Scorching Love – Kabanata 29

July 24, 2016 By In Scorching Love 1 Comment

Kabanata 29
Drown

“The small yacht I bought is here. Kagagaling lang nito ng Boracay last week kaya tamang tama sa pagdating n’yong lahat!”

Patuloy ang pagkain ko habang nag ku-kwentuhan ang board at nagmamalaki naman si Papa. Alam kong isa ito sa mga plano niya. It’s okay… At least bago ko nalamang si Sibal ang Engineer.

Of course, Snow. Why didn’t I think of that? An engineer, who’s a local from Costa Leona? Bakit hindi ko naisip na maaaring siya iyon?

“I’m interested with the sand bars, Remus! Konti lang ang mapapasyalan na ganoon sa amin at ang alam ko’y marami rito…”
“Yes, we have a lot of islets around… Rock formations, El Calor, Altagracia, name it… It’s here…”

Mabuti na lang din talaga at hindi ko kaharap ang dalawa. That would be a disaster! Hindi ko alam kung maaarok ko bang makita silang naglalampungan sa harap ko.

What do I expect, anyway? Sa limang taong nawala ako nang ‘di sinabi sa kanya ang tunay na dahilan, maaaring marami ng nagbago. His love for me faded. Whatever we had, it only lasted for months… for him.

Parang kinukurot ang puso ko habang nag-iisip.

Ano nga ba talaga ang tunay kong inasahan sa pagdating ko rito? I thought I’m going to meet him here in Costa Leona. He’ll be in his house or maybe in his boat… trying to fish…

Pawis siya habang tinatanaw ang dalampasigan. Titigil ako nang nakita ko siya. Pagkatapos ay matitigilan din siya habang naglalayag hanggang sa tuluyang tumigil ang bangkang sinasakyan sa buhangin.

And I’ll jump to him in happiness because finally we saw each other again after how many years.

That’s what’s at the back of my mind. Although I prepared myself for his indifference, I have unconscious expectations, too.

“So shall we meet again after lunchand can you all prepare your things, too?” ani Papa.

Hindi ko namalayang nakatayo na pala ang lahat. Nagkakamayan na na tila tapos na ang lahat ng ito.

“I suggest, President, na mas mabuting ilahad ko na rin ang plano sa mansyon…”

Sibal went up to Papa to say that. Tumayo ako at nag-ayos sa sarili. May lumapit sa akin para kamayan ako, tinanggap ko iyon.

“Sasama ka ba mamaya, Miss Galvez?” another manager from Boracay asked.

Tingin ko ay mas matanda lamang ng konti ang babae sa akin. I smiled at here.

“Most probably…”
“That’s great!” singit naman noong isang lalaking manager.

Tipid akong ngumiti at bumaling sa banda ni Papa at Sibal. Sumulyap si Sibal sa akin habang nakapamaywang. Kumunot ang kanyang noo at muling bumaling kay Papa.

“So! Its safe to say that the meeting is adjourned?” Tumawa si Papa. “Dito na lang din kayo kumain. I’ll give you enough time to rest and your lunch will be according to your own schedule…”
“Thank you, Remus…” Tinapik ng dalawang businessman si Papa sa balikat at nagpaalam na para makaalis.

“Hi!”

Napatingin ako sa isang matamis na boses galing sa likuran. Namilog ang mata ko nang nakita iyong si Architect Gracie Racaza na naglalahad muli ng kamay sa akin. Hindi pa ba sapat ang isang kamayan at bakit may pangalawang ulit pa?

Why am I suddenly thinking about rude things? I firmly shook her hand and smiled again.

“I’ve seen some articles about you in the newspaper. You’re branded as the youngest hotel CEO…”

Tinagilid ko ang ulo ko. Kahit ako’y naiisip kung gaano ka sarkastiko ang tingin ko sa kanya.

“And that newspaper was dated?” nagtaas ako ng kilay.
She smiled shyly. “That’s five years ago. I just remembered. Isa kasi itong building ng The Coast sa inspiration ko noon sa pag renovate din ng isang project sa Batangas…”
Plastik akong ngumiti at binaling muli ang ulo sa kabila. “Wow! You have a good memory…”
“You were the CEO when Engineer Riego’s working here?”

If she’s just fishing for information then no… Siksik lang ang dibdib niya kumpara sa akin pero mas siksik naman ang utak ko.

“I’m not sure… why?” sarkastiko kong sinabi.
Nanliit ang mga mata niya. “He told me you’re the CEO…”

Oh! That’s nice to hear! Sinabi pala ni Sibal sa kanya ang existence ko? All this time I thought he completely forgot about me. He didn’t even mention me to my father!

