang unti unti kong naramdaman ang iritasyon sa akin. Magpapalipas ng init? Saan? Sa Iloilo? Sa bayan? What the hell?

Nang nawala na siya ay sinigaw ko na lang ang frustration ko!

“Akala mo ang gwapo mo, ha! Wow! Ha! Ang yabang mo! Nagkapera ka lang ang yabang mo na!” sigaw ko sabay tayo at punta sa kanyang lamesa.

Nanginginig ang kamay ko sa iritasyon. I feel like it’s been ages since the last time I feel this frustrated! Pakiramdam ko ay mababato ko ang kahit sinong lumapit sa akin ngayon!

“Nakakainis ka!”

Sa iritasyon ko ay pinalis ko ang mga gamit sa kanyang lamesa! Bumagsak ang mga papel sa sahig. Hinihingal ako habang tinitingnan iyon. Magpapatawag na lang ako ng taga linis at aalis na muna ako sa lecheng opisinang ito.

Babalik na sana ako sa aking lamesa nang nakita ang isang bote ng ink na kumalat sa isang malapad na tapos ng blueprint.

“Oh shit!” sigaw ko sabay patayo noong bote ng ink pero huli na ang lahat! “Fuck!”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2 Responses to Scorching Love – Kabanata 33

  1. I love your works.. totally.. kaya dinala ako ng mga kamay ko dito sa sarili mong website.. the world of your stories..

  2. It is perfect time to make some plans for the longer term
    and it’s time to be happy. I have read this put up
    and if I may I wish to counsel you few attention-grabbing things or
    tips. Perhaps you can write next articles regarding this article.
    I wish to learn even more issues about it!