Scorching Love – Kabanata 27

July 9, 2016 By In Scorching Love 5 Comments

Kabanata 27
White

Pinaglalaruan ko ang bibig ng wine glass habang nakatulala. Ang sabi nila, tumutunog daw iyon kapag ginawa mo. Kaya lang, hindi ko marinig kung tumutunog nga ba ito dahil sa ingay na nanggagaling sa mga stereo.

Si Brenna ay nasa tabi ko habang si Bronson ay nasa tapat namin. May dalawang babae sa kanyang gilid at pareho niya iyong inaakbayan. Cissy is dancing with someone she just met.

“Sayaw na tayo, Snow. Ano pa bang pinunta natin dito? Ang pagtunganga mo riyan?” Brenna giggled.

Umirap ako at tumingin sa kanya. She just wants to dance because a famous idol is on the dancefloor.

“Ikaw na lang muna…” sabi ko.
“Hah!” she scoffed. “Kung uuwi ka bukas ng Costa Leona, hindi ka man lang ba magsasaya ngayon para hindi mo naman ma miss ang syudad?”

It’s been five years since the last time I was there. Inaamin kong hindi naging madali ang limang taon na iyon lalo na tuwing naaalala ko ang sakit sa mga mata ng lalaking iniwan ko para sa ikabubuti niya.

Nasa isang malaking bar kami ngayon. The booming music from the stereo is deafening and the bodies on the dancefloor looks blurry. I think I had too much wine.

Bumalik ako rito sa pag-aakalang narito si Papa sa Maynila. Gusto niya raw akong kausapin tungkol sa expansion ng resort pero ang nadatnan ko lang ay ang chopper namin.

Papa wants me to go back to Costa Leona and manage it again. Noong umalis ako limang taon ang nakalipas ay si Tita Marem ang sumalo ng lahat ng iniwan ko. Inakala ko noon na kaya na iyon ni Tita Marem lalo na’t dinala niya ang kanyang pamilya sa Costa para manirahan habang inaayos ang kumpanya.

And right now, I receive this news? I can’t believe it!

“I am very sure you’d be so depressed with your work, Snow…” Brenna said as she downed another shot of whatever liquor she’s drinking. “Bakit daw ba umalis si Tita Marem?”
“Hindi ko alam. Hindi ko na siya naabutan dito sa Maynila. Pagdating ko kahapon ay iyon ‘yong flight nila patungong America…”

Umalon ang hanggang balikat na kulot na buhok ni Brenna sa kakatingin sa dancefloor at balik naman sa akin.

“Tingin mo, bakit siya tuluyang umalis?”
Nagkibit ako ng balikat kahit na may ideya na ako. “She’s probably very guilty about what happened…”
“Magkano ba ang nakuha noong contractor na pinagkatiwalaan niya?” tanong ni Brenna.
“Thirty Five Million…” sagot ko.
“That’s so bad… Bakit siya nagtiwala roon?”
“Kilala niya yata…”

Tinangay ang pera namin ng napiling contractor ni Tita Marem para sa renovation ng resorts. Iyon yata ang dahilan kung bakit siya nagmamadaling umalis. Nagmamadaling tinake over din ni Papa ang resort at ngayon pinapasalo niyang muli sa akin dahil hindi na naman daw maganda ang lagay niya. Of course, I’m willing to do it again. For him. For the sake of our resort.

Bigla akong hinila ni Brenna sa dancefloor. Halos matapon ang iniinom ko dahil sa ginawa niya.

“Wait!” I protested but it’s too late.

Nasa gitna na kami ng dancefloor. She made her way to the center and started dancing. Hinawakan niya ang kamay ko. She swayed it and laughed. Natawa na lang din ako. Lasing na yata ‘to!

I danced with her. Noong nahanap kami ni Cissy ay sumali siya sa amin. Her boylet is just behind her while a tall handsome man went beside Brenna. Kumunot ang noo ko nang napagtantong medyo pamilyar siya.

