Scorching Love – Kabanata 28

July 10, 2016 By In Scorching Love 27 Comments

Kabanata 28
End

I’m starting to think about our mansion. Bakit kaya hindi ganitong ayos ang gawin doon? Kung sabagay, if we won’t retain its spanish colonial beauty, it’s not anymore the same mansion our ancestors built us.

Kinusot ko ang mga mata ko at inangat ang ulo. Nakaidlip ako rito sa sofa. Nakakarelax kasi dahil nakasabit iyon at masyado pang malambot ang mga unan.

Papalubog na ang araw. Medyo madilim na rin ang paligid dito kaya tumayo na ako para makaalis na. Umihip muli ang hangin dahilan kung bakit napatingin muli ako sa bahay na pinanggalingan ko.

Walang nakatira. Siguro nga’y naging resthouse na nga ito.

“Kanina ka pa hinahanap. Ngayon pa tayo magsasabay kumain tapos wala ka…” ani Papa nang dumating ako sa exclusive room ng Seaside restaurant.

Naroon na si Kael sa tabi niya. Pareho silang nakatingin lamang sa akin nang dumating ako.

“Namasyal lang po ako…” sabi ko sabay upo.
“Saan ka naman namasyal?”

Tinuro ko ang silangang bahagi ng resort.

“May narenovate palang mansyon hindi kalayuan, Papa?” tanong ko.
“Alin ba roon at maraming nagrenovate ng mansyon ngayon. Iyong pinakamalaking mansyon sa kahabaan ng Costa Leona ay may renovation schedule din. Gagawin din yatang resort iyon ng mga Mercadejas…”
“Ganoon po ba?” nawala ang isip ko sa katabing mansyon na tinutukoy ko. “Ibig sabihin magkakaroon tayo ng kompetensya?”
“Hindi naman, hija. We’re a high end hotel. Theirs will be just a mid class private resort. And that will take a long time to renovate since they aren’t here…”

Kahit sa sinabi ni Papa ay hindi ako naging kumbinsido. Hindi maganda ang estado ng resort namin dahil sa nangyaring pagtangay ng pera. Ngayon kung may magtatangkang kompetensya, no matter how small that resort is, I can’t help but be concerned about it.

“Dapat ay matapos na ang renovation sa lalong madaling panahon! Hindi ba natin i me-meet ang pinagmamalaki mong Engineer bukas, Papa?”
“Nagpatawag na ako ng meeting for all the concerning parties this Monday. Tomorrow is a Sunday, hija. Don’t be so hard on these people even when you’re paying them. They deserve to rest…”

Nagtagis ang bagang ko. I need to fix the resort immediately. I don’t want to feel threatened with small time businesses.

After our dinner, we spent the rest of the night near the beach, drinking wine. Hindi naman pinagbabawalan ni Papa si Kael. Hindi naman siya kailanman naging mahigpit sa amin.

“Dito po ba mag-aaral si Kael, Papa?” tanong ko.
“Kung iyon ang gusto niya. Maayos naman ang North Western. Diyan naman ako nagtapos…” he said.
“What are you planning to take, Kael?” I asked.
“Engineering…” sagot ni Kael.

Napainom ako ng wine. A memory flashed on my mind once again. I wonder where he is right now?

“Nga pala’t balak niyang magtrabaho rito sa hotel…”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Papa. Nilipat ko ang tingin kay Kael. “Anong trabaho?”
“I offered him to manage the housekeeping, he refused. He wants to start below…”

Nakatitig lamang ang kapatid ko sa kanyang baso. Is that a serious statement? Medyo napaawang ang bibig ko.

“Like… What?” medyo lito kong tanong.
“Waiter… housekeeper… driver… anything…” sagot ni Kael.
Natawa akong bahagya. “You can manage. At your age, Kael, naging Presidente ako ng buong hotel kaya kaya mo rin iyon.”
“Hindi sa abilidad, Ate. Gusto kong paghirapan ang lahat…”

What the hell?

“Now you’re making me feel guilty for jumping to the President status right away…”
“Iba iyan. Kailangan mo iyan. Hindi ko naman kailangan, Ate. Gusto ko lang masubukang magtrabaho sa pinakamababang posisyon. Gusto ko ring ako ang nagbabayad ng tuition ko sa eskwelahan.”

Bahagya akong natigilan sa pagkamangha. Tumatango tango si Papa sa sinabi ni Kael.

