Scorching Love – Kabanata 31

July 24, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 31

Kabanata 31
Vile

Hindi ko talaga alam kung saan ako pupulutin sa hotel. I hate to stay inside the hotel walls because I might see them. I hate to stay in the mansion because it’s noisy and there’s an even bigger possibility of bumping on him.

Kung hindi ako tinawag ni Papa sa kanyang opisina ay malamang sa sun lounger ang bagsak ko.

Ngunit ang akala kong usapang exklusibo lamang para sa amin ay hindi pala. Nadatnan ko rin siya sa gilid ng opisina ni Papa, kunot ang noo at nakahalukipkip. Mukhang may importante silang pinag-usapan ni Papa.

Imbes na ituon ko ang pansin sa kanya ay nilingon ko na lang ang aking ama.

Ibang-iba ang ekspresyon ni Papa nang dumating ako sa opisina niya sa hapon na iyon. Akala ko’y may problema siya sa kalusugan pero nang harapin niya ako at tumayo ay napagtanto kong mukhang iba ang kanyang problema.

Umupo ako sa silyang nasa harap ng kanyang lamesa. Siya naman ay nakatayo sa harap ko. The Engineer’s near the veranda of the office.

“Is there a problem?” I asked.

It’s weird. Parang binibiro niya pa ako kaninang umaga at ngayon ay ganito na kaproblemado ang kanyang mukha. Tungkol ba ito sa ginagawang mga building?

“Marem called…” he began.

Bahagya akong natigilan sa panimula. What is it now? I don’t actually remember the last time Tita Marem and I saw each other. Tingin ko ay iyong huli naming pagkikita ay nang inakyat niya ako sa chopper namin kasama si Gustav patungong Manila.

Papa sighed. I’m anticipating a very bad problem now… Si Tita Marem ba naman ang nagdulot sa kanya nito.

I’m also weirded out. Why is he here while we’re talking about a sensitive topic? Ganoon na ba kalapit si Papa sa kanya at pinahintulutan niya itong manatili rito habang nag-uusap kami?

“Because of what happened to the renovation, pinahanap niya ang mga nawalang tauhan. Ang tumangay sa ating pera…”

Kumalabog ang aking puso sa sinabi ni Papa. Hindi ko inasahang nagpahanap si Tita Marem. Akala ko’y sa kahihiyan ay hindi niya na muli nilingon ang problema.

“Ganoon din ang ginawa ko, Snow. Only in a separate investigation with her and… I think they’ll arrive in the same conclusion.”
“Bakit, Papa?” kabado kong tanong.
“The engineer was captured by the NBI. Sinabing binayaran para sadyang tangayin ang pera ng kompanya. The original plan was giving them half of the total renovation price but Marem gave them just that amount for security purposes…”
“Sino ang nagbayad sa mga taong iyon, Papa?”
“I don’t want to believe it…”

Natulala si Papa pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumayo ako. Hindi na mapakali sa anticipation na nadarama.

“They called me just yesterday to ask about you. Hindi ba nangumusta si Stav sa’yo?”
“What? Anong kinalaman ni Stav at… he texts me everyday, Papa.”
“Did he mention you that he’s already in Manila.”
“No, he didn’t…” Umiling ako.
“Well, he is back in Manila. His father pressured me last night to start your wedding preparations… Hindi ko sinabi sa’yo dahil hindi naman ako sang-ayon. Hindi mo pa kinukumpirma na papayag ka…”
“Wait, Papa… Ano ang kinalaman nito sa Engineer na binayaran?”
“Marem said that the Engineer is connected with the Lagdameos. They have past transactions…”

Naestatwa ako sa sinabi ni Papa. I have known Stav and he’s been very good to me. His family is good, too. Hindi ako naniniwalang sila ang may pakana. I’ll never doubt their sincerity! Besides, past transactions lang naman ang sinabi. Baka naloko rin ang mga Lagdameo.

“Baka nagkakamali. Baka hindi totoo, Papa. Baka naging Engineer lang nila iyon some time years ago… Stav is a good man!” I said with conviction.

