Scorching Love – Kabanata 2

June 9, 2016 By In Scorching Love 1 Comment

Kabanata 2
Mangingisda

“You’re in the Philippines but you failed to visit us? Really, Snow?” boses ng kababata kong si Brenna ang nasa kabilang linya.

Unang umaga ko rito sa Costa Leona at ito agad ang bumungad sa akin. She had been trying to call mo for the past few days para lamang sumbatan ako nito. Ngayon lang ata siya nakahanap ng numero ko.

“I was busy, Brenna. Umuwi ako rito sa isla dahil nagkasakit si Papa. Ngayon, ako ang mamahala sa buong resort dahil nagpapagaling pa siya…” I explained.

Maaga akong nagising kanina para pumasok sa aking opisina. Papa’s office is clean. Ang desk lamang ang medyo magulo sa mga papeles. May mga budget na kailangan ipaapprove, increase ng sweldo, at dagdag tao.

Inisip ko noong una na dapat ko munang tingnan ang buong resort ngunit pagkapasok ko rito ay isang tawag agad ang natanggap ko sa telepono ni Papa. Ni loudspeaker ko na lang dahil abala ako sa pagtatrapo ng alikabok sa aking lamesa.

“Hindi ba ay luluwas ang Papa mo? Hindi ka sasama, kung ganoon?”
“Hindi. Dito nga lang ako, pansamantala.”
“What about us, then? Your friends? Hindi ka man lang ba bibisita? You have your managers to look into your hotel, Snow.”
“Hindi ganoon kadali iyon. And besides, hindi ba busy ka sa mga tapings mo?”

Isa siyang rising teenage star ngayon. Simula palang noon ay ganyan na ang hobby ng mga kaibigan ko. Iyon din yata ang gusto ng kanilang mga magulang. Tita Marem offered me to do that, too, but I refused.

“Ang sinabi ni Bron, umalis siya ng U.S. noong nalaman niya na pinagbigyan mo raw iyong si Ram. Nag-away raw kayo?”

Bronson was my first boyfriend. I was thirteen years old when we first entered a relationship. Syempre, immature pa lang ang lahat ng iyon. I was also very disturbed because of our family problem so I was leaning more to my friends than my parents.

Biglang may kumatok sa opisina. Nilingon ko ang pintuan. Sasabihin ko na sana na maari siyang pumasok ngunit hindi na nahintay ng nasa labas. Binuksan niya na iyon.

Sumungaw ang ulo ni Sibal galing sa labas. He smiled devilshly then opened the door widely.

“Brenna, I have no time for the drama right now. Tell him. I’m busy with what I’m doing here…”

Tumikhim si Sibal at pumasok na sa loob. Sa labas ay nakita ko ang cart na may lamang cleaning materials. May dala siyang panlinis ng salamin at lumapit agad siya sa malaking salamin sa aking gilid, facing the pool side of the resort.

“Fine, I’ll tell him. Can we go there, by the way? If my schedule clears, they want to go there. Alam mo na, publicity na rin sa inyong hotel.”
“Fine. Just a free room, okay? For three days…” sabi ko.
“Yes!” ani Brenna. “Iyon ay kung maayos ang schedule ko. Ano? Sabi ni Tita Marem, hindi ka raw mag-aaral? Wala bang college riyan? Para na rin makapag-aral ka na lang kahit paano?”
“Wow! You sound like Papa, Brenna. I’ll look into that. Anyway, it’s still summer.”

Habang nag-uusap kami ay narinig kong may iba pang tumatawag. I need to cut the call to answer whoever’s calling. It might be important kung talagang dinirekta sa akin ang tawag.

“Brenna! Can I call you again later? Someone’s calling…”
“Sus! Do you already have a phone? Kung wala pa ay bumili ka na.”
“Yes, yes. Please, I need to go. This might be important…” sabi ko.
“Fine. Bye…”

Pinatay ko agad ang tawag para sagutin ang susunod. Sumulyap ako kay Sibal na ngayon ay naglilinis ng bintana. Well, if he’s going to be my personal housekeeper, he needs to know my terms.