“Are you Solomon’s son?” humagikhik si Papa.
Napakurap kurap ako sa pagpoproseso ng sinabi ni Kael.

He’s a son of a multi billionaire. Nanakawan kami ng thirty five million pero barya lang iyon kumpara sa tunay na yaman ni Papa at ng buong pamilya. Hindi kami naghihirap. But I understand Kael’s ego. I just can’t believe he’s this kind of man now…

“You can apply for a scholarship since you’re good…” I suggested.
“And the school will require him to pass the bank statement of his father… or look into his roots. Apelyido niya palang, hija, hindi na papasa iyan.”
“But he’s very qualified, Papa.”
“Binibigyan lamang nila ng scholarship ang mga nangangailangan, Ate…”
“Fine!” I give up. “Just tell me where you want to work then we’ll see…”

We spent the whole night catching up. Tawanan at seryosong kwentuhan ang ginawa namn. I missed simple nights like this. Dahil sa kumplikadong estado ng buhay namin, hindi na kami nagkakareunion ng ganito. Just us three. So I treasured the whole night in my heart. We avoided negative talks. We were content with whatever we have now…

Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba sa mansyon.

Sa hagdanan pa lang ay naamoy ko na kaagad ang luto sa kusina. I wonder if it is the chef? Pinapunta ba ni Kael ang chef dito?

Nang nakita ko ang kapatid kong nakatalikod at kaharap ang stove ay lumapad ang ngiti ko.

“How sweet of you to cook for me…” sambit ko.

Nilapag niya sa counter ang courdon at pasta. Inamoy ko ang dahong nilagay niya sa taas ng cream pagkatapos ay umakyat sa high chair para makakain na.

“Wala akong ginagawa…” sagot niya.

Kinuha ko ang tinidor at inikot ang pasta roon. One taste and I’m sure everything on the plate tastes good. Pakiramdam ko ay mas naging independent si Kael sa lahat ng nangyari sa amin. Napilitan siya, tulad ko. But it did good to him…

“Samahan mo na lang ako ngayon…” sabi ko.
“Saan naman?”
“I want to go beyond the rock formations…”
“Anong lugar ba ang pagkatapos ng rock formations?”
“Still Costa Leona.”
He nodded. “Okay…”
“Hindi ka pa nakakapasyal sa buong lalawigan?”
“There’s nothing much here. Ang bayan ay maliit. Maraming abandonadong mansyon sa silangang bahagi. At sa timog, kung nasaan ang mga windmills ay mas marami pang luma at naglalakihang mansyon.”
“You’ve been around here?” I asked.
“I’m interested with the designs of the mansions around here, Ate.”

Kumunot ang noo ko nang may naalala muli.

“This is the home of the most famous families of architects. Dapat lang na maganda ang mga mansyon dito…”
“I have no idea about that, Kael.”

Parang interesadong interesado siya sa mga disenyo, ah?

Pagkatapos kumain ay lumabas na kami ng mansyon. Naglakad lakad kami sa buhangin. Malakas ang mga alon at tuwang tuwa ang mga naliligo sa dagat. Families flocked with their kids. Napangiti ako tuwing nakikitang masaya ang mga guests.

Nang nasa rock formations na kami. Sa gilid ako dumaan para makahawak sa dingding. Kael held my hand to support me, too. Kaya hindi ako masyadong nahirapan.

“Have you seen all the nearby islands, Kael?” tanong ko habang nahihirapan kaming dumaan sa mga bato.
“Hindi pa.”
“You should go. Kung wala kang ginagawa, that is…”

Nang nakawala kami sa mga bato ay nagsimula nang tumakbo ang puso ko. Ang nakahilerang mga bangka sa dalampasigan ay nagpapaalala sa akin sa mga Salmo nila. Iniwan ko si Kael para isa-isahin ang mga bangkang nakita.

“What are you looking for, Ate?” Kael asked.

Umiling ako at nilingon ang bahay sa tapat ko. The wooden table is still there but it looks older now. Ang duyan ay naroon din sa ilalim ng punong kahoy at ang bahay nila ay nakatayo parin tulad ng dati.

Diretso ang lakad ko patungo roon. Neverminding the pain caused by my throbbing heart.

“Ate…” Kael called.

