Scorching Love – Kabanata 21

July 3, 2016 By In Scorching Love 1 Comment

Kabanata 21
Royalty

Tulala ako sa byahe patungo sa sunod na isla. Hindi ako makasabay sa mga kaibigan ko. I still feel the coldness of my stomach because of what happened. Talagang natakot ako sa nangyari.

Hindi ako nakatingin kay Sibal ngunit nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Hindi naman namalayan ng mga kaibigan ko iyon dahil abala sila sa mga pictures.

Sa pangatlong isla lamang ako nabuhayang muli. Isla Cana, I think, has the whitest beach. Doon kami namalagi. Mayroong mga turista roon galing sa ibang resort at mayroon ding locals. Mas malaki rin kasi iyon kumpara sa mga islang napuntahan ko na noong nakaraang island hopping.

The clear blue water is very inviting. Iyon nga lang, ayaw ko na munang lumangoy. Naglatag na lang ako ng sarong sa lilim ng puno ng niyog. Naroon din ang mga gamit ng mga kaibigan ko. And because it’s their first time here, they want to swim in all of the places we’ve been to.

Inaayos ni Sibal ang bangka. Si Jack naman ang nagmistulang gabay ng tatlo. Ayaw pa sanang sumama ni Bronson ngunit pinilit siya nina Brenna at Cissy kaya pinagbigyan niya na lang.

Nananghalian kami kanina sa isang isla. May dala kasi kaming pagkain galing sa hotel para hindi na kami gutumin.

“Mag-isa ka, Miss President…” ani Sibal nang nakalapit sa akin.

Naglalaro ako ng buhangin. Dinadampot ko iyon tapos tinatapon sa malapit. Umupo si Sibal sa tabi ko. Malayo ang tingin ko sa dagat samantalang siya naman ay hanggang mukha ko lang.

“Napapagod akong lumangoy…” sabi ko.
“Iyon na ba ang ex mo?” he scoffed.
“Anong ibig mong sabihin?”

Bahagya akong nairita sa tono niya.

“Ni hindi man lang ako natatakot, Snow…” aniya.

Ang lokong ito! Namilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. He looks so cocky lalo na nang nagkibit siya ng balikat.

“Di hamak na mas gwapo ako roon!”
“Wow! You have the guts, really?”
“Bakit? Hindi ba?”

Pinagtaasan niya ako ng kilay. I looked away. I can’t believe it. Even when he’s cocky, he still drives me nuts.

“At bakit? Gusto mo ba ng natatakot ka?” iritado kong wika.
“Hindi. Totoy pa iyang naging lalaki mo, Snow.”
“Totoy? Apat na taon lang ang agwat mo sa amin…”

Kung sabagay, kung ikukumpara nga ang dalawa ay totoy si Bronson. He’s even bulkier than any other seventeen year old at that.

“Kaya nga. Sabihin mo sa akin kung sino ang naging pangalawa mo at bakit parang palipat lipat ka? Bata ka pa, a…”
Natawa ako roon. “Wow! Palipat lipat, Sibal? Kung makapagsalita ka parang sobrang dami kong naging lalaki!”

Tinampal ko ang braso niya. Ngumisi lamang siya.

“E, ikaw? Sabagay at si Katarina lang naman ang nakaaligid sa’yo, hindi ba?” may bahid na pait doon sa sinabi ko.

I still don’t understand why Katarina seems to be so emotionally attached with Sibal. It’s possible na may relasyon nga sila… o kahit noon. O kahit mahal man lang ni Katarina si Sibal.

“Magkababata kami, Snow. She’s close to us.”
“Bakit sinabi ni Jack…” nag-iwas ako ng tingin at niyakap ko ang aking tuhod. “…Ideal girl mo raw siya…”
“Sinong hindi magugustuhan ang babaeng maalaga at mabait?”

Pakiramdam ko ay tumaas muli ang temperatura ng aking pisngi. Not with embarassment but with frustration. Kung mabait iyon at maalaga, ba’t ‘di na lang siya ang ibigin niya kung ganoon?

“Bakit hindi siya, kung ganoon? Mukhang may relasyon naman kayo, e…” padabog kong nasabi.
He chuckled. “Hanggang doon lang ang kaya ko para sa kanya. Nirerespeto ko ang pakiramdam niya para sa akin kaya’t-”
Namilog ang mga mata ko at pinutol ko agad siya. “May nararamdaman siya sa’yo?”