“Snow…” si Papa iyon.
“Pa… O, kumusta? Nakakuha na ba kayo ng ticket pa Manila?”
“Yes, Kael and I will be leaving to Manila this coming Friday. How’s your first night?”
“Fine, Papa. Nakatulog ako ng mahimbing dahil sa pagod.”
“Your Tita Marem called and insisted that you should somehow enrol yourself in a near school. Gusto kitang bigyan ng pagkakataong mag-isip tungkol riyan. I know the task I’m giving you is already heavy but I can’t deprive you of education if you want to…”

May punto si Tita Marem sa gusto niyang mangyari. Siguro naman ay hindi ako masyadong magiging busy kung hindi ko i full load ang aking aaralin, hindi ba?

“I want to go to school, Papa. Syempre, po. I’ll look into that.”
“Your Tita Marem said you need to decide now so she can contact a friend of hers in the North Western Colleges, Snow…”

Sumulyap si Sibal sa akin. Kumunot ang noo ko kaya bumalik siya sa paglilinis ng bintana.

“Okay. I’ll call her later, Papa. Gusto ko po ang ideya niya. It wouldn’t hurt, right? Kahit twenty units lang ang kunin ko para hindi maubos ang oras ko sa pag-aaral.”
“Sige, anak. Kael wants to talk to you, too, but he’s still asleep right now. I’ll call later para makapag-usap kayo.”
“Sige po, Papa.”
“Bye, Snow. Be good there…”
Napangiti ako at tumango na lang. “Bye…”

Pinutol ko agad ang tawag at bumaling na kay Sibal na ngayon ay sinubukan ulit na sumulyap sa akin.

“Pinalitan ko ang tuwalya ng kwarto mo, Miss President.”

Nagtiim bagang ako. He went into my room? Hindi naman sa wala akong tiwala ngunit ayaw ko lang talagang may nakekealam sa mga gamit ko ng ‘di ko namamalayan.

“Why did you do that? Ayos pa ang tuwalya ko roon.”

Now that I think about it, I should buy my own towel, right?

Tumigil siya sa paglilinis at hinarap ako. His broad shoulders blocked the sunlight from outside. The silhouette of his face can pass for a Calvin Klein model. Oh my God, am I praising him?

Hindi naman sa nangmamaliit ngunit hindi parin talaga ako makapaniwala na nagtatrabaho siya rito bilang bellboy. I thought he’s a guest! Not that I’m saying na walang karapatang maging ganyan ang itsura ng mga nagtatrabaho bilang empleyado namin pero…

“May rule asi kami rito na kapag hindi nilagay sa sabitan ang tuwalya, ibig sabihin ayaw na ng may-ari iyong gamitin muli.”

Napakurap kurap ako. Nakaligtaan ko iyong rule na iyan. Nilagay ko lang kasi iyon sa lamesa. I need to seriously clean my room, too.

“No… Not that. I mean, I’m uncomfortable na pinapasok mo ang room mo na wala ako.”

Umangat ang gilid ng kanyang labi. Tumikhim ako.

“So… gusto n’yong papasok lamang ako kapag nariyan ka?”

Bumagsak ang tingin ko sa mga papeles sa aking lamesa. Bakit ganito ang pinag-uusapan namin? Well, my terms that is. Alin ba ang mas maganda? Pumasok siyang wala ako o pumasok siyang naroon ako? But I already told him that I don’t want him messing around my stuff while I’m not around my room so kailangan ko iyong panindigan.

“Oo. I’m more comfortable that way…” sabi ko sa isang matapang na tono.
“Noted, Miss President…” aniya.
“Siya nga pala…”

Umupo ako sa aking swivel chair at pinanatili na lang ang mga mata sa laptop. Sa gilid ay nakikita kong nagsisimula ulit siyang maglinis ng bintana.

“Alam mo ba kung saan patungo ang North Western Colleges?” tanong ko.
“Doon ako nag-aaral,” aniya.

Nag-aaral siya? He looks mature. Parang tapos na sa pag-aaral.