Masyado akong nakatutok sa mga dingding. Naglakad ako patungong likod para makita ang kanilang pintuan pero sarado iyon!

Kumirot ang puso ko habang hinahawakan ang dalawang kahoy na nakaekis, tandang walang tao sa loob dahil sadya iyong nilagay. May iilang mangingisdang dumadaan at nagtatatawanan. Nilingon ko sila.

“Who’s house is this?” Kael asked.

Hinawakan ni Kael ang nakaekis na kahoy. Tinuro niya ang pako.

“Excuse me…” tawag ko sa dumaang matanda.

Napawi ang ngiti ng mangingisda at bumaling sa akin. Lumapit pa siya at sinulyapan ang bahay na nasa harap namin.

“Nasaan po ang mga nakatira rito?” tanong ko.
Umismid siya at umiling. “Umalis na. Hindi na ata babalik ang mag-ama…”
“Huh? Saan po? Kailan lang?”
“Hindi ko alam kung saan pero noong isang linggo pa lang sila umalis…”

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan muli ang pintuan. So Sibal’s still here after five years? He’s still here… Nagkasalisi lang kami dahil iyong pag-alis nila’y pagdating ko naman!

“Hindi ba nagpasabi si Tito Achilles kung saan po sila pumunta?”

These are his friends. They should’ve known where they are!

“Kaibigan ka ba ng pamilya nila, hija?” tanong ng matanda.
“Opo!” maagap kong wika.
“Hindi namin alam pero malaki ang tsansang tumulak sila pa Maynila… Hindi sila nagpasabi. Biglaan ang alis nila. Maging ang pinakamalapit na mangingisda ay walang alam kung saan sila nagpunta…”

Tumango ako nang naintindihan na wala akong makukuhang impormasyon sa kanila. Nang umalis ang matanda ay nanatili akong nakatingin sa buong bahay.

“This is a house of a friend, Kael…” I explained then turned to him.

Nagkasalubong ang kilay ng kapatid ko habang tahimik akong pinagmamasdan.

“You want to find the friend you’re talking about?”

Naglakad ako patungong dalampasigan muli para titigan ang kabuuan ng bahay. Halos wala sa sarili ko siyang sinagot.

“Oo…”
“This is the age of social media. Why don’t you make you search for your friend in the internet?”
“You’re right. Gagawin ko iyan.”

Naglakad lakad si Kael sa kahabaan ng dalampasigang puno ng mga bangka. Sumunod ako sa kanya, wala sa sarili. Tinitigan ko ang cellphone ko habang gumagawa ng account sa Facebook.

Muli akong ginapangan ng kaba. Something about this makes me feel like I can really find him here.

Pagkatapos kong makagawa ng account ay hindi na ako nag search ng kahit sinong kaibigan. I immediately typed his name.

Percival Riego…

Nothing matched.

Sibal Riego…

Percival Archer Riego…

One suggestion said Archer Riego is existing! Tumigil ako sa paglalakad. Sobrang layo na ni Kael. Tingin ko’y mapapadpad na kami sa kagubatan kapag nagpatuloy kami.

I clicked his profile and saw his profile picture. His account is very private. His profile picture is just a picturesque view of the sunset, the beach, and a sillhouette of a boat.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang photos kung mayroon man. There’s none that I can see.

But I chickened out at the thought of adding him. Maybe… not now. Maybe…

I closed my eyes and tapped the Add Friend button. What the hell?

“Are you okay?” sigaw ni Kael sa malayo.

Tinago ko ang cellphone ko at bumaling sa aking kapatid na sobrang layo na. I’ve never been here!

Pinasadahan ko ng tingin ang naglalakihang puno sa kaliwang bahagi ng nilalakaran ko. Mga iba’t-ibang huni ng ibon ang naririnig ko galing doon.

“Kael! Balik na tayo… Mukhang wala nang tao rito!” I shouted.
“It’s cool here…” he just said.

Ilang sandali pa kaming nanatili roon dahil masyado siyang nalibang sa katahimikan ng dalampasigang walang tao. The sand is full of shells and sea weeds. Hindi ito naaalagaan dahil wala namang tao rito. It’s all natural.

Nagpasya kaming bumalik ng hotel nang nagtanghali. Kinwento ni Kael ang nakitang kagubatan sa pinuntahan namin samantalang natahimik lang ako. Medyo sumakit ang ulo ko sa kakalakad namin sa ilalim ng mainit na araw.

