Scorching Love – Kabanata 20

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 20

Kabanata 20
I’m Sorry

I cuddled with Sibal last night. Kaya napabalikwas agad ako nang naramdaman kong nawala siya sa aking tabi, madaling araw ng Sabado.

Bumangon agad ako galing sa pagkakahiga. Kakagising ko lang. Napatingin ako sa orasan sa gilid ng kama at nakitang hindi pa nag-aalas sais ng umaga.

Panandalian akong natulala. Nangyari ba talaga iyong kagabi? I remember how light headed I was habang nakaupo sa sofa. Nagtatanggal si Sibal ng sheets at nagpapalit din. He carried me to bed right after he changed it. Aalis na sana siya ngunit hinila ko siya pabagsak sa kama.

I told him not to leave. I want to sleep beside him.

Nagbaga agad ang pisngi ko nang napagtanto ang nangyari. We made love! I made love to him!

I am not really good with virtues but somehow it’s a big thing for me. Kahit naman siguro sa ibang babae. At wala akong pinagsisisihan na naibigay ko iyon sa kanya dahil mahal ko siya.

Speaking of, where is he? Ginala ko ang mga mata ko sa kwarto. Night shift siya ngayon. Nakatulog akong nasa tabi ko lang siya. I wonder if he left right after I slept. Sana ay hindi. I want him to cuddle me. We just made love, after all!

A part of me got disappointed at the thought of him going out right after it. Ayaw ko ng ganoon. I feel like it doesn’t matter to him.

Narinig kong tumunog ang door handle. Mabilis kong inayos ang nabulabog kong buhok. Inayos ko rin ang damit kong suot. Sinuot ko iyon kagabi habang nag-aayos si Sibal ng kama.

“Good morning!” Sibal greeted.

May dala siyang isang tray ng breakfast. Nilapag niya iyon sa lamesa malapit sa aking veranda bago niya ako nilapitan. He’s wearing his uniform now, mark that he’s on duty.

Hinagkan niya ang aking noo at tumabi siya sa aking kama. Uminit agad ang pisngi ko. Nanulis din ang aking labi.

“You got up while I’m sleeping?” tanong ko.
Umiling siya. “Gumising ako ng alas tres…”
“You are working when you’re beside me…” ayaw ko mang masyadong maglambing ay hindi iyon makatakas sa boses ko.

He smirked. I can’t help but be stunned with his features. Ang guwapo naman nito!

“Ginagawa mong alibi ang trabaho ko, huh? Miss President, maaga pa tayo ngayon, hindi ba? Ngayon ang dating ng mga kaibigan mo?”

Halos mapatalon ako sa sinabi niya. Muntik ko nang makalimutan na ngayon nga pala ang dating ni Cissy, Brenna, at Bronson. Kailangan ko nang kumain!

Parang alam niya ang iniisip ko. He placed the tray on my lap.

“Ikaw? Kumain ka na ba?” tanong ko.
“Tapos na sa kitchen. Kumain ka na…” aniya.

Mabilis kong nilantakan ang pagkain. Mashed potato, beef steak, sweet corn, and vegetable ang naroon. Pati ang creme brulee ay inubos ko. Wala sa sarili kong sinimot ang mashed potato nang napansin ko ang paninitig niya sa akin.

“What?”

My cheeks heated.

“Busog ka na?” pabiro niyang sinabi.

Mas lalong uminit ang pisngi ko sa pagkahiya! Syempre, busog na ako! Anong akala niya sa akin, gutom na gutom?

Sumulyap siya sa pinggan ko. Agad kong binigay sa kanya ang tray. He sported an amused grin.

“Syempre! Ba’t ako ‘di mabubusog, Sibal?” pagalit kong sinabi.

Tumawa siya at tinabi ang tray pagkatapos ay umupong muli sa kama ko. I have completely forgotten about this side of him. I’m not sure if I hated it or I loved it!

“Nakakagutom pala…” makahulogan niyang pinabitin iyon.
“Hmp! Syempre, ilang oras akong natulog kaya gutom ako! Kung ayaw mong tumaba ako kaya ka nagbibigay ng komentong ganyan, umalis ka na nga lang diyan!”

tinulak ko siya para makaahon na ako sa kama. Natatawa niya akong pinagbigyan.

