Scorching Love – Kabanata 18

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 18

Kabanata 18
Two time

I wonder if Katarina knows about all of these. Pinaasa kaya siya ni Sibal? O alam niya simula pa lang ang nangyayari?

Para akong baliw kinabukasan ng Lunes. Ang aga kong nagising para maligo at magbihis. Nagdadalawang isip pa ako kung mag yo-yoga ba ako o mag-aantay kay Sibal doon sa kwarto.

Sa huli, syempre nagpatuloy ako sa dati kong ginagawa. Ayaw kong maisip niyang magkakandarapa ako dahil lang sinabi niyang gusto niya rin ako.

Ngunit habang nagyo-yoga ay hindi ako mapakali. Lumilipad ang utak ko sa napakaraming bagay. Almost all of it is concerning him.

Pagkatapos kong mag yoga ay dumiretso ako sa Seaside para kumain. Umupo ako roon para mag antay kay Omar nang bigla kong nakita si Sibal na may hawak na pitsel.

Nagpigil lamang ako ng ngiti. Is he back in serving me now because…

“Milagro… Ikaw na ang nagseserve ngayon…” sabi ko at pinagmasdan ang pagsasalin niya ng tubig sa aking baso.
Ngumisi siya. “Hirap tingnan ni Omar lagi tuwing nakangisi siya sa’yo…”

Napatingin ako kay Omar na nasa counter. Nanonood siya sa amin. He smiled when he saw that I’m looking at him.

Tama si Sibal. Natawa na lamang ako.

“May iba ka pa bang gusto?” tanong niya.
“Hmmm. This is fine…” sabi ko habang pinagmamasdan ang aking pagkain.

I wonder if he’ll give me my snack, too?

Habang kumakain ako ay naiisip ko ang bagong shift niya. Oo nga pala at malapit na iyong pagbabago ng kanilang shift. Am I going to stick to my words or what? Kung ipagpapatuloy ko iyon, ang tanging choice ni Sibal ay ang paglipat niya sa pang gabi. Alas diez hanggang alas sais ng umaga. Hindi siya makakapangisda.

Ngunit kung hindi ko naman itutuloy iyon, kawawa sina Kuya Lando at Kuya Viktor. Nakapagbitiw na ako ng salita.

Si Sibal ang naglapag ng aking snack. Nakapagdesisyon na ako at mabuting siya nga ang naghatid noon para makausap ko siya.

“Sibal…” tawag ko nang paalis na siya.
“Miss President?” he turned to me.
“About sa shift. Hindi ko na siya pwedeng iatras dahil nagkasundo na kami nina Kuya Lando at Kuya Viktor. Pasensya ka na. Ayos lang naman kung hindi ka na lumipat ng shift at maging regular bellboy ka na lang. Magkikita rin naman tayo…” sambit ko.

The last words sound like a whisper. I can’t say it properly. He grinned seductively. Or is it just me? I find him really seductive.

“Kukunin ko ang shift na iyon, Miss President. Hindi bale na kung hindi ako makakapangisda…” sabi niya.
“Pero… mapupuyat ka…”
“Makakatulog ako sa umaga. Pagkatapos ay magkita na lang tayo sa school.”
“Talaga?” nag-aalala kong tanong.
“Yes, Miss President…”

Ayaw kong talikuran niya ang pangingisda. Ngunit kung siya naman ang nagdesisyon na ganoon ang gagawin ay hahayaan ko muna siya. Tutal siguro sa susunod na bago ng shift ay makakapangisda muli siya.

Hinatid niya muli ako sa aming classroom. Nagmamasid na si Jack sa akin pagkadating ko. Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko na lang ang sarili ko. I maintained a straight face.

Kumunot ang noo ni Jack at pagkatapos ay ngumisi. Tila alam kung ano ang nangyayari.

“Alis na ako…” kibot ng labi ni Sibal galing sa labas.

Tumango ako at tipid na ngumiti pagkatapos ay kinawayan siya. Tumango si Sibal at nawala na sa pintuan ng aming classroom.

“May nagbago, ah…” puna ni Jack ‘tsaka tumawa.
Inirapan ko siya at nilatag na ang mga kakailanganin para sa subject.
“Anong sinabi sa’yo ni Kuya? Broken hearted si Katarina simula pa noong Biyernes. Kahapon ko lang nalaman…” he inquired.
“Jack, hindi ko alam. Bakit ‘di mo tanungin ang kapatid mo?”

