Scorching Love – Kabanata 25

July 3, 2016 By In Scorching Love 4 Comments

Kabanata 25
Hindi Ko Kaya

Naupo ako sa sofa habang kinakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, iyon ang totoo. I want to save Sibal from my Tita’s plans but I also don’t want to hurt him.

Nasa harap ko ngayon ang isang papel kung saan may pangalan ko para pirmahan sa baba. Nakalagay doon ang pagtetestify ko na na-rape nga ako ni Sibal. Hindi ko pipirmahan iyon, kahit anong mangyari. Ngunit kung hindi ko iyon pipirmahan ay sasabihin ni Tita kay Papa ang nangyari. Laking takot ko sa magiging reaksyon ng aking ama.

THe only choice I have is to leave Sibal alone. Iyon lamang talaga ang nakikita kong paraan. But how can I leave him?

“Kanina pa nag-aanta si Stav sa labas. Kumain na tayo, Snow…” mahinahong sinabi ni Tita Marem sa akin.

Tumayo ako at iniwan ang papel na nasa lamesa. Mahapdi ang mga mata ko sa kakaiyak. Nakauniporme pa ako at kailangan ko pang magbihis para sa hapunan.

“Magbibihis lang po ako…” mahinahon kong sambit pagkatapos ay nagtungo na sa pinto.

Dumiretso ako sa kwarto. I don’t mind if Stav’s waiting. I’m sure Tita Marem can do something about it.

Nagtagal ako sa shower dahil sa pag-iisip. Gulong gulo ang utak ko sa lahat ng pwedeng mangyari.

Ayaw ni Sibal na malaman ko ang problema niya kay Tita. Tulad ng sinabi ni Katarina, sinuway niya si Sibal dahil sinabi niya sa aking namomroblema siya. And will I ever have the chance to talk to him besides through my phone? And what will I say?

Ang pamilya ko ang nagpapahirap sa pamilya niya. I can only imagine Jack’s horror when he found out that their scholarship was lifted! Tapos hindi pa papayagang lumayag ang mga bangka nila.

Should I wait for him to tell me? Ano naman ang maaari kong sabihin kung sakaling sabihin niya sa akin ang problema? I cannot stop Tita Marem. Anything I’ll do is going to be useless!

“Snow, hindi ka pa ba tapos?”

Narinig ko si Tita Marem sa aking pintuan. Humugot ako ng malalim na hininga.

Ganito na lang ba matatapos ang lahat ng ito?

“Bababa na po ako…” usal ko at nagsimula nang magbihis sa loob ng banyo.

My head is throbbing because of all the thoughts inside it. Takot akong basahin ang mensahe ni Sibal sa cellphone ko. Sinabi niyang sa hotel na lang kami magkikita. Papasok ba siya gayong tinanggal na pala siya? Ililihim niya ba sa akin ang nangyayari at aantayin na umalis si Tita Marem. But will she go away after one month?

“Are you okay, Snow?” may bahid na pagdududa sa tanong ni Stav.

Kanina pa niya ako pinagmamasdan. Hindi naman ako makatingin ng diretso dahil natatakot akong makita niya ang pamumugto ng aking mga mata. I covered it with make up but I guess the redness just won’t go away.

“I’m fine…” I smiled.
“Stav, this is our world class restaurant…” banidosong sinabi ni Tita nang nakarating kami sa Seaside.
“Yes, Tita. I’ve heard that your food is great here!” tuwang tuwa na sinabi ni Stav.
“Have a seat…”

Nilahad ni Tita ang karagdagang upuan sa madalas naming lamesa tuwing kumakain kami roon.

“Maraming guests, ah…” sabay ngiti ni Stav sa akin habang tinitingnan ang labas ng exclusive room.

Sa glass walls ay kitang kita ang mga guests na pumipila sa mga buffet tables namin. Maraming pagpipilian kaya hindi magsasawa ang guests. The buffet consisted with eight long tables with dishes from different sides of the world.

Busog na busog ang paningin ni Stav sa mga iyon. He is to inherit anothe chain of hotel. Mayroon sila sa Cebu, sa Maynila, at sa Batangas. Iyan ang dahilan kung bakit gustong gusto ni Tita Marem si Stav para sa akin.

“So… let’s eat?” ani Tita Marem.

Binuksan ni Baldo ang lalagyanan ng roasted chicken. Binalot agad ang room ng amoy nito. While they were admiring its aroma, my phone beeped.