Damn, it’s obvious, Snow. Hindi mo parin ba nakuha?

“She cares for me more than a friend. Marami akong naging kasalanan sa kanya pero napagbibigyan niya ako. Niligawan ko siya noong…” he trailed off and then his eyes drifted to the sea.
“Noong?” I probed.
“Noong sobrang gusto na kita para mawala ang atensyon ko sa’yo…”

Nanatili ang tingin ko sa kanya. Bumaling din siya sa akin. We were both serious as we looked at each other’s eyes.

Ano ang nagpipigil sa kanya sa aming dalawa? Social status and Tita Marem? Is it really that bad?

“She knew you courted her for that?”
Tumango si Sibal, bakas ang pait sa mukha.

Kaibigan niya si Katarina. And yet he’s hurt her just to avoid me. Iniisip kong ganoon ba talaga kasama ang pakikipagrelasyon sa akin para isakripisyo niya ang kanyang kaibigan. He cared for her, too. I know.

“Sobrang nakakahiya ba talaga makipagrelasyon sa mayaman, Sibal?”
He smiled. “Baliktad yata, Miss President…”
“If people in this place thinks it’s absurd, then don’t think I’m one of them. I don’t see it that way…” marahan kong sinabi.
“Alam ko, Snow. You’ve proven that to me…” malungkot siyang ngumiti.

Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang umusog malapit sa kanya. Halos magdampi ang balat naming dalawa dahil sa ginawa ko. Ramdam ko ang init niya habang nasa gilid niya ako.

I want to share a quiet afternoon with him but it seems like he just won’t let me.

Napalundag ako sa gilat nang may tinapon siya sa hita ko.

“Isarado mo ‘yan mo makakagat ka…”

Mabilis agad siyang tumayo nang tinulak ko siya sa gulat. Tumili ako habang pinapalis ang maliit na kasag sa aking hita. Nabuhay ang buong sistema ko sa ginawa niya.

Tumayo ako at sinuntok ang kanyang braso. Natatawa siyang tumakbo. Isang dakot ng buhangin ang tinapon ko sa kanya. Nakalayo na siya kaya hindi na siya naabutan.

“Sibal!” sigaw ko.

Kumuha ulit ako ng buhangin nang tumigil siya sa pagtakbo para salubungin ako. Tinapunan ko siya ng buhangin sa mukha. Pumikit agad siya ng mariin!

Hinampas ko ang dibdib niya ng buong lakas. Hindi parin kumakalma ang puso ko sa ginawa niya. Why’d he always make me nervous like that.

“Snow!” mariin niyang sinabi at ginagap ang aking siko.

Ang isang kamay niya ay marahan nang kinuskos ang mga mata.

“Pumasok yata sa mata ang buhangin…”

I didn’t believe him. Tinampal ko siyang muli ngunit wala siyang naging reaksyon. It’s like the sand is giving him a worse time that he couldn’t even think about the pain from me.

“Akin na…” pagalit kong sinabi at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

I tiptoed so I can blow whatever’s in his eyes. Yumuko naman siya at pinagbigyan ako. Hinipan ko ng marahan iyong mata niya at nang nakita kong dumilat ang isa ay alam ko na agad.

Tinulak ko siya ngunit bago pa siya tuluyang nalayo ay nakapatak na siya ng halik sa tungki ng ilong ko.

Sa sobrang inis ko ay tumayo na lang ako sa harap niya. He fooled me three times today. At sobrang tuwang tuwa pa siya. Parang hobby niya na yatang asarin ako!

Tumatawa siya habang nilalahad ang kanyang braso para salubungin ako. Lumapit siya sa akin, nangingig parin ang balikat sa tawa.

“Totoong pumasok ang buhangin sa mata ko. Natanggal lang agad…”

Pinapungay niya ang mga mata niya at mas lalong pinaamo ang mukha. Imbes na mairita ay unti unting gumapang ang ngisi sa labi ko. But I need to show him that it’s not funny!

“Inaasar mo ako!” nakalabing reklamo ko.

Hindi na siya nagsalita. Niyakap niya lang ako. I fit perfectly on his chest. Napapikit ako habang dinadama ang init ng kanyang dibdib. Wala akong marinig kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko habang yakap niya ako.

Dahil puyat si Sibal buong araw, I ordered Kuya Viktor and Kuya Lando to have their shifts at night. Pinauwi ko sina Jack at Sibal pagkatapos kaming ihatid muli sa hotel.

