Scorching Love – Kabanata 23

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 23

Kabanata 23
History

Ginabi kami sa pag-uwi. Hindi naman nagutom dahil nakakain naman kami noong isdang inihaw.

Tuwang tuwa ako habang naglalakad kami pabalik. Sobrang dilim at nakakatakot. Kung ako lang iyon mag-isa ay tumakbo na ako. Pero dahil kasama ko si Sibal ay natuwa lang ako.

Ang mga lumang bahay ay nagmistulang mga haunted house sa ilalim ng bilugang buwan.

Nang natanaw ko na ang ilaw sa hotel at sa mga torch na nilalagay sa dagat malapit doon ay tumakbo na ako. Tumawa ako at nilingon si Sibal.

“Bilis!” I said.

Muli ay naglakad ako palapit sa mga sun lounger. Nakatiklop na ang mga payong doon. Bukod sa hampas ng dagat at bagsak sa tubig ng pool, naririnig ko rin ang live band malapit sa Seaside restaurant.

Nagse-set up na ng fireworks ang iilang empleyado para sa fireworks display tuwing weekends.

Nagulat ako nang nakita ko si Tita Marem na nakahalukipkip sa hagdanan. Nakatingin siya sa akin, walang ekspresyon ang mukha.

Nilingon ko si Sibal at pinanlakihan ng mata. Sumenyas ako sa kanya na dumiretso na lang siya ng lakad dahil pupuntahan ko si Tita.

Lumiko ako palapit sa hagdanang kinatatayuan niya. Tumingin siya sa likod ko, kung nasaan si Sibal.

My heartbeat raced but still I managed to smile.

“Magandang gabi, Tita…”

I kissed her cheeks. She’s wearing a white three fourth dress with a lacey hem on the skirt. Hindi siya gumalaw nang hinalikan ko siya. Tinitigan niya lamang ako. Walang make up si Tita ngunit halos walang pinagkaiba iyon sa mukha niyang mayroon. She always have this winged eyeliner na wala ngayon. And her lips were red even without lipstick.

“Where have you been?”

Oh shit…

“Uh, just at the shore near the mansion. Kumain ka na ba, Tita?”
“Hindi pa… I was waiting for you… They said you were out near the shore…” she smiled.
“Yes, I was, Tita. Tara na at gutom na ako…”

Nilagpasan ko si Tita para ipakitang gusto ko na ngang umalis doon. Mabuti na lang at sumunod naman siya sa akin.

People flocked to the Seaside Restaurant because that’s where the buffet is every dinner. Sinenyasan ko si Ryan na ihanda ang exclusive room para sa amin. Tumango naman siya at tinuro iyon.

Nakita kong nakahanda na nga ito. Siguro ay pinahanda ni Tita Marem habang wala ako.

Seafoods ang inihain sa amin. Iba’t ibang klase ng shells, crabs, and lobsters ang naroon. Umupo ako at uminom na ng tubig.

“Hindi ka ba magbibihis?” tanong ni Tita.

Napatingin ako sa aking damit. Of course she’d want to dine with a formal Snow but…

“Hindi na, Tita. I’m comfortable with this…”
Tumango siya. “Besides, we’re near the beach.”

Pinulot ko na ang kubyertos at nagsimula nang kumuha ng ulam. Ganoon din ang ginawa ni Tita Marem pero tahimik siya. I should be used to that. We don’t have anything to talk about…

Sumulyap ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa aking daliri ng may hawak na kutsilyo. Tumikhim ako at padarag na nabitiwan ang kutsilyo para maitago lamang ang kamay.

Tumaas ang dalawang kilay niya at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Ilang sandali akong nanatiling ganoon bago ko naiangat muli ang aking kamay.

“Galing akong mansyon para magpahinga. Hindi naman kita nakita sa tabing dagat…” she said calmly.
“I explored what’s beyond the mansion, Tita.”
“Were you alone?”

Pakiramdam ko ay alam niya na ang sagot sa tanong na iyon. Nagpatuloy siya sa pagkain ngunit nang inangat niya ang tingin sa akin ay kitang kita ko ang pagiging sarkastiko ng kanyang ekspresyon.

“I’m with… Sibal, Tita…”

Humugot ako ng malalim na hininga. I feel like she knows something.

“I see… You’re fond of him…”

Nagpatuloy siya sa pagkain. Mabilis niyang nabalatan ang shrimp at sinubo lang na parang walang problema. Meanwhile, I’m sitting in front of her, I’m sweating bullets big time.

“Is it his schedule?” dagdag pa niya.
“Day off niya po ngayon but… I do give him extras for Overtime…”
“I see… Does yourKuya Viktor and Kuya Lando do overtimes, too?”
“Minsan po…” I half heartedly said.