Ah. He’s the idol I’m talking about. Makahulugang nanlaki ang mga mata ni Brenna sa akin at mas lalong pinag igihan ang malagkit niyang pagsasayaw. Someone’s behind my back, too. Mabilis kong nilingon kung sino and I realize it’s a friend of the idol I’m talking about.

Sinubukan ko na lang ding sayawin siya pero parang nagpupumiglas ang utak ko. All thoughts about him were quickly extinguished by my comparison of a man I knew before.

Hinarap ko siya. Matangkad ang kasayaw ko ngunit mas matangkad iyong kilala ko. His nose is narrow, pero mas maganda ang tangos ng ilong ng kilala ko. His hair is messy, but someone’s hair is a better mess minus the expensive products. He smells like wine a cigarette, my someone doesn’t smell like this. Bakit ko kinukumpara? Pakiramdam ko ay sa loob ng limang taon, ganito lang ang ginagawa ko palagi tuwing may nagtatangkang lumapit sa akin. My heart is fully owned by someone else. It is not mine to give anymore.

“It’s getting hot in here…” he whispered. “My condo is just near…”

Nah. Not you.

“My feet is tired. Babalik lang ako rito. I want to rest a bit…” sabi ko kahit na off topic.
“Oh…” medyo nagulat siya sa sinabi ko. “Okay, then…”

Tumigil ako sa pagsasayaw at mabilis na bumalik sa lamesa kung nasaan si Bronson. He’s already kissing the girl on his lap. Nawala na iyong isa. Siguro ay nakapili na siya.

Nilagok ko ang isa pang baso ng wine at sumalampak na pabalik sa sofa. Sa ingay na nagawa ko ay natigil ang dalawa sa harap.

“Sorry!” I said raising my finger.
“Are you okay?” Bronson wiped his red lips.
“Yup…” tumango tango ako at tumingin muli sa ibang banda.

For years, there’s just nothing that’s on my mind but to be back in Costa Leona. I want to go back there to apologize to him. I want to say sorry for not being strong enough. I want to say sorry for judging him on my mind. I want to say sorry for being too young to decide on my own.

Sa araw na paalis ako patungong America ay nalaman ko na sa loob ng halos anim na buwan, hindi kinuha ni Sibal ang kanyang sahod sa hotel. Tumawag si Mrs. Agdipa sa akin para magtanong kung anong gagawin niya sa pera ni Sibal na hindi niya kinuha sa mga buwang iyon.

I was so shocked. I was shocked because at the back of my mind, I doubted his sincerity, too. I doubted his true motive because I find it all too fast. Plus the history of Tita Marem and Tito Achilles.

Guilty ako sa pag-iisip ng masama sa kanya.

Still, that’s not the reason why I left him. I left him because he needs me out of his life. Tita can destroy their life. Ang dahilan kung bakit sa loob ng ilang taon ay hindi ako bumalik ay dahil naroon parin si Tita. She’d do anything to destroy them, for sure.

Papa’s weakness is scary. I couldn’t tell him the truth because I’m scared of what will happen if he finds out. Medyo rin kasi gusto niya si Gustav para sa akin tulad ni Tita Marem. However, he doesn’t openly tell me to date him unlike Tita. He just wants me to be a good companion to him.

“Ano ka ba?!” ani Brenna nang bumalik siya sa akin.

Eissen Philips, the idol I’m talking about, is already behind her. Pulang pula ang pisngi ni Brenna habang ngumingiti sa akin.

“Sayaw ulit tayo, Snow!” she asked me.
“Ayaw ko na. Pagod na ako…” sabi ko at nagsalin muli ng wine sa aking baso.
“Fine. Just don’t go out of this club without telling us! Wala kang bodyguard, my God! Malalagot kami…”

Uminom na lamang ako at hinayaan siyang umalis para makipagsayawan ulit. People from the other table noticed me. They waved at me and I just nodded. May iilang mga kaklase ako sa lamesa nila at may iilang family friends din.