Nilingon agad ako ni Tita Marem. Sa ilalim ng lamesa ay tiningnan ko iyon.

“How many chefs do you have?” tanong ni Stav na dahilan kung bakit nadivert ang atensyon ni Tita.

Maremi ng mensahe si Sibal. Inisa isa kong basa iyon.

Sibal:
Nasaan ka na?

Sibal:
Nakalimutan kong wala ka na nga pala sa kwarto mo.

Sibal:
Nasa counter ako. Sino ‘yang kasama mo?

Nag-angat agad ako ng tingin sa counter. Nakita ko siya roon malapit sa pintuan papasok sa kitchen. He’s with the other waiters. He’s wearing a white shirt. I wonder if he still has a uniform now that he’s already out here. Maaring pinapasok lang siya rito dahil mga kaibigan niya ang mga crew.

Magtitipa na sana ako ng irereply nang biglang kinuha ni Tita Marem ang atensyon ko.

“Sobrang laki na pala talaga ng kanilang business, Snow! To manage around 2000 people is something!” tumango tango si Tita.
Tumango rin ako at pinasok na lang ang cellphone sa bulsa.
“Daddy trained me, Tita. Si Snow din naman, nati-train na ngayon…” ani Stav.
“Oo nga at sana maging handa na siya sa pamamahala…”

Nagsimula na kaming kumain. Tinanggal ko ang tunog ng aking cellphone at hinayaan kong magvibrate na lang ito.

Sumulyap ako sa may counter at nakita ko si Sibal doon sa gilid na nakatingin sa akin. He looked tired but was still able to smile when an employee said something. Nang nakita niya akong nakatingin ay nagtaas lamang siya ng kilay.

“Umaambon yata sa labas…” ani Tita.

Napatingin ako sa seashore. Inayos ng iba ang mga tent at malalaking beach umbrella panangga sa ulan.

“Sayang at gusto ko sanang mamasyal sa pool…” si Stav.
“Oh! Snow will definitely join you tomorrow…” ngumiti si Tita sa akin.
Tumango ako. “Sige, Stav.”
“Hindi ba ay nag-aaral siya? And besides, kung ambon lang naman ay siguro mawawala rin ‘yan mamaya. I want to see the side bars. Mukhang maganda ang mga banda n’yo rito…”
“Of course! These are province based good bands. Iyong mga past bands namin ay nangibang bansa na dahil talagang magagaling.”
“Oh? You must give them better salaries para hindi na umalis…”
“We are, we are… Iyong iba lang talaga ay gustong maka experience sa ibang bansa…” ani Tita.

Nakangiting tumingin si Stav sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

“Tahimik ka yata, Snow?” ani Stav.
“Ah… I’m just hungry…” palusot ko.

Nakita kong naglakad si Sibal galing sa counter palabas. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko sa kaba kung sakaling makita siya ni Tita Marem.

“I forgot to tell you that she’s scheduled to have her check up tonight…” gulat na sinabi ni Tita Marem.
Umiling agad ako. “Hindi na, Tita. I’m okay…”

Kung papayag ako sa gusto niya’y mas lalo lang madidiin si Sibal.

“Oh?” nagtaas siya ng kilay. ”Okay… So you finally made up your mind, huh?”

Hindi ako nakapagsalita.

“Bakit, Tita? Nagkasakit ba si Snow?” litong tanong ni Stav.
“Oo, hijo. Just flu… I just want her checked…”
Tumawa si Stav. “That’s odd. Mukhang hindi naman ako nahahawa kahit na hinalikan ko siya kanina…”
“Hmmm…” Eksaheradong tumikhim si Tita Marem. “Kayo talaga… You two broke up in the U.S. so you can do all the things you need to do… You two should catch up now. Mali pa yata na sumabay ako sa inyo rito.”
“Naku, Tita. Hindi po! I’m glad you’re here actually. I invited Snow to a restaurant kaso mukhang kailangan niyang umuwi talaga rito…”
“Oh?”

Nagkatinginan kami ni Tita. Tinagilid niya ang ulo niya, tila nagtatanong kung bakit ako tumanggi.