Maging ako’y nalalabuan sa dalawa kahit na sinabi na ni Sibal sa akin ang totoo. He used Katarina to reject me. But did she hope for him? Jack said she’s Sibal’s ideal girl.

“Baka lang may hindi siya sinasabi sa akin…” wika ni Jack.
“Bakit? Anong sinabi ni Sibal sa’yo?” natigilan ako roon.
“Ayaw kong sabihin. Mamaya masapak ako noon kapag ‘di pa niya ito nasasabi sa’yo…”

Right. His loyalty will always be with his brother. Until now, I am not sure if I can trust him. He never betrayed me but it’s his nature as a playboy… I couldn’t trust.

“Sinabi niya gusto niya raw ako…” maliit ang tinig ko nang sinabi ko iyon.
“Sabi niya nga rin sa akin. Matagal ko nang halata. Tagal din niyang inamin…” he said matter of factly.
“Talaga? Bakit mo sinabi sa aking ideal girl ng kuya mo si Katarina?”
Nagkibit siya ng balikat. “Bago ka dumating, nag-usap kami tungkol riyan. He said his ideal girl is kind, gentle, easy to be with, magaling magluto, maganda… Nagtanong ako kung tulad ba sa kababata naming si Katarina. Sagot niya, parang ganoon.”

Umismid ako. I’m not kind… I’m not sure if I’m gentle. And I’m pretty sure I’m not easy to be with. Nairita tuloy ako sa naging sagot.

“Pero iba parin talaga kapag gusto mo na ang isang tao. Kahit gaano kasalungat sa gusto mong maging girlfriend, wala kang pakealam…”
“Are you saying that I’m not kind, gentle, and easy to be with, Jack?” iritado kong baling sa kanya.

He held his hands up as a shield from me.

“Hindi sa ganoon, Snow,” sabay tawa niya.

Pinalagpas ko lamang iyon. Tutal kahit paano’y may punto nga siya. Kahit ako, hindi ko naman ideal man si Sibal. Hindi ko na rin iyon inalintana. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagustuhan ko siya.

Tuwing tapos na ang aking huling klase ay kinukuha niya pa ako sa aking classroom. Jack would smirk everytime he sees us together. Hindi ko na rin masyadong nakikita si Katarina na kasama niya but I’m sure when they’re in their classroom, nagkakausap naman sila.

“Uuwi ka na?” tanong ko nang nakababa ang salamin sa aming Expedition.
“May tatapusin pa akong plates sa loob. Naroon ang ilang kaklase ko,” ani Sibal.

Bumagsak ang balikat ko. Gusto ko siyang ihatid na lang sa kanilang bahay ngunit kung may gagawin pa siya ay wala na akong magagawa.

“Okay…” sabi ko. “Uuwi na ako…”
Tumango siya at ipinakita ang kanyang cellphone. “Ititext kita pagkaalis mo.”

Umaliwalas ang mukha ko. Hindi ko inasahan iyon. Ni nakalimutan kong pwede nga pala kaming magtext!

“Okay. Huwag ka masyadong magtagal, huh?”
“Yes, Miss President…” aniya.

Ngumuso ako at nanatiling nakatitig sa kanya. His eyes drifted on my lips pagkatapos ay nilingon niya si Kuya Lando sa driver’s seat.

Parang sasabog sa init ang aking pisngi. Pakiramdam ko ay alam niya ang iniisip ko.

“Sige na, Miss President. Para maaga akong matapos.”

Inirapan ko na lamang siya. Ang duwag talaga nito. Iniisip niya parin ba ang estado naming dalawa? Walang pake si Kuya Lando kung sakaling maghalikan kami rito.

But then I still have some modesty left, of course. Sinarado ko ang salamin at pinirmi na lamang ang mga mata sa harap.

“Tayo na, Kuya Lando…” sabi ko at tumulak na kami.

Hindi pa nakakalayo ay nakatanggap na agad ako ng text. I’m not surprised that he has my number. I have his.

Sibal:
Sarap mo sanang halikan, Miss President.

Mariin akong pumikit. Parang gusto kong manliit. Ganito ba siya kung makapagtext? He’s too straightforward!

Ako:
Bilisan mo na lang diyan at nang makauwi ka na.

Sibal:
Istrikta mo talaga, Miss President.

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Ang kulit din talaga ng isang ito.

Kumakain na lamang ako ng dinner ay nagtitext parin kaming dalawa. I suddenly wonder kung may matatapos ba ito sa lahat ng ginagawa niya.

Sibal:
Pauwi na ako, Miss President. Anong oras ka bang natutulog?