“Gusto mo bang mag enrol doon? Pwede kitang samahan. Ang kapatid ko’y mag eenrol din doon. Anong year ka na ba, Miss President?”
Tumikhim akong muli. “First year…”

Natigilan siya at tinitigan ako. I tried to look at him back but I just couldn’t last long. Bumaling muli ako sa laptop kahit na puro scroll down lang ng emails ni Papa ang ginagawa ko.

“Pareho kayo ng kapatid ko, kung ganoon…”
“Babae o lalaki?”
“Lalaki…”

What? There’s another one like him, then?

“Baka magkaclassmates kayo sa minor subjects kung sakaling tumuloy ka sa pag-eenrol. Anong kukunin mong kurso?”
“Business…” malamig kong sinabi.

Ano kayang kurso niya? Hindi ko na tinanong. It’s enough that we are having this conversation. I don’t need to look deeper.

“Pasensya na nga pala sa nangyari sa atin kahapon…”

Kinailangan ko ulit siyang tingnan. Para akong napapaso tuwing nagkakatitigan kami. Awkward. At the same time, naiirita ako sa sarili ko. What the hell, Snow? He’s your employee, for Pete’s sake!

“I really hate perverts.” I said casually.

Kahit na hindi naman ako lubusang inosente sa bagay na iyan. I have been into relationships. My lips isn’t virgin anymore. I’ve known bases, too. Ngunit hindi parin ako sang ayon sa ginawa niya kahit tingin lamang iyon.

“Kaya nga ako nagmamagandang loob ngayon…”

So he’s not denying that he’s a pervert?

“Hindi maganda iyan para sa guests. Paano kung guest ako? Anong sasabihin niya sa mga empleyado rito?”
“Masyado rin kasi talagang maiksi ang damit mo. Para hindi ka masilipan, mag maong ka na lang. O ‘di kaya’y paldang mahaba…”

Matalim ko siyang tinapunan ng tingin. He smiled devilishly. Who are you to suggest things like that? Papapel din ang isang ito, ha!

“Are you saying that it’s my fault? Hindi ibig sabihin na dahil maiksi ang damit ko ay may karapatan ka nang sumilip.”
Umiling agad siya. “Hindi iyon ang punto ko, Miss President. Ang punto ko ay kung hindi maiksi iyong naging damit mo, pagkayuko mo noon ay hindi ko makikita ang panty mo.”
“Are you going to clean the whole office or just the windows?” mariin kong tanong. I want to end our nonsense conversation right away.
“Kung ano ang gusto mo, iyon ang masusunod, Miss President.”
“I can clean the desk. The sofa doesn’t need the cleaning. The floor, too. Kaya ayos na iyang windows. You can go now…”

Tumango si Sibal at dumaan sa harapan ko para makaalis na sa buong kwarto. Umiling na lamang ako. Even though he’s seriously attractive, I’m not attracted at all.

My exes were attractive. Well, they dress good and they are into business. So I’m not really amazed by a bellboy who’s rate is five above in terms of face and body.

“Hindi ka pa nagbibreakfast. Gusto mo bang kumain sa restaurant o dadalhin ko rito?” tanong niya.
“Sa restaurant na. Papasyal ako sa buong resort ngayon. Thanks sa offer…” sabi ko ng nakatingin sa laptop.
“Sige, Miss President. Magandang umaga.”

Sinarado ni Sibal ang pintuan at natahimik na ang buong room. Ilang saglit kong inisip ang buong usapan bago pinilig ang ulo ko. I need to stop thinking about that.

I called Tita Marem to tell her that I want her offer. She was delighted. Tinawagan niya agad ang may-ari ng North Western Colleges para iinform na hahabol ako sa entrance examinations.

Ipapadala ko raw ang mga papeles ko roon at pupwede na akong mag enrol sa Business Management course. I need to inform my bodyguards about it kaya pinatawag ko sila sa opisina ko.

Dalawa ang dala ko. Napagtanto kong hindi ko pwedeng gamitin sila buong araw dahil syempre, kailangan din nila ng pahinga.