“I’m sure bukas, pwede na si Snow.”
“Anong oras ba ang eskwela mo, Snow?” Stav asked.
“Twelve to six, Stav…”
“I can drive you to school and pick you up right after tulad ng ginawa ko kanina.”
Nagulat ako roon. “But you can just stay here and enjoy your vacation!”
“No, it’s okay. Nalilibang ako sa paglilibot sa buong lalawigan. Nakakita ako ng mga windmills sa ‘di kalayuan. Gusto kong lapitan. At ang ganda ng sentro rito, maraming tao at maraming nakatuwang restaurant. Habang naghihintay ako, doon muna ako pupunta.”
“That’s a great idea! But of course, are you okay kung isama ni Snow ang kanyang bodyguard. Kanina, pinauwi mo raw iyon…” si Tita Marem.
Tumawa si Stav. “Kung pwede lang ay ako na ang magbantay, Tita.”
“Huwag na at baka pagkaguluhan ka ng mga kaklase nito…”

They continued chatting. Palipat lipat si Sibal sa kinatatayuan niya. Minsan ay nasa counter, minsan nasa labas, minsan ay malapit sa kitchen.

Pagkatapos naming kumain, tama si Tita Marem. Kumalma ang ambon dahilan kung bakit nagpasya silang lumabas at tingnan ang lawak ng aming swimming pool.

Naiiwan ako sa paglalakad. Lagi akong palinga-linga para hanapin si Sibal sa paligid. Nakikita ko siya sa likod, nagbi-blend in sa ibang bisita o ibang empleyado.

“Snow!” tawag ni Tita nang nahuli akong palinga linga sa likod.
“Tita…”
“Why don’t you explain to Stav kung anong mayroon dito? He’s curious, hija!”

Nakangiti si Stav sa akin. I hate to disappoint him, really. I stepped beside him then started pointing at the pools.

“We have jacuzzis here. May hot, may cold din. Depende…”
“I see that this hotel has many pools.”
“Yes, iyan ang pinagmamalaki rito. If you’re bored with the sea, you can come here…”
“May poolside bar din. Something that our hotels don’t have…” nilingon ni Stav ang poolside bar.

Nilingon ko si Sibal na may kausap na iilang babaeng guest. Mukhang may iniuutos sa kanya.

Nang napansin kong tumingin si Tita Marem sa akin ay binaling ko ang mata ko sa pool. She searched my line of vision and then she sighed. Dapat ay hindi niya makita si Sibal!

“Dalawa ang pool side bar namin. Isa sa entrance pools, isa naman sa main pools…”
“Wow! That’s amazing!” nilingon naman ako ngayon ni Stav.
“You should put up a poolside bar, too. It attracts foreigners and it’s also picturesque…” si Tita Marem.

Nakatitig si Stav sa akin. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya.

“You have a…” may tinuro siya sa kanyang mukha.

Nagtaas ako ng kilay at tiningnang mabuti ang mukha niya. Ano ang tinuturo niya roon?

Hinaplos niya ang aking labi. Uunahan ko na sana siya nang napagtanto kong ang ibig niyang sabihin ay may dumi ako sa mukha. Napaatras ako sa sobrang kaba ngunit huli na ang lahat.

“There…” he declared.
“I’m starting to think that I should now go and leave you…” Tita Marem laughed.

Uminit ang pisngi ko at agad ginala ang mga mata. Nakita ko si Sibal na binaba ang tray na hawak at umambang pupunta patungo sa amin. Hindi na ako nag-isip pa.

“Bathroom lang po muna ako. I’ll check if there’s more on my face…” sabay turo ko sa aking mukha.
“Wala na…” ani Stav pero hindi na ako nagpapigil.

Tumatakbo ang pintig ng puso ko sa kaba. Lalo na nang nakita ang pag igting ng panga ni Sibal. Siguro’y nakita niya ang nangyari.

Pagkasalubong ko sa kanya ay tinulak ko agad ang kanyang dibdib para mapigilan sa pagsugod.

Nilingon ko sina Tita Marem at agad siyang hinila paliko para hindi kami makita. Halos ‘di ko siya maitulak dahil sa lakas niya.

“Ano ‘yon?” mariing tanong niya sabay turo sa banda nina Tita.
“Sibal, please… Let’s go somewhere else. Tinitingnan nila ang pool side…”
“Sino ‘yon, Snow?” baritonong boses ang gamit niya.
“That’s Stav. That’s my ex…”
“Ex mo na pala. Bakit nandito?” kumunot ang kanyang noo.

Hinilot ko ang aking sentido at nagsimula nang maglakad pabalik ng hotel. Is he even allowed here?

“Snow, kausapin mo ako…” now he sounded more calm.

