Scorching Love – Kabanata 22

July 3, 2016 By In Scorching Love 1 Comment

Kabanata 22
Pearl

Iba-iba ang reklamo ni Tita Marem sa mga empleyado pagdating niya. Iyong mga hindi nalinisan na parte ng mansyon ay sinisi niya sa kanilang lahat.

“Natatakot akong palinisan ang ibang kwarto, Tita, at baka ayaw mong pagalawin ang mga iyon…” paliwanag ko pagkatapos niyang mansermon sa mga dinala naming empleyado roon.
“Ayaw kong magaya ang mansyon na ito sa mga mansyong narito sa kahabaan ng Costa Leona,” mapait niyang usal. “Hindi ito napapabayaan. I come here often and you are here. This is why I want you to stay here instead. Bakit nga ba sa hotel ka tumutuloy gayong may mansyon naman?”

Kahit na may ibang dahilan naman ako para roon ay para akong nanlamig sa sindak. I know Sibal’s just probably overreacting about Tita Marem. Kung ano man iyong mayroon sa kanila ni Tito Achilles, labas na kami roon.

“Mag-isa ako rito, Tita. Mas gusto kong sa hotel.”

Nagtaas siya ng kilay at binalingan ang mga kuwadro sa taas ng grand piano namin. Pinasadahan niya ng daliri ang mga iyon para makita kung may alikabok ba. Mabuti na lang at nilinisan naman iyon nang huling punta ko roon.

“You have class today? Anong oras?” she asked.
“Alas dose, Tita…”
“You better prepare now. I’ll be in charge of the supervision here. Don’t worry about it…”

Tumango ako at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari.

Tila nabunutan ako ng tinik pagkaalis sa mansyon. Pakiramdam ko ay masyadong mabigat sa loob ang presensya ni Tita Marem. Months ago, I would gladly welcome her here because I want a family member to be with me. Ngayon, tila natatakot ako sa maaaring mangyari habang nandito siya.

Binuksan ni Sibal ang pintuan ng Expedition pagkarating ng North Western Colleges. Matamis na ngiti naman ang sinalubong ko sa kanya. Tumagilid ang ulo niya.

“Dumating na ang Tita Marem mo?” maagap niyang tanong bago kinuha ang mga dalang libro ko.
“Oo. Via chopper. Sinalubong ko siya kanina sa helipad…”

Sabay kaming pumasok sa eskwelahan. Mas maaga akong dumating ngayon. Siguro ay dahil narin kay Tita. I don’t want to be around too much at the hotel now that she’s there.

Hindi naman sinabi ni Sibal na huwag naming ipaalam kay Tita ang tungkol sa amin. Ayaw ko ring magtanong dahil natatakot ako. Para bang may invisible agreement sa aming dalawa na kung maaari ay mas mabuting hindi malaman ni Tita Marem ito.

Papasok kami sa school ay nakita ko si Katarina sa isang bench kasama ang mga kaibigan niyang babae. Nakikipagtawanan siya kasama nila at nang nakita kami ay naging maasim na lamang ang mukha.

Sibal joined my line of vision and then he turned to me.

“Do you still talk?” tanong ko.
Tumango naman si Sibal na parang normal lamang iyon. “Oo naman. Bakit?”

Nakakalito ako. Kahit na ayaw ko kay Katarina, pakiramdam ko ay unfair naman kung iwasan siya ni Sibal kaya nagustuhan ko na magkaibigan parin sila hanggang ngayon. Maybe she truly cares for Sibal that way.

“Wala lang. Mabuti at magkaibigan parin kayo…”
He smirked. I feel like he doesn’t believe my sentiment.
“Totoo!”

Tumigil ako sa paglalakad at humilig sa dingding ng aming classroom. Dahil maaga akong dumating, may naunang klase pa sa loob. Sa harap ko ay si Sibal, hinuhuli ang mata ko.

“Nagseselos ako noon sa inyo pero alam ko namang mas nauna kayong naging magkaibigan. I bet she’s in love with you, Sibal. And then I came along. I know it’s unreasonable to get jealous but I still did.”