“Where is Stav?” Bronson asked quickly. His girl is clinging to him like a koala.
“Out of the country,” sagot ko.
“You broke up with him?”
“Oh please, Bronson. We’re not even together. It’s just a suggested relationship by my Tita Marem…”

Pilit kong tinapos ang gabing iyon na nakangiti. Nakihalubilo na lang ako sa mga kilala ko. May iilan pang nangangamusta, nanghihingi ng number, at pumuporma na agad kong tinigil. I’m just not interested in dating. I have not been interested in dating for almost five years. I feel like I’m reserving my feelings for someone.

Mataas na ang sikat ng araw nang sumakay ako sa chopper namin sa helipad ng isang malaking hotel. Doon kasi bumaba si Tita Marem kasama ang pamilya niya bago sila tumulak kahapon patungong Estados Unidos.

Umingay ang makina at ang rotor blade. Sinuot ko na ang aking headphones at tiningnan ang aking mga gamit sa aking tabi.

This is the first time I’m flying without bodyguards. I asked Papa to remove them because I won’t be needing them in Manila. Hindi niya na pinilit, siguro’y natakot na tumanggi akong bumalik ng Costa Leona dahil lang hindi niya ako pinagbigyan.

No, Papa. I will be back there. I need to go back. I have so many unfinished business. This is what I’m longing for for years at ngayon ba ako aatras?

Lahat ng koneksyon namin ni Sibal ay pinutol ko dahil sa kagustuhan ni Tita. For her to leave them alone, I must abide her rules so I did.

I hate to admit it but I think what happened is only right. We were too young to start a life for adults. We were too young to believe that we can do it. Or… I was too young to believe that I can do it.

Nasaktan ko si Sibal sa naging desisyon ko pero tingin ko’y tama lamang iyon. Not only to stop Tita from destroying them, but also to stop us from doing stupid things.

Kaya ngayon narito ako para humingi ng tawad sa lahat ng nangyari. Narito ako para itama ang lahat ng pagkakamali.

Sinikop ko ang buhok ko at nilagay ang kahabaan nito sa kabilang balikat. It’s now very long. Hindi ko iyon pinutulan sa loob ng ilang taon para humaba ng ganito. Naiinis kasi ako tuwing may nagsasabing kamukhang kamukha ko na si Tita Marem. Her hair was middle length and with full body, tulad ng sa akin kaya pilit kong pinahaba iyon. I stayed away from things that would make me feel that we’re the same because I don’t want my story with him to be the same with her story of Tito Achilles.

Palundag lundag ang aking puso nang bumaba ang helicopter sa helipad ng hotel namin. A tall young man was standing just near the stairs. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa bulsa. Ngumiti ako at kinawayan siya. Hindi naman nagreact si Kael sa ginawa ko.

Huminga na lamang ako ng malalim. I didn’t expect him to grow up this cold. I’ve been away from him for five years. Tuwing pasko ay madalas siyang nagbabakasyon sa States at kada punta niya roon ay napapansin ko ang pagbabago sa kanyang attitude at pangangatawan.

He’s wearing a smaller eyeglass now. He’s four inch taller than me now. Wow! I raised my hand to measure his height.

“Hello, brother…” tumingkayad pa ako para makahalik sa kanyang pisngi.

He only wiped the lipstick on his face. I smiled.

“Where’s Papa?” tanong ko.
“He’s in his office…” sagot ng aking kapatid.

Iilang mga ‘di ko na kilalang trabahante ang pumunta sa chopper para kunin ang aking mga bagahe. Kael shook his head when he realized something. Tinagilid ko ang ulo ko at tiningnan siyang mabuti.

“No matter how hard you try to be unlike her, you really are a mini Tita Maria Emilia.”
Napawi ang ngiti sa aking labi. “You know how to ruin my day, huh? Saang office si Papa at nang makausap ko na siya. Is he taking his medicine?”

