Scorching Love – Kabanata 30

July 24, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 30

Kabanata 30
See You

Mabilis ang lakad ko patungong yate. Hindi na ako naabutan ni Sibal dahil inakyat ko iyong mga bato para lang maka-ikot ng mas mabilis.

Nalingunan ko siyang umaahon na galing sa dagat. Umakyat na ako sa yate at ‘di na siya muling nilingon.

“What happened to you, Ate?” salubong ni Kael nang natanaw ang mga sugat sa aking tuhod at binti.

Napatabi siya nang napagtantong dire diretso parin ang lakad ko. Papasok na ako sa cabin nang may biglang humablot sa kamay ko. Sisigawan ko na sana si Kael pero nang pagkaharap ko’y si Sibal iyon, natahimik ako.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay. Halos mapiga ang mga sugat na naroon.

“Bitiwan mo…” Pilit kong binawi ang kamay ko pero masyadong mahigpit ang hawak niya.

The businessmen were curiously looking at us. Maging si Papa ay napatingin sa banda namin.

“Kael, may first aid kit ba kayo rito?” malamig niyang tanong sa kapatid kong nasa gilid lamang namin.
“Meron po, Engineer. Kukuha lang ako…”
“Kaya ko nang…” dudugtungan ko pa sana pero nang nagsalubong ang aming mga mata at sobra sobra ang pag-aalab sa kanya. Para akong apoy na unti unting natupok.

Pagkabalik ni Kael ay dala niya na ang mga panggamot. He gave it to Sibal. Hinigit ako ni Sibal sa pinakamalapit na upuan.

“Anong nangyari sa inyo?” tanong ni Papa nang nakalapit.

Kumalabog ang dibdib ko. I don’t know how to answer Papa.

“Nadulas ka, Ate?” tanong ni Kael.
Tumango na lang ako. Malaking pasasalamat sa sinagot ng kapatid. I don’t want to tell them that I almost drowned.

Sibal’s prominent jaw clenched. Lumuhod siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang palad ko.

“Where did you slip?” Papa asked.

Hindi ko na alam kung saan idederekta ang atensyon ko, kung kay Sibal na na maiinit ang haplos sa aking palad o kay Papa na maraming tanong.

“Sa batuhan lang po…” sagot ko.

Dinampian ng bulak na may Betadine ang aking mga sugat sa palad. Nakakunot ang noo ni Sibal habang ginagamot iyon. Tahimik siya. Walang imik sa ama kong nasa gilid at sa kapatid kong nakatayo sa likod.

“Kaya kong gamutin ‘yan mag-isa…” sabi ko.
“Hayaan mo na si Engineer, Snow… Nagmamagandang loob…” si Papa.

Ang tanaw siyang nakaluhod sa harap ko ay nakapagpapaalala sa akin sa nakaraan. He’s always there for me. He’ll always be there whenever I ask for him. And he’d do anything for me…

Ayaw ko ng ganito. Ayaw kong masanay ako sa kanya. Sapat na ang nangyari kanina para makuha kong hindi na iyon maibabalik pa sa dati.

Hinawakan ni Sibal ang aking tuhod. He tilted my legs to see the other wounds.

Lumapit kay Papa ang isang businessman para magtanong kung ano ang nangyari. Sinagot iyon ni Papa at inakbayan na lang pabalik sa kung nasaan ang lamesa.

Kael remained silent behind Sibal. I tried to look at him but there were too many questions in his eyes. I don’t want him to see the answers on my own.

“Archer? Engineer Riego?” isang matamis na tawag galing sa babaeng kaakyat lang sa yate namin.

Archer? That’s what they call him now?

Bago pa makalingon si Sibal ay tumayo na ako. Napatingala siya sa akin.

“Magpapahinga ako…” sambit ko at nilagpasan na siya.

I turned to the Cabin’s door and immediately went inside so he wouldn’t have a chance to pull me again.

Pumasok ako sa cabin at agad na kumuha ng tuwalya.

Umupo ako sa isang wooden chair at binaba ang tingin sa mga sugat sa paa ko. Tila ngayon lang ulit tumibok ang puso ko pagkatapos sa biglaang panggagamot ni Sibal sa akin kanina. Pati ang paghinga ko’y biglang bumigat, tila ngayon lang ulit nakahinga. Damn! What was that?

Ginigitan na ako ng pawis sa noo habang pinoproseso ang lahat ng nangyari. The yacht is already moving and I couldn’t care less where it’s now heading. I just want to rest from all the stress I’ve been through today.