Sinubo ko ang unang shell na nakain ko. Hindi ako makakain ng maayos sa kakasagot ng mga katanungan niya. Nang tumigil ang hagupit ng mga tanong ay nag concentrate na lang ako sa pagkain.

About three minutes later, uminom si Tita Marem ng wine. Muli akong sumulyap sa kanya at nakita ko ulit ang kanyang titig sa akin. It’s like she’s reading my actions.

Bago ko pa mabalatan ng maayos ang shrimp ay kinuha ni Tita Marem ang aking kamay at inangat niya iyon para mas makita ng mabuti ang naroon.

“Tita!” sabi ko sabay bawi sa kamay ko.

Maagap ko naman iyong nabawi ngunit nabasag na ang kapayapaan sa gitna naming dalawa.

“Who gave you that ring?” mariin niyang tanong.

Nanginginig ang labi ko habang nag-iisip ng isasagot.

“Si Sibal ba?” she immediately answered.

Hindi na ako nagpatuloy sa pagsagot. I want to lie to her but it feels so wrong. I can only lie about small things… never about big things…

“What’s that for, darling?” she sarcastically smiled.

Putol putol ang madilim niyang tawa habang pinupunasan ang kanyang labi. Nanginginig ang balikat niya sa tuwa habang ako’y nasisindak sa kanyang reaksyon.

“Did he promise you forever?” she mocked.
“Tita, please… It’s not that…”
“Then what is it, darling Snow?” pabulong na iyon ngayon.

Hindi na ako nagsalita. Halos sakupin ng kadiliman ang aking utak dahil sa reaksyon ni Tita Marem. If she’s going to be violent about this then I must say that Sibal’s right…

“Is it a promise ring? An eternity ring? Engagement ring…” mas malamig ang pagkakabanggit niya ng huling hula.

She pursed her lips. Naningkit ang mga mata niya habang naghihintay ng isasagot ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

“Percival Riego is a bellboy slash fisherman of Costa Leona…” she smiled again.

Nagtagis ang bagang ko sa rahan ng pagkakasabi niya noon. It’s almost an insult.

“Meanwhile, Nieves Solanna Galvez is the daughter of the great Remus Eugenio Galvez. Granddaughter of Admiral Rodolfo… Sandalio… Galvez… one of the greatest people of the islands of Visayaz.”

Tinagilid niya ang ulo niya. Mabibigat na ang hininga ko. Anong pag-aalab ang nararamdaman ko sa aking tiyahin? Tunay na nakakatakot na siya noon pa man pero ngayon ko lang talagang naramdaman ang takot para sa kanya.

“May relasyon ba kayo ng mandaragat na iyon, Snow?” marahan ngunit may diin ang pagkakatanong niya noon.

Nanginginig ako sa takot pero kaya kong lumaban. Why is she like this? May nangyari ba sa kanila ni Tito Achilles noon? Bakit ganito siya karahas pagdating kay Sibal?

Bumagsak ang ulan sa labas. Kitang kita ko ang pagtakbo ng mga tao papasok sa Seaside at sa mga tent namin doon. Hindi man lang naputol ang titig ni Tita sa akin kahit na ganoon.

“Sagutin mo ako, Snow,” buo na ang boses niya ngayon.
“Kung meron, Tita, ano ngayon?” matapang kong sinabi.

Humagalpak siya sa tawa. Nanginginig na naman ang balikat sa sobrang tuwa. Ayos lang sana kung masaya nga siya pero ramdam ko ang pait sa bawat patak ng tawa niya.

“Why’d you step light years down our level!?” pabulong niya iyong tanong.
“Hindi ako matapobre, Tita…” Hindi ako tulad mo.

Umigting ang kanyang panga. All traces of humor gone now…

“Hindi ito pagiging matapobre, Snow. This is about using this…” tinuro niya ang kanyang utak. “Rat poor people will try everything to get to the top.”

Napasinghap ako sa tawag ni Tita sa kanila. Gusto ko siyang sigawan pero pinigilan ko dahil kahit paano’y tiyahin ko siya. I need to respect her to earn her respect back!

“Hindi ganoon si Sibal, Tita…”
“Ilang buwan na kayong magkakilala? Binigyan ka niya agad ng singsing? Para saan, darling? Para magpakasal kayo agad? Why? Why can’t he wait for years?” mababa ang tono niya.

Hindi ako nakapagsalita. I agree that it’s way to early but I understand that Sibal only wants to show me that we’re on this promise together. Kahit siya man ay gustong ilang taon pa muna. Matapos muna siya sa pag-aaral.