Sabay kaming bumaba sa hagdanan. Hinawakan niya ang kamay ko, bilang pag-alalay sa akin.

“Sa hotel. Alam mo namang ayaw naming mag stay sa mansyon dahil kasalukuyan itong pinaparenovate…”
“Oh? It started already? Kaaalis lang ni Tita, ha?” puna ko.
“Tumigil pagkaalis niya dahil nawala rin ang mga labor workers pagkawala ng kanilang contractor. It’s a scam. Now, Papa found someone who can continue all the work. He’s the one who also made the house in Quezon, if you remember…”
“Oh. Papa mentioned that to me, Kael. Pero… maganda ba ang gawa noon? Hindi ko pa nakikita ang mansyon sa Quezon kaya hindi ko alam. He should’ve let me find someone since I have connections, too…”
“Kayo na lang ang mag-usap. He’s fond of him… like he’s a golden boy or something. But I must say, ate, he’s good. The mansion’s great…”

Tinuro ni Kael ang pintuan ng minsan ko na ring naging opisina. Ilang sandali ko pang tinitigang mabuti ang pintuan.

“Thanks, Kael. Papasok na ako.”
“Ipapaayos ko ang mga gamit mo. Saan mo gustong tumuloy?” he asked.

Nilingon ko ang pintuan ng kwartong minsan ko na ring tinuluyan. Memories flashed on my mind and I can’t believe it’s been years. Sumariwa sa akin lahat. Lahat ng mga nangyari noon.

“Ilagay mo na lang muna sa mansyon,” sabi ko.
“But the mansions… okay… I’ll ask them to put your things there…”
“Thanks, Kael…”

Tinulak ko na ang pintuan. Tumayo agad si Papa nang nakita akong papasok. A big smile flashed on his face as he went to me for a hug. I closed the door behind us and I welcomed his arms.

“I missed you, Papa…” sabi ko.
“I miss you, too, Snow… Mabuti at pinaunlakan mo ang gusto kong mangyari.

Iginiya niya ako palapit sa mas malaking lamesa. I noticed that the furniture changed. The sofa, the coffee tables, even the swivel chair changed. Kung sabay, ilang taon na rin ang lumipas. Siguro ay pinalitan na ni Tita Marem.

Huminga siya ng malalim at agad umupo sa swivel chair. He’s not looking very good but he managed to smile. Tinagilid ko ang ulo ko.

“Did you bring a nurse?” I asked.
“We have a medical team here. I’m taking my medicine religiously so I must be fine…” he insisted.

Humalukipkip na lamang ako. May mga bagay parin talagang hindi nagbabago.

“How are you? I heard Stav’s in Hongkong?” tanong niya habang nilalahad sa akin ang upuan.

Hindi ako lumapit para umupo. Imbes ay lumapit ako roon sa veranda para tingnan ang nangyayari sa pool. Napansin kong medyo nasira ang ilang landscape. Ilang puno ang wala na sa kung saan sila noon. May mga payong ding hindi na tuwid ang tayo at ang isang pool ay walang tubig.

Hinawi ko ang blinds para makita ang malayong dagat sa kanang banda. The sea looks the same… in fact, it looks even better now that it’s summer.

“Yes, he is…”
“Are you with him?”

Binalik ko kay Papa ang tingin ko pagkatapos ay inilingan siya.

“Hindi po, Papa. Although, I understand Tita Marem’s idea of relationship since his family can do good to us but-”
“No, no… Don’t worry about it, Snow. I’m not saying that you should have a relationship with him. Kinakamusta lang kita…” paliwanag niya.

He relaxed a bit. His blue long sleeves polo looked too big o talagang medyo pumayat lang si Papa. It’s probably because of stress. We have money but losing 35 million in a blink of an eye isn’t funny.