This girl must be special, huh? He shared everything to her…

Nagtiim bagang ako nang napagtanto iyon. Lahat lahat ba ang sinabi niya? Lahat ng kabaliwan naming dalawa.

“Gracie…” tawag ni Sibal sabay lapit sa amin.

Agad akong umatras. Sa likod ko’y magkahawak ang kamay ko habang matamis ang plastik na ngiti para sa dalawa.

He looks so good beside her. A tall man like him with a small curvy girl like Architect Gracie Racaza. Nanginginig na ang gilid ng aking labi sa kakangiti at sa pagiging plastik nito. I can’t wait to frown all the way to the mansion and break something.

I cannot believe this.

“Engineer, hindi ko na nakayanan. Nilapitan ko na talaga ang dating CEO na pinagsisilbihan mo…”

Wow.

Nilingon ako nI Sibal. He smiled but it wasn’t even because he’s happy. It’s more of sarcasm. I can sense it.

“Oo. It’s been five years since we last saw each other…”
“Five…” fucking… “years…” Tumango tango pa ako sabay tawa.

I look and feel like an idiot. Hanggang kailan kami magpaplastikan? O hanggang kailan ako makikipagplastikan?

Why do I expect him to be mad at me or to even be friendly with me? Why didn’t I consciously expect him to be indifferent and cold?

Because… all this time I thought he’d understand what I did. I left him to save their name… to save his family… to save him. I begged Tita Marem to save him… Even down on my knees, I wasn’t ready to leave because I love him. Pero ang dahilan kung bakit talaga ako umalis ay ang pangakong hindi na sila guguluhin pa ni Tita kapag lumayo ako.

I thought he’d understand.

How stupid of me to think about that.

Or maybe he did understand…

It’s just that… wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin.

“Kailangan na nating magpahinga. Mabuti pa ay mamaya n’yo na ipagpatuloy ang kwentuhan…”
Humalakhak si Architect at bahagyang humilig kay Sibal.

Hindi nakatakas sa akin ang paglalapat ng balikat niya sa dibdib ni Sibal. Wow… the physical contact. Of course…

Nanginig muli ang gilid ng aking labi.

“Oo nga, e. Miss Galvez, mamaya na lang ulit. Ilang taon ka na nga ba?”
“I’m twenty two…” sabi ko.
“Oh!” Lumapad muli ang ngiti ni Architect. “I’m just twenty five. Magkakasundo talaga tayo!”
Tumango lamang ako.
“Let’s go to our room now? Magpapahinga muna ako, Miss Galvez…” she giggled.
“Let’s go…”

Tinalikuran nila akong dalawa. Nanatili ang tingin ko sa kanila, unti-unti nanliliit. Habang lumalayo at natatabunan ng ibang guests ay dumidilim ang paningin ko.

“Ate, sasama ka ba mamaya?”
“Oo…” sabay lagpas ko kay Kael.

Dire diretso ang lakad ko sa counter ng restaurant. Sinenyasan ko ang isang waiter na lumapit sa akin.

Palinga linga pa siya parang hindi makapaniwalang siya nga ang tinatawag ko. Sa huli ay nagkamot siya ng ulo at lumapit sa akin.

“Po?” the boy asked.
“Puntahan mo ang front desk. Sabihin mo nagpapatanong si Miss Galvez kung ilan lahat ang hotel room na binigay sa mga guest ni Remus Galvez at kung kani-kanino nakapangalan…”

I wonder if he got all of it. Ganunpaman ay tumango siya at nagmamadaling tumulak patungo na sa front desk.

Nanatili ako sa counter. I tapped my fingers on the counter habang ang isang waiter ay naglapag ng tubig para sa akin.

“Can I ask for red wine, instead?”
“Yes, Miss…” quickly he removed the glass in front of me.

Kumuha siya ng flute at nilagyan ng wine. Nilapag niya iyon sa harap ko. Mabilis kong nilagok lahat at muntikan na akong masamid nang sumulpot si Kael sa gilid ko.

“Do you have a problem?” tanong niya.
“No… Isa pa nga… please…”

Nagsalin ulit ang waiter ng wine sa baso. Huminga lang ako ng malalim at nilagok ulit iyon.

“Ate?” Kael called me again.

Nilingon ko siya. Tinaas ko ang aking daliri sa ere para mapigilan siya.

“I’m fine…” I said.

Nakabalik na iyong waiter na inutusan ko. Hinihingal pa siya. Hindi siya makapagsalita sa pagmamadali ngunit may inilahad siyang papel sa akin.