Nilagay niya ang kanyang kamay sa dingding at marahang humilig, ilang dipa na lang ay magkakalapit pa lalo kami. Ang hindi niya alam, sa simpleng mga kilos niyang ganito ay naghuhuramentado ang tiyan ko.

“You’re funny when you get jealous…”
Nanulis ang labi ko bilang pagprotesta sana ngunit hindi na ako nagsalita. Nagtawanan na lang kaming dalawa.

“My, My… another Riego-Galvez tandem…” bulong bulong ng dumadaang matandang dean ng Maritime Education ng eskwelahan.

Bumaba ang kamay ni Sibal para maharap ang dumadaan. Napangiti ako sa propesor. He smiled back and then turned to Sibal in a formal way.

“Percival, pagkatapos ng unang klase mo, pumunta ka agad sa opisina ko tulad ng usapan…” he said.
“Yes, Sir…” pormal na sinabi ni Sibal bago umalis ang matandang propesor.

Dahil kilala iyon ni Tito Achilles, madalas na tumutulong si Sibal sa matanda. Bumaling muli si Sibal sa akin.

“Ganoon ba talaga ka sikat sina Tita Marem at Tito Achilles at parang alam niya?”
Tumawa si Sibal. “Hindi lang ng propesor, Miss President. Subukan mong magtanong tanong at magugulat kang alam ng halos lahat ng tao rito…”

I wonder what Tito Achilles was like when he was younger? Naiisip ko lamang si Sibal sa kanya. Naiisip kong ganito rin siya tulad ni Sibal – minsan seryoso pero madalas mapagbiro. Siguro ay habulin din siya ng babae. Si Tita Marem kaya? Naisip kong tulad ko o mas malala pa siya sa akin – very prim and proper.

Gusto kong magtanong kay Sibal tungkol sa relasyon ni Tito at ni Tita pero ayaw kong lumabas na walang respeto sa ina nila ni Jaxon. Reliving whatever’s in between them feels like disrespecting Sibal’s mom.

Kinagabihan ay nasa opisina ako. Naroon din si Tita Marem para mapag-usapan namin ang growth ng hotel. Kung kumusta ang ginawa ni Papa’ng desisyon na taasan ang sahod ng mga empleyado.

“You know what? The digits could’ve been better if Kuya did not adjust the salary of these people…” she scoffed after seeing the graph I made.

Bumaba ang sales dahil wet season. Ngunit totoong mas lalong lumiit ang profit dahil sa pagtaas ng sweldo ng mga empleyado. Nadagdag iyon sa expenses kaya naging ganito ang resulta sa ngayon.

“Do you have other marketing strategies to increase the sales kahit na tag-ulan?” tanong niya sa akin.
“I updated the social media accounts of The Coast. Iyong mga artistang pumupunta rito ay inaadvertise ko-”
“Do you shoulder their expenses?” tanong ni Tita pagkatapos ay umupo sa upuang nasa harap ng aking lamesa.

It’s awkward to be sitting in this swivel chair while she’s in front of me.

“No, Tita. Nakikisakay lang ako kung may vacation sila…”
“Which is very rare because people will always choose to go to Boracay since mas malaki ang crowd doon kumpara rito. This is the only five star hotel here in Costa Leona. The other resorts are small. Kaya understandable na hindi sila pupunta rito.”
“According to an actor who came here recently with his family, pumunta siya rito para makapag relax. Hindi niya iyon mararanasan sa ibang resort na crowded. Dito lang, Tita…”

Tumango si Tita at huminga siya ng malalim. It’s almost ten at narito parin kami sa opisina at nag bi-brainstorming.

“So I guess our target market will be those people who’d love a serene vacation. Kung party ang gusto nila, nasa ibang resort iyon at hindi rito.”
“You are right, Snow. But still, we should invite more influential people to come here and relax. Shoulder their expenses at mababalik sa’yo ang nagastos mo kapag naadvertise ng mabuti ang hotel na ito.”