“Tatlong shift din po, kung gusto n’yo. Sa hapon at gabi…” suggested by Kuya Lando.
“Kaya lang dalawa lang kayo…” sabi ko.

Pumasok sa isip ko si Sibal. I don’t know what his shift here in the hotel but I think it’s morning. So pupwedeng isa sa hapon, isa sa gabi, at si Sibal sa umaga, hindi ba?

“Hapon at gabi lang kayo. I’ll deal with who’s going to be in the morning shift…” I said.

They both agreed. Pagkatapos noon ay nagpasya na akong bumaba para kumain. Nagulat ako nang pagdating ko sa restaurant ay sobrang daming tao. Buffet ang istilo ng pagkain namin at meron halos lahat ng cuisine. Ngunit hindi ko inasahan na ganito ang dadatnan ko ngayon.

“Malapit na po kasi ang pista ng baryo kaya medyo marami ang guests natin…” sabi ni Mrs. Agdipa sa akin.
Tumango ako. “Kaya pala… Sige. Hindi na ako makikisali sa breakfast ng hindi na maabala ang mga waiter.”
“No, Miss President. Kapag breakfast kasi, dito sa West Coast restaurant kakain at kapag dinner naman ay sa Seaside. Ibig sabihin, walang tao sa Seaside ngayon. Naroon na po ang personal ninyong waiter na si Sibal. Naghihintay na kanina kaya roon ka na lang kumain.”
“Oh! Okay then, Mrs. Agdipa. Thank you very much…”

Ngumiti ako at tinalikuran na ang naunang restaurant. Ibig sabihin, mamayang gabi ay sa Seaside naman ang maraming tao at sa West Coast naman ako kakain.

Pagkapasok ko ng West Coast ay namangha ako sa glass walls na nakapaligid. Kitang kita ang kagandahan ng dagat ng Costa Leona. Sa malayo ay kita mo rin ang rock formations at iilang isla. I suddenly want to stroll. But I’m not here for a vacation, though.

Napatingin ako sa natatanging lamesa na may nakatayong waiter. Nagsasalin ng tubig si Sibal sa aking baso. Lumapit agad ako roon at nagseryoso.

“Salamat…” sabi ko at sumimsim na sa tubig.

Tiningnan ko ang sobrang daming ulam sa aking harap.

“Next time, I’m fine with bread, sausage, and fruits. I don’t need all of these…”
Tumango si Sibal. “Sige, Miss President. Next time. Maiwan na muna kita para makakain ka…”

Hindi na ako nagsalita. Pagtalikod niya ay pinagmasdan ko siyang palayo sa akin. Tinusok ko iyong sausage at nilagay sa aking pinggan.

Iilang empleyado ang nakaabang sa bar para sa magiging panauhin at sumama si Sibal sa kanila.

My schedule for today is to stroll around Costa Leona. Sa kahabaan para matingnan ko kung anong klaseng lugar na ito simula noong umalis ako. Pagkatapos ay sa buong resort na. Pagkatapos ng lahat ay titingnan ko ulit ang mga papeles sa opisina at hihingi ako ng suhestiyon kay Papa sa mga mahihirap na issue.

A young foreigner went up to me suddenly. Kumakain pa ako ng sausage kaya binaba ko muna iyon nang ngumiti siya at tinuro ang upuan sa harap ko.

The whole restaurant is big. It can house, probably, a hundred of people. At wala ring tao roon dahil ang lahat ay nasa West Coast para sa buffet breakfast pero pinili ng batang foreigner na umupo sa harap ko.

“May I sit here?” in a british accent.

Ngumiti ako. Of course not! But I want to be polite to a guest.

May tumikhim agad sa aking gilid. Nilingon ko si Sibal at halos ma relieve ako nang nakita ko siya roon.

“Excuse me, Sir. Table for one? We have them here, too…” turo niya sa ilang lamesa.

