Scorching Love – Kabanata 32

July 24, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 32

Kabanata 32
Favorite Place

Ang hirap matulog dahil sa paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko.

First, Gustav’s family might be the reason why the first attempt of renovation failed. Second, Papa trusts Engineer Riego too much. Third, he is related with the Engineers and Architects of Costa Leona.

Tinanghali tuloy ako ng gising kinabukasan. Kung hindi lang masyadong malalakas ang tunog ng naggagalawang bakal sa labas ay baka hindi pa ako nagising.

Nagsisimula na ang renovation ng mansion at maging ng hotel. Ibig sabihin ay araw-araw akong gigisingin ng mga tunog ng bakal, mga tauhan, at kung anu-ano pa.

Dumiretso na ako sa banyo para makaligo at makapagbihis. I’m starving. Hindi ko alam kung pinagluto ba ako ni Kael ngayon. Kung hindi ay mas mabuting sa restaurant na lang ako kumain.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Isang kulay brown na maxi dress ang sinuot ko. I want to be comfortable in the office. Speaking of office, did they put his table there?

Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko na makuha ang punto ni Papa sa paglalagay ng lamesa ni Engineer Riego sa aking opisina. Napaka unreasonable noon. Pwede namang maghire ng bodyguards.

Dumiretso ako sa kusina. Mas lalong umingay sa unang palapag dahil sa mga tauhan at kung anu-ano pang machines na gamit nila.

“Dito n’yo na lang ilagay, sabi ni Engineer!” sabi noong isang matanda.

Namukas ako ng mga lalagyanan sa lamesa. I saw the bread, bacon, and some fresh fruits in there. Maybe Kael did cook for me.

Kumuha ako ng pinggan at nilapag na iyon sa lamesa. Habang nag-aayos ako ay nakikita ko ang iilang mga kahoy na pinahihiga sa aming sala.

Hindi ko alam kung makakatagal ba ako rito sa mansyon kung ganito ang magiging eksena.

Sweaty uniformed men put all the materials in our living room. Inusog na yata ang mga furniture ng living room para ma maximize ang space.

Ang matandang mukhang lider nila ay namataan ako. He smiled at me and waved.

“Magandang umaga, Ma’am!”

Nilingon ako ng mga lalaki. All five of them in our living area. Higit pa yata sa lima ang nagtatrabo dahil marami pa akong naririnig sa labas. Bakit pa kasi nila naisipang magparenovate at magpa extend gayong wala namang nakatira rito maliban sa amin? We don’t need more rooms and more floors!

“Magandang umaga, po! Kain po tayo, Sir…” I said in a friendly tone.
“Tapos na kami, Ma’am. Pasensya na sa abala rito. Bilin sa amin ni Engineer na narito ka raw at huwag kang abalahin. Hindi namin alam na nasa dining area ka…”
“Ayos lang, po. Lalabas naman ako ngayon para magtrabaho sa hotel…”
“Ganoon ba? Mabuti na lang at medyo magiging maingay ang mga gagawin namin sa araw na ito…”

Nagpatuloy siya sa pagmamando sa mga tauhan. All of them have the initials “RECS” on their uniform and are wearing yellow hard hats. Maybe the first letter stands for “Riego”… He built it? And… what about the Riego clans business? Isn’t it related to this?

Pinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Tama nga si Manong. Patapos na ako sa pagkain nang biglang umingay sa labas. Halu-halu iyon. May mga nagmamartilyo ng bakal at kung anu-ano pang ingay.

“Engineer, kami na niyan…” narinig ko ulit ang boses ng matanda.
“Hindi na, wala naman akong ginagawa. Kagagaling ko lang sa hotel…”

Tumuwid ako sa pagkakaupo at namataan si Engineer Riego na naglalapag ng karagdagang kahoy. He’s sweating. His black shirt showed evidence of it. His hair is a bit damp, too. Nakaboots siya tulad ng kanyang mga tauhan at kulay puti ang hard hat.

Tumikhim ako at sinubo ang maliit na bahagi ng bacon.

He removed his hard hat and put it beside the sofa. Tumayo siya at nakapamaywang na ngayong hinarap ang mga tauhang hindi ko na kita.