Ayaw pa sanang umuwi ni Sibal kahit na panay na ang hikab niya noong pauwi na kami pero nakiusap ako sa kanya. Sa pagod din ng mga kaibigan ko’y pakiramdam ko pagkatapos naming kumain ng hapunan ay matutulog na silang agad.

True enough, right after dinner, isa-isa na silang humikab. Kahit si Bronson ay napagod. Syempre, langoy sila ng langoy buong araw.

Nagkasundo na lang kaming magkikita bukas ng umaga para makapag swimming naman sila sa pool at ma try ang poolside bar namin.

Maaga rin si Sibal nang nag Linggo. Kahit hindi niya duty ay nagawa niya paring mag silbi. I need to note that so I can give him a better salary because of his overtimes… though, not necessary.

Nakahiga ako sa lounger ngayon. Lumalangoy na ang mga kaibigan ko sa pool habang panay ang check ko naman sa emails. Sibal’s just beside me, standing.

“Snow!” sigaw nina Cissy at Brenna nang naupo na sila sa isa sa mga stool ng aming poolside bar.

Nilapag ko ang cellphone ko sa side table at tumayo na. Tinanggal ko rin ang wayfarers at nilagay na sa tabi ng cellphone.

I slowly removed the ties of my robe.

“Nanonood ako, Miss President…” ani Sibal habang tinatanggap ang bathrobe na lumilis sa aking katawan.
“I won’t flirt. Don’t worry…” sabi ko at linangoy agad ang direksyon kung nasaan ang mga kaibigan ko.

Nang umahon ako ay nasa harap na iyon ng stool. Sa gitna ako ni Brenna at Bronson. Sumulyap muna ako sa kinaroroonan ni Sibal bago umakyat sa stool.

“Pinacolada…” sabi ko sa bartender na naroon.
“Same…” si Brenna.
“Bourbon, please…” si Bronson naman.

Umupo ako ng maayos. Nakatingin silang tatlo sa akin habang naroon kami. Instrumental beach music filled our ears.

“So… you and your bellboy really at it, huh?” ani Bronson.

Oh… here we go again.

“Give it up, Cous. He’s hot…” Brenna smirked.
“It’s not about that, Bren… Definitely not…” Umiling agad ako.
“Good in bed?” si Cissy naman.
“In what?” halos pasigaw na tanong ni Bronson.

Natigil kami sa pagsasalita nang nilapag ng bartender ang mga inumin sa harap namin. Cissy ordered coffee kaya abala muli ang bartender.

“No…” I quickly said.
“How sure are you na hindi ka niloloko niyan, Snow? Hah!” lumapit si Bronson sa akin para mapagsabihan ako ng mabuti. “Wala iyang pera. Pagmabubuntis ka niyan, magkakapera siya dahil meron kayo. At anak niya ang nasa sinapupunan mo…”
“Buntis ka?” ani Cissy.

Napainom ako sa aking Pinacolada. I feel like it’s a bad idea that I invited them here. Alam kong huling araw na nila ‘to rito. Their vacation is short. Ihahatid na sila ng van namin mamaya sa airport.

“Please, Bronson. Let’s not talk about the future since it’s a far, far away land. And Cissy, hindi ako buntis. Calm down, you guys.”
“Isn’t it exciting, Bron. The stoic and prim Snow is finally doing something strange in her life…”

Panay lamang ang iling ko sa usapan dahilan kung bakit iniba ko. Kinumusta ko ang trabaho ni Brenna. Marami raw siyang endorsements. Si Bronson naman panay ang pasok sa school ngunit mukhang wala namang plano sa buhay, mas inuuna ang party. Si Cissy naman ay pinoproblema ang Instagram followers.

Iba iba pala talaga ang suliranin ng mga tao. Habang ang mga tao rito sa Costa Leona ay namomroblema sa kanilang kakainin sa bawat araw, ang mga taong ito naman ay namomroblema sa ibang bagay.

Their short stay relieved me. Finally, I won’t have to answer their questions about Sibal. Be it about his personal life or why I like him.

Parang nabunutan ako ng tinik habang kinakawayan ko sila at palayo na ang van. Natatakot ako sa mga sinasabi ni Cissy na babalik pa raw sila.

Sa sumunod na Linggo ay nagiging abala na muli kami sa eskwela dahil sa finals. Groupings were resumed. Kahit sa pag-aaral sa minors ay preferred ko nang sumama kina Jaxon. Sa mga major naman ay sa kwarto lamang ako nag-aaral.