Nanliit ang mata ko. Nagulat ako sa saktong ingles niya. Well, hindi ko siya minamaliit pero…

“Oh! Am I not allowed to sit with a beautiful lady?” the foreigner asked.
“No, sir. I’m sorry,” may diin sa sinabi ni Sibal. “Our waitress will guide you to your table…”

Tinuro ni Sibal ang isang waitress na lumapit sa foreigner.

“Oh! Okay…” Ngumiti ang foreigner sa akin.

I awkwardly smiled back at him bago siya umalis. Nanatili si Sibal sa aking gilid habang pinapaupo iyong lalaki malayo sa akin.

“Dalawang linggo na iyong guest na iyon dito, Miss President. Iba-ibang babae ang dinidiskartihan niya. Sorry kung inistorbo ko kayo…” ani Sibal.
“Walang anuman. Salamat. I’m not comfortable with it so I’m relieved. The next time, remove the chair in front of me when I’m eating alone…”
“Sure, Miss President…” malamig na sinabi ni Sibal at lumayo muli sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Binigyan ng menu iyong foreigner at habang nagbabasa siya ng menu ay sumilip siya sa akin. He winked at me and then he smiled. Binitiwan kong muli ang sausage na kinakagatan ko. Damn it!

May sinulat siya sa tissue at ipinakita niya sa akin. It says “what’s your room number?”

Yuck!

Suminghap ako at tiningnan kung saan nakatayo si Sibal. Nakahalukipkip siya habang seryoso akong tinitingnan. Tinaas ko ang kamay ko at agad siyang lumapit sa akin. Tumuwid ako sa pagkakaupo at uminom ng juice.

“More juice?” he asked.
Umiling ako. “Can you sit in front of me, please. The guest is bothering me…”

Tiningnan niya iyong foreigner na ngayon ay nakatutok na sa menu na parang walang nangyari.

“Okay, Miss President…” aniya sabay upo sa harap ko.

But then he’s wearing a beige uniform our employees have. Of course the guest would know that he’s an employee. So what?

“Hindi ka pala sanay na may pumoporma sa’yo?” tanong ni Sibal.

I did not give him the right to interview me. I just need his presence in front of me! Matalim ko lamang siyang tinitigan bago nagpatuloy sa pagkain.

Naisip ko tuloy kung kumain na ba siya. The kind person inside of me wants to ask but President Snow told me I shouldn’t… Of course, kumain na sila. May trabaho, e!

“Nagkasundo kami ng bodyguards ko na magkaroon ng shift sa kanilang mga oras. Dahil dalawa lamang sila, ikaw ang gagawin kong pangatlo bilang pang umagang shift. Ano ba ang shift mo rito?”
“Umaga.” His face brightened. “Karangalan sa akin iyan, Miss President.”

There goes his evil smile again.

“Okay, then. Papasyal ako ngayon sa kahabaan ng Costa Leona. I want to reach the rock formations to see what kind of beaches they have here. You need to join me…” sabi ko.
“Sige. Walang kaso iyon sa akin. Hindi kalayuan dito ang bahay namin.”
Tinagilid ko ang ulo ko. “Nasa Costa Leona ang bahay n’yo?”

Tinuro niya ang rock formations sa malayo.

“Pagkatapos ng mga batong iyan ay kahabaan ulit ng mapuputing buhangin. Naroon ang bahay namin.”
“Oh? So there’s life after the rock formations?”
He chuckled. “Of course, Miss President. Marami kami roon. Iyang mga bangkang iyan…”

Itinuro niya ang mga nasa laot na bangka.

“Ay galing doon sa amin. Pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga narito sa Costa Leona…”
“Nangingisda ka?” tanong ko.
“Tuwing madaling araw, Miss President.”
Tumikhim ako. Mangingisda rin pala ang isang ito. “And after that you come here to work? Kailan ka nag-aaral, kung ganoon?”
He licked his lips before answering. “Hapon, Miss President. Pagkatapos ng shift ko rito, diretso ako sa North Western. Pagkauwi ko ng bahay, natutulog ako at maagang nagigising para mangisda.”

Marahan akong tumango. It hit me hard… How different lives of people are, huh? Very, very different.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Scorching Love – Kabanata 2