I spent almost the whole afternoon sleeping para maibsan ang sakit ng ulo. Nang nag-alas kwatro ay bumangon ako at tiningnan muli ang cellphone. Namangha ako sa mga notifications na natanggap pero ang nakita ko lamang ay ang mga pag-Add sa akin ng mga kaibigan ko.

I checked his account again. I’m still waiting for his response to my friend request. I sighed… Maybe he’s not always online? Where is he? Is he in a place where he can actually find internet?

Wala sa sarili muli akong naglakad sa silangang bahagi ng beach. Naroon parin ang bangkang nakatali sa maiksing boardwalk. Lumapit ako sa dulo ng boardwalk at umupo sa kahoy na sahig nito.

Hindi naabot ng alon ang boardwalk pero kapag hinulog ang paa ay maaabot naman ng tubig. Umihip ang hangin. Tinuko ko ang kamay ko sa kahoy para maihilig ang likod at makatingala sa sikat ng araw.

Hinayaan kong bumagsak ang buhok ko sa boardwalk habang tumitingala. Unti-unti akong dumilat ilang sandali ang nakalipas at tiningnan ang horizon.

Everytime I think about Costa Leona, all i think about is the stress it gave me. Ngayon ko pa lang talaga naappreciate ang lugar na ito nang hindi iniisip ang kahit anong stress.

Isang oras yata akong nanatiling ganoon hanggang sa pinili kong tumayo at harapin muli ang puting bahay galing sa boardwalk. It looks the same. Wala talaga yatang nakatira.

Naglakad ako pabalik sa dalampasigan para mapuntahan ang bahay. Nang nakaapak na ako sa bermuda ilang metro ang layo sa gate niyon ay naramdaman ko muli ang lamig sa lugar.

Pinasadahan ko ng haplos ang mga kulay pink na bulaklak sa mga baging na nasa dingding. TInulak ko ang puting gate at muli akong pumasok sa loob.

Ngayon ay nilagpasan ko na iyong duyan. Inikot ko ang buong bahay para makita ang kabuuan. I’m very impressed with it’s exterior. Paano pa kaya ang nasa loob nito? Ang nasa taas nito?

Muli akong lumapit sa bintana para makita ang looban galing sa porch. The insides have complete appliances and furniture. If only I can open the door and go inside so I can see the whole of it.

The coffee table is a square wooden furniture with triangles on its foundation and a glass top. Ang mga ilaw sa taas ay mistulang parisukat na pendant na may ilaw sa gitna ng confetti ng kahoy. Ang lampshade sa tabi ng mga puting sofa ay may stand na nagmistulang sobrang tabang knotted rope.

Tumunog ang mga shell windchime sa ulunan ko at tiningala ko iyon. Huni ng mga ibon naman ang narinig ko sa labas na bahagi nito.

Nang napadpad ako sa likod ay nakita ko ang mas malawak pa nitong landscape ng mga shrub at bulaklak. May puting outdoor iron chairs and tables sa bermuda bago ang napakalaking spanish style gate nito.

My eyes feasted with everything in that mansion. I feel so relaxed. Pakiramdam ko ay mas narerelax ako sa mansyong iyon kumpara sa mansyong mayroon kami.

The next day, I woke up early for the said meeting. Disappointed kong tiningnan ang aking mga notifications habang naglalagay ako ng pearl earrings.

I’m wearing a cream corporate dress with a thin brown belt. I stepped into my cream Louboutins. Dinampot ko ang aking cellphone at pinatay na lang ang Facebook.

I tied my long hair in a high ponytail and I put on some make up. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin bago tuluyang umalis para magpunta sa hotel.

Kahit na may conference room ay sa Seaside pinili ni Papa magpaset up ng long table para sa mga bisita. I joined my brother and my father in welcoming the managers from The Coast Boracay and the managers we have from here.

“Good morning, Miss Galvez!” sabi ng isang lalaking manager na galing pa sa branch namin sa Boracay.
“Good morning!” Ngumiti ako sa kanila at nilaharan pa ng kamay. “Welcome to the Coast Main…”

May bigla pang nagflash na camera sa akin. Napakurap kurap ako sa nangyari. May pumasok na may I.D. na may nakalagay na “Press”.

Nagkatinginan kami ni Kael.