Kahit na hindi ko siya gusto bilang asawa ay alam kong hindi siya masamang tao. He’s formal, kind, and soft-spoken. It’s impossible!

Engineer Riego, I prefer calling him that now because I want to forget that we were once very close, shifted his weight. I can see it on the corner of my eye.

“I know, hija. Wala pang napapatunayan pero kung si Marem na mismo ang nagsabi, malamang ay tama siya,” may katiyakan niyang untag.

Hindi ako nakapagsalita. I’m not sure about that. Sa lahat ba naman ng ginawa niya sa akin noon… Pero kung gusto ni Tita Marem si Stav para sa akin, bakit niya sisiraan ng ganito?

“Now,” Papa looked older because of the problem. “The Lagdameos pressured me. They will buy my shares para mapaalis ako sa kanilang chain of hotels kung sakaling hindi masusunod ang gusto nila kay Stav. I wondered why they were in a hurry… We did a bit of research…” he then glanced at him.

Napasulyap din ako sa kanya. Nakataas ang isang kilay niya.

“May problema sila sa mga board nila. Medyo magulo ang kanilang executives at naaapektuhan na ang pang-araw araw na service. Hindi na napapasweldo ng maayos ang mga tao dahilan kung bakit mas lalo silang bumabagsak.”
“What? No!” I defended.

Deep in my heart, I know I believe my father. I just want to deny it to myself. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang mangyayari. Lalo na sa parteng may kinalaman sina Stav sa nangyaring iyon kay Tita Marem.

Naglakad si Engineer patungo sa lamesa ni Papa. May nilapag siyang newspaper roon na nakatutok sa Business section. There’s a small heading that says “Crew Sues Hoteliers…”

Why is this man here, by the way?

“Papa, baka naman may pagkakamali. Hindi kaya pinagkaisahan sina Stav.”
“I know, hija. I don’t want to be quick to judge but I just want you to be careful. Hindi nagsabi si Mauricio na uuwi sila ng Iloilo pero kung sakaling mapapadpad sila rito habang wala ako, I hope you don’t decide hastily…” he said.
“I won’t…” matapang kong sinabi.

Pilit paring gumugulo sa utak ko ang dahilan kung bakit narito ang isang ito sa opisina ni Papa. Siguro’y nahalata ni Papa ang pagtataka ko nang sinulyapan kong muli ito…

“In the mean time, you will be in charge of the whole hotel activities once I’m off to Boracay. However, I ask you to accomodate Engineer Riego here in your office.”
“What?” litong kong tanong.

Wait a second… is this even necessary?

Sumulyap ako kay Engineer. Nanatiling kunot ang kanyang noo. Hindi nagbabago ang ekspresyon.

“Pinakiusapan ko siya kung pwede bang ilipat niya muna ang lamesa niya rito sa opisina mo habang narito siya at pinamamahalaan ang renovation para kung sakali mang dumating ang mga Lagdameo ay hindi ka mag-iisa.”
“Can’t we just alert the whole security? or maybe hire some men to roam around my office?”
Papa cocked his head to one side. Pinagtataka niya ang mga suhestiyon ko. “I will, too. We can’t just suddenly ban the Lagdameos here just because of our research. We don’t have enough evidence to prove that they’re after the hotels, Snow. Ayaw ko ring magconclude agad pero para makasiguro ako, gusto kong maayos ang lagay mo rito.”

And he really thinks aayos ang lagay ko dahil kasama ko itong isang ito?

Tumikhim ako at tumuwid sa pagkakatayo.

“I really think this is a very harsh move. I believe Engineer Riego will be able to do more work in his own office with his Architect than here. Also, nakakahiya naman sa kanya, Papa…”

Sumulyap ako kay Engineer. He’s eyebrow shot up and he now looks amused.

“He’s not here to be my bodyguard. He’s here to work as an Engineer…”
“Pinakiusapan ko siya, anak. Para na rin sa ikakapayapa ng damdamin ko. I know that it’s too mush to ask of Engineer Riego but he’s the only one I can count on here. We’re out of our mansion’s crew, the security may not be enough… Gusto kong may pinagkakatiwalaan ako, Snow…”
“Mr. Galvez, I want to be of help but if your daughter refuses, I want to honor her decision…”

Nagtiim bagang ako sa kanyang sinabi. He even sound amused, too. Pinilit kong huwag siyang tingnan kahit na napapalingon na ako sa banda niya.

