Scorching Love – Kabanata 24

July 3, 2016 By In Scorching Love 5 Comments

Kabanata 24
Exchange

Hindi ako nasundo ni Sibal gabi noong araw na iyon. Nagrereview yata para sa nalalapit na exams kaya umuwi na lang ako.

Inabala ko rin ang sarili ko sa pagrereview sa loob ng aking kwarto habang hinihintay siyang mag duty. Though, I am not sure what it’s going to be like when he’s here just after Tita Marem’s warnings.

Kahit na nag-away kami ni Tita kagabi, nagawa parin niyang kumain kasama ko. I’m surprised with myself, too. Hindi man lang ako nagdalawang isip na lumapit sa lamesa namin. Ganoon din siya.

Tahimik kami habang kumakain. Hindi ko siya dinalaw ng tingin sa takot kong magtalo muli kami. Panay naman ang sulyap niya sa akin.

She’s wearing a bohemian long dress with long sleeves. Ako naman ay naka usual white dress.

“Lilipat ka sa mansyon…” hindi iyon tanong.

Napa-angat ako ng tingin kay Tita. She’s being unreasonable.

“Your room can be used by the guests… May kwarto ka naman sa mansyon kaya roon ka dapat tumitira…”

Gusto kong umapila ngunit ayaw ko nang magtalo pa kami. Ginagawa niya ba ito para malayo ako kay Sibal? Ibig sabihin, kapag shift na ni Sibal, saan siya magrereport? Sa aming mansyon? Sigurado akong hindi makakapayag si Tita Marem.

“Bukas, ipapaayos ko na ang gamit mo at ipapadala ko na sa mansyon…” she declared.

Iyon lamang ang sinabi niya sa akin buong hapunan. Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa aking kwarto para makapagreview.

Nagtipa rin ako ng mensahe para kay Sibal. I know I asked him not to come here early but because we didn’t see each other after class, I kind of miss him.

Ako:
Sibal, anong oras ka darating?

Ilang minuto pa siya bago nakapagreply. I keep checking on my phone to see if there’s a text but it came minutes after…

Sibal:
10pm. Bakit? Ayos ka lang?

Ako:
Ayos lang naman. Nag-aaral ka?

I shouldn’t disturb him. He’s probably studying for the finals.

Dumating ang alas diez ngunit hindi bumukas ang aking pintuan. Tinext ko siyang muli para magtanong kung nasaan na siya ngunit hindi na siya nakapag reply.

Alas diez y media ay nagpasya akong lumabas ng kwarto. Hindi pa ako inaantok at gusto kong malaman kung nasaan si Sibal. Laking gulat ko nang may isang security guard akong naabutan sa labas!

“Magandang gabi, President…” anang mama sabay yuko.
Kumunot ang noo ko at hinarap siya. “Ba’t po kayo nandito?”
“Ako ang magbabantay sa iyo ngayong gabi…”

Pagkasabi niya noon ay agad akong dumiretso sa elevator. My heart raced so fast. I couldn’t almost contain it. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko… takot, kaba, at pag-aalala.

Bumaba ako ng building. Pagkadating ko ng lobby ay ginala ko ang mga mata sa nakahilerang bellboy at mga driver sa bukana ng hotel. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. They are doing their work but some of them are talking and whispering. Nang makita ako ay tumahimik sila.

Lumapit ako sa front desk. Si Esme na nakatingin sa akin ang agad kong nilapitan.

“Nasaan si Sibal?” tanong ko.

May ilang tawanan akong narinig galing sa mga driver. Nilingon ko agad iyong nagtawanan at nakita kong nag-alisan sila sa kinatatayuan nila.

“Hindi ko po alam, President…” sagot ni Esme.

I want to shout at her and bribe her just to tell me the truth. Nararamdaman kong alam niya naman kung nasaan si Sibal.

“President Snow, anong kailangan mo?” tanong ni Mrs. Gorres.

Ang dalawang kamay niya’y nasa likod habang hinaharap ako. I turned to her.

“Alam n’yo po ba kung nasaan si Sibal? Ang nagbabantay sa akin ay isang security guard. I believe that it’s his schedule now…” sabi ko.