Tiningnan ko ang listahan. Labing isang room ang pinahiram ni Papa sa mga guests. Tiningnan kong mabuti ang listahan para hanapin ang pangalan ni Sibal o noong Architect.

There’s only Eng. Percival Archer Riego! There’s nothing for Architect Gracie Racaza! Hindi ba rito siya tutuloy ngayong gabi? Will that mean… Will that mean? Will that mean they’re in the same room?

“Thanks…”

Binalik ko sa waiter iyong papel at naglakad na ako pabalik ng mansyon. I cannot believe this. I can’t believe this. It just won’t sink in.

Mag-isa ako sa mansyon, pinapatay ang oras. Kahit na anong ulit kong isipin na mukhang girlfriend na nga iyon ni Sibal ay hindi nag sisink in sa utak ko. Hindi ko alam kung namamanhid na ba ako o talagang walang kaso iyon sa akin.

Lumabas lamang ako ng mansyon nang pinatawag na ako ni Papa. Nawalan ako ng interes na sumama sa pinagmamalaki niyang yate pero alam ko ring mali ang tumanggi.

I need to have my appearance. Despite Sibal and his girlfriend’s presence.

Nagdala ako ng isang shoulder bag kung nasaan ang mga gamit ko. I’m already wearing my bikini under my shorts and my crochet top. Naroon na ang lahat sa loob ng yate ang ibang mga guests ni Papa. Sa malayo ay kita ko iyon na nakatali sa isang malaking bato hindi kalayuan sa dalampasigan.

Sasakay pa kami ng bangka bago pumunta ng yate. Kasabay ko na ang dalawang businessman at isang manager ng main branch sa bangka.

“Nahuli ka, Miss Galvez…” puna noong manager.
“Nagpahinga lang po…” ngumiti ako sa kanya.

Hindi kalakihan ang nabiling yate ni papa. Pero ang center table nito sa likod ay mainam para makapagrelax ang kahit sino. They can also go fishing, too.

Pagkarating ng bangka sa paanan ng yate ay nakita ko agad si Kael na naglahad ng kamay para sa papasok ng guests. May tumulong ding crew ni Papa roon.

Huli akong umakyat. Pinauna ko ang tatlo bago tinanggap ang kamay ni Kael.

Nang nakasakay na sa yate, una kong nakita si Sibal at si Architect Gracie na umiinom ng wine habang tinitingnan ang kalakhan ng dagat.

If they’re together… no… there’s just no doubt about that. Sino ba ang dalawang nasa tamang edad na mga single ang mag-iisa sa isang room?

Nag-iwas ako ng tingin. Imbes ay sinalubong ko iyong ilang managers. I should just do my function here. I am expected to socialize with the people I will soon work with so I might as well take advantage of this moment.

“This is so nice!” puna ng businessman sabay gala sa mga mata sa yate.
“This is not even as large as those who own the premium boats, Enrique…” si Papa.
“You’re modest, Remus. I didn’t know you have that in you…”

Nagtawanan silang tatlo. Kumuha ako ng wine galing sa tray ng waiter na pinagse-serve ni Papa.

Nagsisimula nang maglayag ang yate. Sumabog ang buhok ko dahil sa ihip ng hangin. I should’ve ponytailed this one!

Sinikop noong manager ng Boracay branch ang mga takas na buhok. I am deeply annoyed with him but I appreciate the way he helped me. Nagmumukha na akong tanga sa kakasikop ng buhok ko. Kung ‘di niya ako tinulungan ay malamang nagmukha na akong si Sadako.

“Thanks…” ngumiti ako at hinawakan ang palumpong ng buhok.
“You’re welcome. Your hair smells nice…” he smiled.

Oh no…

“Yeah… Just shampoo and conditioner…” Nilingon ko ulit ang nag-uusap na matatanda.
“Are you going to swim?” he asked.
“Yes. Maybe… When I like it…” hindi ko siya binalingan man lang.
“Naku! Sayang pala. Sa plano ko’y sa mga pool n’yo na lang mag swimming mamayang gabi.”
“Oh, that’s alright. Some people just hate the sticky and salty feeling of the sea that they prefer the pools…”

Sumulyap ako sa kanya at nginitian ko siya. He smiled back.

“Sibal! Come here, join the old men!” ani Papa dahilan kung bakit nawala muli ang atensyon ko sa kausap.

Lumapit si Sibal sa matatanda. Sa kabilang kamay niya ay ang wine na dala. Ngumiti siya sa mga matatandang kasama ni Papa.