Ilang sandali ang nakalipas, may biglang kumatok sa cabin. Naputol ang takbo ng isipan ko at lumipad ang tingin ko sa dahan-dahang pagbukas ng pintuan. It was Kael. His eyes darted on my legs.

“Are you okay?” he asked.
Tumango ako. “Nasugatan lang sa mga korales.”
“Uh…” He awkwardly nodded. “Lumabas ka na. Lumagpas na tayo sa isa pang isla. May magandang islang paparating, Ate…”

Ngumiti ako at unti-unting tumayo. Kinuha ko iyong tuyong blazer at sinuot na iyon. I made sure that it’s up to where my wounds were.

“Ayos na siguro ‘yang mga sugat mo at nagamot naman ni Engineer…” puna ni Kael.

Nang nilingon ko siya dahil sa sinabi niya’y nag-iwas lamang siya ng tingin. Nang ibinalik niya naman sa akin ay may nakita akong ibang kahulugan doon.

Inayos ko ang buhok ko. Medyo tuyo na ang katawan ko ngunit basa parin ang mahaba kong buhok. Sa harap namin, kulay kahel na langit. Bahagya akong nanginig nang naramdaman ang hangin at palapit na kami sa Isla Fuego, kung saan ko unang inamin kay Sibal ang nararamdaman ko noon.

Niyakap ko ang aking sarili habang tinitingala ang tuktok kung saan kami umakyat noon.

“It’s so nice. Babalik ako rito…” si Kael.

Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan ang kabuuan ng isla. The wind is trying to blow my hair.

Binaba ko ang tingin ko sa mga panauhing nakatingin din sa islang nasa harap. Sibal was one of them… only that, he’s not facing the island in front of us. He’s looking at me. Kunot ang kanyang noo at mukhang may malalim na iniisip.

Remember that island, Sibal? That’s the symbol of my innocent attraction towards you. I tried so hard to act cold but I will always melt when we’re alone.

Now, I’ll make sure I won’t make the same mistakes again. Kung nakalimot na siya ay hindi ko na siya muling guguluhin. Kung ano man itong nararamdaman ko sa kanya ngayon, ibabaon ko na lang ito sa akin.

There’s no use for feelings. I don’t need him to hurt me more to forget. I can save myself. I can move on without anyone’s help.

The image of the dark sea and the way bubbles rose up from my nose made me shiver. Naalala ko ulit ang nangyari kanina. Parang bumabaliktad ang sikmura ko tuwing naiisip iyon. I can’t believe I escaped that. Hanggang ngayon ay parang imposible pa sa akin iyon.

Tahimik lamang ako sa tabi ni Kael hanggang sa nakabalik kami sa hotel. Pagkababa ay nagyaya agad si Papa sa Seaside. Hindi na pinagbigyan ang mga bisitang makauwi sa kani kanilang kwarto dahil isang engrandeng dinner na ang naghihintay sa kanila.

Hinawakan ko ang braso ni Papa. He turned to me, smile fading.

“Pa, sa mansyon na lang po ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Magpapahinga lang…”
“Are you sure? Are you okay?”

Nilagay niya ang kanyang palad sa aking leeg. Ngumiti ako para bigyan siya ng assurance na maayos nga ako.

“I’m fine. I just need to rest…”
“O sige… At baka magkasakit ka pa, hija. Rest…” Tumango siya.
“Thank you…”

Hindi na ako nagpaalam dahil masyado nang masaya ang mga panauhin. I didn’t even try to look at Sibal and Architect Gracie Racaza to confirm that they’re enjoying everying.

Tahimik akong umuwi. Sa bawat apak ko sa buhangin, kahit naka tsinelas, ay ramdam ko ang hapdi ng aking mga sugat.

Pagkarating ko sa loob ng aking kwarto ay nagshower ako para mawalis ang alat ng dagat sa aking balat. Pagkatapos magshower ay ginamot ko ang sarili kong mga sugat sa paa. Sibal failed to notice that I have wounds on my feet, too. But anyway, I don’t really need him to worry about my wounds.

I don’t need to give meaning to everything that’s happening. I guess it’s just safe to say that when we lost contact, he moved on and I didn’t. Wala nang iba pang eksplenasyon, iyon lang. Iyan ang dahilan kung bakit may kasama na siya ngayon. Iyong naging reaksyon niya kanina ay natural lamang. Maaaring nakita niya akong nalulunod at hindi napuntahan agad dahil abala siya sa ibang bagay. My heart ached at the thought. But then it’s been aching for years. It’s been so hollow for years… It hoped for years kahit na ang totoo’y wala naman talaga dapat akong asahan.