Tipid na ngumiti si Mrs. Gorres. I can sense sarcasm but I did not mind it. I need her answer!

“Nasa opisina ni Mrs. Agdipa, President…” ani Mrs. Gorres.

Hindi na ako nagpasalamat. I went to the Manager’s office right away to see if Sibal’s truly there. Hindi na ako kumatok. Agad kong binuksan ang pintuan at tama nga iyon!

Nakatayo si Sibal sa harap ng lamesa ni Mrs. Agdipa. Kasama niya si Kristina at si Rolly sa kanyang likod. Nilingon agad nila ako.

“Snow…” ani Sibal, bahagyang nagulat sa pagdating ko.
“President…”

Tumayo si Mrs. Agdipa. Malungkot siyang ngumiti at sinenyasan si Sibal na huwag munang lumapit sa akin. Hindi ko maintindihan!

“Utos ni Madame Maria Emilia na tanggalin si Sibal-”
“Ma’am!” ani Sibal.

Tinaas ni Mrs. Agdipa ang kanyang kamay at nagpatuloy.

“… sa pagiging bellboy mo. He’s still under the hotel but not anymore exclusively for you…”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Gusto kong matuwa man lang dahil at least ganoon lang ang ginawa ni Tita Marem. Hindi niya pinatanggal si Sibal o ‘di kaya’y pinagbawalang pumunta rito. I guess I can deal with that.

Bumaling ako kay Sibal. He smiled weakly.

“Okay, Mrs. Agdipa. Ayos lang ‘yon. Nagulat lang ako at iba na iyong nagbabantay sa aking kwarto…” Saglit akong nag-isip. “Ganitong shift ka parin ba, Sibal?”

Umiling si Kristina at kumunot ang kanyang noo. Tinapik niya ang balikat ni Sibal.

“Yes, Miss President…” sagot ni Sibal.

Ngumiti ako at nabunutan ng tinik. This arrangement is fine. This is okay. All that matters to me is that he’s still working here.

Bumukas ang pintuan sa likod ko. Pagkalingon ay nakita ang pamalit kay Sibal.

“President Snow, ako po ang malalagot kapag nalaman ni Madame na umalis kayo ng kwarto dis oras ng gabi…” usal niya.

Tumango ako at binalingang muli si Sibal. He smiled at me and he nodded his head.

“Matulog ka na, Miss President…”

Ginala ko ang mga mata sa mga taong nasa harap namin. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na magreply naman siya sa mga texts ko but I find that awkward to say in front of these people.

May bahid na awa ang tingin ni Kristina sa akin. Nag-iwas naman ng tingin si Ryan sa akin. Si Mrs. Agdipa ay patuloy na lumalapit.

“Mabuti pang sundin mo ang sinabi ni Sibal, President…” dagdag nito.
“Maiwan ko na po kayo, kung ganoon. I’ll sleep now. Have a good night!” sabi ko at tinalikuran ko na silang lahat.

Pagkalabas ko ng opisina ay agad akong nagtipa ng mensahe sa cellphone.

Ako:
Lilipat ako bukas sa mansyon. Makakapuslit ka ba kahit saglit gabi-gabi?

It took him minutes to reply. Nasa kama na ako at patay na ang mga ilaw ‘tsaka ako nakatanggap ng mensahe niya.

Sibal:
Oo. Pwede tayong magkita sa tabing dagat. Sana lang ay huwag umulan…

Nilingon ko ang bintana at nakikita ko sa labas ang malupit na pagbuhos ng ulan.

Tinaas ko ang kamay ko, sa dilim ay naaaninag ko ang maliit na bato ng perlas sa singsing na binigay ni Sibal. In the end, I feel asleep with a heavy heart.

I guess I should be grateful na ganito lamang ang naging aksyon ni Tita Marem. I should be okay with it. This is okay.

Kinaumagahan ay abala na agad ako sa pag-iimpake. Tumulong ang iilang mga taga housekeeping sa pagdadala ng bag ko patungo sa mansyon. Kinuha ko ang lahat ng gamit ko roon sa kwarto at nilagay na lang sa maleta.