“Ito lang ang ilagay n’yo rito. Huwag na kayong magdagdag. Ayaw kong masyadong naaalikabukan ang sala nila…” utos niya.
“Oo nga po… Nakakahiya kay Ma’am…”

Mukhang may itinuro iyong matanda dahilan kung bakit napalingon si Engineer sa banda ko. Kahit hindi pa ako tapos sa pagkain ay niligpit ko na lang ang aking pinggan.

Nagkatinginan kaming dalawa. May pawis sa kanyang noo at leeg. Tumaas ang isang kilay ko.

“Good morning, Miss Galvez.” He smirked.

The way he called me sent shivers down my spine. Pinikit ko ang aking mga mata at nilapag sa sink ang aking pinggan. Narinig ko ang mga yapak niya sa sahig ng aming dining area. Nilingon ko agad siya.

Nakahalukipkip siya at nakahilig sa hamba ng pintuan. Nakangisi siya habang pinagmamasdan ako. His damp hair is falling freely near his forehead and his faded jeans made him look larger than I can remember. Ang mga ugat sa kanyang braso ay nagpakunot sa aking noo.

“Why don’t you go back to work, Engineer?” sabi ko sabay halukipkip din.

Humilig ako sa sink at tinagilid ko ang ulo ko.

“I am working…” nagkibit siya ng balikat. “Mabuti at tinanghali ka. Hindi mo na nasaksihan ang paglilipat ng lamesa ko sa opisina mo. I’m sorry for the trouble but I’m glad I could be of help…”

That sounds like no trouble for him. Kumalabog ang puso ko habang nag-iisip na naroon na nga ang mga gamit niya sa opisina ko! This is all just ridiculous and unreasonable!

“I’m glad that you’re helping your workers instead of lurking around my office.”
“At bakit?” Nagtaas siya ng isang kilay. “Am I going to distract you when I’m inside your office, too?”
Ngumisi akong may bahid ng sarcasm. “I just think that an acting CEO should have a private office. I don’t know what’s gotten to my father. Sa lahat ng tao, dapat siya ang nakakaalam na dapat ay mag-isa ang isang presidente sa opisina at walang kahati.”
“Ganoon din sa akin. I can freely do my work when I’m alone in my office…” untag niya.
“Oh really?” patuya kong sambit. Kung ganoon bakit si Architect ay malayang nakakaupo sa lamesa mo ng nakaladlad ang hita? Ano ‘yon? “Then you should’ve suggested it to my father.”
“Your father have his own ways of dealing with stress. Kung ito ang gusto niya at kaya ko namang gawin, gagawin ko para makatulong.”
“And I should thank you for that, Engineer. So thoughtful of you, huh?”

Hindi ko na tinuloy ang mga sasabihin ko pa. Nagpatuloy ako sa paghuhugas ng pinggan nang tinalikuran ko siya. Narinig kong tinawag siya ng isang tauhan. May inutos siya roon.

Dahan-dahan ko siyang nilingon. May pinakitang papel iyong matanda sa kanya. Tumango siya at may itinuro sa papel.

Nabitiwan ko ang basong bulag kong hinuhugasan. Kumalampag ang sink sa nangyari.

“Shit!”

Napalingon siya at ang matanda sa akin. Ngunit nagpatuloy ang matanda habang siya’y nanatili ang nag-aalab na titig sa akin. Binalik ko ang aking mata sa baso. Nanlalamig ako nang napagtantong nahuli niya akong nakatingin.

Nang umalis siya ay huminga ako ng malalim na parang nabunutan ng tinik.

Kabado ako pagkadating sa sala. Tuwing naiisip kong makakasalubong ko siya rito o ‘di kaya’y sa labas ay parang mahihimatay na ako. I can’t take all his smirks anymore. I feel like he’s mocking me or something.

Pagkalabas ko ay napatingin agad ang mga tauhan. Imbes na batiin sila ay taas noo na lang akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa pumasok ako sa gate patungong hotel.

Mabuti na lang at wala siya roon. Hindi ko siya nakasalubong.

I entered the hotel’s back door. Nang nakapasok na sa pasilyo ng mga rooms sa unang palapag ay dire diretso na ang lakad ko.