“Maayos po ang lagay ko. Kayo ang inaalala ko ngayon. What happened to the pools and why is our landscape a mess?” I asked him.
“It’s part of the approved renovation plan of Maria Emilia, hija…” he smiled weakly.

Bumagsak ang balikat ko. Tita Marem messed up really bad, huh?

“Ano nang mangyayari ngayon?” nag-aalala kong tanong.
“I’m trying my best to find that scammer. Tumigil na si Marem sa paghahanap noon. She made foolish and reckless decisions before she left…”
“Ano?”
“Pinabidding niya ang trabaho para makakuha ng mas mura. Then she let me decide just the day before about it.”

Hinilot ni Papa ang kanyang sentido. Kinabahan agad ako at nilapitan siya. Ang daming problema!

“Sana ay nagdala ka ng personal nurse, Papa.”

Hinagod ko ang kanyang likod. Hinawakan niya naman ang aking kamay para i assure ako na ayos lang siya. I’m not even assured. I’m sure he’s in so much stress!

“I know. I want to rest, actually. I was just waiting for you to come here and take charge while I do that…”
Ngumiti ako. “I can take over from here, Papa…”
“I know, Snow. I just want to brief you properly…” he sighed. “I asked someone to join the bidding. He offered the whole company less millions kaya mas umangat sa ibang bidders-”
“Papa naman, baka scam ‘yan!” I warned him.
“No, hija. He’s a trusted engineer. Siya nga iyong gumawa ng mansyon sa Quezon. He understood our problem so he offered that to the company. Mabuti nga at mabait si Engineer. We have no choice but to put our faith in him and his team. Magaling iyon!” his eyes twinkled. “He’s the engineer of the Public Market in a neighbouring province! Pati iyong bagong city hall ng Roxas at ang Sports center doon!”

Humalukipkip ako habang tinitingnan ang tuwa kay Papa.

“He’s a local here in Costa Leona kaya mas alam niya ang lahat ng mga ito. Siya rin ang gagawa ng bagong ospital malapit dito kaya narito siya sa Costa, siguro’y buong taon para roon.”
“From what you are telling me, he’s mostly involved with projects from the LGU…” sabi ko.
“Yes, yes… Pero may mga proyekto rin siya sa mga private companies. Bago ako nagpagawa sa kanya noong mansyon sa Quezon ay may proyekto siya sa Maynila. Nagkaroon din siya ng proyekto sa Abu Dhabi, Snow. Medyo marami na siyang naging proyekto at halos lahat ay world class. We’re very lucky to have him!” he smiled.

Nanliit ang mga mata ko. Maiintindihan naman siguro ni Papa kung medyo may pagdududa ako. It’s just all too good to be true. I don’t want to make the mistake of Tita Marem, in trusting everything to someone.

“Hindi ba pwedeng kumuha tayo ng ibang mga tao para sa gagawa ng renovation sa resort na ito at doon sa renovation noong sa boracay, Papa? You want to achieve the five star hotel for the The Coast Boracay so we must be wiser in choosing these people…”
“Maganda ang plano niya sa hotel, hija. He has better plans than Marem, actually. Si Solomon mismo ang nagrekomenda rin sa kanya dahil siya ang gumawa ng resort niya sa Batangas.”

Parang sobrang bigatin naman nitong ihahire ni Papa. May tiwala naman ako kay Tito Solomon, ayaw ko lang na kapag nabigo ay mas magdulot pa ng stress ito kay Papa.

“Hija, I understand your reaction. Huwag kang mag-alala at kapag nagawi iyon dito ay ipapakilala ko siya sa’yo. Ikaw na ang bahalang humusga…”
“Hindi ba sinabi mong taga rito siya? Bakit wala siya ngayon dito sa pagdating ko at nang mahusgahan ko agad siya at masimulan nang muli ang mga renovation na gagawin?”
“Hija-”
“It’s summer. The hotel is losing guests because of the ugly landscape. It didn’t maintain its beauty, Papa. Kahit ako’y makakapagsabi na hindi na ito iyong dating inalagaan kong mabuti-”
Tumawa si Papa sa mga sinabi ko. “Hija, you can’t expect a bachelor to stay in place. I don’t know where he is right now. Maybe nasa bayan o ‘di kaya’y nakikipagdate sa Iloilo.”