Nang nakarating naman ako sa mansyon ay ang pag-aayos naman ng gamit ang pinagkaabalahan ko. Marami tuloy akong naantalang trabaho sa opisina. I’ll work later this night… that way, I can also see Sibal. Magpapahatid na lang ako sa kanya pabalik sa mansyon.

Ako:
Sibal, nasa opisina lang ako mamaya. Pagkadating ng alas diez, lalabas ako. Ihatid mo na lang ako sa gate ng aming mansyon.

Tahimik ang mga meals namin ni Tita Marem. Most of the time, may katawagan siya tungkol sa business so she keeps on excusing herself.

Kabado ako nang patungo na ako sa eskwelahan. Syempre, magkikita kami ni Sibal. Kahit na nagkita naman kami saglit kagabi, iba parin iyong makasama siya.

Hindi ko inakalang mas magaan ang loob ko ngayong patungo na ako sa school. Kapag kasi nasa hotel o sa mansyon ay para akong nakakulong. I never thought I’d feel this way towards going to school.

Pagkapark ng Expedition namin sa gate ay walang Sibal na nagpakita. Noong una nga, akala ko nagkamali si Kuya Viktor sa pagmamaneho at nasa tapat kami ng Nort Western High School. Magkatabi lang kasi ang dalawang eskwelahan.

Lumabas si Kuya Viktor at pinagbuksan ako ng pintuan. Siguro ay nagulat dahil ilang sandali pa akong nanatiling nakaupo ng walang kibo.

“May hinihintay po ako, Kuya Viktor…” sabi ko.

Tumango siya at sinarado ulit ang pintuan. Umikot siya at bumalik sa driver’s seat. Inusog niya ang sasakyan to give way to other vehicles dropping some students.

Mag-aalas dose na nang hindi parin dumadating si Sibal. I’ve decided to get out of the car and just look for him inside our school. Siguro ay naunang pumasok para mag review. Hindi rin kasi siya nagrereply sa mga text ko.

Pagkapasok ko ng eskwelahan ay ‘tsaka ako nakatanggap ng text galing sa kanya. Gumaan ang pakiramdam ko nang nabasa ko iyon.

Sibal:
Mauna ka na sa classroom mo. Nasa bahay pa ako. Hahabol lang ako. May ginawa kami ni Papa kaninang umaga…

Ako:
Okay… Aantayin kita mamaya.

Dumiretso na lang ako sa classroom. Some flocks of students were eyeing me like I did something wrong. Iyong ibang Engineering students na nakakasalubong ko ay umiiwas pa sa akin. It’s weird.

Nasa loob na ng classroom ang aking mga kaklase. Napansin kong wala pa si Jack. Siguro, tulad ni Sibal ay natagalan din ito.

“Nasaan si Jack?” tanong ko kay Polly.
Nagkibit siya ng balikat at nag-iwas ng tingin sa akin.

Siguro ay darating din iyon. Hinayaan ko na lang muna. Ano naman kaya ang ginawa nina Sibal kanina? Baka nangisda kaya natagalan?

I went to my major class. Nag concentrate na lamang ako sa naging lesson namin. Malapit na ang finals at gusto kong makakuha ng mas magandang marka kumpara sa midterms.

Sa huling klase ko sa araw na iyon, kaklase ko dapat si Jack. Ngunit mukhang buong araw yata siyang wala.

“Polly, si Jack ba hindi pumasok buong araw?” tanong ko muli.
“Hindi, e…” Umiling siya at tumayo para mauna na palabas.

Humilig ako sa likod ng aking upuan. Ilang saglit akong natulala bago niligpit ang aking mga highlighter. Nanghihina ako. Ano kayang nangyari kina Sibal?

I took my phone out and I saw Sibal’s message just a few moments ago.

Sibal:
Miss President, maaga ako mamaya. Sa hotel na lang tayo magkita? Hindi ako nakapasok ngayon. Tumulong ako kay Papa sa pangingisda. Ganoon din si Jack.

Nabunutan muli ako ng tinik. It really helps when he texts me. Kanina pa ako nag-aalala!