“Hindi ka man lang humahawak habang naglalakad patungo rito…” puna noong isa.
“Sanay po ako. Nangingisda ako rito dati…”

Architect Gracie Racaza joined the group. Para tuloy akong natabangan sa iniinom na wine. Why does she have to…

“Talaga? You’re kidding?”
Umiling si Sibal. “Dito po ako lumaki sa Costa Leona. Pangunahing hanapbuhay namin ang pangingisda at nagtatrabaho rin ako sa The Coast bilang bellboy noon.”
“Yes, Enrique. I told you he’s that good to rise that way…” magarbo na namang sinabi ni Papa.
“But, President Galvez… That’s probably because of his genes, too. The Riegos are good Architects and Engineers…”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Architect. Hindi naman nagreact sa Sibal sa sinabi.
“Pure talent and yes, maybe blood, too. You’re right, Architect…” si Papa.

So… he’s related to the rich Riegos of Costa Leona?

How come he’s related to them? At bakit sila naghihirap? Bakit hinayaan ng isang mayamang angkan ang dugo at laman nilang maghirap ng ganoon?

Nanatili ang tingin ko sa sahig ng yate. Nakatuko ang aking siko sa kamay habang pinaglalaruan ang wineglass.

Ano pa ang hindi ko alam tungkol sa kanya?

Do I really know him, anyway?

Sa loob ng anim na buwan na nagkakilala kami rito sa Costa Leona noon, ano ba ang nalaman ko sa kanya? He didn’t open up to me at all. Kung hindi lamang kami nag-away tungkol sa pagsugod ni Katarina sa akin ay hindi niya sasabihin ang motibo ni Tita Marem.

And… he easily shared his personal information with Architect Gracie Racaza. How shallow was his love for me? And… is that how you measure love? Maybe… because love is supposed to give you that comfortable feeling with someone. You should be comfortable sharing your secrets to someone dear to you.

Tumikhim ako nang naramdaman ang dahan-dahang panlulumo.

Kung kanina ay hindi pa nagsisink in sa akin ang lahat, ngayon… nararamdaman ko na.

Nilapag ko sa tray noong waiter ang walang lamang wineglass. Unti-unting tumigil ang yate sa tapat ng rock formations. Ito iyong unang islang pinuntahan namin noon ni Sibal.

Tiningala ko ang kalakhan ng korales sa aming harap. Sumariwa sa aking alaala lahat ng nangyari. Those were the days when I was so attracted with him.

Nangiti ako nang naalala kung gaano ko pinilit na magpakamature noon pero sa pagkakagusto ko sa kanya ay pumapalpak ako. My young and naive side shows no matter how hard I hide it with my cold and stern facade.

Nilipat ko ang tingin ko sa nagtatawanang mga tao pababa ng yate. Some of the managers were excited. Nakapagbihis na sila ng kani kanilang swimming attire. The old men with Papa were singing and drinking wine, feeling the breeze of the sea.

Bumagsak na si Kael sa tubig. I have forgotten that this is the first time he’s come here.

Nakita kong naglahad si Sibal ng kamay kay Architect Gracie nang bumaba sila sa yate. Nagtama ang tingin naming dalawa. Tinalikuran ko na lang siya at hinalughog ang bag ko.

I went inside the cabin. May isang maliit na room doon na pwedeng pagbihisan. Hinanda iyon ni Papa. I removed my shorts and my crochet top. Kumuha ako ng kulay brown na long blazer para takpan ang katawan ko habang bumababa ng yate. Sa ilalim ay ang all black stringed bikini ko.

Tinulungan ako ng crew na makababa. The managers climbed on the rocks. Some of them were swimming.

“Miss Galvez!” tawag noong babae sa akin habang kinakawayan ako.

May goggles siya. It’s like a deja vu. Hindi nga lang ako sigurado kung saang parte iyon.

Hinubad ko ang aking blazer at dahan dahang naglakad patungo sa malinaw na dagat.

Sa malayo ay kita ko ang iilang managers na sumisisid para makita ang mga korales. Tuwang tuwa sila sa ginagawa. Kahit natatanaw ko lang sila ay parang naeenjoy na rin ako.

I turned my head to see who’s swimming near the deep sea where the rocks are and I saw Sibal with the Architect.

Tumili si Architect Gracie nang tumalon siya galing sa mga bato. She’s sporting her bright red stringed bikini that highlighted all her curves.

“Miss Galvez, dito o! Ang daming corals!” the girl manager shouted and dived.