Mas lalo lang akong nairita. Who is this man and why does he seem to be so important to my father? Kung ihahire namin siya bilang engineer, pati ang mga tauhan niya, hindi ba dapat siya ang nag eeffort na kumbinsihin kami para ihire siya? Bakit parang binibigyan pa siya ni Papa ng pagkakataong magliwaliw at parang kami pa ang nangangailangan?

Kung sabagay, if his bid is less millions than the other bidders, that means kami nga ang nangangailangan sa kanya!

“Pinabago ko sa kanya ang isang clause ng contract kaya wala pa sa akin. Isa ka sa pipirma. Kung gustong gusto mong makita ang kontrata, I suggest we should wait till he’s done with it. And after mong pumirma ay pwede nang magsimula ang kanyang team-”
“Do you have a blueprint of his works? Who is his architect? Is he world class, too? And do you expect me to sign the contract easily?”

Tumawa ulit si Papa. Makahulugan niya akong tiningnan. Tila may malisya.

“The blueprint is with him, too. He gave it to me but I told him to give it with the contract. His architect is also from Costa Leona. Pero kahit siya man ay magaling ding magdisenyo. Siya ang pinagawa ko sa disenyo ng mansyon natin at maganda iyon. I expect you to sign the contract immediately because I’m sure you’ll like him.”

What the hell? Pakiramdam ko’y ginayuma noong Engineer si Papa at bakit sobrang gusto niya ito? I’m starting to believe that this might be another scam!

“Don’t be so sure, Papa. The way you talk about him, I’m hating him even more…”
“Oh, hija. I know Stav’s a good man for you but if I were to choose who you’re going to marry, I say this man will be good for you…”

Where the hell did that come from? Uminit ang pisngi ko at kumalabog ang puso ko. Papa gave a hearty laugh.

“Pa!” saway ko.
“He’s got good visions for the hotel. Konti na lang ay iisipin kong may passion siya para sa The Coast. And he’s single… just a bit older than you but I guess it will do good to you. You need a man older than you… Hindi ka nababagay sa mga ka edad mo…”
“Tsss. Why are we talking about this?”
“You know what? Why don’t you try to date him. Hindi ba ay nasabi mo sa aking hindi mo naman tipo si Stav. Tingin ko’y ang isang ito ang magiging tipo mo…”
“What the hell, Papa! Pinagkakanulo mo ba ako sa lalaking iyan? Ni hindi ko pa alam kung bakit ka bilib na bilib diyan-”
“His credentials says it all…”
“His credential is very normal for a good Engineer, Papa.”
“You’re right. He’s a great Engineer!”

Damn it! Nakakairita, huh? Masyado siyang attached sa kung sino man ang tinutukoy niya. I can’t do this while he’s this infatuated with his golden boy. He even wants me to date him?

“Whatever, Papa. I just want to rest now. Can I go now? Ipapapunta ko rin dito ang medical team para patingnan ka…”

At ang lahat ng iniisip mong kabaliwan. Tumawa ulit si Papa sa naging reaksyon ko.

“Snow…” tawag niya bago ko maisarado ang pintuan sa gitna naming dalawa.
Nag ngising aso siya ngayon. “I suggest you really date him. You’ll look good-”

Sinarado ko na ang pinto. Pakiramdam ko ay habang tumatagal ay mas nagiging isip bata si Papa.

Pinatawag ko ang medical team at pinaakyat ko sa kanyang opisina. Imbes na dumiretso sa mansyon ay nagawa ko pang mamasyal sa lobby. Most of the front desk people were new and younger. Ang alam ko ay nag-iba na rin ng management.