Ako:
Kanina pa ako nag-aalala. It’s so unusual. Okay… see you later…

Kinuha ko ang bag ko at tumayo na. Wala na mga estudyante sa loob ng classroom ngunit may sumalubong sa akin.

Katarina who looked very torn is in front of me. Yakap niya ang kanyang mga libro habang nakatitig sa akin.

“Katarina…” tawag ko.

Pabagsak niyang binaba ang libro sa isang desk malapit sa akin. Inayos niya ang kanyang sling bag at pinalis niya ang luhang lumandas sa kanyang pisngi.

“What is it now?” pagod kong tanong.

I remember the last time she came to me. Sobrang dami niyang sinabi sa akin na tingin ko’y ang pagmamahal niya lang naman kay SIbal ang dahilan. If she’ll give me more shits today, I won’t buy it anymore.

“Snow…” nanginig ang kanyang boses. “Ayaw kong suwayin ang sinabi ni Sibal sa akin pero nagmamakaawa ako sa’yo ngayon…”

She cried. Napaatras ako at humalukipkip. Oh, the drama of this girl.

“Bakit? Kasi gusto mo siya? Bakit sa akin ka nagmamakaawa? Sana ay sa kay Sibal ka umapila! Ano na naman ngayon ang palusot mo? Na kabit ako? Na tulad ako ni Tita Marem? Na alam kong gusto ka niya kaya dapat lumayo ako!?” I started.

Pinakita ko sa kanya ang aking daliri. I want her to see that I’m not hallucinating!

“Sibal gave me this ring as a sign of his love! Ngayon, ano pa ang gusto mo para masira kaming-”
“Bilang kaibigan ni Sibal, gusto ko lamang na layuan mo siya dahil alam ko, simula pa lang, ganito na ang mangyayari! Palibhasa hindi mo alam kung ano ang nangyari kina Tito Achilles noon kaya parang wala lang ito sa’yo!”

Binaba ko ang kamay ko. Kahit na gusto kong malaman kung ano pang masasabi ni Katarina ay hindi ako nagpahalata. Taas noo ko siyang hinarap at nilagpasan.

“I don’t care about it!” sabi ko sabay tulak sa kanya para makadaan ako.

Hinigit niya ang aking braso dahilan kung bakit napabalik ako.

“Ano ba?” sigaw ko.

It’s only a matter of time now. If my bodyguard hears me, he’ll come here and remove her.

“Snow, parang awa mo na…” punong puno ng pagsusumamo ang kanyang boses.
“Ano bang gusto mo?” singhal ko. “Ang layuan ko siya dahil gusto mo siya!? Hindi pwede, Katarina. Hindi sa akin ang desisyon na iyan!”

Pumikit siya ng mariin habang patuloy na bumuhos ang kanyang luha. Mariin din ang pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan. Kahit anong bawi ko sa aking kamay ay hindi ko magawa.

“Ano ba? Nasasaktan ako! Tulong!” sigaw ko ngunit walang guard na dumating.

Where the hell is Kuya Lando when you need him?

“Please, Snow… Please, kahit pakinggan mo na lang ako ngayon. Kahit ngayon lang…” she cried.
“Ano pang sasabihin mo? Paiikutin mo na naman ang istorya at-”
“Sinabi ko lamang iyon para layuan mo siya! Oo!” asik niya. “Alam kong ikaw ang mahal niya! Magkaibigan lang kami pero mahal ko siya, Snow! Hindi mo alam kung anong ginagawa ng tiyahin mo sa kanila! Parang awa mo na!”

Namilog ang mga mata ko. Bumundol ang kaba sa aking puso. Nanghina siya dahilan kung bakit nabitiwan niya ako. Hindi ako umalis. Nanatili akong nakatayo roon. Yumuko siya sa sobrang pag-iyak at pinanood ko lamang siya.

Pinalis niya ang kanyang mga luha at tumuwid sa pagkakatayo. Ang mga mata niya ngayon ay punong puno ng pagmamakaawa at panghihina.

“Mahal ko ang buong pamilya niya. Sabay kaming lumaki ni Sibal at napamahal na rin ako kay Tito Achilles…”

Humikbi siya at muling pinunasan ang kanyang mga luha. Basang basa ang bangs niya at namumugto na ang mga mata.