Sa ibang elevator ako dumaan dahil mas madali roon kumpara sa front desk. Nang nasa pangatlong palapag na ako ay bumaybay ulit ako sa mga pasilyo bago tuluyang nakaliko sa tamang rooms.

Hindi ko alam kung saan tumutuloy si Kael at Papa. Siguro’y sa Presidential Suite. Nagpapahinga siguro si Papa ngayon.

Kinuha ko ang keycard at tinapat sa door handle. Tumunog iyon at bumukas. Nilagay ko agad iyon sa lalagyanan para magsimula ang power.

Tumunog ang aircon at bumukas ang mga ilaw. Nakita kong ‘di kalayuan sa aking mesa at ang isang mas malaking mesa. Humalukipkip ako habang tinitingnan ang mesa ni Engineer Riego.

Talaga bang dapat ay magkatapat kami? Kung sabagay, I’d rather see him far from me than here beside my table.

May malaking drawing table pa roon malapit sa lamesa niya. May drawing ding hindi pa natatapos doon. Ang ruler, eraser, at mechanical pen ay nakalagay sa ibabang bahagi ng lamesa.

Unti unti akong lumapit doon. Tiningnan ko kung anong dinodrawing niya.

Nakita kong isa iyong building. The middle part of it is a large box. Ang mga nasa gilid ay maliliit na box na tingin ko’y mga silid. There’s a total of six floors.

Hinawakan ko ang ginuhit niya at tinuro ko iyong mga all caps niyang sulat bilang label sa ibang bahagi.

“Decorative panel. See details…” I whispered.

Ngumiti ako at tiningnan ang iba pang nakasulat.

“Horizontally pivoted. Vertically pivoted…”

Kinagat ko ang labi ko at binaba ko ang mga mata sa pirma niyang nasa lower right corner.

“Percival Archer Riego…”

Tumuwid ako sa pagkakatayo. Pinakawalan ko ang kanina ko pa pinipigilang hininga.

I know he’d do good. I know he’d be successful. I wonder what will happen if I left with him years ago. I wonder if we’ll be here now?

Wala nang kwenta kung balikan ko pa ang nakaraan. Iyon lamang ang nakita kong sulusyon sa mga panahong iyon.

Naalala ko tuloy ang regalo niya sa aking sketch ko. I can still remember what it looks like but it’s like a faraway dream now. Iniwan ko iyon sa mansyon kasama ang singsing. Hindi ko na hinanap pagbalik dahil paniguradong pinatapon na iyon ni Tita Marem noong umalis ako. Besides, it has been five years. I don’t think it’s still here. She probably burned them.

Bumalik ako sa aking lamesa at nagsimula nang magbasa ng mga kailangang aprubahan doon.

I can see that our profit decreased for the past year. At hindi na rin self sufficient ang hotel kung isasali ang renovation. The money for it really came from my father’s pocket. Ibig sabihin noon, hindi na maaasahan ang resort sa ngayon. Makakabawi rin kami kapag tapos na ang renovation. Maybe that’s what Papa is aiming for.

Ala una nang naisipan kong bumaba para mag lunch. Hindi ako nagutom agad dahil tinanghali naman ako ng breakfast.

Pagdating ko sa Seaside ay wala na masyadong tao. There’s a couple of guest sipping their shakes. Natanaw ko si Engineer Riego sa gitnang mesa pagkaupo ko sa sariling lamesa.

Nakaharap siya sa akin habang kumakain. Tumaas ang dalawang kilay niya at nilipat ang mga tingin sa pagkain pagkatapos mapagtantong naroon ako.

“Anong gusto n’yo, Ma’am?” tanong ng waitress.
“I want the house’s roasted chicken and orange juice, please…” sabi ko.
“Iyon lang po ba? How about dessert, Ma’am?”
“No, thank you…” ngumiti ako sa kanya.

Umalis siya sa harap ko para ayusin ang aking mga inorder. May isang lumapit upang maglapag ng baso. Nagsalin din siya ng tubig.

“Thank you…” ngumiti ulit ako pagkatapos ay hindi sinasadyang binalik ang tingin sa lalaking ‘di kalayuan.

Nagtama ang mga mata namin. He raised his brows again and looked at his food. He’s done eating but he’s reading a newspaper. May isang tasa ng kape sa gilid ng kanyang pinggan.