“Snow!” medyo tumaas ang boses ni Papa.

Ang mga ugat sa kanyang leeg at ulo ay lumitaw. Bigla akong ginapangan ng kaba sa maaaring mangyari sa kanya kung nagpumilit pa ako sa kagustuhan ko.

But what the hell is that suggestion, really? Wala na bang ibang paraan? Talaga bang ganito na lang?

“What about Kael?”
“Your brother is too young, Snow. Also, I have other works for him so he’ll be a bit busy…” si Papa.

I rolled my eyes. Do I really even have a choice?

At ano ang sasabihin ng lintek na girlfriend niya kung sakaling malaman na rito siya mag-oopisina sa opisina ko? This is just ridiculous!

“Fine. If this is what can make your mind at peace, Papa,” pinal kong banggit.

Pagkatapos ng usapan ay hindi ko na ulit sila nilingon. Nagpaalam ako sa labas, medyo litp parin sa nalamang impormasyon.

Hindi pa nakukumpirma iyong sinabi ni Papa pero kung nasabi na rin iyon ng isang testigo at mismong si Tita Marem ay nakapagpasyang ganoon nga, malaki ang posibilidad na totoo.

I spent the last hours in the afternoon sitting at the sun lounger. Tinawagan ko si Brenna para ikwento ang nalaman kay Papa. She has a taping but she willingly accepted my call.

“Is that true? Do you think Tito Remus is right?” tanong ni Brenna.

I can hear the chattering of her make up artist on the background.

“I am not sure, Bren. Pero kung sinabi ni Tita Marem iyon, malamang. Why would she accuse Stav’s family? She liked them. That doesn’t make sense…”
“And after what your Tita Marem did to you and your first love, naniniwala ka parin sa kanya…”

Bumuga ako ng hininga at pinanatili ang mga mata sa horizon. I want to reject what she just said… ngunit sa likod ng aking damdamin ay alam ko na may sense naman si Tita Marem.

She didn’t trust the Riegos enough because of what happened to her in the past. She tried to protect me… and maybe have her own taste of revenge… Noong una ay kinamumuhian ko siya sa ginawa niya sa amin. Pero ngayong nakita ko na ang nangyari… he became an Engineer. He seems good at it. I know he’ll do good. Si Tita Marem ang dahilan kung bakit siya naging successful ngayon.

I cannot even imagine what might happen if I didn’t reject his offer five years ago. Kung sumama ako sa kanya at hindi niya naipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi rin ako magtatapos. Papa will get so upset. It will be harder for Kael. And what will happen to Sibal’s family, then? Tita Marem will surely release her wrath to them.

“I just think she makes sense even when she’s sometimes evil…” sabi ko.
Humalakhak si Brenna sa kabilang linya. “Well, that’s new…”

Inubos ko ang oras niya hanggang sa magsimula na siya sa kanyang taping. Pagkatapos naming mag-usap ay siyang paglubog ng araw. I won’t get tired of looking at the sunset while I’m here. Nag-aagaw ang kahel at kulay pink sa langit. It’s a weird sight… it’s a different sunset. Well, it’s always a different sunset everyday.

“Miss Galvez, pinapatawag ka ni President. Maghahapunan na raw po kayo…” sabi ng isang empleyado.
Tumango ako at nilingon ang lalaking may hilaw na ngiti ngayon. “Sinu-sino ang naroon sa lamesa?”
“Si President, si Kael, at si Sibal, po…”

Binaba ko ang paa ko sa buhangin at hinanda ang sarili. Kumunot ang noo ko at nilingon muli ang lalaki. Namilog ang mga mata ko nang napagtanto kung sino iyon.

“Omar?” I said, kind of shocked!

Yumuko si Omar at ngumiting muli sa akin. His bony face isn’t that bony anymore. Medyo nalamanan na siya, pati ang katawan niya!