“Ayaw niyang ipaalam sa’yo ‘to kaya sana huwag mong sabihin sa kanya. Ayaw niyang ipaalam sa’yo ‘to dahil ayaw niyang mag-alala ka. Ang sabi niya, isang buwan lang daw naman ang Tiyahin mo sa inyo kaya magtitiis siya pero ako, hindi ko matitiis Snow…”

I want to shake her and make her say it now! Wala akong pakealam kung ayaw ni Sibal na malaman ko ito! Dapat kong malaman ito!

“Pinagbawalang mangisda sina Tito Achilles. Pinagbawalan ang mga Salmo sa pagbyahe.”
“Liar! Ang sabi ni Sibal ay nangisda sila kaya siya wala ngayon!”
“Nangisda siya gamit ang bangka ng tatay ko. At alam mo kung bakit siya nangingisda? Dahil tinanggal siya ng Tiyahin mo sa trabaho, Snow!”

What the fuck?

“Hindi siya nakauwi kahapon dahil diniretso siya sa presinto! May nag-aabang na kaso sa kanya! For raping Nieves Solanna Galvez! Ni hindi kailangan ng presensya mo dahil sa matinding kapangyarihan ng Tiyahin mo, Snow!”

Napasinghap ako sa narinig.

Is this true!? Bakit ayaw niyang malaman ko? Ano ngayon kung mag-alala ako? Dapat nga akong mag-alala, kung ganoon!

“Medicolegal mo na lang ang kulang, aarestuhin na siya! At ngayon, pati sa eskwelahan. Ang Mayor’s scholarship na mayroon sa magkapatid, pati iyon, pinakealaman ng Tiyahin mo kaya sabihin mo sa akin… anong magagawa ng pag-iibigan ninyo laban dito?” she cried.

I want to deny what I just heard. I want to call it impossible but knowing Tita Marem, that’s very impossible!

“Namumuhi ang Tiyahin mo kay Tito. Alam ng buong lalawigan iyan. Kaya lubusan ang pagtutol ko sa inyo dahil alam ko na ganito ang mangyayari…”

Umiling ako. Gusto kong itanggi ang lahat. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi totoo ang mga sinasabi ni Katarina.

“Sinasabi mo lang ito dahil gusto mong magkahiwalay kami!”
Umiling siya. “Tama ka at gusto kong magkahiwalay kayong dalawa. Pero hindi ito para diyan. Mahal ko si Sibal at ayaw kong ipahamak siya. Iyon lamang ang dahilan ng lahat ng ito, Snow… Wala ng iba.”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nagtungo na sa pintuan. I did not look back. Mabilis ang martsa ko patungo sa gate. Wala si Kuya Lando at konti na lang ang makakagawa na ako ng litanya kung paano ko siya papagalitan.

Paglabas ko ng gate ay wala akong nakitang Ford Expedition namin. Ibang SUV ang nakita ko. Ibang lalaki ang nakita ko.

Sa isang itim na Lexus ay nakahilig at nakahalukipkip si Stav. His properly combed hair was parted sideways. He’s wearing a gray long sleeves folded to his elbow. Abot tainga ang kanyang ngiti gamit ang mapupulang labi.

“Good evening, Snow!” he said happily.

Lahat ng galit at iritasyon ko ay gusto kong idirekta sa kanya ngunit alam kong mali iyon. Walang kasalanan si Stav sa nangyayari. He’s innocent. But right now, I know for sure why he’s here.

Tinagilid niya ang ulo niya nang nakitang hindi man lang ako lumapit. Nanatili akong estatwa sa kinatatayuan ko.

“Are you okay?”

Tumango ako at nagsimula nang maglakad patungo sa kanya. He held his arms open as he welcomed me. Niyakap niya ako ng saglit bago kami muling nagharap.

“Pinapunta ka ba rito ni Tita Marem?” tanong ko.
“Yeah. I was on Manila when she called me. Magbobook na sana ako ng ticket pero sinabi niya ipapasundo niya na lang ako sa chopper n’yo so I’m here…” Nagkibit siya ng balikat. “She said you missed me. Is it true?”