I silently watched the crashing of the waves on our shore. Some guests were enjoying swimming, some were just sun bathing. Bumalik muli ang tingin ko sa kanya. May binabasa siya sa newspaper na hawak. Whatever.

Naglapag ng orange juice ang waiter. Pinasalamatan kong muli. I sipped from it. Nag-angat siya ng tingin sa aking baso pagkatapos ay binalik muli sa newspaper ang mga mata.

I can only imagine the awkward silence between us once we see each other inside the office. He’ll do his own thing while I do mine.

Pagdating ng aking pagkain ay tumayo na siya. Siguro’y tapos na sa paglulunch at pagbabasa ng newspaper. May sinabi siya sa waiter pagkatapos ay dire diretso na ang lakad papasok sa hotel.

I sighed heavily. I picked up my spoon and fork. Hindi ko alam kung bakit parang nawalan ako ng ganang kumain.

Pinilit ko ang sariling kumain. Pagkatapos nito ay may titingnan pa ako sa mga emails ko sa laptop. Hindi naman masyadong maraming trabaho kaya naisip kong kung matapos ko ang mga email ay magpapahinga ako.

Ngunit saan ako magpapahinga? Sa sun loungers? Sa maingay na mansyon?

The thought of the white mansion near thrilled me. Paano kung doon? Nasa ibang bansa ay may ari noon kaya pwede akong umupo muli sa duyan para makapag pahinga.

The thought of spending a quiet afternoon there motivated me to finish what I have to do that day.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa opisina. This time, a keycard rested on the power source. Sa buong silid ay naamoy ko agad ang mamahaling perfume o bodywash na hinalo sa aftershave.

My heart raced at the thought that he’s here. Nilingon ko ang kanyang lamesa at nakita kong nakatalikod siya’t nagda-drawing sa drawing table niya. Isang lingon ang ginawad niya sa akin.

Hindi siya nagsalita at binalik ang tingin sa ginagawa. He changed his clothes. I wonder where he does that? Here? At naligo siya, ha? Ang bango niya.

My swivel chair made an awkward sound as I tried to sit. Tumikhim ako at binuhay ang laptop.

I checked the emails and then returned my sight to his broad back. Tumayo siya at agad kong nilipat ang tingin sa aking screen.

Nakapamaywang siya ngayon habang tinitingnan ang guhit pagkatapos ay kinuha niya iyong malapad na papel at nilukot. He put it inside the trash bin. Umupo siyang muli at nagsimulang gumuhit.

Ngumuso ako at nagbasa ng mga emails.

Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe galing kay Stav. Tinuon ko agad ang pansin ko roon. He’s texting me everyday. Isang text lang at kapag nagrereply ako ay minsan nakakapag reply siya, minsan naman hindi na. He’s busy with all that he’s doing but now that Papa thinks they wronged the company… iba na ang naging tingin ko rito.

Stav:
I’m in Manila. I thought we’d see each other but I just realized you’re in Costa.

Ako:
Yes, I am. Hindi ka ba uuwi ng Iloilo?

Pagkatapos kong magtipa ay nag-angat ako ng tingin sa harap. Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Tumunog muli ang cellphone ko.

Stav:
Maybe soon. May mga inaasikaso pa. How’s your renovation going? Sino ang pinagawa n’yo?

Ako:
Kaibigan ni Papa, Stav.

Stav:
What company or builder?

Hinalughog ko ang buong lamesa ni Papa para lang mahanap iyong kontrata niya sa kompanyang kinuha. Nang nakita ko iyon ay bahagya akong natulala habang binabasa ang pangalan ng kompanya at ang seal nitong kulay gray na gear with the initials RECS.

Ako:
Riego Engineering and Construction Services.

Stav:
Haven’t heard of that. Is that a small time contractor or builder? Dapat ay hindi nagtiwala agad ang Papa mo. Baka maloko ulit kayo…

Hindi ko alam kung anong ititipa kong reply para kay Stav. Kung totoo ang sinabi ni Tita Marem at ni Papa, ibig sabihin naninira lamang siya.

Stav:
I can suggest someone.

Nagtiim bagang ako habang binabasa ang dagdag niyang mensahe. Tumikhim ang kasama ko dahilan kung bakit napaangat muli ako ng tingin.