Tama rin si Tita. I can send four to five invites to some big stars. Natutulala ako sa kakaisip nang biglang tumunog ang door handle at bumukas ang pintuan.

Lumipad agad ang tingin ko roon. Sibal’s bringing a tray with cookies and milk! Pumasok siya sa opisina at nakita kong bahagya rin siyang nagulat sa nadatnan niya. He paused midstep but continued to go inside. Alam kong gusto niyang huwag tumuloy nang nakita si Tita Marem pero mas lalo lamang kaming pagdududahan kung sakaling hindi siya tumuloy.

Tinapunan siya ng tingin ni Tita Marem. Mabilis ang kalabog ng puso ko habang nakikita ang pagkunot ng noo ni Tita Marem sa kanya.

I wonder if she knows that he’s the son of Tito Achilles. Of course she knows! He’s a spitting image of him!

Kitang kita ko ang pag-ismid ng aking Tiyahin habang isa-isang nilapag ni Sibal ang mga nakalagay sa tray. She eyed me curiously and then went to Sibal again.

“Thanks…” sabi ko.

Bumalik muli ang tingin ni Tita sa akin. Parang mahihimatay na ako sa kaba habang tinitingnan ako ni Tita.

“Sibal…” tawag ni Tita.
“Madame, magandang gabi…” bati ni Sibal sa isang pormal na tono.
“Bakit ikaw ang naghahatid ng pagkain ng pamangkin ko gayong isa kang bellboy?” may bahid na pagdududa roon.
“Tita, I hired him as my personal bodyguard because Kuya Viktor and Kuya Lando won’t be enough for the three shifts a day…”

Sumulyap lang si Tita sa akin ngunit binalik din kay Sibal ang tingin.

“You hired him as a bodyguard? Why is he waiting, then? Dinadalhan ka ba ng pagkain ng Kuya Lando at Kuya Viktor mo rito, Snow?”
“Minsan po…” I lied.
“Talaga…” She frowned.
“Nakakaistorbo ako sa inyo, Madame, Miss President… Maiwan ko na kayo…” ani Sibal.

Tumango lamang ako. Pinagmasdan ni Tita Marem si Sibal nang paalis na ito hanggang sa sinarado na ang pintuan. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Only disturbed by the clicks I’m doing with my mouse.

Inabala ko ang sarili ko sa paglipat lipat ng sheets sa MS Excel para mabasag ang awkwardness na nararamdaman ko.

Hindi na siya muling nagtanong tungkol doon. Nabunutan naman ako ng tinik sa pagtahimik niya. Pinagsabihan ko rin si Sibal na huwag nang pumunta ng maaga sa hotel at baka magduda pa si Tita Marem. Pati sa Linggo ay ayaw kong naroon siya para hindi na maging gasolina pa sa ningas ng kuryusidad ng aking tiyahin.

Linggo ng umaga at nag-aantay kami ng mga serbidora sa hapag. Tahimik kaming pareho ni Tita Marem. I’m looking at my breakfast while she’s looking straight at me.

Nagsisilbi si Omar sa amin. Naglalagay siya ng tubig sa aming mga baso. Kumuha siya ng isang bote ng wine at nagsalin sa baso ni Tita.

“Give my niece some, please…” aniya kaya napatingin ako sa kanya.
“Where is your bellboy?” nagtaas siya ng kilay.

Ginapangan muli ako ng kaba roon. Why is she bringing this up? Damn it!

“I don’t know, Tita. It’s his off today. At isa pa, pang gabi lamang siya kaya kung hindi niya man off ay wala na dapat siya ngayon dito dahil umaga na…”
“Pang gabi… hmmm…” She smiled. “Ang sinabi ni Bronson ay may nagugustuhan ka na raw dito sa Costa Leona. I’m sure Stav will be very disappointed with that news…”

Sinabi iyon ni Bronson? What the hell?

Nanlamig ang aking mukha. Hindi na ako magtataka kung namumutla ako ngayon. Kung sinabi ni Bronson ang lahat, malaking tsansa na alam na nga ni Tita Marem iyong tungkol kay Sibal!