Pagod akong ngumiti. Ano pa bang masasabi ko kundi…

“Yes, of course, I missed you… Stav, I’m tired. Can we go back to our mansion. I need to talk to Tita Marem…”
“Oh? Sure. Sayang at nakahanap ako ng magandang restaurant ‘di kalayuan. Have you explored the whole of this place?”
Umiling ako. “I’m sorry. Can we do that next time? I really need to talk to Tita Marem right now…”
“Okay then…” banayad na wika ni Stav bago niya dinala ang kanyang mukha sa aking pisngi.

Pinatakan niya ako ng isang halik bago kumawala para pagbuksan ako ng pintuan sa kanyang sasakyan. Huminga ako ng malalim at pumasok na lang sa loob.

We used to kiss. Ayos lang iyon sa akin noon pero ngayon parang hindi na. Pakiramdam ko ay may nagmamay-ari na ng aking halik. Pakiramdam ko’y nakalaan lang ang mga iyon para sa isang tao. Kumirot ng bahagya ang puso ko.

“May problema ba kayo ni Tita?” tanong niya.
“Kailangan ko lang siyang makausap, Stav. Sana ay nasa mansyon pa siya.”

Nagpaulan ng mga tanong si Stav sa akin habang nagmamaneho siya pabalik. Ang gaan gaan ng pakiramdam niya at hindi ko masabayan. My internal turmoils are just too crazy to handle.

“Stav, you can wait at the hotel or at in our sala. Aakyatin ko lang si Tita sa kanyang Study…” sabi ko at maagap na lumabas ng sasakyan.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Pinasok ko na ang mansyon at diniretso ang pangalawang palapag. Lumiko ako para mapuntahan ang dulo ng pasilyo at nang nasa harap ko na ang pintuan ng Study ay pinasok ko na iyon.

Naabutan ko si Tita Marem na natatawa habang nasa telepono. Nagtaas siya ng kilay sa akin habang ako naman ay mabilis at mabigat na ang paghinga.

I closed the door behind us and I waited for her.

“We’ll see each other in Iloilo. I can’t wait… I miss you, too…”

Disgusting. Is that one of her men? Umismid ako habang iniisip ang kataksilan niya kay Tito.

Binaba niya ang telepono at bumagsak na siya sa swivel chair.

“Anong pinunta mo rito, Snow? Narito si Stav at mas mabuting ipasyal mo siya sa The Coast bago tayo maghapunan-”
“Totoo bang pinaaresto mo si Sibal sa salang rape, Tita!?” I accused her.

She did not respond immediately. Imbes ay banayad siyang tumayo. Her robe is too long. The hem of the skirt is reaching the carpeted floor. Nang umikot siya sa lamesa ay sumusunod ang laylayan ng kanyang damit. She slowly went to me. Nanatili akong nakatayo habang iniikutan niya ako.

She touched my cheek.

“Nagsumbong na pala siya sa’yo…”

Pumikit ako ng mariin. Tama si Katarina. Damn it!

“Men should really take care of their own problem. I hate it when they ask for the girl’s help. It makes them… less of a man…” she hissed.
“Totoo bang tinanggal mo siya sa kompanya ko!?” sigaw ko sa sobrang galit.

Napigtas ang lubid ng pasensya ko. Hindi ko inakalang makakaya niya iyon. I’ve known that she’s terrible but I’ve never really experienced it until now!

“Kompanya mo? Really!? The company was built by your Grandfather, my father… Binigay sa panganay na si Remus. This is not your company! This is our company! Which means, I have the right here, too!”

Alam ko iyon. I just want her to see that she’s not allowed to do that without asking for my opinion! Kung tunay na kompanya ito ng buong pamilya, dapat pati ako, nagdedesisyon!

“I have an equal right here! I am an acting CEO, Tita!”
“At bakit hindi ko siya tatanggalin, huh? He’s raped you!”
“He didn’t!” I spat.
“You willingly obliged, is that it. But darling Snow, you’re a minor.” She laughed. “Your decision doesn’t count here.”

Nagtagis ang bagang ko. Lumayo siya sa akin nang ‘di nilulubayan ang titig.