“I’m just kidding…”

Maagap niyang hinawakan ang aking siko para mabalik ako sa kama. Iniwas ko iyon pero walang bahid na galit. Pagtatampo lang ang mayroon. At mga pag-iisip na dahil may nangyari na sa amin, mas lalo tuloy akong na conscious sa kanya.

“Maliligo lang ako…” sabi ko ngunit hindi ako makawala.

Bumagsak ako sa kanyang bisig. Napaupo ako sa kanyang hita. Nagpumiglas ako ngunit kinulong niya akong mabuti.

“Ano ba, Sibal!” sabi ko sabay kagat sa aking labi.

The heated moments of last night flashed on my mind. I remember how he whispered to my ears. I remember how his kisses felt.

Nilagay niya ang kanyang ilong sa aking tainga. Ayaw ko ng ganito. Lalo na’t bagong gising ako. Baka mamaya ay mabaho pa ako!

“Simula ngayon hanggang dito na lang muna tayo, Snow. Hindi na tayo muli lalagpas sa linya…” aniya.

Natigil ako sa pagpupumiglas dahil sa kanyang sinabi. May isang matulis na sundot sa aking puso dahil sa sinabi niya. Nilingon ko siya at sinimangutan.

“Bakit? I did not pleasure you properly last night?”
He sighed heavily. “Hindi iyan, please…”
“Then why do you sound so guilty, huh? Hindi mo ba nagustuhan?”
“Of course, guilty ako. Naging mapusok ako at pinagbigyan ko ang sarili ko. Dapat kasal na tayo bago iyon…”

Nanlaki ang mga mata ko. The thought of marrying Sibal made me high. Is that really possible?

Bumagsak ang balikat ko nang libo libong problema ang sumagi sa isip ko. Ano kayang iisipin ni Papa? O ni Tita Marem? Aside from that, we’re young to get married. Isa pa, ano iyong sinabi ni Sibal na pinatanggal si Tito Achilles dahil kay Tita Marem?

Tito Achilles is part of the Phillipine Navy? I can’t take it all in.

Kasal. Parang kay labo. Parang pangakong hindi matutupad. But she’s hopeful, though. Because above all, what she really want right now is to just be with Sibal.

“Hmmm. Ganoon ba talaga ang gusto mo?” tanong ko.
Tumango siya, determinado.
“Let’s try that, then…” panunukso ko sa kanya.

Pumikit siya. He licked his lower lip as a wriggled in his arms. Pinakawalan niya agad ako.

“Maligo ka na!” pagalit niyang sinabi.

Humagalpak ako sa tawa. Kinuha niya ang tray, an excuse to go out of my room. Sinundot sundot ko pa siya bago siya makalabas doon. Natatawa ako nang pumasok sa shower.

Although I may sound brave. Sa totoo lang ay natatakot akong may mangyari muli sa amin. Last night was damn painful. Nalagpasan ko lang iyon because I want so bad to pleasure him… and of course my bottled feelings.

Pagkatapos kong magbihis ay tinawagan na ako ni Sibal sa room. He informed me that my friends are already at the lobby. Bigla akong nahiya dahil dapat ako ang sumasalubong sa kanila roon.

Bumaba na agad ako para ma meet ang aking mga kaibigan.

True enough, the three of them were sitting on our sofas. Si Cissy ay nakatingin sa kay Sibal na nakatayo sa gilid nila. Si Brenna ay nasa cellphone niya at si Bronson naman ay naka headset.

May sinabi si Sibal sa kay Cissy na dahilan kung bakit napatingin ang kaibigan ko sa akin. Kumaway agad ako, malapad ang ngiti.

Nang namataan ako ni Brenna ay sinugod niya ako at agad na niyakap. Sumunod din si Cissy sa kanya. Binaba ni Bronson ang kanyang headset. His red lips pouted.

“Bron…” ngumiti ako at binigyan siya ng maikling yakap.

Taas baba na ang kilay ni Brenna sa akin. Alam ko ang ibig niyang sabihin. I’m trying so hard not to look at Sibal kahit na nanunulis na ang labi niya kakanguso sa banda roon.

“Kanina pa ‘tong si Cissy na titig sa kanya…”

I turned to Cissy. She flushed. Her pale cheeks turned red. Gusto ko siyang pagsabihan but I stopped myself. This is not the time to claim what’s mine, of course. Mangha lang ang mga ito dahil sa gwapo ba naman ng bellboy ko.