How I miss the old bunch of employees here in The Coast. I’ve heard Mrs. Agdipa moved to the Boracay Branch to lead. Hindi ko alam kung nasaan na ang iba pero kagulat gulat ang makita muli si Omar dito!

“Nalulugod akong naaalala mo pa pala ako, President Snow…”

What the hell? I know I didn’t like him way back but seeing him here right now made me actually happy.

“Hindi ko alam na nandito ka parin nagtatrabaho. Ang akala ko ay umalis ka na ng Costa Leona.”
“Mahirap umalis dito, Ma’am. Dito kami nakatira…” ngumiti siyang muli.

The familiar disgust I’m feeling when he smiles filled me. I snapped out of my amazement. Tumayo ako at naglakad na pabalik ng Seaside, kung saan kami malamang kakain.

“Limang taon ka na rito, ah?” sabi ko.
“Pitong taon na po…” sagot niya.

And he remained a waiter? I didn’t voice that one out.

“Hindi ka ba nag-aral?”

Papasok na kami ngayon sa Seaside. The guests were near the long rectangular tables of our buffet. Kitang kita ko sa kanilang mukha ang pagkakamangha.

“Hindi po, President…”
“Mabuti at hindi ka pinadala ni Papa sa Boracay?” sabi ko.
“Muntik na nga po, e. Mabuti na lang at napakiusapan ko pa.”
“Kung doon ka, mas malaki ang suswelduhin mo…” I said matter of factly.
“Mas matimbang parin sa akin ang Costa Leona…”

Papasok na kami sa exclusive room. Malayo pa lang ay naharap ko na si Engineer Riego. Katawanan niya pa si Papa habang nasa hapag sila ngunit nang nakita ako’y agad naging madilim ang ekspresyon.

Lumamig ang aking tiyan. Alam kong galit siya sa akin. Maaaring isang malaking burden sa kanya ang pinapagawa ni Papa, ayaw niya lang tumanggi sa matanda. I tried to vouch for him but father just isn’t the type who’d give up easily so I failed.

Uminom siya ng tubig nang lumapit na ako sa lamesa at naupo. Pagkalapag niya ng baso ay nag-angat siya ng tingin kay Omar.

“Omar, paubos na itong wine. Kumuha ka ng isa pa…” utos ni Papa.
“Sige po, President…” ani Omar ngunit mas inuna ang paglalagay ng tubig sa aking baso.

I smiled at him while holding the glass. I’m thirsty. I spent the whole late afternoon by the beach. Nanatili akong nakahiga sa sun lounger ng walang iniinom at patuloy ang pakikipag-usap kay Brenna.

“Thank you, Omar…”
“Walang anuman, President Snow…” he smiled again. “Excuse me at kukuha pa ako ng wine…”

Tumango ako at binalingan na ang pagkain.

“Kilala mo ba ang empleyadong iyon, Snow?” tanong ni Papa.
“Nakalimutan mong naging Presidente ako rito noon, Papa.”

Bumaling si Papa kay Engineer Riego at ngumiti. Napaangat din ako ng tingin. Why is he alone and why is he without his girlfriend by the way? Where is his architect?

“Oo nga pala at may ibang empleyado pang nanatili rito. Hindi lahat ang nailipat ko sa Boracay. May iba paring gustong manatili rito kahit na mas malaki ang sahod sa bagong hotel…”
“Gusto niya rito dahil taga rito siya,” sagot ko habang kumukuha ng pagkain sa pinggang nasa harap.
“Yes… But some were too eager to have a better salary so they agreed to leave. Talagang may ibang taong mas pinipili ang sentimental value kesa sa mas magandang offer…” si Papa sabay tingin sa kaharap kong si Engineer.
Tumango ito. “Some wants the better offer, though. Konti lamang ang mas pipiliin ang may sentimental value lalo na kung konti lang ang makukuha…”

Ngumuso ako at nanatili ang mga mata sa pagkain ngayon. I suddenly feel uneasy.

Bumunghalit ng tawa si Papa. I don’t get what’s funny. Napa angat muli ako ng tingin sa kanya. Nanginginig talaga ang balikat niya sa katatawa.