“Tita Marem… I tried to like Stav. There’s just no spark between us. And… no… Bronson is mistaken. Nag-aaral at nagtatrabaho ako rito. Wala na akong panahon para makipagrelasyon…”
“Pero may nagugustuhan ka? Maraming mayayamang angkan sa paaralan mo. May I know some of your classmates? I might know them by their family…”

Pinagsalikop ni Tita Marem ang kanyang mga daliri at naghihintay sa isasagot ko. If I say Jaxon Riego, she’ll think it’s Jack!

“Wala sa mga kaibigan ko ang tinutukoy mo, Tita. At hindi rin ako masyadong pamilyar sa mga kaklase ko dahil masyado akong abala sa trabaho.”

Linggo ng hapon ay hindi ko na nakita pang muli si Tita Marem. Hindi naman siya nagpaalam na umalis pero tingin ko’y nagpahinga lang siya sa mansyon.

Sibal:
Miss President, may ginagawa ka ba ngayon?

Halos napabalikwas ako sa pagkakaupo ko sa lobby. Hindi na pumunta si Sibal buong araw dahil kay Tita Marem. Hindi ko na rin inisip na magkikita pa kami ngayon dahil na rin sa parehong rason.

Ako:
Wala akong ginagawa. Bakit?

Sinabi niya sa aking magkikita kaming dalawa ilang metro ang layo galing sa tabing dagat ng aming mansyon. Hindi ko pa napupuntahan ang lagpas doon kaya gusto ko ang ideya niya. And that way, nobody would see us, too.

Nagbihis ako ng isang tank top na may burdang mga dahon at isang maong shorts. Tumulak na agad ako alas tres y media pa lang ng hapon kahit na alas kwatro ang kasunduan namin ni Sibal.

Sa tabing dagat ako dumaan. Ayaw kong dumaan pa sa bakuran ng mansyon at baka magkita pa kami ni Tita Marem.

When I entered our private beach, nagtatatakbo agad ang puso ko. Nilingon ko ang aming mansyon. Medyo malayo iyon sa beach kaya imposibleng matanaw ako ni Tita Marem unless kung nasa veranda man siya. Walang nasa veranda kaya natahimik naman ako.

Nakahinga ako ng maluwang nang nalagpasan ko ang private beach at napadpad ako sa kaniyugan.

Ang mga unang niyog ay nakabaon pa sa buhangin. Ang mga sumunod ay nasa lupa na. Nagpatuloy ako sa paglalakad. My cellphone’s just on my pocket. Tatawag ako kay Sibal mamaya kung wala talaga siya rito.

Huni ng kakaibang mga ibon ang narinig ko kasabay ng paghampas ng tubig dagat sa buhangin. It’s a relaxing sound.

“Sibal?” tawag ko habang hinahawakan ang katawan ng niyog.

Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang biglang may humawak sa aking baywang. Mabilis kong nilingon kung sino iyon at tumalon agad ako para mayakap nang nakitang si Sibal iyon!

Tumawa siya at inangat ako ng bahagya.

“Sorry at hindi tayo masyadong nakakapag-usap sa hotel…” usal ko sabay kalas sa yakap.

Nanatiling magkahawak ang aming kamay. He’s wearing a white t shirt and a black jersey shorts. Medyo magulo ang buhok niya dulot ng hangin.

“Ayos lang iyon. Nasaan ang tiyahin mo ngayon?”
“Hindi ko alam. Tingin ko’y nasa mansyon…”

Nilingon ko ang tanaw na private beach namin. Tahimik naman roon. Binalik ko ang tingin sa mga niyugan.

“Saan tayo pupunta?”

Tinuro niya ang malawak na kahabaan ng Costa Leona sa silangang bahagi. Tumango ako nang naintindihan iyon. Anywhere as long as we’re out of the hotel… out of Tita Marem’s sight.

“Anong mayroon doon?” tanong ko at nagsisimula na kaming maglakad.