Umiling na lamang ako. Inikot ikot ni Cissy ng kanyang mahabang buhok habang nagpapacute. Panay naman ang tawa ni Brenna sa ginagawa ng aming kaibigan. You all need to go to your room now. Kung alam ko lang na ganito talaga ka grabe ang impact niya ay hindi ko na siya pinag extend. Puyat pa naman iyan.

“Anyway, I’m gonna escort you to your room…” sabi ko.
“Are you staying here? Hindi ka sa mansyon ninyo?” tanong ni Bronson.
Umiling ako. “Hindi. Dito ang trabaho ko kaya dito ako nags-stay.”

Malamig na tumango si Bronson. I’m used to him. He’s usually like that.

“Sibal…” tawag ko.

Tumango agad siya. Ang mukha ng dalawang kaibigan ko ay sindak parin habang pinapanood si Sibal na inaayos ang gamit nila sa cart. Kulang na lang ay tumulong si Cissy sa pagtutulak noon.

Ako na lang ang pumindot ng elevator. Siniko siko ako ng dalawa habang nasa elevator kami. Naiirita na ako pero para matigil sila ay ginawa ko ang matagl na nilang asam.

“Sibal, these are my friends, by the way. Si Cissy, Brenna, at Bronson… Friends, this is Sibal…”
“Hi!” maagap na naglahad ng kamay si Cissy.
“Hello, Miss…” bati ni Sibal.

Nagpahid pa ng kamay si Brenna sa kanyang damit bago rin siya naglahad ng kamay. Bronson eyed them coldly…

“Bron…” siniko siya ni Brenna. “Si Bronson nga pala, pinsan ko, ex ni Snow…” Bahaw ang tawa niya.

Sumulyap si Sibal kay Bronson, pagkatapos sa akin. Nagtaas lamang ako ng kilay. Then the elevator door opened. Nauna kaming lumabas. Niyuyugyog na ako ng dalawa habang naglalakad kami.

I’m not sure if I should tell him to shut up because he’s mine or what. I don’t want Tita Marem to know about it. Pakiramdam ko ay malalaman niya kapag nalaman nila.

“He looks familiar. Like I’ve seen him. Or seen someone who looks like him…” bulong ni Brenna.
“May nakita akong Casa Riego bago napadpad dito… Kanila ba iyon?” tanong naman ni Cissy.

I cannot believe they know his surname.

“No… Maraming Riego rito. He’s a son of a fisherman, Ciss…” sabi ko.
“Talaga? He looks…”

Natigil sila nang nalapit si Sibal sa amin. I opened their room. Gusto nilang nasa isang room lang sila kaya isang Deluxe suite ang kinuha ko para sa kanila. One big bed and one single bed para magkasya sila.

Kinuha ni Sibal ang mga gamit galing sa cart para ipasok sa room. Imbes na tingnan ng mga kaibigan ko ang veranda ay mas nagawa pa nilang tumulong sa paglalatag niya ng mga gamit.

Seriously?

“Mag bi-breakfast kayo ngayon sa West Coast Restaurant. Pagkatapos ay mag a-island hopping tayo!” medyo pagalit kong sinabi.

Tumango tango ang dalawa habang inaangat ang isang malaking bag. Seriously?

“Ako na, Miss…” Sibal said.
“Hindi na… Hindi na…” ani Cissy, tinatablan ng lecheng charm.

Pagkatapos doon ay pumunta na nga kami sa West Coast. Kumain lamang ako ng fresh fruits para naman makasabay sa kanilang kumain. Si Sibal ay nakatingin sa kawalan habang nasa tabi ko at nakatayo. Ngunit ang dalawa kong kaibigan ay tila nawawala sa sariling kakatingala sa kanya. Hindi matusok tusok ni Brenna ang kanyang bacon habang pinagmamasdan ang lalaki sa tabi ko.

Napangalahatian ko ang aking tubig. Bronson looked at me. He’s trying to start a conversation.

“How have you been?” he asked.

But I’m too worried. Now, I’m not sure kung kay Sibal ako worried o sa dalawang kaibigan kong tila nagayuma.

