Scorching Love – Kabanata 17

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 17

Kabanata 17
Enough

Kung nakatulog man ako, marahil dahil iyon sa alak. Ngunit pagkagising ko agad, muli kong binalikan ang nangyari kagabi. Iyong mga mata ni Sibal, iyong mga nasabi ko sa kanya. Naisip kong baka panaginip lang ang lahat ng iyon. Naisip ko na baka hindi totoo iyon.

Bumangon ako at inapakan ang lugar kung saan ako tumayo at naghintay ng kanyang halik. Hinawakan ko ang aking labi at ramdam na ramdam ko parin talaga ang kabog ng puso ko at ang diin ng kanyang malalambot na labi sa akin. I’m sure it wasn’t a dream!

Kung ganoon, tama lamang ang mga tanong ko. Why did he want to mislead me? He wants me to believe that he likes someone else. Bakit? Ano ang problema kung malaman ko na gusto niya rin ako?

I explored the possibilities on my mind. Naputol lamang ang pag-iisip ko nang tumawag si Tita Marem para sabihin sa aking bisitahin ang mansyon at magdala ng tao para linisan dahil maaaring uuwi siya rito anytime this month at doon siya tutuloy.

Pagkatapos kong kumain ng almusal ay nagdala ako ng dalawang housekeeper patungo sa mansyon. It’s only a few steps away from the hotel. Pagkatapos ng ilang hakbang ay may isang malaking gate. Ang mga dingding ay napapalibutan ng cobblestone. Unlike some mansyon here in Costa Leona, it is still well tended.

Nag-aagaw ang buhangin at bermuda sa inaapakan ko ngayon pagkatapos kong buksan ang gate. Tanaw ko agad ang spanish inspired mansion namin. The roof is coral-colored and the concrete walls is colored cream. Ilang beses na itong na renovate. Sa pagkakaalala ko ay hindi ito ganito noon. It’s still as grand but it isn’t this contemporary before.

“Kailan ito huling inayos ni Tita Marem?” wala sa sariling tanong ko kay Kristina. Isa siya sa dinala ko roon para maglinis.
“Two years ago, President…” aniya.

Tumango ako at nagpatuloy sa paglakakad. Mamasa masa ang bermuda nang inapakan ko iyon. Umambon yata kaninang madaling araw.

May security guard sa malayong gate nito. Umamba itong lalapit sa amin para siguro’y kumustahin ako.

“Magpapalinis ako ngayon, Manong. Utos ni Tita Marem…” salubong ko.
Tumango siya. “Nililinisan naman ito madalas ng mga taga housekeeping, President, pero hindi iyong linis na gusto ni Madame Maria Emilia…”
“Iyon nga ang nasabi niya kaya narito sila ngayon para maglinis ng mabuti…”

Sa ilang buwan kong punta rito, hindi ko nabibisita itong mansyon. Masyado kasi akong abala.

Kristina and her partner open the patio door widely. Agad hinipan ng hangin ang mga puting kurtina roon. Hinawi ko agad iyon para makita ko ang kabuuan ng sala. Halos ganoon ang muwebles. I’m impressed that the interior is almost the same.

Naalala ko pa kung paano ako tumakbo takbo rito noon habang si Kael ay nag-aaral pa lang maglakad. Tiningnan ko ang karpetadong sahig at napansin na pati iyon ay pareho lang sa naaalala ko. Nilingon ko ang tanawin sa labas. Ang mga halaman sa isang clay jar ay maayos na. Noon ay pinapalibutan lamang iyon ng korales, ngayon ay nasa jar na. Ang hardwood floor ng patio ay matibay parin hanggang ngayon. Ang mga puting victorian styled outdoor chair ay tulad parin ng dati, intricate ang disenyo at ni isang kalawang ay wala kang makikita.

Naglakad ako papasok sa bahay. Ang dalawang kasama ko ay nagsisimula nang maglinis. The grandiose staircase made me imagine my childhood. How I’m almost always isolated here. Tuwing nag-aaway sina Mama at Papa sa kanilang kwarto ay nasa mga palapag ako nito at umiiyak.

Lumapit ako sa aming grand piano. I remember how my mother taught me how to play. She said a girl should learn how to play even just one instrument.