He’s holding my hand. Sinisipa ko naman ang mga nakikita kong butas sa buhangin para matabunan iyon. Hindi ako nakakalayo sa kanya dahil nakahawak siya sa akin. I’d bounce back everytime I try to go away and find more holes.

“Costa Leona…” he chuckled.

Sarkastiko ko siyang nginitian. Hinigit niya naman ako dahilan kung bakit napalapit muli ako sa kanya.

Nakakita kami ng isang lumang mansyon sa gitna ng mga niyugan. It’s made of wood. Maraming wind chimes sa veranda nitong gawa rin sa kahoy.

“Kaninong bahay kaya iyan?”

Bahay is an understatement. Mansyon iyan, hindi nga lang naalagaang mabuti.

Hinila muli ako ni Sibal dahil nanatili na ang mga mata ko sa matandang bahay na iyon. Nang bumaling uli ako sa kahabaan ng baybayin.

Nagulat ako nang nalagpasan na namin ang niyugan. Napunta na kami sa isang lugar na may mas malawak na buhanginan. It’s unexplored! Isang malaking bukid na bato ang tapat nito.

“May tao ba rito?” tanong ko kay Sibal.

Sa sobrang haba ng baybayin noon ay pakiramdam ko susuko na ako sa paglalakad.

“Mayroong mga tao sa likod ng bukid na iyan…” ani Sibal.
“Nakapunta ka na sa mga lugar na ito?” tanong ko.
“Dito ako lumaki. Wala akong hindi napupuntahan dito…”

Kinalas ko ang kamay ko sa kanya at sinubukan kong tumakbo. It’s frustrating to see that the next coconut trees were still about half kilometer away!

Marahas ang ihip ng hangin sa aking buhok. Hindi ko na masikop ang lahat dahil masyadong malakas ang hangin.

“Nakakapagod!” hingal ko nang nagkalahati ako.

Nilingon ko si Sibal at nangiti lamang siya. Naglalakad parin siya kaya tumigil ako sa pagtakbo. Hihintayin ko siya bago magpatuloy.

“Hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumalik sa hotel. Ang layo na nito…” usal ko.
“Hanggang sa mga niyog na iyan lang tayo…”

Tinuro niya ang dulong mga niyog. Alam kong mahaba pa ang silangang bahagi nito.

“Madalas private beach na ang mga nariyan…” wika ni Sibal.

Tumango ako at sinabayan na siya sa paglalakad. Hinawakan niyang muli ang kamay ko. Ngumiti ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

May nakita kaming grupo ng mangingisda na naglalagay ng mga huli nila sa loob ng timba. Tumigil si Sibal doon at tiningnan ang mga huli.

“Ang dami n’yo pong huli…” sabi niya sa mga ito.
“Sibal, ikaw pala ‘yan… Oo… Marami talaga ngayon…”

Hindi na nga pala siya nakakapangisda. Nilingon ako ng mga matatandang mangingisda at tinanguan. Tipid akong ngumiti.

“Gusto mo ng isa?” tanong ng matanda kay Sibal.
“Ayos lang po ba?” he asked.

Pipigilan ko na sana siya. Nakakahiya naman kung manghingi kami. Pwede namang bayaran, e.

“’Tong batang ‘to! Syempre! Sabi ng tatay mo, hindi ka na nakakasama tuwing madaling araw, a…”

Tumango si Sibal at kinuha iyong isang malaking isda. Nilagay niya iyon sa loob ng plastic.

“Oo, uncle. Abala ako sa trabaho. Pero kaya na nila iyon…”
“Kung sa bagay…”

Sumulyap ang mangingisdang kausap ni Sibal sa akin. Kung hindi pa ito sinita ng kasamahan para sumali sa pag-angat nila ng isang balde ay siguro’y nanatili ang titig nito sa akin.

“Salamat po!” sabi ni Sibal at ipinakita ang isdang nakuha.
“Walang anuman…” nahihirapang sagot nito habang inaangat ang isang balde palayo sa bangka.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Sibal. Naiwan naman ang tingin ko sa mga mangingisdang nagtutulungan para sa kani kanilang mga huli.