“You’re the exact example of those who wants the sentimental value of the place… Kahit na mahirap ay mananatili ka…” hindi ko alam kung bakit tunog papuri iyon.
“Ayaw ko po ng madaling buhay ng walang ginagawa. I want to earn my keep…”

My eyes darted at him. Passion burned in his eyes while he gazed at me ngunit nawala rin agad iyon at napalitan ng amusement at sarcasm. Shocks of pain pinched my heart when I realize that it probably isn’t passion… siguro’y iyon lamang ang naiisip ko dahil umaasa akong may nararamdaman parin siya kahit paano.

How I want to move on but my heart is betraying me each time I try. Nanatili ang tuwid kong upo. Men can talk about what they want in front of me. I should act like I don’t really care at all…

“Parehong pareho kayo nitong si Kael, Engineer. Pati ang bunso naming si Solomon… Your father must be very proud of you…”
“My father taught me that, President Galvez. Siya rin ay ganoon ang ginawa.”
Papa smiled. “You are truly one of the Riegos. Kahit na anong sabihin nila tungkol sa inyo, talagang nananalaytay parin ang dugo nila… And you were raised on their mansion but chose to live a simple life…”

Hindi ko na makain ng mabuti ang pagkain ko sa naririnig kay Papa. So they are one of the Riegos of Costa Leona! Parang puzzle ang utak kong nagdikit dikit ngayong nalalaman ko ito.

“Engineer, you are related to the Riegos of Costa Leona? That explains why you became one!” ani Kael, namamangha.
“Ang aking Lola ay anak ni Vesarius Riego sa ibang babae, Kael. Pinili rin ng Lola kong manahimik na lang at mamuhay ng payapa sa tabing dagat. She refused the Riegos offer of shelter because like me, she wants to earn her keep…”

Napainom ako ng tubig sa sinabi niya. Dumating si Omar at nagpaputok ng bagong wine. Binuhusan niya ng wine ang wine glass ni Papa.

Vesarius Riego? Where did I hear that? It sounds so familiar! It sounds so popular that I think the name contributed something great in this world.

“So you’re his great grandchild, then?” namamanghang tanong ni Kael.
“Achilles refused the offer of his father of a better life, too. He wants to earn his keep…” Papa sighed. “Marem’s wrath got all of you…”

Pinaglalaruan ko na lang ang pagkain ko ngayon. Kung hindi lang ako tinawag ni Omar ay hindi ako muling matatauhan.

“Dalawang taon ako sa Casa Riego pero mas pinili ko ang mamuhay sa tabing dagat. Gusto kong paghirapan ang mga bagay na kailangan ko…”

I smiled at Omar after he poured the wine. At the corner of my eye, nakita kong nakatingin muli si Engineer sa akin.

“Tell me, Engineer… Did you ever think of giving up?” kuryosong tanong ni Kael. “I mean, naging mangingisda ka para mabuhay at nagtrabaho ka sa hotel na ito… Mahirap iyon lalo na’t nag-aaral ka pa. Minsan ba’y sumagi sa isip mo na humingi ng tulong sa mga Riego. Kahit isang beses lang?”

Hindi agad siya sumagot.

“Oo. Isang beses…”
Tumawa si Papa. Bumagsak ang tingin ko sa mga kubyertos.
“I gave up. I will ask for their help. I buried my pride and ego… I promised myself I’ll pay them back when I’m on my feet…”
“And?” kuryoso paring tanong ng kapatid ko. “They helped you?”
“Hindi natuloy. Hindi naman pala kaya ng ipaglalaban kong humarap sa buhay kasama ako. In the end, I didn’t need their help… I can do it on my own…”

Umalpas ang kaba sa dibdib ko pagkatapos ng sinabi niya. Is that… Wait… what?

“So you got all the jobs you want by yourself…”
Tumango ito sa aking kapatid.
“And wait… hindi naman babae ang pinaglalaban mo at nanghingi ka pa ng tulong sa pamilya mo, hindi ba?”
Tumawa lamang ito dahilan kung bakit natawa rin si Kael. Nagtawanan silang tatlo.