“I invited them for advertisement purposes!” paliwanag ni Papa sabay yakap sa babaeng kumuha ng picture ko.
“We would also like to interview you for the magazine we have, Miss Galvez. Since ikaw ang magiging acting president nito habang nirerenovate ‘di ba?”

Are we even close? Tumango ako at nginitian parin iyong babae.

Filipino-Chinese Businessmen came, too. May sososyo rin kasi kay Papa sa gusto niyang kuning resort sa Iloilo at bago ito makipagdeal ay gustong makausap sa meeting na ito.

“Shall we all go to the Seaside restaurant?” ani Papa.

Iba’t-ibang puri ang narinig ko galing sa kanila. May nakikisimpatya rin sa nangyaring pang ii-scam kay Tita Marem na tinanguan ko lamang.

Naupo kami sa isang mahabang lamesa. I sat beside Papa and Kael. In front of us is the businessmen. The media is beside them and the managers, too. May upuan pang dalawa sa dulo na walang tao.

“Are we expecting more?” tanong noong sosyo ni Papa.
“Yes, uh, Engineer called. He’ll be late. He picked up the architect working for The Coast Boracay…” ani Papa.

Isang white board ang nakaset up sa likod ni Papa kung nasaan finlash ang mga plano noon bago tinakbo ang pera.

“Marem’s plan is fine but very extravagant. Hindi naman sa gusto kong tipirin ang The Coast, what I’m saying is the Architect and Engineer I chose after the bidding is just as good na kayang gawing maganda ang mga resort, without compromising the materials, and with extravagant looking changes…”

Humalukipkip ako sa nakikitang presentation sa harap. Gusto ko ang ginawang disenyo ng scammer na hinire ni Tita.

“So… kaya ba nitong gawin din iyong sa Iloilo, Remus? Alam mo namang malaking bagay sa aming pamilya na ilipat ang pangalan sa ilalim ng chain of hotels n’yo dahil lang ikaw ang may pinakamalaking share sa aming kompanya. Are we going to have this kind of renovation as well? Affordable and classy?”
Tumango ako sabay tingin kay Papa. “Of course! I just bought the shares so hindi pa ako nakakapag open up sa Engineer tungkol riyan but he’s good and he’s not overpricing things. Surely, he’d do the same for the hotel…”
“Papa…” I raised my hand. “Why don’t we carry on Tita Marem’s design and just choose affordable, but not substandard materials? Her design is good, too! I don’t see how anything can be better than that.”
Ngumiti si Papa. “Hija, it depends on who’s designing it. I assure you that the new designs are good.”
“I like Tita’s design. The landscape is good. Ang four storey building para ng convention center na gagawin sa tapat ng main hotel building… Is that going to be one of the features in the new design.”
“Yes, hija…”
“And is it going to be as beautiful?”
“I like to establish an icon for the Coast. Kapag susundin natin ang kay Maria Emilia, mawawala ang iconic color and design ng mga hotel ng The Coast. Hers is a convention center that looks like it’s somewhere in the city…”

Ipinakita ni Papa ang rounded design ng Convention Center building noong kay Tita Marem. Kulay blue ang mga salamin at tila gawa sa bakal ang building. Ngumuso ako nang napagtanto ang ibig sabihin ni Papa.

“I want something that symbolizes the whole resort. Its cream and chocolate brown colors should be present. The modern style should be there but…”
“Definitely shouldn’t be as modern as Maria Emilia’s design…” sabi noong businessman.
“Yes. People come here to escape the city. If we build a building that can remind them of the city, hindi na iyon mabuti…”

Natahimik ako sa ideya ni Papa. Pinagmasdan ko na lang ang mga pagkaing nilalapag ng waiter sa aming harap.

“Well, I don’t know… I’m sorry for the comments, I haven’t seen the whole blueprint of the new designs…”

Where the hell is his golden boy? Kung late siya ngayon, ibig sabihin ay iresponsable siya.

“Wow! Miss Galvez, I thought you’re made of sugar and cotton candy. It turns out you’re tough when it comes to business…” singit pa noong press.
Ngumiti lamang ako.
“For someone who run the company at the age of seventeen, tingin ko ay dapat lang na ganyan siya…” sabi naman noong lalaking manager ng The Coast Boracay.

I shifted uncomfortably.

Bumalik si Papa sa upuan at nag-usap na sila tungkol sa gagawing renovation. Kung paano mag aadjust ang mga tao sa mga complains ng guests at kung paano ihahandle ng mga manager iyon.