Kahit malapit iyon kina Sibal ay sinubukan ko na lang ding lumangoy doon. Hindi naman pwedeng mag-isa na lamang ako dahil ayaw kong nakakasama ang dalawa.

I opened my eyes and saw the different colors of the corals. Mga isdang nagsasabay sa paglangoy ay hinabol ko. Nakasalubong ko sa ilalim iyong manager na tumawag sa akin. She gave me an “okay” sign. I gave her one, too.

Umahon ako para makakuha ng hangin. Nakita kong nagdive si Sibal habang si Architect ay tumitili ulit.

Ngumuso ako at sinubukang mag dive muli.

The big coral reef sorrounded with seaweeds and fishes looked majestic. Pinalibutan iyon ng mga kasama namin. May itinuro si Sibal sa manager na babae at tumango naman iyong babae sa kanya.

I tried to go near them but they went farther from me.

Alam kong kailangan ko nang umahon para huminga pero sinubukan kong sundan sila at pantayan ang kanilang ginagawa.

Mabilis lumangoy si Sibal. Katamtaman naman ang paglangoy noong manager. Sumabay si Architect sa kanila. Tumabi siya kay Sibal.

They saw another group of coral reefs. I even saw the biggest starfish I’ve ever seen pero parang unti unti akong nanghina.

Nalayo ako masyado sa kanila. Nanghina ang tuhod ko. Nanlamig. Uminit. Pagkatapos ay namanhid… Pakiramdam ko ay hindi ko na magalaw ito.

Sinubukan kong umahon dahil nawalan na ako ng hangin ngunit kay bigat ng pakiramdam ko. I panicked. Pinilit kong lumangoy dahilan kung bakit nawala ang konsentrasyon ko. I breathed in water and I choked.

Fuck!

Sinubukan kong huminga ngunit tubig ang pumapasok sa aking ilong.

Pumikit ako ng mariin at pilit na inangat ang sarili. Hindi ko inalintana ang pagod at bigat na nararamdaman sa katawan. All I think about is how I need air so much… If I won’t swim harder, I’ll die!

Fuck!

Nang nakahinga ako ng hangin ay siya namang paglabas ng tubig sa aking ilong at tainga. Ubo at panghihina ang inabot ko at agad kong niyakap ang korales sa ‘di kalayuan.

Hindi ko inalintana ang sakit sa aking kamay at sa aking dibdib dahil sa higpit ng pagkakayakap ko.

Nang nabasa ako sa alon ng tubig ay humapdi ang sugat dulot noong korales. Inangat ko ang mga paa ko para makaakyat sa rock formation. My knees got wounded sa mga tinik ng korales pero wala na akong pakealam. Gusto ko lang na makatapak sa mga bato… sa lupa.

Walang tigil ang ubo ko. Mahapdi ang aking mga mata at ang aking ilong. May tubig na lumalabas sa aking bibig at mabigat ang pakiramdam ko.

My heart is beating so fast. I heard familiar giggles not far from where I am. Nakita kong umahon na sila at pinagkatuwaan ang isang maliit na starfish.

Natulala ako. Inangat ko ang mga kamay kong nanginginig pa dahil sa nangyari.

I recalled what happened and tears pooled in my eyes. Tuloy tuloy ang patak ng aking luha nang napagtanto kung ano ang muntik nang nangyari.

I almost drowned! I almost died!

I saved my self…

Nanginginig ang mga kamay ko habang humihikbi ako. Dugo galing sa aking palad at sa aking mga daliri dahil sa korales na nayakap kanina.

You’re a fool, Snow! What were you thinking? What the hell were you thinking?

Yumuko ako at huminga ng malalim. Hinabol ko ang aking hininga. For a long while, I stayed that way.

Hot tears rolled down my cheeks blending with the sea water.

Muntik na akong nalunod. Muntik na akong namatay.

Nobody knew…

I was alone.

Nobody really cared.

The laughter from them broke my heart when I realized… the only one who can save me is myself.

Kinuyom ko ang kamay ko at naramdaman ko ang hapdi ng mga sugat. Masyado ba akong naging pabaya? Masyado ko bang inisip na naman ang pansariling mga gusto?

“Ayos ka lang?”

Umahon si Sibal sa parehong korales na niyakap ko kanina. Napatalon ako sa gulat at agad na tumango. Tumayo ako at wala akong naramdamang sakit habang humahakbang sa nagtutulusang korales. Wala akong tsinelas. Nakapaa ako. At ramdam na ramdam ko ang bawat hiwa ng korales sa aking paa. I didn’t mind. I don’t care. I just want to go away.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Scorching Love – Kabanata 29