Sa pagod na naramdaman ko sa aking katawan ay nakatulog agad ako roon. Ni hindi na ako nakapagdinner.

Kinabukasan ay nagpahatid na lang ako ng pagkain sa mansyon. Ang alam ko’y hinayaan na ni Papa kung kailan magigising ang mga panauhin. Ngayon din ang alis nila, bago magtanghali. I wonder if they’ll go, too? I hope they will…

May guwang sa aking tiyan habang naiisip na pinapakawalan ko nga ang pagkakataon. Yes, we may have some unfinished business but we don’t have to talk to finish it. His actions told me that it’s done.

I’ve been loyal for years for nothing… It’s not his fault. He didn’t give me an assurance that he’ll stay that way.

“Miss Galvez, pinapatawag ka ni President Galvez sa kanyang opisina…” sabi noong isa sa naghatid ng pagkain ko.

Binalikan pa talaga nila ako para sabihin iyon. Nagsimula ring maglinis ang isa sa sala. Mabuti na rin at para mawalis ang mga alikabok galing sa trabahong hindi natapos.

“Okay, I’ll go right after eating. Thank you…” sabi ko.

Pinatagal ko ang pagkain. Inabot pa ako ng alas diez bago tuluyang natapos. Sinadya ko iyon at baka sakaling nakaalis na lahat ng panauhin dito.

Nang pumasok muli ako sa hotel, naramdaman ko agad na wala na ang mga panauhin. Strange but it gave me relief.

Pinindot ko ang buton paakyat ng elevator. Ang opisina ni Papa ay iyong dating opisina ko noon.

Memories came back to me as I walked to the familiar corridors. I shrugged it all off. How can I move on if I keep on remembering?

Sana matapos ko na ang trabaho ko rito. Hindi ko yata kayang ganito ang naaalala ko sa bawat simpleng paglalakad.

Isang katok ang ginawa ko sa pintuan ni Papa. Bumukas iyon at pumasok ako. Sinarado ko ang pintuan.

He’s sitting alone on his swivel chair. May isang clearbook sa harap ng lamesa.

“These are the designs we have for the mansion… Do you want to call Engineer Riego for-”
“No!” maagap kong sagot.

Nagulat si Papa sa medyo bayolente kong reaksyon. Kumurap kurap ako.

“I mean, I’m fine with any design…”
“Aba’t parang kahapon lang ay kinikwestyon mo ang abilidad ng mga gagawa ng mansyon at mga hotel, ah?” makahulugan siyang ngumiti.

Wala naman akong maramdaman kundi iritasyon.

“Papa, gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. Iyon lang. I want to live in a mansion that’s not full of dust so I hope the renovation starts immediately.”
“It is starting right now, hija. Engineer Riegos men is at it right now…”
“That’s great! That’s all I want…”
“So… wala ka nang babaguhin sa disenyong nakahanda?”
“Wala na po…” sagot ko.

Is this why he called me here?

“Kung ganoon, pakibalik itong clear book sa opisina ni Engineer Riego sa baba. Right after the Manager’s office…”

My jaw dropped at what he just said.

“May opisina si Sib-Engineer Riego rito?”
“Yes. Why are you so shocked? He’ll be here for the renovation,” he said matter of factly.

Marahan akong pumikit at tumango. Goodness gracious.

“Let’s just call someone to give this clearbook back to him at bakit ako pa ang pinapapunta mo roon, Papa?”
“Mas maganda iyong ikaw ang pumunta, hija. I mentioned to him that you’re a bit undecided and undoubtful. It is only right and fitting that you assure him that you trust him…”

Wow! Is that even needed? Ganoon ba kamangha si Papa kay Sib- Engineer Riego at bakit tila lubusan ang pagpapahalaga niya?

“Come on, hija… What’s the matter? Hindi ba ay tinuro ko sa’yo na higit sa lahat kailangan mong maging polite sa mga tao. Whether they’re your people or not, you need to treat them the same…”

And he will start mentioning our sigil with the Above All, Elegance motto.

“Fine, Papa. I will go now… I’ll give this back to him…”

Kinuha ko ang clearbook at tumulak na palabas. He waved at me and went back to all his papers.

Pagkalabas ko ay isang mahabang hinga ang pinakawalan ko. Is this for real? Ibibigay lang naman sa kanya, hindi ba? Anong masama roon?

Patungo ako sa opisinang tinutukoy ay bumalot sa isip ko kung saan ako pupulutin kung maingay at magulo ang mansyon? Saan ako uupo at magpapalipas ng araw? Nasaan si Kael? Nasa kwarto niya? Saan ako pupulutin nito? Hindi naman pwedeng maghapon ako sa pool o ‘di kaya’y sa restaurant!

