Scorching Love – Kabanata 26

July 9, 2016 By In Scorching Love 3 Comments

Kabanata 26
Stop It

Pagod na pagod na ako sa kakaiyak buong magdamag. I couldn’t even get myself to text him because I’m scared. Gusto kong malaman kung kumusta siya o ayos lang ba siya. Of course, hindi. Ayaw ko lang talaga aminin sa kanya na wala akong magawa. Kung mayroon man, mas lalala lang itong nangyayari sa amin.

“What did you do, Tita?” sigaw ko kay Tita Marem nang nawala na si Sibal sa labas.

Pinagkakatok ko ang kanyang pintuan para lang makapasok. I know she’s still awake. Paniguradong nireport sa kanya ng mga tauhan ang nangyari.

“Hija, it’s late…” bungad niya pagkabukas ng pintuan.

She sounds like it’s all normal habang nanginginig na ako sa galit at pag-aalala.

“Bakit ginawa nila iyon kay Sibal!? Wala siyang ginagawang masama!” reklamo ko.
“Tone down your voice or Stav will hear you!” pabulong ngunit may diin niyang sinabi.

Hinawakan niya ako sa braso at nilabas sa kanyang kwarto. Nanginginig ang kamay niya habang bumubuhos ang luha ko.

“You have no heart!”
“I said, tumigil ka, Snow! Matulog ka na roon at pinaalis lang naman si Sibal dito!”
“They punched him!”
“They punched him because he won’t go kung hindi dadaanin sa dahas!”

Punong puno ng galit ang puso ko habang tinitingnan ko ang aking tiyahin. She acts like it’s all nothing. Like it just doesn’t matter to him if she’s hurt another person!

Umiyak ako magdamag sa kwarto. Wala na akong nakitang Sibal sa labas. Siguro nga ay tuluyan na lang itong umuwi. With no support from me, natural lamang na panghinaan siya ng loob. Damn!

Kinabukasan, nakapagdesisyon ako. I’ve decided to finally tell him about it.

Napagtanto kong hindi ko kakayaning magkahiwalay kami. We just don’t have any choice so I’m choosing the hard way. I want us to stay together after all of these.

Kinaumagahan ay ginising ako ni Tita Marem dahil maaga ko raw ipapasyal si Stav sa buong resort.

Syempre, sa hotel kami nagbreakfast tatlo. Hindi ako makatingin kay Tita habang kumakain kami. Tuwing nagagawi ang paningin ko kay Tita Marem ay sumasariwa sa aking utak ang lahat ng nangyari kagabi.

Sana ay hindi na nanlaban pa si Sibal. Pumikit ako ng mariin.

“So where do you plan to tour Stav today, Snow?”

Bumaling si Stav sa akin ng nakangiti. They were both expecting me to answer the question in a very interested manner. Huminga ako ng malalim.

“Sa spa, sa pools, at sa beach, Tita.”
“That’s great! I hope you two enjoy…”
“I will surely. Gusto kong makita kung anu-anong mga activities ang mayroon sa pools at sa beaches…” si Stav.
“Oh! We have Pedalos, Kayak, Glass boats, name it, Stav…”
“That’s great! Kung may oras lang ay gusto kong subukan.”

Their conversation went on and on habang ang tanging naiisip ko ay si Sibal. He didn’t text me. Ayaw ko sana siyang itext hanggang sa magkita kami pero hindi ko na napigilan.

Ako:
I’m sorry last night. I was told to stay in my room. Are you okay?

“Abala ka, ah?” puna ni Stav nang naglalakad lakad na kami sa beach.

Pinakita ko na sa kanya ang spa, ang pool activities, ang iba pang features at ngayon ay nasa beach na kami. Iilang turista ang nagkakayak, iyon ang tanaw namin. Dahil hindi naman summer ay hindi rin masyadong maaraw. Just enough to light the whole place but not enough to burn the skin.

“Sorry… just… business…” sabi ko at nilusot sa bulsa ang aking cellphone.

Ngumiti siya at tumingin sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip. I know I should care about what he’s thinking but I can’t seem to find my interest.