Nilapag ni Sibal ang gatas at cookies sa lamesa ng aking kwarto. Kumuha agad ako ng isa at binigay sa kanya ang aking aklat.

“Review…” sabi ko.

Umupo agad siya sa couch malapit sa veranda. Sinuyod niya ang aking aklat. Umupo ako sa aking kama.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Niyakap ko ang unan habang nag-aabang sa itatanong niya. Binalik niya ang kanyang mga mata sa aking aklat at kumunot na ang noo.

He started throwing me questions. I answered immediately.

Ganoon ang ginagawa namin kapag nasa kwarto. Kapag nasa school naman ay napapansin ko rin na nagsusunog na siya ng kilay. It’s a crucial year for him.

Tinititigan ko sa likod ng aking notebook ang isang sketch na nagawa ni Sibal habang nag-aaral ako sa kwarto. The sketch is a scene in my room. Naroon ang lamp, ang side table, ang aking kama, ang magulo kong comforter, ang salamin, ang bukas na blinds ng veranda…

“Si Kuya niyan?” tanong ni Jack sa akin.
Tumango lamang ako at sinarado ang aking notebook.
“Wait till you see what he has for you later…” aniya na siyang nagpabagabag sa akin.

Pagkatapos ng huling klase ko ay nag-aantay na si Sibal sa akin sa labas ng classroom. May dala siyang kasing laki ng long bond paper na regalo. Abot tenga agad ang ngiti ko nang nakita ko iyon.

“Ano ‘yan?” I asked happily.
“Buksan mo…” binigay niya sa akin.

It’s not a surprise anymore. I anticipated it the whole day because of Jack! Pinunit ko agad ang wrapper ng gift at nang nakita kong black and white sketch ko iyon ay mas lalong lumapad ang ngiti ko.

“Thank you!”

Naka bun ang buhok ko. May mga takas na buhok sa batok at sa gilid ng tainga. My lips curved and my eyes looks real. Hanggang collarbones ko lang iyon at sa baba ay may pirma niya.

Sibal Riego.

Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng eskwelahan. Hindi matanggal ang mga mata ko sa sketch na ginawa niya para sa akin.

“Ang ganda!” sabi ko.
He laughed. “Syempre, ikaw ‘yan…”
Umiling ako at nilingon siya. “Ang galing mo…”

Whenever we’re together, I only think about us. I don’t think about other people. I don’t even care who’s looking at us. Kaya minsan ay may nagrereklamong mga kaklase na kapag daw kasama ko si Sibal, kahit tawagin nila ako, hindi ko sila naririnig.

It’s weird actually…

Tinabunan ko ang isang tainga ko habang pinagmamasdan sa rooftop ng convention center building ng aming hotel ang paglapag ng chopper ni Tita Marem. Si Kuya Lando at Kuya Viktor ay parehong nasa gilid ako upang salubungin si Tita.

The whole crew of The Coast are all ready for her arrival. Ang mansyon ay sobrang kintab na at nakahilera na sa lobby ang mga morning shift na mga tauhan namin.

Unlike her last visit, mas tatagal daw siya ngayon. Hindi niya kasama ang kanyang pamilya. Naiwan ang mga iyon sa Maynila. Aniya’y may aasikasuhin siya kaya maaaring isang buwan siyang mananatili rito.

“Good morning, Snow…” she smiled.

Naka all cream suite at pencil cut skirt siya ngayon. Ang cream stilletos, cream scarf, at cream colored fedora na rin. Sa likod niya ay dalawa pang body guards, kalalabas lang sa chopper. Nilalabas din nila ang mga dala ni Tita na mga stroller bags.

“Finally, land…” aniya sabay yakap sa akin.
“Good morning, Tita! Breakfast tayo? Dito na lang sa hotel at nagpaluto ako para sa atin…” I smiled.
“Thank you…” she said happily.

Naglahad ng kamay si Kuya Viktor kay Tita para maalalayan siya pababa ng third floor doon. Sumunod naman ako sa kanila. Habang pababa siya ay panay ang salita niya.