“Sibal, umuwi ka muna sa inyo at magbihis. Dalhin mo isa sa mga Salmo ninyo at si Jack. Pagkatapos naming kumain ay tutulak na tayo…” sabi ko.
“Miss President, hindi ba ang bangka ninyo ang dadalhin natin?” he dared ask.
“No… Iyong inyo na lang. Busy ang mga bangka namin dahil weekend…”
“Sure…” he said and then walked away.

Para silang naibalik sa kanilang mga wisyo pagkawala ni Sibal. Now, I’m thankful he’s gone.

“I’m fine, Bronson…” ‘tsaka ko pa lang nasagot.
“More than fine, actually. Ganoon ba naman ka gwapo iyong bellboy mo?” ani Brenna.

Sinundan ng tingin ni Bronson si Sibal na paalis. Kumunot ang kanyang noo at tumingin sa akin.

“What about Stav?” tanong ni Bronson.
Ngumiti lamang ako. “Bron, you know what’s up between me and Stav.”
“So are you confirming that there’s something going on between you and your bellboy, Snow?” halos tumaas ang boses ni Bronson.
“Bronson!” saway ko.

Gumala ang mga mata niya sa paligid. Maputi si Bronson. Mana sa kanyang ina na sobrang puti rin. Mapupula ang kanyang labi. Kung magtatabi kami ay para kaming magkapatid. Ka age ko lang din siya at maraming babae na ang naka date nito. He’s my first boyfriend. We grew up together, too. So I understand that his concern for me is like that of a brother.

“There is, Snow?” maliit ang boses ngunit mariin ang pagkakasabi.

Hindi ako makasagot ng diretso. Lalo na’t nakatinging mabuti si Cissy at Brenna sa akin.

“Snow, hindi mo yata napapansin ang agwat ng pamumuhay mo sa kanya?”
Now don’t start with me, Bronson. I hate that part.
“You are… the heiress of this resort. Your father is a multi millionaire. How sure are you that he’s not using you for money?”
“We’re not married,” sabay inom ko ng tubig.

Nasapo ni Bronson ang kanyang noo.

“Understandable, Bron. The man is hot. Probably the hottest male I’ve ever seen my whole life. Take that from a rising star, huh?” sabay tawa ni Brenna.
“Si Gustav, kung ganoon, Bren?” biro naman ni Cissy.

Brenna likes Stav. Bago ko pa nakilala ang isang iyon ay kilala na siya ni Brenna. She used to tell me stories about him and how “kilig” she is. Pero nang nalaman niyang pinagkakasundo kami ay tumigil na siya sa pagkukwento.

Matalim na tiningnan ni Brenna si Cissy pagkatapos ay tumuwid muli sa pagkakaupo.

“Are you saying that you like him for his looks, Snow? I can’t believe you’re stooping this low!” ani Bronson.

I didn’t know that liking someone with a different status from us means stooping low. Medyo na offend ako sa sinabi ni Bronson.

“I’ve seen better faces, Bron. Believe me…” sabi ko sabay iling.

Bumuntong hininga lamang si Bronson, hindi makapaniwala sa nalalaman sa akin.

Ayaw ko mang sabihin sa kanila, I guess there’s just no choice now. Sinabi ko lang sa kanila na huwag na munang ipagkalat dahil wala namang namamagitan sa amin. Sinadya ko iyon dahil alam kong makakarating talaga kay Tita Marem ang lahat ng ito kung sakali.

Muling namangha ang dalawa nang nakita muli si Sibal. This time, he’s wearing his black swimming shorts and a matching black sando. Dala niya pa si Jack na mas lalo pang nagpasindak sa dalawa.

“Dahil taken na ni Snow si Sibal, si Jack na lang ang pag-agawan natin!” sabi ni Brenna.

And Jack really knows how to play the game. He even brought a pentel para raw mapirmahan ni Brenna ang kanyang abs dahil “fan” daw siya nito. Di nga? He’s fucking kidding me.

The amusement on his face as he let Brenna sign his abs made it clear. He doesn’t even know her. Siguro ay nasabi lang ni Sibal!

Natatawa si Sibal sa kanyang kapatid. Nagtaas ako ng kilay nang nahuli niyang nakatingin ako sa kanya.

“For sure, gusto mo rin…” tukso ko.

Inaayos niya ang lubid at umuuga na ang bangka.

“Am I allowed, Miss President?” natatawa niyang sibai.

Aba’t nagawa pang magbiro? Are you allowed? Of course you are, Sibal. Sige’t magpaka fan ka rin!