Binuksan ko iyon at nakita kong may tatlong keys roon na nawawala. Ngumiti ako at pinindot ang isa.

“President, pati ba ang kwarto ay lilinisan?” tanong ni Kristina.
“Please. Huwag n’yo na lang galawin ang gamit ni Tita Marem at baka magalit pa siya…”
“Yes, President…”

Sinarado ko ang grand piano at dinala ang mga mata sa nakapatong na mga kuwadro roon. Naroon ako at si Kael. Pareho kaming masaya habang nakasuot ng mga party hat. Naroon din ang iilan kong pinsan. Minsan noong bata pa kami ay nakatira kami rito kaya narito kaming lahat.

Sa gitna ay ang family picture nina Papa. Si Papa ang eldest, pagkatapos ay si Tita Marem, at si Tito Solomon.

Tumingala ako sa dingding. Hardwood iyon at nakasabit ang iilang picture ni Lolo. Nangangaso siya sa mga picture na iyon. He’s holding what seems like a rifle with his other friends.

Mas malaki pang kuwadro ang may laman na picture doon ng pamilya ni Lolo. With my great Grandma and Grandpa. And then the biggest picture, of course, is my Lolo’s picture above. He’s wearing a uniform with an insignia on his left chest. Below it is his name.

Admiral Rodolfo Sandalio Galvez

Lalapitan ko pa sana ang dingding para makita pa ang iilang picture na hindi ko naman nakita noon nang nahagip ng aking siko ang isa sa mga kuwadro ng nasa piano.

Sinalo ko iyon. Mabilis ang pintig ng aking puso sa takot na mabitiwan ko iyon.

Nang nasalo ay tiningnan ko muna bago ibinalik. It’s a class picture with a 19 something batch below. Mukhang High School yata ito na picture. Sino kaya ang mga narito? Is it my Dad’s? Tito Solomon? Tita Marem?

Hinanap ko ang pwedeng maging naroon at nang nakita ko ang isang batang Tita Marem, she looks like me by the way, huminga na lamang ako ng malalim.

“Buti ‘di ka nabasag. Patay ako kay Tita…”

Nilapag ko iyon sa taas ng piano at ilang sandali pang tiningnan. Nilapitan ko ang picture na iyon.

“I really look like her, huh?”

Hooded eyes, narrow nose, thin lips, and straight long hair. Ibang pagkakaparte nga lang. Sa akin ay side parted samantalang ang kanya ay sa gitna. Lumipat ang tingin ko mga lalaking nasa taas, nakatayo. Nagulat ako nang ang nasa tapat niya roon ay kamukhang kamukha ni Sibal.

Even at the distance, I can see the strange color of his eyes. His hair is more thick than Sibal’s but his eyebrows look the same! He’s smirking. Very unlike Tita Marem’s cold expression!

“Kristina…” tawag ko at nilingon siya.

Nagwawalis siya sa sahig. Binalik ko ang tingin ko sa kuwadro.

“Si… Papa ba ito ni Sibal?” tanong ko.

Akala ko’y lalapit siya ngunit agaran ang pagsagot niya.

“Si Tito Achilles po ba? Oo…” kumpirma niya. “Siya ‘yan…”
“Classmate sila ni Tita Marem noon? Kaya pala magkakilala sila…”

Hindi na ako kinausap ni Kristina. I get that she’s probably so busy cleaning.

Lumapit pa ako sa iilang mga kuwadro. Never did I have any interest in looking all these pictures until now. May isa pang medyo malaking kuwadro roon. It’s a picture of my Grandma, Alondra, beside two other girls.

The girl on her right side looks so innocent. Jet black hair, fine skin, shy smile. The other girl looks a bit proud. She’s smirking, with almond eyes, and better clothes. Si Lola naman ay tipid lang din ang ngiti habang nakakapit sa dalawa. Probably her bestfriends.

“Eto, Kristina, Kilala mo sila?” nang nilingon ko si Kristina ay iba ang bumungad sa akin.

Si Sibal ay nakatayo sa aking harap. Nakapamulsa at nakatitig sa akin. Halos lumundag ang puso ko.