“You know what happened? Your father is so stubborn. Pinapagalitan na iyon ng mga doktor dahil naka therapy nga ay hindi naman sinusunod ng buo ang advise ng therapist. Pagsabihan mo nga iyon, Snow. Ako na ang humihingi ng tawad sa mga specialist na hinire ko para sa kanya…”

Tahimik ako habang sumusunod sa kanya. Pinindot ni Kuya Viktor ang elevator. Pumasok si Tita. Sumunod ako bago ang mga bodyguards. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“Kael’s affected, Snow. His grades dropped… some point, he said…”
Umirap ako. “Kael’s always affected when his grades drop.”
“He’s not that conscious with his grades already. Hindi siya nagrereklamo. Ako iyong nakakahalata!” ani Tita.

Natahimik ako roon. Si Tita talaga. Point lang naman siguro ang binaba ng grade ni Kael. But anyway, of course I’m concerned with Papa. Papagalitan ko iyon kapag nagkausap muli kami.

Lumabas kami sa elevator. Naroon agad ang nakahilerang mga crew. Tumango at ngumiti lamang si Tita Marem. She didn’t even stop to say anything to them.

“Balik na kayo sa trabaho. The guests need your service…” aniya bago kami lumiko sa Sea Side, kung saan ako nagpahanda ng pagkain.

Ang mga puting kurtina ay hinihipan ng maalat na simoy ng hangin. Pinabukas ko ang mga glass doors and windows para mas maramdaman na nasa Sea Side kami.

Sabay kaming umupo ni Tita Marem sa magkabilang upuan. The guards stayed behind us after we are seated. Si Omar at Rolly ang nag serve para sa amin. Si Kristina naman ang naglagay ng soup sa mga bowl.

“Thank you!” Tita Marem smiled at her.

Yumuko lamang si Kristina at umatras bago naglagay na rin sa akin.

“Thanks, Kristina…” sabi ko.

Yumuko muli si Kristina at umatras na sa aming lamesa. Nagtaas ng kilay si Tita Marem sa akin at uminom siya ng tubig.

While holding the wine glass, she turned to me again.

“How are you here? The digits are dropping, as usual, because it’s the wet season. But it’s not bad… Are you fine here?”
“Yes, Tita. I’m fine here. I’m getting used to it…”
“Good…”

Naglagay ng courdon si Omar sa aking pinggan. Hindi tulad tuwing wala si Tita, hindi siya nagkaroon ng eye contact sa akin. I understand that they are just scared.

“Thanks, Omar…” sabay ngiti ko.

Naglagay rin si Omar ng pagkain sa pinggan ni Tita. Tiningnan ni Tita si Omar hanggang sa makaatras ito.

“I can see that you’ve learn the names of these people…”
“Hindi ba ay dapat malaman mo ang mga pangalan ng mga taong tumutulong sa hotel, Tita?”

Umangat ang gilid ng labi ni Tita. Her mild aquiline nose made her eyes look smaller. Her overall feature is screaming of elegance and royalty.

“Just don’t get to close. To lead, you must learn your people. But there should always be that gap, Snow. Without it you are not a leader, you are one of them. Always remember that…”

Tumikhim ako. Bumaba ang tingin ko sa aking soup. Pakiramdam ko ay may nasapul si Tita sa sinabi niya.

“Tita, hindi ba dapat tratuhin ng parehas ang mga tao. Your status, your rank, your position doesn’t define you as a person so-”
“Wait, wait, my darling Snow…” she chuckled.

Natahimik ako roon.

“You speak as if you want to win the hearts of the crew. I got your point. It’s very inspirational, however… in this world of business, unfortunately, we must define the relationship of the leader and the people. This is not politics. This is business, Snow… That will be your downfall…”

Natahimik ako. Tinitigan ako ni Tita Marem. Isang titig na nagpapahiwatig ng napakaraming ideya sa kanyang utak. Pag-angat ko muli ng tingin sa kanya ay napawi na ang kanyang ngiti.

“Bumaba ka ba masyado sa lebel ng mga tauhan mo at bakit ipinaglalaban mo ito sa harap ko ngayon?”

Tumuwid ako sa pagkakaupo at tinikman ang soup bago ako nagsalitang muli.

“It’s not that, Tita.”

Pakiramdam ko ay kapag titingnan ko siya ng diretso ay malalaman niya ang mga itinatago ko.

“I do hope it’s not that…”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Scorching Love – Kabanata 21

  1. I have been surfing online more than three hours today, yet I never
    found any interesting article like yours. It’s pretty
    worth enough for me. Personally, if all site owners and bloggers made good content as you did, the net
    will be much more useful than ever before.