Nang lumiko na ako sa pasilyo kung nasaan ang mga opisina ng mga manager ay abot-abot na ang aking kaba. This is normal. I can’t move on overnight!

Nilagpasan ko ang silid ng manager para makapunta sa pinakadulong opisina kung nasaan ang kay Engineer Riego. Nakaawang ang pintuan ng silid. Kakatok sana ako ngunit nang may narinig akong hagikhik mula sa isang babae ay naestatwa ako.

Sinilip ko kung ano ang nasa loob. Si Engineer Riego ay nakaupo sa isang swivel chair. Sa lamesang malaki ay nakaupo naman si Architect Gracie Racaza!

What the hell?

Kulang na lang ay ilahad ni Architect ang kanyang hita sa lalaking nasa harap niya. At si Engineer naman, parang wala lang sa kanya. He continued looking at her. Seryoso ang kanyang mga mata at tila may malalim na iniisip.

Bago pa ako makaatras ay bumaba ang tingin niya sa akin. Nagtama ang paningin namin. Mabilis siyang tumayo at muntik nang nahulog si Architect sa lamesa. Isang tili ang ginawa niya.

Huminga ako ng malalim at imbes na magwalk out dahil sa galit ay tinulak ko ang pintuan.

Half step, I was thinking if I’m doing the right thing but I guess I am. Sa mukha niyang gulat at nakaawang ang bibig, I’m sure I’m doing the right thing.

Inayos ni Architect Gracie ang kanyang skirt at hilaw siyang ngumiti sa akin. Napatingin ako sa gusot ng skirt niya. Her skirt is probably just one inch below her treasure! Sinasadya niya ba ‘yon? At itong… bumaling ako sa kanya… isa namang ‘to ay hinahayaan lang.

Nilahad ko ang clearbook sa kanyang harapan.

“I’ve seen it. That’s good. The only thing I ask for now is for it to be fast…”

Tinanggap niya ang clearbook at tinabi sa lamesa. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako makatagal sa mga mata niyang banyaga. They’re gray and hypnotizing. They’re screaming intimidation and so many foreign feelings.

“Oh it will be fast, Miss Galvez. Magaling magtrabaho ang mga tao ni Engineer,” Architect Gracie Racaza giggled.

Nagtaas ako ng kilay.

“That’s great! I’m looking forward to its finish product weeks from now…” sambit ko.
“Kapag minadali, baka hindi maging maganda ang resulta…”

Humalukipkip si Engineer Riego sa harap ko. Seryoso ang kanyang mga mata, tila nakikipagpaligsahan sa kalamigan ko.

“An efficient company does can gave both quality and a good time frame. My father is trusting your company. I believe its like that…”
“Yes, it is. Pero hindi tulad ng gusto mong mangyari. Weeks is just impossible.”
Tinagilid ko ang ulo ko. “You can’t really say that. Magdagdag ka ng tao, kung ganoon.”

He remained his poker face. Hindi ko tuloy alam kung ano talaga ang tunay niyang reaksyon.

Palipat lipat ang tingin ni Architect Gracie Racaza sa aming dalawa.

“Still… That’s impossible. I am already giving you the best time frame we can have… Do you want to get rid of me so fast, Miss Galvez?”

What the hell?

“Engineer Riego…” natatawa si Architect Racaza. “What are you talking about?

Hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa bayolenteng pagtibok ng aking puso. Humakbang palapit si Engineer Riego sa akin. Napatingin ako kay Architect Racaza na ngayon ay lito rin sa nangyayari.

“I’m the Engineer of your Convention Center, too. Pati ng renovation sa buong hotel. Dito at sa Boracay. Matapos man ang mansyon n’yo, mananatili ako rito…” he said coldly.
Ngumiti ako. “Dapat nga lang naman, hindi ba? We need to make sure that… the… the buildings are good structures, Engineer Riego.” And that’s with emphasis on his name and title.
Umangat ang gilid ng kanyang labi. “Yes, Miss Galvez. Kaya nga hands on ako, lalong lalo na sa mansyon n’yo. I’m gonna make sure that everything’s doing fine…”

Tumindig ang balahibo ko sa pagkakasabi niya.

“Engineer Riego?” tawag muli ni Architect.

Natauhan ako roon. Tumikhim ako at tumuwid sa pagkakatayo.

“Maiwan ko na kayo. I just want to give that back and nothing more. I have things to do…”

Kahit wala naman talaga akong gagawin.

“Okay, Miss Galvez. See you around.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.