Napansin ko ring luma na ang halos lahat ng furniture ng lobby. The marble floor is still shiny but it’s not as elegant as it was years ago. Hindi rin gumagana ang isang automatic door sa exit kaya lahat ng papasok at aalis ay sa iisang pintuan lang dumadaan.

“Maalikabok ang mansyon. Bakit mo gustong doon tumuloy?” napatalon ako sa tanong ni Kael.
“To save. Isa pa, kapag naaprubahan na ang kontrata ay magsisimula nang gawin iyon. I think three months will do?” I said and then walked past some employees.
“Good morning, Miss Galvez…”

Napatingin ako sa lalaking bumati. He’s unfamiliar but he knows me. Nag ma-mop siya ng sahig at nag-iwas agad ng tingin sa akin. Matalim na tumitig si Kael sa lalaki.

Sinamahan ako ni Kael sa mansyon. May mga bakal nang scaffolding sa gilid ng mga dingding at mga kulay asul na trapal ang nakabalot sa iilang gagawan ng renovation. I sneezed when I breathed in some dust.

Kael held the door open. Everything was still in place only that medyo maalikabok nga ang buong sala.

“Hindi mo pinalinis?” medyo matabang kong tanong.
“I expected you to stay with us in the hotel,” he said.
“Kahit iyong tutulugan ko na lang palinisan mo,” sabi ko.
“Hindi maalikabok ang mga kwarto.”

He’s right. When we got in to my room, walang alikabok doon. Tinitigan ko ang mga bintana. Memories flashed on my mind… I remember the night when Sibal was punched by our bodyguards.

I remember the day after that when I saw his face with bruises. Parang may humawak sa puso ko.

“Ayos ka ba talaga rito?” tanong ni Kael pagkatapos ay binuksan ang bintana.

The window where I can directly see the landscape outside is now covered with metal scaffoldings.

“Ayos lang. Close that. I wont look out of the window…” sabi ko.
“I’ll see if I can transfer to the next room here, too…”
“Huwag na. Kung kumportable ka sa hotel, doon ka na tumira…”

Hinubad ko ang sapatos ko at agad kinuha ang spare slippers na naroon. Matutulog muna ako. Medyo puyat ako dahil sa night out namin kagabi.

After a while, nagpaalam si Kael na umalis para sabihan ang mga empleyado na linisan ang sala at ang kusina. Naligo naman ako at natulog ng mahimbing sa kwarto habang naglilinis sila sa baba.

Alas tres ng hapon ako nagising. I went to the kitchen for food but there’s nothing in there. Kailangan ko palang magpasabi ulit kay Kael.

Pumunta na lang ako sa restaurant para kumain. Tapos na raw kumain ang kapatid ko at si Papa kaya mag-isa ako.

Habang nakaupo roon ay pinagmamasdan ko ang nagseserve ng mga pagkain ko… even the people on the counter. I noticed they were all new, too. Wala na akong nahanap na pamilyar na mukha noon kaya tahimik na lamang akong kumain.

Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa seashore. There were some guests under the sun lounger but not as many as the guests we have before.

Tinanaw ko ang mga rock formations sa ‘di kalayuan. Ilang hakbang na lang Snow, magkikita na ulit kayo. Kaya ko ba? Kaya ko bang harapin siya?

Wala na akong balita sa kanya. Nag-asawa na kaya siya? Sila na ba ni Katarina? At nagkapamilya na ba siya?

Kapag ganoon ang mangyari, tatanggapin ko ba? Syempre… I will understand that I made tough decisions and that includes living him. I can’t expect him to celebate for years just because he told me he loved me. Anyone left with nothing can’t hold on forever. I understand if he’s find someone new…

Pero kung hindi pa siya nakahanap… kung hanggang ngayon ay wala pa siyang napupusuan… kahit na kinalimutan niya na ako at wala na siyang nararamdaman sa akin, I promise I’ll make up for it. I promise to help him remember what he made me feel before. I promise to kiss all the pain my own words left him.