Matinding kalabog sa puso ang nararamdaman ko sa tanong niya. Seriously, what’s wrong with me?

Ako:
Depende kasi. Bakit?

Sibal:
May mga tatapusin ako ngayon. Pero kapag wala akong ginagawa, bibisita ako sa hotel n’yo.

Ako:
Tapusin mo na lang ang mga ginagawa mo. Dalawang araw na lang, change shift ka na. Makakapunta ka rin dito kapag gabi.

Days passed by, ganoon ang trato ni Sibal sa akin. Pakiramdam ko ay buhay na buhay ako araw-araw. Lalo na tuwing nasa school.

Isang araw ay dumaan ako sa kanilang classroom at nakita kong may groupings sila. Si Sibal may mga kagrupong puro lalaki. Si Katarina naman ay nasa ibang grupo at medyo seryoso sa ginagawa.

Hindi ako nakakapagtanong kay Sibal tungkol kay Katarina. Wala rin naman siyang sinasabi tungkol roon kaya hindi ko na muna siya kinulit.

“Sigurado ka bang ayos na itong dala ko?” tanong ni Brenna sa akin habang ipinapakita ang dalawang malalaking stroller bags.

Ilang araw lang naman sila rito sa resort. Busy kasi ang kanyang schedule. Pati rin si Cissy at si Bronson. Pinagkasya lang nila dahil hiningi iyon ni Tita Marem.

“Ayos na iyan…”

Actually, that’s too much. Kung ako’y ayos na sa akin ang isang stroller. Hindi na kailangang dalawahin.

“Sigurado ka? Excited na ako! I can’t wait to post pics of me in a bikini!” aniya sabay tawa.

It’s been three weeks since Sibal changed his shift. Pang gabi na siya ngayon kaya nasa opisina ako ngayon at dilat na dilat pa.

Madalas, natutulog ako pagkatapos naming magkita. Ang bitin nga, e. Mas gusto ko iyong umaga siya’t nagkikita kami laging dalawa. Ngayon sa school na lang kami nagkikita. At kung hindi ko pa siya aantayin tuwing gabi, hindi na kami magkikita rito sa hotel.

Minsan ay maaga siyang pumapasok. Minsan naman kapag maraming ginagawa ay natatagalan siya tulad ngayon.

“Excited na rin ako…” sabi ko.
“Bakit parang hindi?” ani Brenna.

Nabuhayan ako sa pamumuna niya. Agad akong tumuwid sa pagkakaupo.

“Of course I’m excited! Anong oras nga ulit ang dating n’yo ngayong Sabado?”

They’re just here for the weekends and that’s all. Mabuti na rin iyon dahil hindi ko sila maeentertain tuwing weekdays dahil sa trabaho at sa klase na rin.

“Alas kwatro! Kukunin kami ng van n’yo sa airport, ‘di ba? Ilang oras ba bago makarating diyan?”
“Isa at kalahati siguro…” sagot ko.
“Sayang at hindi kasama si Tita Marem. Gusto ko pa naman sumabay sa kanya next week kaso may shoot ako that time. Magcha-chopper pa naman iyon…”
Ngumiti ako. “Balik ka na lang next time…” pagod kong sinabi.
Nag ngising aso si Brenna sa akin. “Excited na si Bronson…”

Wala akong masabi. Pagkatapos noong mga nangyari sa amin ni Sibal, hindi na ulit ako nagkwento masyado kay Brenna. Paano ba naman kasi, maging ako ay medyo hindi sigurado sa kung ano talaga kaming dalawa.

Kumatok si Sibal sa pintuan at agad iyong umilaw.

“Bren, I need to go. Bye! I’ll sleep now. See you this Saturday!” sabi ko sabay patay agad sa tawag ng aking kaibigan.

Pumasok si Sibal. He’s already in his uniform. It’s quarter to ten. Maaga sa kanyang duty. Ngunit medyo matagal kumpara sa mga oras na dating niya noong mga nakaraang araw.

“Sinong katawag mo?” he asked immediately pagkatapos ay naglapag ng cookies at gatas sa aking lamesa.

It’s really funny. I mean… I don’t eat these before sleeping but because of him, nakagawian ko na lamang.

“Si Brenna. Iyong kaibigan ko. Kinwento ko sa’yo ‘yon, ‘di ba? They’ll be here this coming Saturday…” sabi ko.
Tumango siya. “Iyong itinerary mo para sa kanila, ganoon pa rin ba?”
“Oo. Are you free?”
“Oo. Gusto mo dalhin ko si Jaxon?”