Ganoon ang usapan habang kumakain. Tahimik lamang ako lalo na nang narinig kay Papa na malaki ang tsansang sa Boracay siya mananatili the whole project dahil ako ang ilalagay niya rito.

All this time I thought he’s going back to Manila to rest but now that he said that… Wala nga palang ibang mapagkakatiwalaan. Kael doesn’t want the high job. He wants to start down the hierarchy.

“President, bakit hindi si Miss Galvez ang ipadala n’yo sa Boracay?” tanong noong lalaking manager.

Sumulyap ako sa kanya. He smirked at me. Kumunot lamang ang noo ko at tinusok ang shrimp na nasa pinggan ko at sinubo.

Are you hitting on me? No, please… I’m not interested.

“Mas gamay ng anak ko itong main kaya rito ko siya ilalagay…”

Hinawakan ko ang baso ng tubig para makainom.

“Sorry we’re late…” isang mababang boses ang narinig ko galing sa malayong gilid ng mahabang lamesa.

Tumawa si Papa at agad na tumayo. I turned to where that voice came from as I try to drink my water. Namilog ang mga mata ko nang nakita kong sino iyon.

Hindi ko namalayang naitapon ko ang tubig sa aking bibig sa panginginig ng aking kamay dahilan kung bakit natapon iyon sa aking damit. Fuck!

Padarag kong nabitiwan ang baso at nilapag sa lamesa. Nagtawag si Kael ng waiter para makahingi ng karagdagang tissue. Nanginginig ang kamay ko habang pinupunasan ang tubig na nagmarka sa aking dibdib. Tumulong si Kael sa ginagawa ko. Damn it!

“Everyone, this is Engineer Percival Archer Riego…” magarbong sabi ni Papa sa mga panauhin.

Gusto ko siyang tingnan pero parang nahihilo ako sa sobrang kaba. Nanginginig ang buong sistema ko at literal na malakas ang bawat pintig ng puso ko. My breathing hitched at pinagpawisan ako ng husto.

“And… well, he’s with his…” naririnig ko ang bigong tono ni Papa sa sinabi niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. May nakakapit sa kanyang braso. Isang maputi at mukhang sopistikadang babae. Her black tight dress revealed her perfect curves down to her fair, porcelain legs. Siksik ang kanyang dibdib at mapupula ang kanyang labi! Her flowing curly waves fell down her shoulders and a dimple showed up when she smiled at us. Binalik ko ang tingin ko kay Sibal at nilipat niya agad ang kanyang tingin sa aking ama. Not even looking fazed with my presence!

Parang tinusok ng punyal ang puso ko.

“This is Architect Gracie Marie Racaza, my partner in this project…”

Tumayo ang mga manager para maglahad ng kamay sa kanila. Ganoon din iyong mga businessmen sa harap ko. Tumayo rin si Mikael sa tabi ko para makalapit sa kanila.

Luminga-linga pa ako at nang napagtanto ako na lang ang nakaupo ay tumayo na rin ako.

“Engineer, these are my children. This is Mikael Rodolfo Galvez and my daughter… Nieves Solanna Galvez.”

Nagkamayan si Kael at si Sibal. Halos himatayin ako sa sobrang kabang nadarama. He wouldn’t even look at me.

When he turned to me, the beating of my heart doubled. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa kaba at nanginginig ang binti ko sa takot na ‘di malaman.

“Percival Archer Riego, Miss Galvez…” he said coldly.

What… What is the meaning of… He’s… denying that we know each other…

“Uhm…”

Tiningnan ko pa muna ang kamay ko bago ko sinalubong ang kanyang palad. Waves of electricity enveloped my skin… But that was only brief. He immediately removed his hand after one firm shake and then he turned to my father.

Naglahad ng kamay sa akin ang babaeng architect. Nagdalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba ang kamay ko pero nagawa ko rin. I immediately removed my hand on hers and turned to Sibal again.

“I’m sorry we’re late. Sinundo ko pa si Architect…” paliwanag niya na parang wala lang pagkatapos kaming magkamayan.

Tinitigan ko siya.

He changed. A lot. From his body built down to his clothes. He smells like expensive manly perfume, his skin is not as bronze as before, his lips shows more signs of redness, and even when he’s wearing a white long sleeve shirt, his iron clad chest and arms is evident.