“Tita, I have hints about you and your history with the Riegos… Please, don’t let your opinion of them shake us…” matapang kong sinabi.

Naging isang linya ang kanyang labi. I feel like I stepped on a landmine because of her reaction!

“How dare you speak of history!” sigaw na iyon ngayon.

Nakurap kurap ako sa sobrang takot sa kanyang sigaw. Hinampas niya ang lamesa dahilan kung bakit napatalon ang mga kubyertos.

“I… loved Achilles Riego truly, Snow. He was admitted to the Philippine Navy because of me… Because I want him to succeed and yet…”

Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Hindi ko inakalang kaya itong sabihin ni Tita Marem sa aking harap. Moist filled the sides of her eyes. I can almost conclude that those were unshed tears.

“Anong ginawa niya? Iniwan niya ako para sa ibang babae… Isang kababatang taga Costa Leona ang pinangasawa niya. Iniwan niya ako pagkatapos ko siyang tulungan sa lahat, Snow! Kaya ngayon, sige at sabihin mo na kung anong maitutulong namin sa bastardong anak ni Achilles at nang matapos agad ang kahibangang pinapaniwalaan mo!” sigaw niya.
“I don’t know what’s the real story about you and Tito but I’m sure Sibal won’t do that to me!” namaos ako.
“Sige at tingnan nating dalawa iyan! At kapag nadapa ka ngang tunay ay huwag na huwag mo akong hingan ng tulong, Snow!”

Tumayo ako sa iritasyon ko. Nagbabadya na ang mga luha ko at ayaw kong makita ito ni Tita na bumuhos kaya nilagpasan ko siya.

“Pati ba naman ang asal mo ay naging tulad na rin ng mga mandaragat na iyan, Snow?”

Padabog kong sinarado ang glass door doon at agad nang tumakbo patungo sa elevator.

Bumuhos ang luha ko sa habang nasa elevator ako. Hinahabol ko maging ang hikbi ko. Tinakbo ko ang distansya galing doon patungo sa aking kwarto.

I can’t believe Tito Achilles did that to Tita Marem. Although, I truly believe Sibal, hindi naman maalis sa isip ko ang katotohanan sa mga sinabi ni Tita. True that she’s uptight but she’ll never lie to me when it comes to that! She’ll never fake it!

Sinubsob ko ang aking ulo sa aking unan. Agad akong nagtipa sa aking cellphone para makapagtext kay Sibal. Maybe he’s not yet out of the resort. Maybe he’s just somewhere near the rock formations. Maybe he’s just waiting for me.

Ako:
Sibal, where are you?

Tumunog ang door handle hudyat na may papasok sa aking kwarto. Napabalikwas agad ako. Wala nang ibang pwedeng pumasok dito gamit ang spare card kundi siya.

“Sibal!” tatakbo na sana ako ngunit laking gulat ko nang si Tita Marem iyon.

She’s shocked too. Her eyes widened in horror! Napaatras ako.

“Please, Tita, I want to be alone…” I said.
“At bumibisita pa pala iyon dito?” sigaw niya sabay huli sa kamay ko.
“Tita, bitiwan mo ako…” sabi ko habang hinihila ang aking kamay.

Hindi niya iyon binitiwan. Sobrang sakit ng palapulsuhan ko habang hinihila niya iyon para lang mapapirmi ako sa kanyang harapn.

“If only I can let you do that same mistake again just to make you learn, I will, Snow! Pero hindi ko iyon makakaya! Hindi ko kayang makita kang matulad sa akin?” she cried and shook her head. “Mahal na mahal kita, aking pamangkin…”

Bumuhos ang panibagong luha sa aking mga mata. Hindi ko alam pero pati ang paniniwala ko ay nayayanig ng mga salita.

“Tell me, Snow… May nangyari na ba sa inyo noong lalaking iyon?”

Hinila ko ang aking kamay para makawala ngunit matindi ang kapit ni Tita. I want to stay on my bed and cover my face.

“Tell me…” she said weakly.

I did not respond. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at parang lumundag sa gulat ang puso ko nang lumagapak ang isang mahapding sampal sa aking pisngi!

“If he was really true to you, he wouldn’t let you fall in that kind of pit. If he’s really a good man, he’d respect you as a lady, as a woman, as a girl… But he didn’t… You didn’t see that one coming? Huh?” marahan niyang sinabi.

Hindi ako nagsalita. Patuloy lamang na bumuhos ang luha ko.

“Menor de edad ka, Snow! At ilang taon ang lalaking iyon? Huh? Did you submit youself to him because you want to pleasure him so bad? Kung tunay ka niyang mahal, hindi ka niya ginalaw ng basta-basta!”