Tumayo ako at kinagatan ang isang cookie. Tumango ako sa tanong niya.

“Mas mabuti pa…”
“Okay… Sasabihin ko sa kanya…”

Nilapag ko pabalik ang cookie pagkatapos ay pinangalahatian ko ang gatas. He smirked right after it.

He brushed the moist from the milk just above my lips. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya.

“Matulog ka na. Alas diez na…” aniya.

Nalungkot ako roon. Gabi gabi ganito ang nangyayari. Pagdating niya, matutulog na lamang ako.

“Kapag Friday at Saturday pwede akong matagal matulog…” tukso ko.
“Thursday ngayon kaya matulog ka ng maaga. Mas mabuti rin iyon para mabilis kang tumanda…” tukso niya pabalik sabay kurot sa pisngi ko.
“What?” Hinawi ko ang kamay niya.

He grinned seductively. Hinigit niya na lang ako palabas ng opisina nang napagtanto niyang hindi na naman ako aalis.

“Sige na, Snow. Matulog ka na at maaga ka pa bukas para magtrabaho…”

Kahit simpleng ganoon lang ang nangyayari sa amin tuwing duty niya ay para na akong nakahithit kung makabalik balik nito tuwing umaga. Nangingiti ako lagi kahit na mag-isa lamang ako.

Si Kuya Lando ang naghahatid sa akin patungo sa school. Si Sibal naman ay nasa gate nag-aantay sa pagdating ko tuwing alas onse y media ng tanghali.

Everytime he spots our Expedition, he’d open the passenger door para makalabas na ako.

“Thanks…” I said and went out of the car.

Of course I don’t think people would question our closeness. Alam naman din ng lahat na nagtatrabaho siya sa amin kaya hindi na nakapagtataka kung pagsilbihan niya nga ako ng todo.

Alas syete ng gabi at kumakain ako ng dinner nang biglang may tumayo sa harap ko. I am so surprised to see Katarina in front of me.

She’s wearing her usual white dress. Her hair is tied in a pony tail and her side bangs parted in a perfect way.

“Katarina, anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
“Mag-usap tayong dalawa…” mariin niyang sinabi sa akin.

Luminga linga ako at nakita ko si Kristina sa counter. Nanliliit ang mga mata niya habang nakatingin sa aming dalawa. Naroon din si Rolly, mukhang nagtataka sa biglaang pagpunta ni Kristina.

Si Kuya Viktor ay nasa paligid lang.

Nag-angat muli ako ng tingin kay Katarina. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Nag-uusap na tayo…” sabi ko.

Kitang kita ko ang iritasyon sa kanyang mukha. I can even see the sides of her eyes moist because of unshed tears. What is this?

I don’t want to be rude to her. Wala siyang ginawang masama. Maaring nagselos ako sa kanya noon ngunit sa nagawa ni Sibal sa kanya, kung pinaasa siya nito, maaring tunay na nasaktan si Katarina.

“Ang tagal kong kinimkim nito, Snow. Ngayon, hindi ko na kaya!” sigaw niya.

Some waiters went to us. Paano ba naman kasi’y tumataas ang boses niya.

“Ryan, leave us. It’s okay…” sabi ko.

Tumango ang waiter at pansamantalang umatras dahil sa utos ko. Tinuro ko kay Katarina ang upuan. Kung nakaupo siya, hindi siya threat tingnan. Pero dahil nakatayo siya, hindi maganda ang impresyon ng mga tauhan ko sa kanya.

“Anong kinikimkim mo?”
“Kayo na ba ni Sibal?” agad niyang tanong.

I don’t know about that. I have no proper answer but whatever’s going in between us right now is just fine with me.

“Oh, I think I get this. Is this about him courting you?” tanong ko. I don’t want to sound rude but I still did. I don’t know how to break it to her gently. “Kung may problema kayo ni Sibal, better tell him instead. Huwag ako dahil wala akong maitutulong sa’yo…”

Lumandas ang luha sa kanyang mga mata at agaran niya iyong pinunasan. Nasindak ako roon. Natigil ako sa pagsasalita.

“Alam mong nililigawan ako ni Sibal noon, bakit patuloy kang lumalapit sa kanya? Huh?” she cried.

Wow. This is so long overdue. It’s been almost a month!

“Hindi ako lumalapit sa kanya, Katarina. It’s his duty to serve me-”
“Ginagamit mo iyang kapangyarihan mo para lang pagsilbihan ka niya!” paratang niya sa akin.