“Shall we go back to our table?” puna noong businessman sabay tawa.

Nagsibalikan kami sa lamesa. Si Sibal at ang kasamang babae ay nanatiling nakatayo.

“They were waiting for the plan.”
“Ah! Dala ko iyon…” sabi ni Sibal sabay tingin muli sa kasamang architect.

She handed him a flashdisk. Nilahad ni Papa ang kanyang Macbook at doon nilagay ni Sibala ng kanyang flashdisk. He leaned to manipulate the Macbook. The architect went to him and she whispered something. They laughed silently as the guests chattered with different topics.

Sa monitor ay nagflash agad ang komprehensibong disenyo ng Convention Center na gawa nila.

“Hija…” Papa turned to me and pointed the screen. “Hindi ba ay may duda ka na baka hindi mo magustuhan ang disenyo nila? Tingnan mong mabuti…”

Sumulyap si Sibal sa akin.

“Pasensya ka na, Engineer at kahit naipresinta mo na sa akin ito ay hinihingi kong ipresent mo ulit dahil itong anak ko’y may pagdududa pa…”

What the hell? Hinilot ko ang sentido ko habang tinitingnan ang mga papel na pinamigay ng iilang waiter. Parte yata ng presentation nina Sibal.

“Gaya ng utos ni President Galvez, ang disenyo ng Convention Center ay katulad ng mga building ng The Coast…” panimula ni Sibal.

Nanatili ang tingin ko sa mga papel na ibinigay.

“Architect Racaza designed this, kasama ako. Pati ang Convention Center at renovation ng The Coast Boracay…”

He continued telling us the technicalities of his work habang wala akong ginawa kundi tingnan ng mabuti ang mga papel na binigay.

“With her expertise, we were able to design a better and more affordable-”
Tumawa ang babaeng architect… Sibal got distracted. “Expertise talaga? Oh, Engineer is praising me too much. Actually, this is my first time designing a hotel. Madalas pong dinidesenyo ko ay iyong mga building so I hope you like it…”
“Snow, kumusta at nagustuhan mo ba?” si Papa.

I cannot believe it!

Lumunok ako at tumuwid sa pagkakaupo. Nagtaas ako ng kilay at tumango.

“It’s fine…”
“Well, that’s great! I made them present again for your sake. These was already presented to the board…” ani Papa. “At ang tungkol sa renovation ng mansyon, Engineer.”

Humalukipkip ako at tiningnan silang tatlo sa harap. The girl leaned on Sibal’s shoulder habang siya naman at nakikinig kay Papa.

Parang may nagbabara sa lalamunan ko habang tinitingnan ang closeness nila. Bumagsak ang balikat ko at binalingan na lamang ang wineglass.

I cannot believe that he’s the golden boy Papa is talking about. I can’t believe he never mentioned me to him. I can’t believe he pretended that we don’t know each other. May amnesia ba siya? Ilang porsyento ba sa mundong ito ang may amnesia? O nakalimutan niya na ba ako? Is it very possible to forget someone after five years? Pinilig ko ang ulo ko… maybe… if you stop thinking about it.

Nilipat ko ang tingin ko sa kanila. The girl looked so happy on Sibal’s shoulder. Is he making her happy? And is she making him happy?

Kinagat ko ang labi ko.

Snow, nagkasundo tayo. Kapag nalaman mong may iba siyang mahal tatanggapin mo ng malugod. Don’t be like Tita Maria Emilia.

Though angered burn inside of me, its fire weakened. It’s not his fault if he’s find another woman. It’s my fault. That was my decision. This is all inevitable. He’s not to blame for anything.

“Snow… gusto mo bang ipresent pa nila ang renovation ng mansyon dito o sa pribado na lang since it’s our own project.”
Umiling iling ako. “Hindi na, Papa. Anything is fine.”
“So… are you saying you’re going to sign the contract now…”

Sibal’s eyes turned to me. Tinitigan ko siya. There’s nothing in them but indifference and coldness.

“Yes. I’m gonna sign it now. I want the renovation to start… and finish… as soon as possible…” sagot ko sa isang malamig na tono bago nabasag ang aking boses.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

27 Responses to Scorching Love – Kabanata 28

  1. Another superb story that keeps me hooked. Sana magkaron na uli ng updates.. so excited with how the story is going to unfold..