What the heck?

“I’ve learned my lesson well, Kael. Hindi na ako uulit pa kahit anong akit na mangyari.”

Inangat ko ang aking mga mata. Hot tears pooled around my eyes. Nakita kong inangat niya ang wine glass at tiningnan ako sa gitna ng kristal nito.

Anger burned inside me. Pinaparinggan niya ba ako? And is he telling me na inakit ko lamang siya noon?

“So you don’t want to have a girlfriend?” Kael asked in amusement.
“I can have all the girls I want, Kael. And that’s that…”
“You’re still young, Engineer. You should enjoy that. Ganoon ako noong kabataan ko ngunit nang nakilala ko si Agnes…” Nagkibit balikat si Papa.

Pinangalahatian ko ang aking wine pagkatapos ay kinurap ang luhang namulupot sa aking mga mata.

“I think Architect Racaza is hot,” now my brother sounds too boyish.
“Kael…” malamig kong sambit.
Tumawa muli si Papa. “Hija, I’m sorry you heard this. This talk should be for boys only…”
“Huwag n’yong tuturuan si Kael na mambabae!” Engineer Riego!

He smirked at me. The fire burned in me, spreading like wild fire. How could he let me hear all of this? Oo at nasaktan ko siya noon pero sobra sobra naman yata ito ngayon!

Kinalma ko ang sarili ko. I need to understand that it might now be for me to hear it. My father and my brother were curious. He supplied the answers. It’s not his fault. I’m over reacting!

And I can’t believe my father wants me to get to know him because he “likes” him. Kaya niya ba akong ipagkanulo sa lalaking ganito ang pananaw? Hindi ba sumagi sa isip niya na maaaring pinagkakanulo niya ako sa isang lalaking mananakit lamang sa akin?

“More, President?” tanong ni Omar sa aking gilid.
“Please, Omar…” sambit ko.
“Hindi ka ba sang-ayon, Ate? Hindi ako nambababae, I just praised her. She’s beautiful, like you…”

Matalim kong binalingan ang aking kapatid. His smile faded when he saw my expression.

“Oh please, Kael. Don’t compare me to here. I’m regal…” mariin kong wika.

Engineer Riego smirked. Ngumuso ako at biglang pinang-initan ng pisngi. God, I couldn’t just shut my mouth!

“Regal but alcoholic?” the man in front of me asked.
“Not very regal after all…” Kael bullied me.

Tumawa muli si Papa. I’m already getting tired of hearing his baritone laugh especially when I’m being bullied!

“More, Omar…” sabi ko sabay bigay sa kanya ng wine glass ko.
Muli ay magsasalin sana si Omar.
“Omar…” Engineer Riego sneered at him.
“Gusto niya pa, Si… Este… Engineer…” si Omar.

Kitang kita ko ang biglaang pagdilim ng mukha niya para rito.

“Anak, tama na ‘yan. What’s with you and why do you want to get drunk?” si Papa.
“Can’t I drink?” Medyo naiirita kong tanong.
“Tama si Engineer. Hindi magandang umiinom ka lalo na’t maaga ka bukas. Ikaw ang hahalili sa akin. Hindi pa ako aalis but I intend to rest for a couple of days before leaving the resort. Iyon ang gusto ng doktor…”

Binaba ko ang aking wine glass. Great! I feel like they’re all conspiring to do this to me.

Nanahimik na lang ako. All of them were just laughing because of some stupid jokes they exchanged. Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa opisina para tingnan ang mga maaari kong gawin bukas. Hindi ko na alam kung saan nagpunta si Papa, Kael, at Engineer Riego. I bet they continued drinking wine. Ako lamang ang pinagbawalan ng mga iyon.

Humikab ako at pinatay na ang laptop sa lamesa. Poproblemahin ko na lang ito bukas.

Alas diez nang bumaba na ako galing ng opisina. Si Omar ay nasa reception area, nakikipag-usap sa front desk. Plano kong bumalik na ng mansion dahil doon ako matutulog pero gusto kong malaman ni Omar na nalulugod ako sa ginawa niya kanina. Frankly speaking, I find him a better employee now than the last time we saw each other.