“I admire you so much, Snow. Sa murang edad ay nakaya mo nang pagdesisyunan ang mga nangyayari sa hotel.”
“It’s a tough job, Stav but I admit it… it’s not all on me. Malaki ang tulong ng mga managers at mga in charge sa trabaho ko. Plus I have Papa and Tita Marem.”
“Your Dad is planning to buy a property for your next hotel?”
“Yes, it’s a losing hotel. Bibilhin niya ang stocks tapos babaguhin ang pangalan. Igagaya sa whole The Coast ang basic features tapos konting renovation.”
“I think he should expand this one, too. It’s in a good place…”
“Yes, that’s his plan. Hindi ko nga lang alam kung kailan magsisimula iyan. Since I think his priority is to secure the two properties. Iyong isang resort at isang lupa sa Quezon.”
“Those are great investments,” ani Stav.

Our conversation went on. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa gitna ng tawanan namin ni Stav. Gusto kong tingnan iyon at basahin. Baka si Sibal ang nagtext sa akin.

‘Tsaka ko lang nabasa nang bumalik na ako sa kwarto para makapagbihis. Stav will drive me to school today. Alam kong kahit anong tanggi ko ay hindi ko siya mapapahindi.

Sibal:
Maghihintay ako sa’yo sa gate.

“Shit!”

Ako:
Huwag na. Sa loob ka na lang maghintay…

Sibal:
Bakit?

Hindi ako mapakali. Sa lahat pa talaga ng araw, ngayon pa ito mangyayari.

Ako:
Ihahatid ako ni Stav, iyong ex ko…

Hindi na nagreply si Sibal. Pagkatapos kong magbihis ay kabado na ako.

I wonder if he’ll test what’s going to happen or he’ll save my ass. Tuliro ako buong byahe sa kakaisip sa maaring mangyari. Nararamdaman ko ring ramdam iyon ni Stav pero pilit niya lang inaalis sa isipan.

“When’s your finals?” he asked.
“Next week…” sagot ko.
“Oh. So you’re gonna be very busy this week. But it’s almost your break, then?”
“Yes.”

Hindi ko na pinapaikot ikot ang mga usapan dahil sa kaba ko.

“So the whole province is powered by those?” nginuso ni Stav ang mga windmills sa bukid.
“Kind of…” sagot ko ng wala sa sarili.

Tanaw ko na ang gate ng high school. Konti na lang ay makikita ko na ang bukana ng kolehiyo

Maraming estudyanteng papasok kaya hindi ko makita ng maayos kung naroon ba si Sibal o wala. Patuloy ang pag gala ng aking mga mata at nang mas nakalapit ay nabunutan ako ng tinik. Sibal isn’t there. Maybe he’s really inside the campus.

“Thanks, Stav…” sabi ko at binuksan na ang pintuan.

He called me but his voice got drowned because I shut the door. Nang umamba akong bubuksan muli dahil may sasabihin pa siya’y naunahan niya naman ako. Lumabas siya ng sasakyan.

He smiled and then went up to me.

“Ihahatid na kita sa loob…” aniya.

Immediately, I shook my head in protest. I can’t let him go inside the campus.

“Huwag na. Bukod sa kailangan ng I.D. para makapasok ay mahihirapan ka lang. Malayo ang building…” palusot ko.
“O kahit sa gate na lang…”

I don’t want to haggle too much. The gate is still a better idea than going in so I agreed. Ilang hakbang lang naman iyon.

Nang nasa tapat na kami ay talagang tumigil ako para magpaalam na. Hindi ko kakayanin kung magpupumilit pa si Stav na ihatid ako sa loob.

“I’ll go now. Thanks for the ride…” sambit ko sabay ngiti.

Before I can even protest, pinatakan ako ni Stav ng isang halik sa labi. Sa gulat ko ay bahagya ko siyang naitulak. Mabibigat ang hininga ko at napaatras agad.

“Ingat ka… I’ll pick you up after class…”

Tumango ako, hindi makapagsalita. Maagap akong pumasok sa gate na medyo tulala. Hindi ko pa napoproseso ang lahat ng nangyari nang nakita ko si Sibal na naka hilig sa dingding. Hindi kalayuan sa gate iyon at sa dilim ng tingin niya sa akin, alam ko na agad na nakita niya ang nangyari.