I don’t want to be rude pero masyado naman yata siya kung makaparatang. Tumayo ako para maharap ko siya.

Why is she so hysterical now? Did Sibal ever tell her the truth? Or… baka naman pinaikot siya? Baka pinaikot kaming dalawa? Sa puntong iyon ay mas lalo lamang akong nagalit!

“Bakit ako ang inaaway mo ngayon, kung ganoon? Doon ka sa kanya ngumawa, Katarina! Hindi ko siya pinipilit kapag ayaw niya-”
“Alam mong nanliligaw siya sa akin, bakit mo siya pinatulan? You have no respect at all!” she spat.
“I did not want him to go near me, Katarina. Bakit sa akin ka nagrereklamo at bakit hindi kay Sibal?” sigaw kong muli.
“Dahil ikaw ang babae. Ikaw ang dapat na umiiwas kung alam mong may nagmamay ari na sa puso ng lalaki. Pero iba ang ginawa mo. You are just like your Tita-”

I did not let her finish. Agad ko na siyang sinabuyan ng tubig sa galit ko. Mabilis ang hininga ko. Natauhan lamang nang nakita kong basang basa siya dahil sa ginawa ko.

“Layuan mo siya habang maaga pa. Kung talagang mahal mo siya, layuan mo siya-”
“How dare you give me that choice! That is not mine to make! Why don’t you fucking tell Sibal to stay away from me so you can benefit, huh?” sigaw ko.

Mabilis kaming pinalibutan ng mga waiter. Hinawakan ni Kuya Viktor ang braso ni Katarina.

“Bitiwan mo ako!” sabi ni Katarina kay Kuya Viktor.
“Snow!” Sibal’s voice echoed on the whole West Coast restaurant.

Natauhan ako dahil sa tinig niya. Agad niyang dinaluhan si Katarina na ngayon ay umiiyak dahil sa ginawa mo. He then eyed me coldly.

“Snow… Anong-”

Hindi ko na siya pinatapos. Tinalikuran ko na agad silang dalawa at nagmartsa na ako paalis doon.

Kung may problema kayong dalawa, ayusin ninyo iyan. Labas ako riyan. Huwag n’yo akong isali. Hindi ko kailangan ng dagdag pang problema pagdating sa inyo.

Kahit na ganoon ang iniisip ko, pagdating ko sa elevator ay para parin akong nawalan ng lakas. What the fuck was that? Did he two time us?

Mabilis akong pumasok sa kwarto. Bumagsak ako sa aking kama at binaon na lamang ang ulo sa aking unan.

Did he two time us? Did he make her believe that we’re actually nothing?

Nabilog niya ba ako ng husto?

Fuck!

Halos ihampas ko ang ulo ko sa unan dahil sa nangyari. Tita Marem’s voice echoed on my mind. My happiness is does not come from other people. My happiness definitely doesn’t come from him!

Tumunog ang alarm ng pintuan hudyat na may nagbubukas noon. Agad akong bumangon at umatras sa aking kama. Kinuha ko ang dalawang unan na naroon.

Nang nakita ko si Sibal sa aking harap ay agad ko siyang pinagbabato ng mga hawak kong unan!

Ang unang unan ay nailagan niya. Tumama iyon sa salamin. Sa sunod kong bato sa kanya ay natamaan ang kanyang baywang. Inubos ko ang apat ngunit hindi siya natinag sa pamamato ko.

“Umalis ka rito!” halos mapaos ako sa sigaw na iyon.

Kitang kita ko ang frustration sa kanyang mukha habang lumalapit siya sa akin. Takot na takot ako sa paglapit niya. Hindi ko kayang lumapit pa siya. Pakiramdam ko ay mabibilog niyang muli ako. Ayaw ko ng ganoon!

Tinulak ko siya ngunit hindi siya nagpatinag sa akin. Sinampal ko siya. Nag-iwas lamang siya ng tingin at pumikit.

“You two timed us!” sigaw ko.
Umiling siya.
“Napakasinungaling mo! Napakasinungaling mo!” paulit ulit kong sinabi sabay tulak sa kanya.

I believed. That’s what’s sad. Hindi si Katarina ang problema ko. Si Sibal mismo ang problema ko. Dahil napaniwala niya kaming dalawa.

“Ano? Bakit siya sumugod? Kayo pa? Huh?” sigaw ko sabay tulak muli sa kanya.
“Hindi kami, Snow…”
“Talaga? Sinong niloloko mo? Huh?” nanginig na ang boses ko habang sumisigaw sa kanya.