“I hate you!” deklara ko.
She only smiled. “That was what I said to your Lola when she tried to warn me about Achilles. Oh, darling, mas mana ka pa sa akin kesa sa anak ko…”

Fuck!

“At bakit mo pinatigil ang paglayag ng kanilang bangka? Pati ba naman iyon, Tita? And you… you also lifted his scholarship?! Silang dalawa ng kapatid niya!”

Lumapit siya sa akin. Mabibigat ang kanyang mga paa na halos mabuwal ako sa kaba.

“Tama lang sa kanila iyon!” sigaw niya. “Achilles should’ve known! He should’ve made his son leave! He didn’t learn!”
“Huwag mong igaya si Sibal kay Tito Achilles! Hindi ko siya pinilit na mahalin ako, Tita. Kusa siyang nagmahal sa ak-”
“At anong ibig mong sabihin na pinilit ko si Achilles noon? He professed how much he loved me, Snow. On bended knees with a pearl he found himself! Pero sa huli…”

Umiling ako.

“Tita, parang awa mo na… Please…”

She smiled evilly. Bumuhos ang luha ko. Nagbabara ang lalamunan ko at hindi ko masabi ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

“Leave his son,” she said.
Umiling ako. “Tita, mahal ko siya.”
“You’re seventeen, Snow.”
“Tita, please!”
“He’s going to jail… Kailangan ko na lang ang medicolegal mo…” she whispered.
“I won’t!” singhal ko habang humihikbi. “Hindi ako makakapayag! I will testify that it’s not rape! I will do anything!”
“And what do you think will happen to your father if he’s known this, huh? Na ang kanyang unica hija ay narito at naglalandi na, huh?”
“He’d understand…” nanghina ako dahil alam kong hindi ito magugustuhan ni Papa.
“You’re gonna be the death of my brother…”

Walang pagdadalawang isip kong umamba ng sampal kay Tita. Maagap niya iyong na huli at tinapon niya ang aking kamay sa gilid.

“Ito na ba, Snow? Dahil sa isang hampaslupang lalaki ay kaya mo akong pagbuhatan ng kamay? I am only speaking of the possible truths! Kung hindi mo lalayuan ang hampaslupang iyon, itutuloy ko ang demanda. Your father will be furious! The Riegos will starve!”
“Napakawalang hiya mo!”
“Sabihin mo ‘yan sa akin kapag nasama ka sa paghihirap nila, Snow! Percival Riego will be imprisoned. And you’re going out of the coast, grounded for the rest of your life! I promise you that!”

Patuloy ang pagbuhos ng luha ko. Nakayuko lang ako roon, nanghihina. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung may magagawa pa ba ako.

Should I tell Sibal about this? But what can he do? Nothing will change. Mas gagalitin ko lang si Tita at mas gagawin niya lang ang kanyang plano.

“The doctor will check you tonight. I will tell Gustav that it’s your annual check up today. That way, hindi siya madidisappoint na ang babaeng dapat niyang pakasalan ay nagalaw na ng iba. You can fake it…” she smiled.

Damn! Damn it.

“Tita, please… Huwag ganito…”
“Snow, please… Huwag ganito…” she mocked me.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago yumuko. Sunod sunod na patak ng luha ang bumaba sa aking mata reaching my shirt, my hands, and the floor.

“Please, iurong mo ang kaso. Ibalik mo ang scholarship nila… at huwag mo na silang pagkaitan ng hanapbuhay…”
“In exchange of what?” she gladly asked.

Hindi ako nagsalita.

“In exchange of what, Snow?” she prompted.

Pumikit ako ng mariin. Damn!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

5 Responses to Scorching Love – Kabanata 24

  1. Tita Marem, waa namang kasalanan ang SnoBal kung bakit wala kayong happy ending ni Tito Achilles. Buti nga yun kasi kung naging kayo man, walang SnoBal na mabubuo

  2. Kelangan ko si Atty. Riguel Jamesin Alleje para dito. Atty. where are you? Kelangan ng help ni Sibal

  3. just wtf! Is wrong with your mind Marem. Unang beses palang silang nagmahal, at ang sakit na agad kasi ipinagbabawal.