Hinila niya ako para magkaharap kaming dalawa. Nilingon ko siya. Ngayong nasa pasilyo na kami ng hotel ay mas nakita ko ang puyat sa kanyang mukha. Parang may humaplos sa aking dibdib. Kumikirot iyon at hindi ko mapigilan ang panghihina.

Can I really leave him? Can I really do it?

Kinuha niya ang kamay ko at tiningnan kung naroon pa ba ang singsing. Nang nakitang naroon pa ay binaba niya iyon.

“Siya ba ang sumundo sa’yo kanina sa eskwelahan?” tanong ni Sibal.

Tumigil kami sa paglalakad. Humalukipkip ako at tiningnan siya. Maybe Katarina saw us… she told him. Nagdilim ang titig ni Sibal sa akin ngunit bakas parin doon ang pagod.

“Oo. Sibal, mas mabuti sigurong umuwi ka na muna. Kapag nakita ka ni Tita Marem na nasa paligid ay baka magalit siya…”

Umigting ang panga niya at inangat niya ang aking baba. Gamit ang likod ng kanyang kamay ay marahas niyang pinunasan ang aking labi.

Iniwas ko ang aking mukha sa kanya at tinabunan ko ang aking labi.

“Bakit mo ako pinapaalis? Dahil nandito iyong lalaking iyon?”

Shit. Please, Sibal. Not now…

“Hindi, Sibal. Ang ibig kong sabihin ay bumalik ka na sa trabaho mo. Huwag kang sunod nang sunod at baka magalit si Tita…”
“Papaano ako hindi susunod ngayon kung kaya kang halikan ng lalaking iyon ng basta-basta?” tumaas ang kanyang boses.
I groaned.
“Alam ko, Snow!”
“Sibal, please!” hinawakan ko ang braso niya.

Napatingin siya sa mga kamay ko. Bumagsak ang kanyang balikat at huminga siya ng malalim.

“Babantayan kita buong gabi. Saan tumutuloy iyon? Sa mansyon?”
“Sibal, anong sasabihin ng mga bodyguard ni Tita kung umaligid ka sa mansyon? Ang mabuting gawin mo ngayon ay ang umuwi…”
“Hindi ako uuwi…”

Humakbang siya. Napaatras naman ako at napahilig sa dingding. Hinawakan niya ang dingding sa taas na gilid ko para magawang suporta sa gilid ang kanyang braso. He bended slightly so our eyes leveled.

Unti-unti kong naalis sa isip ko ang lahat. Ang madilim niyang mga matang nakatingin sa akin ngayon ay tila gasolinang mas nagpabaga sa apoy na pilit kong tinitupok. I looked away thinking it’s better that way ngunit isang angat niya lang sa baba ko ay napatingin ulit ako sa kanya.

Nakatingin siya sa aking labi ngayon. His heavy breathing made me tremble.

Tinagilid niya ng bahagya ang kanyang ulo. HInabol ko na agad ang hininga ko. Hindi pa ako kumakalma ay dinampian niya na ako ng sunod sunod na halik.

Napapikit ako. My legs turned like jelly as his kisses burned. Nilagay ko ang aking palad sa kanyang dibdib. I’m ready to push him away but then my hands weakened as his kisses went deeper.

He slightly bit my lip and stopped.

“Stay away from your ex…” bulong niya.

Hindi ko maidilat ng maayos ang aking mga mata. Gustong gusto kong ikawit ang aking braso sa kanyang leeg para mas mahalikan pa siya pero tumigil siya sa paghalik.

“Sibal, babalik na ako. Kung hindi ay hahanapin ako ni Tita. Bumalik ka na sa trabaho mo…” sabi ko.

Nakaawang ang labi niya, pulang pula ang mga iyon. Its moist is very tempting. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at nilagpasan siya. He tried to pull me pero sa panghihina niya’y nakawala ako.

Inayos ko ang sarili ko pagdating sa kina Tita Marem at Stav. May dala na silang wine at umiinom na roon sa isang lamesang niset up para sa amin.

Lumapit ang isang bodyguard kay Tita Marem. Kabado akong umupo at kumuha ng isa pang wine glass at agad na pinangalahatian ang laman.

“Your hotel is cool…” sabi ni Stav.
Ngumiti ako at tumango.

May inutos si Tita sa bodyguard niya. Sinundan ko ng tingin ang bodyguard at nakitang patungo ito sa hotel.

Nagtama ang tingin namin ng aking tiyahin. Makahulugan niya lamang akong tinitigan bago pinansin muli si Stav.