I can only imagine what Papa’s gone through when he learned that my Mom cheated. Paano niya kaya iyon hinandle?

“Wala kaming relasyon na dalawa. Hindi kami nagkaroon ng relasyon kailanman…”

Like I would believe that bullcrap, right? Hell, I won’t believe that!

“Gusto niya lang na lumayo ako sa’yo… Ganoon ka rin sa akin…”
“Bakit? Anong rason? The only fucking reason I could think about is because you are in a relationship, that’s why!” sigaw ko. “She’s bitching about you courting her while I’m flirting with you. Iyon lamang ang tanging rason na nakikita ko, Sibal!”

Pagod niya akong pinagmasdan. Hindi ako mapakali. Nangingilid ang luha sa aking mga mata. There’s probably no reason that can convince me right now. It’s clear. He two timed us!

“Gusto niyang maisip mo ito at lumayo ka sa akin…”
“Hindi ko maintindihan-” sigaw ko na agad niyang pinutol.
“Usap usapan na ang pagbabalik ng Tita Marem mo, Snow! Magagalit iyon kapag nalaman ang tungkol sa ating dalawa!” tumaas ang boses niya para makain ang mga sigaw ko.
“I don’t believe that… You’re making this up…” may pag aalinlangan kong sinabi.

Pumikit si Sibal ng ilang sandali bago niya ako binalingan. His tired eyes makes me want to believe him.

“Ayaw kong sabihin sa’yo ‘to, Snow. Pero kung magagalit ka sa akin dahil hindi mo alam ang totoo, sasabihin ko…”

Hindi ako nakapagsalita dahil sobrang seryoso ng kanyang mukha. Is he exaggerating things? So what if Tita Marem will get mad? He’s chickening out! Syempre, magagalit iyon. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang iibig ako sa isang bellboy na tulad niya.

“Is this about our social status, Sibal? Magagalit si Tita Marem, oo, pero wala siyang magagawa! This isn’t enough reason for Katarina to come here and shout at me!” giit ko.
“Mawawala sa akin ang trabaho na ito, Snow… At maaaring pati ang hanapbuhay ni Papa kapag nalaman ni Maria Emilia na may relasyon tayong dalawa…”

Umiling ako. I still don’t get it. I don’t believe him!

“Katarina is just concerned. Kung tunay na may relasyon kami, noong una pa lang dapat sinugod ka na niya. Ngayon ka pa lang niya sinugod nang usap-usapan na ang pagbabalik ng Tiyahin mo…”
“I don’t believe you… No…” Nangilid ang luha ko.

It’s really not enough reason to believe. Umiling ako habang lumalandas ang luha sa aking mga mata. Kumunot ang kanyang noo at mas lalong lumapit sa akin.

Umatras ako at nang nasandal na sa dingding ay tinulak ko na lamang siya para makalayo siya.

Sinubukan niyang palisin ang aking luha ngunit tinampal ko ang kanyang kamay.

“Leave! I don’t believe you! I don’t believe you! That’s not enough reason! You are lying!” paratang ko.
“Miss President, please…”
“Please leave, Sibal! I want you to fucking leave!” sigaw ko.

Pumungay ang kanyang mga mata. Tila antok at pagod na pinaghalo.

“Si Papa ay tinanggal sa Philippine Navy dahil sa kagustuhan ng Tiyahin mo…” he said even when I already want him to shut up.
“Liar!”
“Nagtayo siya ng negosyo na pinasarado rin ni Maria Emilia. Ang tanging pinahintulot lang ng Tiyahin mo, Snow, ay ang pangingisda niya.”
“Liar… Why would Tita Marem do that?” humikbi ako sa galit ko sa kanya.

Ayaw kong maniwala. Hindi iyan totoo.

“Ayaw kong malaman mo ito galing sa akin, Snow. Pero ayaw ko ring ganito tayong dalawa. Hindi ako makakatulog kapag galit ka sa akin…” aniya.
“I don’t believe you! You are making this up…”
“Sana nga ay gawa gawa ko lang ito…” He smiled weakly.

Hinaplos niya ang aking pisngi. Nanlalamig ako ngunit nang naramdaman ko ang kanyang palad doon ay parang guminhawa ang pakiramdam ko. Mainit ang kanyang kamay. It brings me so much comfort.

“Believe me, please… I don’t want us to fight…” bulong niya.

His nose touched mine. Umiling muli ako.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.