“Sibal… nandito ka?”
“Ayos ka lang ba? Lasing na lasing ka kagabi…”

Sunday ngayon. Hindi niya duty. Hindi rin yata duty ang sadya niya dahil hindi naman siya naka uniporme. Just his usual faded jeans and black shirt.

“Ayos lang ako…”

Sumulyap ako kay Kristina sa likod nang napansin ko ang pag-iling niya.

“Kristina! Tulungan mo naman ako dito! Iuusog ko itong lamesa kaso sobrang bigat!” sigaw ng isa pang housekeeper na dinala ko.
“Nagdala ka ng maglilinis dito ngunit puro babae?” tanong ni Sibal sa akin.

That did not cross my mind. I’ve forgotten that most furniture here are made of hard wood kaya medyo mabigat.

“Oo nga pala… Tatawag ako ng pwedeng lalaki…” sabi ko.
“Ako na ang tutulong…” ani Sibal.
“Ngunit hindi mo duty ngayon…”

Bago ko iyon nasabi ay pinuntahan na ni Sibal ang kusina para tulungan sina Kristina. I cha-charge ko na lang ito sa kanyang overtime, I guess?

Pinuntahan ko na rin sila sa kusina. Pinanood ko kung paano niya pinagsabihan ang dalawa na siya na ang bahala.

“Sibal, tutulong kami…” ani Kristina sabay hawak sa dulong parte ng mesa.

Dahil sa bigat ay konti lamang ang naangat nila. Ngunit natulungan parin nila si Sibal sa pag-usog nito.

His biceps flexed when he lifted the table. Bumuntong hininga sina Kristina pagkatapos.

“Salamat…” sabi ko kay Sibal.

Nang nagtama ang tingin namin at lumapit siya ay doon ko lamang napagtanto ang lahat. We kissed last night! I kissed him. He kissed me…

Uminit ang pisngi ko habang naiisip ko iyon. I can’t get over his tender lips on mine. Nanginginig ang katawan ko habang naaalala iyon. How it’s going to feel when it’s on my cheek, or on my neck… damn it!

“Nakauwi ba sina Jack kahapon? Pag gising ko’y sinabi ni Omar naman sila…” sabi ko.
“Oo. Umuwi sila kagabi. Sinamahan ko pauwi…”
“Pasensya na kayo…” sabi ko habang umaalis sa kusina.

Sumunod lamang ako kay Sibal. Nakita kong kinuha niya ang vacuum, mukhang seryosong maglilinis siya.

“Ginabi tuloy kayo… Madaling araw pala. I just want us to have fun. Pasasalamat na rin sa kanilang pagiging patient sa akin…” sabi ko.

Hindi na siya nagsalita. He started cleaning the carpet. At dahil medyo maingay ang vacuum ay tumahimik na lamang ako. Marami akong tanong ngunit sinarili ko na lang muna iyon pansamantala.

Iniwan ko siya roon. Umakyat ako sa pangalawang palapag nang nakitang umakyat sina Kristina roon. Pinabuksan ko sa kanila ang pitong kwartong naroon. Wala naman masyadong alikabok sa labas. Sa loob ng mga kwarto ay marami. Marahil ‘di nga iyon nililinisan sa takot na may mawalang gamit at sila pa ang mapagsabihan.

Nagpatawag ako ng pang tanghalian. Tumigil kami ng nag alas dose para kumain ng saglit. Tahimik si Sibal at medyo dumaldal si Kristina at iyong isang housekeeper.

“Ang tagal ko nang pinangarap na makakain sa isang engrandeng dining table!” aniya.
“Ano ka ba, Zai. Nakakahiya kay President…”
Ngumiti lamang ako sa kanila. “May pagkakaiba ba ang kumain sa engrandeng lamesa sa hindi engrandeng lamesa?”
“Mayroon, syempre, President! Ang engrandeng lamesa, pakiramdam mo prinsesa ka tulad mo. Sa ordinaryo, para ka lang ding ordinaryong mamamayan.”
“Ordinaryo lang din naman ako…” sambit ko.

It made me think. Is money the only reason to feel like you’re a princess? No… Love makes you feel you’re special. Not the material things. People seem to have different views when it comes to this. Siguro ay dahil hindi pa nila iyon nararansan. Ako na nakararanas halos araw-araw ay alam ang kulang sa aking buhay.