Para akong nag-aapoy sa iritasyon dahil sa sinabi niya. Nakaupo ako roon habang nagbabaga nang dumaan siya sa aming harap. Kinalabit niya ang pisngi ko bilang tanda na alam niya ang reaksyon ko.

Matalim ko siyang sinundan ng tingin habang tinutulak ang bangka gamit ang kawayan.

“Jack, tulungan mo nga ang kuya mo!” sabi ko agad para naman may kaakibat si Sibal. Masyado nang nalilibang itong si Jack, e.
“KJ mo, Snow!” reklamo ni Cissy.

Umupo si Bronson sa tabi ko. He eyed me curiously. Nagtaas noo lang akong tumingin sa dagat habang umaandar ang makina.

“I never really thought it’s possible for you to…” he trailed off.
“To what?” taas noo ko paring baling sa kanya.
“Ang akala ko kahit ako’y masyadong mababa para sa’yo, Snow. A man with nothing but wealth seem to be so low to you… I thought Stav’s your better choice because he’s to inherit a business. You find him responsible. Now… you’re… I always thought you’d fall for someone better.”

Hindi ko mapigilan ang pagkakainsulto sa sinabi ni Bronson. Ibig niya bang sabihin ay masyadong mababa si Sibal para sa akin?

I understand his sentiments but I don’t view Sibal that way. I think he’s responsible. May trabaho siya para sa kanyang sarili at para sa kanyang pamilya. He can stand on his own. He knows how to fish. Sanay siya sa trabahong mahihirap. Kaya bakit siya ikukumpara sa mga mayayaman na hindi na kailangan pang maghirap ng ganoon?

I then realize how society works and it’s sad. Being responsible with no money means nothing. Being responsible with wealth is everything. Hindi ba’t sa kahirapan mo malalaman ang tunay na kulay ng isang tao? Hindi ba’t kapag nahihirapan nasusubukan ang abilidad ng isang tao? Kung ganoon bakit sadyang minamaliit ang mga nagsisikap kahit mahirap?

“I fell for someone better, Bron…” iyon lamang ang nasabi ko.

Pumunta kami sa rock formation. Mabuti na lang at sinama namin si Jack at siya na ang tumulong sa mga girls. Sibal is for personal use only.

Ilang pictures ang nagawa namin doon.

Gusto pang lumangoy nina Bronson at Brenna kaya nanatili muna kami roon dahil maraming coral reefs doon. Protected area ang seascape kaya mas maraming makikita. Kung nalaman ko lang na willing silang mag Scuba diving ay pinahiram ko na sila ng mga gamit. Ngunit dahil hindi prepared ay nag snorkel na lang sila.

Syempre, sumali ako sa kanila. Aasarin kasi akong KJ kung hindi.

Lumangoy rin si Jack at Sibal. Si Jack iyong may hawak ng lubid para hindi gaanong lumayo ang tatlo. Hindi ko naman kailangan ng lubid dahil syempre…

Iyong goggles lang ang dala ko pagsisid. Sumisid din si Sibal ng walang gamit na kahit ano. Kung sa bagay ay sanay na sanay siya sa dagat.

May itinuro siyang malaking korales sa akin sa ilalim ng dagat. Ngumiti ako at nilapitan iyon. I can’t hold my breath longer than a minute so right after that, umahon muna ako para kumuha ng hangin.

Tanaw ko sina Jack ‘di kalayuan. Nagtatawanan pa nga sila habang tinitingnan ang ilalim. Si Sibal naman ay hindi pa umaahon. How long can he hold his breath, I wonder.

Nang medyo nagkahangin muli ay sumisid muli ako at nakita kong naroon parin si Sibal sa korales. Tinitingnan niyang mabuti ang mga kulay blue na isda na nagtatago sa mga halamang dagat. I can see the bubbles from his nose and mouth rising. I’m sure kukuha na siya ng hangin.

Pinagmasdan kong muli iyong korales at nilipat ang mata sa isa pa. Ang yaman talaga ng tubig dito. I can only imagine the view from a deeper ocean near here.

Muli ay kinapos ako sa hininga. Nakita kong medyo lumayo na si Sibal sa paglangoy. Umahon ako para huminga ng malalim.

“Sibal!” sigaw ko.

What the hell is he thinking?