“Anong gagawin mo sa isda na nakuha mo?” tanong ko at bumaling sa kanya.
“Iihawin… Kakain ka ba?”
Tumango ako at ngumiti.

Umamba siyang aakbayan ako pero hindi niya tinuloy. Tinagilid ko ang ulo ko sa pagtataka.

“Marumi ang kamay ko…” he explained.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Ngumuso ako at pinagmasdan ang kanyang likod. I don’t care…

Tinakbo ko ang kaonting distansya at hinawakan ang kamay niya. He flinched at my move. I smiled at him and he understood.

Nang nasa mga niyugan na kami, nakakita agad ako ng isang napakalaking mansyon. This mansyon is also not well tended. But unlike the first one we saw, it looks better. It’s a classic spanish style mansion. Ganoon din ang amin ngunit may touch of modern na iyon dahil sa mga renovation. This one looks ancient! May mga baging pa sa dingding nito. I can imagine a beast inside that house.

“Dito tayo?” tanong ko.

Umiling si Sibal at tinuro ang isang puno ng niyog na may duyan sa ‘di kalayuan. Binitiwan ko siya at tinakbo kong muli ang distansya.

“Sa wakas! I can now sit down!” sabi ko.

Nang umabot sa duyan ay agad akong umupo. Gawa sa rattan ang duyan at hindi ko alam kung parte ba iyon ng mansyong natatanaw namin.

Imbes na umupo siya ay pumasok sa sa property. Kumuha siya ng iilang mga tuyong dahon at malalaking bato. Pinagmasdan ko siya habang ginagawa niya iyon.

“Anong gagawin mo?”
“Maghahanda ng apoy, Miss President.”

Tinaas niya ang isdang dala at doon ko pa lamang naintindihan. Pinanood ko siya habang hinahanda iyon. Nang umapoy ang mga nakuhang kawayan ay pumalakpak agad ako. Tinusok niya ang isda sa isang tuyong sanga at nilapit niya sa baga.

Tumayo si Sibal at tumakbo patungo sa dagat. Tumayo rin ako at sinundan siya.

Sa hanggang tuhod na dagat ay naghugas kami ng kamay. Habang seryoso siyang naghuhugas ng kamay ay may naging ideya ako.

Binasa ko siya ng tubig dagat! Napapikit siya sa gulat sa ginawa ko. Humagikhik ako at bahagyang lumayo. Akala ko’y magagalit siya pero sumalok siya ng tubig para mabasa ako.

“Sibal!” kunwaring pagalit kong sinabi.

He splashed me another one and it hit my face. This time, I’m almost seriously mad.

“Sibal!”

Sumalok muli ako ng tubig at binasa siya. Mabilis ang ginawa ko para hindi na siya magkaroon ng pagkakataong bumawi. Ngunit tingin ko’y wala siyang planong bumawi. Hinayaan niyang basain ko siya hanggang sa nakalapit siya sa akin.

Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig at inangat para maibalik sa tuyong buhangin.

“Tama na, Snow… Basang basa na ako…” he said.

Tumawa ako at hinayaan siyang dalhin ako patungo sa duyan. Natatawa parin ako habang siya’y umiiling at tinatanggal ang ilang ilang seaweed na dumikit sa kanyang puting damit.

Walang pasubaling tinanggal niya ang kanyang t-shirt. My breath hitched at the sight of his body naked. Natigil ako sa pagtawa at napansin niya iyon. Sumulyap lamang siya sa akin bago binalikan ang niluluto.

May ginawa siya sa sanga ng isda bago bumalik muli sa akin sa duyan. Sinampay niya ang kanyang t-shirt sa lubid ng duyan bago lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang duyan dahilan kung bakit muntikan na akong mabuwal. Tumili ako at tinulak siya.

“Ano ba?” kumunot ang noo ko pero natatawa parin.

Unti-unti siyang lumuhod sa akin. I stopped giggling and stared at him. Nakahawak siya sa upuan ng duyan, pinipirmi ako para hindi gumalaw.