Naglakad siya malapit sa glass door ng aming reception. Sinundan ko siya kahit noong lumabas siya. Huli na nang nakita ko sa tapat namin ang kapatid kong sinusuri ang isang kulay puting Silverado.

He checked its big black tires and rims. Engineer Riego was standing just beside him trying to fold the hem of his sleeves. Nagtama ang tingin naming dalawa.

“Wow! This is my dream car…” my brother said in amazement.
“Oh, President…” puna ni Omar.
“Omar, uh… Magpapasalamat lang sana ako sa’yo sa ginawa mo kanina. I’m sorry na rin sa nangyari…” sambit ko.
Nagkamot sa batok si Omar at bahagyang yumuko. Nang tumawa siya ay lumitaw ulit ang dating mukha. “Ayos lang, President…”
“Omar!” tawag ng isang galing sa front desk.

Pinanood ko ang pagpasok muli ni Omar sa loob dahil sa tawag. Huli na nang nakita kong palapit pala si Engineer Riego sa akin!

“And she’s found a new personal bellboy…” lumapit si Engineer Riego para lang mang asar.

Nilipat ko ang tingin ko sa kanya. I tilted my head to the other side to look intimidating but his steps to me intimidated me even more. Gusto kong umatras. Lalo na nang natabunan na ako ng anino niya.

I almost forgot how tall and large he was. Even when I’m already tall, I’m slender and not tall enough to even reach his chin!

“Hindi siya bellboy. Waiter siya, Engineer… You’ve forgotten…”
He smirked. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago bumaling ulit sa bagong bagong Silverado sa harap ko.
“Engineer, your tires look so cool!” papuri ni Kael.

Hindi niya sinagot si Kael. Nanatili ang matalim niyang tingin sa akin.

Humalukipkip ako at nagtaas muli ng kilay.

“You’re leaving? I thought you have a room here with your Architect, Engineer Riego?” Gusto ko siyang asarin at galitin pero parang iba yata ang naiparating ng tono at tanong ko.

The corners of his mouth rose. Kumalabog ang puso ko. Now that his eyes didn’t reflect light, mas lalo lamang naging misteryoso ang kanyang ekspresyon. Pinasadahan niya ng mga daliri ang kanyang buhok. It fell just in place again and then he cocked his head to one side.

“I have a place, Miss Galvez. Don’t worry about my name in the guestlist…” Nagtaas siya ng kilay.

Namilog ang mga mata ko.

“Besides, umalis na si Architect Gracie dahil may iba pang inaasikaso.”
“Oh! Sisikilin mo ang sarili mo sa mga susunod na araw na wala siya, ganoon ba?” panunuya ko.

Mas lalong nagdilim ang kanyang mukha. His cold and dark expression sent shivers down my spine. My knees trembled. I’ve never felt this way before… kahit noon! Na kasama ko siya!

“Huwag mong alalahanin ang parteng iyan sa akin, Miss Galvez. I don’t need your opinion about that. I can definitely take care of that part of my life…” pagkatapos ay tinalikuran niya ako.

Pinatunog niya ang Silverado. Tumayo ang aking kapatid at sinalubong siya ng mangha.

Parang bumagsak ang aking puso sa sinabi niya. How dare him say that in front of me! How dare him… How dare him casually telling me that he’s bedding girls like he’s changing his clothes!

Mabilis ang hininga ko sa galit. Tinalikuran ko ang Silverado at agad akong tumakbo patungo sa gilid ng hotel kung saan naroon ang pathway patungo sa gate ng aming masyon.

Halos mapunit ang labi ko sa kakakagat para lang mapigilan ang sakit na nararamdaman sa aking puso.

He’s vile! He’s… changed… a lot!

And no matter how hard I try to stop myself from being affected, I just fail.

Ayos lang ‘yan, Snow. Gaya ng sabi mo, hindi ka makaka move on over night! Hindi agaran ang lahat ng ito! Ayos lang ‘to!

I hate you, Sibal. I hate you so much. You’re not the man I loved anymore. I wish this realization can help me forget him now!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.