“Hindi, President. President ka, e. Paano magiging ordinaryo!”

Kumunot ang noo ko at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Sibal is beside me, eating, too.

“Ikaw Sibal, nakakain ka na ba sa iang magandang lamesa?” tanong noong housekeeper.
“Wala namang pinagkaiba,” ani Sibal. “Kung hindi masarap ang luto, doon lang may pagkakaiba…”

Tumawa si Kristina at tumango.

“Tama si Sibal, Zai. Iyon lang talaga ang importante. Kahit sa lamesang kawayan basta ba masarap…”
“Sus! Kayong mga lalaki, pagkain lang talaga ang inaalala n’yo. Kailangan mo ng magaling magluto na asawa, kung ganoon. Magaling bang magluto si Katarina?”

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. The first time I saw Sibal and Katarina together, I already concluded something. Paano na lang iyong mga taga Costa Leona? Malamang ay ganoon na rin ang iniisip nila.

“Magaling magluto si Katarina…” ani Sibal.

Nanatili ang mga mata ko sa pagkain. Hindi na ako makangiti. Ni hindi ko alam kung kaya ko pa ba silang tingnan.

“O… Kaya pala gusto mo siya?” tanong ng housekeeper.
Tumawa si Sibal. “Anong klaseng gusto?”
“Gusto… as in? Bakit? Hindi mo ba siya gusto bilang girlfriend?”
“Magkababata kaming dalawa. Syempre, gusto ko ang kababata ko.”
“Anong sagot iyan, Sibal? Nabanggit ni Katarina sa akin noon…” si Kristina na ngayon. “Na kapag tumanda kayo’t ‘di mo nahahanap ang babaeng mamahalin mo ng husto ay si Katarina ang pakakasalan mo?”

Fuck. He said that? Para akong hindi nakahinga sa narinig.

Uminom ako ng tubig pagkatapos ay tumayo.

“Babalik muna ako sa hotel. May kukunin lang ako. Babalik din agad ako rito. Kristina, kayo na ang bahala sa mga gawain. Sibal, pakitulungan sila sa paglilinis at idadagdag ko rin ito sa overtime mo…”

Hindi na sila nakapagsalita nang tinalikuran ko. Ang bigat bigat ng puso ko habang naglalakad pabalik sa hotel.

Wala naman akong gagawin doon pero hindi ko kayang marinig ang mga sasabihin pa nila. Nang nakalapit ako sa gate ay nagpasya akong hindi na muna bumalik sa hotel. Nakita ko ang limang lounger sa tabing dagat. May mga nakatiklop na payong sa kanilang gilid.

Ang isa roon ay inayos ko para makapagpahinga ako sa ilalim nito. I removed my slippers and feel the fine sand on my feet. Pagkatapos ay sumalampak agad ako sa lounger at pilit na pinikit ang mga mata.

I’m trying to figure him out. Kung naisip niyang pakasalan si Katarina pagkatapos ng ilang taon, ano ang tawag niya sa ginawa niya sa akin kung ganoon? He said he likes me… Gaano niya ako ka gusto? He likes Katarina, too. Is he fucking two timing?

Dalawa kaming gusto niya? Ano siya siniswerte? Nakapa paasa niya talaga!

Come on, Snow. You’ve been with playboys and you’re sure he’s playing! It’s right in front of your face, bakit hindi ka parin nakukumbinsi? Bakit tila linta ka paring nangangarap na makadikit diyan?

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kinusot ko ang mata ko at minasahe na lamang ang buong mukha.

Magkakasakit din yata ako, tulad ni Papa. Nakakastress pala talaga rito sa Costa Leona. Konti na lang at papayag na akong si Tita Marem na lang ang gumawa ng lahat.

Nakaupo ako roon ng mahigit tatlong oras nang biglang may bumasag sa katahimikan. I heard footsteps behind. Before I could look back, lumagpas si Sibal sa aking lounger, he removed his slippers. He’s walking barefoot and topless in front of me…

Kumikislap ang pawis sa kanyang balat. Mukhang katatapos lang nilang maglinis.

“Tapos na kayo?” malamig kong tanong at bumangon.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumaba ang kanyang pantalon.