“After this, we’ll go back to the mansion so we can finally rest…” ani Tita Marem.
“Mabuti pa nga po. Bukas ay mamamasyal muli kami ni Snow dito…”
“That’s great! I’m sure Snow will be glad!”

Nagngitian muli kami ni Stav. Matalim ko namang tiningnan si Tita Marem. Ano kayang inutos niya sa kanyang bodyguard. I can feel the gnawing feeling in my stomach as I imagine what she’s done.

‘Tsaka ko lang nakumpirma iyon nang nasa mansyon na kami.

“Maraming salamat talaga, Tita Marem. I would gladly stay in the hotel for an experience but since you insisted that I should stay in this extravagant room…” ngumiti si Stav.

We made him stay in one of our guest rooms. Malalaki ang mga kwarto sa bahay na ito. Kasing laki ng mga presidential suite namin sa hotel. Pinaayos ng mabuti ni Tita ang lahat ng kakailanganin.

Nakatayo na ako sa pintuan at naghihintay na matapos ang usapan nilang dalawa.

“You’re very welcome here, Stav. Now, shall we leave you so you can rest?”
“Sure, Tita. Thank you and good night!” ani Stav.

Tumayo siya at tinungo ako. Napatuwid ako sa pagkakatayo. Hinalikan niya ang aking noo at tinapik ang aking balikat.

“Good night, Snow…”
“Good night, Stav…” sabi ko at umatras na.

Si Tita ang nagsarado ng pintuan para kay Stav. Aalis na sana ako para sa aking kwarto ngunit hinila ako ni Tita Marem.

“Akala mo nakatakas sa akin ang ginawa ninyong landian ng hampaslupang iyon sa hotel?”

Masakit ang pagkakahawak niya sa aking braso.

“Hindi ka talaga nadadala! Pwes… bukas na bukas-”
I stopped her mid sentence. “I will do it! I will leave Sibal, okay? Just you wait, Tita! Pwede ba! I am not as merciless as you. I loved him and he loves me, too!”

Nagtagis ang panga ni Tita. Padarag niyang binitiwan ang aking braso. Ginagap ko agad ang bandang masakit.

“Just make sure! Kapag nalaman ko pang nakikipaglandian kang muli sa kanya, I will push the case, Snow. You are not to have that kind of relationship with a grown man! Especially to a Riego!” kahit mahina ay may diin sa kanyang boses.
“Just give me time, please…” nanginig ang boses ko.

I can’t believe that this is going to end this. I hope that someday, I’m going to make it all right. Sa panahon na hindi na ako bata… sa panahon na kaya ko nang labanan si Tita… sa panahon na kaya ko na siyang ipaglalaban…

No matter how my heart wants to fight right now, I know that there’s just nothing I can do anymore. I will end up ruining Sibal’s family. I will disappoint my father. I don’t even want to imagine his reaction if he finds out.

Hawak ako ni Tita Marem sa leeg.

“I want you to leave him immediately, Snow! Bakit mo pa pinapatagal!?”

Hindi na ako nagsalita. Dahan dahan na lang akong naglakad patungo sa aking kwarto. Pumasok ako roon at binagsak ang katawan sa kama.

I embraced my comforter and the pillows. Patuloy ang pagbuhos ng luha ko.

My phone vibrated. I took it out immediately to see who texted.

Sibal:
Nasa labas ako ng mansyon n’yo…

What the hell?

Mabilis akong lumuhod at nagtungo sa bintana sa ulunan ko. Malapit sa mga banga ay may nakita akong munting ilaw galing sa cellphone. The lamp posts were not near there so it’s dark. Nakatingin lamang si Sibal sa kanyang cellphone.

Gusto kong bumaba at puntahan siya. Mabilis akong tumayo ngunit sunod kong tingin ay nilapitan na siya ng mga bodyguard ni Tita Marem.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nakikitang sinuntok niya iyong isa. Two bulkier men went to him.

Nanlaban siya ngunit napaligiran siya ng naglalakihang experto. Namilog ang mga mata ko nang nakitang tumama ang isang suntok sa kanyang mukha. Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang sarili sa pagsigaw.

Lumuhod ako sa sahig at umiyak. Hindi ko siya kayang makitang naghihirap. Hindi ko kakayanin.

Nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa. Nababasa ang screen ko ng mga luhang ayaw maubos.

Ako:
Please, go home…

Fuck, I’m sorry… I’m sorry, baby… Pero… hindi ko kaya…

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

4 Responses to Scorching Love – Kabanata 25