He combed the back of his hair with his fingers. Umupo siya sa kanyang swivel chair kaya magkaharap na kami ngayon. Binuksan niya ang kanyang laptop at ngayon ay abala ring tumingin doon.

Ako:
It’s alright. The contract has been signed. It’s too late.

Stav:
It’s not too late if it’s just a small time company, Snow.

Ako:
Stav, I know but pinaninindigan ni Papa ang mga desisyon niya kaya ito na talagang kompanyang ‘to ang gagawa.

Stav:
Would you risk your hotel because of that, though? Mas mabuti iyong sigurado. Paano kung pangit ang pagkakagawa? What will happen to the five star hotel status.

Nilapag ko ang cellphone ko. I want to stop texting him. Ayaw kong kinikwestyon niya ang desisyon ni Papa. Ayaw ko ring kinikwestyun ang abilidad ng kinuha niya.

Ilang sandali pa kaming nanatiling tahimik doon. Medyo seryoso rin siya sa ginagawa niya habang ako’y pilit na pinipirmi ang mga mata sa mga emails. Minsan ay hindi pa pumapasok sa utak ko lahat ng nababasa.

Alas tres nang natapos ako sa ginagawa. Tumayo ako. Nag-angat ng tingin si Engineer sa akin.

I suddenly hesitated if I’ll tell him I’m leaving him alone here in the office or not. It’s rude to just leave without saying anything but we’re not entirely friendly with each other so it won’t shock him.

“Maiwan na kita at magpapahinga na ako…” sabi ko kahit na taliwas sa iniisip ko.
“Okay, Miss Galvez,” aniya at nanatili ang mga mata sa laptop.

I sighed and checked my table for possible mess. Nang nakitang wala ay dumiretso na ako palabas.

The thick air inside heavied my lungs. Pagkalabas ay para akong nakahinga ng mabuti. Mabuti na lang at natapos din. Ibig sabihin ganito ka hirap araw araw? And I was just there for an hour, nahirapan na agad ako?

Pinuntahan ko ang manager at kinausap sa mga posibleng problema. At dahil hindi naman kami gaanong fully booked ay hindi rin naman marami.

Alas kuatro nang tumulak ako patungong puting mansyon. Sa shore ako dumaan at kahit doon ay dinig na dinig ko ang ingay galing sa aming mansyon. Iniisip ko kung anong oras kaya iyon matatapos?

Pagkadating ko sa puting mansyon ay biglang pumayapa ang hangin at ang tunog sa paligid. This place is really relaxing.

Hinawakan kong muli ang wooden gate nito. In full bloom ang mga bulaklak sa mga baging at ang mga huni ng ibon sa tabing gubat ay mas lalong lumakas.

Ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang alon sa dagat at ang mga dahon sa taas ng mga katabing puno na hinihipan ng mabining hangin.

The wooden bench creaked noong umupo ako roon. Tiningala ko ang chain na nagsasabit niyon sa ceiling. Inangat ko ang paa ko para makalas ang sandals at iniwan ko iyon sa sahig ng porch. Nilagay ko ang paa ko sa cushion ng inuupuan at hinilig ko ang batok ko sa back rest ng bench.

This place is so relaxing. My mind wandered…

Sino kaya ang may-ari nito? Is it a foreign family? A local? A businessman?

Hinatak ng antok ang aking mga mata at unti-unti akong naidlip. Nagising ako nang nagbabadya na ang paglubog ng araw. May bumagsak sa dagat dahilan ng pag-angat ko ng ulo. Nakita kong bayolenteng umalon ang nakataling bangka.

“Guni-guni ko lang iyon…” sabi ko at hinilig muli ang ulo sa bench.

Nakapikit ako pero gising na. Gusto kong umidlip pero medyo nagising ang diwa sa narinig. I concentrated on the birds on the trees near the house. Unti unti ay hinatak muli ako ng antok.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang nagdaan nang nakarinig ako ng mga yapak sa hagdanan ng porch. Am I dreaming?

Nang napagtantong maaaring narito ang may-ari ay nagpatalon sa akin. Inangat ko ang ulo ko at kinusot ang mga mata.