“What the hell are you doing?” pasigaw kong tanong sabay iwas ng tingin.
“Pawis na pawis, Miss President. Maliligo lang ako…” aniya at agad na pumunta sa dagat with only his black boxers!

Matalim ko siyang tinitigan habang lumalangoy na sa malayo. Bakit kayang kaya niya talagang guluhin ang utak ko?

Umahon din siya, hindi nagtagal sa dagat. His muscles is dripping with sea water. His pecks and abdominal muscles look like it’s sculpted. Nag-iwas lamang ako ng tingin.

What’s it with him? His face? His body? I don’t really understand. I don’t know!

Ginulo niya ang buhok niya nang nakalapit sa aking lounger. Akala ko’y uupo siya sa tabing lounger ngunit tumigil siya sa harap ko. Bahagyang nabasa ang binti ko ng tubig galing sa ginugulong buhok.

“Nandito ka buong hapon?” tanong niya at umupo sa gilid ng aking lounger.

Umusog ako para hindi ko siya masagi. Umangat ang gilid ng kanyang labi sa ginawa ko.

“Oo…” malamig kong sagot.
Huminga siya ng malalim. “Hindi ka pumuntang hotel?”
“Hindi. Bakit ka nagtatanong?” pabagsak kong tanong.

His lips twitched as if he wants to hide a smile.

Leche ka, Sibal. Bakit ang guwapo mo? Uminit ang pisngi ko at muli’y nag-iwas ng tingin. Halos mabutas ko ang gilid ng lounger nang pinaglaruan ko ang foam nito.

“Galit ka ba?” tanong niya.
“Hindi. Ba’t ako magagalit?”

Naiinis na ako. Pwede bang magsabi na lang ng totoo? But my pride didn’t let me. Of course not! At kapag magtatanong siya kung bakit ako galit, aamin muli ako? Ilang beses akong aamin bago niya maintindihan ang nararamdaman ko? Na nagseselos ako at bullshit siya dahil gusto niya kaming dalawa ni Katarina.

Bumangon ako para sana umalis doon sa tabi niya at iwasan siya ngunit nilagay niya ang isang kamay niya sa gilid ng lounger, tila kinukulong ako.

Pinandilatan ko siya.

“Anong ginagawa mo?”

Tinagilid niya ang ulo niya at mataman akong tinitigan. Damn his eyes! Damn him!

Nang nilapit niya ang kanyang mukha sa akin ay gusto ko nang magpumiglas. Gusto ko siyang itulak. A two timer can’t kiss me! I don’t want to be fooled! Ngunit sa utak ko lang iyon lahat. My body is submitting everything. My body is a traitor.

I let him kiss me again. At traydor na nga’ng sobra sobra dahil nabitin pa ako sa isang dampi ng halik niya. Mas lalo lamang akong nagalit. Tinulak ko ang kanyang dibdib palayo sa akin.

“Ano ka ba, Sibal? Kung gusto mo ng halik, huwag ako! Doon ka nga kay Katarina! Willing iyong magpahalik!” sigaw ko.

Damn! What the hell, Snow?

He now sported an amused grin. I hated it so much. I want to just slap him!

“Magkaibigan lang kami, Miss President,” aniya.
“Sinungaling ka. Magpapakasal pala kayo! Doon ka na sa kanya!” Tinulak tulak kong muli siya.

Hinagilap niya ang kamay ko at binaba niya iyon sa aking hita. Nag-aalab sa galit ang mga mata ko habang tinitingnan ko siya.

“Sa kanya iyon, Miss President.”
“Hindi ba gusto mo nga siya?”

Dumilim ang kanyang mukha. His eyes looks so strange. I should be scared not but I’m not. I only felt guilt. Dapat ay ‘di ko na sinabi iyon. Pakiramdam ko’y ginalit ko lamang siya.

“Gusto ko siya bilang kaibigan. Sinabi ko lamang iyon sa’yo para ganoon ang maisip mo. Gusto kong umiwas. Ginigising mo ang iba’t ibang emosyon sa akin. Ang mga emosyong kahit ang pamilya ko’y hindi pa nakikita, Snow.”

Nagtiim-bagang ako sa sinabi niya.