Umiling siya at tinalikuran ako.

“Sibal!” tawag ko.

Students who saw us even smirked at me. I can only imagine their thoughts!

“Sibal, wait…”

Hinabol ko siya dahil mabilis ang lakad niya paliko sa likod ng building. Sinundan ko siya kahit doon. Nang nakahabol ako’y agad kong hinila ang kanyang braso. Hinarap niya ako.

“Sibal, let me explain…” nanginig ang boses ko.
“Akala ko ba ex mo ‘yon?” tanong niya.
“Oo! Ex ko na si Stav but-”
“Bakit kayo ganoon magtratuhan? Iyan ba ang dahilan kung bakit ayaw mong nag-aantay ako sa labas? Kasi alam mo na hahalikan ka niya? At hindi ka marunong tumanggi?”

Umusok ang tainga ko sa panggagalaiti niya. Kitang kita ko ang galit at panggigigil sa kanyang mga mata. Students from the benches near it saw us. Ngunit hindi tulad noong nasa harap kami’y konti lang ang mga iyon.

“Westernized masyado si Stav! And if you look closely, I pushed him-”
“You did not push him hard enough then!” sigaw niya sa akin.

Halos manliit ako. Mas lalo kong napagtanto kung gaano siya kagalit sa nangyari ngayon. Tatalikuran na sana niya ako pero hinila ko siyang muli.

“Look, please… listen…” I said bitterly.

I don’t have a choice. I can’t go to class while we’re on this fight. I need to explain to him everything. Ngayon ko lang din napansin na may band aid sa baba ng left eye niya. Tingin ko’y nakuha niya iyon sa nangyari kagabi. Medyo pula ang balat na nakapaligid sa band aid.

Sinubukan ko iyong haplusin. Hinawi niya ang kamay ko at nag-iwas siya ng tingin.

Parang may humawak sa puso ko. Gusto ko siyang yakapin. Lalo na nang nakita ko ang lungkot at pagkukulang sa kanyang mga mata.

“Sibal, please…” halos pabulong kong sinabi.

Hindi siya kumibo ngunit nanatili siya sa harapan ko. Kitang kita ko parin ang galit at lungkot sa kanyang mga mata pero nanatili parin siya roon.

“Nakuha mo iyan kagabi…”

Humakbang ako palapit sa kanya. He noticed how close we were but he didn’t step back.

“Wala lang ‘to…” giit niya.

I smiled weakly. How he didn’t even realize that I saw him and I didn’t do anything about it. Maybe he understood how helpless I was. Maybe he knows that I can easily be manipulated… Maybe he’s trying to understand.

“Gusto ni Tita Marem na maghiwalay tayong dalawa… alam ko…”

Ngayon niya pa lang akong muling tiningnan. His eyes widened like it’s a surprise that I know. Siguro’y iniisip niyang nililihim ito ni Tita Marem at ng mga taong nasa paligid ko. I can’t believe that I can even thank Katarina on my mind, for telling me the truth. She truly cares for Sibal and his family.

“She lifted your scholarship, stopped you from fishing, tinanggal ka sa trabaho, at nagbabantang kakasuhan ka, hindi ba?”
“Kaya kong bayaran ang tuition. May iba akong trabahong makukuha…” matapang niyang sinabi.

That’s not even true. For sure, Tita Marem would block him from finding another job. At isa pa, paano niya matatakasan ang kaso? I will never testify against him but… if it’s a choice between my father and him…

“Paano iyong kaso…” sabi ko.
“Hindi niya ako maaring kasuhan. Kailangan noon ng testimonya mo…”
“This is very difficult…”
“Anong sinasabi mo, Snow?” He frowned.
Umiling ako. “Sibal, kahit saan ka maghanap ng trabaho ngayon, pagagalawin ni Tita Marem ang kapangyarihan niya. You won’t find another job-”
“Sanay akong magbalat ng buto, Snow. Kung hindi mo alam…”
“That’s not my point. No matter how hard you try to find job but if Tita Marem destroys you, she will…”
“Sumama ka sa akin, kung ganoon!”