Marahas niyang kinuha ang singsing sa aking daliri at tinapon iyon sa salamin. Agad akong kumawala sa kanya para kunin iyong singsing na ngayon ay nasa sahig. The pearl got detached from the silver steel!

“Tita, please…” sabi ko habang lumuluhod at umiiyak.

Nanginginig ang kamay ko habang inaayos ang singsing sa una nitong anyo. Nahuhulog ang perlas dahilan kung bakit pinulot kong muli iyon sa nanginginig na kamay.

“I don’t care about hell, Snow. I’m going to hell saving you, no matter what!” she declared and she stormed out of my room!

Buong gabi ako umiyak. Sibal replied but I didn’t text him back. I was scared he’d ask me about what happened. Hindi ko kayang aminin sa kanya ang mga pang iinsulto ni Tita Marem. Higit sa lahat, hindi ko kayang aminin na tunay akong hindi naniniwala sa tiyahin ko. I admit it, some parts of me slightly believe her. Not because her story is perfect but because the virtues she believed in is…

Sibal:
Nasa bahay na ako. Anong sabi ng Tita Marem mo?

Ako:
Wala naman. Nasa kwarto na ako ngayon.

I replied like nothing happened. Bukas, Lunes, nagdesisyon akong mag-aaral din ako ng parang walang nangyari sa gitna namin ni Tita.

I hate to admit it but she’s right. This is all too fast. I like Sibal… no… I’m even in love with him… But the story between Tita Marem and Tito Achilles was too familiar. Tito left Tita for a Costa local. Sibal is with Katarina… What if… what if… What if he’s trying to get to me because I’m a Galvez.

Nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong alam ng lahat na may planong expansion ang The Coast. This will mean new buildings for the resort… or even a new resort…

Pinilig ko ang ulo ko. Ayaw kong mabahiran ang tingin ko kay Sibal. Ayaw kong magkaroon ako ng pagdududa sa kanya.

Puyat ako kinabukasan. Hindi nabura ng yoga ang stress na naramdaman ko. Lalo na’t pinilit ko pa kagabi na maayos iyong bigay ni Sibal na singsing sa akin.

Wala si Tita Marem sa breakfast. Ang sabi ng mga tauhan ay nasa mansyon lamang siya. Nagpatuloy naman ako sa mga normal kong ginagawa pero mas mabagal lang ang mga kilos ko sa sobrang daming iniisip.

I still went to school. Like the usual, inabangan ako ni Sibal sa gate ng paaralan. He opened the door for me. I accepted his hand and walked outside.

Pinagsalikop niya ang aming mga daliri at dinala niya sa harap ang aking kamay para makita iyong singsing.

Nilingon ko siya. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.

“Inspirado akong mag-aral dahil dito…” aniya.
Tipid akong ngumiti. “Mag-aaral din ako ngayon. Sobrang lapit na ng finals…”
“Pupwede ba akong maagang pumunta mamaya o?”

Hinarap ko siya. Nakita kong biglang nagseryoso ang kanyang mukha.

“Mas mabuting huwag na lang munang maaga. Baka kasi makita ulit tayo ni Tita. Ayaw ko ng ganoon.”
Tumango si Sibal at tipid na ngumiti. “Naiintindihan ko, Snow. Ayaw ko ring mag-away kayo ng tiyahin mo. Hindi pa ba siya nagdududa?”
I shook my head and then looked away. “Hindi pa naman…”

Hinila niya ako para bumagsak sa kanyang dibdib. Diniin niya ang aking ulo sa kanyang dibdib. His warmth enveloped me but the coldness of my stomach didn’t even feel it.

Sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko kung paano tumingin ang mga tao sa aming dalawa. The girls near the building were looking at us. Nang nakita akong napatingin sa kanila ay agad nag-usap usap tungkol sa kung ano.

Lumipad ang tingin ko sa mga babaeng nasa benches. Kitang kita ko ang pag-iling ng ibang engineering students na kasama nila.

May mga lalaki naman sa ilalim ng isang punong nag-uusap usap sabay tingin sa aming dalawa. Nang nakitang nakatingin ako ay lumayo sila sa puno. Ang tanging natira ay si Katarina na naiiwan ang tingin sa amin. She shook her head and then went with the boys.

Bahagya kong tinulak si Sibal at nag-angat ako ng tingin sa kanya. He smiled wickedly.

“Malilate na ako…” sambit ko.
“Hindi pa, Miss President…”

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad.

“May ilang minuto pa tayo… Huwag mo namang ipagkait sa akin.”

Napapikit ako ng marahan habang hinihila siya palayo roon. What’s the matter, Snow?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.