“Pinaniwala mo ako na gusto mo si Katarina! Niligawan mo pa siya!” Fuck why am I saying all of these.
Humalakhak siya. “Pasensya na’t naduduwag talaga akong mahalin ka… Mas gugustuhin kong maniwala ka na mahal ko si Katarina.”

Sinampal ko agad siya. Ang sakit sakit ng puso ko habang sinasabi niya iyon at parang wala lang iyon sa kanya!

“Kapag ‘di ako dumating dito, baka talagang naging kayo nga, hindi ba? Kaya hindi mo na kailangan pang magsinungaling, Sibal!” giit ko. “You like her. You just changed your mind because I came!”
“I like her as my companion. Tulad mo, hindi ako naniniwala sa pag-ibig tulad ng mga nasa libro at TV. Ang pinapaniwalaan ko ay pagmamahal bilang kaibigan…” titig na titig siya habang sinasabi niya iyon. “Noong nakilala kita, napatunayan kong tunay iyon. Dahil kung hindi, bakit pa ako narito?”
“Liar…” I said softly.

I’m melting like a fucking ice near a very hot sun.

“Kung gusto kong tunay si Katarina tulad ng pagkagusto ko sa’yo, bakit hindi ko siya niligawan bago ka dumating?” aniya.

Nanghina ako sa sinabi niya.

“Ngayon, hinding hindi kita papakawalan kahit anong mangyari…”
“Iniwasan mo ako. Anong hindi papakawalan? Kung hindi kita hinalikan kagabi, hindi ko malalaman na…”
“Kung hindi mo ako hinalikan kagabi, ako ang humalik sa’yo…” aniya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Nanatili naman ang mga mata niya sa akin. His breathe attacking my cheek.

“Kailangan kitang iwasan… Kailangang kailangan. Hindi ko lang magawa dahil gustong gusto kita…” bulong niya sabay halik sa aking pisngi.

Napapikit ako pagdampi ng kanyang labi.

Damn it!

“Mayaman ka. Mahirap ako.”

Iyan ba ang dahilan ng pag-iwas niya? I never really thought that social status is such a big deal. Sabi sa movies, big deal daw iyon. Ngayon, totoo pala talaga.

Nilingon ko siya. “Importante ba iyon?”
Malungkot siyang ngumiti. “Hindi mo lang alam… Pero bahala na… Gustong gusto kita, Miss President.”

His jaw clenched. Nararamdaman ko ang pagbabawal niya sa kanyang sariling gawin ang isang bagay. Hinawakan ko ang kanyang panga.

“Huh? Gaano ka gusto?” tanong ko.
“Gustong gusto. Kaya kong maghirap habang buhay, makasama lang kita palagi…”

Ngumiti ako. Hindi ko hahayaan iyon.

Tinagilid ko ang ulo ko at hinalikan ko ang kanyang labi. Hinawakan niya ang aking braso. Ako naman ay nakahawak sa kanyang dibdib. His kisses were like no other. I feel like I have never really kissed someone wholeheartedly until I met him.

“Enough…” bulong niya at bumitiw sa paghalik sa akin.

Mabibigat na ang hininga ko at muli’y hinalikan siya. He gave in and then he ended the kiss again.

“Enough, Snow…” malambing niyang sinabi.
“You said you like me very, very much…” bulong ko pabalik at muli’y dinampian ang kanyang labi.
“I don’t want to be a cradle snatcher. Hindi ko alam kung makakapagpigil ako sa’yo kung masyado kang agresibo…”
Ngumuso ako. “You’re not going to be a cradle snatcher, Sibal. I’m almost out of the cradle you’re talking about…”

Tumawa siya at nagtaas ng kilay sa akin.

“Talaga, huh? Napakaagresibo mo, hindi halata sa’yo…” aniya.

Now I wonder how he liked me. I’m very, very hard on him. Istrikta akong boss. Madali pang magalit.

“Ano bang nagustuhan mo sa akin, kung ganoon?” napatanong ako.

Tinitigan niya lamang ako. Tila siya’y nag-iisip din kung ano nga ba.

The first time I met him flashed on my mind. Iyong nakahilera rin sila sa hall at tinitingnan ko siya. His smirk flashed on my mind.

Ako… anong nagustuhan ko sa kanya? Ewan ko. Gustong gusto ko lang din talaga siya. Damn!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.