The image of a man half naked flashed on my blurry eyes. Binaba ko agad ang paa ko, medyo nahihiya sa may-ari na kumportable akong natutulog doon!

Nang sa wakas ay naging maayos ang paningin ko ay nakita ko ang lalaki.

Matipuno ang kanyang katawan. Beads of salt water ran down the cracks of his chest. His hair was pulled back. Ginulo niya iyon gamit ang tuwalya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang lower extremities and he’s only wearing a black swimming trunks. It hugged his body revealing his muscular thights. Ang manipis na buhok sa kanyang lower leg.

“I’m sorry to distrub you, Miss Galvez…” he mocked.

Bumalik ang tingin ko sa kanyang mukha at nang nakita ko ang pamilyar na kulay ng mga mata niya ay hindi ko na mahabol ang aking hininga. Engineer Riego smirked. Nilagay niya ang puting tuwalya sa kanyang balikat at kinuha ang nakalapag na tasa sa hawakan ng porch. Humilig siya sa pundasyon at tiningnan akong mabuti. Nilahad niya ang tasa sa akin.

“Coffee?” aniya.
“W-Why are you here?” pagalit kong sinabi sabay tayo.

Inayos ko ang sarili ko. I can feel the sweat from the nap I had on my face. Damn it!

He only smiled.

“Sinusundan mo ba ako? Hindi ba may ginagawa ka sa opisina? Tapos ngayon, nandito ka naman? You’re a stalker!” paratang ko.

Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay nilapag ang tasa sa kung saan iyon kanina. Malamig ang tingin niya sa akin ngayon pagkatapos ay humalukipkip siya.

“Alas singko y media na, Miss Galvez. Natural na umalis na ako sa opisina at tapos na ako sa mga gawain.”
“And? That doesn’t answer my question! Why are you here? Are you stalking me?”

Umangat ang gilid ng kanyang labi. His eyes were suddenly filled with sadness, confusion, and exhaustion.

Humakbang siya palapit sa akin. Ang pinong buhok sa kanyang dibdib ay nakikita ko. Umatras ako sa takot na hindi ko pa kailanman naramdaman galing sa kanya.

“I demand your answer!” pagalit kong sigaw para lang maintimidate siya ngunit nagpatuloy siya sa paglapit sa akin.

I reached the corner of the porch. Aatras pa sana ako nang pagilid ngunit hinawakan niya ang veranda sa magkabilang gilid ko at yumuko siya para maglebel ang mga mata namin.

Saltwater and his manly scent attacked my nose. Gusto kong mag-iwas ng tingin sa kanya pero matapang ko siyang hinarap. Ayaw kong nakikita niyang naiintimidate ako.

His gray eyes is now directed at me. Bawat galaw ng kanyang pilik mata ay nakikita ko. Para bang pinupuno niya ang kanyang tingin ng aking mga mata. It’s like he’s searching for something and I don’t want to give it away. My hands immediately went to his chest for a push but he’s too strong to even move an inch.

“Umalis ka sa harap ko, Engineer!” sigaw ko pagkatapos ay tinulak ulit siya.

Unti unting nag-init ang palad ko kahit na basa ang kanyang dibdib. Bumagsak ang mga mata niya sa kamay kong nakahawak sa kanya.

My breathe hitched that I immediately removed my hands on his chest.

“What are YOU doing here, Miss Galvez?” he said with emphasis.
“Ako ang unang nagtanong niyan! I deserve the answer first so why don’t you answer me now!?” sigaw ko.
“Hmm… Okay, I’ll answer you…” he whispered in a sweet tone. “But first… I have another question…”

Parang haplos ang tinig niya sa aking tainga. Nanginig ang binti ko kaya hinayaan ko ang sarili kong suportahan ng veranda sa likod. Kumunot ang noo ko.

“Are you so fond of this house? You came here a couple of times, right?” he whispered.
“What?” Napakurap kurap ako. Paano niya nalaman? “Are you fucking stalking me?”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at bumagsak ang mga mata niya sa aking labi. Humugot ako ng malalim na hininga pero parang ‘di parin sapat iyon sa aking baga. Damn!

“The CCTV showed me that you came here to sleep…” he smiled.
“W-What?” lito kong tanong.
He smiled. “I own your favorite place…”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.