Nagulat ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko. His fingers reached the pearl on my ring. He caressed it in feathery strokes. Nanikip ang dibdib ko lalo na nang nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

“Kung hindi ako makakahanap dito ng trabaho, makakahanap ako sa ibang lugar. Kaya kong tapusin ang pag-aaral ko sa ibang eskwelahan, Snow… Sumama ka sa akin…”

That’s not even a fucking choice.

Mahal na mahal kita, Sibal, pero hindi ganito ang naiisip ko. The thought of living with him is fine but it scares the shit out of me. Leaving Costa Leona would mean leaving my family, the resort, Kael, my Papa, and my obligations.

Kung sana ay ang pag-alis para lang sa pagmamahal ko sa kanya, magagawa ko pa. Pero ang pag-alis na hinihingi niya ay mangangahulugang iiwan ko rin ang pamilya ko.

“Sibal, hindi ko kaya…”

Pumungay ang mga mata niya at binaba niya ang kamay ko. I hate how weak he’s holding my hand. Hinawakan ko ng mabuti ang kamay niya para hindi tuluyang makalas.

“Leaving would mean I’ll leave my family…”
“Ayaw ng pamilya mo sa akin, Snow. Ipapakita ko sa kanila na kaya kitang buhayin. Kaya kitang alagaan. Na kahit anong sira nila sa atin, tayo parin ang mananaig!”
“That’s hard, Sibal. Hindi alam ni Papa ang tungkol sa atin. Hindi iyon makakapayag. He’s sick. I don’t want to cause any more pain to him. My brother, Mikael, is still so young. I can’t let him see my stupid decisions…”
“Stupid? You call this stupid?” he spat.
“Sibal, please… It’s… crazy… I mean, paano si Tito Achilles? Si Jack? Iyong pamilya mo? Hindi mo sila pwedeng iwan dito, hindi ba? Maghihirap din sila…”

I want him to understand because right now my decision is very clear. I love him but I can’t do what he wants.

“Paano ang pamilya ko? Marami akong obligasyon!”
“Snow, paano tayo?”

Nangilid ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang galit sa kanya. Please, don’t be mad. We can compromise, baby. Let’s sacrifice for the future.

“Sibal, ganito…” mas mahinahon kong sinabi. “Paano kung tumigil muna tayo? Pagbigyan muna natin si Tita Marem hanggang sa humupa ang galit niya? Maghintay muna tayo na-”
“Hindi kailanman huhupa ang galit ng Tiyahin mo sa amin, Snow!”
“Tao rin si Tita. Paniguradong magiging maayos-”
“Paano kung hindi? Anong mangyayari sa atin?”
“Aalis muna ako. Pupuntahan ko si Papa. I’ll wait till he’s okay at sasama ako sa kanya kapag magbabalak na siyang pumarito. That way…”

Umatras siya kaya mas lalo lamang akong naiyak. I can’t believe he really wants me to go with him. I can’t believe he expects me to be with him. It’s a stupid idea! I love him but his idea is really not good!

“Magtatrabaho ako para satin, Snow… Simpleng buhay…” he controlled his voice for a promise.
Umiling ako. “I can’t leave my family…”
“Your family won’t like me in any way… Miss President, please… Anong mangyayari…”

He closed the distance between us at dinungaw niya ako. Inangat niya ang aking baba. Kitang kita ko ang pagod sa kanyang mga mata.

“Kung ireto ka nila roon sa ex mo… O nirereto ka na roon? Huh?” Umiling siya habang nakatingin sa aking labi. “Hindi ko makakaya, Snow. Makakapatay ako ng tao…”

The finality in his words sent shivers down my spine.

Natatakot ako. Natatakot ako dahil unti unting nanlalambot ang aking puso. Unti unti kong naiisip ang buhay na magiging para sa amin kung magsama kami at talikuran ko ang pamilya ko.

Sasakay kami sa isang bus at maghahanap ng titirhan sa ‘di kalayuang lalawigan. Malapit sa dagat, kaming dalawa lang. At kapag nakahanap ng bahay, maghahanap siya ng trabaho. Can we really do it? Damn!

I need to stick my plan. I need to remember my Papa, my brother, and all that I need to do.