“Dito ka na lang sa tabi ko…” anyaya ko sa kanya. “Kasya ka pa naman dito…”

Umusog ako ng konti hanggang sa nagtama ang hita ko at ang kanyang kamay. Napalunok ako sabay tingin sa kanya.

Umiling siya sa akin, tahimik, walang bahid na biro.

“Bakit?” tanong ko dahil hanggang ngayon ay nakaupo parin siya sa harap ng duyan ko.

May dinukot siya sa kanyang bulsa. Noong una ay hindi ko naintindihan iyon ngunit nang hinarap niya na sa akin ang isang maliit na singsing ay hindi na ako nakapagsalita.

It’s made of a silver steel and the tip of it is an irregular creamy pearl. Napaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan iyon.

Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Nag-aantay sa kabilang kamay kong ipatong doon.

“A-ano ‘to?” tanong kong nanginginig.
“Gusto kong mangako sa’yo, Miss President. I’m gonna marry you…”

Umihip ang malakas na hangin. Nanatili akong nakatulala sa kanya. Pumungay ang mga mata niya.

“Maghihintay ako kung kailan ka handa…”

Parang may nagbabara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan siya sa paanan ko struggling to find the right words to make me say yes.

“Pagkatapos kong mag-aral, gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka. Gagawin ko ang lahat ng makakakaya ko para matustusan ang kakailanganin mo at ng bubuuin nating pamilya…”

Isa-isang patak ng luha ang lumandas sa aking pisngi. Nanatili sa ere ang kanyang singsing. Nilagay ko ang kamay ko sa kanyang kamay sabay tango.

“Handa ako kahit kailan mo gusto…” walang pag-aalinlangan kong sinabi.

Namatay ang kung ano mang takot at pagdududa sa puso ko sa aming relasyon. All that matters to me right now is his promise of us. And if he’s right, my family would disagree with us, alam kong kaya kong panindigan ang magiging desisyon ko.

Hinila niya ang kamay ko at sinuot niya sa akin ang singsing. Hinila ko rin siya patayo. Tumayo naman siya at umupo sa tabi ko sa duyan.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Umiyak ako sa kanyang balikat.

Alam kong bata pa ako. Hindi pa kami pwedeng ikasal. At maaaring marami pang tumutol sa magiging desisyon namin pero ang puso ko’y handang handa nang makasama siya.

Inangat niya ang ulo ko at pinalis ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. He removed it from the bite with his thumb.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala niya iyon sa kanyang labi. He showered my hand with shallow kisses. Bawat daliri ay hinalikan niya. Kinalma ko ang sarili ko pero tila kay hirap gawin. Lalo na nang marahan niyang hinalikan ang aking palad. He passionately kissed the bottom of my thumb. He sucked it gently, too.

Natigil ang luha ko. Napalitan ang nararamdaman ko ng init.

He kissed my index finger and slightly sucked it, too.

Hinahabol ko na ang aking hininga dahil sa ginawa niya. Binaba niya ang kamay ko at hinigit niya ako palapit pa lalo sa kanya.

In a swift motion, he made me sit on his lap. Kinagat ko ang labi ko habang dinarama ang init ng kanyang palad sa aking balikat at sa aking braso.

“Ang hirap hirap maghintay sa’yo, Miss President…” bulong niya sabay halik sa pulso ng aking leeg. “Pero maghihintay ako… kaya kailangan sigurado…” he murmured.

Pumikit ako nang naramdaman ang kanyang kamay sa gitna ng aking dibdib.

“Handa ako…” halos padaing kong nasabi iyon.

He chuckled gently then he kissed my nape.

“In two years, handa ka parin ba?” tanong niya.

Halos mapasinghap ako nang naramdaman ang kanyang daliri sa tuktok ng aking dibdib. He gently molded it with his fingers making me moan a bit.

“Ang tagal…” I whispered.

He chuckled again. His hand cupped my other breast and found the other tip. I whimpered. Nagulat ako nang kinalas niya iyon at niyakap na lamang ako ng sobrang higpit.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Scorching Love – Kabanata 22