Sumisid muli ako para hanapin siya. He needs to surface immediately!

Nakita kong wala na siya roon. Lumangoy ako sa kung saan ko siya huling nakita at kahit saan man ako tumingin ay wala siya. Nagpapanic na ako dahilan kung bakit halos mawalan ako ng hininga. I surfaced again. He’s not there!

“Jack!” sigaw ko at lumangoy sa pinakamalapit na batuhan.
“Snow?” sigaw naman iyon ni Bronson.

Tiningnan ko ang dagat. Walang bakas ng aahon na Sibal. What the fuck?

“Jack!” sigaw ko muli. “Na wawala si Sibal!”

Hindi na ako nakapag antay. Muli akong bumagsak sa tubig. I removed my goggles and tried to see with my bare eyes. Agad na humapdi iyon. Wala parin akong makita!

Mabilis na ang pintig ng puso ko nang may biglang mainit na kamay ang humawak sa aking tiyan. Umahon ako at nakita si Sibal na umahon din kasama ko.

“What the hell, Sibal!” sigaw ko sabay tulak sa kanya.

I am very furious. The thought of him gone while we are swimming terrified me! Mabilis akong lumangoy pabalik sa batuhan.

“Miss President…” he called, natatawa pa.

Damn him! Tinakot niya ako roon. Pakiramdam ko’y mahihimatay ako sa pag-aalala. Hindi na nga ako makahinga, kinakabahan pa ako!

Hinawakan niya ang binti ko habang umaakyat ako sa bato. Mabilis kong iniwas ang aking paa sa kanya. Umupo ako sa isang bato, medyo natutulala pa sa nangyari.

Umakyat din siya roon para matabihan ako ngunit umiwas ako sa kanya.

“Snow…” he called again.

Sinubukan niyang kunin ang tingin ko pero iniiwas ko iyon sa kanya. Umiirap ako sa bawat iwas.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at agad ko iyong binawi sa kanyang kamay.

“Nakakainis ka!” sigaw ko sa kanya.

Tinaas niya ang kanyang kamay, natatawa. Now I can’t believe he’s still amused. It’s annoying.

“Bakit? Lumangoy lang ako roon sa mas malalim,” paliwanag niya.
“I don’t care! Hindi ka pa umaahon! Akala ko may nangyari na sa’yo! Nakakainis ka!” nanginig ang boses ko. Hindi iyon dahil sa lamig.
“Sorry…” nangingiti parin siya at pinalupot ang kanyang braso sa aking baywang.

Instantly, the heat I felt awakened desires discovered just last night. I can’t believe myself.

Umiwas ako sa kanya. Muli ay tinungo ko ang kabilang parte ng rock formation. Sumunod siya sa akin. Kinakalabit niya ang aking binti hanggang sa umangat ang haplos niya sa aking hita.

“Sibal!” sigaw ko sabay tigil at upong muli sa isa pang bato.

Tumabi agad siya at ikinulong niya ako sa kanyang braso. Inilag ko ang sarili ko sa kanya.

“I’m sorry, Miss President…” he whispered and buried his face on my neck.

Sisigaw pa sana ako sa iritasyon ngunit ang tanging nangyari ay ang pagtulo ng luha galing sa aking mga mata. Umangat ang ulo niya habang marahas kong pinapalis ang mga luha. He parted my wet hair for him to see my face better.

“Nakakainis ka!” sabi ko.

Hinaplos niya ang aking mukha. He gently swiped my quivering lower lip. His hot thumb made my desire burn more. Pero mas nanaig ang emosyong nagpakaba sa akin.

“I’m sorry, Snow… I just want to explore…” he said guiltily.
“Next time, magpaalam ka bago ka umalis ng ganoon!” iritado kong sinabi.
“Paano ako magpapaalam, ‘di tayo nakakapag-usap sa ilalim ng tubig…” humalakhak siya habang nilalagay ang takas na buhok sa likod ng aking tainga.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Kinalabit niya ang aking ilong.

“Bata mo parin talaga…” Umiling siya bago ako dinampian ng mapanuksong halik.

Unti unting kumalma ang pakiramdam ko sa bawat pagdampi ng kanyang labi sa akin.

“I’m sorry… Hindi na mauulit… I’m sorry…” bulong bulong niya habang pinapaulanan ako ng halik.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.