“Sibal, I really think we need to stop. I think we need to slow down. Hindi ko pwedeng iwan ang pamilya ko…”

Tumitig lamang siya sa akin. Like he’s willing to hear me out with whatever I have to say…

“I don’t have anything, yet. Ikaw din. Admit it, hindi natin makakaya ang gusto mong mangyari… Maaari pang hindi ka makapagtapos-”
“Kaya natin ‘to, Snow. Please… Kapag magkasama tayo, kakayanin ko…” it’s almost a whisper.
“Sibal, huwag mo nang gawing mahirap ito. We don’t have to leave our families. I need my family. I can’t leave my Dad and my brother. Hindi ko kakayanin ang gusto mong mangyari-”
“Kung ganoon, anong gagawin mo kapag nireto ka sa gagong iyon?”
“Hindi ako makakapayag, Sibal.”
“Hindi mo nga ito mapaglaban, iyang karapatan mo pa kaya?” now he sounds so bitter.

Hindi ako nagsalita. Ayaw kong dagdagan pa ang tensyon sa aming dalawa. Hinigit niya ang kamay ko.

“Please, Miss President. Umalis na tayo ngayon. Sumama ka sa akin… Pinapangako ko sa’yong hindi kita bibiguin…”

Hinila niya ako. Ang tanging nagamit ko lang na tingin sa kanya ay ang panghihina at panghihinayang.

“Snow…” he whispered.
Umiling ako at nag-ugat sa kinatatayuan ko. “I really can’t. I need to stay…”

Hinigit niyang muli ako. This time it’s the direction leaving the school. Mas lalo akong nag-ugat sa kinatatayuan ko. Nanghina siya nang naramdaman ang dis gusto ko.

Before I can say anything, a group of men in uniform went to us. Nagsigawan ang mga estudyante sa paligid. May isa pang tumakbo palayo sa amin.

“Shit!” sigaw ko nang nakitang pinaligiran si Sibal ng mga pulis.

Mayroong dalawang pulis ang humila sa kanyang kamay dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Agad dinala ang kanyang kamay sa likod. Nakita ko rin na may posas na dala iyong pulis na may hawak sa kanya.

“Huwag po!” sigaw ko.

Sibal just looked at me with nothing but tired eyes and submission. Lalapitan ko sana siya pero may humawak na mga pulis sa palapulsuhan ko.

“Arestado ka, Percival Riego! Kitang kita ang pagpupumilit mo sa babae!” deklara ng pulis.
“Hindi po totoo ‘yan!” sigaw ko ngunit isang malamig na kamay ang humila sa aking braso.
“Tumigil ka, Snow. Binalaan na kita!”

“Sibal!” sigaw ng iilang mga kakilala naming estudyante.
“Walang hiya ka, Snow!” may narinig pa akong sigaw kung saan.

Bumuhos ang luha ko at nilingon ko si Tita Marem.

“Nagmamakaawa ako, Tita…”

“Ikulong n’yo ‘yan!” sigaw ni Tita.
“Huwag!” kinain ng iyak ko ang sinabi niya.

Mariin akong hinila muli ng aking tiyahin. Nakita kong hindi man lang pumiglas si Sibal sa pagsama sa mga pulis. It’s like he’s given up.

“Hayop ka, Snow!” another student shouted.

Pinapalibutan na kami ng maraming estudyante. Hinila ako ni Tita para makaalis na sa harap nila. Si Sibal ay hinigit na papuntang gate para na rin makalabas at maka diretso sa presinto.

Pilit akong lumuhod. I dragged Tita’s arm as tears rolled down my cheek.

“I beg you, Tita. Don’t do this to him. I beg you…” nanginginig kong sinabi.
“Snow! Tumayo ka!” maliit ang labi niya sa mga salita. She’s concerned with the people watching. I’m not.
“I beg you, please. I’ll do everything. Please… I beg you…”

Yumuko ako at tuluyan ng humagulhol.

“Stand up, Snow! Nakakahiya ka!” she said at hinila niya ako patayo.
“Please… I beg you… I’ll leave… Just stop hurting him. Stop it, Tita… Stop it!”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

3 Responses to Scorching Love – Kabanata 26