Umihip ang malakas na hangin galing silangan. Hinarap ko iyon at nakita ko ang lawak ng puting buhangin patungo roon. I remember him anywhere I look from where I am now.

Unti unti akong naglakad patungong silangan, sinasalubong ang hangin sa aking mukha.

I closed my eyes to stop the sand from entering it. Nang humupa ang ihipay dumilat ako at napansing nasa mga lounger na kami sa mansyon.

Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ang mansyon mula sa dalampasigan.

Humugot ako ng malalim na hininga at niyakap ang sarili ko. I turned my eyes to the what’s in front of me again and I noticed a different sight. Kanina sa malayo ay napansin ko na ang boardwalk pero ngayong mas napalapit ay mas lalo kong nagustuhan iyon.

This is probably one of the changes here…

Humakbang pa ako patungo roon. Nasa tapat ito ng tabing mansyon sa amin. Iyong matandang mansyon na kulang na lang ay pamugaran ng mga multo.

Ngumuso ako at nilapitan pa hanggang sa nalagpasan ang border ng dalawang lupain. At the end of the straight boardwalk is a boat. I tilted my head to see the boat but a whisper of thin air made me look at the old mansion.

Kumunot ang noo ko nang napansin ang bago roon. There’s a small gate before going inside. Ang mga dingding ay sinadyang lagyan ng mga baging na may kulay pink na mga bulaklak. Imbes na tingnan ko ang bangka ay nagawi ako patungo sa mansyon.

The mansion is very unlike what it was before. Though it is still made of wood, hindi na ito iyong kahoy na meron ito noon.

The porch has a white hardwood fence and from here, you can see its floor is made of chocolate brown wood.

Hinawakan ko ang gate na gawa rin sa kulay puting kahoy. May iilang baging na nagtatangkang gumapang sa gate…

“Amazing…” bulong ko.

Ang buong bahay ay kulay puti. Ang tanging chocolate brown roon ay ang pintuan at ang sahig. It’s only decorated with the green plants hanging from the verandas ceiling and of course the vines here in the walls of the gates. Sinadya ring itanim ang palm trees sa kanilang lanscape sa labas.

Parehong bahay ito noon ngunit mas pinaganda lang ngayon. Mukhang narenovate ng mabuti. Sino kaya ang may-ari nito?

“Tao po?” sigaw ko galing sa gate.

Nakita kong hindi naman sarado ang gate na hinahawakan ko kaya tinulak ko iyon.

“May tao po ba rito? Ang ganda po ng mansyon n’yo! Gustong gusto ko po!” sigaw sigaw ko.

Mukhang wala naman yatang tao rito.

Umihip muli ang hangin at tiningnan ko ang nakakaengganyong bench na nakasabit sa porch nila. Isa itong duyan na bench! May mga kulay brown na unan doon!

“Hello? Is anyone here?” sigaw ko sabay lapit sa hagdanan ng bahay.

Humakbang ako paakyat ng maliit nitong hagdanan. Tumingala ako sa ganda ng disenyo ng paligid at nang napalapit sa pintuan ay ginala ko ang mata sa bintana.

“Hello!” mababa kong sinabi.

Only the soft sounds from the wind chime welcomed me. Ginala ko ang mga mata ko sa loob. Nilagay ko ang aking kamay sa gilid ng aking mga mata habang humihilig sa glass window para makita ang loob.

“Damn! The kitchen is so nice!” sambit ko.

This must be a rest house from someone who’s abroad!

“Hello po? Tinitingnan ko lang po ang nasa loob. Maganda kasi…” sabi ko.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

5 Responses to Scorching Love – Kabanata 27

  1. Thankyou for the ud, Ate! :))) di nako makapaghintay sa muling pagkikita ni snow at sibal after five freakin years huhu.